Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter 30

Clue Hunt

"What the fuck?! Where's the book?!" I shouted. I came here to read the whole book because today is my free time but what the hell is this?! The book is missing!

"Imposibleng mawala na lang basta riyan 'yun, Cross. Sino ang puwedeng kumuha?" sabi ni Ivan.

Walang ibang tao rito sa bahay ko. Hindi rin ako kumukuha ng maid o kaya butler. Hindi puwedeng may ibang makakakuha ng libro. Napakaraming laman na impormasyon doon. Kapag napasakamay ito ng isa man sa dalawang panig ay siguradong magkakaroon ng malaking gulo.

"This is bullshit!" I kicked the table in anger. Who's that freaking bastard that stole the book?

"Hayaan na natin ang libro, Cross. Sigurado akong nasa mabuti 'yung kamay."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Ayokong magduda. Ayoko siyang paghinalaan. Pero siya lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam sa libro. Hindi naman niya siguro magagawa sa 'kin 'to. Matagal ko ng kaibigan si Ivan at hindi niya ako matatraydor. Para saan? Alam din naman niyang magdadala ng gulo ang libro dahil halos lahat ng impormasyon tungkol sa mga bampira ay nandoon na.

"No. I can't stay here knowing that the book is gone. I should find it. Pinaghirapan iyon ni Dad at hindi ako papayag na mapunta lang 'yun sa iba."

"Saan natin 'yun hahanapin?"

"Ako na ang bahalang maghanap sa libro."

"Pero–"

Umiling ako. "I said I can do it by myself."

Tumango na lamang siya. "Sige. Mauna na ako. Ikaw na ang bahala. Sana ay mahanap mo pa ang libro."

Pinanood ko lang siyang umalis at 'agad naman akong pumunta sa kwarto ko. May CCTV ang bawat sulok ng bahay ko kaya maaaring makita roon kung sino ang kumuha.

Humarap ako sa monitor at tiningnan ang mga video simula kaninang umaga. Tiningnan ko ang clips no'ng bandang tanghali.

"Bingo." Pinanood ko ang lalakeng nakasumbrerong itim at mask. Walang pag-aalinlangang kinuha niya ang libro. I examined his face. I'm pretty sure that thing is a guy. And his arm caught my attention. May tattoo siya at ng i-zoom ko ay tattoo na rosas.

Pamilyar ang tattoo na 'yun pero hindi ko maisip kung saan ko nga ba nakita.

This is fucking frustrating. Who the hell stole the book?

AKALA namin ay tuluyan nang maibabalik sa normal ang buong district pero nagkamali kami ng akala. Ilang buwan na rin ang nakaraan simula nang kumalat ang chemical sa katawan ng tao at naging mga Insanes. Wala namang masamang nangyayari ngayon pero kinaumagahan no'ng nagdate kami ni Van, may nabalitaan kaming hindi maganda.

"Ano'ng nangyari?" kunot-noong tanong ni Van. Kapag may hindi magandang nangyari, isa lang ang ibig sabihin no'n. Dagdag na naman sa magiging trabaho niya sa council.

"Van, may balitang dumating galing sa iba't-ibang panig ng mundo tungkol sa mga kalahi natin," sabi ni Farrah.

Umupo kami sa tapat nila. Base pa lang sa ekspresyon sa kanilang mga mukha ay may pakiramdam na akong hindi ito magandang balita.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Zick. "Bawat angkan ay may namamatay at base sa kanilang obserbasyon ay kinukuhanan sila ng dugo."

Napasandal si Van sa couch. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa kaniyang noo. For some reason, he looked bothered. Kumpara sa reaksyon niya sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa vampire clan, mas seryoso siya ngayon.

"Paanong kinukuhanan? Inuubos?"

"Hindi. Parang kumukuha lamang sila ng ilang amount ng dugo pero hindi naman nila talaga inuubos. At talagang 'yung kabilang pa sa labing apat na angkan. Wala kaming nababalita na kinuhanan nila ang mga mababang klase ng bampira," sagot naman ni Jack.

"May kutob ako. Baka ang sunod kukuhanan nila ng dugo ay ikaw Van dahil labing apat na angkan na ang nakukuhanan nila." Humalukipkip si Jick habang ang kamay ay nakalagay sa kaniyang baba na para nag-iisip.

"Wow, Jick! I'm so proud of you, kambal! Ang pogi talaga natin!"

"Well, gano'n talaga 'pag awesome!"

Naghighfive pa ang dalawang tukmol. Nakatanggap tuloy sila ng batok mula kay Farrah.

"Umayos kayo," banta niya.

"Yes, boss!" sabi ni Jick sabay saludo. Si Jack naman ay bumelat lang nang patago kay Farrah dahil siguradong kapag nakita niya, suntok na ang aabutin niya.

