Chapter 32
Chapter 32
Live, Laugh, Love
Nadinig ko ang malakas na volume ng aking ringtone. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang caller. Nakaflash sa screen ang pangalan ni Van kaya 'agad ko itong sinagot. Ilang araw na siyang tumitigil sa council para magasikaso ng kung ano-anong bagay lalo pa ngayon na nabalitaan kong dumating na ang mga representatives ng bawat clan.
"Bakit?"
[Wala, namiss lang kita.] Dinig ko sa boses niya ang pagod.
Napabuntong-hininga ako. "Anong oras ka uuwi? Makakauwi ka ba?"
[Hindi eh,] malungkot na sabi niya. [Ganito na lang, punt aka sa mall at hintayin mo ako roon. Date tayo.]
"Talaga?!" Hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Date raw! Sana hindi na masira ang date namin. Hindi naman sa sinasabi kong nasira 'yung noon dahil kay Cross pero mas gusto ko na kaming dalawa syempre. Speaking of Cross, matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Ano na kayang nangyari do'n?
[Yep. Wait for me, okay?]
"I'll wait for you," sagot ko. "Ano na ang ginagawa niyo riyan?"
[I'm having a meeting with the representatives right now.]
"Are you gonna bring them here after?" Na-excite ako. Gusto kong makita ang mga kapangyarihan nila.
[Yeah, dadalhin ko sila riyan sa mansyon kapag natapos na ang dapat naming gawin.]
"Yey! I love you!"
[I love you too.]
Napangiti na lang ako. Ang husky ng boses niya, sarap niyang hilahin palabas ng kabilang linya at halikan! Ay, ano ba yan?! Nahahawa na yata ako sa kamanyakan ni Van! Binaba ko na ang telepono at lumakad na papunta sa kwarto para makapag-ayos pero napadaan ako sa kwarto ni Farrah kasi narinig kong may nagsisigawan.
"Farrah! Masakit!"
"Lumayas ka nga rito! Palagi mo na lang akong kinukulit! Bwiset ka!"
" 'Yun na nga lang ang paraan ko para mapansin mo ako, eh! Hindi pa ba sapat 'yun?!"
My mouth formed into an o. Sina Farrah at si Jick?! Kinikilig ako! Don't tell me may gusto si Jick kay Farrah? Kaya pala no'ng malungkot si Farrah at umiiyak sa pagkamatay ni Kiel laging si Jick ang kasama niya Laging si Jick ang nagpipilit sa kaniya lalo na sa pagkain. Kahit na gusto ko pang makinig ay hindi puwede, masama ang makinig sa usapan ng iba.
Pagkadating ko sa kwarto ay 'agad akong naligo at nagbihis. Pero feeling ko mas excited pa akong makilala ang mga representative ng Vampire Clans kaysa sa date namin ni Van, eh. Gusto ko kasing makita ang mga kapangyarihan nila.
Hmm, ano kayang mga istura nila? Siguro magaganda at guwapo sila. Ang mga panget na bampira lang na nakita ko ay mga Insanes pero yung mga matataas na rank na, puro magaganda at guwapo na.
Pagkatapos kong magbihis ay 'agad na akong pumunta sa may mall. Hindi na ako nagpaalam sa mga Nobles, masyado din silang abala sa mga sari-sarili nila buhay. Si Lolo G naman ay lagi lang nakakulong sa kwarto niya, kaya alam na.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi ang tunay na dahilan kung bakit ba talaga siya bumaba ng bundok. Sa tingin ko kasi mas may malalim pang dahilan. Matagal na siyang nakatigil sa bundok at ilang taon na siya na hindi bumababa kaya imposibleng dahil lang sa kamanyakan niya kaya lang siya bumaba.
Nang makarating ako sa mall ay nagsend ako ng text kay Van.
