Chapter 31
Chapter 31
Vampire Clans
Panibagong problema na naman at ibig sabihin tambay na naman ako rito sa Council. Hindi ko pa kasama si Kisha. Itinaas ko ang paa ko sa lamesa at sumandal sa upuan habang kumakain ng tinapay. Wala pang trabaho sa ngayon pero dahil madaming nangyayari sa district, kailangan kong tumigil dito kaysa magpabalik-balik ako everytime na ipatawag nila ako.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanila.
Bago pa sila makasagot ay bumukas ang pinto.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Van."
Nanlaki ang mata ko dahil sa mga nagbukas ng pinto. Ano'ng ginagawa nilang lahat dito?!
Napatayo ako at naitapon ang hawak kong tinapay. "Bakit kayo nandito?"
"Why do you care?"
"Umayos ka, Carl Archer!"
Umakbay naman kay Carl si Yatriv Ampere. "Masama bang dalawin ka?"
"Umayos kayong lahat, importanteng bagay ang ipinunta natin dito. Hindi ito ang oras para magkamustahan," seryosong sabi naman ni Greg Calyx.
Ang dumating ay labing tatlong representative ng bawat angkan ng bampira. Siguro ay dahil sa balitang may napapatay na bawat isa sa angkan nila. Lahat ng angkan ay nandito maliban na sa Cray na siyang kalaban naming lahat.
Pumasok na silang lahat sa loob, halos hindi na nga kami magkasya, kaya pala may mga extra na upuan dito dahil sa kanila.
Ang nandito ngayon ay sina Carl Archer, ang tinuturing na pinakamatalino sa Archer Clan. Siya ang nagcocontrol sa Archer Brothers kapag nasosobrahan na sa pranks ang tatlo. Sa kaniya lang takot ang Archer Brothers. Nandito rin si Yatriv Ampere. Sobrang lakas manipa nitong si Yatriv, kaya siya ang naging representative at isa siya sa pinakamalakas sa angkan nila. Si Greg Calyx naman ay magaling manghypnotize kaya nakakatakot siyang galitin.
"Kuya Van!" Biglang may tumalon sa harapan ko at yumakap sa 'kin. 'Agad ko naman siyang binuhat.
"Ang liit mo pa rin, Noi-chan!"
Si Noi Hidari ay kabilang sa tinatawag na Samurai Vampire. Sa height niyang pang-grade 1 at edad niyang 10 ay napakagaling na niya sa paggamit ng espada. Madami na siyang nakikitil na buhay na bampira sa batang edad pa lang pero tinuturing ko siyang parang nakakabatang kapatid.
Nagpout naman siya. "Anta no koto daikirai, niichan."
"Nag-e-alien language ka na naman bansot!" sabi ni Zydrich Nerman na may kasama pang turo kay Noi. Kumunot ang noo ni Noi at kinagat nito ang daliri ni Zyd. "Aray! Bakit mo kinagat ang daliri ko?!"
"Baka."
"Hoy! Hindi ako baka, ah!" Si Zydrich Nerman naman ang anak ng may-ari ng pinakamalaking kompanya na pagawaan ng baril sa buong mundo.
"Noi-chan! Laro tayo! May dala akong bagong dagger!"
"Sige ba! May dala rin akong bagong samurai sword, eh!" Bumaba naman siya sa 'kin at lumapit kay Brett Han, ang kaisa-isang anak ng may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng dagger sa buong Asia. 10 years old din siya kagaya ni Noi at magkasundong-magkasundo talaga sila dahil mahilig sila sa mga matutulis na bagay. At gaya rin ni Noi, madami na rin siyang nakikitil na buhay gamit ang maliliit niyang kamay.
"Sambutan na lang, ah! Kapag hindi nasambot ng isa sa atin pipitikin sa tainga!"
"Okay! Deal!"
Tumakbo na sila palabas. Sa batang edad, mga delikadong bagay na ang nilalaro nila. Pero kaya sila naging representative ay dahil matatalino silang bata. At paghahanda na rin 'yun sa kanila kapag naging mas responsable na sila.
"Hoy, Frost! Akala mo nakalimutan ko na 'yung pang-iinsulto mo sa 'kin kanina sa eroplano, ah!"
"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, 'di ba? Walang panama ang kapangyarihan ko sa 'yo!"
"Talo ng apoy ang yelo dahil matutunaw lang 'yan!"
