Chapter 9
Kawawang chloe ang nasa media---->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Hersheeyy :)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 9
Chloe's PoV
Nagising ako ng 4:00. Nilingon ko si Auntie at mahimbing pa ang tulog niya. Maaga akong nagising para hindi ko makasabay si Alfred papuntang school. Ayos lang kahit ako pa ang pinakaunang makarating sa school.
Bumangon na ako at tumayo. Pumunta ako ng kusina at nagpakulo na ng panligo ko. Naghantay pa ako ng 15 minutes bago kumulo. Naligo na ako at nagbihis ng uniform. Nagtimpla at uminom ako ng gatas tapos kumain na din ako ng pandesal. Pagkatapos nagtooth brush. Liningon ko ang orasan dito sa apartment. Wow ang aga pa pala. 5:30 pa lang.
"Chloe. Napakaaga mo naman atang gumising?"
Nagulat ako sa nagsalita. Nilingon ko at nakita ko si Auntie na bagong gising. Kakagaling niya lang ata sa kwarto.
"Gusto ko po maging maaga ngayon e. Sige po paalis na din ako." Sagot ko.
"Hmm, sige sige. Umuwi ng maaga."
"Opo Auntie." Tumango tango ako sa kanya.
Lumabas na ako ng apartment namin. Medyo madilim pa. Nagsasunrise pa lang. Madadaanan ang garden nila Alfred papunta sa gate. Dahan dahan kong nilingon ang malaking pintuan ng bahay nila. Sarado pa. Good. Mukhang natutulog pa sila.
Naglakad na ako papuntang gate nila. Binuksan ko na din ang pintuan ng Gate at lumabas.
"Wah!"
Nagulat ako pagkalabas ko. Fudge! Si Alfred ba naman na nakatayo sa gilid ng gate nila. Katabi niya din ang motor niya. Halatang nagulat din siya sa pagsigaw ko.
"Tss. Why do you have to shout. Ang aga aga." Iritado niyang sabi.
Pumunta siya sa harap ko.
"A-Ang aga mo naman sir Alfred."
Gulat na gulat pa din ang expression ko habang sinasabi ko 'yan. Sir Alfred ang tinawag ko dahil anak padin siya ng amo namin ni Auntie na si Ma'am clara. Kaya kailangan ko pading maging pormal.
"Don't call me sir Alfred. Hindi ko sanay. And what's wrong if im early? Bakit hindi ka din ba maaga?"
"Maaga," sagot ko at medyo nagpout.
"Naman pala. Hindi lang naman ikaw ang pwedeng maging maaga Chloe."
Napamake face ako habang sinasabi niya 'yan.
"Tss. Tara na nga." Sabi ni Alfred.
At ang usual niyang gagawin na hahawakan ako sa braso ay ginawa niya. Mangangaladkad nanaman ang kaladkad king!
Nagpumiglas ako.
"Ayo'ko sumabay!" Sigaw ko.
Nagpoker face lang siya sa akin. Wow.
"Maglalakad na lang ako 'no." sabi ko pa.
"Sumabay ka nga sa'kin." Pilit pa niya.
"Ayaw ko nga ok? Makulit? Maglalakad ako." Napairap na ako habang sinasabi 'yan.
"Tss. Sige nga? How can you walk from here to our school? You said it yourself last night. Hindi mo alam ang daan papunta sa school na'tin. So pa'no ka ngayon maglalakad?"
Ay Fudge! Oo nga pala. HINDI KO ALAM ANG DAAN. Pa'no nga naman ako makakalakad papuntang school? Katangahan ko din e.
"Ay oo nga pala 'di ko alam..." Nabulong ko.
Nakita kong lumapit siya sa motor niya. Tapos tinignan ako.
"Sakay na," Utos niya.
"Fine. Ngayon lang." Sagot ko.
Naglakad ako palapit sa kanya at sa motor niya. Sumakay ako sa motor niya at sumakay na din siya sa harap ko. Buti na lang maaga pa at walang tao dito sa labas ng gate nila. Mahirap na baka may magsumbong kay Ma'am Clara at pagalitan pa kaming dalawa ni Alfred.
Inabutan niya ako ng helmet. Kinuha ko naman 'yon at sinuot. Nakita kong nagsuot din siya ng helmet niya. Inistart na niya ang motor niya. Pinaharurot niya na kasabay ng pagkapit ko sa bewang niya. Tapos ng nagdrive na siya. Tinitignan kong mabuti lahat ng dinadaanan namin para sa susunod ay alam ko na ang daan. Para sa susunod pepwede nang hindi ako sumabay sa kaniya.
