Chapter 20
Chapter 20
Pain of Losing
"Lolo Gallian, utang na loob! Patayin niyo 'yan!"
Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas. Dinaig pa niya ang kinakatay. Hindi ko alam kung si Jack o si Jick ang sumisigaw pero hula ko ay si Jick. Ang hirap kasi sa kambal na sina Jack at Jick ay magkamukha na nga sila, magkapareho pa sila ng boses kaya hindi mo talaga 'agad malalaman kung sino sila. Nalalaman ko lang kung sino si Jack at Jick dahil sa aura nila. Si Jack kasi ay may pagka-seryoso pero loko-loko rin pero si Jick ay loko-loko na talaga all the way pero kapag nagsama silang dalawa? Mas gusgustuhin mo na lang na humukay ng sarili mong paglilibingan kaysa mamatay dahil sa stress na dulot ng kakulitan nila.
"Ang ingay naman." Malalim ang boses ni Van habang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko at binigyan 'yon ng maliliit na halik.
Humarap ako sa kaniya at niyakap ko siya. Ayaw ko pa rin namang bumangon kasi napagod ako kagabi. Umaga na nga kaming nakatulog, eh. Magdamag kaming nagkwentuhan na kahit napaka-random lang ng topic namin. Masaya ako na mas nakilala ko pa siya.
Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Nasabi niya sa 'kin kagabi na halos 1 to 2 hours lang ang tulog niya noong umalis ako. Hindi rin daw siya masyadong nakakakain kaya medyo pumayat siya. 'Yung eyebags niya, hindi na "bag". Puwede na itong maging maleta sa sobrang laki.
"Van! Kisha! Help me!"
Nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pintuan na halos gibain na niya ito. Tinulak ko nang marahan si Van para makabangon ako. Parang hindi niya naririnig ang ingay sa labas, masyadong mahimbing ang tulog niya.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa 'kin ang teary-eyed na si Jick. Nanginginig din ang ibabang labi niya na nakapout, para siyang bata na inagawan ng candy.
"Ano ba'ng problema?" tanong ko sa kaniya.
Kanina pa siya sigaw nang sigaw at tinatawag ang pangalan ni Lolo G. Baka may kinalaman sa pagkakaroon niya ng pornophobia, fear of porn, ika nga ni Kiel kahapon. It doesn't even exist. Isa lang yata iyong sakit na si Jick lang ang meron.
"Kanina binuksan ko 'yung TV para sana manood ng cartoons pero pagkita ko, porn ang nagplay!" Hawak pa niya ang magkabila niyang pisngi habang sumisigaw.
Napatawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Ang cute!
"Masanay ka na, Jick. Gano'n lang talaga si Lolo G, mahilig talaga 'yun sa mga gano'ng bagay. Buti pa nga at TV lang ang nabuksan mo, eh." Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Ang payo ko lang sa'yo, 'wag mong titingnan ang bookshelf niya kasi meron ding hindi kaaya-ayang tanawin doon."
" 'Yun na nga, eh! Naghanap ako ng comics o kung anomang libro para hindi ako mabobored kaso nu'ng binuklat ko 'yung magazine babaeng hubo't-hubad ang nakita koMy super duper virgin eyes! So pure and so right! Nadungisan ng gano'n na lang!"
Bakit ang cute talaga ni Jick?! Gusto ko tuloy siyang yakapin! Kaya nilapitan ko siya at niyakap. Talagang with matching gigil pa. "Ang cute mo talaga, Jick! Kung anoman 'yung nakita mo, kalimutan mo na lang. Act as if you didn't saw anything."
Niyakap na rin niya ako. "Sige, susundin ko 'yang payo mo–"
Naramdaman kong naging stiff ang katawan ni Jick. Para ngang hindi na siya humihinga. Anyare? Bahagya ko siyang itinulak para mapahiwalay siya sa 'kin. Tinitigan ko siya, nanlalaki ang mga mata niya, pinagpapawisan at lagpasan ang tingin niya. Nakatingin siya sa likudan kaya tumingin na rin ako at parang naging pareho ang kalagayan namin ni Jick.
Si Van na masama ang tingin sa aming dalawa na para bang may ginawa kaming bagay na hindi niya mapapatawad. Napakaseloso pa man din ng lalakeng 'to.
"Anong ibig sabihin ng yakap na 'yon?"
"Umiiyak siya! Pinapatahan ko lang naman siya, eh!"
