Chapter 21
Chapter 21
Adieu
Sinabayan ng malakas na pagpatak ng ulan ang nararamdaman ng bawat bampirang dumalo sa araw na kung saan kailangan ng ilagay si Kiel, ang isang magiting na Noble, sa kaniyang huling hantungan.
Lahat ay nakaitim, dala-dala ang mga sarili nilang panangga sa ulan, ngunit ang iba ay hindi na nag-abala pang magdala ng sarili nilang panangga dahil sa pagtulo ng ulan sa kanilang mukha ay natatakluban nito ang mga luhang pumapatak galing sa kanilang mga mata.
Tanging ang bawat patak ng ulan ang siyang naririnig at ang mumunting paghikbi galing sa isang dalaga–si Farrah.
Maging ang ibang Noble ay nagpapakabasa na rin sa ulan matakluban lamang ang kanilang nararamdaman na nakikita sa pagpatak ng kanilang luha pero kahit ano'ng gawin nila ay napasakit pa rin sa kanila na makita ang isang importanteng kaibigan na lumisan na.
Magkatabi sina Van at Kisha, tahimik na umiiyak habang pinapanood ang bawat paglapit ng mga bampira upang maghagis ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Kiel.
Nang matapos na ang mga bampira ay sunod-sunod na nagsilapitan ang mga Nobles upang ibigay ang huli nilang paalam kay Kiel.
"Kiel, ang daya mo talaga! Namatay kang virgin! Hindi ka man lang nakaisa!" pabirong sabi ni Jick pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Inilagay niya ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ni Kiel.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa 'yo, sana tinulungan na 'agad kita kay Farrah. Eh, 'di sana may inaanak na ako ngayon," sabi naman ni Jack na pinipigilan ang pagtulo ng luha niya pero hindi rin niya kinaya. Bumuhos ang kaniyang luha kagaya ng palakas na palakas na pagbuhos ng ulan. Tila nakikiramay ang langit sa nangyari.
Sunod namang lumapit ay si Zick na nakabawi na ng lakas simula nu'ng makalaban nila si Israel. "You're being unfair but you did your best." Sa unang pagkakataon, nagpakita ng isang emosyon si Zick. Kitang-kita sa kaniyang mukha kung paano siya nasasaktan sa pagkawala ni Kiel at isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mata.
Lumapit na rin sina Van at Kisha na tahimik lamang at walang sinabi. Hanggang ngayon ay hindi nila alam kung paano tatanggapin ang pagkawala ni Kiel na siyang naging tunay na kaibigan sa kanila. Nang maibigay na ni Kisha ang puting rosas ay nilapitan niya si Farrah na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Nanginginig ang buo niyang katawan at nanatiling nakatingin sa kabaong ni Kiel na para bang gusto niyang hilahin ito palabas baka sakaling bumalik ang buhay nito pero alam naman nilang lahat na hindi na.
Inilagay ni Kisha ang kaniyang kamay sa likod ni Farrah at sinamahan ito palapit sa kabaong ni Kiel.
"Kiel, mahal kita, eh. Bakit kailangan mo akong iwan? Bakit ngayon pa? Hindi mo ba alam na sobra akong nasasaktan?" Dahan-dahang inilagay ni Farrah ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ni Kiel. "Maging masaya ka sana kung nasaan ka at susubukan kong maging masaya para sa 'yo. Hindi man sa ngayon pero sana dumating din ang panahong 'yon."
Dahan-dahan nang ibinaba ang kabaong ni Kiel hanggang sa anim na talampakan na ito sa ilalim ng lupa.
Isa-isa na ring nag-alisan ang mga bampirang nakiramay at natira na lamang sina Van, Kisha at ang mga Nobles na pinapanood na tabunan ang hukay na nilaan para kay Kiel. Dalawampung metro mula sa likudan ng mansyon kung saan nilibing si Kiel.
Tumigil ang ulan nang tuluyang matabunan at mailagay ang isang krus sa ibabaw ng puntod ni Kiel.
Pagkatapos naman no'n ay ang pagsikat ng araw, sumisimbolo ng bagong simula ng wala ang isa sa kaibigan nila.
