Chapter 17
Chapter 17
True Evil
"Narinig ko yata ang pangalan ko. Namiss niyo ba ako?"
Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang intensidad ng malamig niyang boses na tila ba kahit ang buong kwarto ay nababalot ng lamig dahil sa presensya niya. Dahan-dahan akong lumingon sa isang babaeng nakatayo sa likudan ko, maputla ang balat, malamig din ang kaniyang ngiti at walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa kaniya. Ganu'n pa rin ang itsura niya simula nang makita ko siya noon sa Grand Ball pero mas naging nakakatakot at nakakakilabot siya.
"Victoria," halos pabulong na sabi ko dahil na rin sa gulat at takot.
"What the fuck are you doing here?!" Nagulat ako sa tono ng boses ni Cross. Galit na galit siya.
She smirked "Oh, Cross Falcon. I'm not expecting you here. But since you are here, I wanna ask, how's my gift?"
Muli akong tumingin kay Cross. His jaw clenched and he balled his fist 'til his knuckles go white. His eyes are piercing as if he's ready to kill.
Dinuro niya si Victoria. "You fucking changed me! You're piece of shit! I'm gonna fucking kill you! I'll cut your goddamn neck and chop your fucking body into tiny fucking pieces!"
Napakapit ako sa braso niya para pakalmahin siya. Nanatiling nakatayo lamang si Victoria at nakangiting nakatingin kay Cross. Ni hindi man lang siya natinag. Kung si Victoria ay may nagyeyelong tingin, nagbabaga naman ang kay Cross. Para tuloy akong naiipit sa magkaibang panahon at wala akong magawa para makaalis dito.
She laughed as if she won a jackpot prize. "You should thank me Vampire Hunter 'cause I've given you power. So much power." Tumingin naman siya sa akin. Hindi ko maiwasang mapapitlag dahil sa bigla niyang pagtingin sa 'kin "And oh, I heard what happened between you and Van. Don't worry Kisha, I'll make sure you'll suffer to death."
"Anong ibig mong sabihin?"
Naiinis ako sa sarili ko, ang hina ko. Ni hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko kung sakaling may gawin siyang masama. Wala na akong ibang magawa kundi ang kabahan dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"It is for you to find out." Kasabay no'n ang paghangin ng malakas at pagkawala niya na parang bula.
Pabagsak akong naupo sa couch at pilit pinakalma ang sarili ko. Umupo na rin si Cross na nakahawak sa ulo niya.
"Cross, okay ka la–"
Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa kaniyang ulo at sinasabunutan ang kaniyang sarili. Bumabakat ang kaniyang ugat sa noo at pulang-pula ang mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ano'ng nangyayari sa kaniya?
"Cross! Anong nangyayari sa 'yo?"
Tinabig niya ang kamay ko nang hawakan ko ang balikat niya. "Get away from me!"
"Cross! Calm down!"
Hindi niya ako pinakinggan bagkus ay tumingin siya sa 'kin nang masama. Nagulat ako nang mag-iba ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay yellow ito na may touch ng green at black. Tumayo siya at tumakbo palabas. Hindi ko na nagawang itanong kung bakit siya nagkakagano'n.
MALALIM na ang gabi subalit ang dalawang lalake ay naglilibot pa sa loob ng sementeryo upang hanapin ang puntod ng isang babae. May dala silang pala at iniwan nila ang kanilang sasakyan hindi kalayuan sa lugar.
Nagsindi ng sigarilyo ang isa at muling pinagpatuloy ang paghahanap. " Anong petsa pa natin mahahanap ang puntod ng nalintikang babaeng 'yon?" reklamo niya habang nakatingin sa mga nitsong dinadaanan nila at binabasa ang pangalang nakalagay dito.
Iritadong napantingin sa kaniya ang kasama. " 'Wag ka na ngang magreklamo. Baka nakakalimutan mo, malaki ang ibinayad satin nu'ng magandang babae, sapat na para mapakain natin ang pamilya natin sa isang buong taon o higit pa kaya maghanap ka na lang diyan."
"Ano ba kasing gagawin niya sa bangkay na huhukayin natin?"
