Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

Disaster Date

"I'll pay for it," walang emosyong sabi ni Cross habang hawak ang kaniyang black card.

"Ano'ng kala mo sa 'kin? Walang pera? Ako ang magbabayad." Pabagsak na inilagay ni Van ang sarili niyang black card.

Inirapan siya ni Cross. " 'Wag na, baka ikahirap mo pa."

"Sino ba kasing may sabi na sumama ka sa date naming ni Kisha?"

Napafacepalm na lang ako dahil sa dalawa. Simula nang dumating kami rito sa mall at nakita namin si Cross ay ganito na ang nangyari. Ang liit nga naman ng mundo. Paano nga ba kami nahantong sa ganito?

"Kisha, date tayo?"

"Huh? Ano namang nakain mo?"

Biglang siyang sumimangot. "Masama bang magyaya ng date? Hindi na kasi tayo nakakalabas, eh."

Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Ang totoo n'yan, excited na ako. Palagi na lang akong nasa mansyon tapos busy pa siya sa pag-aasikaso sa District. Napawi na ang alaala ng mga tao sa District 1 tungkol sa mga nakaraang nangyari kaya nagbalik na ulit ang lahat sa dati na parang normal lang at sa awa ng Diyos ay umuwi na ng Europe ang Archer Brothers.

Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang pisngi. "Tampo ka na? Syempre naman gusto ko." I smiled.

Namula naman ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Akalain mong cute pala si Van pag nagbablush? Para na siyang kamatis! Pati tainga niya ang pula!

"M-Mag-ayos ka na para makaalis na tayo 'agad."

"Namumula ka, Van! Gano'n na ba ko kaganda para maapektuhan ka nang ganyan?"

Tumingin siya sa 'kin pero ang pula pa rin ng mukha niya. "H-Hindi naman ako namumula, ah! Sige, simulan mo 'ko, paniguradong hindi tayo makakaalis dito." Ngumisi siya.

'Agad naman akong tumayo at lumayo ng konti sa kaniya. Ang mga ganyang pagngisi ni Van ay hindi dapat pinagkakatiwalaan dahil sa likod niyan ay may masama siyang binabalak na ikasisira ng date naming dalawa. Kilala ko na ang utak ng bampirang 'yan, paliko-liko ang takbo.

"Maliligo na nga ako!" Lumakad na ako papunta sa banyo.

"Sabay na tayo!"

"Ayoko nga!" Tumakbo ako papasok ng banyo at inilock 'agad iyon para sigurado.

Nagsimula na akong maligo at nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Van na may hawak na susi! Walanghiya! Kukuhanin ko pa sana 'yung tuwalya para itapis sa sarili ko pero nakalapit na siya sa 'kin.

He pinned me on the wall and crashed his lips to mine then it all went down from that.

PAGKADATING namin sa mall ay nakasalubong namin si Cross.

"I'll join you," anunsyo niya nang makalapit siya sa 'min.

Nagngitngit naman sa galit si Van. "Anong join sinasabi mo? Date namin 'to, ulol."

Hindi siya pinansin ni Cross at tuloy lang sa pagsama sa amin kahit halos magpalit na sa Legendary Mode si Van sa sobrang inis.

"Ako na nga sabi, eh!"

Hindi pa rin sila tumitigil sa pagtatalo kung sino ang magbabayad.

"Ako na lang kasi, bakit ba ayaw mong pumayag?!"

"Baka nakakalimutan mong third wheel ka lang sa date naming 'to kaya wala kang karapatan."

"Gagawin ko kung ano'ng gusto ko."

Nagtitigan sila nang masama na kulang na lang ay labasan na ng kuryente ang mga mata nila. Ang pinag-aawayan nila ay ang pagbabayad ng kinain namin. Nandito kami sa isang restaurant at kasalukuyang pinagtitinginan ng maraming tao dahil sa dalawang tukmol na 'to.

"Uh, Sir? Sino po ba talaga ang magbabayad?" tanong nu'ng manager. Siya na ang lumapit kasi natatakot na 'yung ibang empleyado dahil sa dalawang 'to.

"Ako," sabay na sabi nilang dalawa with matching death glare sa manager kaya halatang-halata na takot na talaga siya.

