Chapter 23
Chapter 23
Legendary
Nagkatitigan kami ng matandang tinawag ni Cross na Supreme Commander. Pamilyar talaga siya, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Ang kaniyang mga mata ay pareho ng kulay ng sa akin. Siguro kung may lolo ako, baka kamukha niya.
Natawa na lang ako sa isip ko. Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Kung siya ang lolo ko, baka 'di ako makagalaw nang maayos sa bahay dahil itsura pa lang niya, mukha na siyang strikto.
"Kisha, ito nga pala si Supreme Commander ng mga Vampire Hunter, si Nicolas Raven. Ang may pinakamataas na ranggo sa buong Vampire Hunter Clan. Siya ang namumuno sa aming lahat."
Gusto kong magpabaon sa lupa dahil sa tingin niya sa 'kin. Para niya akong kinikilala at kinikilatis. "Hello po," pagbati ko sa kaniya.
Tumango lamang siya sa akin at binuksan ni Cross ng maluwang ang pintuan para papasukin si Sir. Nicolas. Dumiretso kami sa living room at naupo. Mukhang hindi na naman ako kailangan dito, eh. Wrong timing naman itong Supreme Commander na 'to. Madami pa akong itatanong kay Cross.
Napuno ng awkward na katahimikan ang paligid kaya mas pinili kong basagin na lang ito. Aalis na lang muna siguro ako kasi mukhang importante ang pag-uusapan nila at sa takot ko na lang, barilin pa ako nito kapag hindi pa ako umalis.
"Cross, aalis na muna ako. Saka na lamang kita kakausapin."
Tumayo si Cross pati na rin si Sir. Nicolas. Nagtaka naman ako kung bakit pati siya tumayo. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kakaiba akong naramdaman sa puso ko.
"Sir. Nicolas, bakit po?"
"Nangungulila lamang ako sa apo ko. Gustong-gusto ko na kasi siyang makasama." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at nakita kong namumuo ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan din ako.
"Nasaan po ba siya?"
"Nandito lang siya kaso lamang ay hindi na niya ako maalala. Napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya at hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako."
Ngumiti ako sa kaniya. Baka sakaling lumuwang ang pakiramdam niya. "Siguro naman po ay patatawarin kayo ng apo niyo. Mahal niya po kayo kaya wag kayong mag-alala."
Ngumiti rin siya sa akin at tinapik ang ulo ko.
"Sige po. Mauna na ako."
"Ihahatid na kita sa labas." Tumango si Cross kay Sir. Nicolas at sinamahan niya na ako hanggang sa labas. Naabutan ko naman si Jick na nakasandal sa labas ng kotse niya.
"Jick!"
"Kisha! Akala ko deadbols ka na!"
Pagkalapit ko sa kaniya ay 'agad ko siyang binatukan. "Deadbols ka riyan."
"You're with this vampire?" turo ni Cross kay Jick.
"Yep! Nagpasama ako sa kaniya."
"Bakit? May angal ka?" mayabang na pahayag ni Jick. Tiningnan naman siya nang masama ni Cross. "Kisha! Bakit ba ganyan 'yang kaibigan mo? Pinaglihi ba 'yan sa sama ng loob?"
Natawa na lang ako kay Jick at humarap kay Cross. "Bumalik ka na roon. Baka hinahanap ka na ni Sir. Nicolas." Matipid lang na ngumiti si Cross at bumalik na sa loob ng bahay.
"Kisha, Supreme Commander ng Vampire Hunter ang dumating, hindi ba?" seryosong tanong ni Jick.
"Oo. Bakit?"
Luampit siya sakin at bumulong. "Sino ang mas guwapo? Si Lolo G o 'yung Supreme Commander?"
Binatukan ko ulit siya. Akala ko pa naman kung anong sasabihin. "Umuwi na tayo." Sumakay na ako sa kotse niya.
"Kisha, hindi mo pa ako sinasagot."
Hindi ko siya pinansin at itinuon ang pansin ko sa labas ng bintana. Pamilyar talaga si Sir. Nicolas. Siguro nakasalubong ko siya noon o nakita si mall. Pero napunta ba sa mall ang isnag Supreme Commander at ng mga Vampire Hunter?
Sana man lang may Lolo ako o kaya Lola.
Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong maalala tungkol sa kabataan ko. Noong nagkaisip na ako, doon na ako nakatira sa mismong bahay na tinitirhan ko nu'ng hindi ko pa nakikilala si Van. Ang nag-aalaga sa 'kin ay isang matandang babae na nagpakilala sa 'kin bilang 'Tessa". Parang Lola ko na siya at nu'ng malaki na ako ay iniwan na niya ako nang hindi nagpapaalam. Nag-iwan na lamang siya ng sulat na may magpapadala na lamang sa akin ng pera at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ang tumutulong sa akin.