PAGKALIBING kay Kiel ay lumipas ang mga araw na naninibago pa rin kaming wala siya. Napakatahimik. Kung dati ay nagiging masaya ang buong mansyon dahil sa tawanan, kulitan nina Jack at Jick, mga jokes nilang kahit corny ay sobrang humahavey kay Kiel ngayon ay hindi na.
"Umiiyak ka na naman." Yumakap si Van mula sa likudan ko at hinalikan ang ulo ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko.
"Sobrang nakakalungkot lang." Humigpit ang yakap niya sa 'kin at binigyan ng halik ang batok ko.
"Kapag ipinakita mo sa kanilang malungkot ka, malulungkot din sila. Para lang 'yang domino, 'pag natumba ang isa, damay na ang lahat. Kaya subukan nating maging okay sa paningin nila para hindi sila madamay."
Humarap na ako sa kaniya at binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "Nag-aalala lang kasi ako kay Farrah. Hanggang ngayon kapag napapadaan ako sa kwarto niya, naririnig ko siyang umiiyak."
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "She will be okay. Matapang si Farrah. Kaysa pinoproblema mo siya, bakit 'di mo subukang problemahin ang pagod na ibibigay ko sa 'yo mamaya." Ngumiti siya ng pilyo. 'Ayan na naman ang kamanyakan niya.
"Manyak."
"Wow, ngayon mo lang nalaman?" tanong niya na may pag-iling pa.
"Gagawin lang natin 'yun kapag tapos ka nang magtraining." I crossed my arms.
"Ouch." Humawak siya sa dibdib niya at pumikit na para bang nasaktan nga siya. "Bakit ang sama-sama mo sa 'kin?"
I tried to avoid his gaze but he held my chin and moved his face closer to mine.
"Am I not attractive enough for you to reject me?" he said with a husky voice.
I can't speak. Parang may kung anong nakabara sa 'king lalamunan.
"Am I not seductive enough for you to resist the urge to do it with me?" he whispered. His face is an inch closer to mine. He bit his lower lip, stroke it with his tongue, and looked at me with his eyes full of desire.
I stared at his lips and I gulped. In the end, I gave up. Jumping on him, his lips finally met mine. He lay me down on the bed and started kissing me on my neck. He bit and suck it, making me moan in pleasure. I can already feel his erection poking on my stomach. It looks like it's ready to go.
"Van." Ipinikit ko ang aking mga mata nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko at marahan niyang pinisil ang dibdib ko.
Hindi niya itinitigil ang paghalik sa iba't-ibang parte ng aking katawan na para bang gusto niyang sauluhin ito gamit ang kaniyang labi.
"Van! Kisha! Kakain na–" Naitulak ko palayo si Van nang madinig ko ang pagbuksa ng pinto kasabay ng pagtawag ng kung sinoman sa aming dalawa ni Van. "Oh no! Not again! My eyes!"
Nakadinig na lang kami ng yabag ng paa na palayo sa kwarto namin. Sumunod na dumating si Jack na mukhang nagulat nang makita ang pwesto naming ni Van.
Umalis si Van sa pagkakapatong sa 'kin at pareho na kaming naupo sa kama.
"What?!" iritableng tanong ni Van. Marahas niyang isinuklay ang kaniyang kamay sa kaniyang buhok.
"Kakain na tayo, Van." Jack smirked.
Tumayo na kaming dalawa pero hindi pa rin umaalis sa pintuan si Jack.
"Ano pang hinihintay mo?"
Ngumiti lang ng nakakaloko si Jack. "I can see your boner from your jeans."
Pareho-pareho kaming napadako sa pantalon ni Van. Mukhang handa na ngang sumalakay ang alaga niya, signal na lang ang kulang.
"Why? What can you do about it?" tapos si Van naman ang nakangiti ng nakakaloko ngayon.
Napailing si Jack habang natatawa. "Ipunin mo na lang 'yung lalabas. Lagay mo sa garapon, ipalaman mo sa tinapay."
"Ang baboy niyo, ah!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Mga lalake talaga! "Tara na. Kumain na tayo!"
Bago ako tuluyang malakabas ay binatukan ko silang pareho.
