Chapter 13
Chloe and her new friends at the media--->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter Dedicated to: ellexir :)
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 13
Chloe's PoV
One week na ang nakalipas.
Yup, isang linggo na ang nakalipas simula ng maging kami ni Alfred. Isang linggo na simula nang sinabi niyang... mahal niya ako.
Sa buong one week na 'yon, walang araw na hindi nagparamdam sa akin si Alfred. Sa loob din ng isang linggo nakayanan namin magtago kila Auntie at Ma'am Clara. Hindi nila nahahalatang may relasyon kami ni Alfred at panatag ang loob ko dahil don.
I'm trying to move on na din. Alfred is really helping me. Tinutulungan niya akong iwasan sila Lucas twing makikita namin sila. Pinaparamdam niya din sa akin lagi ang pagmamahal niya. Pero... pero hindi ko pa kayang masuklian ang pagmamahal niya.
Naghuhugas ako ng pinggan ngayon sa kusina ng bahay nila. It's around 8pm at kakatapos lang nila kumain. Si Alfred na sa kwarto niya. Kapag kasi talaga nandito kami sa bahay nila, hindi kami nagpapansinan. Sadnu? Pero okay lang. May school pa naman.
"Uh Chloe?"
Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si ma'am Clara. Agad kong sinarado muna ang gripo at humarap kay Ma'am Clara.
"Ma'am Clara! Bakit ho?" tanong ko.
"Um, I just want to talk about you with something. Is it alright?" sagot ni ma'am.
Tumango ako.
"Sige po." Sabi ko at lumapit kay ma'am.
Naupo si ma'am sa upuan dito sa kusina.
"Sige maupo ka muna hija." Sabi ni ma'am Clara.
Sumunod naman ako. Naupo ako kaharap ni Ma'am.
"Okay it's about my son,"
Bigla na lang akong kinabahan. Oh fudge huwag pahalata chloe.
"Bakit po ma'am?" tanong ko at pinigilan kong mautal.
"You're a schoolmate of my son, right? So you must have been seeing him around at your school."
I nodded a bit.
"Do you know Bea?"
Napalunok ako sa tanong ni Ma'am. Bea? 'Yong babae sa ulan kasama ni Alfred? Yung babaeng manloloko at mangaagaw? Kilalang kilala ko 'yon.
"O-Opo." Sagot ko.
"Hey don't be nervous hija. I'm not gonna eat you haha." Tapos tumawa si ma'am.
"Ah-hehe." Pekeng tawa ko.
"Anyway, Bea's my son's girlfriend. And I haven't been seeing her around lately. Dati rati nakikita ko sila dito sa bahay. Do you know any news about them?"
Pinag-isipan ko muna ang sasabihin ko kay Ma'am Clara. Kailangang maging maingat sa pananalita ko. Ano bang sasabihin ko dapat? Madami akong alam pero wala akong masabi kay Ma'am.
Napastiff ako at tumingin kay ma'am.
"Ah- ano po, napag-alaman ko lang po sa mga usap-usapan sa school na break na daw po sila. Niloko daw po kasi ni Bea si Alfred ng madaming beses. 'Y-'Yon lang po ang alam ko." Sagot ko.
"Really?! Break na sila? Hmm, so that explains why hindi na sila nagsasama." Sabi ni Ma'am at tumango tango pa sa ere.
"Medyo pangit din kasi attitude ni Bea 'no?" parang magkaibigan lang na tinanong sa akin ni ma'am.
"Ah-eh, h-hindi ko po siya close e." sagot ko.
Kahit na madami akong gusto sabihin tungkol kay Bea na masasama, hindi ko sinabi. Nakakahiya e.
"Ah. Pero Chloe, may nakikita ka bang bago ni Alfred? I mean, bagong babae? Or may nagugustuhan ba siya?"
That got me so stunned. Oh fudge. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na hindi ako makapagsalita. Tumingin lang ako kay Ma'am with shocked eyes. Si Ma'am naman nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot.
Anong sasabihin ko?
Opo Ma'am Clara may bago na pong babae na nagustuhan si Alfred at ako po 'yun. Kami na nga po e. Last week lang.
Pero siyempre hindi ko sasabhin 'yan. Unless gusto kong magalit si Ma'am Clara sa'kin at kay Alfred at para na din mapalayas kami ni Auntie sa apartment. At ofcourse hindi ko gugustuhing mangyari 'yon.
Pero fudge talaga. Anong butas ang dapat kong lusutan para masagot at tanong ni Ma'am. Anong isasagot ko?
