Chapter 29
Chapter 29
Love, Love, Love
Nagising ako dahil sa isang ingay na hindi ko alam kung ano. Parang nanggagaling sa labas kaya dahan-dahan akong tumayo. Mas malinaw na ngayon 'yung tunog kaya tumingin ako sa bintana. Nakaramdam ako ng takot. Baka mga bampirang ayaw sa relasyon namin ni Van at nandito sila para patayin ako! Pero medyo matagal na panahon ding walang nanggugulo. Kung gano'n, bakit ngayon na lang ulit? At saka madali lang sa kanilang pumasok sa bahay ko kung gugustuhin nila.
5 AM pa lang. Ano naman kaya 'yun? O sino naman kaya 'yun?
Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa bintana at habang papalapit ako ay may bato na tumama rito. Dali-dali akong lumapit sa bintana at binuksan ito. Sisigawan ko pa sana ang walanghiyang balak pa yatang basagin ang bintana ko pero nagulat ako nang makita kung sino ang nasa baba at nakatayo sa labas ng gate ng bahay ko.
May hawak siyang gitara at nakangiti habang nakatingin sa akin.
Nagsimula na siyang mag-strum ng kaniyang gitara. Sinabayan niya ito ng kanta. Kinilabutan ako sa ganda ng boses niya. Hindi ko alam na maalam siyang kumanta pati na rin ang maggitara. Minsan ko nang nadinig ang boses niya pero sobrang hina lang no'n pero ngayon ay buong-buo ang boses niya na siyang nakapagpalabas kung gaano kaganda ang boses niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang sasabog sa sobrang saya at kilig ang puso ko. 'Yung inis ko kanina sa kaniya ay parang tinangay ng hangin.
Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa luha. Sa sobrang ganda ng boses niya'y hindi ko mapigilang maiyak. Ano pa baa ng hindi niya kayang gawin?
"I'm really sorry, Kisha. I love you," he shouted, not minding if there are people who will hear him.
Ibinaba niya ang kanyang gitara. Tinalon niya ang gate at patakbong pumunta palapit. Muli siyang tumalon at ngayon ay nasa harapan ko na siya. May dala siyang bouquet ng roses na iba't-iba ang kulay - may red, white, pink, yellow, green, orange at may blue pa!
"Am I forgiven already?" He smiled. Inabot naman niya sakin 'yung bulaklak.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Nakakainis ka! Hindi mo man lang pinatagal ang pagtatampo ko! Kahit ilang araw man lang sana!"
He pouted. "Hindi ko naman yata kaya 'yun! Ang lungkot kayang mag-isa sa kwarto."
Napangiti ako. "Maalam ka palang maggitara."
"Syempre! Hindi ko lang 'agad pinakita sa 'yo para masurprise ka."
I narrowed my eyes at him. Mukha kasi siyang nagsisinungaling. Alam ko, ang isang Van Walker ay walang katalent-talent sa gano'ng bagay. Kung kaya niyang magsinungalin sa iba, sa akin ay hindi. "Patingin ng kamay mo."
"B-Bakit?"
"Basta ipapatitingin mo o palalayasin na kita ngayon na?"
Iniharap niya sa 'kin ang kamay niya na puro band-aid. Halos lahat ng daliri niya ay may nakalagay na band-aid pero nang alisin ko ito'y wala na ang sugat na dapat ay nandoon.
"Wala kang makikita. Alam mo namang mabilis gumaling ang sugat ko," aniya. "Nilagyan ko lang ng bandaid para hindi dumugo at malagyan ang strings gitara habang nag-aaral ako."
I gasped. "Nag-aral ka pang maggitara para lang dito?"
Kahapon lang kami nagkagalit, ibig sabihin wala pang isang araw na nag-aral siyang maggitara.
"Oo, nagpaturo ako sa kambal."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong niya.
"Kisspirin."
"Huh?"
