Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

The Talk

Kakatok ba ako o hindi? 'Wag na lang kaya? Umuwi na lang kaya ako? Kanina pa ako naglalakad back and forth sa front door ng bahay ni Cross. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol kay Jullia. Hindi naman sa sinisisi ko si Jullia pero sa kaniya naman talaga nagsimula ang lahat ng ito. Oo nga't patay na siya pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit dahil kahit patay na siya, buhay na buhay pa rin siya sa puso ni Van. Kailangan ko ng mga kasagutan sa madami kong katanungan...

Bago pa ako abutin ng isang oras dito, kumatok na lang ako. Nakakatatlong katok pa lang ako ay bumukas na ang pinto at ohmygolliewow, si Cross ay walang suot na shirt. Napatingin ako sa kaniyang sizzling hot abs.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya pero napaltan din ito 'agad ng kaniyang usual poker face.

"What are you doing here?"

Iniiwas ko ang tingin ko sa abs niya. Hindi ko siya matingnan!

Breath, Kisha. Breath. Mamaya na ang landi, hindi 'yan ang ipinunta mo rito!

"May mga bagay lang akong gustong malaman at mga tanong na kailangan ko ng kasagutan. Sa palagay ko ikaw lang ang makakasagot ng lahat ng iyon." Tiningnan ko na siya sa mukha niya at talagang pigil na pigil ko ang aking sarili 'wag lang dumako ang tingin ko sa katawan niya.

Tumaas ang isa niyang kilay at unti-unti ring tumaas ang isang gilid ng labi niya forming a smirk at tiningnan saglit ang katawan niya bago ibinalik ang tingin sa akin. "You're really enjoying what you're seeing right now, huh?"

Bago pa ako makareact sa sinabi niya ay binuksan na niya ng maluwang ang pinto kaya pumasok na lang ako kahit wala pang permiso niya.

"Yabang," bulong ko at nagdiretso na sa may living room.

Hindi siya nakasunod sa 'kin, kumukuha siguro ng damit. Aba, dapat lang! Gusto ko pang mabuhay nang matagal! Nakakahiya namang maging cause of death ko ay naubusan ng dugo kakanosebleed dahil sa sobrang exposure sa abs.

Inilibot ko ang tingin ko sa bahay niya. Malaki rin ito, siguro kaunti na lang ay magiging kasing-laki na ito ng mansyon ni Van. May wooden floor at putting ceiling, malinis tingnan dahil na rin sa maayos na pagkakalagay ng mga furnitures at iba pang gamit sa tama nilang kinalalagyan.

Maya-maya pa ay dumating na si Cross na may dalang isang basong juice at platong may lamang cookies. Hospitable naman pala siya, eh. Pagkalapag niya ng juice at cookies ay umupo siya sa tabi ko. Kukuhanin ko na sana 'yung juice para uminom pero kinuha naman niya.

Napakunot na lang ang noo ko na napatingin sa kaniya nang inumin niya 'yung juice.

"Akala ko ba akin 'yan?! Bakit mo ininom?!" galit na sigaw ko sa kaniya. Aba! Ang layo kaya ng bahay niya! Dulo pa nitong town, 'no!

"Why? Did I say it's yours? Get in the kitchen if you want." Kumuha siya ng cookies at walang pakundangan na kinain ito sa harap ko.

Binabawi ko na 'yung sinabi ko. Hindi siya hospitable. "Nakakapagod kayang pumunta rito! Ikuha mo na lang ako!" pagmamaktol ko.

"Who said to you that you can come here anyway? And I'm not your nanny to get you some drink."

"Fine! Eh, 'di ako na lang!" Pumunta na ako sa kusina at binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng juice. Inilabas ko 'yung isang pitsel at naglagay sa isang baso.

Habang naglalagay ako sa juice may nagsalita sa likudan ko.

"Kaibigan ka ba ni Cross?"

"Ay, lecheng Cross!"

Napatalon pa ako at medyo natapon pa 'yung juice na sinasalin ko. Napatawa na lang siya nang mahina at ngumiti sa akin. Ang gwapo naman niya at mukhang mabait hindi tulad ni Cross na masama ang ugali.

