Chapter 19
Chapter 19
Sweet Serendipity
"Dalawin kaya natin si Van?" tanong ni Kiel. Lahat naman kami ay napalingon sa kanya.
Nandito ulit ako sa mansyon ni Van dahil gusto ko lang kasi silang makita. At saka wala akong magawa sa bahay. Mag-isa lang ako tapos ang tahimik pa. Nasanay na rin kasi ako na laging may kasama.
"That's a good idea and besides summer vacation naman ngayon kaya puwede tayong pumunta," dagdag ni Farrah.
Magandang ideya nga iyon pero hindi naman ako makakasama. Kung sasama ako at makikita ko siyang muli, ano kayang mangyayari? Iniisip ko pa lang dinadaga na ang puso ko. Handa na ba ako? Pero hindi ko naman itatanggi na miss na miss ko na talaga siya. Eh, ako kaya? Namimiss niya ako? O si Jullia?
"You should come with us Kisha," seryosong sabi ni Zick.
" 'Wag na. Kayo na lang baka maging distraction lang ako sa training niya."
May part sa 'king gusto kong sumama, may part namang ayaw kong sumama dahil baka hindi pa ako handa para makita siya. At baka hindi rin naman niya ako kailangan.
Lumapit sa 'kin ang kambal na sina Jack at Jick at saka umakbay sa 'kin. "Kisha, alam mo bang mahal ka talaga ni Van?" tanong ni Jack.
"Nu'ng una akala ko mahal niya ako pero nang nalaman ko 'yung tungkol kay Jullia nagkaroon na ako ng doubt sa puso ko." Ngumiti ako sa kanila ng pilit para matakpan ang kalungkutan sa boses ko pero hindi ko talaga maitago ang nararamdaman ko.
"Mahal ka niya, Kisha. Maniwala ka lang. Bakit hindi mo i-try na sumama sa 'min? Bibisitahin lang natin siya. Gusto mo yatang with hugs and kisses ang makuha mo kay Van, eh." Nagpigil ng tawa si Jick.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at 'agad naman siyang binatukan ni Jack. Ang kulit talaga ng dalawang 'to.
"Ano na Kisha? Payag ka na?" tanong ni Kiel.
Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Gusto ko na rin naman siyang makita. Alam ko rin namang kapag hindi ako sumama ay pipilitin din nila ako.
"Yes!" sigaw nila maliban kina Zick at Farrah na nakacross arms at may tipid na ngiti.
Umuwi na lang muna ako para kumuha ng kaunting gamit. Hindi na rin naman daw kami magtatagal doon dahil mas mahalaga ang training ni Van. Baka masayang ang oras niya dahil sa pagpunta namin, siguro isa o dalawang araw lamang kami roon. Pero okay na 'yun, at least makikita ko pa rin siya kahit dalawang araw lang. Sapat na sa akin 'yun.
Paglabas ko ng bahay bumungad sa 'kin ang apat na magarang sasakyan. Nakabukas ang bintana sa may driver's seat at lulan noong pink na kotse ay si Farrah, 'yung blue naman ay kina Jack at Jick, ang grey ay kay Zick at yellow naman ang kay Kiel. Grabe. 'Di uso mahirap sa kanila, 'no?
Bumusina si Farrah at itinaas ang shades niya.
"Dito ka na sa 'kin sumakay Kisha!" sigaw niya.
Lumakad na ako papunta sa kotse niya at sumakay. Tahimik lang kami buong biyahe. Ayaw ko rin namang magsalita dahil kinakabahan ako. Nagsisimula ng magpawis ang palad ko. Pakiramdam ko ay basa na rin ang kili-kili ko sa kaba kahit aircon naman ang sasakyan ni Farrah.
Pagkatapos ng ilang oras ng biyahe ay dumating na kami sa bundok.
"Tanda mo pa ba Kisha?" tanong ni Kiel.
"Oo, kaso sa pinakatuktok iyon. Diretso lang tayo at makikita na natin ang bahay ni Lolo Gallian."
Umupo naman si Zick sa harapan ko. Ha? Bakit siya umupo?
