Chapter 27
Chapter 27
Kisha versus the Archer Brothers
Mga ingay sa labas ang gumising sa napakhimbing kong tulog. Since wala si Van simula pa kagabi dahil sa pagtawag ng council sa kaniya, nagagawa ng mga loko-lokong Archer Brothers ang gusto nila.
Wala pa ako sa sarili nang bumangon ako. Lumakad ako papunta sa pinto para silipin kung buhay pa baa ng mga kasama ko sa mansyon. Pagbukas ko nito'y nagising ang diwa ko nang maramdamang may bumuhos na tubig sa buong katawan ko. Take note! May kasama pang yelo!
"What the hell?!" sigaw ko.
Pagtingin ko sa harapan ko'y halos hindi na makahinga ang Archer Brothers dahil sa pagtawa.
"Letchugas barabas hestas! Mga anak kayo ni Hudas! Tingnan niyo ang ginawa niyo sa 'king mga nilintikang mga bampira kayo!" I screamed at the top of my lungs.
Magbiro na sila sa lasing, 'wag lang sa bagong gising! Ang sarap ng tulog ko tapos magigising ako dahil sa ingay at nang tingnan ko kung ano'ng nangyayari, ganito ang gagawin nila sa 'kin? Sobrang nakakairita!
Natigilan sila dahil sa outbursts ko.
"O, ano pang tinatanga niyong tatlo riyan?! 'Wag niyo nga akong dinadamay sa mga pranks niyo! Buwisit!"
Pabagsak kong sinarado ang pinto at nag-ayos na ng sarili ko. Nakakainis! Bitin na bitin ang tulog ko! Masyado akong napuyat kay Van kagabi! Aba! Ikaw ba naman ang kulitin nang kulitin, sino ba'ng hindi bibigay?! At nakabalandra na 'yung abs niya, tatanggi pa ba ako?!
Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Ayaw ko mang lisanin ang kwarto namin ni Van pero kumukulo na talaga ang tiyan ko. Makikipagsapalaran na lang akong tahakin ang hallway sa mansyong ito para makapunta sa dinning hall na hindi namamamatay. Baka kasi may mga traps o kaya naman bomba rito dahil sa tatlong itlog na 'yun! Ang drop dead sexy pa naman nila! Ang tatangkad nila, guwapo at saka ang ninipis ng t-shirt nila kaya bumabakat ang mga muscles nila at for sure may abs din sila. The thing is, para silang mga bata na gumagawa ng pranks?! Ay nako, super turn off!
"Be careful!"
Napalingon ako sa likudan ko at nakita si Tres na nakangisi. "H-Huh? Anong sinasabi mo?"
He just shrugged his shoulders.
Napanganga na lang ako at napatitig sa kawalan nang biglang may lumipad na pana sa harapan mismo ng mukha ko. Dahan-dahan kong ipinaling ang ulo ko sa kaliwa at nakita ang pana na nakatusok sa dingding. Napatingin naman ako sa tinatapakan ko at may square na nakalagay tapos may tali papunta sa kabilang dingding.
"I told you, be careful."
Naikuyom ko na lang ang palad ko at masamang tumingin kay Tres na kasama na ngayon si Trey at Tred.
"Mga immature!! Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niyo, ah! Paano kapag tumama sa ulo ko 'yung pana na 'yun?! Ha?!"
"You'd be dead," sagot nila sa tanong ko na para bang 1 plus 1 lang 'yung tanong ko.
Lumapit ako sa kanila at kinwelyuhan ko ang pinakamatanda sa kanila na si Trey. Siya ang Kuya kaya dapat hindi niya tinotolerate ang mga nakababatang kapatid niya at dapat hindi siya ang nagsisimula ng ganitong klaseng pranks kasi baka makasakit na sila ng inosente or worst makapatay pa sila!
