Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

A/N: Hi! Salamat sa 26k reads! :> Leave comments and votes after reading! Thank you. WAG SILENT READER. Hue. Comment din please? Chapter Dedicated to: kristinetorres_ thank you!

DiamondAlpha

------------

CHAPTER 59

Chloe's PoV

"Chloe.."


Ang bilis ng tibok ng puso ko.


Andito siya.


Kaharap ko ngayon..


"A-Alfred.." Banggit ko rin sa pangalan niya.


'Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sakanya at gayun rin siya. 'Di rin siya makapaniwala na nandito ako sa harap niya. Nakita na ulit kita Alfred. Parang nagdidiwang ang puso at isip ko kanina nang hilain niya ako.


"What the hell is going on here?! Bakit siya ang kasama mo?!" Gulat na tanong ni Zoe kay Alfred at tinuro ako.


Napatingin ako kay Zoe. Ang kapatid ko...


"I thought... I thought you were her.." Sagot ni Alfred at halatang naguguluhan.


"What?!" Naguguluhang tanong ni Zoe.


Napatingin ulit sa'kin si Alfred. Nagulat yata siya dahil nag-iba ang itsura ko.


Napaiwas ako ng tingin.


"Bea. Why are you two here?" Rinig kong tanong ni Alfred kay Bea.


"Be-Because.." Napalingon ako kay Bea at hindi siya makasagot kay Alfred.


"May kailangan kasi kaming gawin dito..." Ako na ang sumagot kay Alfred pero 'di ko siya tinignan.


Masaya ako at nakita ko na siya. Gusto kong maiyak sa tuwa at yakapin siya pero hindi ko magawa.. Galit siya.


"And what's that?" Cold na tanong sa akin ni Alfred.


I can sense that he's really still mad at me.


"K-Kailangan kitang k-kausapin.." Utal-utal kong sagot.


"Wala tayong dapat pag-usapan." Sagot ni Alfred.


Inabot niya sa kamay ko ang sunglasses na suot suot ko kanina.


Tinignan ko siya sa mata. "M-Meron. May kailangan akong aminin--"


Bigla akong naputol sa sasabihin ko kay Alfred nang may nagsalita.


"Hello?! Mag-usap kaya kayong dalawa nang kayong dalawa lang?!" Iritadong sabi ni Zoe.


Napatingin ako sakanya ng masama. Panira naman.


"Wag na. We have nothing to talk about. Tapos na tayo Chloe. Zoe, tara na." Sabi ni Alfred at hinawakan ang braso ni Zoe.


Akmang aalis na sila.


Parang natusok ang puso ko sa narinig ko. Ang sakit. Ang lamig ng pakikitungo niya.. Ayaw niya akong kausapin..


Hindi ko naman siya masisisi. Sa lahat ba naman ng sinabi kong masasakit sakanya noong huling pagkikita namin, eh sinong hindi magagalit 'diba?


Paano ko ba maiipapaliwanag sakanya ang lahat?


Natigilan ako ng magsalita si Bea.


"Chloe. Nagtext si Tita Becca. We have to go to Villaflor Enterprises. Now." Sabi niya matapos may basahin sa cellphone niya.


Kinuha ni Bea ang kamay ko at hinila ako para maglakad paalis ng mall. 'Di na ko pumalag at sumunod na sa kanya.


Mukhang narinig ni Zoe ang sinabi ni Bea. Nakita ko kasing napatigil siya sa paglalakad.


Bigla siyang humarap sa amin. Dahilan ng pagtigil rin ni Alfred sa paglakad.


"Wait! That's our company. Ano naman ang gagawin niyo dun?" Rinig naming tanong ni Zoe.


Nakataas ang kilay ni Zoe at naghihintay ng sagot namin. Pati si Alfred halatang nagtaka sa sinabi ni Bea.


"We have no time to explain. Malalaman niyo if you come with us." Sagot ni Bea sa kanya.


"Ay wag na lang. No thanks. Im sure about business lang 'yan." Mataray na sabi ni Zoe at paalis na sana sila harapan namin ng pigilan ko siya.


"No Zoe, kailangan mong sumama.." I told her.


She needs to know everything, too. Maging si Alfred kailangan niyang malaman ang lahat. Kailangan nilang sumama saamin ngayon.


She arched her brow again. "And who are you to tell me that?" tanong niya.


'Di ako makasagot sa kanya.


Gusto kong sabihin na "Sino ako? Ako lang naman ang kapatid mo." Kaso mas magulo kung ako ang mageexplain. Mas maganda nang nandun si Auntie para siya ang magpapaintindi sa lahat.


Biglang sumabat si Alfred. "Let's just go with them Zoe. Para mapirmahan na rin natin ang marriage contract."


Nagulat ako sa sinabi ni Alfred kay Zoe. Halatang pinarinig niya talaga 'yun sakin. G-Gusto niyang maikasal kaagad kay Zoe? Siya na ba ang mahal niya?