Tinawanan niya ang naging reaksyon ko. "Mukhang bisita ka yata ni Cross, ako nga pala si Ivan Crone, kaibigan niya." Inilahad naman niya ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ko.

"Ako naman si Kisha Louise Madrigal."

Natigilan niya at tinitigan ako nang matagal sa mukha kaya awtomatikong tumaas ang isa kong kilay.

"Oh," mahinang sabi niya at binitiwan na ang kamay ko. Kinuha na niya 'yung pitsel at nauna ng lumakad kaya sumunod na lamang ako sa kaniya. Pumunta rin siya sa living room kaya tatlo na kami ngayon. Katabi ko si Cross at nasa tapat naman namin si Ivan.

"Since you're here Ivan, I'll let you hear our conversation," sabi ni Cross at tumango lamang si Ivan. "So, why exactly are you here?"

"Alam ko nang kapatid mo si Jullia."

Hindi man lang siya nagulat. Wala pa ring expression sa mukha niya at kalmado pa rin siya. Hindi ko alam kung sadyang hindi siya nagulat sa sinabi ko at magaling lang siyang magtago ng kaniyang emosyon.

"I know this would happen. Now you knew that she's my sister, your boyfriend's ex that he killed," he said stressing each word.

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya dahil mapapalayo lamang ang usapan namin. Iba naman ang ipinunta ko rito at alam ko ring masakit pa rin sa kaniya ang pagkawala ni Jullia. Nakikita ko 'yun sa mga mata niya.

"Gusto kong malaman lahat Cross at alam kong ikaw lang ang makakapagsabi sa akin noon."

"Ano pa ba ang gusto mong malaman?"

"Ano ang relasyon ang meron sina Van at Jullia noon at sino nga ba si Van Rei Isaac Fenier Walker bago pa niya makilala si Jullia at ako?"

Gusto kong malaman ang dating Van dahil alam kong may kinalaman doon ang imaheng nakita ko noon nu'ng pumunta siya sa bahay ko para sabihing doon na siya titira. Imahe ng isang bampira na walang awang pumapatay at puno ng dugo.

Huminga siya nang malalim at tiningnan ako sa mga mata. "Una pa lang alam ko na na may relasyon sila pero hindi ko pinigilan si Jullia dahil alam kong doon siya sasaya. It's funny how I trusted a vampire even though I'm a Vampire Hunter. I trusted him because I know that he will never hurt her but I was wrong, my sister died because of him. Whether he didn't want it or not, it's still his fault." He balled his fist and his eyes darken. "Van Rei Isaac Fenier Walker was a killing machine. He's a monster, a beast that killed every damn thing that gets in his way. He killed humans and vampires at once for fun. But everything changed when he met my sister and he stopped killing."

Nakagat ko na lamang ang labi ko. Mahal nga talaga niya si Jullia to the point na nakaya nitong baguhin siya. From a monster to an angel. How great.

"Tungkol naman kay Victoria, isang beses muntik na akong mamatay dahil sa alagad niyang si Bliss na binuhay niya. Isa ba 'yon sa mga abilidad niya?"

Sasagot na sana si Cross pero may dumating pang isang lalake na sa palagay ko ay hunter din, nang makita niya ako ay nagbow siya sa harapan ko.

"Nagbalik ka na pala, Louise Mademoiselle."

"Huh?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Paano niya nalaman ang second name ko? Walang tumatawag sa 'king Louise.

"I forgot, I told Rich a lot of stories about you," sabi ni Cross na hindi mapakali. Hinila niya ang damit ni Rich para tumuwid ng tayo at inakbayan niya ito. "So, Rich, this is Kisha, my only friend in school."

"Hello! Pasensya ka na kung masyado akong pormal. Nasanay lang kaming gano'n."

Nginitian ko lamang siya at kumain ng cookies. Sasagutin na sana ni Cross 'yung tintanong ko, sumingit naman ang isang 'to. Hindi ko na lamang pinansin ang pagbubulungan nila at inabala ang sarili ko sa pagkain ng cookies. Ang sarap naman nito.

"Bakit ka nga pala nandito Rich?" tanong ni Ivan.