Hindi ko rin alam kung sino ang mga magulang ko o kung saan man ako nanggaling. Sa ngayon hindi ko muna masyadong pinagtutuunan ng pansin 'yun, masyado pang madaming bagay na dapat kong unahin at isa na roon ang kaligtasan ko at naming lahat. Hindi naman kasi pang-ordinaryong problema lamang ang kinahaharap namin ngayon, eh. Kailangan naming mag-ingat sa mga Insane na nagkalat lamang sa District tuwing gabi.
"Kisha. Sino ba naman kasi ang mas gwapo?" Napatingin ako kay Jick na nakanguso habang nagdadrive. Ang kulit talaga ng lahi nitong bampirang 'to. Kabukod tangi talaga siyang makulit.
"Si Lolo G ang mas guwapo. Masaya ka na? Kulit mo, eh."
"Talaga?! Pero mas cool ang Supreme Commander."
Kanino ba talaga siya kampi?
"Magpahinga muna tayo, apo. Isang hakbang na lamang naman ay mabubuksan mo na ang gate," sabi ni Lolo kaya iminulat ko na ang mga mata ko at tumayo. Kahit nakaupo lang ay nakakapagod din. Pagod ang isip ko dahil sa pag-iisip. Isa na lang pala ay makakamit ko ang kapangyarihang kailangan ko.
Ano kayang magiging itsura ko kapag nasa Legendary form na ako? Siguradong mas magiging guwapo ako.
Bumalik na lang muna kami sa bahay at naabutan namin si Jiji na nakaupo sa couch at nakatingin sa papel. Magaling na siya kaya lang hindi pa siya pinayagan ni Lolo na magpalit sa malaki niyang form kasi baka mabigla ang katawan niya. Hindi pa niya gaanong nababawi ang lakas niya.
"Ano 'yan, Jiji?" Tumabi ako sa kaniya at kinuha ang papael.
Binasa ko ang nilalam noon at napakunot ang noo ko. Sulat ito galing sa Council. Nakalagay dito na padami nang padami ang pagsugod ng mga Insane at kalahati na ng populasyon sa District 1 ay nagiging Insane na. Paanong naging ganito ang sitwasyon? May kinalaman kaya si Israel dito?
"Nabalitaan kong si Israel ang nagpapadala ng mga Insane pero ang ipinagtataka ko ay ang mga Insane na ipinadadala niya ay ang siyang pumapatay sa mga taong nakontamina na ng chemical," sabi ni Lolo.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Hindi kaya tumutulong si Israel? Dahil isipin mo, nagpapadala siya ng mga Insane, pinapatay nito ang mas mapanganib na Insane."
"Sinasabi mong maganda ang intensyon ni Israel? Matapos niyang patayin si Kiel?"
Imposibleng ginagawa niya 'iyon para tumulong. Baka nagpapadala siya ng mga Insane para mas lalong gumulo ang buong District. Gusto ko mang mangealam ngayon ay hindi puwede. Hindi pa ako tapos sa training at nakasaad sa batas sa pagitan ng bampira at mga hunter, hindi dapat kami nangengealam sa mga ganoong bagay. Ang Lieutenant dapat ang umaasikaso ng gulong iyon.
"Hindi na muna natin dapat isipin ang mga 'yon," seryosong sabi ni Lolo at lumapit siya sa may aparador na parang may hinahanap. "Ang importante ay..." May kinuha siya at ipinakita sa akin. "...makapamili rito sa mga CD na ito kung alin ang papanoodin natin. Makakatulong 'to sa training mo, isipin mo na lang na si Kisha 'yung babae rito."
Hawak niya ang limang CD na puro porn. Ang matandang 'to talaga.
"Kaya ba gusto mong magbreak ay para makapanood ng porn?"
"Ayaw mo ba ng inspirasyon?"
"Ano pang inspirasyon? Hindi pa ba ako sapat?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at napangiti ako nang malapad. "Van." She smiled.
"Kisha." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Para may inspirasyon ka?" Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Ilang araw lang na hindi ko siya nakikita miss na miss ko na siya. Hinawakan ko ang kaniyang batok para mapalalim pa ang halik ko sa kaniya. God, I missed her so much. Buti na lang at bumalik siya rito.
"Get a room na lang!" pangangantiyaw ni Lolo. Feeling teenager kung makapangloko, 'no?
Hindi ko na pinansin pa si Lolo at muling ibinaling ang tingin kay Kisha. "Sinong kasama mo rito?"