His expression softened but it changed when he looked at Jick again.
"You..." patungkol niya kay Jick. "Don't you ever lay a hand on her or else...." Iniwan niyang nakasabit ang sentence niya pero kahit hindi niya tinapos 'yun, alam naming hindi maganda ang binabalak niya kung sakali.
Hinarap ko si Van na nakatayo pa rin sa harap ko at nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak ko ang dibdib niya. "Hindi mo dapat ginagano'n si Jick."
"Why? He hugged you!"
"It's just a hug, Van," naiiling na sabi ko.
Pagnguso lang ang isinagot niya sa 'kin kaya bago pa mapunta sa kung saan ito, nagdesisyon akong magpunta sa kusina. Nang makakain kami ng breakfast ay lumabas naman kami ng bahay para hanapin ang mga kasama namin.
"Nasaan sila?" tanong ko kay Van.
Tumingin si Van sa kanan. "Nasa may taniman sila."
Lumakad na kami papunta sa taniman at nandoon nga sila. Nakaupo ang lahat ng Nobles sa damuhan. Si Jiji naman ay nakita kong paakyat ng puno at si Lolo G ay nakacross sitting position at nakapikit.
"May training kayo?"
"Oo, eh. Sabi ko sa kaniya, simulan na namin nang maaga ang pang-apat na gate para kapag nabuksan ko na, maihahatid ko pa kayo sa baba ng bundok." tGinulo-gulo niya ang buhok ko.
Lumakad na kami papalapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ng mga Nobles at si Van naman ay dumiretso sa harapan ni Lolo G at umupo kagaya ni Lolo.
"Paano ba nila ginagawa ang training? Naglalaban?" tanong ni Jack sa akin.
"Hindi. Ginagamit niya ang isip at puso niya. Malaki rin ang tulong dito ng mga alaala niya mula sa nakalipas na panahon," sagot ko sa kanya.
"May tanong lang ako sayo, Kisha," panimula ni Farrah kaya tumango lamang ako. "Alam naman nating hindi kami tumatanda, pati si Van, at ikaw na tao ay tumatanda at namamatay, paano kayo magkakasama ni Van habangbuhay?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Isa lang naman ang solusyon at 'yon ay ang maging bampira kagaya niyo."
"Ano ba ang sunod na gate?" tanong ko kay Lolo G. Mas ginanahan akong mag-training dahil nanonood si Kisha. Hindi ako puwedeng mabigo sa pagbubukas ng gate.
"Gate of Agonizing," sagot niya. "Ito ang mga bagay na nagdala sa 'yo ng matinding sakit, nagdala ng pahirap at pabigat diyan sa puso mo, hindi lamang isang beses kundi maraming beses. Isama mo lahat ng alaala mong nagdala sa 'yo ng sakit at paghihirap, sapat na para madurog ang puso mo."
Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagconcentrate.
Unang pumasok sa isip ko ay nu'ng mamatay ang ina-inahan ko, ang babaeng nagparamdam sa 'kin ng aruga ng isang ina. Masakit. Napakasakit nang nawala siya sa 'kin pero tanggap ko na naman na wala na siya. Alam kong sa lugar na kinalalagyan niya ngayon ay masaya na siya.
Dahil doon ay nakita ko na ang Gate of Agonizing. Malayo pa ako rito pero sapat na para makita ko nang maayos.
Pangalawa kong naisip ay noong mamatay si Jullia. Sa sobrang sakit parang dinudurog ang puso ko. 'Yung tipong gusto ko nang mabaliw, mamanhid o kaya mamatay na lang din para hindi ko na mapagdaanan ang ganoong klaseng sakit. Gaya nang kay Mama, natanggap ko na rin na wala na siya dahil may mas higit pang pumalit sa kaniya.
"Tama 'yan, Van. Ituloy mo lang. Isa na lang ay mabubuksan mo na ang gate," dinig kong sabi ni Lolo. Mas malapit na ako ngayon sa gate..
Ang pinakahuli ay nang iwan ako ni Kisha dito habang kasama naman niya si Cross. Ang makita siya noong palayo sa 'kin ay katumbas na pinira-piraso kong puso.
Napamulat ako nang makaramdam ako ng matinding pwersa. Napatingin ako kay Lolo G na nasa harapan ko rin ngayon at mukhang naalarma. Palapit nang palapit ang malakas na pwersa na halos hindi kayanin ng katawan ko, para akong nanghihina at hindi ako makahinga.
