Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

A/N: Ito ang start ng NEW UPDATE. Pasensya at super tagal niyong inantay to. (Para sa mga past readers ko) So yeah itutuloy ko ulit ang pag update dito. Salamat na rin sa 21.7k reads. Love you all JBMiners!

This update are dedicated to my past readers :)

Auntie Tess at the Mediaaa ->>

DiamondAlpha

-----

CHAPTER 45

CHLOE's PoV

3 days na ang nakalipas simula ng magsorry si Alfred sa'min. Nakapunta pa kami ng People's Park in the sky, Paradizoo at sa view ng Taal Lake and Volcano. Wala naman na sunod na kalokohang nagawa si Alfred sa'min. Huling araw na namin ito sa tagaytay. Kaya naman ito kami ngayon nag-iimpake na ng gamit. Umaga palang ngayon.

Natutuwa ako kasi kahit papano umiiwas na si Alfred kay Zoe. Hindi niya na din binabanggit ang pangalan ni Zoe. At ang pinaka-importante sa lahat ay bumalik na ang dating Alfred na minamahal ako.

Nagcheck-out na pala ang mga kaibigan ni Zoe at siya dito sa resort after naming magkabati-bati three days ago. 'Di naman sa chismosa pero napag-alaman naming may fiancée pala si Zoe sa US. Thank goodness at malalayo na siya sa buhay namin.

"Chloe, are you done packing?" tanong sa'kin ni Bea.

Napalingon ako sa kanya bago sumagot at ngumiti. "Yup,"

Tapos zinipper ko na ang bag ko.

"Me too." Sagot ni Bea at tumayo buhat buhat ang bag niya.

Tumayo na din ako at binuhat ang bag ko. Tumungo na kami papuntang pintuan ni Bea. Hawak hawak na namin ang susi.

"Make sure wala na tayong nakalimutan ha?" tanong sa'kin ni Bea bago kami lumabas ng room.

"Yeah. Andito na sa bag ko lahat ng gamit ko," sagot ko.

Lumabas na kami ng tuluyan ng room namin.

"Same here. Sige I'll lock it na." Sabi sa'kin ni Bea.

Tumango naman ako at ni-lock na niya ang room namin. Nilingon niya ako pagkatapos niyang i-lock ang pintuan.

"Nasa lounge na daw 'yung mga boys?" tanong niya.

"Yeah. 'Yun text sakin ni Alfred eh. Tara baba na tayo?" aya ko kay Bea.

"Sure tara," sagot niya.

Pinihit ko muna ulit ang doorknob para sure na nakalock na 'to. Saka kami naglakad papuntang elevator. Pinindot na ni Bea ang ground floor.

Pagkababa namin bumukas na ang pintuan ng elevator at agad na kaming lumabas ni Bea.

Nakita kaagad namin sila Alfred, Brandon, at Lucas na nakaupo sa sofa ng lounge. Agad silang lumapit sa'min.

"Goodmorning guys," bati namin sa isa't isa.

Kinuha ni Lucas ang isang bag ni Bea na dala dala niya at siya na ang nagbuhat.

Si Alfred naman tutulungan na din sana ako pero tumanggi ako. Isang bag lang naman 'tong dala ko eh.

"So ayos na ba ang check-out natin?" tanong ni Bea.

"Yup. Ready to go." Sagot naman ni Alfred.

"Sana makabalik pa tayo dito next time," nasabi ko.

"Christmas break?" tanong ni Brandon.

"Pwede. Or try naman na'tin sa iba." Sagot ni Lucas.

"O siya, let's go na to the parking lot." Pag-aaya ni Bea.

Tumango naman kami sa kanya. Tapos naglakad na kami palabas ng hotel. Dumiretso kaagad kami ng parking lot kung nasaan ang kotse ni Alfred.

Sumakay na kami sa kotse. Nag-seatbelt kaagad ako. Nasa shotgun seat ako at si Alfred nasa Driver's seat. Ang tatlo naman ang nasa backseat. Nagsimula ng magdrive si Alfred pabalik ng manila.

~

"Chloe... Chloe wake up nandito na tayo."