"Tigilan niyo ako sa mga pranks niyo dahil hindi nakakatuwa," mariin kong sabi sa kaniya habang tinitingnan sa mga mata. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para ganituhin siya, siguro dahil sa sobrang inis. Ni wala akong maramdaman na kaunting takot knowing na kaya nilang magbura ng memorya.
Nakatingin lang sa 'min ang dalawa at ngumisi naman si Trey.
"You're pretty tough, now I know why Master Van chose you," sabi niya.
Umakbay si Tres kay Tred. "Yeah, she's different from her, what's her name again?"
"I think it's Jullia," sagot naman ni Tred.
Binitawan ko na ang kwelyo ni Trey. "Kilala niyo si Jullia?"
Ngumisi si Tred sa 'kin. "Sort of? Well, we tested her, she's also tough but you're tougher."
Hindi ko na sila kinausap pa. Dumeretso na lang ako sa dinning hall para kumain. Pagdating ko roon ay tanging mga butlers lang ang naabutan ko. Mas lalo tuloy naging mukhang malawak ang dining hall kapag kakaunti ang nandito.
"Nasaan ang mga Nobles?" tanong ko.
"Kasama nila si Van papuntang Council," sagot ni Tred na sumunod pala sa akin kasama ang dalawa.
Umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. Nagsialisan naman ang mga butler, hindi ko alam kung bakit, usually nakatayo lang sila at nanonood habang may nakain pero bakit sila umalis? Ang nakahanda naman ngayon ay simpleng fried rice lang, hotdog, ham at sunny side up. Ang Archer Brothers naman ay nasa harapan ko at nakatingin lamang sa 'kin habang nagsasalin ng pagkain sa plato ko. Pare-pareho silang nakangisi kaya kinabahan ako. Baka naman nilagyan nila ng lason 'tong pagkain ko?!
Nah, hindi nila magagawa 'yun. Mapapatay sila ni Van for sure. Wala na naman siguro silang balak kasi napagsabihan ko na sila. Kapag napuno talaga ako kakatusan ko silang tatlo. Napaka-isip bata. Nakakainis.
Sumubo na ako at nang nalasahan ko ay halos maluha ako kasi sobrang anghang!
"Ang anghang! Ano ba 'to?! Shit!"
Pinaghahampas ko na 'yung lamesa dahil kailangan ko ng tubig! Sinasabi ko na nga ba!! Bakit ko pa kasi kinain, eh!?
Tiningnan ko nang masama ang Archer Brothers na nagpipigil na ng tawa ngayon. Tumulo na ang luha sa mata ko dahil sa sobrang anghang! Parang sinisilaban ang bibig ko!
"What the hell are you looking at?! Get me some water, you bastards!"
Hindi ko na talaga mapigilang hindi magsabi ng ganyan sa sobrang inis sa tatlong itlog na 'to! Seriously?! Iniwan ako nina Van at ng mga Nobles sa tatlong 'to?! Ayos sana kung kahit isa man lang sa mga Nobles ang nagpaiwan! Balak ba talaga nila akong patayin?!
Sabay-sabay naman silang tumayo at ineexpect ko na magmamadali sila para kumuha ng tubig pero anong ginawa nila? They stuck their tongue out then run towards the door! You'll pay for this Archer Brothers!!
Punyeta lang ang walang ganti!
Dali-dali naman akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig pero mas lalo yatang umanghang! Bahala na! Uminom ako ng tubig, juice at soft drinks! Buti naman nawala na 'yung anghang sa bibig ko. Grabe, pinagpawisan at sinipon ako do'n, ah!
Tingnan lang natin, Archer Brothers, gusto niyo ng laro? Sige lang. Pagbibigyan ko kayo.
TULUYAN nang pinakawalan ng Archer Brothers ang tawang kanina pa nilang pinipigilan. Masyado silang natutuwa sa pagpapahirap kay Kisha. Gusto nilang makita kung hanggang saan ang kaya nitong tiisin. Wala pang nakakatiis sa mga pranks nila kaya si Kisha ang ginawa nilang test subject.