Nakatayo na rin ang mga Nobles at alam kong nahihirapan din sila. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan, kinikilabutan ako, mabilis din ang pintig ng puso ko. Saan nanggagaling ang malakas na kapangyarihang iyon?
Napatayo si Lolo. "Imposible..."
Sinubukan kong tumayo at buti na lamang ay nakaya ng mga paa ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ng pwersang iyon sa aming lahat.
Napatingin ako kay Kisha. Nakaupo pa rin siya sa may damuhan at mukhang nalilito dahil sa inaasal namin.
"Ano ba 'yun, Lolo? Bakit–"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang humangin nang malakas at sa isang iglap ay tinangay no'n si Lolo. Buti na lamang at nasalo siya ng mga Nobles. Pinilit kong hindi magpadala sa malakas na hangin. Bumabaon ang paa ko sa lupa habang isinangga ko ang aking braso sa aking mga mata upang hindi ako mapuwing sa alikabok at mga tuyong dahon na nagsisiliparan.
Maya-maya pa ay tumigil na ang malakas na hangin. Muli kong tiningnan si Kisha. Nasa likudan siya ng mga Nobles. Ganoon din si Lolo. Si Jiji naman ay nasa malaking form na niya at nasa harapan ng mga Nobles.
Tumingin ako sa pinanggalingan ng malakas na hangin at napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalake na nakatayo hindi kalayuan sa akin.
"Dito pa rin pala kita matatagpuan, Gallian Walker."
Napansin kong hindi siya sa akin nakatingin, kundi kay Lolo na nasa tabi ko na pala.
"P-Paanong buhay ka pa?!" pasigaw na tanong ni Lolo.
Tumawa ang lalake. Kahit pagtawa niya ay naglalabas ng paunti-unting pwersa. Nag-uumapaw siya sa kapangyarihan. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalakeng ito. Sino ba talaga siya? Ano'ng kailangan niya rito?
"Matagal mamatay ang masamang damo, Master." Ngumiti siya na parang nang-uuyam.
"Lolo, sino ang lalakeng 'yan?"
Hindi ako nasagot ni Lolo dahil muling nagsalita ang lalake.
"Ah, hindi kita kaagad napansin." Tumingin ako sa kanya at sa isang iglap ay wala na siya sa dati niyang pwesto kundi nasa harapan ko na siya. Napaatras ako ng isang hakbang nang makita ko nang malapitan ang mukha niya.
Hindi ito puwede. Matagal na siyang patay.
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Oo, ako nga. Paano mo ako nakilala? Sa mga litratong kupas? Litrato galing pa sa nakalipas na limang daang taon?"
Hindi ako nananaginip. Mas lalong hindi niya ito kaluluwa. Buhay siya. Buhay ang dating Legendary Vampire. May nagsasabing namatay siya pero hindi nila malaman ang dahilan. May nagsabi ring nagpakalayo-layo ito at namuhay ng normal pero kahit isa sa mga teorya noon ay walang patunay.
"Ano'ng kailangan mo? Bakit ka nandito?"
Hinawakan niya ang baba ko at inilapit ang mukha niya sa 'kin. "Ikaw nga si Van Rei Isaac Fenier Walker, ang bagong Legendary Vampire."
Tinabig ko ang kamay niya at muling lumayo ng ilang hakbang sa kaniya. Mahahaba ang mga kuko niya at patilos ito. May kung anong meron sa kaniya na bumabagabag sa akin at ang kapangyarihan niya ay hindi ko maipagkakailang malakas.
"Ano ba talagang kailangan mo, Israel?!" pagalit na tanong ni Lolo.
"Bakit ba galit na galit ka? Dinalaw lang kita at isa pa, gusto ko lang libangin ang aking sarili. Gusto niyo bang makipagkwentuhan?"
"Wala akong oras sa mga laro mo, Israel, sabihin mo kung bakit buhay ka pa!"
Tumawa si Israel na parang nang-aasar pa. "Simple lang. Nagpakalayo-layo ako. Nagtago. Namuhay ng simple. At muling nagbalik."
"Umalis ka na, Israel, hindi ka na dapat nagbalik pa."
"Ganyan ka ba sa dati mong estudyante? Nakakalungkot naman." Humawak pa siya sa dibdib niya na parang nasaktan pero suot pa rin niya ang nang-uuyam niyang ngiti.