Tumahimik na lamang siya at hindi pinansin ang madaldal na kasama. Kung hindi naman dahil sa malaking pera na ibinayad sa kanila, hindi niya gagawin ito. May awa pa rin naman siya sa pamilya ng kung sinoman 'yung huhukayin nila at isa pa, naaawa rin siya sa kaluluwa nito dahil gagalawin nila ang katawan nito.
Isang bangkay ng babae na nakabaon na sa lupa ang kanilang muling huhukayin upang ibigay sa isang babae na nagbigay sa kanila ng ganitong trabaho.
"Pare, ito na yata 'yon," sabi ng kanyang kasama.
Tiningnan niya ang nakasulat sa nitso.
Napabuntonghininga siya at sinimula ng maghukay nang walang salita. Ito na nga iyon.
"Ang ganda nu'ng babaeng nag-utos satin nito, 'no? Pero nakakatakot ang itsura niya, ang putla!" sabi ng kasama niya habang pinapala ang lupa.
"Ipagpatuloy mo na lang 'yang ginagawa mo para matapos na tayo 'agad."
Hindi na nagreklamo pa ang kasama niya at dahil nakapokus lamang sila sa paghuhukay ay 'agad silang natapos. Nagtulong sila upang mabuhat ang kabaong at dinala na nila iyon sa sasakyan. Dinala na rin nila ang lapida nito na may nakasulat na Jullia Marie Falcon.
KINAUMAGAHAN, nagpunta ako sa mansyon ni Van dahil alam kong wala siya rito. Gusto ko lamang bisitahin ang mga Nobles at magtanong kung sino ba talaga si Jullia at kung bakit ganoon na lamang ang epekto nito kay Van at isa pa, gusto ko na rin silang makita. Baka makatulong sila sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Napag-isipan ko kasing wala namang magagawa ang pagmumukmok ko, eh. Hindi 'yun ang solusyon sa mga problema ko.
Hindi na ako nag-doorbell dahil kusang bumukas ang malaking front door na para bang ine-expect na nila na dadating ako at tama, ang mga Nobles ay nasa may living room at nakahelerang nakaupo sa mahabang pulang couch.
Napatayo silang lahat nang pumasok ako at 'agad na lumapit sa akin si Farrah. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Niyakap niya ako nang mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Napangiti na lang ako.
"Buti naman okay ka, nasaan si Van?" tanong ni Farrah nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin. Tumungo na lamang ako para maiwasan ang mga tingin nila.
Napaangat ang tingin ko nang may humawak sa balikat ko. Si Kiel. "May nangyari ba?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango.
"Now I know." Napalingon kaming lahat kay Zick na nag-iisang nakaupo sa may couch. 'Yung apat kasi ay nasa tabi ko na.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Jack.
"Just sit here and we'll talk about it."
Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya pero parang ako yata 'yon dahil sa akin lamang siya nakatingin. Mukhang binasa niya ang nasa isip ko kaya lumakad na ako papunta sa may couch na kasunod ang mga Nobles.
"Ano ba talaga ang nangyari, Kisha? Bakit hindi mo kasama si Van?" tanong ni Jick.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Kasalukuyan siyang nag-eensayo sa bundok kasama si Lolo Gallian at may limang gate siyang dapat buksan at ngayon ay nasa pangatlong gate na siya."
"Kung ganoon bakit nandito ka na? Hindi ba dapat sabay kayong uuwi rito?" kunot-noong tanong ni Farrah.
Umiling ako. "Ang pangatlong gate ay ang Gate of Affection kung saan tungkol iyon sa pag-ibig. Nabigo si Van na buksan iyon sa unang pagkakataon dahil dalawa pala kaming nasa puso niya." Ngumiti ako ng mapait. "Mali pala, isang babae lang ang nasa puso niya simula pa lang at hindi ako 'yon."
Hindi ko na mapigilang mapaluha. Masakit pa rin hanggang ngayon. Mahal na mahal ko siya kaya sobra akong nasasaktan ngayon. Kung sana lang hindi ko hinayaang mahulog ang sarili ko sa kaniya.
"Si Jullia," pabulong na sabi ni Farrah.
"Right. She's haunting him until now. He's still blaming himself for her death," sabi ni Zick.