Naalimpungatan ako bigla sa naramdaman kong pagyugyog sakin. Unti unti kong binukas ang dalawang mata ko at ibinungad kaagad sakin si Alfred.

Napatingin ako sa orasan dito sa kotse. 2:36 pm.

Umayos ako ng upo at nag-unat unat.

Napatingin ako sa likod at nakita kong palabas na din sila Bea.

Tumingin ako kay Alfred at tumango. "Sige labas na din tayo."

Tumango na lang si Alfred sa'kin bilang sagot.

Lumabas na kami ng kotse at naglakad papunta sa likod para kunin ang mga gamit. Nasa perilton village na pala kami. Sa tapat ng mansion nila Alfred.

"Oh yes we're back!" narinig kong sabi ni Bea habang nag-uunat unat dito sa labas.

"Alfred, Chloe! Uwi na muna kami." Sabi ni Lucas at lumapit sa'min.

"Sa Monday nalang ulit tayo kitakits," sabi din ni Brandon bitbit ang bag niya.

"Ano ba yan, school days again." Dagdag pa ni Bea.

"Katamad no?" natatawang sagot ko.

"Yeah. Kaya nga uwi na muna kami para makapagpahinga." Sabi ni Brandon.

"Sige. San kayo sasakay?" tanong ni Alfred sa kanila.

"Taxi na lang kami. I'm so lazy to text my driver eh," natatawang sabi ni Bea.

"May pera ba kayo?" natanong ko din sakanila.

"Ofcourse!" sabay sabay nilang sagot.

Sabi ko na eh. Dapat hindi ko na tinanong haha. Mga Richkid.

"Sige. Pasok na din kami ni Chloe. Take care of yourselves on your way home." Sagot ni Alfred sa kanila.

"Yeah bye guys. Ingat kayo," sabi ko din at ngumiti.

Tumango lang naman silang tatlo sa'kin. "Salamat lovebirds!" sabay sabay nilang sigaw na kinatawa namin.

Tuluyan na silang nakaalis sa tapat namin. Naglakad na sila palayo. Don ata sila sa waiting shed mag aabang ng taxi.

Kami din ni Alfred pumasok na sa gate nila.

"Still remember what my mom told you in tagaytay?" tanong sakin ni Alfred pagkapasok namin sa gate nila.

Kumunot ang noo ko. It took me a moment to realize what he said.

Medyo nahiya ako ng matandaan ko 'yon.

"So we'll do it?" natanong ko sa kanya.

"We should." Sagot naman niya.

"Pano kung hindi matuwa si Auntie?" kinakabahang tanong ko.

"Relax. Di natin malalaman ang mangyayari kung hindi natin susubukan." Sagot niya.

Napahinga ako ng malalim bago tumango sa'kanya. "Kelan natin sasabihin?" tanong ko.

"Now."

Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.

"Ngayon na?! Agad agad?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Yeah. Huwag na natin patagalin pa. You're auntie might get mad if we continue to hide this. Better if we tell it now." Sagot niya.

Di ko mapigilang hindi sumang-ayon. Tama siya. Bahala na si batman sa kung ano man ang reaksyon ni Auntie. Sana matanggap niya.

"Ihatid kita ngayon sa apartment niyo sa likod ng bahay. Then let's tell your auntie all about it."

Mabagal akong tumango kay Alfred. Saka kami naglakad papunta sa apartment namin ni auntie sa likod ng mansion nila Alfred. Medyo kinakabahan pa ako na ewan. Natatakot ako sa reaksyon ni auntie.

"Wala ba trabaho Auntie mo ngayon?" tanong sakin bigla ni Alfred.

Umiling naman ako. "Wala siguro. Umaga lang siya nagluluto sa bahay niyo ng pang-umagahan at pangtanghalian. Babalik na lang siya ng alasais na ng gabi." Sagot ko.

"Okay. Ready?"

Nakarating na kami sa harap ng pintuan ng apartment namin. Nakatayo na kaming dalawa ni Alfred dito sa labas. Sandali lang at tumango na ako sa kanya.

Kumatok ako sa pintuan.

After 10 seconds bago bumukas ang pinto. Bumungad kaagad sa'min si Auntie.