Napagdesisyunan ko ng sumingit sa usapan nila. "Ano ba talaga ang kailangan mo at napunta ka rito? Hindi ba't tapos na ang termino mo?"
Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Naging pula ang mga mata niya at mas lalong humaba ang mga kuko niya. Nag-ugat din ang mga kamay niya at humaba ang pangil niya. Nakakakilabot talaga siya. Bukod kay Ellrah, isa siya sa mga taong nagbibigay kilabot sa akin dahil sa sobrang kapangyarihang inilalabas niya.
"Bakit hindi natin subukan ang kapangyarihan mo, Van? Para malaman natin kung sino ba talaga ang karapat-dapat na maging master ng Walker Family."
Napalibutan siya ng pulang aura. Umitim din ang eyeballs niya. Ito na ba ang kabuuang anyo ng isang legendary vampire?
"Van! Mag-iingat ka! Subukan mong gamitin ang sarili mong anyo!" sigaw ni Lolo G.
Huminga ako nang malalim at nagconcentrate hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang pagdaloy ng dugo ko at pag-agos ng lakas sa mga kalamnan ko. Ibinukas-sara ko ang mnga kamay ko at nakita kong lumabas ang itim na aura sa katawan ko kasabay ng paghaba ng pangil ko.
Susugod na sana ako pero wala siya sa harapan ko. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng dugo sa pisngi ko. Hinawakan ko ang mukha ko at may sugat ito. Paano?
Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita.
"Van! Sa itaas!" sigaw ni Kiel at napatingin ako sa taas.
Bumubulusok siya pababa sa akin at nakahanda na ang matatalas niyang kuko. 'Agad akong umiwas at naglanding siya sa lupa. Sumugod siyang muli sa akin. Kumakalmot siya at tanging pagsangga lang ang nagagawa ko.
Hindi ko siya kayang tamaan dahil sobrang bilis niyang gumalaw. Nagkakaroon ako ng hiwa ng hindi ko man lang namamalayan.
Isinipa ko ang paa ko at tinamaan siya sa tiyan at tumalsik siya palayo sa akin. Kung sa normal na bampira baka kung saan na siya pupulutin pero sampung metro lang ang itinalsik niya.
Muli siyang sumugod at nasuntok niya ako sa mukha na ginantihan ko naman ng isa pang malakas na sipa. Nagpalitan kami ng suntok at sipa sa bawat isa pero mas madami ang tumamang tira galing sa kaniya.
Hinahabol ko na ang aking hininga at hawak ko ang isa kong braso na may mahabang hiwa at tuloy ang pag-agos ng dugo. Natamaan niya ito kanina nang sunod-sunod siyang umatake. Hiwa-hiwa na rin ang damit ko dahil sa mahaba niyang kuko.
" 'Yan lang ba ang kaya mo? Young Master?" pang-aasar niya sa akin. "Nakakahiya naman sa babaeng mahal mo." Tumingin siya sa direksyon ni Kisha kaya napatingin na rin ako. Katabi niya ang mga Nobles. Umiiyak siya. Pinakaayaw kong makita ay ang umiiyak niyang mukha.
Tumingin ako sa kaniya nang masama at hindi ako nag-aksaya ng oras, sumugod akong muli. Nagpakawala ako ng sunod-sunod na suntok pero mabilis lamang niya 'yong naiiwasan. Tumalon ako nang mataas at bumulusok pababa na siguradong 'pag natamaan siya ay madudurog siya. Bumaba ako at naggawa ng malaking crater. Akala ko ay natamaan ko siya pero biglang may dumagan sa likod ko at napadapa ako sa lupa.
Hawak niya ang dalawang kamay ko sa likod ko.
"Ang hina mo pala, wala kang binatbat sa lakas ko. Ikaw ba talaga ang pinuno ng buong Vampire Clan? Kapag nalaman nila ito ay siguradong ikakahiya ka nila." Diniinan pa niya ang pagdagan sa akin kaya napaubo na lamang ako at may kasama pang dugo na lumabas sa bibig ko. Ang malakas niyang kapangyarihan ay sapat na para manghina ako.
Unti-unti ng bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.
Naramdaman ko na lang na umalis na siya sa likudan ko. Narinig ko rin ang ilang pagsigaw.
"Zick! Kiel!" Narinig kong sigaw ni Farrah. "Ilayo niyo na si Kisha rito, Jack!"
"Dalian niyo! Umalis na kayo!" sigaw naman ni Lolo.
