Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24

Here Comes Trouble

Pumipilipit na ako sa katatawa dahil sa kalagayan ni Van. Enjoy na enjoy pa siya sa pakpak niya kanina tapos ngayon naman nanghahaba ang nguso niya dahil hindi niya alam kung paano siya babalik sa normal.

"Nagawa mo pa akong pagtawanan, ha?" Natigil ako sa pagtawa nang magsalita siya pero nang tingnan ko ulit siya ay napatawa ulit ako. Inirapan niya lang ako at ibinaling ang tingin kay Lolo G. " 'Di ba libo-libong taon ka nang nagte-train ng mga Legendary Vampire? Eh, bakit hindi mo alam kung paano ako babalik sa dati?"

Hindi makaupo si Van dahil kahit nakatiklop ang mga pakpak niya ay Malaki pa rin ito.

"Apo, nagtetrain lang ako, pagkatapos ko silang turuan ay umaalis na sila at hindi ko na sila muling nakikita," sagot ni Lolo habang hindi inaalis ang tingin sa magazine na binabasa niya.

"Then how?" frustrated na tanong ni Van.

Nagkatinginan kami nina Lolo G at Jiji at sabay-sabay kaming tumawa habang nakaturo kay Van na ngayon ay nakanguso na ulit.

" 'Wag niyo nga akong tawanan! Bakit hindi niyo na lang ako tulungan?!"

Tumigil na kami sa pagtawa kasi mukhang galit na talaga siya. Lumalawak na naman ang aura sa katawan niya at 'yung pangil na sobrang puti na halos puwede ka ng manalamin.

"Isa lang ang puwede mong mapagtanungan tungkol sa bagay na 'yan," seryosong sabi ni Lolo G kaya pati kami ni Jiji na pigil ang tawa ay naging seryoso at napatingin kay Lolo G.

"Sino?"

Tumginin siya sa bawat isa sa amin. "Si Moogle." Humagalpak siya ng tawa. "Si Moogle? 'Di ba nakakatawa 'yun?"

"Was that even a joke?" nakangiwing tanong ni Van.

Tawa pa rin nang tawa si Lolo G dahil sa sarili niyang joke samantalang nakatingin lang kami sa kaniya na walang emosyon sa aming mga mukha. Napansin naman niyang siya lang ang tumatawa kaya tumigil na rin siya. He cleared his throat and looked at us seriously. Akala ko magloloko na naman siya pero hindi.

"Tanging si Israel lang ang may alam kung paano."

"Ano?! Kailangan kong humingi ng tulong sa bampirang pumatay sa kaibigan ko?!"

Bigla akong may naisip na paraan para tulungan siya. Tumayo ako at hinila siya palabas ng bahay.

"Uy, magsesex ba tayo?"

'Agad ko naman siyang binatukan.

"Gago! Hindi!"

Manyak talaga.

HINILA ako ni Kisha palabas ng bahay at nang makalabas na kami ay tumigil na siya sa paghila at humarap sa akin.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kaniya.

"Natatandaan mo pa ba kung paano mo napapakalma ang sarili mo noong hindi mo pa macontrol ang kapangyarihan mo?"

Nag-isip ako saglit at hindi naman ako nahirapang maalala 'yun. "Pumipikit ako at humihinga nang malalim, ginagawa kong pagaanin ang pakiramdam ko."

Tumango-tango naman siya habang hawak ang baba niya na parang nag-iisip din. "Bakit hindi mo gawin 'yun ulit baka sakaling bumalik ka sa dati?"

"Ang tanong, paano ulit ako mapupunta sa Legendary Form?"

Akala ko ayos na, 'yun naman pala madami pang dapat na ayusin. Madami pa akong dapat na malaman. Hindi naman puwedeng forever akong naka-Legendary Form! Paano kami magsesex ni Kisha?! Makikipagsex ba ako ng may pakpak at may pangil tapos mapula pa ang mga mata ko, isama mo pa ang aura ko? Hindi puwede 'yun! Ayokong matigang buong buhay ko!

