Chapter 12
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: katrinabenitez31
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 12
Chloe's PoV
"Auntie magkikita po kami ng mga kagroup mates ko sa school. M-May tatapusin lang po kaming project."
Dahilan ko kay Auntie. Grabe, napapadalas na ang pagsisinungaling ko kay Auntie. Hindi man tama pero kailangan. Kakatapos ko lang kasi ngayon mag-ayos at magbihis ng panlabas. Kasi nga, magkikita kami ni Alfred sa waiting shed nitong Village.
"Ganun ba, sige, basta siguraduhin mong makabalik ka bago mag alasais. Magtratrabaho ka pa." bilin naman ni Auntie.
"Opo." Sagot ko at tumango.
"Sige alis na po ako." Paalam ko kay Auntie.
"Sige Chloe mag-ingat ka sa daan." Sagot naman ni Auntie.
Lumabas na ako ng apartment. Naglakad na ako papuntang gate nila. Lumabas na ako at nagtungo sa daan papunta sa unang waiting shed nitong village. Saktong 8 o'clock na ng makaalis ako ng gate.
Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid nitong village. Grabe, ang lilinis talaga. Ang lalaki pa ng mga bahay. Ni walang kalat na makita sa labas. Mga mabeberdeng dahon at makukulay na halaman lang ang makikita. Perilton Village. Village ng mayayaman.
Malapit na ako sa unang waiting shed ng village. Natanaw ko ka'gad ang lalaking may brown hair. Obviously si Alfred 'yon. Mag-isa lang siya sa waiting shed at nakatayo. Nakita ko din na nandon ang motor niya. Agad ko namang binilisan ang lakad papunta don.
"You're 3 minutes late." Bungad niya ka'gad sa'kin.
"3 minutes lang..." sabi ko at medyo nagpout.
"That's still late."
"Atleast I came right??" sagot ko.
"Tss. Kahit naman ayaw mo pupunta ka padin. Because you're mine."
May kung anong kuryente nanaman ang dumaloy sa katawan ko nang sabihin niya ang last sentence niya. Naspeechless ako. Natahimik ako at hindi ko na siya sinagot.
"Tara na. First date natin 'to."
Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko? Date?! Nanlaki ang dalawang mata ko with kunot noo sa sinabi niya.
"HA?!"
"Why? That's what couples do right? Nagde-date sila? Parang kayo ni Lucas hindi nagde-date dati. Tss. Stop acting so surprised."
Ang bitter ng pagsabi niya sa pangalan ni Lucas. Nga naman, k-kami na nga pala. Boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Normal na magdate kami.
"O-Okay sorry. S-Sige tara na."
Hindi niya na ako sinagot at sumakay na sa motor niya. 'Di ko na inantay na sabihin niyang sumakay ako kaya kusa na akong sumakay sa likod ko. Inabutan niya ako ng helmet at sinuot ko 'yon sa ulo ko.
Pinaandar niya na ang motor niya paalis dito sa village. Kumapit ako ng mabuti sa kanya.
First Date namin. Ni hindi man lang ako nakapag-ayos ng maayos. Akala ko kasi mag-uusap lang kami. Pero saan naman kaya kami pupunta?
Nakita ko sa kalayuan na Mall ang pupuntahan namin. Nagdrive pa si Alfred at tama nga. Mall ang pupuntahan namin. Dinrive ni Alfred ang motor papuntang parking lot. Bumaba na ako sa motor niya at iniabot ang helmet.
"Anong gagawin natin dito sa mall?" natanong ko.
"Magde-date." Simpleng sagot niya.
Napapoker face ako sa kanya habang siya pinapark ng maayos ang motor niya. Ng masigurado niyang maayos na ang motor niya may para siyang nilock. Tapos nilingon na niya ako.
"Let's go." Sabi niya at lumapit sa'kin.
Bigla na lang akong nagulat. Kung dati rati hahawakan ako ni Alfred sa braso at kakaladkarin. Iba ngayon. Nabigla ako. May kung anong malambot ang naramdaman ko sa kamay ko at humila sa akin. Ang kamay ni Alfred. Fudge! Parang nakuryente nanaman ang katawan ko sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Ano 'to? H-Holding hands?