"Did you guys see her face? It's priceless!" Pabagsak na umupo si Tred sa kama, humahangos pa siya dahil sa sobrang pagtawa.
"I'd love to see that again!" bulalas ni Trey. "She's really something, huh? I want to try all my pranks on her."
Humiga si Tres sa kaniyang kama at tumingin sa kisame. "Let's plan our next prank! I wanna see her cry!"
Humalumbaba si Tred habang nakadapa sa couch. "Mukhang masaya 'yang naisip mo, Tres. Kaso paano 'pag nalaman ni Master Van? He'll kill us for sure."
Kahit na puro kalokohan ang tatlo, hindi pa rin nawawala sa kanila ang takot kay Van lalo pa ngayon na mas malakas na ito kaysa sa dati. Iniisip pa lang nila ang magiging reaksyon ni Van kapag nalaman niyang ganito ang nararanasan ng kasintahan niya dahil sa kanila ay sapat na para magbigay ng kilabot sa kanila.
"Bakit naman natin ipapaalam? Pagkatapos natin siyang mapaiyak, burahin na natin sa alaala niya ang ginawa natin tapos palitan natin ng mas maganda. 'Yun bang magseselos si Master Van," nakangising sabi ni Trey.
"Kuya naman! Gusto mo talagang mamatay sa mga kamay ni Master Van, ano?! Ano ba 'yang naiisip mo?" Naiiling si Tred pero sa loob niya'y hindi na siya makapaghintay sa puwede nilang gawin.
Hindi pinansin nina Trey at Tre sang hinaing ni Tred.
"Ganito na lang, pahirapan natin siya buong araw. How about put some insects in her clothes?" Humawak si Trey sa kaniyang baba habang nag-iisip. "No, that's too boring. How about frogs?"
"Yeah! Most of the girls are afraid of frogs!" Napaayos ng upo si Tred dahil sa suggestion ng kapatid.
"Eh, 'di takot ang mga babae sa 'yo? Mukha kang palaka, eh," pang-aasar ni Tres.
Nakatanggap naman siya ng malakas na batok mula sa kapatid.
"Aray! Nagbibiro lang naman, eh."
"Next time na magjojoke ka, 'yung nakakatawa, ha?"
"Tama na nga 'yan, mag-isip na kayo ng mga puwedeng gawin sa kaniya."
Muling nafocus ang kanilang atensyon sa pag-iisip ng puwedeng i-prank kay Kisha. Madami na silang nabiktima sa Europa noon pero iba ang dalang excitement sa kanila ni Kisha. Tuwang-tuwa sila sa reaksyon nito kaya naman mas lalo silang ginanahan.
"Teka, may naisip ako. Paano kung pasabugin na lang natin ang kwarto ni Master Van?" suhestiyon ni Trey.
"Masyadong boring," sagot naman ni Tred.
Umiling-iling si Trey bilang hindi pagsangayon sa sinabi ni Tred. "Lagyan natin ng marbles ang buong sahig para kapag lumakad siya madudulas siya o kaya balat ng saging?"
This time, si Tres naman ang umiling. "Mahahalata niya 'agad 'yung mga marbles sa sahig. For sure, magkukulong 'yun sa kwarto niya. Eh kung hagisan natin ng stink bomb?"
Sabay-sabay na napangisi ang tatlo sa naisip nilang magandang ideya. Hindi sila nag-aksaya ng oras. Nagtungo sila sa balcony ng kwarto nina Van at Kisha. Hindi lang nila makita ang loob dahil may nakaharang na makapal na kurtina mula sa loob.
"Wala yata siya rito," sabi ni Tres habang pilit na sumisilip sa maliit na siwang.
"Imposible, kasasabi lang nung butler na kapapasok lang niya, eh." Tinabig ni Trey ang mukha ni Tres para siya naman ang sisilip sa maliit na siwang.
