Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Gate of Power

Nakabalik na ulit ako rito sa bundok at nagsisimula na ulit magtraining. Nabuksan ko na ang Gate of Agonizing at hindi naman ako nahirapang buksan iyon dahil na rin sa mga masasakit na naranasan ko noon at ang sakit na dulot ng pagkawala ni Kiel. Ngayon naman ay bubuksan ko na ang Gate of Power.

"Simulan na natin, Lolo," seryosong sabi ko sa kaniya. Nakaharap siya sa tabi at nanonood ng drama. Himala yata, hindi siya nanonood ng porn.

"Teka lang, apo, tatapusin ko lamang ito." Naka-glue pa rin ang mga mata niya sa pinapanood niya kaya naisipan kong maupo na lamang din sa tabi niya at nakinood. 'Yung lalake ay malungkot at naglalakad hanggang sa makarating na siya sa bahay niya.

Binuksan niya ang ilaw at nagdiretso sa kwarto niya. Hinanap niya ang switch at nagfocus ang camera sa kama.

Sumipol si Lolo at hinid pa rin nakaalis ang mga mata sa babeng nakahubad sa kama at parang inaakit 'yung lalake! Kaya pala nakakapagtaka, akala ko drama naman ngayon ang gusto niya kaso hindi naman pala.

"Great."

Tinawanan niya ako. " 'Wag ka ngang KJ d'yan apo, mamaya na tayo magtraining. Tatapusin ko lamang ito."

Matapos ang panonood namin ni Lolo, lumabas na kami ng bahay para magsimula ng training. Naiwan sa bahay si Jiji dahil hindi pa siya gaanong malakas. Akala ko nga ay pati siya mawawala, buti na lamang at hindi siya ordinaryong pusa.

Pumunta kami sa gitna ng bundok, sa may kagubatan kung saan may open field, sabi ni Lolo ay baka masira ang kaniyang bahay kapag doon sa malapit lamang namin isagawa ang training.

"Van, tandaan mo ito, ang Gate of Power ay ang pinakakomplikadong gate sa lahat. Hindi lamang dahil ito ang huling gate na iyong bubuksan kundi ito ang gate na magiging daan kung paano ka maging malakas."

"Mapapantayan ko ba ang kapangyarihan ni Israel kung sakaling mabuksan ko ito?"

Ngumiti si Lolo. "Hindi mo lamang iyon mapapantayan, kaya mo rin 'yong higitan. "Tumaas ang pag-asa ko na matalo si Israel. "Pero mahirap buksan ang Gate of Power. Sa lahat ng Legendary Vampire na naturuan ko, walang ni isa sa kanila ang hindi nahirapan. Inabot sila ng buwan o taon mabuksan lamang ang gate na 'yun."

"Okay lang, Lolo. Kahit pa ilang taon ang mabuno ko matapos ko lamang ito." Desidido na ako. Tanggap ko naman ang pagkatalo ko. Ayos lamang naman sa akin ang matalo, 'wag lang madamay ang mga kaibigan ko at hindi na mauulit ang nangyari kay Kiel.

"Kung ganoon ay simulan na natin."

Gaya ng dati ay umupo kami sa damuhan at pumikit. Nagconcentrate ako pero hindi ko nakita ang Gate of Power. Muli kong kinalma ang sarili ko pero hindi ko pa rin makita. Bakit gano'n?

"Van, hindi mo talaga agad-agad makikita ang gate dahil meron kang kailangang gawin," sabi ni Lolo sa pamamagitan ng kaniyang isip.

"Ano ang dapat kong gawin?"

"Kailangan mong kalabanin ang iba't-ibang karakter mo, ang mahinang ikaw, ang halimaw sa loob mo at ang mabuting parte sa puso mo."

"Paano ko iyon gagawin?"

"Isipin mo ang una mong gustong kalabanin sa tatlong karakter mong nabanggit ko at makikita mo ang sarili mo."