NAKARATING na kami sa dinning hall. Sa mahabang lamesa ay nakahanda ang iba't-ibang putahe ng pagkain. Para naman kaming bibitayin nito. Sa sobrang daming pagkain, ang ganda tuloy tingnan. Kumpleto pa ito mula sa main course hanggang sa dessert.
Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan.
Nagsimula na silang kumain pero may napansin ako.
"Nasaan si Farrah? Hindi ba siya kakain?"
Hindi nagsalita si Van, pinaglagay niya lang ako ng pagkain sa plato ko at pinagbalat ako ng hipon. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti naman siya sa 'kin. Teka, may ibig sabihin ang ngiting 'yan. Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. Kahit hindi niya sabihin may hidden agenda siya. Nakasulat na 'yun sa buo niyang mukha. May kapalit 'to mamaya.
Tumingin naman ako sa mga Nobles at hinintay ang sagot nila.
"She's in her room. She doesn't want to eat," walang emosyong sabi ni Zick.
"Eh si Jick?"
Nagtaas ng kamay si Jack na parang estudyante na sasagot sa teacher. "He's in his room. He doesn't want to eat," he said in a low voice imitating Zick's voice.
"Bakit naman?" Pinigilan ko ang matawa dahil sa panggagaya ni Jack kay Zick.
"Because..." Napakamot siya sa batok niya. "Kasi hindi na raw talaga virgin ang mga mata niya! Nyeta! Ang hirap mag-ingles!"
Kumuha siya ng napkin at isinuot ang dulo nito sa ilong niya.
"Grabe, dumudugo na yata ang ilong ko."
Naibuga ni Van ang iniinom niyang tubig at napatawa hanggang sa napatawa na rin ako pati na rin ang mga nakapalibot sa 'ming butler. Si Zick naman ay pinipigil ang ngiti.
Tatayo na sana ako para puntahan si Farrah pero bumukas ang malaking pintuan dito sa dinning hall at pumasok sina Jick at Farrah. Si Farrah ay nakasimangot at si Jick naman ay paga ang kaliwang pisngi pero nakangiti pa rin.
"Ano'ng nangyari sa pisngi mo kambal?! Mas pogi na ako ngayon sa 'yo!" Tumayo si Jack at nagyakapan ang dalawang tukmol.
"Sinuntok ako ni Farrah!"
Hindi na namin pinansin ang nag-iinarteng kambal at itinuon na lamang namin ang atensyon kay Farrah na nasa tabi na ngayon ni Zick at nagsisimula nabg kumain.
Pinanood lang namin siya habang nakain at nang matapos siya ay walang imik na bumalik muli sa kaniyang kwarto.
"Gano'n na lang 'yun?" tanong ni Van.
"Eh, ano pa'ng ine-expect mo?" Nagkibit-balikat ako sa kaniya.
Hindi pa rin tapos sa pag-iinarte 'yung dalawa. Tumayo na si Zick at lumabas ng dinning hall. Tumayo na kami ni Van at nadaanan namin ang kambal.
Binatukan ni Van ang dalawa. "Idiots. Stop crying your eyes out. Gumawa na lang kayo ng paraan para bumalik si Farrah sa dati."
"Asus! Gusto mo lang makaisa kay Kisha, eh!" Binatukan ulit ni Van si Jack.
"Anong makaisa?" inosenteng tanong ni Jick. Buti na lang okay na siya dahil nga nakita niya kami ni Van kanina na may ginagawang milagro.
"Subukan niyong pumasok ulit sa kwarto ko itatapon ko na kayo."
Tumayo ng tuwid ang dalawa tsaka sumaludo at tumakbo paalis.
Napabuntong hininga na lang ako. Kahit papaano nagiging maayos na ang lahat dahil sa kambal na 'yun. Ang kukulit, eh! Pero dahil sa kanila, gumagaan ang atmosphere ng buong mansyon.
"Well," Napatingin ako kay Van na may pilyong ngiti sa labi. "You can't say no to me now."
