Kabanata 51
#JustTheStrings
Kabanata 51
My two months trip became three months... four months... until I extended it to seven months. I skipped the first semester. Of course my parents didn't approve but what could they do? I was half a world away from them and they couldn't exactly track me. Once they get a hold of the credit card receipts, I was already in another country.
But when I returned from my seven months trip, Mama threw a party for me... which was unnecessary dahil sandali lang naman akong nawala. At isa pa, dapat palagi lang siyang nagpapahinga dahil palagi siyang puyat dahil kay Cayden. I was away when she gave birth. It was one of the things I missed while I was away. Pero siguro okay na rin kasi medyo nakakatakot talaga si Mama kapag in labor siya.
"You cut your hair!" Kath said. "And it's red!"
I smiled and then turned around. I didn't know what possessed me pero bigla kong naisipan na magpa-gupit ng shoulder length. Tapos nagpakulay na rin ako para kumpleto.
"Bagay ba?"
She nodded.
"You look like a Westerner!" she said and then enveloped me in her bear hug. "I missed you! Did you enjoy Europe?"
Pumunta kami ni Kath sa sala at doon nagkwentuhan. Sinabi ko lang sa kanya iyong mga napuntahan ko at saka pinakita ko lahat ng pictures na kinuha ko. During my time away, I didn't use any social media. I just installed Viber on my phone para makausap ako nila Mama kung kailangan nila. First time ko kasing umalis na mag-isa lang kaya sobrang paranoid nila Mama. Though I think their worry was called for. Medyo naligaw ako nung nasa Prague ako pero sobrang okay lang kasi ang ganda naman doon. Pinaka-na-enjoy ko ay iyong sa Switzerland kaya nag-extend ako roon. I enjoyed my cocoa while looking at the mountain caps. I also found new friends and I promised them that if ever they come to the Philippines, I'd tour them around.
"Talagang lilipat ka na ng degree?"
"Yeah..."
"Pero fourth year na sana tayo ngayon!" she whined. "At saka nasa kabilang dulo pa ng campus iyong bagong college mo! Paano na tayo magkikita?"
Tinawanan ko lang si Kath. Makaka-adjust din naman siya. At isa pa, hindi ko naman talaga gusto iyong Business Administration. I just took it before because I had no idea what I really wanted... and I thought I'd make my parents proud if I take that. I just realized that my parents would support me with whatever I wanted. And for once, I wanted to grant myself what I really wanted. Palagi ko na lang kasing iniisip ang iba dati.
After I talked to Kath, I went back to the garden dahil nandun iyong ibang mga tao. Kuya Benj was playing with Riley and Finley habang si Liza, nakaupo lang sa isang gilid. I would talk to her later. I would say sorry for the things I said before. Nakausap ko na naman si Ate Jas... She's okay, so there's no need for me to feel anything unpleasant towards Liza. Hindi ko naman problema iyon.
Kuya was talking with Kuya Jackson. Si Papa naman, buhat si John. Si Mama naman ay buhat si Cayden. I smiled at the view. I missed this.
"We already processed your papers. Simula na ng pasok mo sa isang araw," Mama said. "Yung condo mo, naayos na rin ng Papa mo... Are you sure na gusto mong tumira mag-isa?"
I nodded.
"Hindi ka naman marunong magluto..."
"Marunong ako!"
"Hindi pagluluto ang pagpi-prito, Mary Imogen," Mama said. She was tearing up again kaya niyakap ko siya. "Aren't you going to change your mind?"
I shook my head.
"I'll visit whenever I can, Ma. Malapit lang naman dito iyong condo, unlike Kuya na sa QC pa... And besides, may fastfood naman."
"It's not healthy. Dalhin mo kaya si Manang para may magluluto para sa 'yo?"
Hinigpitan ko lang ang yakap ko kay Mama habang tinatanggihan ko ang suggestions niya na dalhin ko si Manang at si Manong Roger kasama sa akin sa condo. Ano ba ang sense ng pagka-gusto kong maging independent kung isasama ko lang din pala sila Manang?
Nung antukin na si John at Cayden, pumasok na si Mama para patulugin iyong dalawang baby. Si Papa naman ay nagsimula ng maggrill. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Kath para tulungan niyang mag-ihaw si Papa, e sobrang arte ni Kath.
"Hindi bagay sa 'yo," bungad sa akin ni Kuya nung nilapitan ko siya.
"Hindi ko tinatanong iyong opinyon mo," sagot ko.
Tawa naman nang tawa si Kuya Benj at saka ako inakbayan.