"Ito ang gamot mo para gumaling na 'agad," sabi ko at saka pinagpatuloy ang paghalik sa kamay niya. Pero hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit.
"Sana pala palagi na lang akong nasasaktan para lagi akong may Kisspirin. Sa lahat ng gamot na na-take ko, ito na ang pinakaeffective at gusto ko."
Napangiti na lang ako. Kahit na manyak si Van, may ka-cheesy-han pa rin naman siyang taglay at mas gusto ko ang ganito niyang side. Masyado kasing nakakapagod kapag manyak mode siya, eh, kaya mas maganda kung i-take advantage ko ang pagiging sweet niya.
Bigla ko tuloy naalala 'yung text niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya. " 'Yung text mo kagabi," panimula ko.
Tuluyan na akong natawa nang maalala ang eksaktong text niya. "Mwah mwah tsup tsup with hearts? Seriously?"
"Kinilig ka, 'no?" he asked while having a huge grin in his face.
Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya. "Kinilig? More like natawa!"
"Bakit naman nakakatawa 'yun? Ang sweet kaya," proud na proud na sabi niya.
Tinapik ko ang balikat niya at seryoso siyang tiningnan. "Oo na lang ako."
"Pinagtatawanan mo ako. Hindi ba gano'n naman talaga? Sorry, ah! Wala kasi akong alam sa mga gano'n!" He crossed his arms and looked away. Para siyang bata na nagtatampo. Nakapout pa siya at nakakunot ang noo.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "Hindi naman. Natuwa lang ako kasi nagtext ka ng gano'n. First text mo kaya sa 'kin 'yun! Promise natuwa talaga ako." Hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin.
"I love you," I whispered to his ear pero waepek pa rin.
"Van, ikaw naman ngayon ang magtatampo, gano'n?"
Wala pa rin. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Sige, bahala ka, no sex for 1 year."
Naglakad na ako palabas ng kwarto pero hinarangan niya ang dinadaanan ko.
"Ito namang si Kisha hindi na mabiro! Hindi naman ako natatampo. I love you too!" Hinalikan niya ako sa noo. Napailing na lang ako sa kaniya. Basta salitang sex nagkakabuhay siya. "Ituloy natin ang date natin? Gusto mo?"
Napangiti naman ako nang bongga sa sinabi niya. "Oo naman!"
"Okay then, let's go."
Hinawakan niya ang kamay ko. Lumabas na kami at dumiretso na sa sasakyan niya. Naabutan naman namin ang Nobles na pasakay na rin sa mga sarili nilang sasakyan. Hindi ko napansin na kasama rin pala sila ni Van. 'Yun tuloy mga gising na kapitbahay ko, eh, nagkumpulan sa labas at manghang-mangha sa mga magagarang sasakyan. Sino ba namang hindi mamamangha? 'Yung mga sasakyan nila hindi mo mabibili dito sa Pilipinas at sila lang ang mayroon nito rito.
Saan niya kaya ako dadalhin? Ang aga pa. 6 AM pa lang, eh.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot pero ngumiti siya kahit sa kalsada nakatuon ang paningin niya. Hindi ko na siya tinanong pa at hindi rin nagtagal ay dumating kami sa isang lugar. Meydo liblib na rito kasi padulo na ito ng District.
"Anong lugar 'to?"
"Basta. Makikita mo," nakangiting sabi niya. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa. "Kailangan ko munang takpan ang mga mata mo."
Inilagay niya ang panyo sa mga mata ko at sinimulan akong alalayan para maglakad. Medyo kinakabahan ako na naeexcite. Ano kayang pakana 'to? Ngayon pa lang masaya na ako dahil ngayon lang niya ginawa sa 'kin 'to. Ang dami kasing strange na nangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi man lang namin masyadong nararanasan ang normal na ginagawa ng magkasintahan.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Malapit na."