"Hinatid lang ako ni Jick pero umuwi na rin siya kaagad. Baka raw kasi mamiss siya ni Jack. Alam mo naman 'yung kambal na 'yun, hindi puwedeng basta-basta na lang maghiwalay," paliwanag niya sa 'kin. "Tapos ka na bang magtraining?"
"Hindi pa. Nagpapahinga lang kami at ngayong nandito ka na..." then I smirked, keeping my sentence hanging.
Hinampas naman niya 'agad ako sa braso. "Alam ko na 'yang smirk mong 'yan, Van."
Isang kindat lang ang isinagot niya sa 'kin.
NANDITO ako ngayon sa bahay ni Lolo G. Pagkatapos kong magpunta sa bahay ni Cross ay bumalik kami sa mansyon para kumuha lamang ng gamit ko at nagpahatid na ako kaagad dito. Hindi naman sumama ang iba pang Nobles dahil kailangan din daw nilang maging updated sa mga nangyayari sa District kaya ako na lamang ang nagpunta.
Inilapag ko ang bag ko sa kama at humiga. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Van. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit.
Sinimulan naman niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sa 'kin.
I know where this is going but I didn't do anything to stop him. I turned my body to face him until our lips met. He gently bit my lower lip, earning a soft moan from me. I could feel his hands exploring my skin, gliding smoothly as he traces it with his fingers until it stopped on my chest. My chest isn't behaving either as I roam my hands on his toned chest down to the hem of his shirt. I helped him remove it and he helped me with mine.
The way he skillfully removed my bra made my back arched in response. He kissed me like he was hungry for me then it trailed down to my neck, to my collarbone, and stopped on my chest.
I could feel his erection on me like he was ready for me. He positioned himself between my legs and made his way down to my womanhood.
My back arched once again as I pulled his head down to make him continue. I could feel his smirk on my skin. As his tongue works its way on him, I could feel his fingers going in too. A loud moan escaped from my lips. The pleasure and sensation mixed up, sending goosebumps all over my skin.
His fingers moved faster inside me until I reached my climax. My juices flowed on his fingers and my eyes widen when he tasted it.
"Ready?" I just nodded in response, too far gone to say anything else.
Naramdaman ko ang dulo niya sa 'kin hanggang sa unti-unti ko na itong pumasok. Dahil sa kaniyang ginawa ay pareho kaming napaungol. We're finally connected. For some reason, it brought tears in my eyes. It's not just because of the pain but because of the overflowing love between us.
Hinalikan niya ang luha sa 'king mata. Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya sa 'kin.
He slowly moved and he crashed his lips on mine, and as if on cue, he moved faster. I bit his lower lip and he gasped. I can taste his blood on my own mouth. While our tongue is busy, his thrusts became faster and faster. I wrapped my legs to his waist and arched my back to welcome his thrust.
My walls tightened and we both reached our climax. My body shook as I feel my juices flow. We stayed like that for a while 'til he rolled beside me and hugged me tightly.
"Alam mo bang matagal ko na 'yung gustong gawin sa 'yo. Palagi mo na lang akong binibitin," nakangusong na sabi niya habang nakapikit.
Hinalikan ko naman siya sa noo. "Kaya nga pinagbigyan na ngayon, eh. Nagrereklamo ka pa riyan," natatawang sabi ko sa kaniya.
Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Papanoodin mo ba akong magtraining mamaya?"
"Oo. Kung gusto mo."
"Great." He smiled.
Yumakap na lang ako sa kaniya at umunan sa dibdib niya. Ang guwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti siya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Grabe ang epekto sa 'kin ng manyak na bampirang 'to! Parang nito lang transferee lang siya sa school namin, weird at napakamisteryoso pero ngayon boyfriend ko na.
"Let's sleep?"
I just hummed at him in response.
NAGISING na lang ako na wala na si Van sa tabi ko. Tumingin ako sa bintana at madilim na pala. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tingnan ang oras.
8:00 PM na?
'Agad akong nagshower at nagbihis. Baka nagtetraining na si Van. Sabi ko pa naman sa kanIya na papanoodin ko siya. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Wala na nga sila Rito. Baka nga nasa labas na sila. Curious pa man din ako sa transformation ni Van. Ano kayang magiging itsura niya? Nakaatakot kaya? Mas lalong gagwapo?
Lumabas na ako ng bahay at hinanap sila. Saan naman kaya sila nagtetraining?
Napatingin ako sA gubat. May ilaw na tumaas papuntang langit. Sobrang liwanag nito na halos hindi kayang tingnan.
