Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26


Secret Ability

Unti-unting naghilom ang sugat ni Van sa kaniyang mukha at katawan dahil sa pagbabago ng anyo. Nasa Legendary Mode na siya ngayon at para sa kaniya ay ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban. Nagkamali siya dahil minaliit niya ang kakahayaan ni Cross dahil hindi naman niya inaasahang ganito ito kalakas.

"Hindi ka man lang ba namangha sa itsura ko? Mas astig sa 'yo, 'no?" pang-aasar niya.

Napailing na lamang si Cross sa sinabi ni Van. May pagkaisip-bata talaga niya. Napaisip tuloy siya kung ito ba talagang bampirang kaharap niya ang namumuno sa lahat ng angkan ng bampira. "Let's get this over with."

"Masyado ka naman atang nagmamadali?"

"Gusto na kasi kitang talunin nang mabilisan." Pagkatapos sabihin 'yon ni Cross ay sumugod na siya kay Van.

Hindi niya ipinahalata ang pagkabigla niya sa anyo ni Van. Hindi normal sa isang Legendary Vampire ang magkaroon ng pakpak. Kung tama ang kaniyang hinala ay si Van ang huling Legendary Vampire na isisilang kaya siya ang mapalad na magkaroon ng ganitong anyo.

Nabasa 'yon ni Cross sa libro at maaaring si Van din ang makapagpalabas ng secret ability ng mga Walker. Kahit alam niyang wala siyang laban sa kapangyarihan ni Van ay kampante pa rin siya sa kaniyang sarili. Ibubuhos niya ang lahat niya para lang maipakita na malakas siya at kaya niyang talunin si Van.

Sumuntok si Cross at napalibutan ng green na aura ang kaniyang kamao habang palapit sa mukha ni Van. Nanlaki ang mga mata ni Van sa kaniyang nakita. May aura ang kamao ni Cross at ngayon ay alam na niya ang kapangyarihan nito.

Nakailag siya sa suntok ni Cross. Ginamit niya ang kaniyang pakpak para mabilis na makagalaw. Pinahaba niya ang kaniyang kuko at mabilis na lumipad sa kinatatayuan ni Cross. Kinalmot niya ang mukha ni Cross at nagkaroon ang pisngi niya ng tatlong mahahabang hiwa. Pinaulanan niya ng kalmot ang buong katawan ni Cross hanggang sa mapuno ito ng kalmot at nagkagutay-gutay na rin ang kanyang damit.

Sinipa ni Van si Cross sa kaniyang tiyan dahilan para tumilapon ito at mapahiga sa lupa. Hinahabol nila pareho ang kanilang hininga.

Naikuyom ni Cross ang kaniyang palad. Hindi siya dapat matalo ng ganito.

Nagconcentrate siya at pinakalma ang sarili hanggang sa maramdaman niya ang pagdaloy ng kapangyarihan. Ramdam din niyang nawawala na ang hapdi ng kalmot ni Van na ibig sabihin lamang ay unti-unting naghihilom ang kaniyang sugat.

Pinanood na lamang muna ni Van si Cross na tumatayo at napapalibutan naman ng green na aura. Mas lalong lumalaki ang katawan nito at nanlilisik ang mga mata.

Napangisi na lamang siya dahil sa layo ng pagitan nilang dalawa ay ramdam niya ang kapangyarihan ni Cross. Para sa kaniya ay magiging masaya ang laban na ito pero gusto na niya itong matapos bago mag-umaga. Hindi nila puwedeng patagalin ang laban na ito dahil baka hanapin siya ni Kisha. Siguradong magagalit 'yon kapag nalamang naglalaban silang dalawa ng wala siyang alam.

Mabilis na sumugod si Cross sa kaniya at nagpakawala ng mabibilis na suntok na mabilis din naman niyang naiiwasan. Lumipad siya at bumulusok pababa. Hinawakan niya ang kwelyo ni Cross at inilipad sa langit. Bumaliktad siya at pabulusok muling bumaba habang hawak si Cross.

"Shit! What are you planning?!"

"I'll break your bones into pieces."

Bumulusok na nga pababa si Van at bago pa siya tumama sa lupa ay binitawan niya si Cross sanhi ng pagkabagsak nito. Nagkaroon ng malaking crater ang lupa kung saan nakadapa si Cross at walang malay.

Dumudugo ang ulo nito at bahagi ng mukha dahil sa kaniyang pagbagsak. Maaari ring may nabaling buto sa kaniya.

Lumapit si Van sa kinahihigaan ni Cross. Wala pa rin itong malay. Sinigurado naman niyang hindi niya ito napatay dahil wala naman siyang balak patayin ito. Baka hindi na maatim ng konsensya niya kung sakali.