Maya-maya ay tumigil na siya sa paglalakad kaya napatigil na lang din ako. Sinusubukan kong pakiramdaman ang paligid pero sobrang tahimik. Naramdaman kong pumunta siya sa likudan ko at inalis na niya ang takip sa mga mata ko.
No'ng una ay medyo malabo pa ang paningin ko. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko at napasinghap na lang ako sa nakita ko.
Sobrang ganda ng paligid. Nasa may batis kami. May mga nakalutang na kandila pero kahit nadadala ng tubig ang iba ay napakarami pa rin. May iba't-ibang kulay rin ng ilaw at may mga nakataling lobo sa mga puno. Sa gitna naman ng batis ay may kubong nakalutang at may nakaset na table for two.
"Van, ang ganda."
Grabe, ayos din pala kapag nagtatampo ako kay Van, eh. Ganito kaya palagi kapag nagtatampo ako sa kaniya?
"Pinaghirapan 'yan ng mga Nobles."
Napatingin ako sa kaniya. "Ibig sabihin hindi naman ikaw ang nag-effort dito?"
"Joke lang naman! Hindi na mabiro 'to." Hinila niya ako palapit sa kaniya. "Nakikita mo 'to..." Itinuro niya ang ilalim ng mga mata niya na may eyebags "...ibig sabihin nito pinaghirapan ko lahat 'yan pero okay lang dahil basta para sa 'yo handa akong magpakahirap mapasaya ka lang."
Puwede kiligin? Teka, bat ba ako nagpapaalam? Ganito pala kapag minsan lang maging sweet ang isang tao dahil oras na maging sweet sa 'yo mamamatay ka sa kilig! Dinaig ko pa ang nalulunod sa batis na 'to!
"Kumain muna tayo?"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala roon sa kubo. Pinaghila niya pa ako ng upuan at pinaglagay ng pagkain. Kailan pa naging gentleman 'tong si Van?
"Pinaghandaan mo talaga 'to, 'no?" nangingiting tanong ko.
"Oo naman. Naisip ko rin kasi na hindi natin nagagawa 'to. Masyadong madaming nangyayari kaya hindi tayo nakakapagganito. At way na rin 'to para mas makilala mo pa ako at mas makilala rin kita."
Napatango ako. "Sabagay, tama ka. Ni hindi ko nga alam ang favorite color mo, eh."
"Black at red ang paborito kong kulay. Teka, huhulaan ko ko ang sa 'yo." Hinawakan pa niya ang baba niya na parang nag-iisip. "Pink at blue."
"Eh?! Pano mo nalaman? Binasa mo yata ang isip ko, eh!"
"Hindi ah!" nakangiting sabi niya.
"Sabi na, eh! Ang daya! Maniniwala na sana ako, eh."
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Napasimangot ako.
"Since madami ka nang alam sakin, ako na muna ang magtatanong sa 'yo," sabi niya. "Nasaan nga pala ang mga magulang mo? At saka bakit mag-isa ka lang sa bahay mo? Pasensya ka na ngayon ko lang 'to natanong, pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta."
"Sus! Nagdrama ka pa! Naiintindihan ko naman kasi madami ngang nangyari, eh." Uminom muna ako bago ko sagutin ang tanong niya. "Ang totoo kasi n'yan, kakaunti lang ang alaala ko noong bata pa ako. Wala akong maalala na naglalaro ako ng larong kalye o kaya nu'ng nakausap ko ang mga magulang ko. Namulat ako sa yaya ko noon. Hindi siya malapit sa 'kin kasi parang hindi ko maramdaman na mahal niya ako."
Tahimik lang siyang nakikinig sa 'kin. Nagpatuloy na ako.