"Hindi ko puwedeng iwan si Van! Van! Gumising ka!" sigaw naman ni Kisha.
Gusto kong bumangon at puntahan siya pero nanghihina ako. Naiinis ako sa sarili ko. Ang hina ko. Narinig ko ang bawat pagsigaw ni Kisha na palayo nang palayo hanggang sa hindi ko na siya marinig.
"Jiji! Gumising ka!" narinig kong sigaw muli ni Lolo.
Umiiyak din si Farrah, naririnig ko ang bawat pag-ungol nina Kiel at Zick. Pinilit kong buksan ang aking mga mata, nakahiga sa lupa sina Kiel at Zick na walang malay. Si Jiji na may malaking sugat sa tiyan na katabi si Lolo G na wala ng lakas pa para lumaban.
Sumugod si Farrah kay Israel pero sinampal siya nito at tumalsik sa puno. Napatama ang likod niya at nawalan ng malay.
Naikuyom ko ang aking palad. Bakit hindi ako makabangon? Bakit ang hina ko?
Papalapit sa 'kin si Israel na may ngiting matagumpay, puno ng dugo ang kaniyang kamay at bawat paglakad niya ay naglilikha ng crater sa lupa. Ang pulang aura niya ay doble-doble ang laki kaysa sa akin.
Iniluhod niya ang isa niyang tuhod at isinabunot ang isang kamay sa buhok ko. Iniangat niya ang ulo ko.
"Napakahina mo. Kumpara sa 'kin, isang tiris ko lang sa 'yo patay ka na. Pero 'wag kang mag-alala, hindi muna kita papatayin dahil mas matindi pa rito ang mararanasan mo. Muli tayong magharap kapag malakas ka na at kapag dumating ang araw na iyon, siguraduhin mong matatalo mo na ako." Isinubsob niya ang mukha ko sa lupa bago tumayo.
"At bago ako umalis, gusto kong alamin mo kung sino ba talaga ang tunay na kalaban."
Pagkatapos no'n ay humangin ng napakalakas at naglaho na siya. Tiningnan ko si Lolo na nakatingin sa akin, buhat niya si Jiji. Hindi ko pa man naitatanong ay umiling na siya.
Natuon naman ang atensyon ko kay Farrah na walang tigil sa pag-iyak.
Gumagalaw pa si Zick pero si Kiel–
"Kiel, please don't leave me like this Kiel. 'Wag mo akong iiwan." Hawak ni Farrah ang kamay ni Kiel at nakakandong ang ulo nito sa hita ni Farrah.
Sumuka siya ng dugo. Pinilit ko ang aking sarili upang maupo at saka ko nakita ang kalagayan ni Kiel. May malaking sugat sa kaniyang dibdib at patuloy ang pag-agos ng dugo mula rito.
"F-Farrah...alam mo bang...mahal kita?"
"Alam ko, Kiel, kaya please, 'wag mo naman akong iwan. Kailangan kita, eh. Paano na ako? Hindi ko kaya na mawala ka, Kiel."
Napatungo na lamang ako at hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong luha. Gusto ko mang ipagsiksikan sa sarili kong magiging okay siya pero ang totoo ay hindi na. Isa sa mga taong nagtiyaga sa 'kin, nagmahal sa 'kin bilang kaibigan at pamilya–isang tunay na Noble.
"Van, patawarin mo ako kung hindi ko kayo mababantayan hanggang dulo. Hanggang dito na lamang ang kaya ko. Gusto kong malaman mo na parang pamilya na ang turing ko sa 'yo. Sana tuluyan ka nang maging masaya kasama si Kisha at 'wag mong sisisihin ang sarili mo sa kung anomang mangyari sa akin."
Tumunghay ako at nakita kong umaagos na rin ang luha sa pisngi niya habang may maliit na ngiti sa kaniyang labi.
"Salamat, Kiel, maraming salamat."
Nanatili siyang nakangiti at ibinaling ang tingin kay Farrah. "Farrah...p-pwede mo bang...sabihin mo na...m-mahal mo rin ako? K-Kahit ngayon lang?"
Napahagulhol na lamang si Farrah at niyakap si Kiel. "Mahal kita, Kiel. Mahal na mahal. Kaya 'wag mo akong iiwan. Ngayon pa bang alam nating mahal natin ang isa't-isa? Kayanin mo. 'Wag kang bibitaw. 'Wag mo akong iiwan please."