Parehas kaming natahimik at nag-iisip. Sabi ni Lolo ay si Israel lamang ang tanging may alam kung paano pero hindi ko siya puwedeng makausap ngayon, baka mapatay ko lang siya. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Kiel.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang pamilyar na pwersa na papalapit sa kinaroroonan namin ni Kisha at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung kanino iyon.

"Kisha! Bumalik ka na sa bahay! Dalian mo!"

"Bakit? Ano'ng nangyayari?!"

"Sumunod ka na lang sa 'kin! Umalis ka na!" Sinunod naman niya ang sinabi ko at tumakbo na paalis. Binuka ko ang aking pakpak at hinanda ang aking sarili sa kaniyang pagdating.

"Kumusta, Van? Namiss mo ba ako?" malimig ang kaniyang tinig at naka-Legendary Form siya. Hindi ko alam kung bakit wala siyang pakpak na gaya sa akin. Kung tutuusin ay napakasimple ng form niya kumpara sa akin. "Sa nakikita ko ay nasa Legendary Form ka na. Binabati kita."

Ngumiti siya ng nakakaloko na mas lalong dumagdag sa galit ko sa kaniya. Tanging gusto ko lamang gawin ay burahin ang nakakalokong ngiti sa labi niya at patayin siya para maipaghiganti ko si Kiel.

"Ano'ng kailangan mo?"

"Masama na bang bisitahin ang apo ko? Baka gusto mong tulungan kita sa problema mo? Hindi ka makabalik sa normal, hindi ba?" Tumawa siya na may pang-uuyam.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Pero hindi kita matutulungan hanggat hindi mo ako natatalo. Bakit hindi natin subukan 'yang bago mong kapangyarihan? Nasisigurado mo bang mapapantayan mo ang lakas ko? Sapat na ba 'yang pakpak mo para lamangan ako?"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, 'agad akong sumugod sa kaniya at binigyan siya ng malakas na suntok sa pisngi. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero 'agad siyang nakabawi. Isinipa niya ang kaniyang paa pero nakaiwas ako. Lumutang ako at mabilis na bumulusok pababa sa kaniya at inihiga ko siya sa lupa.

Nagkaroon ng malalim na crater ang lupa. Nasa ibabaw ko siya at sakal-sakal ko siya. Pilit niyang iniaalis ang kamay ko sa leeg niya pero hindi niya magawa.

Sinintok ko siya sa kaliwa niyang pisngi at tumayo ako para tapakan ang dibdib niya.

"Sabihin mo kung paano ako makakabalik sa dati at paano ako mapupunta sa Legendary Form nang mabilis."

Idinura niya ang dugo sa kaniyang bibig at tumingin sa akin ng seryoso. "Bakit? Natalo mo na ba ako?" Hinawakan niya ang paa ko at hindi ko namalayan na tumalsik na pala ako palayo sa kaniya. Naiangat niya ako at naitapon gamit ang isang kamay lamang.

Tumama ang aking likod sa puno at napaupo na lamang ako sa lupa. Masyado ko siyang minamaliit, hindi nga pala siya basta-basta na bampira lamang. Libong taon na siyang nabubuhay kaya alam na alam na niya kung paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan.

Ilang segundo lamang ay nasa harapan ko na siya at itinayo niya ako gamit ang pagsakal sa aking leeg. Mukhang nabaligtad ang sitwasyon ngayon. Siya naman ang may hawak ng aking leeg.

"Iyan lang ba ang maibubuga mo? Nakakapanghinayang naman kung matatalo ka na lamang ng basta-basta. Hindi mo ba naisip na kapag tinapos ko ang buhay mo ngayon ay tapos na rin ang buhay ng minamahal mo?" Naikuyom ko ang aking palad at matalas na tumingin sa kaniya. "Pero mas maganda kung paglalaruan ko muna siya bago ko tapusin ang buhay niya, ano'ng sa palagay mo?"