Bigla kong hinablot ang kamay ko paalis sa kamay niya.
Napatigil kami sa paglalakad at tinignan niya ako ng masama.
"Ah-eh..."
"Why? Let me hold your hand Chloe. Couples do this."
Then again pagkatapos niyang sabihin 'yan ay hinawakan niya nanaman ang kamay ko!
Siya lang ang nakakapit sa kamay ko. Ako hindi ko kinapit ang kamay ko sa kamay niya. Hindi na ako pumalag. Parang... parang gusto ko din naman e. Malambot ang kamay niya. I don't know bigla na lang din akong kumapit. Holding hands kami... Ambilis nanaman ng tibok ng puso ko. Parang kinakabahan na ewan.
Naglakad na kami papasok ng mall.
"Tara sa second floor." Sabi niya.
Tumango ako.
Magkaholding hands padin kaming sumakay ng escalator. Nakataas na kami. Hindi ako madalas nakakapunta dito sa mall kaya hindi ko pa alam ang mga lugar dito.
Nakita kong pumupunta kami ngayon sa mga cellphones. Nakita ko si Alfred na tumitingin tingin sa mga cellphone. Bakit bibili ba siya? Pumasok kami sa isang cellphone shop.
"How much's this iPhone?" tanong ni Alfred sa saleslady dito sa cellphone shop.
May tinuro si Alfred na phone sa loob ng isang glass case.
"That's Apple iPhone5 32GB sir, worth 23,000 pesos po."
Nagulat ako sa sagot ng Saleslady. Seryoso?! Ang mahal naman. Pambayad na 'yan ng kalahating taon ng upa sa dati naming apartment. Grabe. Expensive na phone shop ata ang napasukan namin ni Alfred.
"Can we look at it?" tanong pa ni Alfred.
"Sure sir." Sagot ng saleslady kay Alfred.
Naglabas ng susi 'yung saleslady at binuksan na ang glass case ng cellphone. Nilabas niya ang cellphone na touch screen at iniabot kay Alfred.
Kinuha naman 'yon ni Alfred at parang pinag-aralan niya. Tinitignan niya ang mga features nung cellphone. Touchscreen siya na phone na color black. May tatak din ng mansanas na may kagat sa likod ng cellphone.
Nagtanong tanong lang si Alfred sa saleslady about sa phone na 'yon. Hindi ko nga maintindihan ang ibang sinasabi nila e. Kaya nanahimik lang ako at nagtingin pa ng ibang cellphones. Ang mamahal talaga ng mga cellphone dito sa napasukan namin.
"We'll take it." Sabi bigla ni Alfred.
Nilabas ni Alfred ang wallet niya at naglabas na ng mga isang libong papel. 'Di na ako nagtaka. Mayaman siya e. Siyempre kaya niyang bilhin 'yan. Iniabot niya ang bayad sa Saleslady. Nakita kong binalot na ng saleslady ang cellphone. Pinlastic na niya at iniabot kay Alfred.
"Here you go sir. Thank you and come again." Sabi ng saleslady sa'min.
Lumabas na kami ni Alfred dun sa cellphone shop.
"This iPhone's for you Chloe."
Nagulat ako at nilingon I Alfred sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko.
"F-For me?"
"Yes. My first gift to you as your boyfriend. Take it at huwag mo ng tanggihan. I didn't spend my money for that phone for nothing."
Inabot niya sa kamay ko ang plastic ng cellphone. Kinuha ko naman. Ang thoughtful niya naman pala. Naappreciate ko 'to swear. Inunahan niya ako sa paglakad.
Napangiti ako.
"Thank you!" Sigaw ko at tumakbo at hinabol siya dahil nauna siya sa paglakad.
"Welcome." Simple nanamang sagot niya.
Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na lang ang... ang kamay niya sa kabilang braso ko! Inakbayan ako ni Alfred.