"Ride on my back," sabi niya.
Hindi na ako nagsalita. Sumakay na lang ako sa likod niya dahil alam ko namang kapag nag-inarte ako, baka iwan nila ako. Baka nando'n na sila, wala pa ako sa kalahati ng bundok.
Nang secure na ako sa likod niya ay sabay-sabay na silang tumakbo nang mabilis at wala pang 30 minutes ay nasa tuktok na kami at nasa tapat ng bahay ni Lolo G. Bumaba na ako mula sa likudan ni Zick at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Mas lalong namawis ang palad ko, kinakabahan din ako at nanginginig ang kamay ko. Nandito na nga talaga ulit ako. Makikita ko na ulit si Van.
"Dito na ba 'yun?" tanong ni Jack at lumapit pa kami sa bahay. Mukhang wala sila rito.
"Dito na 'yun, Jack, pero mukhang nasa training pa sila," sagot ko sa kaniya.
Lumakad na ako hanggang sa front door at binuksan ito. Hindi naman siguro sila magagalit kapag pumasok kami na walang paalam dahil hindi na naman kami iba sa kanila.
Pinapasok ko na sila at naghintay na lamang kami sa sala. Baka mamaya pang hapon sila dumating.
"Ang tagal naman ni Van!" reklamo ni Jack.
Binato naman siya ni Kiel ng throw pillow. "Wala ka pang sampung minuto na naghihintay nagrereklamo ka na! Hindi porket hindi na Young Master ang tawag natin sa kaniya, mawawalan na tayo ng respeto!"
Binatukan naman siya ni Jick. "Oo nga naman! Makinig ka kasi!" natatawang sabi niya na para bang inaasar pa niya ang kakambal niya.
"Bakit kailangang may batok pa ha?!" Magsusuntukan na sana 'yung dalawang kambal nang magbukas ang pinto.
Bumilis na ulit ang tibok ng puso ko. Iniluwa noon si Lolo G at si Jiji.
Napatayo kaming lahat sa pagdating nila. Nagbow naman ang mga Nobles nang makalapit si Lolo.
"Oh! May bisita pala tayo! 'Wag na kayong magbow. Masyado namang pormal 'yan!" energetic na sabi ni Lolo G.
Tumayo na ng tuwid ang mga nobles at nagawi naman ang tingin ni Lolo G sa akin. Ngumiti siya sa 'kin at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at bumulong sa tainga ko.
"Nasa ilog siya." Tinapik niya ang likod ko bago humiwalay.
Tumingin ako sa mga Nobles pero nakangiti lang sila sa 'kin.
Tumango ako sa kanila at lumabas na para puntahan si Van. Hindi na importante kung mala-faucet na ang palad ko sa sobrang pagpapawis basta gusto ko siyang makita. Bahala na kung ano'ng mangyayari sa sunod, ang mahalaga ay 'yung ngayon.
Lumakad na ako papunta sa ilog at tama nga si Lolo G. Nakaupo si Van sa malaking bato at nakatingin sa malayo na para bang may malalim na iniisip. Sino kaya ang nasa loob ng isip niya ngayon? Ako kaya? O si Jullia?
Iniiling ko na lang ang ulo ko. Hindi ko muna dapat iniisip ang mga bagay na iyon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para hindi niya ako makita pero dahil sa bampira siya at may malakas na pakiramdam, napatingin siya sa likudan niya kaya nakita niya ako. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo.
"Kisha."
Napasinghap ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Ang sarap pakinggan ng boses niya, pakiramdam ko ang daming taon ang lumipas para mamiss ko siya nang ganito. Lumapit siya sa 'kin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at idinikit niya ang noo niya sa noo ko.
"I'm sorry, Kisha. I'm really sorry. I'm just confused and torn." Paulit-ulit siyang humingi ng tawad.
Umiling ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. "It's okay. I understand."
"I missed you so much." Hinalikan niya ang tip ng ilong ko. "I'm sorry for hurting you." Puno ng lungkot ang boses niya at kita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya.