Ginawa ko ang sinabi ni Lolo. Una kong inisip ay ang ako bilang isang mahina. Hindi ko alam kung bakit kasama ito, pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang maging mahina ako. Ayaw ko nang maramdaman 'yon. Unang beses ko 'yong naramdaman ay nu'ng makalaban ko si Israel at pinapangako ko sa sarili kong ayaw ko na maging mahina.

Nang maisip ko na ay iminulat ko ang aking mga mata at nasa harapan ko ang aking sarili. Nakatayo siya sa harapan ko, kamukhang-kamukha ko siya pero tanging makikita mo sa kaniya ay takot.

Inilibot ko ang tingin sa lugar na kinalalagyan ko. Nasa isip ko lamang ito pero parang ang buong katawan at kaluluwa ko ay nasa lugar na ito.

Maliwanag ang sinag ng araw, asul ang kulay ng kalangitan, nasa gitna kami ng isang parangan, kulay berde ang buong paligid dahil sa damo at mga puno. Naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig marahil ay galing sa ilog na malapit lamang dito.

"Ikaw ay ako," nasambit ko na lamang.

Lumapit ako sa akin. Hala, nakakalito naman ata 'yun, tawagin ko na lang siyang Rei. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdang mabuti ang mukha niya na mukha ko rin. Lumayo naman siya ng isang hakbang at takot na takot.

"Hmm, ang guwapo ko pala talaga."

"H-Huh?" sabi ni Rei.

Kalabanin ko raw ang karakter ko? Paano? Susuntukin? Papatayin? Papatayin ko ang sarili ko?! Antokwa. Hindi ko yata kayang suntukin ang guwapo kong mukha. Mahirap nga yata 'to.

Itinaas ko ang kamao ko at sumugod ako sa kaniya. Kita ko ang takot sa mga mata niya, napangiti na lang ako sa aking sarili, madali lang pala. Kaunti na lamang at lalapat na ang kamao ko sa mukha niya pero nagulat ako ng nakailag siya. Umupo siya kaya hindi ko siya natamaan.

"Uy! Langgam!" Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang tinitingnan niya. Isa ngang langgam.

Muli akong sumugod para sipain ang likudan niya dahil abala siya sa pagtitingin ng mga dumadaang langgam pero bago pa tumama ang paa ko sa likod niya ay tumayo siya sabay takbo papunta roon sa may puno.

"Ang daming insekto."

Nananadya ba siya?! O sadyang hindi siya aware sa pag-atake ko dahil sa kung ano-anong bagay ang napapansin niya?!

Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at lumapit ako sa kaniya.

"Hoy." Kinulbit ko siya pero masyado siyang engross sa mga nakikita niya. "Hoy, mahina ka ba talaga?" Kinulbit ko ulit siya at ngayon ay humarap na siya sa akin. Ang guwapo ko talaga. Magkamukhang-magkamukha kami kaya mas lalo kong napatunayan na ang guwapo ko.

"Ah!" Nakaturo siya sa 'kin at gulat na gulat. "Kamukha kita!"

"Ngayon mo lang napansin?"

"So anong kailangan mo?"

"Olags ka pala, eh!" Tinampal ko ang noo niya. "Mahina ka, 'di ba? Ikaw ang karakter ko na mahina. Ano'ng kahinaan mo?"

Ngumisi siya. 'Yung kaninang siya na parang walang pakealam ay nagbago. Mukhang mali ako ng pagkakaintindi. "Bakit ko sasabihin sa 'yo? Kaya ka nga nandito ay para alamin ang mga kahinaan mo." Ipinagdiinan pa niya ang salitang mga.

"Paano ko 'yon gagawin?"

Hindi siya sumagot. Bigla na lamang siyang sumugod sa akin kaya umilag ako nang umilag sa bawat pagsuntok niya. Akala ko ba mahina siya?! Bakit ganito?!

Panay lang ako sa pag-ilag sa kaniya. Nasuntok ko siya sa kanang pisngi at ginantihan naman niya ako ng suntok sa sikmura. Tumalon siya nang mataas at bumulusok pababa sa akin pero 'agad ko naman siyang naiwasan. Kinuha ko 'yong pagkakataon para sumugod sa kaniya. Tumalon ako at ikinawit ko ang aking paa sa kaniyang leeg at pinabagsak ko siya sa lupa. Sumampa ako sa kaniya at sinuntok ko ang kaniyang mukha nang paulit-ulit. Medyo awkward, sarili ko ang binubugbog ko.