Tumingala ako at tinignan siya. Nakatingin siya sa way ng paglalakad naming pero bigla niya akong nilingon. Ngumiti siya. Napaiwas ako ng tingin. At binaling ang tingin ko sa daan.
Kanina hawak kamay ngayon akbay. Fudge! His sweet gestures are killing me!
"Let's go down. Kumain na tayo."
Nakangiti akong tumango.
Masaya pa din ako sa unang regalo sa'kin ni Alfred. Goodbye lumang nokia cp ang hello new phone. Nasiyahan talaga ako sa maliit na bagay na ginawa ni Alfred para sa'kin.
Kung kanina tumaas kami ni Alfred ditto sa 2nd floor ng magkahawak kamay, ngayon bumababa kami papuntang 1st floor ng nakaakbay. Parang totoong couple lang na nagmamahalan. Coupe naman kami e, pero hindi kami nagmamahalan.
Nakababa na kami. Naglakad kami at pumasok sa isang restaurant na hindi nanaman familiar sakin.
Naupo kami sa isa sa mga bakanteng tables. Medyo kakaunti lang ang tao sa resataurant na'to at mukhang mga sosoyalin pa.
May lumapit sa amin na waiter na lalaki.
"2 orders of Chicken Katsu. 1 Lilikoi Cheesecake and 1 Chocolate Haupia pie. Iced tea na lang ang drinks." Sabi ni Alfred.
Lahat 'yon ay isinulat ng waiter sa parang maliit na notebook na hawak niya.
"Noted sir."
Umalis na ang waiter. Magkaharap kami ni Alfred ngayon.
"Try your phone." Sabi niya bigla.
"Sige." Sagot ko.
Nilabas ko sa supot ang box ng phone na binili ni Alfred. Tinulungan niya akong buksan.
Tinuruturuan ako ni Alfred kung paano 'to gamitin. At dahil matalino ako, nasusundan ko naman ang mga tinuturo niya.
"Kapag tinanong ng Auntie mo kung saan mo nakuha 'yan, just tell her that one of your classmates gave it to you."
Dahan dahan ko siyang tinanguan.
Napabuntong-hininga ako. Magsisinungaling nanaman ako kay Auntie. Napapadalas na talaga ang hindi ko pagsabi ng totoo sa kanya.
"Here are you're orders ma'am, sir." Biglang sabi ng isang waiter na may hawak ng tray.
Nandiyan na pala ang pagkain namin. Itinabi ko na ang supot at box ng cellphone na bigay ni Alfred. Nilapag na isa isa ng waiter ang mga pagkain sa table namin.
Woah. Mukhang masasarap ang mga 'to lalo na 'tong parang chicken sa bowl at may sauce. Pati 'yong parang mga slices ng cake masasarap.
Kumain na kami ni Alfred.
"Do you still think of Lucas before you sleep?"
Nagulat ako sa tanong ni Alfred habang kumakain kami.
Si Lucas ba ang nasa isip ko bago matulog kagabi? Hindi diba? Actually si Alfred ata ang iniisip ko bago ako nakatulog kagabi.
Kaya umiling ako
"Hindi na." sagot ko.
"Good." Sabi niya.
Nagpatuloy na kami sa pagkain.
After 30 mins, natapos na kaming kumain. Tumayo na kami ni Alfred. Naglakad na kami papuntang pintuan nitong restaurant.
"Thank you for eating. Come again." Sabi ng guard at punagbukas pa kami ng pinto.
Lumabas na kami.
"San na tayo?" tanong ko.
"I know a place I think we should go."
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papuntang parking lot. Pumunta na kami sa motor niya. Sumakay na kami at nagdrive na siya. Ang sarap niya palang kasama. Napangiti nalang ako bigla.
Matapos ng ilang sandali ng pagdadrive ni Alfred, nakadating na din kami ng... gubat.
Bumaba siya at pati ako. Natatandaan ko pa nung una akong dinala ni Alfred dito. Alam ko na kung saan kami pupunta ngayon.
Sa lighthouse.
Naglakad na kami papunta don.