"Namiss din kita, Van." Ngumiti ako sa kaniya baka sakaling gumaan ang loob niya. And it looked like it did. "Naiintindihan ko kung mahal mo pa siya at naiintindihan ko rin kung siya ang pipiliin mo kaysa sa akin."
Masakit mang tanggapin pero pakiramdam ko kasi si Jullia ang pinili niya at hindi ako. Si Jullia pa rin ang mahal niya at hindi ako.
"No, Kisha. You're wrong." Unti-unti siyang ngumiti at mabilis akong hinalikan sa labi. "I love you and no one else."
"Handa ka na ba Van?" tanong sa akin ni Lolo.
Nandito kami sa ilog para subukang buksan ulit ang Gate of Affection. Gusto ko ulit subukan, kaya mas lalo akong nagtagal dito ay dahil natakot ako sa mga mangyayari kapag sinubukan ko ulit iyong buksan. Pero ngayon desidido na ako. Sabi nga nila past is past. Kabilang si Jullia sa past ko at narealize kong nagawa niyang isakripisyo ang sarili niya dahil mahal niya ako. Kung totoong may Diyos nga ang mga tao, sa unang pagkakataon, nagpapasalamat ako sa Kanya dahil biniyaya Niya sa akin si Jullia at ngayon alam ko nang kaya ko na siyang pakawalan.
Dahil may isang babaeng nasasaktan dahil sa 'kin at nagmamahal sa akin. Hindi ko na palalampasin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa 'kin para magmahal ulit.
"Handa na ako."
Umupo na ako sa malaking bato sa gitna ng ilog at ipinikit ang mga mata ko. Nakita ko na 'agad ang Gate of Affection at nakatayo sa labas nito ang anyo ng isang babae.
Lumapit ako sa kaniya. Espirito kaya ito ni Jullia? O gawa lamang ng Gate of Affection na kailangan kong buksan? Nagliliwanag kasi ang paligid niya, para siyang anghel na walang pakpak. Ganoon pa rin ang itsura niya, sobrang ganda pa rin niya katulad ng dati.
"Van." Ngumiti siya sa 'kin.
"Hindi ko na sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa 'yo, Jullia pero sana mapatawad mo pa rin ako dahil hindi ko sinunod ang sinabi mo bago ka mamatay, ang magmove on."
Hinawakan niya ang pisngi ko at may luhang tumulo sa kaniyang pisngi. "Hindi ka dapat humihingi ng tawad dahil wala kang kasalanan. Masaya ako sa nararating mo ngayon, maging masaya ka rin sana sa babaeng kayang higitan ang pagmamahal ko sa 'yo. Mahal ka niya, Van. Mas malaki ang pagmamahal niya kumpara sa pagmamahal ko sa 'yo."
Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. "Alam ko. Alam ko, Jullia."
"Kahit anoman ang mangyari, huwag kang magpapadaig sa emosyon mo, huwag mong uunahin ang galit mo."
"Ikaw ba talaga si Jullia? O gawa ka lang ng utak ko?"
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Ako ito, Van. Ito na ang kaluluwa ko. Masaya ako dahil sa pagkakataong ito, makakausap kita nang maayos pero ang pinakaimportante rito ay ang mabuksan mo ang gate. Masaya akong makakatulong ako para maabot mo ang kapangyarihan na nararapat sa 'yo."
Tumango ako sa kaniya. "Mahal kita, Jullia."
"Pero mas mahal mo siya."
Hindi na ako nagsalita. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Tama, mas mahal ko nga si Kisha. Bakit ngayon ko lang naintindihan? Bakit hindi ko 'agad nalaman? Bakit hinayaan ko pa siyang umiyak at masaktan bago ko maintindihan lahat?
Tumingin ako kay Jullia na unti-unti ng naglalaho. Nagsimula akong mataranta. Bakit siya nawawala? Pero natigil ang pagpapanic ko ng ngumiti siya.
"Binabati kita, Van." Ngumiti siyang muli sa akin at nagbukas na ang gate. Bago siya tuluyang maglaho ay hinalikan niya ako sa aking labi. "Mahal kita, lagi mong tatandaan, 'wag kang basta susuko sa kaniya. Mahalin mo siya at huwag mo siyang sasaktan."