Biglang nagdilim ang paningin ko. Nararamdaman ko ang mabilis na pagragasa ng dugo sa katawan ko at mabilis na pagpintig ng puso ko. Nararamdaman ko ang kapangyarihan kong mas lalong tumataas. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niyang nakasakal sa akin. Sobrang higpit na halos bumaon na ang matatalas kong kuko sa laman niya.

Binitawan niya ang leeg ko at umatras ng ilang hakbang papalayo sa akin. Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinuntok siya ng paulit-paulit hanggang sa hindi na siya makailag. Sinipa ko siya nang malakas na nakapagpatalsik sa kaniya kung saan. 'Agad ko siyang hinanap at natagpuan ko siyang nakahiga sa gitna ng kagubatan.

Dinakot ko ang kwelyo niya at puno ng pasa at sugat ang mukha niya pero unti-unti ring nanghihilom.

"Sabihin mo kung paano kundi papatayin kita!"

Tumawa siya at pinunasan ang dugo sa kaniyang labi. Pinakawalan ko ang hawak ko sa kwelyo niya at hinintay ang sagot niya. "Dahil mapilit ka, sasabihin ko na sa 'yo. Simple lang naman, isipin mo lang na gusto mong bumalik sa pagiging normal at wala pang ilang segundo ay normal ka na at para mapunta ka sa form na 'yan, isipin mo lang din na gusto mong mapunta sa Legendary Form at magiging ganyan ka."

Tumayo na siya nang dahan-dahan at nang makatayo na siya ay parang walang nangyari sa kaniya. Wala na siyang sugat sa mukha, wala na ring bahid ng dugo, parang hindi siya nabugbog.

"Israel Walker, bakit mo piniling sabihin sa 'kin kung paano ako magiging normal kung puwede namang hindi? Sigurado akong hindi ka naman natatakot na patayin kita."

Ngumiti lamang siya sa akin na ikinagulat ko naman.

"Natatandaan mo ba ang sinabi ko noong una tayong nagkita? Alamin mo ang tunay na kalaban."

Tumalikod na siya pero bago pa siya makaalis ay sumagot na ako. "Nagpapatawa ka ba? Pinatay mo ang kaibigan ko. Hindi ba gawain lamang ng kalaban 'yon?"

"It's for me to know and for you to find out."

Tumalon siya at sa pagtalon niyang iyon ay nawala na siya.

"Pakawalan niyo ako rito! Ano ba'ng kailangan niyo sa 'kin?!"

Hawak ni Jullia ang bakal sa kanyang kulungan at kinakalampag ito. Hindi niya alam kung bakit siya muling binuhay. Payapa na siya, masaya na si Van sa iba, pero heto siya ngayon at buhay na buhay na hindi naman niya ginusto.

Tumayo si Victoria sa kaniyang prenteng pagkakaupo sa couch at pinanood lamang na magwala si Jullia. Hindi niya alam kung ano ang balak ni Pinuno kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nito ipinabubura ang alaala ni Jullia.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malaking pursyento ng kapangyarihan na dumaloy sa buong silid at sa isang kisap mata ay nasa tabi na niya si Israel Walker na matiim na nakatingin kay Jullia.

"Pinuno." Nagbow siya bilang paggalang. "Ano na pong plano natin para sa kaniya?"

"Hayaan mo lang siyang nakakulong d'yan. Ano ang napansin mo sa kaniya nitong mga nakaraang araw?" tanong sa kaniya nito gamit ang malamig nitong tinig. Hangang-hanga ang dalaga sa kakisigang taglay ni Israel, ang bata pa ng itsura niya na para bang hindi siya pinanganak libong taon na ang nakalipas.

"Pumupula ang kaniyang mga mata at nagkakapangil, sa tingin niyo po ba dahil sa dugong pinagsama natin kaya naging ganyan siya?"

"Siguro nga ay dahil doon. " Tumalikod na si Israel para umalis nang tawagin siya ni Jullia.