"Ayos, princess. Seven months ka lang nawala pero parang seven years!" Ginulo niya iyong buhok ko. "Pero bagay sa 'yo."
"Tss. Bakit ba kapag heartbroken ang babae, buhok agad ang pinagdidiskitahan?" Kuya asked. Bigla naman siyang siniko ni Kuya Benj. "What? 'Di naman in denial si Imo! Kilala mo pa naman si Santo, 'di ba?"
Tumango ako.
"Okay na ako, Kuya Benj. Hindi naman taboo ang pangalan ni Saint," I said with a smile.
Seven months akong nawala. Parang ang igsi lang pero at the same time, ang daming nangyari. Siguro sobrang nakatulong iyong huling pag-uusap namin... kahit wala naman talaga kaming pinag-usapan. Sa part ko kasi, okay na ako na nagsorry siya. Nagsorry na rin ako. Tapos, hanggang doon na lang. Na-realize ko kasi iyong self-worth ko. Mahal ako ng Mama ko. Mahal ako ng Papa ko. Mahal ako ng mga kapatid ko. Mahal ako ng mga kaibigan ko. Kaya bakit ako papayag na masaktan kung ang daming nagmamahal sa akin?
And with Saint, if I could, I would choose not to see him. Pero kung hindi maiiwasan, wala naman akong magagawa. Basta sa akin, tapos na kami. Hanggang doon na lang.
"Oh?"
"At saka nakapag-usap naman kami bago ako umalis. Kaya okay na ako," I assured them. Tinignan lang nila akong dalawa ni Kuya kaya natawa ako. I took the opportunity to turn against them. "Ikaw, Kuya? Kamusta kayo ni Mars? Binabato ka pa rin ng kaldero?"
Kuya scoffed.
"Tss! 'Wag nga nating pag-usapan iyong alien na 'yun. Nawawalan ako ng gana kumain."
Binatukan siya ni Kuya Benj.
"Gago ka kasi. Paano titino iyon e palagi mong binubwisit!"
"Hala! Nakilala na ni Kuya Benj si Mars?! Ang unfair naman!" sabi ko. Ang tagal ko na kayang gustong makilala si Mars. Sobrang nakaka-curious kasi niya base sa mga kwento ni Kuya. Para bang battered husband siya tuwing nagkukwento siya ng mga nangyayari sa bahay nila.
Pinipilit ko pa sana si Kuya na dalhin ako sa QC para sa wakas naman ay makilala ko na si Mars nung bigla kong marinig na may tumawag sa pangalan ni Parker. Agad akong napatingin sa direksyon na iyon. Biglang napaawang iyong labi ko.
"Laway mo, tumutulo," biglang sabi ni Kuya.
Seven months lang ba talaga akong nawala?
"Princess, panyo, oh. Masyadong obvious na pinagnanasaan mo si Parker," tawang-tawa na sabi ni Kuya Benj.
Hindi mawala iyong tingin ko kay Parker. He was wearing a white crisp polo tucked inside a black pants. Naka-tiklop iyong manggaas hanggang sa gitna ng braso niya. He was also holding a brief case and he was wearing a black-rimmed glass, for heaven's sake!
"Hoy, Imo."
Pakiramdam ko nakaawang pa rin iyong labi ko.
"A-anong nangyari?" I managed to ask. Hindi pa rin maalis iyong tingin ko kay Parker habang kausap niya si Papa. He looked so serious at sobrang bagay sa kanya iyong bagong gupit niya.
"Kay Parker?"
I nodded. What the heck happened during the seven months I was away?!
"Dahil wala pa rin si Tito Tripp, tumutulong na siya sa firm nila and at the same time, nag-apply na siya sa law school. Second sem niya na ngayon. Mas maaga lang ng one week ang pasok nila kasi mas maaga sila kaysa sa normal schedule," paliwanag ni Kuya. "Hindi na nga makausap 'yan, e. Sobrang busy. Akala mo 30 years old na."
Kuya Benj snickered.
"Ikaw lang naman ang walang kwenta. Nagta-trabaho na kaya kami," he said.
"Kasalanan ko bang 'di ko kailangang magtrabaho?" naiiling na sabi ni Kuya. "Kasalanan 'to ni Papa at ng pera niya."
Habang nagtatalo sila, naka-tingin lang ako kay Parker. Something about him changed... at bigla kong nahigit iyong hininga ko nung mapatingin siya sa akin. He didn't break the stare when he began to walk towards me.
'Ano'ng nangyayari sa 'yo, Imo?! Si Parker lang 'yan!' I kept on reminding myself.