Tuluyan na siyang nawala. Pagkatapos no'n ay pumasok na ako sa loob ng gate. Parang nabunutan ako ng tinik.
"Thank you, Jullia, for being part of my life."
"I'm so proud of you!"
Hindi ko pa na-e-enjoy ang moment ay dumamba na ng yakap si Lolo. 'Agad ko naman siyang itinulak. I'm not into skinship, maliban na lang kung si Kisha ang yayakap sa 'kin.
"Ambaho niyo, Lolo! Naliligo ka pa ba?!"
Tumawa siya na para bang nang-aasar pa. "Nakakatamad kasing maligo, eh."
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. So kung araw-araw siyang tatamadin maligo hindi talaga siya liligo? Pambihira.
Humiga na lang ako rito sa malaking bato. Kung babalikan niya kung paano ko binuksan ang Gate of Affection ay napakaikli lamang ng oras na nabuksan ko ito. Pero kahit ganoon, mahirap pa rin ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw na halos mabaliw na ako rito sa kaiisip kung sino ba talaga ang pipiliin ko, si Jullia ba o si Kisha? Pero ngayon obvious naman kung sino ang pinili ko. Syempre si Kisha. Gusto ko na siyang makita, mayakap, mahalikan at matikman–
"Aray! Ano ba?!" Napatingin ako kay Jiji na malaki ang form ngayon. Binatukan niya ako. "Ano ba'ng problema mo at nambabatok ka?!"
"Pervert." She looked disgusted at me and walked away.
Sino ba kasing may sabing basahin niya ang laman ng utak ko?
Nagpalipas lang ako ng oras hanggang sa maghapon na. Umuna na ring umuwi si Lolo G at siguradong manonood 'yun ng mga porn doon. Grabe rin talaga kahilig ni Lolo.
Pinagmasdan ko lang ang umaagos na tubig at bumangon ako para maupo.
Kamusta na kaya si Kisha? Sino kaya ang palagi niyang nakakasama? Biglang lumabas sa isip ko ang pagmumukha nu'ng Cross na 'yun. Malaman-laman ko lang na pinopormahan niya si Kisha masasapak ko talaga siya, 'yung tipong hindi na siya makikilala para masaya at sa libing na niya kami ulit magkikita.
Napatigil ako sa pag-iisip nang naramdaman kong may papalapit sa direksyon ko. Hindi ko muna ito tiningnan dahil kung kalaban man siya, ako ang susurpresa sa kaniya.
Palapit siya nang palapit hanggang sa alam kong nasa likudan ko lang siya. Hindi ba siya kikibo? Kaya ako na lang ang tumingin para malaman ko kung sino. Baka si Jiji lang o si Lolo. Pero nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako nang makita ko ang babaeng pinakamamahal ko sa harapan ko.
"Kisha."
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Ang lambot talaga ng balat niya. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya at tinitigan ko ang mga mata niya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib kasabay nang mabilis na pintig ng puso niya.
"I'm sorry, Kisha. I'm really sorry. I'm just confused and torn."
Umiling siya at kasabay noon ay ang pagpatak ng luha niya. "It's okay. I understand."
"I missed you so much" I kissed the tip of her nose. "I'm sorry for hurting you."
"Namiss din kita, Van." Ngumiti siya sa 'kin at mas gumaan ang loob ko dahil doon. "Naiintindihan ko kung mahal mo pa siya at naiintindihan ko rin kung siya ang pipiliin mo kaysa sa akin."
"No, Kisha. You're wrong." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko siya nang mabilis sa labi. "I love you and no one else."
Niyakap ko na lang siya nang mahigpit habang iyak lang siya nang iyak sa dibdib ko. Sa pagkakataong 'to, pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya pakakawalan pa. Ako lang din naman ang mahihirapan, baka tuluyan na akong mabaliw kapag nahiwalay pa siya sa 'kin.
"Paano si Jullia? Paano ang Gate of Affection?" Inilayo ko siya sa akin at pinunasan ko ang pisngi niya na basang-basa ng luha.