To: Manyak Van
Nandito na ako sa Mall. Ayaw ko ng pinaghihintay ako. ;)
Like a boss ang drama? Subukan niyang hindi sumipot talagang makakatikim siya sa 'kin. Makakatikim ng pagmamahal? Ngek. Corny ko na.
"Sino'ng may sabing paghihintayin kita?" May kamay na pumulupot sa baywang ko at yumakap mula sa likod ko. Pabango pa lang niya alam ko na kung sino siya.
Humarap ako sa kaniya at pinulupot ang kamay ko sa batok niya. Para kaming gumagawa ng music video pero wala akong pakealam kahit na pinagtitinginan kami, maganda naman ako, gwapo siya, kaya given na 'yun.
"Akala ko ako ang nauna."
"Tinakasan ko na nga sila, eh. Gusto ka nilang makita pero ayaw kong makita mo sila. Hindi kita masosolo kapag nagkataon."
"Basta ipakikilala mo sila sa 'kin, ah! Gusto ko kasing makita ang mga powers nila."
Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Oo basta i-enjoy na natin ang araw na 'to, okay?"
Tumango lamang ako sa kaniya at hinawakan naman niya ang kamay ko. Habang naglalakad ay sa kamay naming dalawa na magkahawak ako nakatingin. Ang ganda kasi ng kamay niya, eh. Mahahaba ang daliri niya at 'yung kuko niya hindi pabilog ang shape. 'Yung sa kaniya kasi pahaba tapos ang lambot pa ng kamay niya.
Bigla niya akong pinigilan sa paglalakad kaya napatunghay ako.
"Bakit?"
"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, muntik ka na makabunggo," nangingiting sabi niya.
"H-Huh? Eh?" Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Ano bang tinitingnan mo?"
" 'Yung kamay mo kasi bagay na bagay sa kamay ko." I smiled.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at umiwas ng tingin pero namumula na ang tainga niya. Kilig na naman si Van dahil sa 'kin! Teka, bakit parang baligtad? 'Di ba dapat siya ang nagpapakilig sa 'kin?
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at saka tumingin sa 'kin.
"Oo parang tayong dalawa, gaya ng kamay mo at kamay ko, bagay na bagay din tayo." He smiled. 'Yung natural smile niya na labas ang mapuputi niyang ngipin. Kulang na lang ay magkantahan ang mga anghel at may lumabas na liwanag. Ang guwapo kasi ni Van! Hindi ko na kaya!
This time, ako naman 'yung namula at nag-iwas ng tingin.
"Kilig ka naman," pang-aasar niya.
"Nagsalita ang hindi kinilig," pang-aasar ko rin sa kaniya. Napatawa na lang siya at patuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang fast food chain.
"Minions!" Para akong bata na nagtatalon with matching alog pa sa braso ni Van.
"Para 'tong bata, gusto mo ba no'n?" Tinuro niya ang dilaw na laruan na mukhang saging. For some reason, they remind me of Jack and Jick. Pareho kasi silang makukulit.
Paulit-ulit akong tumango. "Gusto ko lahat."
Naghanap muna kami ng table at siya na ang umorder para sa aming dalawa. Pinapanood ko lamang siya habang nakapila. Lahat ng babaeng nakapila pati na rin ang mga nasa table ay nakatingin din sa kaniya. Kahit nga matanda napapatingin, eh! 'Yung iba parang kinikilig. Sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Kung nasa katayuan nila ako baka gano'n din ang maramdaman ko. Sobra kasing guwapo ni Van, para talaga siyang tao kumilos na hindi mo aakalaing bampira siya.
Nakapamulsa siya habang nakatingin sa menu sa itaas. Nadark violet long sleeve siya na nakatupi hanggang siko niya at bukas pa ang tatlong butones niya kaya kita ang dibdib niya at tinernohan ng black fitted jeans. Bakat na bakat ang biceps niya at mga yummy muscles niya na ako lang ang nakakatikim–AH! Nahahawa na talaga ako sa kamanyakan ni Van! Pervert na rin yata ako?