"Sino kaya ang gagawa nito?" Bumuntong-hininga si Van na mukhang malalim pa rin ang iniisip.

"Hindi kaya si Israel?" tanong ko sa kanila. Dahil siya lang naman ang alam kong may kayang gumawa nito. Nagawa niya ngang patayin si Kiel, eh.

"Maaring siya nga pero para saan? Hindi ko maintindihan." sabi naman ni Van.

Matagal kaming natahimik at pare-parehong malalim ang iniisip. Nababahala ako kasi pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Malakas ang kutob ko. Sana naman wala nang magbuwis ng buhay sa kung ano man ang mangyayari dahil sa lahat ng bagay, ang mawalan ng importanteng tao sa buhay ay ang pinakamasakit sa lahat.

Nabasag ang aming katahimikan nang biglang bumukas ang pinto.

"Hello, Philippines! Hello, World! Hello, Universe!"

Napatingin kami sa front door kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses. Pare-parehong nanlaki ang aming mga mata habang nakatingin sa isa't-isa. Nagtungo kami sa front door para kumpirmahin ang aming hinala.

"Lolo Gallian?"

"Hey, yow! Kamusta kayow? Anong ginagawa niyow? Looking good yata kayow?"

Ano namang masamang hangin ang nalanghap ni Lolo G at hip hop na hip hop siya ngayon? Naka-cap na may nakalagay na 'OBEY', maluwang na t-shirt, maluwang na maong short, malaking pendant ng kwintas at may mga porselas pa siya. Mukha siyang jejemon. Si Jiji naman ay parang walang pakealam sa paligid at nakatingin lamang sa malayo. Siguro naiimbyerna rin sa get-up ni Lolo G.

Napafacepalm naman si Van. "Lo, ano'ng nangyari sa 'yo? Nabagok ba ang ulo mo?"

"Why yow apow?! Hindi ba guwapo ang lolo mow?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano sa itsura niya, eh. At puro may 'w' ang huling salita na sabihin niya.

"Magbihis ka nga! Bakit ka ba kasi nakaganyan?!"

"Eh? Bakit naman yow? Di ba ito ang uso ditow? Break it down yow?" sabi pa niya habang may hand gestures na kasama.

Ang mga Nobles naman ay nagpipigil ng tawa at hindi nakikisali sa usapan nila Lolo G at Van.

"Hindi yan ang uso ditow! E-Este rito! Langya, pati ako napapagaya na sa 'yo! Umayos nga kayo!"

"Maayos naman akow! What is your problem yow? Ayaw mo ba ako ditow? Nakakahurt naman tow!"

Humaglapak ako ng tawa. "Hayaan mo na siya, Van, hindi mo rin naman siya mapipigilan." Ngumiti naman ako kay Lolo G. "Ano nga pala ang ipinunta niyo rito? Importante po yata 'yan dahil talagang bumaba pa kayo ng bundok."

"Ah! Buti ka pa Kisha yow! Naiintindihan mo kow! Ang totoo nyan, yow. Pumunta ako dito dahil..."

"Dahil po?" Hinintay ko ang magiging sagot niya.

"Dahil..."

"DAHIL?" tanong naming lahat.

"Dahil bibili ako ng men's magazines yow! Pati nakiki-wifi ako yow! Mahirap sumagap sa bundok yow!"

Napapoker face na lang kaming lahat sa dahilan niya. Akala ko pa naman masyadong importante ang ipinunta niya rito at bumyahe pa siya at bumaba ng bundok para lang makarating dito.

Lolo Gallian will always be Lolo Gallian.

NAGBALIK na naman ako sa likod ng rehas at gusto kong iumpog ang ulo ko dahil kahit nakakulong na naman ako ay masaya pa rin ako dahil ni Israel. Traydor talaga itong puso ko. Hindi papigil!

Bumuntong-hininga ako. Mabuti na lang wala siya rito dahil hindi ako makakalma kapag nandito siya. Ang kaso lang si Victoria naman ang nandito. At akalain mong buhay pa pala 'tong impaktang 'to? Nagpunta lang palang ibang bansa, sana hindi na lang siya bumalik. Medyo matagal na rin siyang nawala, sana nilamon na lang siya ng lupa. Ayaw kong lumalapit sa 'kin si Victoria, naiirita ako. 'Yung tipong gusto kong duraan 'yung mukha niya sa sobrang pagkairita ko. Well, medyo kadiri 'yung pagdura.

"Gosh! This whole month is very tiring!" sabi niya at umupo sa couch.

I rolled my eyes secretly. "Sige, magpakapagod ka pa nang mamatay ka na!" I murmured.

"Hoy! Naririnig kita. Pasalamat ka at pagod ako, hindi na kita papatulan! Pero kapag nabawi ko na ang lakas ko pahihirapan kita!"