"Ano ba talaga ang nangyari? Sabihin niyo sa 'kin." Alam kong mas lalo akong masasaktan sa mga malalaman ko pa pero hindi ako natatakot. Nasasaktan na din naman ako ngayon, 'di ba? Eh, 'di ituloy-tuloy na.
"Si Jullia, isa siyang tao kagaya mo. Naaalala mo ba nu'ng unang beses ka naming makasama sa hapagkainan parang galit na galit kami sa 'yo?" Napatawa si Farrah ng marahan pero puno ng lungkot ang boses niya. "Kamukha mo kasi si Jullia, ang babaeng minahal ni Van. Sobrang pagdurusa ang natamo ni Van noon. Tutol man kami sa pagmamahalan nilang dalawa, alam naman naming wala rin kaming magagawa. Mahal nila ang isa't-isa, eh."
Sa mga naririnig ko, umpisa pa lang, parang pinipiga na ang puso ko. Iniisip ko pa lang kung sino si Jullia, mukhang maganda talaga siya at mabait. Kumpara sa 'kin, lamang siya ng milyong beses dahil siya talaga ang mahal ni Van. Ako? Hindi ko alam kung minahal niya ba talaga ako dahil ako ay ako. Kumbaga si Jullia 'yung original at ako naman 'yung fake.
"Dito na sa mansyong ito kami lumaki at pumunta lamang kami sa Europa upang samahan si Van na mag-unwind dahil sa nangyari kay Jullia at sa pagbalik namin dito, dalawang araw pa lamang nu'ng dumating kami, nag-anunsyo siya na papasok siya sa eskwelahan dahil may mahalaga siyang pakay. Nalaman na lang namin na nakita ka pala niya. Pagkakita pa lamang namin sa 'yo si Jullia na 'agad ang naisip namin."
Lumapit sa akin ang kambal na sina Jack at Jick at hinagod ang likudan ko dahil hindi ko na mapigilang mapahikbi dahil sa kwento niya.
"Mahal na mahal ni Van si Jullia. Dumating ang punto na sinugod sila ng mga bampirang tutol sa relasyon nila. Noong panahong 'yon napakadami nila, kung tutuusin kaya sila ni Van lahat pero dahil pinoprotektahan niya si Jullia at hindi niya maalis ang mga mata niya rito sa kadahilanang baka mapahamak siya kaya nakakakuha siya ng pailan-ilang sugat hanggang sa dumami na at dumami rin ang mga kalaban niya," pagpapatuloy ni Kiel.
"Wala kaming nagawa noon dahil wala kaming kaalam-alam. Nadatnan na lang namin na walang kasugat-sugat si Van at yakap niya si Jullia na nakahiga sa sahig at walang buhay," malungkot na sabi ni Jick.
"Anong nangyari? Bakit namatay si Jullia?" tanong ko sa kanila. Biglang lumungkot ang mga mukha nila na para bang ayaw na nilang balikan pa ang mga panahong nangyari ang lahat ng iyon.
"Kinailangan ni Van ng madaming amount ng dugo para gumaling ang mga malalim na sugat niya. Sa sobrang lalim kasi ng natamo niyang sugat ay hindi na ito gumaling. Nagpresinta si Jullia na sipsipin na lamang ang dugo niya para gumaling ang mga sugat ni Van dahil kung hindi niya ginawa yun baka patay na si Van ngayon," pagpapaliwanag ni Jack.
"Pinatay ni Van si Jullia?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi pagpatay ang tawag doon. Buong pusong ibinigay ni Jullia ang dugo niya kay Van kaya walang kasalanan si Van sa nangyari pero hindi pa rin niya matanggap iyon. Hanggang ngayon nakaukit pa rin sa puso niya na siya ang pumatay sa babaeng pinakauna niyang minahal," naiiling na sabi ni Van.
"Alam ba ng pamilya ni Jullia ang nangyari sa kaniya?"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pinakalma ang sarili ko. Ngayon alam ko na kung bakit ganoon pa rin si Van. Nabubuhay siya sa nakaraan at hindi niya kayang harapin ang kasalukuyan dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya kaya. Natatakot siyang pakawalan ang nakaraan niya dahil sa paniniwala niyang siya ang may kasalanan ng lahat.