"Ano'ng balak niyong gawin? Bakit kailangan niyo akong buhayin?!" mangiyak-ngiyak na tanong niya kay Israel. Kinukutuban na siya, baka balak siyang gawing panglaban kay Van. At ayaw niyang mangyari 'yun, ayaw niyang maging pabigat at ayaw niyang may masasaktan ng dahil sa kaniya.

"Iwan mo muna kami, Victoria," sabi nito at walang imik na umalis si Victoria sa silid. Humarap naman sa kaniya si Israel at ngumiti. Hindi niya alam kung bakit pero biglang gumaan ang pakiramdam niya. " 'Wag kang mag-alala, hindi ko gagawin ang mga iniisip mo."

"Kamusta na ang buong District?" tanong ni Ivan kay Cross na nakaharap sa kaniyang laptop at abala sa pagtatype ng kung ano.

Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ang kaniyang kaibigan dahil sa nangyayari sa District. Ayaw ni Cross na humingi ng tulong sa ibang Lieutenant dahil gusto ni Cross na patunayan sa lahat na kaya niyang lutasin ang problema ng siya lamang at hindi niya kailangan ng tulong ng iba.

Mainit ang dugo ng mga Lieutenant sa kaniya kaya kailangan niyang masolusyonan ang lahat para isampal sa mukha nilang kaya niyang gawin ang lahat dahil malakas siya at karapat-dapat ang pwesto para sa kaniya.

"The population went down to 3,000 people and its quiet bad. Sa ngayon ay walang sumusugod na Insane at wala ng tao na nagiging Insane."

"Gaano ba ang population noon sa ating District?"

"10,000 ang population ng District natin noon pero gaano na lang ang natira?" naikuyom ni Cross ang kaniyang kamao. Napakadaming inosente ang binawian ng buhay. Laking pasalamat din niya sa kung sinoman ang nagpadala ng mga Insane para patayin ang mga high class na Insanes. Kahit papaano ay nakatulong ito upang matigil ang pagdami ng mga high class na Insane.

"Ano'ng nangyari sa ilog na nakontamina?"

"May ipinalagay akong chemical na sasapaw sa chemical na napunta sa ilog na iyon. Pagkatapos siguro ng isang linggo ay maayos na ang kalagayan ng ilog at wala ng tao ang magiging Insane."

"Mabuti kung ganoon pero paano na ang mga natitirang tao? Bukas na ang kamalayan nila sa mga bampira? Buburahin ba natin ang alaala nila?"

"Yes, and we need the vampires to do that. We need the Archer Family because they have the ability to erase all the memories of a certain person."

"Kailangan nating dumulog sa council ng mga bampira kung ganoon."

Tumango si Cross at isinara ang kaniyang laptop. "We should go there now."

Nagpunta sila sa Council upang kausapin ang mga ito tungkol sa paghingi ng tulong sa Archer Family. Bago sila kumausap ng pamilya ng isang bampira ay kailangang dumulog sa Council lalo na't nasa Europa pa ang pamilyang Archer.

Pumasok sila sa loob ng Council at nagdiretso sa bulwagan kung saan may isang mahabang lamesa sa gitna na napapalibutan ng labing-isang upuan. Limang upuan sa kaliwa at lima sa kanan at ang isa ay nasa dulo ng mahabang lamesa.

Nakaupo ang lahat ng miyembro ng Council sa kani-kanilang upuan at hindi inaasahan ni Cross na nandoon din si Van na katabi si Kisha.

Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa ni Ivan nang pumasok sila.

"Cross!" nakangiting bati ni Kisha. Wala namang emosyon na nakatingin sa kaniya si Van.

"Ano'ng kailangan mo, Vampire Hunter?" tanong ni Callix na siyang head ng Cross Council.

"The problem has been solved. We need the Archer Family to erase the memory of the remaining people in our District."

"Alam mo namang nasa Europa ang Archer Family, hindi ba? Hindi ganoong kadali ang papuntahin sila rito," sabi ni Ren na member din ng Council.