Muling nagkatitigan nang masama sina Van at Cross samantalang nauubusan naman ako ng pasensya sa dalawa. Para silang bata na hindi magkasundo dahil sa bato-bato-pik.

Tumayo ako, itinaas ang dalawa kong kamao at sinuntok ko silang dalawa sa ulo kaya halos mapasubsob na silang dalawa sa lamesa dahil sa lakas ng suntok ko.

"Why did you do that?!" sigaw nilang dalawa sakin.

Nahugot naman ng mga tao ang kanilang hininga at mas lalo tuloy na napunta sa amin ang atensyon pero wala na akong pakealam. Kailangan ko na talagang patahimikin ang dalawang 'to.

"Ano?! May angal?!" singhal ko sa kanila.

"Sabi ko nga wala," sabi ni Van sabay iwas ng tingin.

Hindi nagsalita si Cross pero nag-iwas din siya ng tingin.

"Ako na ang magbabayad."

Inilagay ko na sa lamesa 'yung bayad at nauna na akong maglakad palabas ng restaurant. Kainis! Parang mga bata! Umalis na nga 'yung Archer Brothers, sila naman ang papalit? Lord, masyado na po ba akong masama kaya nangyayari sa 'kin 'to?

Lakad lang ako nang lakad, alam ko namang nakasunod lang silang dalawa, eh.

"Kasalanan mo 'to, eh," dinig kong sabi ni Van.

Tumawa si Cross ngunit dinig na dinig kong may kasama itong pang-uuyam. "Ikaw ang may kasalanan. Kung pumayag kang ako na lang ang magbabayad, 'di sana hindi siya nagalit."

"Ikaw 'tong sasama-sama sa 'min, eh! Kung hindi ka sumama hindi mangyayari 'to."

"Gagawin ko kung ano'ng gusto ko at hindi mo ako mapipigilan."

Hindi ko na sila pinansin. Pumasok na lang ako sa loob ng play zone. Wala naman akong balak maglaro perp nakita ko silang nagpapaunahan na para magpaload ng kanilang card. Napakamot ako sa aking ulo. Hanggang dito ba naman nagkokompetensyahan silang dalawa?

"Kisha, pumili ka na kung alin ang gusto mo," sabi ni Van habang iwinawagayway ang card.

Tumingin ako sa mga stuff toy na nakasabit at nakita ko ang malaking teddy bear. " 'Yung bear!"

"Okay, I'll get that for you." Tumingin siya kay Cross at nginisian ito. Si Cross naman ay nakasimangot. "Oy, ano? Laban tayo?"

Ang kaninang nakasimangot na Cross ay napangisi na rin. "Sure. May the best man win?"

"May the best man win."

Bigla akong kinutuban sa mangyayari pero pinili ko na lang na hindi pansinin dahil gustong-gusto ko talaga 'yung bear.

Nagsimula sila roon sa car racing at napanganga ako nang parehong-pareho sila ng score. Sumunod naman nilang nilaro ay 'yung barilan kung saan ang mga kalaban nila ay zombies. Lumamang ng ilang points si Cross.

" 'Wag ka munang magpakasaya," nakasimangot na sabi ni Van.

Sunod naman ay basketball hanggang sa nalaro na nila lahat ng puwedeng laruin dito sa play zone. Grabe ang fighting spirit ng dalawang 'to. Nag-aasaran sila habang naglalaro pero sa laro pa rin sila nakaconcentrate. Halos lahat din ng laruan na pinupuntahan nila ay sinusundan sila ng tao kasi laging tie ang score nila, may lalamang na isa pero sa sunod na laro ay makakabawi sa huli.

Pareho ang nakuha nilang points na sakto naman doon sa halaga para makuha 'yung bear. Ito na nga ba ang bunga ng kutob ko kanina.

"Ito na, Miss." Inabot ni Van ang card niya sa cashier. "Kukunin ko 'yung malaking bear."

"Hindi, Miss, ako ang kukuha no'n." Inilapag ni Cross ang card sa counter.

"Anong ikaw?! Hoy, ako ang nagpangako n'yan kay Kisha!"