"Ikaw ang talo dahil kaya kitang ikulong sa malaking bloke ng yelo na kasing laki ng bansang 'to!"
Napatingin naman ako sa kabilang direksyon at walang sawang nag-aaway sina Jenessa Frost at Dave Phoenix. Hindi talaga magkasundo ang angkan ng Frost at Phoenix dahil sa magkasalungat nilang kapangyarihan at hanggang ngayon ay gusto nilang patunayan kung sino ba talaga ang mas malakas.
Maya-maya ay may umakbay naman sa akin. "Ikaw pala Cole."
"Kamusta ka na, Van? Balita ko may girlfriend ka na, ah?" sabi niya habang taas-baba ang kilay niya."
Napangisi ako nang maalala si Kisha. "You're right."
"Ang daya! Dapat isinama mo siya!" pagmamaktol niya.
"Bumisita na lang kayo sa bahay ko kapag natapos ang pagtitipon na 'to."
"Ayos!" Nagfist pump pa siya. Si Cole Swift, kapangyarihan ay gumawa ng kidlat o magpalabas ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan. Isa siyang happy-go-lucky na tao, kalmado palagi at hindi mo malalaman kung apektado siya o hindi.
"Yo, Van!" Umakbay naman sa kabila ko si Jett Heather. "Kasama mo pa ba 'yung chicks na Noble? Ano nga bang pangalan no'n? Faye? Fin? Farry?"
"Farrah," I deadpanned. " 'Wag mong sabihing hanggang ngayon may balak ka na namang mangulit? Madami ka ng babae Jett." Si Jett Heather naman ay babaero. Lahat na lang ng babaeng bampira na nakikita niya, gustong mapunta sa kaniya.
"Bakit hindi? Taken na ba siya?"
"Oo. Kaya wala ka ng pag-asa." Ayokong mapunta sa kaniya ang mahal ni Kiel. At kung meron mang isang tao akong gusto para kay Farrah ay si Jick 'yun.
"Inaantok na ako, matagal pa ba? Kapag tumagal pa 'to, tutugtog na lang ako ng gitara," sabi ni Marius Saffron sabay kuha ng gitara niya.
" 'Wag!" pigil naming lahat sa kaniya. Oras na magpatugtog siya, lahat kami ay makakatulog. Or worst, makatulog kami ng habangbuhay. Hanggat maaari ay hindi dapat siya tumugtog ng kahit anong instrument. Nangyari na rin ito noon sa Europe, tumugtog siya ng instrumento at ikinonekta pa niya sa malaking speaker kaya nakatulog lahat ng tao sa buong lugar, ang iba ay namatay na ng tuluyan.
"Ang KJ niyo talagang lahat!" reklamo niya.
"Tuturuan ka na lang namin gumawa ng bomba!" sabi ni Victor O'Neil.
"Oo nga! May bago akong bombang dala. Kapag sumabog ay tutugtog ito na parang may gitara!" sabi naman ni Damien Draphney.
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Marius. "Talaga?! Sige!"
"Nakita niyo si Greg Calyx?" tanong ni Carl.
"Hindi. 'Di ba kasama niyo?" sagot ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat lamang siya at umalis na. Saan naman nagpunta yung Greg na 'yun? Kanina lang nandito siya, eh. Napakamisteryoso talaga nun. Sa lahat ng representatives, siya lang ang hindi ko makausap ng normal.
Kailan pa kaya magsisimula ang meeting na 'to? Baka hinihintay na ako ni Kisha.
"Hindi maganda ang mangyayari," sabi ni Ellrah sa kaniyang sarili habang nakatingin sa labas ng bintana. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at malakas ang pintig ng kaniyang puso. Alam niyang may masamang mangyayari, hindi lang sa buong Vampire Clan kundi pati na rin sa kaniya.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.
Nakakita siya ng mga imahe na rumaragasa sa kaniyang isip. Nagimbal siya nang makita ang kaniyang sarili na patay at naliligo sa sarili niyang dugo. Napalunok siya at 'agad na iminulat ang kaniyang mga mata at sa pagmulat nito ay napatingin siya sa labas. Nakatayo ang isang lalake na nakaitim sa labas ng bahay niya.
"Anong..." Napatayo siya at napaatras nang tumakbo palapit sa bintana ang lalake. "A-Anong ginagawa mo rito?"
Ngumisi ang lalake at binasag ang bintana. Pumasok siya sa loob at pinagpagan ang damit niyang nalagyan ng bubog.