"Malala na ang kalagayan ng lugar natin, tuwing gabi ay mahigit limampung Insane ang nagkalat sa daan. Madaming tao na rin ang nabibiktima at ang ibang tao ay nagiging Insane na rin. Para itong epidemya na unti-unting kumakalat," pagbabalita ng mensahero na siyang nakatayo sa tabi ng Sumpreme Commander. Nakapalibot sa isang mahabang lamesa ang matataas na opisyal sa anim na distrito ng angkan ng mga hunter.
"Hindi natin ito puwedeng ipagpawalang bahala, hindi kalaunan ay mauubos ang tao sa lugar na ito!" sabi ni Lieutenant Ishtar Crone, ang tatay ni Ivan Crone. Ang may pinakamataas na ranggo sa District 6.
"Sa tingin ko ay may kinalaman ang lihim na organisasyon ng mga bampira sa mga nangyayaring ito," ani ni Lieutenant Margaret Cobia, ang namamahala sa District 5.
"May kinalaman din kaya si Van Walker dito? Dahil kung meron, wala na tayong magagawa kundi isama siya sa Most Wanted List natin. Kakailanganin natin siyang burahin sa mundo hangga't maaga pa," wika naman ni Lieutenant Cinna Prim, District 4.
"May nakapagsabi sa aking hindi raw namamataan ngayon ang Walker na iyon. May nagsasabi ring umalis ito upang mag-training dahil may ilalakas pa siya," sabi naman ni Lieutenant Octavia Rishette, District 3.
"Sa inyong palagay, bakit hindi na lamang natin hanapin ang puno't-dulo nang lahat ng ito?" mungkahi ni Lieutenant Caster Hermes, District 2.
Bago pa magsimula muli ang usapan ay bumukas ang pinto at pumasok ang bagong Lieutenant ng District 1 kung saan nasasakupan niya ang lugar na kung saan dumadagsa ang mga Insane at inuubos ang mga taong nakatira roon.
"Huli ka na, Cross Falcon," komento ni Caster ngunit hindi niya iyon pinansin. Lumakad siya papunta sa kaniyang upuan habang sinusuot ang kaniyang itim na coat.
"Yeah, I know. No need to rub it on my face," walang emosyon na sabi niya. "So, what's the discussion all about?" Itinuon niya ang kaniyang siko sa lamesa at humalumbaba.
"Lingid sa iyong kaalaman, Lieutenant Cross Falcon ng District 1, ang iyong distrito ay inaatake na ng mga Insane tuwing gabi at madaming tao na ang nasusugatan, nagbubuwis ng buhay at ang iba ay nagiging Insane na rin," iritableng pagpapaliwanag ni Cinna.
"Let them attack my district, that's not your business anyway because that's my district not yours," sagot niya kay Cinna at tumingin siya sa ibang Lieutenant. "...and definitely not for all of you to care about."
Si Cross ang pinakabatang naging Lieutenant ng isang distrito at nagkataong District 1 pa ang napunta sa kaniya, ang pinakamagandang distrito na kahit sinong hunter ay gustong pamunuan kaya gano'n na lamang ang galit at inggit ng ibang Lieutenant sa posisyon niya ngunit ibinigay sa kaniya ng Supreme Commander ang posisyon na walang alam na siya ay kalahating bampira na ngayon. Wala naman talaga siyang balak ipaalam, dahil oras na malaman nila, siguradong bitay ang kahahantungan niya.
"Nababaliw ka na bang talaga? Hahayaan mong maubos ang taong naninirahan sa distrito mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Octavia.
"Who said that I'll let them die? Based on my observation, Insane are attacking not because they want to drink blood from humans but because they're killing people who are contaminated by certain bacteria that I can't name."
"Ibig mo bang sabihin ay pinapatay lamang ng mga Insane ang mga taong kontaminado na ng bacteria na sinasabi mo? Kung ganoon nga, bakit nila inuubos ang tao sa distrito mo?" mahinahong tanong ni Ishtar. Sa lahat ng Lieutenant, siya lamang ang mabait kay Cross dahil para na rin niyang anak ito at matalik nitong kaibigan ang kaniyang anak.
"Yes. And unfortunately, 80% of the population in my district is contaminated by those bacteria."
"Ano namang bacteria iyon? Saan iyon nanggaling?" tanong ni Margaret.
"I can't say it for now because I'm still doing my research," maikling paliwanag ni Cross.