"Oo nga at inaasikaso niya ako, pinapakain, inihahatid sa school pero hanggang doon na lang 'yun kaya dati pakiramdam ko mag-isa lang ako. Hindi niya rin nababanggit ang tungkol sa magulang ko, ang sabi lang niya patay na ang mga ito. Sa tuwing nagtatanong ako umiiwas siya kaya hinayaan ko na lang. Pagkadating ko ng high school, kinaumagahan wala na siya. Nag-iwan lang siya ng sulat na nagsasabing aalis na siya pero buwan-buwan naman daw ay may magpapadala sa 'king pera pero kahit ganoon, malungkot pa rin ako hanggang sa nasanay na ako na mamuhay mag-isa."
Tumayo siya at niyakap ako. " 'Wag ka ng babalik sa bahay na 'yun."
Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang tiyan. "Bakit naman? Bahay ko pa rin 'yun. Sayang naman kung hindi ko lilinisin, 'di ba? At saka mamaya bahayan ng mumu 'yun."
"It must be hard for you living alone. Promise me, from now on you will never go back to that house because I know it will bring sad memories to you. Let's replace it with happy ones in our mansion."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Kahit na sabihin kong hindi ako minahal ni Yaya, minahal ko naman siya. Nasaktan ako nu'ng umalis siya pero nakaya ko naman. Hindi ko lang matanggap na hindi niya ako binalikan, na halos ilang taon kaming magkasama pero ni hindi niya nasabing importante ako sa kaniya.
"Sige. Iiyak mo lang pero pagkatapos nito hindi ka na babalik doon. Sa mansyon ka na titira dahil kami na ngayon ang pamilya mo, hindi ka na mag-isa. Nandito ang mga Nobles at ako. Hinding-hindi kita iiwan."
Umiyak lang ako habang yakap niya. Sa loob ng madaming taon, ngayon ko lang 'to nailabas. Matagal ko nang itinago ang alaalang 'yun at ngayong nailabas ko na parang sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya at hinalikan ako nang mabilis sa labi.
"Ayokong nalulungkot ka, at mas lalong ayoko na umiiyak ka kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para ilayo ka sa mga bagay na magdadala ng kalungkutan sa 'yo. Palagi kitang pasasayahin, Kisha." Ngumiti siya. "Pang-emosyonal man o pang-pisikal na paraan." Bigla naman siyang ngumisi.
Napatawa naman ako. "Loko. Akala ko 'No Manyak Day' ngayon. Hindi talaga puwedeng hindi isisingit, 'no?"
"Ano namang lugar 'to?"
"Sa tingin mo?"
Tingan mo 'tong lalakeng 'to! Kainis, ha! Dinala niya ako rito sa bahay niya! Akalain mong nasa ilalim ng lupa? Dumaan kami sa liblib na lugar hanggang sa makarating kami sa isang open field tapos may kinuha siyang parang remote sa bulsa niya at nang pinindot niya, biglang may bumukas na hagdan na papunta sa baba kaya sumunod lang ako sa kaniya.
'Yung bahay niya mukhang haunted house. Halos itim lang ang kulay ng mga gamit.
"Bakit naman ganito ang kulay ng mga gamit mo? Haunted house ba 'to?"
"Pake mo?" masungit na sabi niya.
"Ikaw ba sasagot ng maayos o hindi?"
Lumakad ako para tingnan ang mga gamit niya. Wala man lang akong interes sa mga gamit niya. Bukod sa mukhang puro mamahalin, eh, wala na. 'Yung iba mukhang ancient pa. Sabagay, ano ba'ng aasahan ko? Ilang taon na siyang nabubuhay at gan'yan pa rin siya kaguwapo. Okay, anong connect nu'ng pagiging guwapo niya sa mga furnitures niya?
Napadako ang tingin ko sa malaking picture frame. Si Israel ang nasa malaking picture. Gano'n pa rin ang itsura niya pero mas guwapo siya rito sa picture.
"Ikaw ba 'to?" tanong ko para makasigurado.
Lumapit siya at tumabi sa 'kin. "Oo, 300 years ago yata?"
