Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

The Match

Matagal kaming nagtitigan ni Cross. Gusto ko siyang makausap tungkol kay Jullia pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Alam kong galit siya dahil sa nagawa ko sa kapatid niya. Hindi man kami pormal na nagkakilala noon, kailangan kong tuldukan ang kung anomang hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa.

I cleared my throat to break the awkward silence. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari kay Jullia."

Nakita ko ang pagbabago ng expression niya. Kaninang blanko ay napalitan ng galit. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay at naging mabilis ang kanyang paghinga. Umiwas siya ng tingin at parang pinapakalma ang sarili niya.

"Do you think your simple sorry can bring back her life? You killed her," he said through gritted teeth and looked at me angrily.

"Alam kong ako ang may kasalanan. Alam kong tao siya pero mas pinili ko siyang mahalin pero sa lahat ng nangyari ay hindi ko pinagsisihan na nakilala at minahal ko siya dahil binago niya ako. Hindi ko naman inaasahan na mapatawad mo ako, gusto ko lang ding humingi ng tawad."

Matagal siyang natahimik bago nagsalita. "Fine. But I will never forgive you."

"Okay lang at least nagsorry ako." Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. "Tungkol nga pala kay Kisha, may gusto ka sa kaniya, 'di ba?"

Natigilan siya sa sinabi ko pero 'agad na naging blanko ang mukha niya. "Yeah."

Napatayo ako sa upuan at nahampas ko ang lamesa. "At hindi mo man lang itinangging damuho ka?!"

"Are you stupid or what? I just answered your question. Why are you so angry?"

"Alam mo namang ako ang mahal niya, 'di ba?" Napangisi na lang ako. Kahit na may gusto pa siya kay Kisha, hindi ako papayag na basta na lang siya mapapalapit sa kaniya. Mababali muna lahat ng buto sa katawan niya bago mangyari 'yon.

"I know." Ang kaninang blanko ay napalitan ng napakadaming emosyon na hindi ko maintindihan kung ano. "If you hurt her, I'll do everything to bring her back to us."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya na para bang tinubuan siya ng sangkatutak na pigsa sa mukha. "Wala kang ibabalik dahil walang naging sa 'yo."

Mukha siyang natauhan dahil sa kaniyang sinabi. "Then I'll do everything to make her mine."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. May pagkakomedyante yata itong si Cross. "Matagal na siyang akin, Cross. Lahat sa kaniya ay akin. Akin siya ng buong-buo."

Nagtangis ang kanyang panga at hindi ko 'agad namalayan na dinakot niya ang aking kwelyo at marahas akong inupo at isinandal sa upuan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon niya gayong hindi pa niya gaanong kilala si Kisha.

Itinaas niya ang kaniyang kamao para suntukin ako at wala naman akong balak lumaban dahil pakiramdam ko ay tama lang sa 'kin ang suntok na ibibigay niya, para kay Jullia. Pero habang nakataas ang kamao niya ay nakita ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa unang bagay na pumasok sa isip ko.

'Agad ko siyang itinulak at hinawakan ang kaniyang balikat. "Nakagat ka ba ng bampira?" Inalog ko ang balikat niya ng nag-iwas siya ng tingin. "Sagutin mo ako!"

Tiningnan niya ako gamit ang mga mata niyang kulay dilaw na hinaluan ng berde at itim. Isa siyang Vampire Hunter pero at the same time kalahi ko na rin siya?! At hindi lang siya basta-basta na bampira, though mas malakas pa rin ako sa kaniya, may kapangyarihan na rin siya.

Minsan lang mangyari ang ganitong kaso, isa siyang Atypical Vampire o mas madaling sabihin na Rare siya. Kadalasan kasing ang mga bampirang kumakagat ng tao ay pinapatay na ito pagkatapos. Sa kundisyon ni Cross, napaltan ang kaniyang dugo ng dugo ng isang bampira at sa pangyayaring 'yun ay nagkaroon siya ng kapangyarihan.

Itinulak niya ako. "Victoria bit me." Ibinuka niya ng bahagya ang kaniyang bibig at ipinakita ang kaniyang pangil.

"At binigyan ka niya ng kapangyarihan, hindi ba?"

"Yes," maikling sagot niya.

"Anong klaseng kapangyarihan?"

"I can't say it to you." He smirked. "Fight me, Van Walker. Let's see who's more powerful."

"Gusto mo ngayon na?" Napangisi na lang din ako.

Sino ba naman ako para tanggihan siya? Hindi naman sa nagyayabang ako pero alam ko namang mas angat ang kapangyarihan ko sa kaniya. At isa pa, kung 'yun ang gusto niya ay pagbibigyan ko siya, para kay Jullia, dahil alam ko namang gusto niya akong patayin dahil sa nangyari kay Jullia.