" 'Yun pa ang isang naging problema. Nu'ng mga panahong iyon, walang gaanong nagaganap na alitan sa pagitan ng mga bampira at mga hunter pero dahil sa nangyari kay Jullia, nagkandaloko-loko na ang lahat," sabi ni Kiel.
"Bakit? Ano'ng kinalaman ni Jullia sa mga hunter?" Kinakabahan ako sa mga susunod ko pang malalaman. Ngayon ko lang naisip na napakadami ko pa palang hindi alam sa lahat ng nangyayari.
"Kabilang si Jullia sa mga hunter. Isa siya sa anak ng mga matataas na rank na Vampire Hunter kaya madaming tutol sa kanila ni Van. Umpisa pa lang alam na nila ang sikreto ng bawat isa pero hindi naging hadlang iyon upang itigil nila ang relasyon nila. Nu'ng nalaman ng mga hunter na namatay si Jullia sa kamay ni Van, mas lalong tumindi ang galit nila sa aming mga bampira kaya wala na kaming nagawa kundi ang labanan sila."
Kabilang si Jullia sa pamilya ng mga Vampire Hunter? Maaari kayang kilala ni Cross si Jullia kaya parang madami siyang nalalaman? Hindi imposible iyon. Bakit hindi niya 'agad sinabi sa akin ang lahat?
"Ano'ng nangyari simula noong namatay siya?"
"Galit na galit ang buong angkan ng mga Vampire Hunter. Pinapatay nila lahat ng bampirang makasalamuha nila sa gabi. Simula no'n laging may rumorondang Vampire Hunter sa gabi at pumapatay ng hindi bababa sa sampung bampira kada gabi." Kumuyom ang mga kamao ni Jack na parang may naalala siyang hindi maganda.
"Puwede ko bang malaman ang totoong pangalan ni Jullia?" May kutob na ako pero sana hindi totoo. Baka kaya galit na galit si Cross sa mga bampira ay dahil sa nagawa ni Van kay Jullia.
"Jullia Marie Falcon," sagot ni Farrah.
Parang nanghina ako sa narinig ko. Oh, good Lord. Kapatid kaya ni Cross si Jullia?
"Kisha? Okay ka lang ba? Kisha!"
Umikot bigla ang paligid ko at nawalan na ako ng malay.
NABASAG ang salamin sa banyo ni Cross. Umagos ang dugo sa kaniyang kamao at tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi puwedeng mangyari ang lahat ng ito sa kaniya. Sa lahat ng puwedeng mangyari, bakit ito pa? Tiningnan niya ang repleksyon niya sa basag na salamin. Nag-iba na naman ang kulay ng mga mata niya at ang pangil niya na dating normal ay nag-iba. Lahat sa kaniya ay nag-iba dahil kay Victoria. Sa tuwing naalala niya ang panahong kinagat siya nito ay nanggagalaiti siya sa galit na gusto niyang pumatay.
Bumukas ang pinto sa banyo at pumasok si Ivan Crone, isa sa mga Vampire Hunter na matalik na kaibigan ni Cross. Alam niya lahat ng nangyayari sa kaibigan niya at wala siyang magawa sa unti-unting pagbabago nito. Hindi niya kayang makita ang kaibigan niyang nagkakaganito at oras na malaman ng Supreme Commander ang nangyayari kay Cross ay siguradong ipakukulong siya nito at itatakda ang pagbitay sa kaniya. Gano'n kalupit ang Pinuno nila.
Lumapit si Ivan kay Cross na nakatuon ang kamay sa salamin at nakatungo. Taas-baba ang balikat nito at punong-puno ng luha ang mukha nito. Ngayon na lang ulit niya nakitang ganito si Cross. Unang beses na nagkaganito siya ay dahil sa pagkamatay ng kaisa-isa niyang kapatid.
"Cross." Hinawakan niya ang balikat ni Cross para matuon ang atensyon niya sa kaniya.
"Why? Why do I need to suffer like this?! Why me?!" Sinuntok muli ni Cross ang salamin. Napuno ng maliliit na bubog ang kamao niya, hindi alintana sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya. "What will I do to stop this fucking thing inside me?! Slowly, it kills me. It dominates me!"
