Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Remembering the Past

Ayoko nang ganito. Mas lalo akong nasasaktan at nahihirapan. Kailangan ko na munang lumayo kay Van. Itinupi ko ang papel na pinagsulatan ko ng mensahe para sa kaniya bago ako umalis. Nakaayos na tin naman ang mga gamit ko at isa pa hindi ko na kaya pang magtagal sa lugar na ito gayong alam ko na naman ang kung anong meron sa amin.

Hindi ko naman aakalain na ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa dahil ang totoo iba naman pala ang mahal niya. Ang tanga ko para maniwala na mahal niya talaga ako.

'Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi pero sadyang makulit ang mga mata ko.

Muli ko siyang tiningnan habang mahimbing na natutulog. Matapos kong malaman ang lahat kahapon hindi ko na siya kinausap. Tutal naman wala rin naman siyang balak pang magpaliwanag dahil ni hindi niya nga ako magawang tingnan. Kung madaan-daanan lang niya ako parang hindi niya ako kilala kaya naman napagdesisyunan ko na umalis na muna dahil ako lang din naman ang nasasaktan. Kung sana nilapitan niya ako para magpaliwanag, 'di sana hindi ko na kailangan pang gawin 'to.

I leaned on him and kissed him gently on his forehead.

Bigla siyang gumalaw pero buti na lang ay hindi siya nagising.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng pinto. Nakita ko naman si Cross na nakasandal sa may pader na may hawak na libro sa isa niyang kamay at ang isa naman ay nakapamulsa sa pantalon niya.

"Are you sure about this?" napakapoker face na tanong niya.

"Yes," sagot ko naman habang nakapoker face rin.

Ano ba 'yan? Nakakahawa ang expression niya.

Lumakad na siya pauna sa 'kin. 'Agad naman akong sumunod sa kaniya. Hanggat maaari ay iniiwasan naming makagawa ng ingay dahil baka magising si Lolo G o kaya si Jiji pero mas nakakatakot kung si Van. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nahuli niya kaming aalis.

Nakahinga na lang ako nang maluwag nang makalabas kami ng bahay.

Sumunod lang ako kay Cross at napatitig ako sa likudan niya.

"Hindi mo ba ako ipagdadala?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa 'kin. Nakapamulsa na ngayon ang dalawa niyang kamay. "No."

"Ang gentleman mo, ha! Kakatuwa!"

Hindi na lang niya ako pinansin at tumuloy sa paglalakad.

Napasigaw naman ako at napahawak sa ilong ko nang tumama ako sa likod niya. Hinampas ko naman ang likod niya. "Bakit ka ba tumigil?"

Hindi siya nagsalita kaya sumilip na lang ako mula sa likudan niya at nagulat na lang ako nang makita ko si Van na nakasakay sa likudan ni Jiji. Paanong nasundan pa niya kami? Tulog na tulog siya kanina. Matalim siyang tumingin kay Cross at medyo nag-soften ang expression niya nang magawi ang tingin niya sa 'kin. 'Agad ko namang iniiwas ang tingin ko sa kaniya. Ayokong makita ang lungkot sa mga mata niya, parang pinipiga ang puso ko.

"Kisha." Malamig ang boses niya pero may tono ito na nagsusumamo.

Tumabi na ako kay Cross at tiningnan lang siya. Dapat hindi na siya sumunod. Ano pa ang kailangan niya sa 'kin? Para sabihing totoo na panakip butas lang ako?

"Mali ang iniisip mo." Pain crossed his eyes. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yung paniwalaan.

Alam kong pilit niyang binabasa ang nasa isip ko. Hindi ko alam ang ginawa ko pero pakiramdam ko nahaharangan ko iyon ngayon. Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakatingin pa rin sa 'kin.

"Kailan mo 'yan natutunan?" tanong niya sa 'kin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko rin alam.

"None of your business." Nagulat din ako sa sarili ko. Napantayan ko ang intensidad ng malamig niyang titig at boses. Ngayon kitang-kita ang nasasaktan niyang expression, dapat ba akong maniwala? Galit at sakit. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Kisha...don't...don't leave me," nagsusumamo niyang sabi sa 'kin. Ilang saglit pa lang ay nasa harapan ko na siya at hawak ang kamay ko.

"Bakit? Para saan? Para hindi ka mangulila sa kaniya, para malaman ang pakiramdam na mahal ka niya sa katauhan ko?" Tumawa ako ng pagak.