"Hindi ka pumangako, you didn't even say promise."

Hindi ko na sila pinakealaman at pumunta muna ako sa pinakamalapit na comfort room ngunit pagbalik ko, tuluyan nang naputol ang sinulid ng aking pasensya.

"Anong nangyari?!" sigaw ko habang nakatingin sa teddy bear.

Hawak ni Van ang kalahating bahagi ng bear at ang isa naman ay kay Cross na para bang nag-agawan sila. Hindi pala parang, nag-agawan talaga sila.

"Ma'am, pinag-agawan po nila, eh," namumutlang sabi ng babae sa counter.

Huminga ako nang malalim at tumalikod na sa kanilang dalawa. Gustong-gusto ko pa man din 'yung bear tapos sinira nilang dalawa dahil lang sa pinag-agawan nila?! Sira na ang mood ko. Ayoko na.

"Kasalanan mo na namang Cross ka! Nakipag-agawan ka pa kasi, eh!" sigaw ni Van.

Napangiwi ako nang makita ang ilang mga tao na napapatingin sa amin dahil sa kanilang dalawa.

"Lamang ako sa 'yo ng isang point kaya dapat ako ang makakuha no'n," pakikipagbangayan pa rin ni Cross.

"Gusto mo talagang ma-sample-an, ano?"

"Heh, try me"

"Suntukan gusto mo?"

"Patayan na lang."

Tumigil ako sa paglalakad at naikuyom ko na lang ang kamao ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinagat ang ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko.

"Patayan? Sounds fun. Bakit hindi natin subukan ngayon na?"

"Sa tingin mo ba aatrasan kita?"

That's it! Humarap ako sa kanila at tiningnan sila nang masama. Noong una hindi pa nila ako napapansin pero nang mapatingin sila sa direksyon ko ay natigil sila sa pag-aaway.

"Hindi ba talaga kayo titigil?"

Pareho silang hindi sumagot.

"Sagot!"

"Titigil na!" sabi ni Van pero nakaiwas lamang ng tingin si Cross.

"Sige, mag-away kayo nang mag-away. 'Wag kayong titigil hanggat hindi niyo napapatay ang isa't-isa, ah!"

Tumalikod na ako sa kanila at lumakad nang mabilis. Kainis! Naiiyak na ako dahil sa pagkabadtrip! Bukod sa nakakahiya sa mga taong nakakarinig at nakakakita, nakakainis dahil ineexpect ko na magiging masaya ang araw na 'to pero hindi pala. Mas magandang nasa mansion na lang ako, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana ako pumayag sa lintek na date na 'to!

Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila, naglakad na lang ako nang mabilis at sumiksik sa kumpol ng mga tao. Dahil Sunday ngayon madaming tao kaya hindi nila ako kaagad makikita. Nakarating ako sa exit at sumakay na ako sa jeep. Hindi ako sa mansion tutuloy kundi sa mismong bahay ko.

Pagkarating ko sa bahay ay binuhay ko ang lahat ng ilaw at umakyat na sa kwarto. Nagpalit lang ako ng damit at sumalampak na sa kama. Naramdaman ko na lang na nagvibrate ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

Dalawang text, isa kay Cross at isa kay Van.

From: Cross Sungit

I'm sorry

Kahit sa text ang tipid niya pa rin. Sunod kong binuksan ay ang text galing kay Van. Muntik na akong mabulunan sa nabasa ko.

From: Manyak Van

Bati na tayo. I'm sorry. I love you. Mwah mwah. Tsup tsup. <3333

Binasa ko ulit 'yung text niya lalo na dun sa huling part na may heart. Nagpagulong-gulong ako sa kama habang hawak ang cellpone ko na parang baliw na tumatawa. Mwah mwah tsup tsup with heart pa?! Seriously, Van?! Ano kayang magiging reaksyon ng mga underling niya kapag nabasa nila ang text sa 'kin ni Van?

Pero hindi niya ako makukuha sa mwah mwah tsup tsup niyang 'yan. Galit pa rin ako dahil sinira nila 'yung bear na dapat ay mapupunta sa 'kin. Inilapag ko ang cellphone sa sidetable.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com