Hindi niya masagot si Cross. Kahit siya ay walang alam sa gagawin. Gusto niyang tulungan ang kaibigan niya pero paano? Nagbabago na si Cross at hindi maganda ito.
"I don't want to be like this! Bring me back!"
Nagwawala na si Cross. Pinigilan niya ito at inilabas sa banyo. Hinawakan nito ang balikat niya at tiningnan sa mata. Mahirap ang sitwasyon ni Cross ngayon at tanging maitutulong lamang niya ay ang maging kaibigan dito.
"Calm down! Ano'ng magagawa ng pagwawala mo sa nangyayari sa 'yo?! Kung magiging bampira ka, then so be it! Pinapangako ko sa 'yo, Cross, walang makakaalam nito kundi ako lang at ikaw. Subukan nating ayusin 'yan pero hindi natin mababago ang lahat."
Tinabig niya ang kamay ni Ivan. "No. I won't. I don't want to be a fucking vampire! I disgust them! I loathe them! He killed my sister! They killed my parents! There's no fucking way I'll acclaim that I'm already a vampire!"
Sadyang mahirap paliwanagan si Cross. Kung ano 'yung nasa utak niya, 'yun na 'yun. Hindi na siya basta-basta makikinig sa iba. Kung ano ang gusto niyang paniwalaan, doon siya. Tanging tatlong babae lang ang pinakikinggan niya, ang kapatid niya, ang Mama niya at ang babaeng bata pa lamang sila ay mahal na niya.
"Cross, kahit ngayon lang makinig ka muna sa 'kin. Bakit hindi na lang muna natin tingnan ang magiging resulta ng pagiging kalahating tao, kalahating bampira mo? Hindi mo ba napapansin? Kakaiba ka, imbis na pula ay nagiging dilaw ang mga mata mo. Isa 'yang hindi pangkaraniwang pangyayari."
Nakatingin lamang sa kaniya si Cross at kita niya ang pagbabago ng mga mata nito. Kung kanina ay galit, ngayon ay napapaisip.
"Hanggat hindi ka pa nauuhaw sa dugo, pag-aralan muna natin 'yang kakayahan mo."
"How?"
"Simple. Maghanap tayo ng mga impormasyon tungkol sa mga Cray. Alam naman nating may iba't-ibang kakayahan ang bawat lahi ng bampira. Kung ang mga Nobles ay kalahating tao at kalahating bampira na nabuhay lamang para bantayan ang Pure Blood, ang Pure Blood ang siyang nakatakdang mamuno sa lahat ng bampira, ang Insane na banta sa buhay ng mga tao, siguradong may isang kakayahan ang mga Cray na siya namang tinatawag na Royal Blooded kaya hanggat maaga pa, kailangan nating malaman lahat."
Napaisip si Cross at nakabuo ng desisyon. "Fine. Let's do it now."
Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Naiiling namang sumunod si Ivan sa kaibigan. Makikinig din naman pala ang dami pang ginawa at sinabi. Pero isang magandang katangian ni Cross, kahit na minsan ay ayaw niyang makinig, kapag naman naisipan na niyang makinig sa 'yo, madali na siyang kausap.
Dumiretso sila sa library sa bahay ni Cross. Pinakamalaking bahagi ng bahay ni Cross ay ang kaniyang library dahil sa hilig nitong magbasa. Dinaig pa ng library niya ang mga library sa eskwelahan. Kumpleto ito at kulang na lang ay librarian.
Dumiretso sila sa parihabang kahoy na lamesa na gawa sa isang mataas na kalidad ng kahoy na may magandang disenyo na sa pagkakaalam ni Ivan ay libong taon na sa bahay na ito. Nakapatong naman doon ang isang malaking libro.
Ang libro kung saan nakalagay lahat ng impormasyon tungkol sa mga bampira.
Ang Tale of the Unwanted Creatures. Mismong ang ama ni Cross ang naggawa ng librong ito at dito niya inilaan ang lahat ng oras niya, ang dugo at pawis niya, matapos lamang ang librong ito. Tanging sila lang dalawa ang may alam nito dahil hanggat maaari ay ayaw nilang ipaalam ito sa ibang hunter dahil siguradong pagmumulan ito ng gulo.
