Kabanata 38
#JustTheStrings
Kabanata 38
Sa lahat ng namana ko sa Papa ko, bakit iyon pang konsensya niya? Sobrang lakas kasi. Hindi tuloy ako mapalagay dahil sobrang nagu-guilty ako dahil ilang araw ko rin na hindi pinapansin si Saint... And it wasn't as if it was intentional. Because it clearly wasn't intended. Gusto ko naman siyang kausapin din pero hindi ko alam ang sasabihin ko. My mind was everywhere. And I didn't think I could talk about my parents with him. That was a sore spot. And I didn't like sharing family problems with people outside my family. Pakiramdam ko kasi na kapag problema ng pamilya, dapat solusyunan sa loob din ng pamilya.
May narinig ako na katok kaya tumayo ako at binuksan 'to. Halos isang linggo na rin pala akong nakaka-kulong sa kwarto. Mabuti na lang at wala pa akong absent bago ito kaya nagagawa ko na hindi pumasok ng isang linggo...
"Ma'am, pinapa-abot po," sabi ni Manang tapos may binigay sa akin na paper bag. Tinignan ko iyong laman at mga papel na naman iyon. My heart constricted inside my chest. He was so good. He was too good! Paano ko pa siyang hindi papansinin kung sa araw-araw na iniiwasan ko siya, palagi pa rin siyang pumupunta dito at dala niya iyong mga notes sa klase ko? He was too thoughtful for his own good. And he wasn't making it any easier to hold a grudge against him.
Agad kong binaba iyong paper bag at saka tumakbo palabas. Para akong biglang nasilaw dahil medyo maliwanag sa labas. I had been camped up inside my room for too long that my eyes had to adjust to the light.
"Saint!"
Pakiramdam ko bigla na lang akong madadapa dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
"Saint!"
Biglang huminto.
"Cohen?" tanong ko na naka-kunot ang noo. "Nasaan si Saint?"
"He asked me to give you the notes," he said. Tumango ako. "Ah, he's sick, that's why he asked me."
Napa-awang iyong labi ko dahil sa narinig ko. May sakit siya? Tapos hindi ko siya pinapansin?
"Kailan pa?"
"Last Wednesday," he replied. "Complete ba 'yung notes? He'd get mad at me kung kulang," he asked, worried. Matangkad lang talaga si Cohen pero halata na takot siya sa mga kuya niya. I wonder why.
Tumango ako sa kanya at saka nagpasalamat. I was so out of it. I felt really guilty dahil ilang araw na palang may sakit si Saint tapos ako ito, nagkukulong lang sa kwarto ko. If it were me, sigurado ako na aalagaan ako ni Saint.
"Wait lang, ha? Don't move," sabi ko kay Cohen tapos mabilis akong umakyat sa kwarto para magbihis. Good thing I took an early shower kaya nagpalit na lang ako ng damit. Wala pang sampung minuto nung makababa ako. Pero napa-kunot ang noo ko nung mapansin ko na si Cohen, ganun pa rin kung paano ko siya iniwan. "Bakit hindi ka naupo?"
"You said don't move."
What? What's his problem?
"And so?"
He shrugged.
"If you say don't move, I won't move," iyon lang ang sinabi niya. "Can I move now?"
Napa-tampal na lang ako sa ulo. Ganito ba talaga kapag bunso? Masyadong masunurin? Bakit hindi naman ganito iyong kambal? Sobrang gulo pa nga nila, e.
"Of course," I answered. "Didiretso ka na ba sa inyo? Pwedeng pasabay?"
He nodded at sabay kaming pumasok sa sasakyan niya. Habang nagda-drive siya, bigla kong naalala na wala man lang akong dala kahit na ano. I immediately asked him to stop at the nearest supermarket para makabili man lang ako ng kahit prutas.
"Gusto mong sumama?" I asked Cohen dahil naka-upo lang siya habang nagtatanggal ako ng seatbelt.
"Can I?"
"Of course," I said. Why did it feel like he needed to ask permission before he could do anything? Ano bang meron kay Cohen? But it should be the least of my priorities. Kailangan kong bilisan na bumili para mapuntahan ko na agad si Saint.
Pagpasok namin sa supermarket, agad na nakita ko iyong mga prutas dahil nasa bungad lang naman sila. I got a basket but Cohen took it from me. GDL brothers are indeed gentlemen. Not once pa akong pinagbuhat ng kahit na ano ni Saint. Unlike Kuya and Parker na kahit mabigat ang dala ko, wala silang pakielam sa akin.
I was choosing from the range of fruits at nung kumuha ako ng apples para ilagay sana sa basket, Cohen spoke.