"So you'll let the people live in fear because of your kind?" natatawang sabi ni Cross. "Baka nakakalimutan niyong bampira ang mga Insane at kalahi niyo sila, lahat ng nangyayari ngayon sa District ay may kinalaman sa inyo kaya kailangan niyong magbigay ng parte."

"Sige. Tawagan niyo ang buong Archer Family para matapos na ang lahat," utos ni Van.

"Pero–" Pipigilan pa sana siya ni Callix pero hindi na niya natuloy ang sasabihin nang putulin ito ni Van.

"Tatawagan niyo o sisirain ko ang buong lugar na 'to?" Lumabas ang dark aura sa katawan ni Van. Nanlaki ang mga mata ng mga members ng Council dahil sa sinabi ni Van kaya lumabas ang isang member para tawagan ang Archer Family.

Lumabas na ang lahat ng member ng Council sa bulwagan at naiwan sina Van, Kisha, Cross at Ivan sa loob. Ilang minuto silang nagtitigan hanggang sa binasag na ni Kisha ang katahimikan.

"Cross at Ivan! Upo na muna kayo rito. Mangangalay kayo riyan."

Lumapit naman sina Cross at Ivan at umupo sa kalapit na upuan sa kanilang dalawa.

"Kisha, mag-uusap muna kami ni Cross. Puwede bang iwan mo muna kami?" tanong ni Van.

Tumango naman ang dalaga at bago pa siya makatayo ay hinalikan muna ni Van ang noo nito na siyang malaking sampal naman para kay Cross. Gusto rin niyang gawin iyon sa dalaga, ang mahawakan, maprotektahan, ang mayakap, pero hindi niya magawa dahil may mahal itong iba at ang mahal niya ay ang bampirang kinamumuhian niya.

"Tara, Ivan! Iwan na muna natin sila," sabi ni Kisha kay Ivan.

"Don't do anything to her or else..." sabay na sabi ni Van at Cross kaya nagkatinginan na lamang sila.

Napatawa naman si Ivan. "Okay, okay! Chill lang mga dude. Wala akong balak."

"Kapag nakalabas ka sa kulungan mong 'yan, sino ang unang pupuntahan mo?" tanong sa akin ni Israel Walker. Nakaupo siya sa pulang couch sa harap ng rehas na kinalalagyan ko. Nakakrus ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at magkakrus din ang kaniyang paa habang prenteng nakasandal. Walang emosyon ang mukha niya at napakalamig ng presensya niya na hindi na kailangan ng aircon dahil sa lamig na dala niya.

"Ano ba'ng pakealam mo?" Inirapan ko siya. Kinamumuhian ko siya. Ano ba kasing kailangan niya sa 'kin at binuhay niya ako?! Payapa na ako! Okay na ako! Pero ano'ng ginawa nila? Ibinalik nila ako sa mundong 'to!

Muli akong tumingin sa bampirang nasa harapan ko. Sobrang kisig niya at hindi na ko nagtataka. Lahi na talaga ng mga Walker ang pagkakaroon ng maganda at gwapong mukha.

Nginisian niya ako na siya namang ikinagulat ko. Mas sanay kasi akong wala siyang emosyon. "Bakit ba ang sungit mo? Tinatanong lamang kita kung sino ang una mong pupuntahan kung sakaling pakawalan na kita?"

Umupo ako sa malamig na sahig at tumingin sa kaniya. "Si Kuya Cross." Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ko si Kuya. Tatanggapin pa kaya niya ako kung malaman niya buhay nga ako pero bampira na ako? Isa na ako sa nilalang na kinamumuhian niya. Ang isipin pa lang na hindi niya ako tatanggapin sa ganitong kalagayan, naiiyak na ako.

"Eh, si Van? Ayaw mong makita?"