Lumayo na ako sa kaniya ng hindi na siya makagalaw. Tapos na ba? Pero bakit parang walang nangyayari?

Dahan-dahan siyang bumangon at ngumisi sa akin. Pinahid niya ang dugo sa labi niya. "Kahit ilang beses mo pa akong bugbugin, hindi mo pa rin makukuha ang gusto mo."

Anong dapat kung gawin?

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Lolo. Lalabanan ko ang karakter ko. Lalabanan ko ang kahinaan ko.

Tumitig ako sa isang lalakeng nakatayo sa harapan ko. Ano nga ba ang mga kahinaan ko?

"Ang kahinaan ko ay si Kisha. Kapag napapahamak siya nawawala ako sa focus, hindi ko alam ang gagawin ko. Nauunahan ako ng takot, kumakalat ang sari-saring emosyon sa katawan ko."

"Paano mo 'yun malalaban?" tanong niya.

"Kapag mapapahamak siya, ang tangi ko lamang iisipin ay maliligtas ko siya. Hindi ako matatakot na mawala siya dahil may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko siyang iligtas at hindi ko siya hahayaang masaktan." Nakatingin lamang siya sa akin na para bang may hinihintay pang sabihin ko. "Pangalawa kong kahinaan, ang mawala ang mga kaibigan ko gaya ng nangyari kay Kiel. Ayoko sa lahat ay hindi ko sila napoprotektahan, na namatay siya sa harapan ko. Pakiramdam ko ang hina ko at gusto kong maging malakas para maprotektahan sila."

Magsasalita pa sana ako pero sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. "Kahinaan, isang salita pero may malaking epekto. Sa nabanggit mong kahinaan at sa paraan kung paano mo ito malalabanan dahil doon..." Unti-unti siyang nagliliwanag at naglalaho. Ang mga malilit na bilog ng liwanag na nanggagaling sa katawan niya ay napupunta sa dibdib ko na ngayon ay umiilaw din. "...nakapasa ka sa una."

Naglaho na siya. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa may damuhan at nakapikit pa rin.

"Magaling, apo. Hindi ako makapaniwalang nagawa mo iyon ng ganoong kadali!" bakas sa boses ni Lolo ang saya.

"Simulan na natin ang sunod Lolo."

"Sige. Gawin mo lamang ang ginawa mo kanina."

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na kaharap ko muli ngayon.

Kaiba sa kanina na parang mahina, ngayon ay mukha akong mabait.

Shit, pang-ilang beses ko na bang sasabihin na ang gwapo ko?

"Lieutenant Cross Falcon from District 1. Please proceed to the Meeting Room."

Naglalakad si Cross Falcon sa hallway sa base ng mga Vampire Hunter nang marinig niyang tinatawag ang pangalan niya galing sa intercom.

"Lieutenant Cross Falcon from District 1. Please proceed to the Meeting Room." Paulit-ulit siyang tinatawag na siya namang kinainis niya.

"What the fuck?! Can they just wait?!"

"Mukhang mahalaga ang pagtawag sa 'yo, Cross, kaya paulit-ulit," natatawang sabi ni Ivan.

Nagtuloy na sila papunta sa Head Office at nandoon lahat ng Lieutenant pero wala ang Supreme Commander.

"Palagi ka na lang late!" inis na sabi ni Cinna.

"The fuck do you care? Try to be late sometimes if you're envious of me for being late."

"Aba't!" Tatayo na sana si Cinna para sugudin si Cross pero pinigilan siya ni Flavius. Nakatingin nang matalim ang lahat ng Lieutenant ay Cross maliban kay Ishtar na prenteng nakaupo sa kaniyang upuan at umiinom ng kape.

"Simulan na natin ang dapat nating pag-usapan," pagbasag ni Margaret sa katahimikan.

