Chapter 33
Chapter 33
Power of the Representatives
"Dadating na ba sila?"
"Mamaya pa."
"Bakit?"
"Basta."
Sumandal na lang ako sa couch at itinuon ang atensyon ko sa TV kahit wala naman akong maintindihan sa palabas. Masyado kasi akong naeexcite sa pagdating ng mga representatives ng bawat clan ng mga bampira, eh! Sino bang hindi maeexcite? Galing pa sila sa iba't-ibang bahagi ng mundo at isa pa, ang sabi ni Van, willing daw silang ipakita sa 'kin ang mga kapangyarihan nila. Isa 'yung malaking karangalan.
"Dadating na ba sila?"
"Mamaya pa."
"Bakit?"
"Basta."
Paulit-ulit na lang ang usapan namin ni Van. Eto namang si Van busy sa paglalaro sa cellphone niya ng kung ano, pindot ng pindot, kapag nagegame over napapatalon sa upuan at napapamura. Adik.
Sumandal na lang ulit ako sa upuan at itinaas ang paa ko sa center table. Ang tagal naman nila. Hindi ba mabibilis kumilos ang mga bampira? Bakit ang tagal naman nilang dumating? Gustong-gusto ko na talagang makita ang mga kapangyarihan nila.
"Dadating na ba–"
Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil lumapat na ang labi ni Van sa labi ko. Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat sinabayan nang mabilis na tibok ng puso ko. Kailan na ba ako masasanay? Sa tuwing hinahalikan niya ako ay gano'n pa rin ang epekto.
Napakapit na lang ako sa braso niya dahil pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa mga halik niya.
Humiwalay siya nang kaunti pero nagkakadikit ang ilong naming dalawa. Nakatingin siya sa labi ko at nakatingin naman ako sa mga mata niya habang hinahabol naming dalawa ang aming hininga.
"Paulit-ulit na 'yang tanong mo. Hindi ka na ba talaga makapaghintay?" pabulong na tanong niya.
I pouted. "Ang tagal kaya nila! Gusto ko nang makita ang mga kapangyarihan nila."
"Don't do that"
"Don't do what?"
Pero sa paghihintay ko ng sagot niya halik lang ang ibinigay niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko at pinalalim pa ang halik.
"RATED SPG!"
Napahiwalay kami sa isa't-isa ng marinig ang isang matinis na sigaw ng batang babae.
Napatayo kaming pareho at literal na nanlaki ang mga mata ko at lumaglag ang panga ko nang makitang nakahelera sa harapan namin ang labing tatlong magagandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. Are they even real? Para silang mga character sa isang comics na nabigyan ng buhay. Well, ano nga ba ang ieexpect ko? Sila na ba ang mga representatives? Bakit may dalawang bata? Isang batang lalake at isang batang babae. May isa namang babae na siguro ay nasa edad lang namin ni Van at the rest ay puro lalake na talagang may kaguwapuhang ipagmamalaki.
"Kaya pala hindi ka nasagot sa telepono may kababalaghan kayong ginagawa, eh," nakangising sabi nung lalakeng pula ang buhok. Ang astig naman ng buhok niya.
Binatukan naman siya no'ng babaeng maikli ang buhok na medyo nagbublue at naggi-green ang buhok. Ang ganda niya. "Umayos ka. Mahiya ka nga, bisita ka lang."
"Bakit ba kailangang may batok?"
"Wow! Siya na ba ang girlfriend mo, Van?" tanong naman no'ng isang nakasalamin.
Umakbay naman sa 'kin si Van at inilapit ako sa kaniya na parang ipinapakita na bawal akong kuhanin.
Itinaas naman no'ng lalakeng nakasalamin ang dalawang kamay niya na parang sumusuko ito. "Chill, dude! Possessive ampota," natatawang sabi niya.
"Hi, Ate! Ikaw ba talaga ang girlfriend ni Kuya Van? Sobrang ganda mo naman yata!"
Napatungo naman ako para tingnan ang cute na cute na batang babae. Binuhat ko naman siya. "Yup. Ako nga ang girlfriend niya. Hindi halata, 'di ba? Kasi panget si Kuya Van mo, at sobrang ganda ko para sa kaniya." Sabay kaming napatawa dahil sa sinabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Van at binelatan ko lang siya.
"Gusto ko rin ng karga!" sabi naman no'ng batang lalake. Cuteness overload Anak ba sila ng mga representatives? Pero kung anak silang dalawa, eh, 'di hindi na sila 13?
"Teka." Ibinaba ko muna ang batang babae at nilevel ko ang mukha ko sa kanilang dalawa. "Representatives ba kayong dalawa?"