And after 20 minutes sa motor niya ay nakadating na din kami sa parking lot ng school. Agad akong bumaba at tinanggal ang helmet na suot ko. Iniabot na sa kanya ang helmet.
"Sige Alfred una na ako. Salamat ulit sa pagsabay mo sa'kin." Pasasalamat ko.
Second time ko nang makisabay sa kanya papunta ditong school. Naalala ko pa 'yong una nung binato ko pa siya ng bato dahil tinalsikan niya ako ng putik. Nagulo pa ang buhok ko dahil sa pagsabay ko sakanya non e. Buti nalang pinagsusuot niya na ako ng helmet ngayon.
"Sige," simple niyang sagot habang inaayos ang motor niya sa pagkapark.
Tinalikuran ko na siya. At naglakad na papuntang classroom ko.
Grabe. Kahit na wala na akong boyfriend na kasama lagi dito sa school, wala pa din akong kaibigan. Ewan ko ba, parang invisible ako sa mga tap dito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Fudge! Naalala ko nanaman ang katotohanang alam na ni Alfred ang sikreto ko. Mas okay na 'tong ganito na wala silang pakialam sa akin kaysa naman sa lagi nila akong mamaliitin at ibubully. Basta, magtitiwala na lang ako kay Alfred sa sinabi niyang hindi niya sasabihin ang sikreto ko.
Nakarating na ako sa classroom namin. Kakaunti pa lang ang tao. Naupo na lang ako sa upuan ko at nagbasa ng mga libro. Matagal pa bago dumating ang mga classmate at prof ko. Pagdating nila naglesson na kami.
P.E. Time na namin ngayon. Mag-isa akong pumunta sa girl's room at pumasok sa isang cubicle. Nagpalit na ako ng pam-P.E. uniform. Pagkatapos lumabas na ako.
Nagsimula na ako maglakad papuntang gymnasium nitong school kung nasaan ang mga ibang kaklase ko.
Pumasok na ako ng Gym. May nagva-volley ball, basketball, baseball, at kung ano ano pang sports. Malawak din kasi itong gym namin. Malinis din. Pagmamay-ari ba naman ng mamahaling paaralan e.
Naglalakad lang ako dito sa gym papunta sa mga classmate ko ng kusa nalang tumigil ang dalawang paa ko sa paglalakad. Nakuha ng atensyon ko ang isang babae at lalaki sa bleachers.
Bea and Lucas. May parang tumusok na naman sa puso ko ng makita ko sila. Nasasaktan pa din ba ako? Hindi pa ba ako nakakapagmove on? Pawis na pawis si Lucas at nakasuot siya ng pambasketball. Nasa likod naman niya si Bea at pinupunasan niya ang likod ni Lucas gamit ang twalya. Mukhang nagbibiruan pa sila. Ako dapat ang nasa lugar ni Bea hindi siya. Ako dapat...
Hindi ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko sa gym. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa kanila Bea at Lucas. Ang saya saya nila. Nakakainggit.
"CHLOE TABI!"
Bigla akong napalingon sa sumigaw. Pero iba ang sumalubong sa akin.
Napapikit ako dahil may tumamang bola sa mukha ko. Na-out of balance ako. Walang umalalay sa'kin at napahiga sa floor dito sa gym. Nakapikit pa din ang mga mata ko dahil sa sakit. Fudge! Ang sakit na nga ng nakita ko sasaktan pa ako ng bola.
Pinilit kong ibuka ang mata ko. Nakita kong may taong papunta sa akin.
May naramdaman na din akong tumulong sa akin sa likod ko. Inupo niya ako. Aw sht! Ang sakit ng mukha ko. Naramdaman ko na may tumutulo sa ilong ko. Hinawakan ko at Fudge! Nagdudugo ilong ko!
"Chloe! Damn, bakit kasi nakatayo ka dito sa gitna ng gym!"
Sabi ng lalaki pagkalapit sa akin. Oh wait,
"A-Alfred." Tawag ko sa kanya.
"Damn! You're bleeding!"
Nilagyan ni Alfred ang ilong ko ng panyo. Tumingala ako dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo sa ilong ko. Hinawakan ko ang panyong nilagay ni Alfred gamit ang kamay ko. Fudge sobrang sakit! Bigla akong itinayo ni Alfred at inalalayan.
"Tara sa clinic."
Hindi ako makasagot dahil sa sakit. Nagdudugo pa din ang ilong ko. Tumingala lang ako habang siya tinulungan akong maglakad. Lumabas kami ng gym at pumunta ng clinic.
Nakita kong nasa harapan na kami ng clinic at agad na akong pinasok ni Alfred sa loob.
"Sht, nasan ang nurse!"