Napailing na lang siya. "So arrogant are we? Not now, Van. Definitely not now. And promise me that Kisha will never know about our fight. It's just between the two of us so don't bring anyone else with you."

"Okay. Kung 'yan ang gusto mo. Sabihin mo kung kailan."

"Tommorrow midnight. At the football field." Ibinigay pa niya ang ibang detalye na madali ko namang nakuha. Mukhang desidido talaga siyang labanan ako.

Hindi na ako sumagot pa at pinanood lamang siyang lumabas ng bulwagan.

MAGKASABAY na lumabas sina Van at Cross sa bulwagan. Umalis na si Ivan kaya mag-isa akong nag-hihintay dito sa labas. 'Yun namang mga member ng Council ay nasa kani-kanila ng silid.

"Where's Ivan?" tanong ni Cross.

"Umalis na siya eh, emergency daw."

Hindi na sumagot si Cross at dumeretso na lang sa kaniyang sasakyan na hindi man lang nagpapaalam. Kami naman ni Van ay umuwi na sa mansyon. Excited na akong ibalita sa kanila na sa wakas ay nacocontrol na ni Van ang pagiging Legendary Vampire niya.

Pagkadating namin ay sinalubong kami ng mga Nobles.

Tumakbo palapit sa amin ang kambal na kasama sina Farrah at Zick.

"Kumusta kayo?" tanong ni Van habang nakahawak sa mukha ng kambal dahil balak ng dalawa na halikan siya.

"Ikaw dapat ang tinatanong namin, kumusta ang training mo?" tanong naman ni Farrah.

"Guess what?" nakangiting tanong ni Van at inilabas niya ang kaniyang pakpak.

Nanlaki naman ang mga mata ng Nobles sa kanilang nakita.

"Asitg!" bulalas ni Jick at pumunta sa likudan ni Van para hawakan ang kaniyang pakpak. Lumapit naman si Jack sa kabilang pakpak at inexamine ito.

"Van, may pakpak ka pero ang mga nakaraang Legendary ay wala," sabi ni Zick.

"Yup! Hindi ko rin alam kung bakit pero wala na akong pakealam, basta ang mahalaga mas malakas na ako ngayon."

"Pumasok muna kayo sa loob, sakto kaluluto ko lang," sabi ni Farrah.

Pumasok na nga kami sa loob at dumiretso sa dinning hall. Madaming pagkain na nakahain sa mahabang lamesa at nakapalibot ang mga butler sa amin. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. At saka mukhang walang oras para magkwentuhan habang nakain dahil pare-pareho lang kaming gutom at ang sarap pala magluto ni Farrah! Heaven!

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta naman kami sa may living room.

"Tumawag dito si Trey Archer, bukas na bukas din daw ay dadating sila." Farrah leaned back on the couch and stared at the ceiling. She looked satisfied. These days, nagagawa na niyang ngumiti.

"Dito ba sila tutuloy?" Inihilig ni Van ang kaniyang ulo sa 'king balikat.

"Oo, ang mga pupunta ay sina Trey, Tres at Tred." Zick looked tired just by mentioniong their name. Gusto kong tanungin kaso nadidistract ako sa kamay ni Van na nakahawak sa hita ko.

"Kung gano'n ay ang Archer Brothers lang ang makakapunta?" Isiniksik ni Van ang kaniyang mukha sa 'king leeg. Para siyang pusa.

"Madami rin daw kasing inaasikaso ang ibang miyembro ng Archer Family kaya ang Archer Brothers lang ang mapapadala nila rito," nakangising sagot ni Jack. Mukhang excited na siya sa pagdating ng Archer Brothers.

"Hindi maganda 'to! Ang hihilig pa man din sa pranks ang magkakapatid na 'yun!" Humawak si Jick sa kaniyang pisngi at mukhang nag-aalala.

"Pranks?" tanong ko.

Umayos na ng upo si Van pero nakahawak pa rin siya sa 'king hita. "Kilala ang Archer Brothers bilang pranksters kaya walang nakakatagal sa kanila. Ang hilig nilang gumawa ng pranks na ikinatutuwa nila pero ikaiinis naman ng karamihan."

"Ano bang klase ng bampira ang mga Archers?"

"Sila ay ang mga bampirang may abilidad na burahin ang memorya ng tao o bampira."

Bawat angkan ng bampira ay may iba't-ibang abilidad. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa Archer Brothers na 'yun. Kung pranksters sila, katumbas nila ay tatlong Jack at Jick na pinagsama-sama.

"May labing-limang angkan ng bampira at 'yun ay ang Walker, Cray, Archer, Ampere, Calyx, Nerman, Han, Hidari, Frost, Phoenix, Swift, Heather, Saffron, O'Neil at Draphney at may iba't-iba silang abilidad na angat sa ibang lahi pa ng bampira," paliwanag ni Farrah.