"Wow, ah. Ang tagal na talaga. Balak mo ba talagang mabuhay forever? Hindi ba nakakasawa?"
"Kapag nagawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin puwede na akong mamatay."
Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi ko alam pero medyo nakaramdam ako ng lungkot.
Lumakad siya papunta sa kung saan kaya hindi ko na siya tinanong. Umupo na lamang ako sa couch at binuksan ang flat screen TV niya. Naabutan ko namang palabas ay The Amazing World of Gum? Don't tell me nanonood siya sa Cartoon Net?
Habang nanonood ako ay biglang sumagi sa isip ko ang pagtakas. Kung tutuusin puwede ko siyang takasan kapag may pagkakataon ako pero bakit sa tuwing naiisip ko 'yun sumisingit naman sa isip ko 'yung sinabi niya na may tiwala siya sa 'kin?
Gusto kong umalis. Gusto kong makita si Kuya. Ayokong makulong ulit sa rehas na 'yun.
Napasandal na lang ako sa couch at napahinga nang malalim. Bakit ba ang hirap? Bakit ang hirap iwanan ni Israel? Halos wala pang isang buwan na kilala ko siya pero ganito na. Hindi puwede 'to. Kailangan kong gumawa ng paraan para tumakas. Paano kung ginagawa niya lang 'to para makuha ang loob ko at gamitin para guluhin sila Van? Paano kung gawin nila akong kalaban?
Ngayong isa na akong bampira baka may posibilidad na kontrolin nila ako. Pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Kuya Cross kapag nalaman niyang bampira ako. Papatayin niya kaya ako? Ikukulong? Dadalhin sa aming clan para maparusahan?
Dumating na si Israel na may dalang chips at juice. Inilapag niya 'yon sa 'king harapan. Hindi ko napansin na kukuha rin pala siya sa bowl kaya nagkasabay kami. Pumatong ang kaniyang kamay sa 'kin. Ang traydor ko namang puso ay bumilis bigla ang tibok at mas lalo pa itong bumilis nang magkatinginan kaming dalawa.
Napaiwas ako ng tingin at mabilis kong inalis ang kamay ko pero kinuha niya iyon kaya muli akong napatingin sa kaniya. Inilayo 'yung bowl ng chips. Hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang sa halos magkadikit na ang aming mga katawan.
"B-Bakit?"
"Anong bakit?"
Hindi na ako nagsalita pa at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa palabas kahit ang totoo hindi ko na maintindihan 'yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at sobrang magkalapit pa kaming dalawa kaya naamoy ko ang pabango niya.
Matagal kaming nanood at naramdaman ko na lang na may mabigat na pumatong sa ulo ko.
Nakahilig na ang ulo niya sa ulo ko. Mas lalo tuloy akong hindi makagalaw kaya hinayaan ko na lang. Nawala na rin sa isip ko ang pagtakas dahil alam kong hindi naman ako makakatakas.
Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Bakit ba niya ginagawa sa 'kin 'to? Nananadya ba siya?
Natatakot ako sa nararamdaman ko. Hindi talaga puwede 'to.
"Mapapatay talaga kita, Jick!"
Pakiramdam ko'y maaga akong tutubuan ng putting buhok dahil sa tukmol na 'to! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi niya na lang akong kinukulit! Please, give me a fucking break! Hindi ko alam kung ano'ng gusto niya pero dahil wala madala si Jack para samahan siya sa kalokohan, ako ang pinepeste niya.
Inilagay niya ang kaniyang kamay sa ilalim ng baba na parang nagpapa-cute pa. Akala naman niya'y uubra sa 'kin 'yan. Neknek niya!
"Tumatambay lang naman ako sa kwarto mo, ah! Masama ba 'yun?" Ngumuso siya na parang bata. Nakadapa siya ngayon sa kama ko. Hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang mga kamay sa baba niya.
Hinilot ko ang aking noo. "Hindi tambayan ang kwarto ko kaya lumayas ka! Kung gusto mo nang matatambayan, do'n ka magpunta sa kanto!"