"Please...Kisha...just please...don't..."

Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya. Hindi nga siya umiiyak pero nasasaktan siya. Pero naisip niya ba ang magiging pakiramdam ko kapag pumayag akong hindi umalis sa tabi niya? Naisip niya ba ang side ko? Ako nga ang kasama niya pero nasa iba naman ang puso niya? Alam niya ba ang sakaling mararamdaman ko kapag ganoon?

Umiling-iling ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. "No, I'm done with this." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at dumaan na sa tabi niya. Napatingin ako kay Jiji na tumango lamang sa 'kin.

Hindi ko na siya muling nilingon dahil baka kapag ginawa ko 'yun ay tumakbo lamang ako pabalik sa kaniya. Nakatungo lamang ako habang naglalakad.

Naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kamay sa ulo ko at tinapik-tapik ito habang naglalakad ako. Napaiyak tuloy ako lalo dahil sa ginagawa ni Cross. Patuloy lang kami sa paglalakad habang nakapatong pa rin ang kamay niya sa ulo ko. Kagat labi naman akong umiiyak para sana pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko kaya.

Hindi ko namalayan na nasa ibaba na kami ng bundok at nag-aabang ang isang Lamborghini Veneno. Sumakay na si Cross sa driver's seat samantalang nanatili naman akong nakatayo at nakatitig sa sasakyan niya. Nakakahiyang sumakay sa ganyan kagandang sasakyan. Ang ganda ng kotse niya at mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya nu'ng nakasakay na siya rito.

Binuksan ni Cross ang bintana at tumingin sa 'kin. "You'll ride or what? If you want to walk then I'm going." Nagsimula na siyang paandarin ito.

Seryoso siyang kaya niya akong iwan?!

"Oo na! Ito na!" Tumakbo ako papunta sa may backseat at nakita ko siyang nakatingin sa 'kin mula sa rear-view mirror. Nakatingin siya sa 'kin nang masama. "A-Anong problema?"

"You want me to be your driver? You'll seat here." He patted the leather seat beside him.

Lumabas na ako at umupo sa passenger seat.

"Where do you plan to go then?" tanong niya sa 'kin habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay ko."

Hindi na siya nagsalita ulit at nagpakabusy sa pagdadrive. This will be a long trip.

VAN, siguro sa oras na binabasa mo 'to nakaalis na ako. Hindi ko na kaya pang manatili sa lugar na ito na kasama ka kasi bawat segundo...minuto...oras...na kasama kita mas lalo lang nadadagdagan 'yung sakit sa dibdib ko. Mas mabuti na sigurong lumayo muna ako sa 'yo. Alamin mo muna ang tunay mong nararamdaman at kapag alam mo na, handa akong tanggapin kung anoman ang magiging desisyon mo. Mahal kita.

Paulit-ulit kong binasa ang sulat niya. Nakaalis na siya at tuluyan na akong iniwan. Masakit pero kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Ako itong nalilito sa nararamdaman ko. Hindi ko dapat siya ipinasok sa lahat ng 'to kung mismong sarili ko ay hindi pa maayos. Hindi ko akalain na sa sa pagsasanay na ito ay lalabas ang lahat ng mga taong kabilang sa masalimuot kong nakaraan.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao kasabay ng pagkagusto ng sulat niya. Wala na si Jullia pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nananahimik. 'Yung mga alaalang matagal kong itinago, 'yung mga nararamdaman ko para sa kaniya na isiniksik ko sa pinakasulok ng puso ko, parang baha na umaagos sa 'kin ngayon. Napahawak ako sa aking noo at isang alaala ang pumasok sa 'king isipan.

"Van! Bampira ka?!" tanong niya habang magkadaop ang kaniyang palad at kumikinang ang mga mata. Nagulat ako nang hindi man lang siya natakot sa 'kin.

"H-Hindi ka ba natatakot s 'akin?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit naman? Ang astig nga, eh! Kamag-anak mo ba si Edward Cullen?!"

Natawa na lang ako sa kaniya. Kakaiba siya. Baka kung sa ibang tao ay magsisigaw na 'yon at tumakbo palayo dahil sa takot pero siya ay tuwang-tuwa pa. "Hindi ko kaano-ano si Edward Cullen, sa pelikula lang 'yun."

Sa bawat araw na kasama ko siya hindi niya ipinaramdam sa 'kin na kakaiba ako hanggang sa malaman na lang namin na mahal namin ang isa't-isa.