"Tungkol ito sa bacteria. Napag-alaman naming ang ating researchers at scientists pala ang may dahilan sa pagkalat nito," pagtutuloy ni Octavia.

"What?! What exactly happened?!" gulat na tanong ni Cross.

"Sabi nila ay aksidente raw tumapon ang chemical sa sink at umagos papunta sa kanal kung saan ang tubig ay bumabagsak sa ilog hindi kalayuan sa District 1 at dahil ang ilog ay ang source ng mga taong malapit na naninirahan doon ng kanilang tubig na iniinom, nakuha nila ang chemical. Pumasok iyon sa kanilang katawan at naging Insane sila."

"So it's not bacteria, it's a chemical from our own laboratory." but why did they make a chemical like that? They should not make a chemical that is related to Vampires, isip ni Cross pero hindi niya iyon sinabi sa harapan ng mga Lieutenant dahil wala siyang pinagkakatiwalaan ni isa sa kanila, kahit pa ama ni Ivan.

"Oo at dahil doon, dapat na tayong gumawa ng paraan para hindi na makapunta sa ibang District ang chemical," sabi ni Caster.

"I already made a way on how to prevent the chemical from spreading. The whole District was quarantined."

"Gumagawa ka ng move na hindi namin alam?! Paano ka nakakasigurado na gagana 'yan?!" pasigaw na sabi ni Cinna.

"Why don't you mind your own business? Just go back to your fucking district. This is not your job to handle." Tumayo siya at tiningnan nang masama si Cinna. Ang infamous glare ni Cross na kahit matataas na opisyal ay makakaramdam ng takot. "The district you're talking about is my district and I can fucking handle this without a son of a bitch like you."

Nanahimik ang buong meeting room dahil sa tinuran ni Cross. Lumabas na siya kahit hindi pa idinidismiss. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinapakealaman siya kaya kung ayaw mong makatanggap ng harsh na pananalita.

"Alam niyo na ba kung saan talaga nanggaling ang bacteria?" Nasa laboratoryo muli si Israel Walker para tanungin ang status ng bacteria na patuloy pa rin sa pagkalat.

"Nagkamali kami, Pinuno. Hindi po pala iyon bacteria. Isa 'yong chemical na nanggaling sa tubig. Nainom ng mga tao at naging ganoon sila."

"Kung ganoon saan nanggaling ang bacteria na nakita niyo bukod sa chemical?"

"Nalaman naming isa lamang 'yong bacteria galing sa katawan ng patay na tao. Malamang po ay doon sa bangkay na binuhay ninyo pero hindi naman ito delikado. Ngayon ay nasisigurado na naming chemical ang pinanggagalingan ng lahat."

"Alam niyo ba kung saan talaga nanggaling ang chemical na 'yon?"

"Sa ngayon po ay hindi pa namin alam kung saan talaga iyon nanggaling. Nagpadala kami ng ilang tauhan sa ilog upang kumuha ng sample ng tubig at pinag-aralan namin 'yon. Lumabas sa resulta na kontaminado na ang tubig sa ilog na kinukuhanan ng mga tao sa District 1."

"Kung ganoon ay doon nagsimula ang lahat. Ipagpatuloy niyo lang ang pag-aaral. Babalikan ko na lamang kayo sa susunod." Nag-bow lamang ang scientist at nagbalik na ulit sa kaniyang trabaho.

Bumalik naman si Israel sa kaniyang opisina at 'agad na kinuha ang telepono at tumawag.

[Israel...ikaw na ba 'yan?] Tinig ng isang lalake ang nasa kabilang linya.

"Oo. Ako nga. Nasaan na siya ngayon?"

[Bumalik na siya sa bundok upang ipagpatuloy ang pagsasanay.]

"Magaling. Kailangan na niyang lumakas sa lalong madaling panahon."

[Bakit ba kasi hindi mo na lamang siya turuan?]

"Hindi puwede. Mas gusto ko pa ang ganitong set-up."

[Sige na. Babalitaan na lamang kita sa mangyayari.] Ibababa na sana ng lalake sa kabilang linya ang telepono nang pigilan siya ni Israel.