"So? Eh, 'di gawin mo. Sino ka ba?"

She stood up. Lumapit siya sa kulungan ko at hinawakan ang bakal. " 'Wag mong ubusin ang pasensya ko, Falcon, baka mapatay kita ng wala sa oras," she hissed. Mapula na rin ang mga mata niya at nakalabas na ang pangil niya.

"Eh, 'di patayin mo na ako, pasasalamatan pa kita kapag ginawa mo 'yun."

"You bitch! Arggh!" Napasabunot na lang siya sa buhok niya at umupo ulit sa couch.

Napansin ko naman ang suitcase na pula sa ibabaw ng lamesa. Maarte ang babaeng 'to at hindi siya 'yung tipong nagdadala ng suitcase.

"Ano 'yang nasa suitcase?" feeling close na pagtatanong ko sa kaniya. Baka kasi sabihin niya, nacurious ako, eh.

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"

"Oh, come on! Wala namang masama kung sabihin mo sa 'kin, 'di ba? Curious lang ako. Ang magaganda at sophisticated na babaeng tulad mo ay hindi magdadala ng ganyang klase ng suitcase. Victoria Cray? Sexy, kinahuhumalingan? Malakas na bampira? Hindi mo fashion ang magdala ng suitcase," pambobola ko sa kaniya at mukhang tumatalab naman.

"Well..." She flipped her hair and smiled sweetly. For sure, kung nakikita niya ang sarili niya sa salamin ay nagsalamin na siya. "...ang laman niyan ay mga dugo."

"Eh? Dugo? Para saan?"

"Nalaman mo na kung ano ang laman at hanggang doon na lang 'yun. Thanks for complimenting me."

Joke 'yun hindi compliment! Feelingera rin 'tong Victoria na 'to, 'no? Masyado siyang nagagandahan sa sarili niya, eh, kung tutuusin mas maganda naman ako sa kaniya! Medyo macurve lang talaga ang katawan niya.

"Israel!" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pangalan niya at uminit nang bongga ang dugo ko ng yakapin ni Victoria si Israel. Bwiset! Hindi dapat ako naiinis! Eh, ba't naiinis ako?! "Oh, I'm sorry. Nacarried away lang ako," pa-shy na sabi niya. Gabutan kita, eh!

"Nakabalik ka na pala. Saan ka ba galing?"

Napansin kong 'agad na nilapitan ni Victoria ang suitcase at kinuha iyon.

"Umm, may inasikaso lang akong importanteng bagay sa ibang bansa. And not for you to care about."

Napakunot ang noo ko. Bigla siyang naging uneasy. Hindi kaya hindi alam ni Israel ang nasa loob ng suitcase? Paanong hindi niya malalaman, eh, magkakampi sila?

"Aakyat na ako sa taas."

Tumango lamang si Israel at pinanood na umalis si Victoria at nang mawala na siya ay humarap na si Israel sa akin.

"Ililipat na kita ng kulungan."

"Huh? Saan naman?"

"Sa bahay ko. Masyado akong madaming ginagawa para puntahan ka rito kaya mas mapapadali ang pagbabantay sa 'yo kung doon ka na lang ikukulong sa bahay ko."

Napasimangot ako. "Pakawalan mo na kasi ako. Ayoko na rito."

Umiling siya. "Hindi pa puwede. Basta sumunod ka na lang."

Mas lalo akong napasimangot. "Oo na! Alam ba ni Victoria 'to?"

Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

"Kailan mo ako ililipat?"

"Ngayon na."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Mas mabuti na sigurong malipat ako sa bahay ni Israel. Ayaw ko na rito sa basement ng bahay ni Victoria, hindi ako komportable. Kahit papaano naman ay may kaunting tiwala ako kay Israel. Kung balak niya akong gawing instrumento para kalabanin si Van, gagawa ako ng paraan para hindi mangyari 'yun. Sa ngayon ay iisipin ko muna kung paano ako makakatakas dahil hindi na ako puwedeng magtagal dito.

"Gusto mo na ba talagang umalis?"

"Alam mo ang sagot ko riyan."

Bumuntong hininga siya. "Hindi talaga kita puwedeng pakawalan."

"Bakit ba kasi? Ano ba'ng kailangan niyo sa 'kin?"

"Hindi mo pa puwedeng malaman sa ngayon. Pero puwede mo ba akong pagkatiwalaan?"

Natigilan ako sa tanong niya. Handa ba akong pagkatiwalaan siya? Nagdadalawang-isip pa ako. Paano kung sirain niya ang tiwala ko sa kaniya? Paano kung way niya lang 'to para makuha ng buo ng loob ko? Paano kung patibong 'to?

"Can you trust me?" muling tanong niya.

I sighed. "Fine. Let me trust you."

For the first time, nakita ko siyang ngumiti nang totoo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com