Tumakbo ako sa pinanggagalingan ng ilaw. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Van. Kasabay ng pagdating ko ay ang pagkawala ng ilaw.
Napigil ko ang aking hininga nang makita ko siya. Nakalutang siya sa ere. Sa likod niya ay nakalagay ang dalawang mahabang pakpak. Itim ang kulay nito at ang dulo ng pakpak ay kulay puti. Para siyang anghel. Mas lalong pumula ang mga mata niya hindi kagaya ng dati. Ibang-iba ang istura niya, nakakapanindig balahibo at ramdam na ramdam mo ang kapangyarihang umaapaw mula sa kaniyang katawan. Napapalibutan din siya ng itim na aura sa katawan.
Ito na ba ang kumpletong Legendary Form niya?
HINDI ko na ginising pa si Kisha kasi mahimbing siyang natutulog. Gustuhin ko mang mapanood niya ako habang nagtetraining, ayaw ko namang masira ang tulog niya kaya bumangon na ako para simulan ang training. Kailangan kong matapos ito ngayong araw, anomang mangyari.
Lumabas na ako sa kwarto at niyaya si Lolo na simulan na. Ayaw pa nga niya nu'ng una dahil hindi pa daw nakakarating sa sukdulan 'yung pinapanood niya. Well, kanina pa ako nakarating sa climax.
Sa gubat kami nagpunta, sa pinakagitna kung saan may open field.
"Kailangan mong kalabanin ang halimaw sa loob mo. Ang dating ikaw na walang awang pumapatay sa mga inosente at umuubos ng kanilang dugo," sabi ni Lolo.
Biglang sumukip ang dibdib ko. Naaalala ko ang mga kamaliang ginawa ko noon.
Nakita ko ang sarili ko sa harapan ko. Kapareho ko rin siya ng suot pero ang mga mata niya ay kulay itim maging ang eyeballs niya. Inilibot ko ang tingin ko sa lugar kung nasaan kami. Hindi ito tulad nu'ng una na nasa field lang, nandito kami ngayon sa isang hall. Mataas ang ceiling at medyo madilim sa paligid. Tanging mula lang sa bintana nanggagaling ang ilaw at sa apat na hugis bilog na nakatayo at nakapalibot sa kinatatayuan niya na kinalalagyan ng mga apoy.
Sa dulo ng hall, may malaking bintana at sa sahig ay may isang parisukat na nakaalsa na parang stage.
"Van Rei Isaac Fenier Walker na walang awang pumapatay ng mga tao. Maging bata, matanda, hindi mo pinapalampas. Pinapatay mo silang lahat! Huwag mo nang itago ang tunay na ikaw dahil kung anong nasa harapan mo, ikaw 'yon at wala ng iba." Ngumiti siya nang nakakaloko at lumabas ang pangil niya. Ganito ang itsura ko noong pumapatay pa ako ng mga tao, noong panahong tinitingnan nila ako bilang isang halimaw na kahit kailan ay hindi ko nakita sa mga mata ni Kisha sa tuwing tumitingin siya sa 'kin.
Kinuyom ko ang aking kamao at napatungo na lamang. Sino nga ba talaga ako? Ano ba talaga ang tunay kong karakter? Halimaw ba ako? O kung ano ako ngayon ay siyang tunay na ako?
Naalala ko 'yung panahon na pinapatay ko kung sino mang tao ang makita ko o kung sino mang bampira ang makaharap ko. Sumikip ang dibdib ko na para itong sasabog nang maalala ko ang mga taong napatay ko. Maging inosenteng bata ay nagawa kong kitilan ng buhay. Napakadami kong napatay na inosente. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang mga gano'ng bagay noon.
"Ano, Van? Sumanib ka na sa akin." Inilahad niya ang kaniyang mga kamay. "Maging isa tayong dalawa," nakangiting sabi niya.
I smirked "Sorry, hindi ako nakikipagsex sa sarili ko."
"Hindi iyon ang aking ibig sabihin! Sumanib ka sa 'kin para maging malakas tayong dalawa!" galit na galit na sabi niya.
"Ikaw ang dapat na sumanib sa 'kin at hindi ako."
Kitang-kita ang galit niya at mabilis niya akong sinugod. 'Agad niya akong nasuntok sa aking kanang pisngi at sinipa ako sa aking tiyan. Muli niya akong sinuntok sa kaliwang pisngi naman at sinipa akong muli nang sobrang lakas sa tiyan dahilan para tumalsik ako at tumama ang likod ko sa matigas na pader.
Dahan-dahan akong bumagsak sa sahig. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang isang karakter. Doble-doble ang lakas niya sa dalawang nakalaban ko noong una.