"Teka lang, tungkol doon sa kaibigan niyong–"

[Huwag kang mag-alala, hindi mo sinasadya ang mga nangyari.]

Huminga nang malalim si Israel. "Gusto ko lamang namang–" muli siyang pinutol ng binata.

[Maayos na ang lahat. Magiging maayos din ang lahat. Kung ano mang plano mo, tutulungan kita. Alam kong para ito sa buong angkan.]

"Salamat, Jack."

ANG bait kong tingnan. Mas lalo yata akong gumwapo.

"Lalake, ang guwapo mo. Parang ako," sabi ko sa lalakeng nasa harapan ko na ako naman talaga.

Kinamot niya ang batok niya na parang nahihiya. "Salamat po.".

Paano ko lalabanan ang pagiging mabait ko? Eh, in the first place, hindi ko naman alam na may karakter pala akong mabait.

Lumapit ako sa kaniya at sinuri ang kaniyang mukha kagaya nang ginawa ko kanina sa una.

"Mukha ka ngang mabait pero paano kita lalabanan?"

Ngumiti ang sarili ko sa akin. "Isipin mo. Hindi ako nandito para tulungan ka. Ikaw ang tutulong sa sarili mo."

Nag-isip ako pero wala pang pumapasok sa isip ko ay sumugod na siya. Nasuntok niya ako sa sikmura nang sobrang lakas na napaluhod ako sa lupa na hawak ang aking tiyan. Mabilis akong tumayo at tumalon paatras sa kaniya. Muli na naman siyang sumugod. Ngayon ay sunod-sunod ang suntok niya na parang hangin lang na dumadaan. Naiiwasan ko 'yon pero may dumadaplis pa rin sa mukha ko.

Binasa ko ang bawat galaw niya. Ang mga pagsuntok niya ay katulad lang din ng mga suntok ng nakalaban ko kanina. Ngayon alam ko na, magkakaiba nga sila ng karakter pero ang kilos nila ay pareho.

Nang malaman ko na ang bawat galaw niya ay mabilis ko na 'yong naiilagan, hindi na rin ako tinatamaan ng mga suntok niya.

Habang abala siya sa pagsuntok sa 'kin at ako naman ay sa pag-iwas, nag-iisip ako kung ano na ang mga kabaitang naipakita ko.

Unang pumasok sa isip ko, noong bata pa ako. Kasama ko si Mama, ang ina-inahan ko sa park, may nakita akong batang pulubi hindi kalayuan sa amin. Nakatingin siya sa tinapay at juice na kinakain ko. Medyo naluluha na siya at nu'ng nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kaniya at inabot ko ang pagkain na hawak ko. Kahit gutom na talaga ako ng panahong 'yon ay mas pinili kong ibigay sa kaniya dahil madali para sa akin ang kumuha ng pagkaing para sa akin.

"Bata, iyo na lamang ito."

"T-Talaga?"

"Oo, heto. Kainin mo na. Busog pa naman ako."

Nakangiti niyang kinuha ang pagkain. "Maraming salamat!" Tumakbo na siya palayo.

Hindi ko namalayan na nasa likudan ko na pala si Mama at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ang bait naman ng anak ko!"

"Nakaisip ka na ba?" tanong niya.

"Oo, noong bata pa ako, ibinigay ko ang pagkain ko para sa batang pulubi. May isa pa, nu'ng magkasama kami ni Kisha pauwi sa school, may matandang babae na hindi makatawid ng kalsada kaya tinulungan ko siyang tumawid."

"Hindi ko na pahahabain pa, paano mo lilimatahan ang pagiging mabait mo?"

"May limitasyon ba 'yon?" Tumango lamang siya. "Bampira man o hindi, kailangang magpakita ng kabaitan sa kaniyang kapwa. Labanan ang pagiging mabait? That's bullshit. Kapag alam mo na may mabuting puso, nararapat lang na pakitaan ko siya ng mabuti. Pero kapag alam mong hindi mabuti ang isang tao, gawan mo din siya ng mabuti pero kapag sumobra na ang pagiging masama niya na madami ng nadadamay, hindi ko na kailangan pang maging mabait sa kaniya."