Tred clicked his tongue in annoyance. "Eh, kung buksan mo na 'tong glass door at itapon sa loob 'yang stink bomb?"
Binuksan na ni Tres ang pintuan pero nanlaki ang mga mata niya ng biglang may lumipad na vase papunta sa mukha niya kaya umiwas siya at gumulong papasok ng kwarto. Sumunod naman sina Trey at Tres sa loob pero biglang nagsara ang pinto sa balcony at namatay ang ilaw sa kwarto.
"Shit! Wala akong makita!" sigaw ni Trey. Kahit ang matalas niyang mga mata ay walang makita sa sobrang dilim. " 'Wag mo ngang pisilin ang puwet ko, Tred!"
"Sorry! Akala ko mukha mo, eh!"
"Arggh! Ano bang nangyayari?! Di kaya–"
Bago pa maituloy ni Trey ang kaniyang sasabihin ay nadinig nila ang malakas na sigaw ni Tres.
"May kumuha ng stink bomb sa kamay ko!"
"Ang baho!"
Nakadinig sila ng malakas na pagtawa. Bumukas ang ilaw at nakita nila si Kisha na nakatayo sa kanilang harapan habang nakasuot ng gas mask. Nakapamaywang pa ito habang humahalakhak na parang isang villain sa isang palabas.
"Ano'ng akala niyo? Kayo lang ang maalam gumawa ng prank?!"
"Pagbabayaran mo 'to!" sigaw ni Trey bago tuluyang masuka sa sobrang baho.
Hindi siya pinansin ni Kisha. Pinanood lang niya ang tatlong mahimatay sa sobrang baho. Sino ba namang hindi mahihimatay kapag amoy utot 'yung buong paligid? Sino'ng hindi masusuffocate? Tuluyang nawalan ng malay ang Archer Brothers na siyang ikinatuwa ni Kisha.
May bago na siyang motto ngayon, punyeta lang ang walang ganti.
NAGPKAWALA ako buntong hininga at ang mga Nobles nang makalabas kami sa council. Sa sobrang daming trabaho naming ginawa ay inabot na kami ng umaga.
"Nakakapagod maglibot sa buong district!" Nag-inat si Jack para mawala kahit papaano ang sakit sa mga buto niya.
"Nakakaawa ang kalagayan ng mga tao, kailangan na talagang mabura ang memorya nila sa nangyari," sabi ni Farrah habang sumispsip ng dugo mula sa isang blood bag na ibinigay sa amin ng council bilang kabayaran sa pagtulong namin.
"Basta gusto ko nang umuwi. Baka kung ano na ang ginagawa ng Archer Brothers kay Kisha." Inilagay ko ang malaking container na naglalaman ng dugo sa compartment ng aking sasakyan.
"Oh no, si Kisha!" sigaw ni Jick. "Baka dead meat na siya! Alam mo naman ang kayang gawin ng tatlong 'yun! Tandang-tanda ko kung paano nila ako isinabit ng patiwarik sa chandelier! At pinakaworst nightmare ko, pilit nila akong pinanood ng porn!"
Napailing na lang ako dahil kay Jick. Sabagay, grabeng trauma ang nakuha niya dahil sa Archer Brothers kaya nga nagkaroon 'yan ng pornophobia ika nga ni Kiel noon.
"Let's go home. We can't trust Archer Brothers," sabi ni Zick.
Nagmadali na kaming umuwi. Kaya ko naman iniwan si Kisha ay ayokong makita niya ang kabuuang kalagayan ng District namin. Mas mabuting nasa mansion na lamang siya at saka kampante pa rin akong hindi siya gagawan nang masama ng Archer Brothers dahil oras na gawin nila mapapatay ko talaga sila.
Nasabihan ko na sila bago ako umalis, siguro naman ay susundin nila ako.