"Chloe?" kunot-noong tanong ni ma'am na hinihintay ang sagot ko.
"Si A-Alfred po may ibang babae? Hin... Hindi ko po alam e." nag-aalangan na sagot ko.
Napoles style. Hindi ko po alam.
"Ah ganun ba sige, pero chloe I want you to tell me everything you know about whoever my son's girl would be. Okay?"
Kunot-noo akong tumango kay Ma'am Clara.
"S-Sige ho." Sagot ko.
"Good. Thanks so much hija." Sabi ni ma'am at ngumiti sa'kin.
Ngumiti naman ako pabalik.
"Umm sige po, itutuloy ko na paghuhugas ko." Sabi ko kay Ma'am at tumayo.
"Mabuti pa. You're such a hardworking child Chloe. That's another thing I liked about you." Ngumiti ulit si ma'am sa akin.
"Thank you po." Sagot ko.
"Sige I'll be going upstairs. Just go home when your finish washing." Sabi ni ma'am.
Tumango pa ulit ako at lumabas na si Ma'am ng kusina. Bumalik na ako sa paghuhugas ko. Binukas ko na ang gripo at binanlawan ang mga pinggan.
Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Ma'am Clara sa'kin kanina. Kailangan kong umalam tungkol sa babaeng nagugustuhan ni Alfred. Pa'no 'yan. E kilala naman natin kung sino ang gusto ni Alfred. Hay buhay.
Kinabukasan.
Nandito ako ngayon sa school. Last subject ko na for today.
Trigo Class at nakikinig ako ngayon sa Prof ko. Ako nga lang ata ang nakikinig dito sa room e. 'Yong prof naming walang pakialam sa klase. Basta turo ng turo. May nagdadaldalan na, kumakain, nagtatawanan, gora pa din ang prof naming sa pagturo. Lupet nu? Pero ako nakikinig ako. Goodgirl ako e.
"That's all. Goodbye Class." Paalam ng Prof namin.
Break time na pala namin. Ni walang tumayo para magpaalam kay Prof. Ni wala din atang nakaalam na break na. Pa'no, lahat sila may sari-sariling mundo. Ako lang ata ang nakarinig ng pagpaalam ni Prof dahil ako lang ang tumayo at lumabas.
"Chloe!"
"Girl!"
"Friend!"
Bati kaagad sa akin ng tatlo kong bagong kaibigan. Sila Sabrina, Arianne at Patricia. Sab, Rianne and Pat for their nicknames.
Yup, I made new friends. Simula nang malaman nila girlfriend ako ni Alfred, kinaibigan na nila ako. Ang cool ko daw kasi to have a boyfriend like Alfred. And sabi nila they liked my personalities.
"Hey guys." Bati ko din sa kanila ng nakangiti.
"Hey what happened to you Sab? What's up bakit ka may gasgas ka diyan sa leeg mo?" Tanong ko.
Si Sabrina kasi shorthair. Maganda. Actually lahat sila maganda. But Sab's the prettiest. Napansin ko kasi sa leeg niya na may sugat at gasgas.
"Ugh, si Sabrina kasi---" naputol si pagsasalita si Arriane dahil kay Patricia.
"No let me tell it to her! Okay ganito kasi 'yon Chloe. Si Sab---" Pinutol naman ngayon ni Pat si Rianne.
"I want to tell her!" Pagmamaktol ni Rianne.
"No I will!" Pilit naman ni Patricia at tinulak pa si Rianne.
"No---" Naputol naman bigla si Rianne ng magsalita na si Sabrina.
"STOP! Stop fighting you two and let me tell Chloe the whole story." Sabi ni Sabrina at inirapan ang dalawa.
Nagpout nman sila Patricia at Rianne. Tumingin naman ako kay Sabrina para making na iku-kuwento niya sa'kin.
"You see chloe, we were walking at the mall. Nagcutting kasi kami para magshopping. So we got loads of bags. Then suddenly a group of bitches walked passed us and one of them spilled her iced coffee all over my bags! Ang mahal kaya ng bili ko sa mga shinopping ko!"
"Let me guess, nakipag-away ka?" sarcastic at matawa tawa kong tanong.
"Right! Damn girl you're really smart. So yeah nakipag-away aketch. Wala akong paki kung madami siyang kasama. We first were shouting at each other when one of her minions suddenly slapped me and said 'Wala kang karapatang awayin ang junakis ko!' I mean watdaef. Junakis? What does that even mean? Then I found out that they were just 1st year highschool kidos in a public school."