"Guess." Ngumisi ako.
Unti-unting humaba ang nguso niya at napakunot ang noo niya. "Hindi ako manghuhula."
Napatawa na lang ako sa kanya. "I already opened it."
I watched as her eyes lit up. "Talaga?!"
Ginulo-gulo ko ang buhok niya. "Oo, para sa 'yo at para sa angkan ng mga bampirang nasasakupan ko. Kailangan ko ng buksan ang lahat ng gate."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya mo 'yan. Nandito naman ako."
I moved closer to her to gently brush my lips on her. I missed her soft lips. I missed everything about her. Ngayong nahahawakan ko na siya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan ulit.
"Porn!!!"
Napahiwalay na lang kami sa isa't-isa at napatingin sa pinanggalingan ng sumigaw. Nakita namin ang mga Nobles na nanonood sa amin.
"Pasensya ka na, Van! Natrauma si Jick dahil sa Lolo mo! Nakapanood kasi ng porn kanina, eh. Nagkaroon tuloy ng pornophobia. Takot sa porn." Halos hindi makahinga si Kiel dahil sa pagtawa.
Lumapit na kami sa kanila.
"Grabe si Lolo G! My super virgin eyes!" sigaw ni Jick habang nakatakip ang kaniyang mga mata.
"Namiss kita, Van! Payakap nga!" dumamba sa 'kin si Kiel.
"Group hug!" sigaw ng kambal kaya nagsilapitan sila sa 'kin.
"Baka hindi ako makahinga! Hoy!" Pero hindi sila nagpaawat. Yumakap sila sa 'king lahat pati si Kisha. Si Zick naman ay nakatayo lang at tahimik lang na nanonood. Nginitian ko siya. "Halika, Zick! Makisali ka na sa mga baliw na 'to!"
Umiling lamang siya at nanatili sa tayo niya. Lumapit naman sa kaniya si Farrah at hinila papalapit sa 'min.
"Magkakaibigan tayo rito kaya group hug na!"
"Paano natin sisimula ang pagcontrol mo sa kapangyarihan mo?" tanong ni Ivan kay Cross. Nasa ilalim sila ng bahay ni Cross, sa isang underground training room.
Masasabing napakahenyo ng nagdisenyo ng bahay na ito dahil nagawan pa ng ganitong klaseng kagandang training room. Kumpleto pa sa gamit at hindi mo na kailangang maghanap pa sa ibang lugar ng mga gamit sa pang-ensayo dahil nandito na lahat.
Tumigil muna si Cross sa pagsuntok ng punching bag para sagutin ang itinatanong ng kaibigan.
"I have a plan." Lumakad ito sa gitnang bahagi ng training room at napakunot na lang ang noo ni Ivan nang makita ang isang parisukat na bagay na natatakluban ng tela na nakatayo sa bandang dulo ng malaking kwarto.
"Ano ang nasa ilalim ng telang 'yan?" nagtatakang tanong niya.
"A cage. You'll lock me here."
"Huh? Bakit?"
"Go get some animal blood first."
Hindi na nakipag-argumento si Ivan dahil alam niya namang sa huli ay siya lamang din ang matatalo. Kung anomang balak ni Cross ay susuportahan na lamang niya. Madali na siyang umalis at kumuha ng dugo.
Inalis naman ni Cross ang telang nakatakip sa kulungan. Tatlong metro ang haba nito at anim na talampakan ang taas, may makakapal na rehas ito at hindi ito basta-basta nasisira. Ikukulong niya ang sarili niya rito habang may nakahain na dugo sa labas ng rehas na ito. Titingnan niya kung hanggang saan ang kaniyang kapasidad at kung gaano niya kayang tiisin ang pagkauhaw niya. Gusto niyang malaman kung madadagdagan ang lakas niya kapag ginawa niya ito.
Maya-maya pa ay naamoy na ni Cross ang dugo. Naramdaman niya ang pagpilipit ng sikmura niya at pagtalas ng pang-amoy niya. Nakaramdam din siya ng sobrang uhaw na halos maglaway na siya sa pagkagutom na nararamdaman niya.