Sabay silang tumango. May kung anong dinukot sila at halos mahimatay ako nang inilabas nila ang mga armas nila. Espada para sa batang babae at kutsilyo naman para roon sa isa.
"Oh, God! Seriously?!" Ito na lang ang nasabi ko at napaupo ako sa sahig. Sobrang bata pa nila para humawak ng ganyang katalim na bagay!
"Hey! You okay?" tanong sa 'kin ni Van na nasa tabi ko na at hawak ang balikat ko.
"Sigurado kang payag ang mga magulang nilang humawak sila ng mga ganyang bagay?"
Napatawa naman si Van. "Oo naman. Na-train na sila para sa mga ganyan. Si Noi Hidari ang tinaguriang pinakabatang magaling gumamit ng espada sa buong Samurai Vampire Clan at si Brett Han naman ay magaling sa paghawak ng mga dagger."
" 'Wag kang mag-alala, Ate! Magaling kami, 'no!"
"Oo nga! Tawagin mo lang kami at poprotektahan ka namin!"
Napangiti na lang ako at inalalayan akong tumayo ni Van.
Lumapit naman sa 'kin 'yung babaeng maikli ang buhok. Ang ganda niya at sobrang kinis ng mukha niya. Matagal siyang tumitig sa 'kin at unti-unti naman akong nailang.
Natigil lang siya sa pagtitig sa 'kin ng batukan naman siya no'ng lalakeng pula ang buhok.
"Yes! Nakaganti rin!"
"Hoy! Phoenix, mapapatay talaga kita!" banta niya pero ngumisi lamang 'yung lalake. Muli siyang humarap sakin at ngumiti. "Ako nga pala si Jenessa Frost, ang kapangyarihan ko ay yelo at para hindi na masyadong magtagal ay ipapakita ko na sa 'yo ang kapangyarihan ko."
Inilahad niya ang palad niya kaya napatingin ako. Unti-unting nagkakaroon ng tusok-tusok na yelo sa palad niya at palaki ito nang palaki. Napanganga na lang ako dahil sa paghanga. Nakikita ko ang repleksyon ko sa yelong ginawa niya. Pero bigla itong natunaw dahil may maliit na bolang apoy ang tumama rito.
Napalingon kami roon sa lalakeng may pulang buhok. "Dave Phoenix nga pala, apoy ang kapangyarihan ko at ako lang ang nakakatalo kay Jenessa." Inilahad din niya ang palad niya at naglabas ng bola ng apoy.
"Wow." Ito na lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang paghanga. Hindi ako makapaniwalang makakakita ako ng ganitong kapangyarihan.
May balak pa yata siyang palakihin ang bola ng apoy pero biglang nabasa ang kamay niya dahil sa tubig na nanggaling sa kung saan.
"Baka masunog mo ang mansyon ni Van." Nagstep forward naman 'yung isang lalake... "Hi! I'm Jett Heather, tubig ang kapangyarihan ko."
Nagstep forward din 'yung isang lalake. "Carl Archer here, nice to meet you."
Nagpantig ang tainga ko ng narinig ko ang apelyidong Archer. "Kapatid ka ba no'ng mga makukulit at masarap upakan na Archer Brothers?" Napatakip na lang ako sa bibig ko nang marealize ko ang bagay na lumabas sa bibig ko.
Tatago na sana ako sa likod ni Van nang biglang tumawa ang lalakeng nagngangalang Carl. Nawala ang takot ko dahil doon.
Bigla siyang tumayo nang maayos at back to his poker face nang matapos siyang tumawa. "Sorry. Ngayon lang kasi may nagsabi ng ganyan sa mga magkakapatid na 'yun, eh. So totoo pala 'yung ikinwento sa 'kin ni Van na natalo mo ang Archer Brothers. Pinapahanga mo ako, nararapat ka nga bilang kabiak ni Van."
"Kaya pala no'ng bumalik ang Archer Brothers, puro mga badtrip at hindi maipinta ang mukha," sabi naman no'ng isa. "Hello! Ako nga pala si Yatriv Ampere, malakas akong sumipa. Demonstrate ko sa 'yo."
Bago pa ako makareact ay naitaas na niya ang paa niya at pabulusok na ibinaba sa couch kaya naglikha iyon ng malakas na tunog. Nabiak ang couch sa gitna at no'ng nag-landing ang paa niya sa sahig ay nagkaroon ito ng crack. Ang astig! Para siyang si Sanji ng One Piece!
"Para kang si Sanji."
"Eh?"