"Mahal kita, Van," nakangiting sabi niya sa akin habang hawak ang magkabila kong pisngi.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa aking dibdib. Wala man akong maramdamang tibok dito, pakiramdam ko'y napakasikip at para itong pinipiga.

Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ko rin siya. Isang ngiti na unang beses kong ginawa matapos ang ilang taong pagdurusa dahil sa pagkawala ni Mama. "Ngayon alam ko na, mahal din kita."

Bumuhos sa akin ang halo-halong emosyon na halos hindi ko na malaman kung ano ba dapat ang gawin ko. Dumating na ang alaala na matagal ko nang gusting kalimutan pero para itong palabas na biglang nag-play sa aking utak.

Umiiyak siya habang nakaunan ako sa kaniyang hita. Yakap niya ang katawan kong puno ng dugo galing sa malalim kong sugat na natamo ko sa pagligtas sa kaniya mula sa bampirang humahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Isang malaking paglabag sa aming lahi ang magmahal ng katulad niya pero wala akong pakealam. Ang mahalin siya ang pinakamasayang bagay na nagawa ko.

"Van, lumaban ka. Ano ang dapat kong gawin? Kung kinakailangan ay sipsipin mo na ang dugo ko, 'wag ka lang mamatay."

Patuloy siya sa pag-iyak at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Sa dami ng sugat na natamo ko ang bagal na nitong gumaling. Ang tanging solusyon lang ay ang makainom ako ng dugo pero mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa kagatin siya at kuhanan ng dugo. Ayokong masaktan siya.

"Hindi puwede." Ngumiti ako sa kaniya kahit na gusto ko na talagang pumikit. "Hinding-hindi kita kukuhanan ng dugo kahit pa mamatay ako."

Umiling-iling siya. " "Yan ang hindi puwede, Van. Hindi mo ako puwedeng iwan." Inilapit niya ang leeg niya sa akin at napalunok ako. Hindi talaga puwede. Kung tutuusin kulang pa ang dugo niya sa katawan mapagaling lang ang sugat ko. Kapag nasimulan ko na, hindi ko na mapipigilan pa.

Iniiwas ko ang mukha ko. "Ayoko. Alam mo naman na kapag nakatikim na ako ng dugo, tuloy-tuloy na 'yun."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit iniharap ang mukha ko sa kaniya. Isang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin at siniil niya ng halik ang labi ko. "Mas madaming may kailangan sa 'yo, Van," umiiyak na sabi niya. "Naisip mo ba na kapag hindi ka nakainom ng dugo at hindi ka gumaling, ano na lang ang gagawin nila sa 'kin? Malamang papatayin din nila ako kaya Van, please sundin mo na ang gusto ko."

Matagal ko siyang tinitigan. Ngumiti lamang ulit siya sa 'kin at muling itinapat ang leeg niya sa bibig ko. Naamoy ko na ang dugo niya at nararamdaman ko rin ang mabilis na pagdaloy nito sa kaniyang mga ugat.

Napapikit ako nang mariin at unti-unting ibinuka ang aking bibig. Dahan-dahan kong ikinagat sa kaniya ang aking pangil. Alam kong nasasaktan siya pero noong oras na nalasahan ko na ang dugo niya sa bibig ko ay hindi ko na mapigilan pa. Nagkapalit kami ng posisyon at ako na ngayon ang may hawak sa kaniya.

"Van!" Parang wala akong naririnig. Pasok sa isang tainga at labas naman sa kabila ang pagsusumamo niya. "Van! Please!" Umiiyak na siya pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa pag-ubos ng dugo niya hanggang sa halos wala nang matira.

Bumalik lang ako sa katinuan nang makita siyang nanghihina sa bisig ko. Habol niya ang kaniyang hininga at namumutla ang kaniyang mukha.

Nanginig ang buo kong katawan. Binalot ng takot ang puso ko.

"I'm sorry, I'm sorry, Julia. Kasalanan ko... I'm sorry." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Nanghihina siyang ngumiti sa akin at pilit niyang itaas ang kamay niya para mahawakan ang pisngi ko. "Wala kang kasalanan, Van. Masaya ako dahil nakilala kita. 'Wag ka nang umiyak. 'Wag na 'wag mong sisihin ang sarili mo dahil ako ang may gusto nito. Mahal na mahal kita." May butil ng luha na kumawala sa mga mata niya. "Maghanap ka ng babaeng mas hihigit pa sa pagmamahal ko sa 'yo."