At nung nasa harapan ko na siya, I forced myself to stop staring. But I couldn't! My god! Baka iniisip niya na creepy ako!
"Kamusta first day?" Kuya asked him.
"Ayos lang," Parker replied, still looking at me. Only me.
"Maraming maganda?" Kuya asked again. Bintukan siya ni Kuya Benj.
"May asawa ka na!"
"Hindi ko asawa 'yun!"
Habang nagtatalo sila, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko. I wanted to snap out of it, but I seriously couldn't. Something about him being matured and all grown up was drawing me close to him.
"I fulfilled my promise," he said.
Napakurap na lang ako.
"H-ha?"
"I told you I'm gonna straighten myself up," he replied. "I haven't touched alcohol or cigarette since you left. I've been doing a good job at handling my father's firm. And I'm on my way to become a lawyer like my mom."
Kurap lang ang naisagot ko. I wanted to touch his hair.
"I did a good job, right?"
I was about to affirm nung inakbayan siya nila Kuya at saka pinagbabatukan.
"Kakabalik pa lang ng kapatid ko, nilalandi mo na agad! Magbagong-buhay ka na, Palma!" sabi ni Kuya at saka nila hinatak papasok sa bahay si Parker. Hindi na talaga sila nagbago.
--
Nung gabi, sa condo na ako natulog kahit na pinilit ako ni Mama na sa bahay na ako matulog. Nasa condo na rin naman lahat ng gamit ko kaya mas okay na doon na ako. At isa pa, para mas masanay na ako.
"Your car's already there," Mama said. "Do you even know how to drive?"
I shook my head.
"Parker, do you mind?" Mama asked. "Teach her how to drive if you have time. Make sure she won't kill herself."
Hindi pa rin sumusuko si Mama.
"Of course," Parker replied. "This weekend, okay lang sa 'yo?"
I just nodded. Hindi ko alam kung bakit biglang nauutal ako kapag kaharap ko si Parker ngayon! Hindi naman ako ganito nung umalis ako! Pakiramdam ko ay biglang naging high school student ulit ako dahil ganito ako kay Parker dati... Pakiramdam ko kasalanan 'to ng pagiging law student niya. Nag-iba bigla iyong dating niya.
He seemed... mature.
Hindi ko tuloy alam lalo kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko rin kasi alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa akin nung huli kaming nagkita. That was the last time we talked. Wala akong kinausap habang nasa ibang bansa ako. I wanted to heal myself fully at alam ko na hindi ko magagawa iyon kung may makakausap ako at ipapaalala lang sa akin iyong mga nangyari.
Was I able to move forward? I'd like to think so. Hindi na kasi ako naiiyak kapag naiisip ko si Saint. Hindi na rin ako nagagalit. I just felt indifferent. I didn't want anything to do with him anymore... pero malabong mangyari dahil kaibigan ko ang mga kapatid niya lalo na si Cohen. Even when I was away, Cohen kept on texting me on Viber. He's so clingy. Kahit hindi ako nagrereply, nagtetext pa rin siya ng kung anu-ano.
Nung makapaglinis na ako ng katawan, ang una kong hinanap sa condo ay iyong laptop ko. I frowned when I saw the desktop background. Hindi ko pala 'to nabago bago ako umalis.
I quickly reactivated my Facebook and Instagram. Binago ko iyong profile at banner picture dahil kaming dalawa ni Saint iyon. I didn't delete the pictures because they still held memories for me. I just made them private dahil ayoko na makita pa ng ibang mga tao. I chose my picture while I was standing in front of a mountain nung nasa Switzerland ako. Pinaka-paborito ko talaga iyong Switzerland sa lahat ng napuntahan ko.
At saka tinanggal ko rin iyong Mary sa pangalan ko. It bothered me kaya tinanggal ko na lang. I was just Imogen Suarez.
Biglang nagcomment agad si Kath sa picture ko.
Kath: You're back! Let's hang bago magstart ang class! Tagging @Liza
Imo: Okay. Tomorrow? May jetlag pa rin ako
Kath: Kk, Miss Jet setter. Sunduin kita sa condo mo tapos overnight? I missed you!! Grrrr
Imo: Sure. See you bukas @Kath @Liza
I smiled to myself. Okay na kami ni Kath. Okay na rin kami ni Liza. So far, so good.
I was about to close my laptop when a familiar name popped on my newsfeed.
Saint Iverson Gomez de Liaño
Finally done hiding? Good.
I went to his profile and clicked unfollow. I didn't need his posts on my newsfeed and in my life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com