Pagkadating namin sa mansion ay napansin namin ang katahimikan kaya napatakbo na lamang kami papunta sa loob. 'Agad akong pumunta sa living room at napatigil ako sa pagtakbo nang makita si Kisha na nakacross legs habang may hawak na baso ng juice. Sa harapan niya ay ang Archer Brothers na nakatali at nakatakip ang bibig?!
"A-Anong nangyari rito?" nauutal kong tanong dahil paano niya nagawang itali ang Archer Brothers?!
Tumayo si Kisha at ngumiti pero kinilabutan ako sa ngiti niyang 'yon.
"Oh! Nandito na pala kayo. Pasensya na, ah. Napuno na ako sa tatlong 'to, eh." Tiningnan niya nang masama ang tatlo. Nanlaki ang mga mata nila at nag-iwas ng tingin na para bang takot na takot. "Itinali ko na sila para wala na silang magawang kalokohan."
We're dumbfounded. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ang tapang-tapang niya o matatakot ako kay Kisha dahil kaya niyang gawin 'to?
Lumapit na kami sa kanila at umupo sa tabi niya. Hindi pa rin namin pinakawalan ang Archer Brothers dahil nararapat lang sa kanila 'yan.
"Wow, Kisha. Akalain mong nagawa mo 'to sa kanila? Amazing," hindi makapaniwalang sabi ni Jick habang hindi inaalis ang tingin sa magkakapatid.
"Paano mo sila naitali nang ganito?" Sinubukan ni Jack na hilahin ang tali ngunit sobrang higpit at kapal ng pagkakatali nito.
Tumingin kami kay Kisha at naghintay ng sagot. Muli siyang ngumisi at nagsimulang magkwento. Nang matapos siya'y hindi na namin napigilan ang tumawa.
Lumapit ako sa Archer Brothers at inalis ang tape sa bibig nila.
"Grabe, Master Van! Hindi namin inakala na may mas tuso pa sa 'min!" hinihingal na sabi ni Tred.
Napabuntong-hininga naman si Tres. "Akala ko mamamatay ako sa sobrang baho nu'ng stink bomb!"
"I couldn't believe she did this to us!" sabi naman ni Trey na masama ang tingin kay Kisha na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
Siguro ay sinagad nila masyado si Kisha kaya ganito ang nangyari sa kanila. Nakakatakot galitin si Kisha, mas mabuti nang maging malambing at mabait ako sa kaniya palagi. Kaya ngayon alam niyo na kung bakit parang under ako sa kaniya to think na ako 'yung malakas at namumuno sa buong Vampire Clan.
"I told you, don't mess with my girl. See what happened?" natatawa kong sabi sa kanila habang kinakalagan ang tali sa kamay nila.
Nang makalagan ko na ang tali nila ay nag-inat naman sila at 'agad na dumistansya kay Kisha.
"Bakit kung makalayo kayo sa 'kin parang may malubha akong sakit?" masamang tumingin si Kisha sa tatlo.
"May malubha ka ngang sakit! Sakit sa utak!" sigaw ni Tred.
Lumapit sa kaniya si Kisha at kinwelyuhan ito.
"Anong sabi mo?! Hoy! Hindi ako baliw!"
Hinawakan ko ang braso ni Kisha at inilayo kay Tred. Hindi ko inaasahang masasagad siya nang ganito. Nag-eenjoy akong makita siyang ganyan, ang fierce! Bakit kaya hindi niya i-try 'tong pagiging fierce sa kama ko?
"Tama na 'yan, Kisha." Niyakap ko siya at hinalikan ang ulo niya.
"Eh kasi 'yang tatlong bugok na itlog na 'yan, eh! Inubos ang pasensya ko!"
"Hush now. Sapat na 'yung ginawa mo sa kanila kaya okay na. Kalma ka lang."
"Ano pa nga ba?" She rolled her eyes.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Kisha at humarap sa Archer Brothers.