Nang matapos na siyang umorder, halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Lahat ng minions binili niya!
Napahawak ako sa pisngi ko. "Binili mo nga lahat!"
" 'Di ba sabi mo? Baka mamaya magtantrums ka kapag hindi ko binili."
I pouted. "Ang cute talaga ng mga minions!"
Kinuha ko lahat at binuksan ko isa-isa. Ako na ang parang bata. Bukod kay Spongebob at Patrick, gustong-gusto ko rin sila.
"Kaunti na lang magseselos na talaga ako. Parang minions lang ang gusto mong makasama, ah! Ano ba'ng nakita mo sa mga patatas na may malaking mata na 'yan, ha? Alien ba 'yang mga 'yan?"
Hindi ko siya pinansin. Masyado akong engrossed sa pageexamine ng mga minions ko. Talk to the hand na lang, Van.
"Hoy, Kisha! Hindi mo talaga ako papansinin?"
Lalalala~ Wala akong nadidinig. Minsan ko lang siyang asarin kaya susulitin ko na.
"Babawiin ko sa 'yo 'yang mga patatas na may malaking mata na 'yan!"
Wala pa rin akong nadidinig~
"Ayaw mo talaga akong pansinin, huh?"
Hindi ko pa rin siya pinansin though kinakabahan ako sa sakaling gagawin niya. Tumayo siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Makinig po kayong lahat sa 'kin!"
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Lahat ng tao ay napatigil sa pagkain at napatingin naman kay Van. Kinuha niya ang isang minion na hawak ko at itinapat sa mukha niya. "Sino'ng mas cute? Ako o ang patatas na 'to?" Ngumuso siya. Pinigilan kong matawa sa itsura niya. Nakapikit pa siya habang nakapout. Bigla namang nagtilian ang mga tao dahil sa ginawa ni Van. "O ano? Sino'ng mas cute?"
"Ikaw!" Kahit mga nasa counter ay nakikitili na rin!
"O? Mas cute raw ako! Bakit sila pa rin ang pinatutuunan mo ng pansin? 'Di ba dapat ako?" Tumingin siya sa 'kin. Pakiramdam ko'y matutunaw ang puso ko sa mga mata niyang 'yan! Diyos ko! Hindi ko po alam kung bakit gumawa Kayo ng nilalang na katulad niya pero siguro ngayon alam ko na, ginawa siya para sa 'kin!
"Oo na! Mas cute ka na! Umupo ka na kaya!"
Nagpout na ulit siya. "Parang napipilitan ka lang, eh."
Nakakahiya! Ang dami na tuloy taong nakapalibot dito at nakikinood! 'Yung mga napapadaan, tumigil na rin para makita ang mga nangyayari rito!
"Promise! Mas cute ka! Gusto mong patunayan ko?"
Biglang nagliwanag ang mga mata niya. "Sige nga! Paano?"
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at kinurot ang kaniyang pisngi.
"Ang cute talaga ng boyfriend ko! Ang sarap kurutin ng cheeks mo!"
"Troll." Sumimangot siya. Umupo na kaming dalawa at nagsibalikan na rin ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. "Akala ko ikikiss mo ko," nakangusong sabi niya.
"Asa. Ang dami kayang tao."
"Ikinakahiya mo na ako?"
Binato ko sa kaniya ang isang pirasong fries. "Ikinakahiya kaagad? Hindi ba puwedeng mas gusto kong tayo lang dalawa kaya ayaw kitang i-kiss?"
Ngumisi naman siya sa 'kin. "Gusto mo pala ng private, huh? Mamaya sa bahay." He winked at me.
Napailing na lang ako. "Siraulo ka talaga."
ITO na ang araw kung kailan ako pakakawalan ni Israel. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi. Simula kaninang umaga hindi niya ako kinakausap, dinalahan niya lang ako ng pagkain pagkatapos ay umalis na rin siya. Galit ba siya sa 'kin? Pero bakit?