Tatalikod na sana si Van para umalis pero nanlaki ang mga mata niya nang may sumupa sa likudan niya. 'Agad siyang lumingon at nakita si Cross na hinahabol pa rin ang hininga pero mabagal ang paggaling ng sugat niya. Siguro ay nanghihina na tin ito.

"Hindi ako basta-basta magpapatalo," mariing sabi ni Cross.

Hindi na lamang umimik si Van dahil gusto na talaga niyang matapos ang laban na ito.

Sumugod sa kaniya si Cross at sumuntok na naman ito ng sunod-sunod na halos hindi niya makita ang direksyon ng kamay nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang matamaan ng mga nag-aalab na suntok ni Cross. Sobrang lakas ng suntok ni Cross na kung sakaling normal na tao ka lang baka mamatay ka kaagad.

Sinipa siya ni Cross sa kaniyang tiyan at tumilapon siya at napatama ang likod sa may puno.

'Agad namang tumakbo palapit sa kaniya si Cross at itinaas siya gamit ang isang kamay lang.

Itinaas naman ni Cross ang isa niyang kamay na napapalibutan ng green na aura at handa nang suntukin si Van. Sisiguraduhin niyang mababasag ang panga nito sa gagawin niya.

Hawak ni Van ang kamay ni Cross na nakasakal sa kaniya. Nanghihina na rin siya dahil sa sobrang laking halaga ng kapangyarihan na nagamit niya at hindi pa sanay ang sistema niya sa ganitong klaseng laban.

Susuntukin na ni Cross si Van nang maramdaman niyang parang napapaso ang braso niya pero sa isang bahagi naman ay nagyeyelo. Napatingin siya sa kamay ni Van. Ang kanang kamay nito ay nag-aapoy, ang kaliwang kamay naman ay nagyeyelo. Nakapikit lamang si Van at parang walang alam sa ginagawa niya.

Nabitawan ni Cross si Van at dumausdos ito paupo sa lupa habang nakasandal sa puno.

Hinawakan niya ang kaniyang braso. Nasunog ang kaniyang balat at katabi nito ay may namuong yelo.

Hindi siya makapaniwala. Ito na ba ang secret ability ng mga Walker? Nabasa niya sa libro na may labing-limang clan ang mga bampira at may iba't-iba itong abilidad. Kung hindi siya nagkakamali ay sa mga Phoenix ang abilidad na gumawa ng apoy at sa mga Frost naman ang gumawa ng yelo.

Iminulat ni Van ang kaniyang mga mata. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari, may kung mainit sa kabila niyang kamay at sa kabila naman ay malamig.

Tiningnan niya ang kaniyang kamay at nagbalik siya sa huwisyo nang makitang nag-aapoy at nagyeyelo ito. Dahan-dahan siyang tumayo at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Bakit ganito? Walker siya, hindi siya Phoenix o kaya Frost. Paanong nangyari ito?

Tumingin siya kay Cross na nasa harapan niya na parang hindi rin makapaniwala sa nangyari.

"Damn it!" bulalas ni Cross bago sumugod ulit sa kaniya.

Nagulat siya sa ginawa ni Cross na bigla-biglang pagsugod kaya hindi 'agad malaman ni Van ang gagawin. Hindi niya alam ang mga sumunod na nangyari pero nawala ang apoy at yelo sa kaniyang kamay at napalitan naman ito ngayon ng kuryente. Bolta-boltaheng kuryente ang lumabas sa kaniyang kamay at nang malapit na sa kaniya si Cross ay ginamit niya iyon para pigilan si Cross. Sinuntok ni Van si Cross sa tiyan at dumaloy ang kuryente sa katawan nito.

Sunod na nangyari ay mabilis na naglaho ang kuryente sa kaniyang kamay at napalitan naman ito ng tubig. Naipon ang tubig sa kaniyang palad at naging bilog. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya. Naghahalo-halo ang iba't-ibang supernatural na abilidad ng ibang Vampire Clan sa kaniya.

Tuluyan nang nawalan ng malay si Cross marahil sa tama ng suntok sa kaniya ni Van na may kasamang kuryente. Marahil ay nagkaroon siya ng internal bleeding o 'di kaya naman ay nasunog ang laman niya dahil sa atake ni Van.

"Panalo na ba ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

"Nakakamangha naman ang kapangyarihan mo, Van."

Napalingon si Van sa pinanggalingan ng boses at nakita si Israel na papalapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Masama bang manood ng laban niyo?"

Tiningnan niya lang nang masama si Israel.

"May clue ka na ba kung ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Napatingin siya kay Israel na seryoso ring nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung ano'ng nangyayari sa kaniya. Wala siyang maisip, hindi naman niya akalaing may kapangyarihan siya kagaya ng ibang clan.