"Ikaw lang ang mahal ko, hindi kita papalitan. Kaya 'wag mo akong iwan," pagsusumamo ko sa kaniya.

Umiling siya at ipinikit ang mga mata niya. "You have to move on, Van." Ito ang huling sinabi niya bago mahugutan ng hininga.

DALAWANG araw pa lang ang lumilipas simula nu'ng umalis ako sa bundok na 'yon pero dalawang araw na akong walang tigil sa pag-iyak tuwing gabi. Ang hirap ng ganitong lifestyle, 'yung tipong kahit pagkain ay kinatatamadan ko na rin. Kahit pagpasok ayoko na rin, gusto ko lang magmukmok. Gusto ko lang humiga sa kama ko at lamunin ng sakit na nararamdaman ko.

Pero nasira ang plano kong magpaka-emo dahil sa lalakeng nasa harapan ko.

"What the fuck?! You look like a sleepless shit! The hell did you do to yourself?!" Mukhang siyang tatay na disappointed sa kaniyang anak.

"Gusto ko, eh! Bakit ba? Intindihin mo na lang ako! Brokenhearted 'yung tao, eh!"

Cross clicked his tongue. Pumasok na siya sa loob nang hindi man lang hinihintay ang permiso ko. Umupo siya sa couch at tumingin sa 'kin nang masama. Bigla na lang siyang sumulpot sa labas ng bahay ko para tarayan ako nang ganito.

"Ano bang ginagawa mo rito?"

"Checking if you're dead." Aba't! Loko! "And I was very disappointed to see you alive."

Binato ko siya ng unan. "Sana hindi ka na pumunta rito! Ako na lang ang mag-iinform sa 'yo kapag patay na ako!"

"Stupid. How would you inform me if you're dead? Are you thinking?" Tumayo siya at kinatok ang ulo ko. "What exactly is in your head? That bastard vampire, eh?"

Tinabig ko ang kamay niya at hinarangan ang ulo ko. Kung makakatok naman parang pinto lang?! Ang laki-laki ng kamao niya tapos itutuktok niya sa noo ko?

"Pumunta ka lang ba rito para laitin ako? 'Yung totoo, bakit ka nga ba talaga nandito?" I smirked. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Nag-aalala ka sa 'kin no? No?" sabi ko habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya.

He glared at me. "Me? Concern about you? Bitch please." He showed me his lopsided grin. Ang guwapo niya kapag gumagano'n! Lumalabas 'yung dimples niya sa isang pisngi.

"Ulitin mo nga."

He stared at me as if I'm the stupidest person in the world. "What?"

"Ulitin mo 'yung ganito." Ginaya ko yung lopsided grin niya pero parang ang panget ko nu'n kasi bigla siyang humagalpak ng tawa.

Pinanood ko siya habang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Tumingin ako sa orasan ko. Ilang minuto na ang lumipas pero tumatawa pa rin siya. Bago pa siya muling makatawa ay nilusot ko 'yung remote sa bibig niya. 'Agad naman siyang tumigil at marahas na inailis ang remote sa kaniya. Akalain mo 'yun? Ito na yata ang pinakamabahang record na tumawa si Cross! Pero ang OA ha! Sampung minuto siyang tumawa dahil lang sa ginaya ko 'yung lopsided grin niya. Ganu'n na ba ako kapanget nung ginawa ko 'yun?

"The fuck?! Why did you do that?!" he said throwing daggers at me using his tantalizing eyes.

I rolled my eyes and crossed my arms. "Kung hindi ko pa ginawa 'yon hindi ka titigil sa katatawa!"

Muli lang niya akong tiningnan nang masama.

"Bakit ka nga kasi nandito?"

Sumeryoso na ang mukha niya. "I just wanna warn you. Many vampires knew who you really are and if they knew that Van is not with you they will definitely do something to hurt you." Kinabahan ako sa tono ng boses niya. "You knew Victoria. You should be careful of her."

Sasagot pa sana ako pero bigla akong kinilabutan nang biglang may magsalita sa likudan ko. Isang malamig na boses at ang presensya niya ay nagpalamig sa temperatura sa bahay ko.

"Narinig ko yata ang pangalan ko. Namiss niyo ba ako?"

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nagdala ng kilabot sa 'kin ang malamig niyang ngiti.

"Victoria."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com