Isa pa 'yang si Van. Bampira na ako ngayon, puwede na kami pero hindi kakayanin ng konsensya kong agawin siya sa babaeng mahal niya. Alam kong may mahal na siyang iba kaya hindi ko na sila guguluhin pa. "Bakit ba ang chismoso mo? Walker ka ba talaga? Manyak ang mga Walker, 'di ba? Bakit hindi ka nanonood ng porn gaya ng ginagawa ng kalahi mo? Bakit pinepeste mo ako? Layas na."

"Sabihin mo lang kasi kung gusto mong manood ng porn, pagbibigyan naman kita, eh." Muli na naman niya akong nginisian at tumayo. Akala ko aalis na siya pero mabilis siyang kumilos. Kumuha siya ng lamesa at pinatungan iyon ng TV na may kasama na ding DVD.

"H-Hoy! Anong gagawin mo?"

"Gusto mong manood ng porn, hindi ba?"

"Hindi, ah! Loko ka! Hindi! Itigil mo 'yan!" Binuksan na niya ang TV at nagsalang na ng CD.

Nadinig ko ang kaniyang pagtawa. "Ito naman ang gusto mo di ba? Kaya ayan na."

Tinakpan ko ang aking mga mata dahil nakita kong naisalang na niya ang CD. Nakatakip nga ang mga mata ko, paano ang tainga ko?! Ayokong marinig ang mga weird sounds! My innocent mind! Pero natigilan ako nang marinig ko ang isang pagkanta ng babae.

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa mga mata ko at nakita ko si Cinderella na kumakanta.

Napatingin naman ako kay Israel na nakaiwas ng tingin.

"Bakit–" Hindi pa ako natatapos pero nagsalita na siya.

"Baka kasi nabobored ka na riyan. Hindi pa kita puwedeng palabasin. Sabi kasi nila mahilig ang mga babae sa fairytale kaya baka magustuhan mo 'yan." Nakaiwas pa rin ang tingin niya sa 'kin at pulang-pula ang kaniyang mukha.

Wala akong nasabi dahil hindi ko alam kung ano'ng dapat kong isagot sa kaniya. Gusto ko talaga ang mga fairytales at bagot na bagot na rin nga ako rito. Buti na lang naisip niya 'to.

Akala ko aalis na siya pero iniipod niya ang couch at tumingin sa TV.

Hindi ko na siya pinansin at nanood na lamang ako. Nasa part na ako na naiwan si Cinderella sa kanilang bahay, umalis ang step mother and sisters niya dahil sa party sa kaharian. Gusto niyang pumunta pero wala siyang isusuot na damit.

"What the hell? Naging kalesa ang pumpkin? At may fairy shit pa! Joke ba 'yan?"

"Kaya nga fairytale, hindi ba? Gano'n talaga."

"That's full of shit."

Sinimangutan ko siya. " 'Di 'wag kang manood. Bakit nakikinood ka?"

"Hindi kasi uso ang fairytale noong bata ako. Libong taon na akong nabubuhay at madaming nagbabago. Ngayon nga lang ako nakapanood niyan, eh. Boring pala."

"Maganda kaya ang fairytale! I-appreciate mo na lang kasi!" bulyaw ko sa kaniya.

Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy ang panonood hanggang sa matapos na. Reklamo siya nang reklamo na kesyo full of shit daw ang fairytale pero tinapos din naman niya hanggang sa huli. Maya-maya pa ay naging black na ang screen ng TV pero nakaupo pa rin si Israel sa couch. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya sa 'kin. Nakasuporta ang isa niyang kamay sa ulo niya.

"Hoy, Israel!" Hindi siya lumilingon. Tulog na yata. Nakakapanibago siya ngayon. Palagi siyang nakabantay dito pero palagi siyang walang emosyon pero ngayon nag-iba siya. Ewan ko ba. Pakiramdam ko may nag-iba talaga sa kaniya o sadyang ganyan na talaga ang Israel na 'yan?

Sumampa na lang ako sa aking kama at tumingin sa kisame.

Kapag nalaman nilang buhay ako, magiging masaya kaya sila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com