"Nakakasigurado ka bang iyan ang limitasyon ng pagiging mabait?"

"Oo. Hindi lahat ng bampira o tao ay puwedeng maging mabait. Mabait man sila pero may limitasyon din. Hindi naman habangbuhay na mabait sila, meron din silang naiisip na masasamang bagay hindi man nila gustuhin."

Ngumiti siya sa akin at itinigil na ang pag-atake. "Binabati kita, Van Rei Isaac Fenier Walker" 'Yun lamang ang sinabi niya bago maglaho at ang mga malilit na bilog na ilaw ay pumasok ulit sa dibdib ko kagaya nang nangyari kanina.

"Isa na lang Van! Imposible talaga ito! Matatapos pa lamang ang araw pero isa na lang ang kailangan mo," sabi ni Lolo.

Napangiti na lang ako. "Gano'n talaga, Lolo. Awesome ako, eh."

NABALITAAN kong napupuno na ng mga Insane ang lugar namin kaya hindi na ako makabalik pa sa bahay ko. Nandito ako ngayon sa mansyon ni Van. Ni hindi na rin ako makapasok sa eskwelahan dahil sarado lahat ng establishment dahil sa gulong nangyayari. Walang media ang puwedeng pumasok sa aming District kaya hindi pa nababalita sa telebisyon.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ko kay Zick.

"Lahat ng tao ay nagiging Insane. Sabi sa Council ay may chemical daw na nagkontamina sa tubig sa ilog na iniinuman ng mga tao kaya pumasok sa loob nila ang chemical. Ang nakakapagtaka lamang ay nagiging Insane ang mga tao at hindi kami binibigyan ng order para mangealam."

"Bakit? Sino ang nag-aayos ng lahat?"

"Ang mga hunter ang nag-aayos ng gulo ngayon. Noon kasi ay napagkasunduan ng bampira at hunter na magkaroon ng bawat Lieutenant ang district at hunter ang mga Lieutenant na iyon. Ang trabaho lamang ng Council ay magmonitor sa bawat bampira at magtalaga ng mga rules para sa mga bampira."

Dapat pala ay si Cross ang tinatanong ko ukol dito. Puntahan ko kaya siya sa bahay niya?

Tama pupuntahan ko na lang siya.

Tumayo na ako at pinuntahan ang kwarto ng kambal, sa kanila na lang ako magpapasama. Boring kasi kasama si Zick masyadong tahimik, si Farrah naman ay laging nagkukulong sa kwarto niya kaya sa kambal na lang ako magpapasama.

Kumatok ako at narinig kong nag-uusap sila sa loob.

"Ikaw na ang magbukas!"

"Ikaw na!"

"Ikaw na kasi!"

"Tsh! Ako na nga!"

" 'Wag na pala ako na lang!"

"Ako na lang!"

"Hindi! Dapat ako!"

Hindi ko na hinintay na pagbuksan nila ako dahil baka abutin kami ng magdamag bago pa nila ako mapagbuksan kaya binuksan ko na ang pinto. Naabutan ko silang nagtutulakan.

"Ikaw pala Kisha!" sabay na sabi nila.

"Samahan niyo naman ako."

"Saan?" tanong ni Jack.

"Sa bahay ng kaibigan ko, si Cross."

Bigla namang naging mailap ang mga mata ni Jack pero hindi ko na pinansin. Itinulak niya si Jick. "Samahan mo Jick si Kisha, may gagawin nga pala ako."

"Eh? Bakit hindi ka sasama?"

"Para namang mamamatay ka kapag hindi ako kasama!" bulyaw ni Jack sa kambal niya.

Hindi na nga sumama si Jack kaya si Jick na lamang ang kasama ko. Dinala niya ang kotse niya at nagdiretso na kami sa bahay ni Cross.

"Baka barilin ako ni Cross!"

"Hindi 'yun. Mabait naman siya, eh."

Bumaba na ako sa kotse niya pero si Jick ay hindi pa rin bumababa.