Nagbuntong hininga si Zoe.


"Fine." Sabi niya.


Sabay sabay kaming apat lumabas ng mall at kumuha ng taxi. Dumiretso kami agad sa Villaflor Enterprises.


Habang nakaupo kami sa taxi, 'Di ko maiwasang hindi isipin si Alfred. Ang sakit.. Mukhang ayaw na niya sa'kin dahil pinagtutulakan niya na ako. Mahihirapan akong kausapin siya kung ganun. Pa'no ko maipapaliwanag ang lahat sa kanya kung ganyan siya?


Napailing ako. Hindi ko muna dapat pinoproblema si Alfred. Unahin ko muna ang unang misyon ko dito sa America.. Ang makilala ang parents ko.


----


"Diyan ang office nila Mama at Papa." Sagot ni Zoe at tinuro ang isang room.


Tumango kami at dahan dahan kaming lumapit sa pintuan na 'yon.


Nakarinig kami ng mga boses.


"Sorry Ate Sophie.. Sorry talaga.. Hindi ko intensyong kunin ang anak niyo sainyo." Boses yun ni Auntie at dinig ang hikbi at iyak niya.


"A-Akala namin kinidnap siya at hinding hindi na maibabalik sa amin.. Y-Yun pala.. na sa'yo lang siya?" Boses rin ng isang babaeng umiiyak.


Nakatayo lang kami dito sa labas at nakikinig.


Nakaramdam ako ng kaba sa mga narinig ko. Pinapaliwanag na ni Auntie sa kanila ang lahat..


"What's going on inside?" Takang tanong ni Alfred at nakatingin sa pintuan.


Bea shrugged as an answer to Alfred's question.


Maging si Zoe nagtataka kung ano ang nangyayari sa loob.


"Chloe.." Napatingin ako kay Bea nang tawagin niya ako. "I think kailangan mo nang pumasok." Seryosong sabi ni Bea sakin.


Dahan dahan akong tumango.




This is it.




Kinakabahan ako.



Ang lakas ng tibok ng puso ko.




Dahan dahan kong ginalaw ang paa ko at unti unting pumasok sa office..




Naramdaman kong sumunod sila Bea, Alfred at Zoe sa likod ko.



Nakapasok na kami ng tuluyan sa office. Nagulat silang lahat ng makita nila kaming apat nakakapasok sa office.



Nasa office si Auntie, Tita Becca, Ma'am Clara at Sir Roberto.


Nandito rin ang isang babae at lalaking kasing edad nila Ma'am Clara..




Sila ba ang.. Sila ba ang mga magulang ko?





"Ah, Dad? Anong nangyayari dito?" Tanong ni Zoe sa lalaking matanda.


Nagpunas sila ng luha.


"Zoe anak.. B-Binabalik na sa atin ang kapatid mo.." Sagot ng lalaki sa kanya.


Kumunot ang noo ni Zoe at tumingin sa kanila.


"R-Really? Where is she?" Tanong pa ni Zoe sakanila at parang kinabahan.


Hindi nila sinagot si Zoe at umiyak ng umiyak. Tumingin silang lahat kay Auntie. Lahat sila naghihintay ng sagot.


Narinig ko ang pagsinghot ni Auntie at tinuro ako.


"A-Ate.. Siya.. Siya si Chloe." Sabi ni Auntie habang nakaturo sa akin.


"Siya ang... Kinuha kong anak sa inyo.. N-Napakita ko na sainyo ang mga papeles niya.. A-Anak niyo talaga siya." Sabi pa ni Auntie habang umiiyak.


Sabay sabay nagulat si Tita Roberto at Ma'am Clara. Napahawak pa si Ma'am Clara sa bunganga niya dahil sa pagkagulat. Nakita ko ring nagulat si Zoe at Alfred sa mga narinig nila.


Nakatingin lang sila sa amin at naghintay ng mangyayari.


'Di ko maiwasang hindi mapaluha nang makita ko ang Babae at Lalake na kaharap ni Auntie ngayon. Ang mga magulang ko..


Dahan dahan nila ang nilapitan. Dahan dahan silang naglakad papunta sa akin.


"A-Anak." Narinig kong sabi nila.


Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha na nangingilid sa mata ko.


Nang tuluyan na nila ako nalapitan agad nila akong niyakap.


Nagpatuloy na ang pag-agos ng luha ko. 'Di ko mapigilan ang halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.



"M-Mama.. P-papa.." Mahinang bulong ko habang yakap yakap sila.



Yinakap ko sila ng matagal at sobrang higpit.




Ang saya ko.


Napakatagal kong hinintay 'to.


Sa wakas..


Nakita at nakilala ko na rin ang tunay na mga magulang ko.



----
❤️❤️❤️❤️
1 chapter to go :')




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com