Mabilis niyang kinandado ang sarili niya sa loob ng cage at sakto namang kapapasok lamang ni Ivan na may dalang basin na may lamang dugo.
"Ivan!"
Nagmadaling tumakbo si Ivan palapit sa kaibigan at sinimulan niyang ikadena ang rehas. Pinalibutan niya ito ng makakapal na kadena at nilagyan ng pad lock. Napansin niyang namumutla si Cross at nag-iiba na rin ang kulay ng mga mata nito.
"Y-You...put that...5 meters away from me..." Sinunod niya ang sinabi nito at nilayo ang dugo.
"Ano pa'ng kailangan kong gawin, Cross? Sigurado ka bang kaya mo?"
"I can do this. You can leave me now."
"Kaya mo ba? Baka–"
Pinutol na siya ni Cross. "No. I can do this by myself. Thank you for your help."
Tumango na lamang siya at iniwan si Cross. Ano kayang binabalak niya? Hindi niya maiwasang mag-alala. Natatakot siya na baka pagbalik niya sa training room na iyon ay wala na si Cross. Pero mas nanaig sa kaniya ang tiwala niya para rito.
"Sana pagbalik ko macontrol na niya ang sarili niya."
NANDITO kami ni Van sa kwarto niya. Nakahiga lang siya sa hita ko at hinahaplos ko naman ang buhok niya. Naglalaro lang siya ng kung ano sa cellphone niya.
"Van, may tanong ako sa 'yo."
"Ano 'yun?" sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone niya.
"Sigurado ka bang hindi mo kilala si Cross?"
Itinigil niya ang paglalaro at tumingin sa akin. "Hindi, eh. Bakit? May dapat ba akong malaman tungkol sa kaniya?"
Hindi ko alam kung bakit hindi niya kilala si Cross pero siguro ay oras na para malaman niya. "Kapatid ni Jullia si Cross at isa siyang Vampire Hunter."
Bigla siyang napabangon. Itinampal niya ang palad niya sa noo na para bang may naalala siya. "I remember now. Jullia mentioned having an older brother but I never met him even once. Who would have thought that it was Cross all along?"
Now's the cat is out of the bag, Van looked like he's more bothered by something else than Cross being Jullia's older brother.
"You know; it doesn't really matter anymore if he's Jullia's brother. Ang mahalaga ngayon ay mapalayo ko siya sa 'yo. Nababasa ko ang isip mo at nalaman kong siya lagi ang kasama mo."
Napangiti ako. "He's just a friend. Wala naman siyang masamang balak sa 'kin."
Humalukipkip siya. "Kahit na. Iniisip ko pa lang na lagi kayong magkasama, naiinis na ako. Ilang beses sa isang linggo kayong nagkikita? Hinahawakan k aba niya? Niyayakap k aba niya?"
Napatitig na lang ako sa kaniya at unti-unti akong napangiti nang marealize ko kung bakit nagkakaganyan siya. "Selos ka, 'no?" I smirked at him.
Akala ko itatanggi niya pero si Van nga pala itong kausap ko. "Oo! Nakakaselos kaya! Sinong loko ang hindi magseselos kung 'yung girlfriend mo may kasamang ibang lalake tapos magkalayo pa kayong dalawa? Sige nga!"
Tuluyan akong natawa sa sinabi niya.
"Pero maiba nga tayo." Dumako ang tingin niya sa dibdib ko at bago ko pa maitanong kung ano'ng gusto niyang iparating ay pinisil na niya ito.
Napasigaw ako sa gulat dahil sa ginawa niya.
"Bakit parang lumaki?" tanong niya habang pinipisil ito. "Ano'ng mga ginagawa mo nu'ng wala ako?"
Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. "Ang manyak mo talaga!"
Tumawa lang siya nang tumawa at ako naman ay humiga na lang at pumikit. Naramdaman ko namang humiga na rin siya sa tabi ko at niyakap akong muli mula sa likod.
"Aalis ka na bukas, 'di ba? 'Wag ka nang magalit."
Kailan ba ako masasanay sa kakulitan niya? Humarap ako sa kaniya at ipinulupot ang kamay ko sa batok niya.