Tumingin sa akin saglit si Rich at ibinaling muli kay Ivan.

"You two come with me," seryosong sabi niya kina Ivan at Cross "Kung pahihintulutan mo, may pag-uusapan lamang kaming pribadong bagay."

Tumango lamang sa 'kin si Cross at pinanood ko silang lumakad at pumasok sa isang silid. Library ata iyon dahil pagbukas nila ng pinto ay nasilip kong madaming libro na nakalagay sa bookshelf.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ng cookies. Ano kayang pag-uusapan nila?

"Nagpunta ako sa puntod ni Jullia," he said.

I eyed him suspiciously. Why did he go to Jullia's tomb? One of my rules was that only I can go to her tomb. No one else. Just me.

"Woah, wait." he put his arms up showing his surrender. "I didn't break your rule, okay? We just got the news that someone dug up a grave in the cemetery where our deceased families were buried."

May masama akong pakiramdam sa sasabihin niya pero hinintay ko siyang magpatuloy.

"Someone stole Jullia's coffin, Cross."

My eyes grew bigger and I felt my blood rushing through me in anger. I lunged at him and gripped his shirt tighter. What did he say?! How did it happen?! Who the fucking hell did that?!

"Who did that?! Tell me!! Where did they bring her body?!"

"I don't know! Isa sa mga katiwala roon ang tumawag para sabihing may humukay at kumuha ng katawan ni Jullia! Iniimbestigahan pa namin ang pangyayari."

I loosen my grip on his shirt and pushed him away from me. Where did they bring my sister? I'll hunt them down and kill them mercilessly!

Ivan patted my shoulder "Relax, dude. We'll talk about it later. Unahin muna natin si Kisha. Naghihintay siya sa labas."

I ignored him and walked past by them. I tried to calm myself but I can't. I have a bad feeling about this. What if Victoria was the one who did that? What if she wants to resurrect my sister just to make Kisha and Van's life miserable, and also my life's miserable? I want to bring my sister back but not that way. I accepted the fact that she's dead and will never come back. I don't want to see her tailing Victoria like a dog and do whatever Victoria will say to her. The mere thought makes me angrier.

But something crosses my mind...

"Isang beses muntik na akong mamatay dahil sa alagad niyang si Bliss na binuhay niya." That was Kisha said earlier and she was pertaining to Victoria. The book says she can only do it once so she can't resurrect again. Then who the hell stole Jullia's body?

"Salamat sa pagbabalita sa amin, Rich."

"Grabe! Akala ko papatayin na ako ni Cross!"

"Hindi niya gagawin 'yun." Tumawa si Ivan. "Teka lang, Cross, sa tingin mo ba si Victoria ang may pakana 'non?"

"Kisha said Victoria resurrected one of her allies so she can't resurrect anymore."

"Pero masama pa rin ang kutob ko."

I sighed. "If you have doubts, we can read the book later."

He didn't say anything in response so we go back to the living room where Kisha sitting there on the couch. I looked at my plate with my cookies in it but...

"You ate all of my cookies."

"Gutom na ako, eh."

I sat beside her and Ivan across us.

"Tungkol doon sa tinatanong ko kanina, ano ang abilidad ni Victoria? At saka Cross, request lang? Puwede magtagalog ka?"

I can't help but laugh. Okay, if that's what she wants then. Nagsimula na akong sagutin ang mga tanong niya kung 'yun ang ikatatahimik niya.

"Victoria's ability is to resurrect someone and turn them into a vampire, that's her destructive ability." Hinintay ko ang sagot niya ngunit nanatili lang siyang tahimik. "You want something to add?"

"May balak ka bang paghigantihan si Van dahil sa nangyari kay Jullia?"

I'm dumbfounded. Yes, I have plans. Actually, I planned different ways on how I will avenge Jullia but I can't say it to Kisha because I know she'll get hurt. I know, she loves Van so much, and fuck that...hurts.

I didn't say anything because I don't want to answer her. Kasi alam kong hindi niya magugustuhan ang isasagot ko.