"Jick! Tara na!"

"Dito na lang ako, Kisha!"

Hindi ko na siya pinilit kaya lumakad na ako palapit sa bahay ni Cross. Kumatok ako at 'agad naman nya akong pinagbuksan.

"You're here again." Mukha siyang iritado pero pinagbuksan pa rin niya ako ng pinto.

"May itatanong kasi ako, 'no!"

"Come in." Binuksan niya ng maluwang ang pinto kaya pumasok na ako.

Umupo ako sa may couch at umupo naman siya sa harapan ko. "What do you want?"

"Gusto ko lang itanong kung ano na ba talaga ang nangyayari sa lugar natin."

"Well, lahat ng tao ay nagiging Insane. May mga sumasalakay ding Insane para patayin ang mga nagkakalat ng epidemya."

"Huh?" Hindi ko siya naintindihan. May umaatakeng Insane para patayin ang mga taong nagkakalat ng kung anomang epidemya?

"Listen well. Galing sa ilog ang chemical na pinagmulan ng lahat. Ang taong nakainom ng tubig galing sa ilog na kontaminado ng chemical ay nagiging Insane. Sa lagay nila ay mas malala silang klase ng Insane. Tuwing gabi, may mga lumulusob na Insane para patayin ang mga high class na Insane."

"Tumutulong ang ibang Insane para patayin ang mga high class Insanes?" gulat na tanong ko sa kaniya. Kung ganoon nga, sino ang nagpapadala sa mga Insane na 'yun? Sa pagkakaalam ko, walang pakealam ang mga Insane sa lahat ng bagay basta ba makainom lang sila ng dugo, at hindi nila gagawin 'yun kung walang mag-uutos sa kanila.

"Yes. But I still don't know who's behind all of that."

Bigla kong naalala si Israel. Siya kaya ang may dahilan sa pag-atake ng mga Insane? Kung siya nga, kapag inisip mo ng mabuti, parang tumutulong siya na patayin ang mga high class na Insane bago pa makagat ang mga natitirang inosenteng tao. Pero bakit niya gagawin 'yun? Pinatay niya si Kiel, ibig sabihin ay kalaban siya.

"Kumusta ka na nga pala?" pag-iiba ko ng usapan. Mga ilang linggo ko rin siyang hindi nakikita simula nu'ng magpakita sa aming dalawa si Victoria. Hindi ko na nagawang itanong sa kaniya kung ano'ng nangyari dahil ayaw ko namang manghimasok basta sa buhay niya.

"I'm the new Lieutenant of our District," parang wala lang na sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. "Di nga?!"

"Why are you so shock?"

I just smiled proudly at him.

Inirapan naman niya ako. "How about you?"

Matagal ko siyang tinitigan habang naghihintay siya ng isasagot ko. "Okay lang naman ako." I chuckled. "Wala ka man lang bang ipapakain sa 'kin? Nagugutom ako, eh."

"I have plenty of food but I won't give you one."

Napamakeface na lang ako sa sinabi niya. Napakadamot talaga ng isang 'to!

"You cook for yourself or go get by yourself," dagdag pa niya.

"Napakahospitable mo talaga!"

"Thank you." He smirked.

Padabog akong tumayo. Bago pa ako makapunta sa kusina ay may nagdoorbell. Tumayo si Cross para buksan ang pinto kaya sumunod ako sa kaniya. Baka si Jick 'yun tapos bigla niyang barilin.

Pagbukas niya ng pinto ay may matandang lalake sa labas. Nakapatong ang coat niya sa kaniyang magkabilang balikat. Medyo may kahabaan ang kaniyang balbas pero kahit puno ng linya ang mukha niya dahil sa katandaan, mararamdaman mong siya ay malakas. Pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Ang kaninang hard expression niya ay nagbago. Parang naging mabait ang itsura niya o imahinasyon ko lang 'yon?

"Sumpreme Commander, napadalaw kayo?" tanong ni Cross na mukhang naubusan ng dugo sa mukha dahil bigla siyang namutla nang makita ang matanda.

Sumpreme Commander?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com