Chapter 8
Chloe and Alfred at the media---->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Dedicated to: ladadi_ladadu :)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 8
Chloe's PoV
Fudge! Pwede na akong mamatay! De joke.
Pero seryoso? Anak ni ma'am Clara si Alfred! Waa! Hindi ko ineexpect 'yon.
Kakalabas ko lang sa mala-mansiong bahay nila. Napatigil na lang ako sa paglalakad. Ayoko munang pumunta sa apartment. Magpapalamig na lang muna ako dito sa labas.
"Fudge! Alam na ni Alfred! Pano na 'to..."
Kinausap ko ang sarili ko. May padyak effect pa ako habang sinasabi yan.
Bakit ba sunod sunod ang malas na dumadating sa buhay ko? Anong ginawa ko at minamalas ako ng ganito?
"Sana huwag ipagkalat ni Alfred. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nalaman na ng buong school na mahirap ako. Ahhh."
Pabulong bulong lang ako dito sa labas. Nakakafrustrate lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Sunod sunod ang problema.
Kelan ba ako sasaya? Yung tipong wala akong prinoproblema?
"Hey new maid,"
Nagulat ako sa boses na narinig ko sa likod ko. Napa-flinch pa ako. Kilalang kilala ko ang may-ari ng boses na 'to.
Unti unti akong lumingon. Tama ang hinala ko! Ang anak ni ma'am Clara ang nagsalita. Si Alfred. Si Alfred na naka-smirk.
"A-Alfred."
Nauutal ako. Ano ba 'to kabang kaba ako ngayon at kaharap ko si Alfred. Siguro dahil alam 'kong nalaman na niya. Nalaman na niya sikretong pakatago tago ko sa lahat ng tao sa school.
"Akala ko ba mayaman ka." Sabi niya pagkalapit sa'kin.
"...." tahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Mahirap ka lang pala."
Nakita 'kong nag-smirk nanaman si Alfred. Anong ibig niyang sabihin? Masama ang kutob ko.
"So ano 'yong tinuro mong bahay sa Azoteya Village?" Tanong niya pa.
"N-Nagsunungaling lang ako."
Napayuko ako matapos kong sabihin 'yan. Nakakahiya ako.
"Why? Pati sa school nagpapanggap ka." Sagot niya.
"Kailangan ko. P-Para magkaroon ng maayos na buhay sa school. Kapag kasi malaman nilang mahirap ako, mamaliitin nila ako. Ibubully..."
Nakayuko pa din ako habang nagsasalita. Hindi ko siya kayang harapin. Hiyang hiya ako.
"I see..." narinig 'kong bulong niya.
Sobrang awkward namin. Hindi na ako komportable kasama siya ngayong alam na niya ang sikreto ko. Bakit kasi sa dami daming lalaking pwedeng maging anak ni Ma'am Clara si Alfred pa? Bakit kaschoolmate ko pa? Tadhana nga naman oo.
"P-Please... huwag mong ipagsabi sa iba..." pagmamakaawa ko sa'kanya.
Para akong kawawang ewan na humihingi ng pabor kay Alfred. Please say yes. Please sana huwag mong ipagsabi. Mawawala ang normal 'kong buhay sa school kapag nalaman nilang mahirap lang ako.
"Alright. I won't."
Napatingala ako sa sinagot niya. Napatingin din ako sa kanya.
"You won't?" Natanong ko.
"Yes. But unless...."
"Unless what? I'll do anything!" Sagot ko agad.
Kahit ano pa 'yang ipagawa niya o iutos niya basta't kaya ko, gagawin ko. Para sa kapakanan ko din naman 'to. Basta maging normal ang pag-aaral ko ng walang humuhusga.
"I still don't know. I won't tell anybody your little secret pero kailangan mong pumayag kapag may pabor na ako." Sagot niya.
Tumango tango ako sa kanya as a sign of saying yes.
"Good. Huwag ka nang magpalamig dito sa labas. Your problem's solve. Pumunta ka na sa apartment niyo."