Ang sabi niya puwede na naman raw akong lumabas kasi palalayain niya na ako at ito na ang araw na 'yun.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok si Israel na may dalang susi at maliit na bag. Walang imik niyang binuksan ang selda ko.
"Puwede na ba akong umalis–"
Hindi man lang niya ako pinatapos magsalita. "Sige, umalis ka na." Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Ang cold, hindi 'yung Israel na laging nagbabantay sa 'kin dito noon. "Dalhin mo 'yang bag, may lamang pera 'yan."
"Salamat sa lahat–"
Napasinghap ako nang hindi na naman niya ako patapusin. Parang ayaw na niya akong madinig.
"Umalis ka na. Hindi mo na kailangang magpasalamat."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Gusto kong maiyak, hindi ko alam kung bakit. Siguro pakiramdam ko pinaaalis na talaga niya ako. 'Di ba ito naman ang gusto ko? Pero bakit ang bigat sa dibdib? "Hihintayin mo ba ako gaya nang sinabi mo?"
"Bakit? Ano ba kita para hintayin ka?" Napatungo ako dahil sa sinabi niya. Namumuo na rin ang luha sa gilid ng aking mga mata ko. Teka, bakit naman ako naiiyak? Ano nga ba niya ako? Isa lang naman ako sa gagamitin nila ni Victoria para sa masamang balak nila? Wala naman akong halaga sa kaniya.
"O-Oo nga naman. Ano nga ba kita? Ano mo nga ba ako?" Lumakad na ako ng nakatungo at nang lagpasan ko siya ay napatigil ako sa paglalakad. "Pero salamat pa rin kasi naging mabait ka sa 'kin. Sana hindi na kita makita pa kahit kailan."
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa pintuan n nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha. Bakit ba kasi ang sakit? Aalis lang naman ako, 'di ba? Dapat masaya ako kasi makakalaya na ako. Makikita ko na si Kuya, hindi na ako maiinip pa rito. Pero bakit pakiramdam ko ang laki ng mawawala sa 'kin?
Hanggang sa makalabas ako sa bahay niya umiiyak pa rin ako. Akala ko susundan niya ako, umaasa ako, pero dapat pala hindi na kasi nadisappoint lang ako. Wala nga talaga akong halaga sa kaniya.
Nang makarating ako sa highway ay sumakay na ako sa may taxi at nagpahatid sa bahay ni Kuya Cross. Pinahid ko ang aking luha at huminga nang malalim.
Hindi ko na dapat iniiyakan si Israel. Ang mahalaga'y makikita ko nang muli si kuya.
HUMINGA ako nang malalim bago bumaba ng taxi. Gano'n pa rin ang itsura ng bahay, ang pinagbago lang ay bagong pintura ito, wala namang masyadong pinagbago. Nanginginig ang kamay kong humawak sa doorknob. Dapat pa ba akong kumatok?
Binitawan ko ang doorknob at napagdesisyunang kumatok muna.
Kumatok na ako at wala pang ilang beses na pagkatok ay bumukas na ang pinto.
"Kuya," naluluhang sabi ko.
Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Hindi ko siya masisisi dahil sino ba namang hindi magugulat kung makita mo ang mahal mo sa buhay na namatay noon sa 'yong harapan?
"Jullia?! What the hell?!"
Kahit na punong-puno ng luha ang aking mukha ay napatawa na lang ako dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi pa rin siya nagbabago.
"Sa loob ko na ipapaliwanag ang lahat, Kuya."
Wala sa sarili siyang tumango at pinapasok ako sa loob. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Madami rin palang nagbago, mas madaming mamahaling gamit ngayon pero karamihan ay 'yung mga gamit pa namin noon. Naiba lang sila ng pwesto.
Umupo ako sa katapat ng inuupuan niya at matagal niya akong tinitigan.
"You're really Jullia." I could see his eyes water while staring at me.
"Yes, Kuya. It's me."