Tumayo ang kanina pang nananahimik na Supreme Commander, si Nicolas Raven. Kitang-kita na ang mga linya sa kaniyang mukha dala ng katandaan pero napapalibutan pa rin siya ng malakas na aura–aura ng isang malakas at matipunong leader.
"Kung ganoon pala naman ay sa 'yo ko na ipapaubaya ang lahat, Cross Falcon." Malaki ang boses nito at puno ng awtoridad.
"Pero Supreme Commander–" hindi na natapos ni Cinna ang sasabihin nang tumingin nang masama ang Supreme Commander sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kundi ang manahimik na lamang.
"As you wish," nakangising sagot ni Cross at pinanood lamang nila 'yong lumabas ng bulwagan.
Lumapit naman si Ishtar kay Cross at hinawakan ito sa balikat. "Naniniwala akong kaya mong ayusin ang pangyayari sa iyong distrito." Lumabas na rin siya sa bulwagan.
Napansin naman niyang nakatingin nang masama ang mga natirang Lieutenant sa kaniya.
Tumayo siya at muling ngumisi sa mga ito bago lumabas.
SUMIGAW ang isang babae nang makita ang mga Insane na nagdadagsaan. Ang iba ay sumisipsip na ng dugo, ang iba naman ay naghahanap pa lamang ng mabibiktima.
Napuno ng sigaw ng mga tao ang buong lugar, sigaw na nasasaktan, nahihirapan at natatakot.
Tahimik na nagmamasid si Cross Falcon sa itaas ng gusali at pinapanood ang bawat kilos ng mga Insanes. Hindi nga siya nagkamali, may pinipiling taong papatayin ang mga Insane. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung sino ang nakakapagcontrol sa mga Insane na ito.
"Ano na ngayon ang plano mo?" tanong ni Ivan sa kaniya.
"I'll let them kill all the people who are contaminated by that fucking bacteria."
Natatawa namang lumapit si Ivan sa tabi ni Cross at tiningnan ang mga nangyayari sa ibaba. Napapalibutan ng dugo ang kalsada, nagkalat ang katawan ng mga taong may kagat sa leeg, ang iba naman ay nagpapalit anyo bilang Insane.
"Hindi ba kaya nagiging Insane ang mga tao ay dahil na rin sa kagat ng mga Insane?"
"No. Before the Insanes bit them, they're contaminated already. That fucking bacteria are all over their body that turned them into a beast."
"Kung ganoon ay hindi Insane ang may kagagawan kung bakit nagiging Insane rin ang mga tao."
Tumango si Cross at sinindihan ang kaniyang sigarilyo. "I don't know where that bacteria came from, all of a sudden, Insane keeps on rushing back and killing people."
"Sa tingin mo ba ang organisasyon ng bampira ang may kinalaman sa bacteria na 'yun?"
"I'm not sure but I don't think they are the ones who spread the bacteria. I guess they're trying to help."
"Help? Seryoso ka ba? Ang lihim na organisasyon ng bampira ay tumutulong? Para saan?" Biglang naalala ni Ivan ang posibleng leader ng organisasyong iyon. "Hindi mo ba alam na baka si Israel Walker, ang dating Legendary Vampire, ang pinuno ng organisasyong iyon?"
Hindi man lang nagulat si Cross. "I know. I know from the very start that he's the leader. I already read that in the book. Maybe he's up to something but not in a harmful way."
Huminga nang malalim si Ivan. Hindi na niya alam ang gagawin pa. Nababahala na rin siya sa nangyayari pero si Cross ay kalmado pa rin. Kumbaga ang lahat ng ito ay para lamang jack-en-poy sa kaniya, ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabahala o pag-aalala sa nasasakupan niyang distrito.
Nang matapos na ang pag-atake ng mga Insane ay bumalik na sila sa loob at hinayaang unti-unting mawala ang tinig ng mga taong naghihirap sa labas.
"Ikulong niyo nang mabuti ang mga iyan at pag-aralan," utos ni Israel sa kaniyang mga tauhan.
Nandito siya ngayon sa underground headquarters nila kung saan nakakulong ang daan-daang Insane, mga Insane na may mga sugat, mga dating tao at mga Insane noon pa lamang.