She stood up and smiled. "Hindi na kita pipiliting sagutin ang tanong ko pero isa lang ang masasabi ko, walang kasalanan si Van, mahal lang talaga nila ang isa't-isa." There's a hint of sadness in her voice and all I want to do is wipe that away but I don't know how to get closer to her. "Salamat sa pagsagot ng mga tanong ko."

"Wait." I turned to Rich who's standing behind Ivan. "Ihatid mo siya." Magsasalita pa sana si Kisha pero sinamaan ko kaagad siya ng tingin kaya wala na siyang nagawa.

We waited 'til they left.

"Now, we need to read the book again."

"Eto, inumin mo muna." Inabot sa 'kin ni Lolo ang isang tasa ng kape at 'agad ko naman iyong tinanggap.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nabubuksan ang Gate of Affection at sobrang hirap na wala si Kisha sa tabi ko. Gustong-gusto ko na siyang puntahan at makita pero hindi pa ngayon ang oras. Alam kong hindi pa siya handa para makaharap ako at bibigyan ko siya ng oras para pag-isipan ang lahat at gano'n din ako. Ang tanging kailangan ko ngayon ay oras at hindi naman siguro ako kakapusin noon.

"Nabalitaan kong kumikilos na ang organisasyon," sabi ni Jiji.

"Tama ang sinabi niya, Van, at may hinala akong kabilang si Victoria sa organisasyong iyon."

Hindi na ako magtataka. Kahit pa malakas si Victoria, hindi niya kayang gawin ang lahat nang mag-isa lalo ngayo't karamihan sa lupon ng mga bampira ay kaanib sa akin. Hindi ko rin dapat minamaliit ang organisasyong iyon dahil alam kong nag-iipon na sila ng makakasama. "Posible bang mas makapangyarihan ang bumuo ng organisasyon na iyon kay Victoria?"

Tumingin si Lolo sa akin ng seryoso. Kapag ganyan siya siguradong dapat ka n kabahan dahil hindi maganda ang sasabihin niya. "Oo, nagawa niyang mapasailalim si Victoria sa kapangyarihan niya at nagawa rin niyang bumuo ng organisasyon na ang balak ay ang tapusin ka at palitan ang mga patakaran sa angkan ng mga bampira."

Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung sino ang pinuno nila, sa sinabi ni Lolo mukhang malakas nga siya. Kailangan ko nang mabuksan ang lahat ng gate. Hindi puwedeng umupo na lamang ako rito. Maaari ngang madami pa akong oras para buksan ang gate pero mas mabuting gawin na ngayon kaysa ipagpabukas pa.

Natahimik na kami. Nag-iisip ng mga puwedeng mangyari nang biglang nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko at sa isang kisap ng mata ay nasa tabi na ni Lolo si Ellrah.

"Ellrah, anong ginagawa mo rito?' nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nalabas sa bahay niya kung wala siyang dalang propesiya. Imposibleng magkaroon ng propesiya ngayon dahil sa pagkakaalam ko ang Great Prophecy ay matagal pa. Tatlong propesiya lamang kasi ang nagaganap kada isang taon.

"Apo! Ang apo kong maganda! Kamusta ka na?" tuwang-tuwa na bati ni Lolo.

Tumingin sa kaniya si Ellrah at ngumiti "Wala akong oras makipagkamustahan Lolo Gallian, narito ako upang ihatid ang isang balita."

Napasimangot na lang si Lolo at ibinaling naman niya ang tingin niya sa akin.

"Ano namang ibabalita mo? Imposibleng propesiya 'yan."

Umiling siya at kita ko sa mga mata niya ang pagkabahala. "Nandito ako para sabihin sa 'yo ang panibagong propesiya."

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Anong propesiya?! Dalawa na ang nasasabi niyang propesiya at imposibleng may isa pa at mas lalong imposible kung Great Prophecy na ang sasabihin niya! Imposible talaga!

"Alam kong magugulat ka, Van, miski ako ay nagulat din. Hindi ito ang Great Prophecy dahil ito ay dagdag sa dalawang propesiyang nailahad ko na noon," paliwanag ni Ellrah.

"Sinasabi ko na nga ba't mangyayari ito. Minsan lang mangyari ang magkaroon ng apat na propesiya sa isang taon, libong taon muna ang bubunuin para magkaroon muli nang ganito," sabi naman ni Lolo.