Umiling si Kiel. "Sorry, Farrah. Hanggang dito na lang ako. Mahal kita...mahal ko kayong lahat..."
Tuluyan nang nawalan na ng buhay si Kiel. Itinapik ni Farrah ang kamay niya sa mga mata ni Kiel at ibinaba ang talukap nito. Niyakap niyang muli si Kiel at walang tigil na umiyak.
Nanginginig ang nakakuyom kong kamao. Kailangan kong lumakas. Ipaghihiganti ko si Kiel at sa ginawa ni Israel sa amin.
Ganito pala ang pakiramdam nang matalo. Pero mas nakatulong ito para pagbutihin ko pa sa lahat ng bagay na gagawin ko. Maghintay ka lang, Israel Walker, babalikan kita.
NASA kalagitnaan na ng bundok ang kambal na sina Jack at Jick habang buhat ni Jack ang nagwawalang si Kisha. Hindi na nila naramdamang muli ang kapangyarihan ni Israel Walker. Takot ang tanging bumalot sa puso nila dahil wala pa sa kalahati ng kapangyarihan ni Israel ang kapangyarihan ni Van. Natatakot sila para rito.
At may mas masama rin silang pakiramdam, parang may nawala. Ayaw man nilang isipin na may namatay pero may pakiramdam na sila.
"Please, bumalik na tayo." Pagmamakaawa ni Kisha.
Tumango lang si Jick sa kambal at tumakbo sila pabalik sa taniman ngunit wala na silang naabutan. Tanging dugo lang ng kung sino ang nakita nilang nakakalat sa damuhan.
Tumakbo sila papunta sa bahay at habang papalapit sila nang papalapit ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam nila.
Pagkapasok nila sa loob ay tumambad sa kanila ang isang katawan na nakahiga sa isang mahabang lamesang kahoy at natatakluban ito ng puting kumot. Si Van ay nakaupo sa couch habang sapo ang noo, si Lolo Gallian naman ay kalong si Jiji na nagkaroon na ulit ng malay.
Hindi nila nakita sina Farrah at Zick, malamang ay nagpapahinga.
'Agad namang lumapit si Kisha kay Van at niyakap ito nang mahigpit.
"Ito ba ang bangkay ni Israel Walker? Natalo mo ba siya, Van? Ang galing mo!" sabi ni Jick pero may tumulong luha sa mga mata niya. Kahit sinabi niya iyon, may pakiramdam na siyang mahalagang tao ang nagbuwis ng buhay ngayon.
Lumapit si Jack sa bangkay at ibinaba ang kumot hanggang sa dibdib nito. Napaluha na lang din siya nang makita si Kiel na namumutla, malamig ang katawan, at wala ng buhay. Ang kaibigan nila simula pa lamang ng isilang sila ay kasama na nila.
"Ang daya mo naman, Kiel!" hinampas ni Jack ang dibdib ni Kiel at paulit-ulit niyang ginawa iyon. " 'Di ba sabi mo pakakasalan mo pa si Farrah?! 'Di ba sabi mo magiging Ninong pa kami ng magiging anak niyo?! Bakit umalis ka kaagad?!"
Tuloy pa rin ang paghampas niya sa dibdib ni Kiel habang humahagulhol sa pag-iyak. Pinigil na siya ni Jick na walang tigil din ang pag-agos ng luha. Tahimik namang umiiyak sina Van at Kisha. Mahirap tanggapin na wala na ang isa sa kaibigan nila.
"Kiel! Puta naman, gumising ka nga! Baka gusto mong i-CPR pa kita!! Bromance 'yun, pare! Pero titiisin ko mabuhay ka lang!"
Kung sa normal na araw lang ay nakakatawa ang sinabi ni Jick, ngayon ay mas nakakapagpadagdag lang ng lungkot. Wala pa ring malay si Zick pero makakaligtas siya. Si Farrah naman ay nagkulong sa kaniyang kwarto at walang tigil na umiiyak.
Lumapit sina Van at Kisha sa katawan ni Kiel.
Hinawakan ni Kisha ang kamay ni Kiel, kaunting panahon man silang nagkasama, mahalaga pa rin para sa kaniya si Kiel dahil kaibigan niya ito, at sa kaunting panahon na iyon ay pinaramdam nitong masaya ang magkaroon ng kaibigan.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at hinaplos ang pisngi nito, dumadalangin na sana ay mabuhay siya pero alam niyang imposible. Wala na talaga si Kiel.