"Wala. Hindi ko alam."

"Kailangan mong alamin, Van, dahil naghahanda na ang kalaban."

Naguluhan si Van sa sinabi ni Israel pero bago pa niya matanong ito ay mabilis itong umalis. Nadagdagan na naman ang kaniyang iniisip. Hindi na niya maintindihan si Israel. Sa pagkakaalam niya ay si Israel ang kalaban, bakit niya kailangang sabihin na naghahanda na siya?

Ipinilig ni Van ang kaniyang ulo at naisipan na lamang na lumapit kay Cross. Tapos na ang laban at hindi niya puwedeng basta-bastang iwan si Cross dito.

Bago pa niya maakay si Cross ay may pumigil na sa kaniyang braso.

"Ako na ang bahala sa kaniya," wika ni Ivan. Inalalayan na niyang tumayo si Cross. Medyo nagkakamalay na ito pero hindi pa niya maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata.

"Babalikan kita, Cross, at tatalunin kita sa susunod," sabi ni Cross kahit nahihirapan na siyang magsalita dahil sa kaniyang kondisyon.

Inilahad ni Van ang kaniyang kamay. Nakangisi naman itong tinanggap ni Cross. "Get stronger, Cross."

"Mauna na kami, Van." Tumango lamang si Van kay Ivan at pinanood silang maglakad hanggang sa dala ni Ivan na kotse.

Naglakad na tin siya pabalik ng mansyon. Mag-uumaga na at ilang minuto na lamang ay sisikat na ang araw.

NAGISING ako nang maramdaman kong may humahalik sa leeg ko. Kinuha ko ang kumot ko at nagtaklob. Ang aga-aga nanggugulo itong si Van!

"Kisha," he whispered sexily.

"Inaantok pa ako, Van Rei Isaac Fenier Walker. Magtigil ka," I said in a warning tone. Buong-buo 'yan para damang-dama niya!

"Sungit."

Hindi na niya ako kinulit pa at nanatili na lang sa tabi ko. Nakapikit lang ako pero hindi na ako makatulog. Inalis ko na ang pagkakataklob ko ng kumot at humarap sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kisame at mukhang pagod na pagod. Buong gabi naman siyang natulog, ah? Ba't ang itim ng ilalim ng mga mata niya?

"Van, hindi ka ba nakatulog kagabi?"

Naging mailap ang kaniyang mga mata. "Hindi, eh. Hindi ko alam kung bakit."

Hindi ko na lang pinansin ang pagiging uneasy niya. Siguro nga ay hindi lang siya talaga makatulog.

Iniba ko na lang ang usapan. "Dadating na nga pala ang Archer Brothers, hindi ba?"

"Oo nga pala. Nakalimutan ko." Humarap siya at seryosong tumingin sa 'kin. " 'Wag kang masyadong lalapit sa magkakapatid na 'yun. Masyado silang delikado."

"Bakit naman?"

"Kagaya ng sinabi ni Jick, mahilig sila sa mga pranks, may pranks na nakakatawa, may pranks na maiinis ka talaga at kung sasamain, may pranks din silang nakakamatay."

I gulped. "Nakakamatay?"

"Sabagay, ginagamit lang naman nila 'yun para sa mga kalaban pero siguradong pagkadating nila mamaya may pranks na 'agad silang gagawin."

Bigla naman akong kinabahan. Ano kayang itsura ng Archer Brothers?! Siguradong nakakatakot sila! Hindi na lang ako lalabas ng kwarto kapag dumating sila para ligtas ako sa pranks! Natatakot ako sa puwede nilang gawin!

" 'Wag kang mag-alala. Hindi ko naman sila hahayaang lumapit sa 'yo." He smiled.

Napatitig na lang ako sa mukha ni Van. Kahit talaga mukha siyang puyat ang guwapo pa rin niya. Ang kinis-kinis ng mukha niya, ang tangos ng ilong, 'yung sexy jawline niya at 'yung labi niya na para bang laging nang-aakit. At syempre, mawawala ba naman ang 8-pack-abs niya! Para sa 'kin, walang-wala si Edward Cullen dahil hindi na kailangan ni Van na magpa-araw para magsparkle dahil sa looks pa lang niya nagspasparkle na siya!

"Done memorizing my face? Kung gusto mo namang mag-sex tayo okay lang." He winked then smirked.

Hinampas ko naman siya ng unan at bumangon na.

"Manyak ka talaga."

"Hindi makukumpleto si Van Walker kapag walang kamanyakan, Kisha." Bumangon na din siya at inilapit ang mukha sa 'kin. "Wala bang good morning kiss?"

Napatitig ako sa mga mata niya, para akong hinihigop! Bumaba ang tingin ko sa labi niyang parang cherry sa sobrang pula.