"Auntie." Sabi ko kaagad at nagmano kay Auntie.

"Hi po tita." Bati din ni Alfred kay Auntie. Nagulat ako nung nagmano din siya kay Auntie! Maski nga si Auntie nagulat sa ginawa niya eh.

"Oh! Chloe nakarating na pala kayo. Alfred hijo naparito ka din pala. Hinatid mo pa si Chloe," sagot ni Auntie sa'min na parang nahihiya kay Alfred. Syempre, anak siya ng amo namin.

"Ah wala po 'yon. Gusto ko lang po siya samahan papunta dito. To assure both of you are safe." Sabi ni Alfred at ngumiti Auntie.

"Ay, ang sweet mo naman hijo. Pasok niyo muna mga gamit niyo at mukhang mabibigat." sagot ni auntie at pinadaan kami sa pintuan.

Pumasok naman kami agad ni Alfred.

Nilapag muna namin sa gilid ang mga gamit namin. Naupo si Auntie sa sofa at naupo din kami sa tapat niya dahil may upuan naman.

"Oh? Hindi niyo pa ba aayusin mga gamit niyo?" Takang tanong ni Ma'am Clara sa'min. "Ikaw hijo baka hinahanap ka na ni Ma'am Clara sa mansion niyo." Nasabi pa ni Auntie kay Alfred.

Hindi kami makasagot kaagad kay auntie.

Bigla kaming nagtinginan ni Alfred. Sabay kaming tumango sa isa't isa sign na sabihin na namin kay Auntie ang gusto na naming sabihin.

"Tita... meron po sana kaming gustong aminin ni Chloe..." panimula ni Alfred.

"Ano 'yon?"

Kumunot ang noo ni Auntie sa sinabi ni Alfred. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"T-Tungkol po saming dalawa.." dagdag ko pa.

"We've been hiding this for a long time already.. kaya ngayon po gusto na po naming sabihin," sabi pa ni Alfred at seryosong nakatingin kay Auntie.

Biglang nanlaki ang mata ni Auntie.

"Chloe... buntis ka?! Si Alfred ba ama?!"

Nanlaki ang mata ko sa reaksyon ni auntie. Buntis agad?!

"Auntie! Hindi po!" pagpapakalma ko kay Auntie.

"Tita! Wala pa po kami diyan!" sabi din ni Alfred kay Auntie.

"Hindi po ako buntis! Pero.. meron po kaming relasyon ni alfred.. halos anim na buwan na po.." dere-deretso kong pag-aamin kay Auntie.

"ANO?!"

Napayuko ako. Nako naman mukhang galit pa ang reaksyon ni Auntie. Ano na lang kaya ang sasabihin niya sa'kin?

"Alam ba 'yan ni Ma'am Clara?! Nako kayong dalawa!" bakas sa boses ni Auntie ang pagaalala na may halong galit.

"Tita! 'Wag po kayong magaalala. Mom knows about our relationship---" pinutol ni Auntie ang sasabihin ni Alfred,

"At anong sinabi niya?! Chloe naman baka mawalan nanaman tayo ng tirahan niyan baka mapaalis tayo dito!" nagpapanic at nagaalalang tanong ni Auntie sa'min.

"Auntie hindi po! Hindi naman po 'yan gagawin sa'tin ni Ma'am Clara." Sigurado kong sagot kay Auntie.

"Noong nalaman po ni Mama na may relasyon kami ni Chloe natuwa pa po siya. She wasn't mad at us and she said she likes chloe for me. Sorry po tita at hindi namin nasabi kaagad noon pa." Pagpapaliwanag ni Alfred.

Medyo huminahon naman ang itsura ni Auntie dahil siguro sa narinig niya mula kay Alfred.

"Mabuti naman kung ganon. Hindi din naman ako nagagalit. Hindi ko naman kayo pwedeng paghiwalayin kung talagang nagmamahalan kayong dalawa. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niyo pa tinago?"

"Sorry po auntie at tinago namin ni Alfred ang lahat. Natatakot lang po kasi kami na baka ayaw niyo po sa'min. Na hindi niyo po kami tanggap para sa isa't isa." Sincere kong pagsosorry kay Auntie.