"Kailangan nga pala kayo sa Council. Sisimulan niyo na ang dahilan ng pagpunta niyo rito."
"Mabuti naman, para makaalis na kami rito", sabi ni Trey na matalim pa rin ang tingin kay Kisha pero si Kisha, nakangiti lang.
"Hoy babae. Sino'ng may sabing ngumiti ka ng ganyan sa kanila? Ako lang dapat ang nakakakita niyan. Inaakit mo ba sila?" mariin kong bulong sa kaniya.
Binatukan naman niya ako. " 'Wag ka ngang possessive riyan" Tiningnan niya ako nang matalim. Fine! Sabi ko nga hindi na, eh.
"Sasamahan na namin kayo sa Council," pagpepresinta naman ni Farrah.
"Sama rin ako!" sabi ni Jick na nakataas pa ang kamay.
"Pero bago kami umalis," panimula ni Tres. Lumapit silang tatlo sa harapan ni Kisha at sabay-sabay nagbow. "Isang karangalan ang makatagpo ng isang katulad mo. Walang sinoman ang nakakagawa sa amin ng gano'n at sa hindi inaasahang pagkakataon ay isa pang tao ang nakapagpababa sa isang tulad naming."
"Ngunit hindi kami nagtatanim ng galit sa iyong ginawa, kundi ay napatunayan mong iba ka," sabi naman ni Tred.
Hinawakan ni Trey ang kamay ni Kisha.
"Hoy! Sino'ng may sabing puwede mong hawakan ang kamay ni Kisha?!" Hinila ko ang kamay ni Kisha.
"Possessive," sabay-sabay nilang sabi sabay belat. Inirapan ko na lang sila. Ayoko na silang patulan.
Muli silang nagbow at nagpaalam na. Kasama nilang umalis sina Farrah at Jick. Naghihintay naman si Cross Falcon sa Council dahil kasama rin siya para mabura ang alaala ng mga tao na nabiktima sa pagsugod ng mga Insane at pagkalat ng chemical. Maayos na ang kalagayan ni Cross, ni katiting na sugat walang natira sa katawan niya.
Pagkaalis nila ay niyakap ko si Kisha at siniil ng halik ang kaniyang labi pero wala pang ilang segundo ay tumunog ang cellphone ko.
"Fuck! Who the hell is this?!" pasigaw kong sagot sa kung sino mang bastardo ang tumawag.
[Easy, Master Van! Gusto lang naming ipaalam sa 'yo na nilagyan namin ng bomba ang lahat ng kama sa mansion para hindi kayo makapagloving loving!] sabi ni Tres.
"WHAT?!"
[Ito na...sasabog na 'yan in 5...] rinig kong sabi ni Tred.
"What the fuck?! Are you serious?!"
Pero hindi nila sinagot ang tanong ko. [4...3...2...1...]
A huge explosion almost ruined the whole mansion. Nagkatinginan kami ni Kisha. I need to kill that Archer Brothers, now! But in second thought, kaya naman naming magsex kahit saan. Hindi pa naming na-try sa kusina kaya magandang opportunity 'to.
"Ano na naman 'yang iniisip mo? Hindi maganda 'yan panigurado."
"Anong hindi maganda? Ang awesome kaya. Try nating magsex sa kusina tutal wala tayong kama na gagamitin."
Imbis na matamis na oo ang isagot niya, bukol sa ulo ang natanggap ko.
"Ano bang ginagawa mo?"
Nandito pa rin ako sa loob ng kulungan ko at pinapanood ko lang si Israel na nag-aayos ng kung ano-ano. Nilagyan niya ng cover 'yung lamesa tapos may dalawang upuan doon na magkaharapan. Hindi niya ako pinapansin kanina pa, eh.
Maya-maya ay umalis siya at pagbalik niya may mga dala siyang masasarap na pagkain tapos inilapag niya roon sa lamesa. Umupo siya at humarap sa akin.