Binuksan niya ang libro at hinanap ang pahina na kinalalagyan ng impormasyon tungkol sa mga Cray.
Binasa nila ito at tama ang kanilang hinala. "May kakayahan silang gawing bampira ang taong kakagatin nila at kung sino man ang una nilang kagatin at mapasahan ng kanilang venom ay siyang magkakaroon ng espesyal na abilidad na wala ang ibang mga bampira," sabi ni Ivan matapos basahin ang isang bahagi ng pahina.
Nang ilipat nila ang pahina ay nanlaki ang mga mata nila. May larawan ng isang bampira na nakataas ang kamay at nakatingin sa kalangitan at sa harapan nito ay isang katawan na nakahiga sa isang mahabang lamesa.
Mas lalo silang nagulat sa mga nalaman nila nang buksan ang kabilang pahina.
"The most terrifying ability of the Royal Blooded Vampire was they can resurrect," pagbabasa ni Cross sa isang linya na nakapukaw ng pansin niya.
"Tingnan mo," sabi ni Ivan. "Isang beses lamang nila kayang gawin iyon at kaya niyang burahin ang anomang alaala ang meron sa bangkay na bubuhayin niya. Kung ganoon, resurrection pala ang sinasabi nilang 'Destructive Ability' ng mga Cray."
"Royal Blood can manipulate them as long as they want. Whether it's for a good cause or a bad cause."
"Siguro naman walang balak si Victoria na gawin ito," sabi ni Ivan.
Hinilot ni Cross ang kaniyang noo. "Everything is so fucked up."
UMAGA na nang madala ng dalawang lalake ang bangkay sa kanilang boss. Pumasok sila sa isang malaking bahay. Kinilabutan ang dalawa dahil sa kakaibang atmosphere ng paligid. May pakiramdam silang hindi normal na lugar itong pinuntahan nila pero hindi na nila iyon masyadong pinansin dahil sa isa lang naman talaga ang misyon nila, ang dalhin ang bangkay na ito sa babaeng iyon at kunin ang huling kabayadan para sa kanila.
Pagkatapat nila sa pinto ay awtomatiko itong nagbukas. Inilibot nila ang tingin sa malaking bahay. Napakalawak ng loob nito at may kadiliman sa loob. Tanging kandila lamang ang nagbibigay ilaw sa loob ng bahay. Kinilabutan sila nang biglang humangin at mas binilisan pa ang paglalakad.
Nakarating sila sa salas at naabutan nila ang babae na nakaupo sa couch at may hawak na wine glass. Matagal nilang tinitigan ang hawak na wine glass ng dalaga, hindi kasi iyon mukhang wine. Mukha itong dugo.
"Ma'am, ito na po ang pinapahukay niyo." Ibinaba na nila ang kabaong sa harapan ng dalaga.
Tumayo naman siya at nilapitan ang dalawa na may ngiti sa labi. Hindi nila mapigilang mapahanga sa ganda at kinis nito. Nagyeyelo ang tingin at ngiti nito pero nag-iinit sila dahil sa kagandahan nito.
Hinawakan niyang pareho ang baba ng dalawang lalake at bahagyang tinaas ang kanilang mukha.
"Nagugutom ako," pabulong na sabi ng dalaga.
Nagkatinginan ang dalawang lalake. Nagtatanungan gamit ang kanilang mga mata kung ano ang dapat nilang gawin. Hinawakan ng babae ang kamay ng isang lalake at walang pasabing hinila ito paakyat ng kwarto. Naiwan ang isa sa ibaba na nakatulala at hindi alam ang gagawin.
Para naman sa dalaga, mapapagtiyagaan na ang mga ito. Hindi rin naman nalalayo ang edad ng mga ito sa edad niya at may ibubuga naman ang itsura kahit papaano.
Pumasok siya sa kwarto at hinalikan niya ang lalake. Nagulat pa ang lalake pero tumugon na siya sa halik ng dalaga. Sino ba siya para tumanggi sa napakalaking grasya na nasa harapan niya? Inilakbay niya ang kaniyang kamay sa katawan ng dalaga at hindi niya namalayan na nasa ibabaw na pala siya nito. Hinubad niya ang damit nito at lumantad ang mala-Dyosa nitong katawan. Bumaba ang halik niya sa leeg ng dalaga habang hawak niya ang dibdib nito.