"Saint doesn't eat apples," he said.
Napa-hinto ako. I bit my lower lip. Ganito ba ako walang alam sa kanya? Na kahit mga ayaw niyang kainin, hindi ko alam? Pero siya, halos lahat alam niya na tungkol sa akin...
Kumuha si Cohen ng saging at saka kiwi. "He likes these, though," he said and then smiled at me. "If there's something you don't know, you can ask me... Or better yet, ask Saint. He'll tell you anything."
I looked at him and somehow, I felt like I could confide in him. Wala rin kasi akong makausap tungkol sa nararamdaman ko regarding what was happening with Saint and I. Sina Kath at Liza, may mga sariling problema... Tapos si Parker naman, ayokong pag-usapan namin si Saint because that felt so wrong.
But I guess Cohen's good. Pwede ko siyang kausapin. And he looked like he's really concerned about what's happening between me and his brother.
"It's just that... I feel guilty. Hindi ko siya kinausap ng ilang araw tapos may sakit pala siya."
"He understands," he said and then patted my head. Para pala kaming tanga dahil nagda-dramahan kami sa harap ng mga prutas. "He's a very patient person, you know?"
"Talaga? Kahit sobrang illogical na ng ginagawa ko?"
"Like what?"
"Kahit ano..." I said and then stopped abruptly. Tama ba na i-open up ko na naman iyong issue ko kay Dani? Palagi na lang kasing napapag-usapan. Palagi na lang ding sinasabi sa akin na wala naman si Dani... That's she's just a friend but why couldn't I shake this feeling off, still? It was haunting me.
"Whatever it is, I'm sure you can talk about it with him," he said with a smile.
Dumiretso na siya sa counter at binayaran iyong binili ko. Pinabayaan ko na siya dahil wala naman ako sa mood na makipagtalo. My mind was arguing with itself. Ano ba ang dapat kong gawin para mawala sa sistema ko iyong nararamdaman ko against Dani? Should I befriend her? Baka kasi kapag magkaibigan na kami, hindi na ako makaramdam ng selos...
Bahala na nga.
Pagdating namin sa bahay nila, agad akong kinabahan dahil nandito daw iyong Papa nila. Kinakabahan ako kasi nga Ambassador ng Spain iyong Papa nila. Tapos hindi naman ako masyadong magaling sa Spanish! Dapat talaga nagfocus ako nung language class ko, e.
"Where's Pa?" tanong ni Cohen sa maid.
"Study room, Sir."
Cohen looked at me and smiled.
"You're safe. Papa won't come out when he's working. Saint's room is upstairs, third door from the right," sabi niya at saka inilagay iyong paper bag sa kamay ko. Umalis na si Cohen pero para akong naka-tukod sa kinatatayuan ko. Oh, my God. Ito na talaga. Aakyat na talaga ako sa kwarto ni Saint. Huminga muna ako nang sobrang lalim bago ako nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto ni Saint. Nung una mabagal akong maglakad pero nung naisip ko na makikita ko na si Saint, biglang bumilis iyong mga hakbang ko.
And before I knew it, nasa harap na ako ng kwarto ni Saint. I was about to knock when I noticed that the door was ajar.
"Kain ka na kasi!"
"Not hungry."
"But you need to eat! Mananalo ulit sila Thirdy kapag hindi ka naglaro next week!"
"So? He's your brother. You should be happy if they win."
Biglang bumilis iyong tibok ng dibdib ko nung marinig ko iyong boses ni Dani at Saint. At bigla ring may humatak sa akin.
"Tara sa baba. We have new dogs," sabi ni Cohen na naka-ngiti. He gently pulled me. Naglakad na lang ako ng naka-sunod sa kanya. This was a sign that I couldn't erase this uneasy feeling I have with Dani. That as long as she's around, I'd have this nagging feeling inside me—eating me up.
Pagdating namin sa baba, I tugged my hand from Cohen's.
"Ano... Uuwi na ako," I said with a small smile.
"You won't see him?"
"Busy pa siya, e."
Cohen looked at me and sighed.
"For every step he takes, you take two steps backward—without even asking for a reason why. How will you meet half-way if you keep on doing that?"
--
Dalawang araw pa ang lumipas at nasa isip ko pa rin iyong sinabi ni Cohen. Pati iyong pag-uusap nila Saint at Dani. Imbes tuloy na marami akong pahinga, mas lalo lang akong napagod. Kakatapos lang ng first two subjects namin at nagsabi ako kina Liza na may pupuntahan ako kahit sa totoo lang, pumunta lang ako sa gazebo para mapag-isa.