"Ikwento mo sa 'kin ang mga abilidad nila."

"Mamaya na 'yan, Kisha" Ipinulupot ni Van ang kamay niya sa baywang ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Sinimulan naman niyang bigyan iyon ng maliliit na halik.

"Magpapakwento pa ko, eh! Alis nga!"

"Mamaya na lang kasi."

Hindi niya ako napilit kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Magmovie marathon na lang tayo!" Suggest ng kambal at umalis na sila papunta sa kwarto nila kaya naiwan na kami ni Farrah. Sumama na rin sa kanila si Van.

"Sige, Farrah, ituloy mo na!"

Ngumiti siya sa 'kin. "Hindi ko na isasama ang Walker, Cray at Archer kasi alam mo na naman ang abilidad nila kaya magsimula tayo sa mga Ampere. Taglay nila ang lakas ng pagsipa at kaya nilang bumiak ng isang malaking tipak ng bato sa isang sipa lamang. Ang mga Calyx naman ay ang abilidad na manghypnotize, kaya nilang mapasunod ang isang tao o bampira kapag tiningnan sila sa mga mata kaya palagi silang nakasalamin. Ang mga Nerman ay may abilidad na gumamit ng baril, sharp shooter sila at sila ang may hawak ng pinakamalaking kompanya na pagawaan ng baril sa buong mundo."

"Napanood ko na sa balita ang mga Nerman, bampira pala sila? Ang galing! Supplier sila ng baril sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Maging ang ating bansa ay doon din nakuha ng mataas na kalibre ng baril."

Tumango naman siya sa sinabi ko. "Karamihan sa mga bampira ay nakakahalibulo talaga sa mga tao para umipon ng pera at sunod naman ay ang mga Han. Ang abilidad nila ay gumamit ng dagger, kaya nilang maghagis ng dagger at matamaan ang target kahit nakapiring, kahit pa isang daang metro o mas malayo pa ay kaya nilang patamaan ang target. May-ari din sila ng pagawaan ng mga dagger na kilala sa buong Asia. Ang mga Hidari naman ay sa espada, sila ang tinatawag na Samurai Vampires. Ang mga espada ay may bigat na tone-tonelada base sa kanilang lakas at kaya nila 'yung buhatin na parang normal na espada lang. Ang Frost naman ay may abilidad na gumawa ng yelo, kaya nilang gumawa ng bundok ng yelo kung gugustuhin nila at ang mga Phoenix naman ay gumawa ng apoy kaya hindi sila gaanong magkasundo."

Bakit ba ngayon ko lang 'to nalaman?! Kung tutuusin ay mas magaganda ang abilidad ng ibang angkan kesa sa abilidad ni Van pero bakit Walker ang pinakamataas sa lahat ng bampira?

"Ang Walker ay may secret ability na hindi alam ng lahat at libo o daang libo mang taon ang nakakalipas pero wala pa ring nakakaalam kung ano iyon," pagbabasa ni Farrah sa isipan ko.

"Wala pang nakakaalam sa totoong ability ng mga Walker? Kung ganoon ay may posibilidad na may ilalakas pa si Van?"

"Oo at 'yun ang pinakahihintay naming lahat." Nagpatuloy siya, "Ang mga Swift naman ay may abilidad na gumawa ng kidlat o kaya naman ay magpadaloy ng mataas ng boltahe sa kanilang katawan. Ang mga Heather ay may abilidad na magpagalaw ng tubig, kaya nilang hatiin ang dagat gaya ng ginawa ni Moises."

"Seryoso kang may mga abilidad na ganyan ang isang bampira?!" Apoy, yelo, tubig at kuryente. Wow, ah! Avatar, The Last Airbender ang peg?!

"Oo naman. Lahat sila ay nakilala ko na at mismong dalawang mata ang nakakita ng mga kapangyarihan nila noong nagsama-sama lahat ng pamilya para ipakita sa isa't-isa ang kanilang abilidad." Hindi na ako nakapagsalita pa. Masyado lang akong naeexcite sa ikinekwento ni Farrah. "Sumunod naman ay ang Saffron Family na ang abilidad ay ang galing nila sa pagkanta at pagtugtog ng instumento. Ginagamit nila ang musika nila para magpatulog ng tao o bampira at advantage 'yun para sa pag-atake nila. Ang mga O'Neil naman ay may abilidad na pagkabihasa sa paggamit ng mga bomba o kung anomang bagay na sumasabog at ang mga Draphney na may abilidad namang gumamit ng pasabog pero may mga kasamang chemical gaya ng lason, smoke bombs, tear gas, at kung anomang pangdistract sa kalaban."