Miski siya ay hindi niya maintindihan kung bakit kumalat ang sinasabing bacteria. Isang lason na pumapasok sa loob ng isang tao at kapag nasa loob mo na ito, unti-unti nitong lalamunin ang kaloob-looban mo hanggang sa pati utak at puso mo ay masasakop na rin nito sanhi ng pagiging Insane.
Lumakad siya papunta sa loob ng isang malaking laboratoryo kung saan abalang-abala ang mga bampirang nakasuot ng puti at may mga mask sa mukha. Ang iba ay panay ang silip sa loob ng microscope, ang iba ay nasa harap ng malaking screen at mga computer upang i-monitor ang bawat update tungkol sa bacteria na kanilang pinag-aaralan, at ang iba naman ay naggagawa ng posibleng gamot upang mapigilan ang delubyong nangyayari sa buong sangkatauhan.
"Kamusta ang pag-aaral niyo?" tanong niya at lumapit naman ang isa sa mga scientist doon.
"Lumabas sa pag-aaral na may isang bagay na pinanggagalingan ang bacteria na iyon. Halimbawa, isang sako na may kung anong laman at nang buksan ay sumama sa hangin ang bacteria at kumapit sa kung saan-saan hanggang sa kumalat na."
"Sa iyong paningin, tao ba o bagay ang pinanggalingan no'n?"
"Sa palagay ko ay tao ang pinagmulan nito. Ayon sa pag-aaral namin sa bacteria, tanging living organism lamang ang naapektuhan nito."
"Pati mga hayop?"
"Hindi pa namin iyon alam dahil sa ngayon ay wala pa namang report na may hayop na naapektuhan no'n."
Hindi na muling nagsalita si Israel. Kung tao ang pinagmulan, sino kaya 'yon?
Sunod naman niyang pinuntahan ay ang bahay ni Victoria.
"Pinuno, ano po ang ipaglilingkod ko sa inyo?"
"Buhayin mo na si Jullia Falcon."
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras.
"Po?"
"Narinig mo naman ako, hindi ba?"
Walang imik na pumunta sila sa basement kung saan nakaratay pa rin ang katawan ni Jullia. Inayos na ni Victoria ang mga gagamitin niya at muling hiniwa ang kaniyang braso at tinuluan ng dugo ang dibdib ni Jullia.
Nagsabi siya ng mga dasal para sa seremonya pero hindi pa rin niya ito mabuhay.
"Patawad po, hindi ko talaga kaya," nakatungong sabi niya. Ipinikit niya nang mariin ang kaniyang mga mata upang tanggapin ang galit na pinuno pero wala siyang narinig.
Tumunghay siya at nasa tabi na ito ng katawan ni Jullia.
Kinuha ni Israel ang punyal at hiniwa ang kaniyang braso at isinama sa dugo ni Victoria na nasa dibdib ni Jullia.
"Simulan mo ulit ang dasal." Inilagay ni Israel ang kaniyang kamay sa bandang puso ni Jullia at pumikit. Sinimulan naman ni Victoria ang dasal. Pabilis nang pabilis ang kaniyang pagbigkas hanggang sa maramdaman niya ang isang pamilyar na pakiramdam. Hindi niya mapigilang mapangiti sa sarili.
"Vivre une fois de plus!"
Sabay nilang iminulat ang kanilang mga mata at pinagmasdan ang mukha ni Jullia Falcon na nagkakaroon muli ng kulay, ang kalahati ng mukha niyang buto na lamang ay nagkaroon ng laman, ang katawan niyang wala ng panloob ay nagkaroon muli ng mga organs, ang kaniyang kamay at paa na buto na lamang ay bumalik na ulit sa dating ganda nito hanggang sa siya ay nabuong muli.
Dahan-dahan nitong idinilat ang kaniyang mga mata. Ngunit ang ikinabigla nilang dalawa ay ang pagkakaiba ng kulay ng mga mata nito. Kulay pula ito gaya ng sa mga bampira.
Marahas itong lumingon sa kanilang dalawa.
"Ano'ng ginawa niyo sa 'kin?! Bakit ako nabuhay muli?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com