Umunguol ang dalaga nang bumaba pa ang halik ng lalake sa pagkababae niya. Hindi na niya kaya pang tumigil, nalunod na siya sa kagandahan ng dalaga.
Itinulak siya ng dalaga at siya namang pumaibabaw sa kaniya. Tinulingan siya nitong hubadin lahat ng damit niya. Umupo ang dalaga sa kaniya at ramdam niya ang sobrang sensasyon ng pumasok ang pagkalalake niya sa loob ng dalaga.
Ang dalaga na ang gumalaw sa ibabaw niya at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Hindi na niya magawang mag-isip. Naramdaman niyang hinahalikan ng dalaga ang leeg niya at nag-iiwan pa ng marka pero naimulat niya ang kaniyang mga mata nang kagatin siya nito sa leeg at habang natagal ay palalim ng palalim ang kagat nito.
Hinihigop na nito ang dugo niya at wala siyang lakas para itulak ang dalaga. Gusto niyang itulak ito pero hindi niya magawa.
"Tulong! Tulong!" Nagawa niyang sumigaw pero unti-unti na siyang nanghina hanggang sa tumigil na ang tibok ng puso niya. Tumayo na ang dalaga at pinunasan ang bibig niya.
"Poor guy but thank you for the meal." Hinawakan niya ang dibdib ng lalake at gaya ng dati, naging abo ito at nawala na.
Isinuot na niya ang kaniyang damit at tumingin sa nakasiwang na pintuan. Napangisi siya. Nakita niya ang nanlalaking mga mata ng isa pang lalake.
"Ah, may isa pa nga pala." Lumakad siya papunta sa pintuan pero tumakbo ang lalake pababa.
Takot na takot ang lalake. Nakita niya lahat. Gustuhin man niyang maging panaginip ang lahat ng ito ay hindi puwede dahil totoo itong nangyayari. Napatay ang kasama niya, naubos ang dugo, naging abo at nawala dahil sa isang bampira. Isang nilalang na kahit kailan ay hindi niya alam na nabubuhay pala sa mundong kinalalagyan niya. Isang nilalang na naging dahilan kung bakit gusto na niyang umalis ngayon at bumalik sa pamilya niya.
Tumakbo siya nang tumakbo pero parang hindi niya makita ang malaking pintuan na pinasukan niya. Lumiko siya at muling tumakbo. Parang wala siyang nararating. Naririnig na niya ang yabag ng babae.
"Wala ka nang matataguan!" narinig niyang sigaw ng babae. Parang bawat minuto ay palapit nang palapit ito sa kaniya, para na siyang mababaliw.
Tatakbo, liliko, tatakbo at muling liliko.
Isang lugar lang ang lagi niyang binabalikan. Sa harap ng kabaong na ninakaw nila.
Pagod na pagod na siya at napaluhod na siya sa sahig at napansin niyang nasa harapan niya ang kabaong. Nandito na naman siya. Napahawak siya sa kaniyang ulo.
"Pakawalan mo ako! Parang awa mo na!"
Narinig naman niya ang tawa ng babae na palapit nang palapit sa kaniya.
Napaangat ang tingin niya nang makita ang babae na nakaupo sa ibabaw ng kabaong. Hinawakan siya nito sa kwelyo at hinila palapit sa kaniya, walang ano-anong kinagat nito ang leeg ng lalake.
Isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. Inubos ng babae ang dugo ng lalake at gaya nang nangyari sa kasama niya ay naging abo ito at nawala.
Tumayo na siya at tiningnan ang kabaong.
"I am Victoria Cray. I will be the most powerful vampire in the whole vampire clan. They will acknowledge my presence and they will kneel down in front of me, praising me, respecting me." Puno ng determinasyon ang boses niya. Pinalakpak niya ng isang beses ang kamay niya at 'agad namang dumating ang maid niya.
"Yes, Young Lady?"
"Ihanda mo ang basement pati na rin ang mga gagamitin kong gamit para sa Ressurection."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com