Huminga ng malalim si Auntie. Medyo inalis na din niya ang pagkakunot sa noo niya.

"Jusko naman Chloe. Dapat hindi ka na naglilihim sakin. 'Yan ang usapan natin diba? Walang lihiman?"

"Sorry po talaga." Pagsosorry ko ulit. Sana mapatawad ako ni Auntie..

"Okay lang Chloe, naiintindihan naman kita." Sabay ngiti sa'kin ni Auntie. "Alagaan niyo ang isa't isa ha. Lagi niyong tandaan na kahit anong pagsubok na pagdaanan niyo ay kayanin niyo para sa relasyon niyo," seryosong sabi ni auntie.

Bigla naman akong tumingin kay Alfred.

Napangiti siya kay Auntie. "Opo. Hindi ko po siya pababayaan. I won't hurt her and I will never leave her. No matter what happens." At nakita kong binaling niya ang tingin niya sa'kin.

Agad naman akong napaiwas.

Fudge. His words are so sweet for me. Lagi na lang akong napapakilig dahil sa mga salita niya.

Napatingin ulit ako kay Auntie. Nakita ko namang napangiti siya. Hindi na siya galit?

"Okay. Sana totoohanin mo 'yang sinasabi mo hijo. Dahil ayoko na mangyari ang nangyari kay Chloe noong niloko siya." Pagbabanta ni Auntie kay Alfred.

"Opo! Promise po." At tinaas ni Alfred ang isa niyang kamay.

So ibigsabihin okay lang kay Auntie na may relasyon kami ni Alfred? Di ko maiwasang mapangiti ng maisip ko 'yan.

--

ALFRED's PoV

"Opo! Promise po." I sincerely answered Tita Teresita and raised my right hand.

"Mabuti naman. Pero sigurado kayong okay lang kay Ma'am Clara ang lahat?" nag-aalangan pang tanong ni Tita.


Chloe and I immediately nodded to her. "Opo."

Pinagmasdan muna kami ni Tita ng mga ilang segundo. "Sigurado ba kayong hindi niyo ako pinagloloko? Mamaya pina-prank niyo lang ako ha."

"Nako hindi po auntie! Talagang nagmamahalan po kami ni Alfred." Ngumiti si Chloe kay tita at hinawakan ang kamay ko.

I held her hand, too.

"Hmm sige. Magsi-pahinga na muna kayo, alam kong pagod kayo dahil galing lang kayo sa byahe." Nakangiting bilin ni Tita sa'min ng at tumayo.

"Sige po." Tumango kami kay tita.

Chloe and I stood up.

"Ma-iwan ko na muna kayo at maglalaba pa ako. Tandaan niyo mga sinabi ko ha," paalala sa'min ni Tita bago umalis dito sa sala nila.

I looked at chloe.

"Matutulog muna ako," she said and yawned.

"Alright," ginulo ko yung ibabaw ng buhok niya. "Sleeptight baby." Dagdag ko pa.

She showed me her beautiful smile. Tapos naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko. "Magpahinga ka na rin, I know you're tired too baby. Ikaw nagdrive buong byahe," concerned na sabi niya.

"I will." I smiled at her and held her hands for seconds.

Then I reached my bag and carried it. Naglakad nako palabas ng pintuan nila. I waved and smiled at her for the last time before I left their apartment.

Naglakad na ako patungo sa bahay.

I can't help to not smile. I'm happy me and Chloe are legal now. Hindi na namin kailangang itago ang relasyon namin sa auntie niya at kay Mama. Sana wala na ding umepal sa relasyon namin. I won't let anything come between us anyways.

I'm now facing the door of the house. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok. Nilapag ko muna yung gamit sa tabi.

Kumunot bigla ang noo ko. I noticed there were two bags more that were on the floor. It was a traveling bag and it seems like it's full of clothes.

Then I suddenly heard footsteps going down from the staircase.

Napalingon ako sa hagdanan at kinagulat ko ang nakita ko.

"Dad?"

He looked at me as if he was so happy to see me.

"Hi son."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com