"Kapag umalis ako bukas dapat tapusin mo na ang training mo."
Hindi kami magtatagal ng mga Nobles dito dahil top priority ngayon ang training ni Van. Siguradong kapag nandito ako puro kamanyakan ang iisipin niya kaya kahit ayaw ko pang umalis at gusto ko pa siyang makasama, kailangan kong umuwi bukas para lang matapos niya 'agad ang training niya.
"Basta tatawagan kita tuwing gabi o kaya kapag hindi pa nagsisimula ang training ko."
Ngumiti ako sa kaniya. "Alam mo ba kung anong gate ang sunod mong bubuksan?"
"Bukas itatanong ko kay Lolo, sa ngayon matulog ka muna. Alam kong napagod ka sa biyahe niyo,"
Pinikit ko na ang aking mga mata at bago ako makatulog naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" sigaw ni Victoria dahil sa ikalimang pagkakataon ay hindi niya makuha ang tamang pagresurrect kay Jullia Falcon. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan siyang buhayin muli ito, noong kay Bliss naman ay mabilis niya lang nagawa.
Ibinato niya ang isang babasaging bagay at nagkapira-piraso ito. Nauubusan na siya ng pasensya. Nakaayos na ang lahat pero ang kaluluwa ni Jullia ang hindi niya makuha na para bang pinipigil nito ang pagbalik sa sarili niyang katawan. Nakahiga ang katawan ni Jullia sa isang metal na higaan at ang buong kwarto ay iniilawan ng mga pula at itim na kandila. Kulay pula ang dingding ng kwarto at lahat ng bagay ay kulay itim.
Hawak ni Victoria ang isang punyal at nilagyan ng hiwa ang kaniyang pulso at ipinatak ang dugo sa dibdib ni Jullia.
Ipinikit niya ang kaniyang mata at itinaas ang dalawa niyang kamay. Nagsimula siyang magbanggit ng mga salitang Latin, mga dasal upang mabuo ang seremonya. Umilaw ang buong paligid at pabilis nang pabilis ang pagbanggit niya ng mga salita. Pero bigla na lamang nawala ang mga ilaw at natigil siya sa pagdadasal.
Naikuyom niya ang palad niya sa galit.
Bigo na naman siya. May kung anong humaharang para mabuhay na muli si Jullia. Ngunit ano iyon? Kailanman ay hindi nabibigo ang mga Cray sa paggbubuhay ng mga patay.
Napaupo na lamang siya sa sahig. Hindi niya puwedeng biguin ang pinuno niya. Ito lamang ang tanging paraan upang makuha niya ang loob nito. Pasasaan din at malalaman na niya kung sino ang pinuno ng organisasyon.
"Young Lady, may bisita po kayo."
Napatingin siya sa kaniyang maid na nakatayo lamang hindi kalayuan sa kaniya.
"Sino?"
"Hindi ko po siya kilala, Young Lady, pero nakakatakot po ang lakas ng kaniyang kapangyarihan. Hindi niyo po ba nararamdaman?"
Tumigil siya saglit at ibinalik ang kaniyang konsentrasyon. Napatayo siya nang makilala ang pamilyar na kapangyarihan na iyon. Sobrang lakas na halos hindi kayanin ng katawan niya at dahilan ng paghirap niya sa paghinga.
Napatingin sila sa pinto nang magbukas ito at iniluwa nito ang isang makisig na lalake.
Sa kabila ng libong taon ay mukha pa ring bata at walang pinagbago sa kaniyang mukha.
Nakasuot ito ng itim na polo at itim na pantalon.
"Ikaw ang pinuno?"
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Akala niya ay matagal nang patay ito at nalimot na ng panahon.
Ngumiti ito sa kaniya ngunit nagbigay ito ng matinding kilabot. Nagbow siya para magbigay respeto sa nilalang na nasa harapan niya. Ang taong nabaon na sa limot na muling nagbabalik para pamunuan ang buong lahi ng bampira at maagaw ang trono ni Van Walker.
"Ikinagagalak kong makita kang muli, Israel Walker."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com