"O-Okay."
Sinunod ko ang sinabi niya. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad.
"Oh and chloe,"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagtawag niya. Nilingon ko ulit siya.
"Ikaw naglinis sa kwarto ko?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango sa kaniya.
"Thanks." Sagot niya.
Tinaas ko ang dalawang eyebrows ko kasabay ng maliit na ngiti ko. Then slowly tinalikuran ko ulit siya.
"Oh wait Chloe!"
Liningon ko ulit siya dahil sa tinawag niya ulit ako.
"Siguro hindi mo pa alam ang daan from here to our school, don't you?" Tanong niya.
"A-Ah... Hindi pa nga." Sagot ko.
"Isasabay kita bukas."
Nagulat ako sa sinabi niya. Whaat! Isasabay? Huwag nalang 'no. Baka makita pa kami ni Ma'am Clara at kung ano ang isipin. Isa pa I'm sure ang motor nanaman niya ang gagamitin. Ayo'ko nga. Mas pipiliin ko nalang maglakad.
"Huwag na! Ano, kasi. Kasi maaga akong aalis dito. Mga 6 palang ng umaga aalis na ako. Hehe." Sagot ko.
"It's fine with me. 6 am then." Nagulat ulit ako sa sagot niya.
"Pero---"
"No buts."
Pinutol niya ako sa sasabihin ko at tinalikuran ako. Tinatawag ko pa siya pero hindi na siya lumilingon. Heh! Bahala siya. Aalis ako dito ng maaga para lang hindi siya makasabay. Huh. Pero sana gawin niya ang sinabi niya kaninang hindi niya ipagsasabi ang sikreto ko. At sana makaya ko kung anoman ang pabor niya.
Naglakad na ako papuntang apartment namin. Binuksan ko na ang pintuan at nadatnan ko si Auntie. Nauna pa pala siya sa'kin.
"Oh Chloe. Bakit ngayon ka lang?"
Bungad ka'gad ni auntie pagkapasok ko sa apartment namin.
"Kinausap pa po kasi ako ni Ma'am Clara."
"Ah." Tumango siya.
"E kamusta ang unang araw mo sa pagtratrabaho dito Chloe? Napagod ka ba masyado?" Tanong ni auntie.
"Hindi naman masyado Auntie. Okay lang po 'di naman ako masyado napagod."
Nginitian ko din si Auntie habang sinasabi 'yan.
"Sige magbihis ka na muna. May tinakpan akong ulam sa kusina. Kumain ka na saka matulog."
"Sige po."
Sinunod ko naman si Auntie. Pumunta na ako sa kwarto namin at kumuha ng damit pambahay sa cabinet. Pumasok na ako sa banyo namin at nagbihis. Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako at pumuntang kusina.
Nakita ko 'yong sinabi ni auntie'ng ulam na nakatakip. Tinanggal ko ang takip at nakita ko ang isdang parang pangsosyal. Pero halatang tira tira lang 'to. Sobra lang siguro 'to sa niluto nila Auntie kanina sa bahay nila Alfred. Sapat na 'to. Basta may makain.
Malapit nang mag 11 o'clock ng matapos akong kumain. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at nagtoothbrush tapos pumuntang kwarto. Nakita ko si Auntie sa kama na nakasandal sa headboard ng kama. Nagbabasa din siya ng libro.
Tumabi ako kay Auntie.
"Andiyan ka na pala Chloe," Sabi ni Auntie at sinara ang binabasa niyang libro.
Tinabi niya ang libro sa tabi niya.
"Hinugusan mo ba ang pinagkainan mo sa kusina?" Tanong niya sa'kin.
Tumango ako. "Opo."
"O sige matulog na tayo. Maaga pa tayo. Maaga na din kasi akong magtratrabaho bukas."
Tumango ulit ako.
"Sige po Goodnight." Sabi ko kay Auntie.
Nagkumot na ako at tumagilid. Pinikit ko na ang dalawang mata ko. Ilang sandali pa at nakatulog na din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com