"How?"
Sinabi ko sa kaniya lahat ang nangyari. Wala akong tinira na kahit isang detalye. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Ang ipinagtaka ko ay nag-iba ang kulay ng mga mata niya.
"Kuya, ang mga mata mo."
Umiwas siya ng tingin at muling tumingin sa 'kin. Normal na ulit ang mga mata niya. "Jullia, I have to tell you something," seryosong sabi niya. "I'm a vampire now. Victoria bit me and I turned into a vampire."
Nagulat ako sa sinabi niya pero paano pa kaya kapag nalaman niyang bampira na rin ako? "Actually Kuya, bampira na rin ako. Inihalo nina Victoria at Israel ang dugo nila sa 'kin para mabuhay ako kaya dumaloy na sa 'kin ang dugo ng bampira."
"What?! Even you?!" Ginulo-gulo niya ang buhok niya. "Bakit kailangan mo pang maging bampira?! Shit! Kapag nalaman ng nakakataas 'to, siguradong mabibitay tayong dalawa."
Nasa rule ng clan ng mga Vampire Hunter na oras na maging isang bampira ang isa sa mga kalahi namin ay walang magagawa kundi ang bitayin ito. Hindi magdadalawang-isip si Supreme Commander na ipabitay kami kapag nagkataon at sigurado ring paiimbestigahan niya ako kapag nalaman niyang nabuhay ako.
"Kuya, hindi nila dapat malaman na nabuhay ako. Baka pati ikaw ay madamay."
"Don't worry, I won't let them know that you're alive. Basta dito ka lang sa bahay, 'wag kang aalis. At kapag alam mong may taong paparating 'wag kang lalabas. Magtago ka lang sa kwarto mo."
Tumango ako at lumipat sa tabi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko. "I miss you so much, Kuya."
Yumakap din siya sa 'kin at naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko. "I miss you too. Hindi mo alam kung gaano ko gustong patayin si Van dahil sa ginawa niya sa 'yo pero sa tuwing gagawin ko 'yun, ikaw ang unang naiisip ko. Alam kong hindi mo gugustuhin 'yun kaya hindi ko na lang ginagawa. Ano ba kasing nakita niyo sa bampirang 'yun?"
Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya."Huh? Ano'ng ibig sabihin mong niyo?"
"Tanda mo pa ba si Louise? Siya ang girlfriend ni Van ngayon."
Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Magiging malaking gulo ito. "Paano? Hindi ba si Louise ang–"
"Oo, alam ko." Inihilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. "Alam na rin ng Supreme Commander at anytime, gagawa na siya ng paraan para mabawi siya."
"Nagawa na ba ni Cray ang pinagagawa mo sa kaniya?" tanong ng matandang lalake habang nakaupo siya sa swivel chair na nakaharap sa glass wall kung saan nakikita ang kabuuan ng district.
"Hindi pa niya nakukuhanan ng dugo ang Walker pero alam ko pong magagawa niya kaya kailangan lang natin ng kaunting panahon."
"Magaling. Nabasa mo na ba ang kabuuan ng libro? Sa 'yo ko iniaatas ang gawaing iyon dahil malaki ang tiwala ko sa 'yo. Pumalpak na tayo sa pagpapalaganap ng chemical, hindi na dapat tayo pumalpak pa sa ngayon."
Tumungo ang lalake. "Naiintindihan ko. Gagawin ko po ang lahat para mabasa na ang libro. Malapit ko na po iyong matapos at madami na rin po akong balak gawin."
Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok pa ang isang lalake at umakbay sa binata.
"Ano po'ng masasabi niyo sa anak ko? Hindi ba at maasahan siya?"
"Pinalaki mo siya nang maayos. Mabuti at madami siyang naiitulong sa atin," maikling pahayag ng matanda. "Hindi dapat ito malaman ni Cross Falcon. Nagdududa na kasi ako sa kaniya, parang may hindi tama. Matagal ko ng iniaatas sa kaniya ang misyon para makuha si Louise sa bampirang iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa atin!"