"Hindi mo pa rin kinakausap?"
I shook my head.
"Bakit?"
I shrugged. I wanted to offer explanation kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin kinakausap si Saint pero wala akong maibigay... Siguro dahil nahihiya ako sa dahilan ko? Tuwi kasing maiisip ko siya, naiisip ko rin si Dani. And I knew it was wrong to suspect anything dahil magkaibigan lang naman sila. But still, I was jealous. I like him. I like him so much kaya hindi ba normal lang na magselos ako?
"I'll talk to him," I answered. "Soon."
"Galit ka ba sa kanya?"
"Hindi."
"Bakit ayaw mong pansinin?"
I pursed my lips.
"Pumupunta pa rin?"
I nodded.
"Everyday."
Simula nung gumaling na siya sa sakit niya, siya na ulit iyong nagdadala ng notes sa bahay. And I felt guilty dahil pumapasok na naman ako sa class. Siguro lang akala niya absent pa rin ako kasi pinagtataguan ko siya sa school.
Paano ba naman kasi? Sasabihin ko ba sa kanya na nagseselos ako sa best friend niya? E 'di ba mas masama nga iyon? Kasi best friends lang naman sila tapos ako lang naman 'to na kung anu-ano ang iniisip...
Ang overthinker ko. Nakakainis.
"And you ignore him everyday?"
"I don't ignore him. I always send texts telling him that I don't feel good and I want to be alone."
I try to explain my side to Saint because I didn't want him to misunderstand me. I just wanted some space to think about things. And I didn't think I'd be a good company nowadays. Iyong kalahati ng pagkatao ko ay palaging lumilipad dahil palagi kong naiisip sila Mama at kung kailan ba matatapos iyong problema namin.
"Is there... another girl?"
I pursed my lips.
"Is that girl Dani?"
Napa-tingin agad ako sa kanya.
"Bakit—"
"Of course I know them. We're all part of the varsity," sabi ni Parker. Bakit ba kasi hindi ako athletic? E 'di sana common ground namin ni Saint iyon... Wala nga yata kaming common sa isa't-isa, e. Palagi na lang siya ang nag-aadjust para sa akin. "Pero siya nga?"
"And can we not talk about Saint?" I asked. I didn't feel comfortable talking about Saint with him... It felt like betraying Saint. Kung anuman ang problema namin ni Saint—or lack thereof dahil hindi naman kami nakakapag-usap lately—gusto ko sa amin lang 'yun.
Parker then decided to let go of the topic. Iba na lang iyong pinag-usapan namin. Nitong mga nakaraang araw kasi, siya lang iyong nakakausap ko. Nasasabi ko kasi sa kanya iyong mga problema ko. He's familiar. He knew it all, too. Iyong tungkol kay Tito Parker, iyong issue ni Kuya kay Mama. Alam niya na lahat. Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sa kanya. Basta alam niya na. And it felt good.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan?"
He shrugged, too.
"Hindi ka nag-aaral?"
Umiling siya.
"So, tambay ka lang?"
"Not really. I'm helping Papa with the firm," sagot niya sa akin.
"Hindi ba maglalaw ka rin dapat?" I asked him.
He offered me a small smile and shook his head.
"Hindi ka na pinipilit?" I asked, my eyes widening. "Hala, bakit daw?"
Simula dati kasi, alam na namin pareho na one day, sa law school din ang bagsak ni Parker. Wala kasing magpapatuloy ng law firm nila. E siya lang naman ang nag-iisang anak ni Uncle Tripp at Auntie Kach kaya sayang naman kung mapupunta lang sa wala iyong firm nila. Isa pa naman 'yun sa pinaka-sikat sa Philippines.
"Hindi na, e. Sabi nila, gawin ko na lang daw kung ano ang gusto ko," he answered.
And that was weird. Auntie Kach had always been adamant about Parker being a lawyer... Something about him following the steps of Tito Parker. Ewan. Ang gulo. Pero masaya ako for Parker kasi alam ko naman na hindi niya talaga gusto maglaw. He wanted to be a professional soccer player pero dahil sa responsibility, alam niya na mas dapat niyang unahin iyong law. Hindi ko lang alam kung ano ang nagbago sa isip ni Auntie pero masaya ako for Parker.
"Sige, tinatawag ka na yata," I said nung marinig ko iyong boses ni Auntie Kach sa background.
"Okay," Parker said. "And Imo?"
"Hmm?"
"Talk to him... or not. Whatever. But remember that being ignored doesn't feel good," sabi niya bago niya pinatay iyong facetime namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com