"First year?!" Napasigaw ako.
"Yeah. Nakita ko sa IDs nila. And I think they're gangster wannabe girls. At dahil sa pagsampal sa akin ng pinakamatangkad sa kanila nainis ako. I slapped her too. Not once,---"
"But thrice." Putol ko.
"Yes! And that's how our fight begun. Sampalin with sabunutan. Sinali niya pa ang kalmutan that's why I got this." Tinuro ni sab ang gas gas sa leeg niya.
Tumango tango naman ako.
"Tapos 'tong dalawang 'to, alam mo ang ginawa? Iniwan ako. Tss." Sabi ni Sabrina at inirapan ulit sila Patricia at Arianne.
"We were scared that's why we called the security for help!" sigaw naman ng dalawa at nagpout. With matching crosshands pa.
"Oh yeah, natigil lang ang iskandalo namin sa mall ng dumating ang security. And that's it. The end." Sabi pa ni Sabrina at tinapos ang kuwento niya.
"Wow." Tanging nasabi ko.
Hindi naman sa nanghuhusga, pero ito talaga ang nakikita ko sa tatlong 'to e. Para silang... bitches. Pasensya po sa word. Parang mga peke lang din sila. Plastik kumbaga. Lahat na lang kasi ng mga kaibigan nila pinagsasabihan nila ng masasama kapag nakatalikod. Siguro pati sa'kin nahusgaan na din nila ako. Warfreaks sila. Kumbaga sa isang storya, mga kontrabida sila.
Pero hey, sinong mag-aakalang kaibigan ko sila ngayon.
"Tara sa cafeteria kain tayo. Tapos mamaya sabay na tayong apat umuwi." Aya ni Sabrina at tumabi sa kanya ang dalawa. Mean girls ang peg.
Nginitian ko lang sila.
"Sorry girls. Got to go. Kasabay ko si Alfred at pauwi na kami. Inaantay niya ako sa parking lot." Sagot ko naman.
"Oh right. Your boyfriend. Sige bye." Sabi sa akin ni Sabrinang nakangiti sabay kindat.
Natawa na lang ako sa kanya at umalis.
Naglakad ako papuntang parking lot. Pumunta na ako sa spot where nagpapark si Alfred. Nakita ko ang motor niya but I didn't see him. Huh? Ganitong oras nandito na siya.
Hmm. Siguro may importanteng ginagawa lang.
Kaya tumayo muna ako sa tabi ng motor niya at nilabas ang IPhone na binigay sa akin ni Alfred last week. Walang text galing kay Alfred. Siguro nalobat siya or walang load. I stayed standing sa tabi ng motor niya for 5 minutes.
Then biglang may nagtext na. Unknown number.
From: +63917*******
Chloe, just wait for me there at the parking lot. Mabilis lang 'to. May sinasabi lang si Coach sa amin. Sorry for making you wait. Btw this is Alfred. My phone went off that's why nakitext ako sa iba.
Nagreply naman ako.
To: +63917*******
Sige Alfred. I'll wait. Dito lang ako sa tabi ng motor mo.
Hindi na siya nagreply.
TInago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko.
"Miss Chloe."
Nagulat ako ng may lalaking lumapit sa akin at sinabi 'yan.
"Sino ka?" tanong ko.
"I'm Eric. S-Secret Admirer mo po Chloe." Nahihiya niyang sagot.
Maliit siyang lalaki. Kasingheight ko lang. No offense pero parang bakla.
"Secret Admirer? More like stalker." Sagot ko at inirapan siya.
"Ha? Hindi po ah. Eh hehe." Sabi niya na parang baliw.
"Go away please." sabi ko ulit at pinarinig ko ang sobrang pagkairita ko.
"Sagutin mo po muna ako. Pwedeng manligaw?"
"FUDGE NO!" napasigaw na ako sa kanya.
"Ha? Eh bakit po? Eh wala naman po kayong boyfriend." Sabi niya.
Sasagot na sana ako pero may biglang nagsalita sa likod namin.
"Who said she doesn't have a boyfriend?"
Napangiti ako sa nagsalita sa likod ko. Thank god Alfred's here. Sakto ang dating niya.
Sabay kaming napalingon nung Eric sa kanya.
Pero agad nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang tao sa likod ko.
What the Fudge.
Hindi si Alfred. Hindi ang boyfriend ko ngayon.
Kung hindi ang EX ko.
Si Lucas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com