Kulang na lang ay mapatid ang lalamunan ko dahil sa kasisigaw sa kaniya pero kahit anong sigaw ang gawin ko'y hindi pa rin siya natitinag. Hindi ko alam kung ano'ng matigas sa kaniya, kung ang bungo ba niya o ang pagmumukha niya.
"Ayoko nga." Para siyang spoiled brat na ayaw sumunod sa kahit anong iutos mo sa kaniya.
"Bakit ba kasi nandito ka?" Pabagsak akong umupo sa one-sitter couch.
"Sinasamahan kita." Biglang sumeryoso ang ekspresyon niya. "Masama ba?"
Hindi na ako nagsalita. Ewan ko ba! Sa tuwing seryoso siya hindi ko na siya makontra! Siguro dahil minsan lang siya magseryoso at kahit minsan hindi ko pa siya nakikitang magalit. Puro siya kalokohan at hindi mo alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero kapag ganitong walang emosyon sa kaniyang mukha, talaga namang napapatahimik ako.
Tumayo ako mula sa couch at tumabi na lang sa kaniya. Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakadapa mula sa 'king kama.
"Farrah."
"Bakit?"
Bumuntong-hininga siya. "Mahal mo talaga si Kiel, 'no?"
Napangiti ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. "Oo naman."
"Sana all sa ataol."
Binatukan ko siya. "Puro ka talaga kalokohan, eh!"
Kinamot niya ang ulo niya at sumimangot. Hindi na ulit siya nagsalita. Nagtaka naman ako dahil kadalasan ang daldal niya. Ang dami niya laging kwento na imbis na siya 'yung mapagod ay ako ang napapagod para sa kaniya.
"Farrah."
"Bakit na naman?"
"Mahal mo talaga si Kiel, 'no?"
Tiningnan ko siya nang masama. "Kailangan bang paulit-ulit?!"
"Sana all sa ata–"
Hindi ko na hinayaang matapos ang sasabihin niya dahil muli ko siyang binatukan. Ano ba talagang problema ng tukmol na 'to?
"Farrah."
"Bakit na naman?! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin–"
"C cup ka pala?" Itinaas niya ang bra kong nalimutan kong ilagay sa basket no'ng magising ako.
This time, hindi na batok ang ginawa ko sa kaniya. Lumipad ang kamao ko sa pisngi niya.
"Aray!" sigaw niya pero ang simangot niya'y napalitan ng tawa. "Nahigaan ko lang 'yan kanina! Chill!"
Muli na naman siyang natahimik. Hindi na rin ako nagsalita. Pero kahit nababalutan kami ng katahimikan ay komportable pa rin ako sa presenya niya. May saltik lang talaga siya kaya madalas ko siyang nabubugbog. Puro kalokohan!
"Farrah."
Napabuntong-hininga ako. "Ano ba?! Bakit ba ayaw mo pang sabihin lahat, hindi 'yang tawag ka nang tawag! Susuntukin na talaga kita nang paulit-ulit!"
Hindi siya natinag. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong kinabahan. Bakit ba siya nagkakaganyan?!
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Kapag ba sinabi kong gusto kita, hindi ka na iiyak tuwing gabi?"
Parang saglit na tumigil ang oras nang madinig ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya at hinintay na sabihin niyang nagbibiro lang siya pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nababaliw ka na ba? Ano ba'ng pinakain sa 'yo ng kambal mo? Lumabas ka na nga sa kwarto ko!" Halos hindi ko madinig ang sinasabi ko dahil natatabunan ito ng malakas na tibok ng puso ko.
Tumayo na siya at nag-inat. Walang umik siyang lumakad patungo sa pintuan pero bago siya lumabas ay humarap siya sa 'kin.
May malungkot na ngiti sa kaniyang labi. "Hihintayin ko ang sagot mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com