"Sabihin mo na ang propesiya para matapos na." Hindi pa nga nangyayari yung dalawang propesiya may dadagdag pa.

Umupo si Ellrah at umilaw ang kaniyang mata na siyang dating berde ngayon ay naging pula.

"Nakaraang nagdala ng sakit at kasiyahan, magbabalik upang gumawa ng kaguluhan...

Kasamaan ay lumalaganap, dadaigin ng maagap ang masikap."

Pagkatapos noon ay bumalik na ulit sa dati si Ellrah. Hindi ko maintindihan ang propesiya at isa pa, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng utak ko na may isa pang propesiya na dagdag sa mga problemang kinahaharap ko na.

"Kailangan mong tapusin ang training mo, Van. Kailangan ka ng babaeng tunay na nagmamahal sa 'yo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil alam nating lahat, miski ng sarili mo, na wala kang kasalanan. Ginusto niya ang nangyari sa kaniya, sumunod ka lang." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at naglaho na siya.

Tumayo si Lolo at hinawakan ako sa balikat.

"Susundin mo ba ang sinabi niya o manonood tayo ng porn buong araw?" Tumawa siya na parang teenager.

Napailing na lang ako at ngumiti. "Mas gusto kong magtraining ngayon."

SINA Cross at Ivan ay kasalukuyan pa ring nasa loob ng library sa bahay ni Cross upang basahin muli ang libro na Tales of the Unwanted Creatures. Binuklat nila ang pahina kung saan nakalagay ang mga impormasyon tungkol sa Cray.

"Pagkatapos ng pahinang ito, hindi na natin nabasa ang sunod," sabi ni Ivan habang pinapasadahan ng tingin ang buong pahina.

"Then turn it to the next page," sagot ni Cross.

Inilipat ni Ivan ang pahina at tama nga sila ng iniisip. May kadugtong pa nga ang huli nilang binasa noon. Sinimulan na nila itong basahin at parang binusuhan sila ng tubig na may kasamang yelo nahng mabasa nila ang nasa pahinang iyon.

"The rarest thing in the destructive ability of Cray was 2 out of 10 in their family can resurrect twice. And as for the record, Flavius Cray was the only one who resurrects twice 500 years ago." Nag-igting ang panga ni Cross.

"May isa pa, nakalagay din dito ang eksaktong taon kung kailan maiisilang iyon," sabi naman Ivan.

Tiningnan nila ang date na nakalagay.

1994

"It's 2021 now, so they must be 27 years old now." Nagbiglang si Ivan sa kaniyang mga daliri.

"Don't act stupid, Ivan," he said through gritted teeth. "Victoria will fucking resurrect my sister!"

Galit ang nararamdaman ngayon ni Cross. Siguradong gagamitin ni Victoria si Jullia upang mas guluhin ang buhay nina Kisha at Van. Sa pinakaunang pagkakataon, natatakot siya dahil baka dumating ang oras na pati siya ay mamimili sa pagitan nina Jullia at Kisha. Parehong mahalaga sa kaniya ang dalawa at hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling parehong nasa bingit ng kamatayan ang dalawa. At isa pang masakit sa lahat, sa ayaw man o sa gusto niya, maaari niyang maging kalaban si Jullia.

"Anong gagawin natin ngayon?"

Umupo si Cross sa isang wooden chair at hinilot ang noo niya. Sa batang edad, napakadami na niyang hinaharap na problema.

"I don't know. I fucking don't know."

Muling lumapit si Ivan sa libro at nagbuklat lamang siya nang nagbuklat ng pahina kahit hindi naman niya binabasa. Ngayon lamang niya kasi nahawakan nang ganito katagal ang libro na ito. Maswerte pa nga siya dahil nag-iisa ang librong ito. Kung gusto mong malaman lahat-lahat ng bagay tungkol sa mga bampira, dito mo 'yun mahahanap, walang labis at walang kulang.

Pagkabuklat niya sa isang pahina ay nabasa niya ang pamagat ng isa sa kabanata ng libro.

The Secret Organization

Dahil nga napuno ng kuryosidad ang katawan niya ay binasa niya ang nilalaman nito.