Napamura si Alfred at sobrang nataranta. Wala ngang tao dito sa clinic. Wala ang nurse. Naramdaman kong inupo ako ni Alfred sa kama dito sa Clinic.
"Stay still, huwag kang tumingala. The blood might go down your throat. Just pinch your nose to stop the bleeding."
Ginawa ko ang sinabi ni Alfred at ibinaba ang nakatingalang ulo ko. Inipit ko din ang nostrils ko gamit ang mga daliri ko at panyo. Ang sakit pa din ng ilong ko sobrang lakas kasi talaga ang tama ng bola. Dumudugo padin. Napatingin ako kay Alfred at mayroon siyang kinukuhang parang kit. Tapos linapitan ako at tinabihan ako dito sa kama.
"Guess I'll be your nurse. Tanggalin mo na yang panyo sa ilong mo." Sabi niya at naglabas ng tissue.
Tinanggal ko naman ang panyo na nakatapat sa ilong ko. Sakto. Tumigil na ang pagdurugo. Nakita ko ang madaming dugo sa panyo. Napalakas ang pagdurugo ng ilong ko. Pinunas punasan ni Alfred yung ilong ko gamit ang isang bimpo.
"Pati labi mo nagdurugo. Tsk. Mukha kang binugbog." Sabi niya.
Hindi ako sumagot. Naramdaman kong itinapat niya ang bimpo sa labi ko. Nakatingin lang ako kay Alfred. Nakatingin siya sa labi ko at pinupunas punasan.
"Oh? Anong nangyayari dito?"
Napalingon kami ni Alfred sa pintuan ng clinic. Nakita namin ang nurse nitong clinic. Agad naman tumayo si Alfred.
"Nagdugo po kasi ang ilong ng kasama ko dahil natamaan ng bola. You weren't here so I decided to cure her myself. Sorry if I touched some of your stuffs." Explain ni Alfred.
"Hmm, it's alright. May hinatid lang din kasi akong injured student sa classroom niya that's why I wasn't here. Anyway, did the bleeding stop?"
"I think so," Sabi ni Alfred tapos tinignan ako.
"Tumigil na po ang pagdugo." Sagot ko.
"That's good to hear hija. Here," May kinuha 'yong nurse sa parang ref dito sa clinic.
"Itapat mo 'tong ice sa ilong mo. Just to make sure hindi na dudugo ulit 'yang ilong mo." Sabi ni Nurse at nag-abot ng Ice.
Tumayo ako at kinuha ang ice.
"Sige thank you po." Sagot ko.
Kinuha ko ang ice na inaabot ni nurse sa'kin at itinapat sa ilong ko.
"Sige po alis na kami. Thank you po ulit." Biglang sabi ni Alfred.
"Sige. Mag-iingat kayo." Sagot naman ni Nurse.
Lumabas na kami ng Clinic. Naglalakad na kami ngayon dito sa corridor.
"Thank you nga pala sa pagtulong sa'kin Alfred." Bigla kong sinabi sa kaniya.
"It's nothing. Ako ang nakatama ng bola sa mukha mo so It's my responsibility. Isa pa, bakit ka kasi nakatayo lang sa gitna ng gymnasium? Alam mong ang daming taong naglalaro."
"Sorry, kasi..."
"Let me guess, you saw Bea and Lucas together." Sarcastic niyang sabi.
"Pa'no mo alam?" Natanong ko.
"I saw them too. Bakit ba apektadong apektado ka sa kanila?" Naramdaman kong naiinis siya habang tinatanong 'yan.
" Maybe... kasi I still have feelings for him. Bakit parang ikaw hindi apektado?" Tanong ko din.
"'Cause I don't have feelings for her anymore."
Wala na ako nasabi pagkatapos niyang magsalita. Bakit ang bilis niyang magmove-on? Pa'no niya ba naalis ka'gad ang feelings niya para kay Bea? Ng ganun kadali? Bakit ako hindi pa din mawala ang feelings ko para kay Lucas. Para bang gusto ko pa siyang bumalik sa akin.
"I really don't get you. You're always affected about those cheaters. Tss."
Pagkatapos sabihin 'yan ni Alfred bigla niya na lang akong iniwan. Nakita kongmagkaibang ways na pala ang corridors na dadaanan namin.
Nung sinasabi niya 'yun... parang inis na inis siya. Bakit? Sa bagay, diba dapat mainis din ako kay Lucas dahil sa panloloko niya? Pero bakit mahal ko pa din siya?
Tignan niyo ang nangyari kanina, natamaan ako ng bola dahil sa pagiging apektado ko kay Lucas. Kailangan ko na talagang solusyonan ang problema kong 'to. Para mabawasan kahit isa ang mga prinoproblema ko sa buhay.
Pero paano? Anong solusyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com