Muli akong tumingin sa kaniya at napansin kong nakatitig din siya sa labi ko. Inilapit pa niya lalo ang mukha niya sa 'kin at maglalapat na ang labi namin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tukmol na sina Jack at Jick.

"Nandito na ang Archer Brothers!"

Napalayo ako kay Van pero binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi at lumapit siya sa aking tainga.

"Itutuloy natin 'to mamaya." Tumayo na siya para harapin ang dalawang tukmol. "Nasaan sila?"

"Nasa living room," nakangising sagot ni Jack.

"Good morning, Kisha!" Tumakbo palapit sa 'kin si Jick habang nakaspread pa ang dalawang kamay na para bang yayakapin ako pero bago pa niya magawa 'yon ay sinakmal ng palad ni Van ang mukha niya.

"Sinong may sabi sa 'yong puwede mong yakapin si Kisha? 'Di ba nasabihan na kita?" Matalim siyang tumingin sa kawawang si Jick.

"Sorry na, ito na nga aalis na." Lumakad palayo si Jick. "Kita mo naman, 'di ba? Lalabas na ako." Tumakbo siya palabas ng pinto pero masama pa rin ang tingin ni Van.

"Susundan ko na si kambal. Masyado mo namang tinatakot, eh. Yayakapin lang naman si Kisha. Ako ba, puwede?"

"You punk!" Susugudin na sana ni Van si Jack pero kumaripas na ito ng takbo palabas.

Naiiling na lang ako habang nakangiti. Pumunta na ako sa banyo at naghanda ng aking sarili. Hindi naman ako puwedeng humarap sa mga bampirang 'yun ng may muta at panis na laway pa. Nakakahiya. Naligo na ako at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Van.

Lumabas na rin ako ng kwarto at naglakad tungo sa living room. Naabutan ko naman ang mga Nobles sa likudan ni Van na nakaupo sa couch.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang tatlong naggagwapuhang nilalang sa harapan ni Van. Sila na ba ang Archer Brothers? Akala ko mga mukha silang halimaw base sa mga nakwento ni Van pero ang gaguwapo nila! Bakit pa ba ako nagulat? Halos lahat ng bampirang nakita ko ay talaga namang napakagaganda at napakagaguwapong nilalang.

"Kisha, come here," sabi ni Van kaya napatingin ang tatlo sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Van at isa-isang tiningnan ang magkakapatid na ngayo'y nakangiti sa 'kin.

"Siya pala ang nababalitang kasintahan mo, Van, magaling kang pumili," sabi ng nasa gitna sa kanila. "Kami nga pala ang Archer Brothers. Ako si Trey, ang pinakamatanda sa kanila."

"Ako naman si Tres, ang padalawa," sabi ng nasa kanan ni Trey.

"At ako naman si Tred, and obviously, ang bunso," pagpapakilala naman ng nasa kaliwa ni Trey.

Ngumiti ako sa kanila. "Kisha Louise Madrigal," maikling pakilala ko sa kanila.

Kinilabutan naman ako nang sabay-saby silang ngumisi.

"Ah nga pala, nilagyan namin ng time bomb 'yang inuupuan niyo ni Van," sabi ni Trey.

Nanlaki ang aking mga mata at nagkatinginan kami ni Van.

"Shit!" Van held my waist and jumped far away from the couch.

Lumayo rin ang mga Nobles sa inuupuan naming kanina pero ang Archer Brothers ay prenteng nakaupo pa rin sa couchl. Hindi man lang sila natitinag.

Laking pagtataka ko nang bigla silang humahalpak ng tawa. Hawak pa nila ang kanilang tiyan habang hinahampas ang kanilang mga hita.

"What the fuck, Archer Brothers?! Gusto niyo bang gilitan ko kayo?!" galit na sigaw ni Van kaya napatigil sa pagtawa ang tatlo.

Tumayo sila at nagbow kay Van.

"Paumanhin, sadyang gano'n lamang kami at hindi namin iyon maiiwasan," sabi ni Trey. "Pero seryoso kaming may bomba at sasabog na siya ngayon din."

Bago pa naming maproseso ang sinabi ni Trey ay dumagundong ang buong mansyon dahil sa pagsabog. Mabuti na lang ay naitalon ako kaagad ni Van sa ikalawang palapag ng mansyon. Napuno ng usok ang buong living room dahil sa pagsabog.

My jaw dropped and my eyes widened in shock. Seryosong nilagyan talaga nila ng bomba ang couch to think na kadadating lang nila?! Oh, God.

Tumingin kami sa Archer Brothers na nagpipigil ng tawa. Napahawak na lang ako sa 'king mukha. Ano ng mangyayari sa buhay ko sa mga susunod na araw ko rito sa mansyon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com