"Hayaan niyo po. Ako na apo ang magpapaalala kay Cross tungkol d'yan."
"Hindi ba siya nagdududa na ikaw ang kumuha ng libro?"
"Sa tingin ko naman po ay hindi. Madami po kaming pinagsamahan kaya mahirap para sa kaniya na pagdudahan ako. Hindi pa naman siya gumagawa ng hakbang para malaman kung nasaaan ang libro."
Ngumiti ang matanda sa naging sagot niya. "Sa 'yo ko na ipagkakatiwala ang lahat, Ivan Crone."
"BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH."
"Utang na loob, Jick! Itigil mo nga ang pagkanta ng banana na 'yan!"
"BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (BANANA!)" Sinabayan pa siya ng walanghiyain niyang kakambal na si Jack! And guess what? Nandito pa sila sa kwarto ko at nanggugulo!
"Lumayas nga kayong dalawa rito!" Binato ko sila ng unan pero hindi pa rin sila natitinag.
"BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (POTATO! NAH!) BAH BAH BAH BAH BAH NAH NAH (BANANA!)"
"Mga punyemas kayo!" Tumayo ako at hinawakan ko ang ulo nilang dalawa saka ko sila pinag-untog.
"Aray!" reklamo nilang dalawa.
"Masakit 'yun, ah! Makaalis na nga! Ikaw kasi kambal, eh!" nakapout na sabi ni Jack.
Niyakap naman siya ni Jick. "Sorry na kambal, balik ka na sa kwarto mo," malambing na sabi ni Jick kay Jack.
Nang makaalis si Jack ay tumingin naman ako nang masama kay Jick. "Ano na namang trip mo?!"
"Ang sabi mo gusto mo ng mga unique? Eh, 'di hinarana kita in a unique way!" sabi niya habang sobrang lawak ng ngiti at kung puwede lang mag-sparkle ang mga mata, baka gano'n na ang mga mata ni Jick ngayon.
Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. "At naniwala ka naman? Ano ba, Jick?! Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo! Itigil mo na 'to!"
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Biglang naging seryoso ang mukha niya. "Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako pinagbibigyan ng pagkakataon, Farrah. Hindi ba sabi ko naman sa 'yo gusto kita? Alin ba roon ang mahirap intindihin?!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig na magtaas ng boses. Sa tuwing sinasabi niyang gusto niya ako lagi akong nag-eexpect na kasunod no'n ay sabihin niyang joke lang pero hindi ko 'yun narinig. Palagi siyang seryoso.
"Hindi mo alam na dahil sa ginagawa mong pagtaboy sa 'kin, nalaman kong hindi na pala kita gusto."
Napatingin ako sa kaniya at parang may kumirot sa puso ko. Parang ilang segundong tumigil ang pagpintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umalis at umiyak. Nahihirapan na ba siya sa 'kin? Pwes nahihirapan din naman ako na paniwalaan siya. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya o hindi. At natatakot din ako na baka ipagkumpara ko siya kay Kiel. Natatakot ako na baka hindi ako maging sapat para sa kaniya. Alam ko namang madami pang iba riyan, hindi lang ako ang puwede niyang magustuhan.
"Mas magaling pang maghanap ka na lang ng iba. 'Yung mas deserving sa 'yo."
Lumakad na ako palabas ng pinto pero hinawakan niya ang braso ko.
"Nalaman kong hindi na pala kita gusto kasi ngayon mahal na kita. Sa ginagawa mo, mas lalo ko lang napapatunayan na iba ka kaya 'wag mo akong sasabihan na tigilan ka kasi hindi ako susuko hanggang sa maging akin ka. Tandaan mo 'yan."
Nauna na siyang lumabas at naiwan akong nakatanga. Ilang beses ba akong masusurpresa sa mga lumalabas sa bibig niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com