NAGWAWALA si Cross sa loob ng malaking rehas. Ibang-iba na siya, hindi na siya kagaya ng Cross noon. Ang mga mata niya ay kulay dilaw, na may halong berde at itim. Humaba na rin ang pangil niya at mas lumaki ang katawan niya. Isang linggo na siya sa training room. Nakakandado pa rin siya sa loob ng metal na rehas na napapalibutan ng makakapal na kadena, sa labas nito ay isang planggana ng dugo limang metro ang layo sa kaniya.
Sobra na siyang nauuhaw at kaunti na lang, makokontrol na niya ang kung anomang kapangyarihan ang nabubuo sa loob niya.
Pinakalma niya ang kaniyang sarili. Pilit niyang kinokontrol ang halimaw sa loob niya at nang magawa na niya ay hinawakan niya ang dalawang bakal sa tabi ng ulo niya at dahan-dahang pinaghiwalay 'yon.
Hinila niya ang makapal na kadena at binagsag iyon gamit ang isang kamay lamang. Sinipa niya ang malaking padlock at tuluyan na siyang nakawala.
Isang segundo lamang ay hawak na niya ang isang plangganang dugo at ininom iyon. Muli niyang naramdaman ang kakaibang lakas sa katawan niya. Pakiramdam niya ay doble-doble na ang lakas niya ngayon kaysa noon. Hindi na siya basta Vampire Hunter lamang, isa na siyang bampirang Vampire Hunter. Nakakatawa mang isipin pero 'yun ang gusto niya, sasamantalahin niya ang lakas niya para maging Vampire Hunter na angat sa lahat.
Bumukas ang pinto ng training room at pumasok si Ivan.
"Nagawa mo?"
Tumaas ang isang gilid ng labi nito. Ang lopsided grin ni Cross Falcon. "Of course."
Napangiti na lamang si Ivan. As expected, nakaya niya. Malakas na si Cross noong tao pa lamang siya, paano pa ngayong kalahating bampira na siya? Naisip niyang hindi rin naman pala masama ang makagat ng isang bampira.
"Ano na ngayon ang plano mo?" tanong niya rito.
Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. "Nothing for now. I just want to rest."
May sasabihin pa sana si Ivan kaso biglang tumakbo ito ng mabilis at sa isang iglap ay wala na sa harapan niya. Tahimik na siyang sumunod sa kaibigan. Ibabalita pa naman sana niyang buhay ang dating Legendary Vampire.
"Palpak ka na naman?" napatungo si Victoria sa sinabi ni Israel. Nandito sila sa basement kung saan niya paulit-ulit na sinusubukang buhayin si Jullia Falcon ngunit hindi niya magawa.
"Patawad, Pinuno, talagang hindi ko magawa." Tumayo si Israel at lumapit sa katawan ni Jullia.
"Gusto kitang tulungan pero hindi muna sa ngayon, i-preserve mo muna ang katawan niya dahil hindi pa ngayon ang tamang oras."
"Ano po ba'ng plano niyo?" Humarap sa kaniya si Israel at hinawakan ang baba nito. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mga mata nito. Napakakisig pa rin ni Israel kahit ilang daang taon pa ang lumipas.
"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Hindi porket pumupunta ako rito ay masasabi ko na sa 'yo ang lahat. Baka nakakalimutan mong nasa ilalim kita."
"Patawarin niyo ako, Pinuno."
Marahas niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa baba ni Victoria. Lumakad na siya palabas ng basement at tumakbo na paalis. Para sa kaniya, hindi pa ngayon ang tamang oras para buhayin si Jullia. At natutuwa siya dahil umaayon ang lahat sa kaniyang plano.
Muli siyang bumalik sa kaniyang opisina, ang pinamumunuan niyang organisasyon.
"Maligayang pagbabalik, Pinuno," pagbati ng kaniyang secretary. "Ano po'ng ipagagawa niyo sa akin?"
"Pakawalan mo ang limampung Insane sa bayan at hayaan niyo silang mabusog sa dugo ng mga tao."
"Masusunod po, Pinuno."
"At isa pa, kumusta ang pinagagawa ko sa 'yo?"
"Nakakuha na kami ng kwarentang tao para ipakain sa mga Insane na nagugutom ngayon."
"Magaling, simula pa lang 'yan. Uubusin natin ang lahat ng tao sa lugar na ito."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com