"Balak mo ba akong inggitin kaya nag-set ka ng ganyan?"
'Yung nakangiti niyang mukha kanina biglang sumimangot. "Gano'n ba talaga ang tingin mo sa ginagawa ko?"
"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Hindi ako manghuhula." I crossed my arms.
"Slow." Lumakad siya palapit. May kinuha siyang susi sa bulsa niya. Binuksan niya ang padlock at ang pinto ng kulungan ko.
"L-Laya na ko?"
"Laya ka na riyan sa kulungan mo pero sa kwartong 'to hindi."
"Akala ko pa naman..." Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na yata talaga siyang balak na palayain ako. Eh, bakit pa niya ako binuhay kung mabubulok lang din pala ako sa kulungang 'to!?
"Umupo ka na roon at kumain, alam kong puro lugaw ang pinapakain nila sa 'yo rito."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumakbo na ako palapit sa lamesa at tiningnan ang limang putahe ng ulam sa harapan ko. May dessert pa! Wala na akong pakealam kung may lason 'to, kung mamatay man ako, masarap naman ang nakain ko! At saka, mas ayos na sa 'king mamatay na lang kaysa mabulok sa kulungan! Para akong criminal, eh!
Hindi ko na siya niyaya at nagsimula na kong kumain. Nakaupo lang siya sa harapan ko at nanonood.
"Hindi ka ba kakain?"
"Hindi. Makita lang kitang kumakain busog na ako."
Napangiwi ako. "Corny mo. Gasgas na 'yan."
Iniiwas naman niya ang tingin sa 'kin. "P-Pake mo?! Kumain ka na nga lang!"
Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy ang pagkain hanggang sa maubos ko na lahat. Heaven! Wala naman akong masama na nararamdaman. Ibig sabihin hindi naman ako nalason, sa dami kong nakain dapat kanina pa ako nalason. Mas mamamatay pa yata ako sa sobrang pagkabusog, eh!
Sa sobrang kabusugan ay hindi ko na napigilang mapadighay ng sobrang lakas.
Napahawak ako sa bibig ko sabay peace. "Excuse me?"
Akala ko mandidiri siya pero humagalpak siya ng tawa na halos muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya. "Tunog balyena naman 'yan!"
Napatitig na lang ako sa mukha niya habang tumatawa. Ang saya-saya niyang tingnan. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Akalain mong mas guwapo pala siya kapag masaya? Palagi siyang seryoso kapag kasama niyang napunta rito si Victoria. Pero ngayon, parang malaya niyang nagagawa ang gusto niya. Malaya niyang ipinapakita ang mga sides niya.
Shit! Makatibok ka naman, heart, wagas! Masama 'to. Ganito 'yung naramdaman ko kay Van noon. Hindi puwede! Baka sa sobrang dami ko lang nakain kaya nagkakaganito si heart! Tama, masyado lang akong busog. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano.
Tumigil na siya sa pagtawa kaya 'agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
"Tara?"
"H-Huh? Saan naman?"
"Ipapasyal kita." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
"L-L-Lalabas tayo?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"S-Syempre gusto ko!"
Kung lalabas kami sa kwartong 'to, may pagkakataon akong tumakas. Ayokong makulong dito, at kung plano ng Diyos ang lahat ng ito, susulitin ko na ang pagkakataon na ibinigay Niya. Una kong pupuntahan si Kuya at sunod si Van dahil gusto kong makilala ang babaeng mahal niya at–
"I trust you, Jullia."
Napatingin naman ako kay Israel na hawak pa rin ang kamay ko at hinihila ako palabas. Hindi siya nakatingin sa akin pero kita kong nakangiti siya.
He...trusts me?
Bigla namang sumikip ang dibdib ko. Gusto ko siyang takasan pero bakit parang may nagsasabi sa 'king 'wag kasi may tiwala siya sakin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com