"Ano? Nagbago na ba ang isip mo? Sasanib ka na ba sa akin?"
Pinilit ko ang sarili kong tumayo. Pinahid ko ang dugo sa aking labi at saka nginitian siya ng nakakaloko. Sumugod ako sa kaniya at sinuntok ko siya nang malakas sa mukha na siyang nakapagpahiga sa kaniya sa sahig. Sumampa ako sa kaniya.
Sinuntok ko siya nang sinuntok sa mukha hanggang sa mapuno ng dugo ang mukha niya at mapuno ng talsik ng dugo niya sa mukha ko. Para itong déjà vu.
Tumawa siya kahit puro sugat at pasa ang mukha niya. "Nakita mo na? May naalala ka ba? Hindi ba ganito ang ginagawa mo sa mga biktima mo bago mo inuubos ang dugo nila? Gagawin mo rin ba 'yon sa akin? Kung gagawin mo nga, sige lang. Para mas mapatunayan kong isa ka ngang halimaw."
Dinakot ko ang kwelyo niya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Ginawa ko iyon sa 'yo dahil nararapat ko lamang 'yong gawin. Hindi ako halimaw, nagbago na ako para sabihin ko sa 'yo. Lahat ng ginawa ko noon ay pinagsisisihan ko na ngayon. Inaamin kong napakatanga ko para gawin iyon. Isa nga siguro akong halimaw pero nu'ng nakilala ko si Jullia, si Kisha at nang malaman kong kaibigan at kapatid ang turing sa 'kin ng mga Nobles ay naunawaan kong ang halimaw noon ay puwedeng magbago." Binitawan ko ang kwelyo niya at tumayo.
Inilahad ko ang kaniyang kamay para tulungan siyang tumayo. Matagal siyang tumitig sa aking kamay at saka inabot ito ng nakangiti.
"Malaki na nga ang pinagbago mo, Van Walker. Binabati na kita, isa ka nang ganap na Legendary Vampire." Matapos no'n ay naglaho siya at naging bilog-bilog na ilaw at pumunta ito sa aking dibdib. Napapikit na lamang ako at pagbukas ko ng aking mga mata ay nakatayo ako sa parisukat na kinatatayuan niya kanina kung saan ko siya unang nakita.
Tumingin ako sa paligid. Bakit hindi pa ako bumabalik?
Tiningnan ko ang aking mga kamay. Naglalabas ito ng itim na aura. Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit na para bang binibiak.
Napaluhod ako sa sahig habang hawak ang ulo ko. Napapikit ako nang mariin sa sobrang sakit. Iba't-ibang imahe ang rumaragasa sa aking utak. Imahe noong ako ay bata, noong pumapatay ako ng mga tao at bampira, noong nakilala ko si Jullia, maging noong siya ay mamatay at ang pinakamagandang nakita ko sa lahat ay ang imahe ni Kisha na nakangiti, na tumatawa, na nakayakap sa akin at nakahalik sa aking labi.
Naramdaman ko ang kakaibang lakas na biglang dumaloy sa buo kong katawan. Pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso pati na rin ang pagragasa ng aking dugo.
Parang may kung anong lumalabas sa likod ko. Napahawak ako rito at nakapa ko ang pakpak na unti-unting lumalabas sa likod ko. Nawala na ang sakit ng ulo ko at tanging nararamdaman ko na lamang ay ang sobra-sobrang lakas na nasa katawan ko.
Tinubuan ako ng pakpak hanggang sa maramdaman ko ang sarili kong lumutang. Muli akong pumikit at pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko na si Lolo na nakanganga at nanlalaki ang mga mata.
"Nagawa ko na talaga, Lolo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Oo, apo! Binabati kita! Ang galing mo!"
Bumaba na ako at mabilis akong niyakap ni Lolo. Medyo mabigat ang likod ko dahil sa pakpak at mas lalong bumigat nang dumamba siya sa 'kin. Hinayaan ko lang siya dahil siya ang tumulong sa 'kin para magawa ko ang lahat ng ito.
"Hindi ako makapaniwal, apo! Nagawa mo sa isang araw lang!" Hindi mapantayan ang kasiyahang nakikita ko sa mukha ni Lolo.
"Hindi ko makukuha 'to kung hindi dahil sa inyo." Ngumiti lamang siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Van!" Napangiti ako sa boses na narinig ko. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Congrats, nagawa mo," bulong niya sa 'kin.
Niyakap ko lang siya nang mahigpit. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumayo sa kaniya. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Lolo.
"Paano nga pala ako babalik sa normal?"
Then it hit the three of us. Nagkatinginan kaming tatlo. "Paano nga?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com