Nakangiti akong nakatingin sa kaharap naming lighthouse ngayon. Ang laki talaga. Unang pagtaas ko palang sa lighthouse na 'to nasiyahan na ako sa gandang taglay sa taas don sa terrace.
"Let's go." Sabi ni Alfred.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Medyo nasasanay na ako sa kamay niya. Sabay kaming lumoob sa lighthouse at tumaas sa paikot na hagdan.
Ng makalabas kami sa pintuan sa taas bumungad sa'min ang terrace. Pumunta ako sa railings. Walang nagbago. Parang yung unang taas ko lang din dito. Masarao ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Ganun pa din kaganda ang view na makikita dito. Ang mga puno at ang lungsod.
"Andito nanaman tayo." Sabi ko ng nakangiti.
Nakatingin ako sa kawalan. Nakita kong tumabi sa akin si Alfred dito sa railings.
"Bakit pala tayo nandito? Diba sabi mo nandito ka lang kapag may problema ka? Yung parang dati na prinoproblema mo si Bea? May problema ka ba ngayon Alfred?" natanong ko bigla kay Alfred.
Tinignan niya ako.
"Tss. Hindi ka talaga nakikinig. I said I go here whenever I have a problem or when im happy. And now im here because... im happy. Wanna know why?"
Napatingin ako sa sinabi niya.
"Why?" curious na tanong ko.
"'Cause you're mine."
Nabigla nanaman ako sa sagot niya. Ilang beses na ba niya sinabi na sakanya ako? Lagi niya na lang sinasabi 'yan. Hindi ko alam kung kilig ba 'tong nararamdaman ko na parang kinukuryente ang katawan ko. Napatahimik ako ng ilang sandali. Nakatingin siya sa kawalan.
"B-Bakit mo nga pala nagustuhan ang s-solusyong 'yan?" tanong ko ng utal utal.
Naalala ko. Hindi niya sinagot 'yang tanong na 'yan kagabi. Kung bakit 'yon ang solusyong naisipan at nagustuhan niya para makamove on ako.
Nilingon niya ako at tinignan ng seryoso sa mata.
"Nakita ko kung paano mo pinahahalagaan ang sikreto mo. Para lang makapag-aral ka ng maayos. Nakita ko din kung paano ka masaktan nang makita mo si Bea at Lucas sa parking lot noon. Nakita ko kung paano mo sinabunutan si Bea dahil sa pag-agaw niya kay Lucas. I saw how you fought for him. Nakikita ko din kung paano ka masaktan t'wing makikita mo sila. Nakita ko kung gaano mo siya kamahal. I saw how you loved."
Natouch ako sa lahat ng sinabi niya. Naspeechless ako. Wala akong masabi.
Nagsalita pa siya.
"And that's the reason why... I think...Ah, damn."
Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Kumunot ang noo ko.
"You think?" tanong ko.
Linapit niya ang mukha niya sa'kin. Tinignan niya ako mata sa mata. Nagbuntong hininga siya.
"I think... I fell inlove with you chloe."
May kung anong bato ang bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. M-Mahal niya ako? Totoo ba 'to? Nahirapan akong huminga.
"S-Sorry. P-Pero Alfred---"
"I know. I know you don't love me back."
Napayuko ako.
"'Yon ang dahilan kaya 'yon ang solusyong naisip at nagustuhan ko. I'm telling the truth Chloe. I love you. I'm going to help you on moving on from that bastard Lucas for breaking your innocent heart. Just let me do this Chloe. And I'll make you fall inlove with me too."
Unexpected. Unexpected ang lahat. Hindi ko aakalaing... si rain guy... motor guy... si Alfred... ay mamahalin ang tulad ko.
"Alfred..." bulong ko.
"Kahit gawin mo lang akong panakip butas Chloe. Hanggang sa makamove on ka. Just let me be yours and let you be mine." Sabi niya pa.
Napaiwas ako ng tingin.
Okay Alfred. Magtitiwala ako sa'yo. Naniniwala ako sa'yo.
Salamat Alfred.
For giving my first step on moving on...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com