"Hindi ba kapag namatay ka mawawala na rin ang bisa ang propesiya?"
"P-Paano mo nasasabi 'yan? Walang katotohanan 'yan. Bakit? Balak mo ba akong patayin?"
"Huwag ka ng magsinungaling dahil matagal ko 'yon pinag-aralan. Wala ka naman palang silbi, bakit buhay ka pa? Bakit bigay ka pa rin nang bigay ng propesiya na noon pa pala ay puwedeng pigilan. Mas pinili mong mamuhay ang mga bampira sa takot at pinili mong bigyan ang kapatid mo ng mabigat na pasanin gayong may magagawa pa pala para hindi mangyari ang nakasaad sa propesiya."
"Hindi 'yun maari! Ano ba'ng pinagsasasabi mo?! Ang propesiya ay ang nakatadhanang mangyayari, wala nang magagawa para mabago pa 'yun!"
" 'Wag kang umarte na parang mahalaga sa 'yo si Van Walker dahil ang mahalaga lang sa 'yo ay ang katayuan mo! Alam mo noon pa lang na ang solusyon lamang para matigil sa pagkakaroon ng propesiya ay ang pagkitil ng sarili mong buhay. Ang mga Oracle noon ay puro lamang makasarili, hindi nila kinitil ang sarili nilang buhay para maputol ang pagkakaroon ng propesiya at ipapasa lang nila ito sa magiging kasunod nila at ngayon pati pala ikaw?"
"Wala akong alam sa sinasabi mo! Hindi ako tanga para kitilin ang sarili kong buhay!"
"Pwes gagawa ako ng paraan para kitilin mo ang sarili mong buhay."
Napalunok si Ellrah nang lumapit sa kaniya ang isa pang lalakeng kasama nito. Paano siya lalaban? Isa lamang siyang Oracle at dalawang bampira ang nasa harapan niya. Wala na siyang magagawa. Pilit man niyang itanggi pero tama ang sinabi ng lalake. Ang totoo ay ayaw niyang patayin ang sarili niya. Para sa kaniya ay mas mabuti ng magbigay siya ng propesiya kaysa mamatay siya. Hindi niya inisip ang sakaling mangyayari kay Van kapag nangyari ang propesiya na isinaad niya.
"Simulan mo na."
Paatras siya nang paatras pero paabante lang nang paabante ang lalake hanggang sa mapasandal siya sa pader. Napatitig siya sa mga mata nito at nang ginawa niya iyon ay parang napunta siya sa ibang mundo.
"Patayin mo ang sarili mo, gamit ang punyal na ito."
Naging puti ang buong mata ni Ellrah at wala sa sariling inabot ang punyal. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay na hawak ang punyal at isinaksak sa sarili niya. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa manghina siya at mahiga sa sahig.
Bumalik lang siya sa katinuan nang maramdaman ang sobra-sobrang sakit na umaapaw sa buo niyang katawan. Napuno ng dugo ang kaniyang katawan.
"Patawad pero kailangan mo nang mamatay," sabi ng lalake.
Napangiti siya nang mapait. Tama nga ang lalake, naging makasarili siya, hindi niya inisip ang kaisa-isa niyang kapatid na si Van. Ngayong mamamatay na siya ay parang magaan pa ang loob niya dahil mawawalan na ng bisa ang propesiya.
"Nagpapasalamat pa ako sa 'yo..." Umubo si Ellrah at lumabas ang dugo mula sa kaniyang bibig. "...Israel Walker."
PABAGSAK na inilapag ni Victoria Cray ang suit case na dala niya sa lamesa at umupo sa upuan katapat nito. Hinilot niya ang kaniyang noo sa sobrang stress at sa sobrang kaba nab aka mahuli siya ni Israel pero mabuti na lang ay ang atensyon ni Israel ay nakafocus kay Jullia.
"Ito na ang mga dugong kailangan mo. Kay Van Walker na lang ang kulang," sabi niya sa lalake na nakaupo sa swivel chair.
Tumayo siya mula rito at kinuha ang suitcase na dala ni Victoria.
"Sino'ng may sabi sayong bumalik ka rito na hindi pa rin kumpleto ang dugo? Hindi ba sabi ko sa 'yo maaari ka lang magpakita sa 'kin kapag kumpleto na?"
Tiningnan ni Victoria nang masama ang lalake. "Nagpapatawa ka ba? Si Van Walker ang pinag-uusapan dito, hindi siya basta-basta makukuhanan ng dugo."