Nakalagay dito na noong natalo ang mga Cray, pagkatapos ng ilang buwan ay may kumalat na sabi-sabi na may nabubuong organisasyon na pinamumunuan ng isang malakas na bampira. Bawat paglipas ng taon ay mas dumadami ang kasapi nito, maging ang ibang miyembro ng Cross Council ay bumabaliktad na. May hinala ang iba na ang pinuno nito ay isang bampira na tinatawag na Israel.

"...ang Legendary Vampire noon."

DINIG na dinig sa buong hall ang bawat paglakad ni Victoria Cray dahil sa suot niyang red stiletto. Pinindot niya ang button at pumasok sa elevator. Pagkapasok niya ay pinindot naman niya ang button na may nakalagay na negative 5 at umandar pababa ito.

Papunta siya sa underground hide-out ng organisasyong kinabibilangan niya upang ihatid ang kaniyang magandang balita. Sa underground na ito ay may limang palapag, sa pinakailalim, doon ang opisina ng pinuno nila na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino dahil ayaw nitong ipakita kung sino talaga siya.

Sa itaas naman ng hide-out na ito ay isang normal na kompanya na ang empleyado lang din naman ay mga bampira. Pagkalapag niya sa Negative 5 ay 'agad siyang dumiretso sa opisina ng tinatawag nilang 'Pinuno'. Nang makarating siya sa pintuan ay hinarang siya ng dalawang lalake na may naglalakihang katawan.

"Hindi ka puwedeng pumasok. Pumunta ka roon." Itinuro ng lalake ang lamesa na may nakapatong na telepono. "Alam mo namang walang sinoman ang nakakapasok sa opisina ni Pinuno kaya itawag mo na lang."

Inirapan niya ang dalawang lalake at lumapit sa telepono. Dinial niya ang numerong nakalagay sa papel na nakadikit sa lamesa.

Palagi na lang ganito. Kailan ba niya balak ipakita kung sino ba talaga siya?

Narinig na niyang magring ang telepomo at hinintay niya ito hanggang sa sumagot na ang Pinuno nila.

"Anong kailangan mo, Victoria Cray?"

Kinilabutan siya sa boses nito. Hindi pa man niya nasasabi kung sino siya ay nahulaan na nitong siya nga talaga ang tumawag. Pero hindi, baka nasa pintuan pa lang siya kanina ay ramdam na nito ang presensiya niya.

"May ibabalita ako sayo, Pinuno."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Sige, sabihin mo."

"Pinahukay ko ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ni Van Walker at balak ko siyang buhayin muli upang gawing miserable ang buhay ni Kisha at ni Van."

Tuluyang tumawa si Pinuno sa kabilang linya. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Victoria, natutuwa siya at nagawa niyang pasayahin ang pinuno nila.

"Magaling, Victoria. Maasahan ka ngang talaga. Ikaw na ang bahala, bigyan mo ako ng magandang palabas."

"Masusunod, Pinuno." Ibinaba na niya ang telepono.

Nang tanggihan siya ni Cross Falcon sa pakikipagsanib-puwersa ay nadiskubre naman niya ang organisasyong ito na noon pa lang ay sinabi na sa kaniya ni Bliss pero hindi niya pinansin.

Ah, si Bliss. Bigla nyang naisip.

Binuhay niya si Bliss sa pag-aakalang malaki ang maitutulong nito sa kaniya ngunit hindi pala, namatay din ito kaagad. Buti na lamang ay mas maaga niyang nalaman na kaya niyang bumuhay pa ng isa pa dahil tapos na ang limang daang taon ng paghihintay. Napakaswerte niya at sa kaniya natapat ang pinaka-rare na ability ng mga Cray, ang makabuhay ng patay ng dalawang beses. Pero malaki pa rin ang panghihinayang niya kay Bliss. Kung alam niyang ganoon pala kahina si Bliss, hindi na sana niya ito binuhay.

Tumayo na siya at lumakad papunta sa elevator pero bago siya sumakay sa elevator ay nakita niya ang pangalan ng organisasyon na nakaukit sa dingding.

Blood Organization

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com