"Gusto kong makilala silang lahat."

Tumawa naman si Farrah. "Hayaan mo, dadating din tayo riyan. Sumunod na tayo sa kanila."

Tumayo na kami at sumunod sa kwarto ng kambal para makinood.

ALAS dose ng gabi at magkaharapang nakatayo sina Van at Cross para simulan ang kanilang laban. Sa isang football field nila napiling maglaban para malawak ang kanilang paggagalawan. Wala silang sinabihan tungkol sa mangyayaring laban nila dahil alam nilang kapag ginawa nila iyon ay makakarating kay Kisha. Siguradong mag-aalala si Kisha kapag nalaman niya. At isa pa, sa side ni Cross, alam niyang si Van ang kakampihan ni Kisha. Masakit man sa kaniya pero kailangan niyang tanggapin.

Sa hindi kalayuan ay nanonood si Israel sa dalawa, para sa kaniya ay isa itong laban na hindi niya dapat palagpasin.

"Ninenerbiyos ka ba, Cross? 'Wag kang mag-alala, madali lang 'to at sisiguraduhin kong sa huli ay talo ka." Ngumisi si Van na ginantihan lamang ni Cross ng blankong ekspresyon.

"I'll crush your bones into tiny pieces, Van Walker," he said through gritted teeth. This is the moment he's been waiting for. It's been a year and this is the right time to avenge his sister. But he swore to her tomb that he will never kill this fucking vampire no matter what. Because he knew, Jullia will get angry.

"Whoa, I'm scared," pang-aasar ni Van pero hindi na siya pinansin ni Cross.

'Agad siyang sumugod at sinubukang suntukin si Van sa mukha pero mabilis itong gumalaw at nakailag. Nakalimutan niyang isa sa abilidad ng mga Walker ay ang mabilis nilang paggalaw. Sumuntok naman si Van at naiwasan din naman ni Cross. Nagpalitan sila ng suntok pero pareho silang hindi nakakatama.

Lumayo sila sa isa't-isa na hinahabol ang hininga.

Naunang sumugod si Van, umupo siya at isinipa ang kaniyang paa para tamaan ang binti ni Cross pero tumalon si Cross at sumipa para tamaan ang mukha ni Van. Napahiga si Van sa lupa ngunit 'agad naman siyang nakatayo. Pinunasan niya ang dugo sa kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang palad.

"Alam mo bang BB Cream pa ang gamit ko para sa mukha ko kaya ganitong kakinis? Alam mo ba kung gaano kamahal 'yun?"

"I don't care. Pupunuin ko ng sugat 'yang mukha mo hanggang sa hindi ka na makilala."

"Wow. Nagtatagalog ka pala?"

Muling sumugod si Cross. Nagpakawala siya ng malakas na suntok na ang punterya ay ang mukha na naman ni Van pero nakaiwas si Van at sumuntok din siya at natamaan ang mukha ni Cross na nagpalipad sa kaniya ng ilang metro.

Hindi mapapagkaila ni Van na malakas nga si Cross at napapantayan nito ang kaniyang mga galaw at atake. Ano kayang balak ni Victoria at binigyan niya ng ganitong kapangyarihan ang isang Vampire Hunter? Sa kaniyang nakikita ay napakalaking amount ng kapangyarihan ang ipinasa ni Victoria kay Cross.

Pinanood lamang ni Van na bumanogon si Cross at nag-iba na ang kulay ng mga mata nito. Lumalaki ang mga braso, balikat at ang buong katawan ni Cross ay nag-uugat at nagkakaroon ng muscle. Nakalabas na rin ang mahabang pangil nito. Sa isang segundo lamang ay nasa harapan na niya si Cross.

"Shit! Hindi ko nakita 'yun, ah!" isip ni Van.

Nasuntok siya ni Cross at sunod-sunod niya iyong ginawa na walang humpay na halos hindi na makagalaw si Van para umilag.

Napahiga siya sa lupa at hindi na niya maimulat ang kaniyang mga mata.

" 'Yan ba ang pinagmamalaki mong lakas, Van Walker?"

Napatawa si Van kahit may lumabas ng dugo sa kaniyang bibig.

"Baka nakakalimutan mong hindi pa ako naka-Legendary mode ngayon? Gusto mong makita?"

Tumayo si Van at napaatras naman si Cross sa kaniyang nakita. Lumalawak ang itim na aura sa katawan ni Van. Inilabas na rin niya ang kanyang pakpak hanggang sa napunta na siya sa Legendary Mode. Ayaw niya sanang gamitin ito pero kailangan niyang labanan si Cross Kahit siya man ay ayaw magpatalo at ayaw na niyang pahabain pa ang laban na ito.

"Simulan na natin ang tunay na laban."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com