"Pwes gumawa ka ng paraan, kailangan ko na 'yun sa lalong madaling panahon o sabihin na nating kailangan na natin 'yun sa mas lalong madaling panahon. Hindi ba gusto mong lumakas? Matutulungan kita."
Humalukipkip si Victoria. "Sige nga? Paano? Oras na malaman kong niloloko mo ako, papatayin kita."
"Wala akong balak na lokohin ka. Gusto mong higitan ang kapangyarihan ni Van?" Hinawakan ng lalake ang suit case. "Itong mga dugo na ito at dugo ni Van ay makakatulong para mahigitan mo siya."
"Bakit mo ba ako tinutulungan? Bampira ako at isa kang tao, at ang nakakatawa pa, isa kang–"
Hindi hinayaan ng lalake na ituloy ni Victoria ang kaniyang sasabihin.
"Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon kaya 'wag kang masyadong atat. Ang problemahin mo na lang ay kung paano ka makakakuha ng dugo kay Van Walker. Mas lalo kang mahihirapan sa pagkuha no'n ngayon dahil balita ko ay dumating ang representative ng labing tatlong angkan ng bampira. Nagtipon-tipon na sila dahil sa ginawa mo."
Ngumisi si Victoria. "Ako na ang bahala. Gagawa ako ng paraan."
WALA na nga ako sa puder ni Victoria, nandito naman ako sa bahay ni Israel at nakakulong na naman. Kailan ba kasi ako makakaalis? Gusto ko na talagang makita si Kuya. Ano na kayang itsura niya ngayon? Siguro mas lalong gumwapo si Kuya. May gusto pa rin kaya siya kay Louise? Patay na patay siya sa babaeng 'yun, eh. Nakita na kaya niya si Louise? Siguro dalaga na siya ngayon. Huli ko siyang nakita ay noong mga bata pa lang kami at hindi kami close kagaya nila ni Kuya pero alam ko namang mabait siya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Israel. Umupo siya sa couch at tumingin sa akin.
"Saan ka galing?"
"D'yan lang."
"Kailan mo ako palalabasin?"
"Gusto mo na ba talagang umalis?"
Napakamot ako sa batok ko. "Gusto ko nang makita si Kuya Cross, eh."
"Makakapaghintay ka pa ba? Dahil masyado pang delikado sa ngayon. Madaming nangyayari na hindi mo dapat malaman kaya hanggat hindi maayos ang lahat ay diyan ka muna."
"Bakit kasi pinabuhay mo pa ako?"
"Hindi ako ang nagpabuhay sa 'yo. Balak na ni Victoria 'yun bago pa siya maglingkod sa 'kin kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi ka ba masaya na buhay ka? Hindi ka ba masaya n anandito ka?" Umiwas siya ng tingin na para bang hindi siya handa sa magiging sagot ko.
Natigilan ako sa tanong niya. Masaya ba ako kapag nandito ako? Napahawak ako sa dibdib ko. Nando'n na naman 'yung mabilis na pagtibok. Paano ko sasabihin?
"Hindi ka ba masaya?" pag-uulit niya.
Tumungo ako. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kaniya. "M-masaya," mahinang usal ko.
Napatunghay na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng rehas. "Bukas papayagan kitang makalabas at magpakita sa Kuya mo, pero dapat babalik ka rito."
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako 'agad nakapagsalita. Napalunok ako, nag-iisip kung ano'ng dapat kong isagot. "Sigurado ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Oo at gaya nang sabi ko babalik ka rito. Gumawa ka ng paraan para makabalik dito."
"P-Paano kung hindi?"
Hindi siya nagsalita pero kita ko ang sari-saring emosyon na dumaan sa mga mata niya pero ang pinakanakapukaw ng atensyon ko ay ang sakit at lungkot dito.
"Ikaw ang bahala, basta hihintayin kita."
Buong akala ko'y pagbabantaan niya ako pero ang tanging sinabi niya lang ay hihintayin niya ako. Napaupo na lang ako sa sahig. Bakit niya ba ako pinahihirapan nang ganito? Bakit kailangang magdesisyon ako nang ganito kabigat? Babalik pa ba ako rito?
Ibig bang sabihin ng sinabi niya ay kahit gaano pa katagal, hihintayin pa rin niya ako?
I'm sorry, Israel.
Kailangan kong makasama si kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com