Umakbay naman kay Yatriv 'yung isang lalake. "Si Sanji 'yung malakas sumipa sa One Piece. Mahilig ka pala sa anime?" Tumawa siya. "Ako naman si Victor O'Neil at ang ability ko ay gumawa ng mga bomba. Hindi ako puwedeng magpakita sa 'yo ng ability pero ipapakita ko na lang sa 'yo ang mga dala ko."
Hinawakan niya ang coat niya at binuksan ito. Sa loob nito ay may iba't-ibang klase ng bomba na hindi ko maintindihan kung gaano kalakas pero base sa itsura nito ay hindi ito basta na bomba lang.
"H-Hindi ba sasabog 'yan kapag...nasa katawan mo lang? Hindi ba delikado 'yan?"
"Hindi sasabog ang mga 'yan dahil si Victor ang magdedesisyon kung kailan lang sasabog 'yan. Kapag sinabi niyang 'AT201 Activate', saka lamang iyon sasabog o kaya gumagamit siya ng kung ano-anong activation words para mapasabog ang mga 'yan," paliwanag no'ng isang lalake na tumabi kay Victor. "Damien Draphney nga pala, ability ko naman ang gumawa ng mga smoke bombs, tear gas, at kung ano-ano pang gas."
Lumapit naman sa 'kin 'yung lalakeng nakasalamin. "Hi!! Ako si Marius Saffron at ang ability ko ay tumugtog, at kapag narinig mo ang musika ko, siguradong mamamatay ka kaya hindi kita puwedeng tugtugan ngayon dahil siguradong papatayin ako ng lalakeng nasa tabi mo na kung makatingin ay wagas." Sa haba ng sinabi niya ay 'yung huli lang ang pinakanaintindihan ko kaya napatingin ako kay Van na halos patayin na sa titig si Marius.
Napailing na lang ako at lumapit naman sa 'kin 'yung isa pa. "I'm Cole Swift, my ability is to create lightning like this." Inilahad niya ang kaniyang palad at nagkaroon ng kulay puti na dumidiklap sa palad niya.
"Tama na ang pasikat, Cole," nakangising sabi no'ng isa na tinugunan lamang ng masamang tingin ni Cole. "Zydrich Nerman here, my ability is to use this." May kung ano siyang binunot at naglabas siya ng isang baril.
"O? Meron pa bang hindi nagpapakilala?" tanong ni Van.
Nagstep forward naman 'yung lalakeng puti ang buhok. "I'm Greg Calyx, my ability is to hypnotize, wanna try it with you?" straight face na sabi niya.
" 'W-'wag na lang," umiiling na sabi ko. Sa kanilang lahat, itong si Greg Calyx ang nakakatakot, may kung anong meron sa kaniya na hindi ko maintindihan. "Ikinagagalak kong makilala kayong lahat. Ako nga pala si Kisha Louise Madrigal. Maraming salamat at ipinakita niyo sa ;kin ang mga kapangyarihan niyo."
"Ate Kisha! Let's play sword!" excited na sabi ni Noi, tumatalon pa siya habang hawak ang espada. Oh, God! Pakiramdam ko mahihimatay ako sa ginagawa ng batang 'to! Pakiramdam ko talaga hindi siya safe sa espadang hawak niya though sanay na sanay na siya! But still, bata pa rin siya!
Bago pa ako makasagot ay binuhat ni Van si Noi.
"Noi, hindi kayo nandito para maglaro, okay? May kailangan pa tayong asikasuhin," mahinahong sabi ni Van. Napangiti naman ako kasi may side siyang ganito sa mga bata. Biglang sumagi sa isip ko, paano kaya kapag mismong anak na naming dalawa ang buhat niya? Parang ang sayang isipin ang magkaroon ng buong pamilya kasama siya.
Nagpout naman siya. "Okay, basta kailangan pagkatapos maglalaro kami ni Brett buong araw, ha! Promise mo!"
Pinisil naman ni Van ang ilong ni Noi. "Opo. Promise." Ibinaba na niya si Noi at humarap naman sa akin. "Kailangan na naming umalis. Pumunta lang sila rito para makilala ka. Babalik na ulit kami sa Council para pag-usapan ang mga nangyayari."
"Sige, ingat kayo." Ngumiti ako sa kaniya at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.
"Baka hindi ako makauwi mamaya." Yumakap siya sa 'kin nang mahigpit at hinalikan naman ako sa labi. "Matulog ka nang maaga at kumain ka nang maayos."
Tumango lamang ako sa kaniya at pinanood lamang silang umalis. Nagpaalam na silang lahat at sa isang iglap ay nawala na sila na parang bula. Gustuhin ko mang sumama pero hindi puwede. Magiging pabigat lamang ako sa kanila.
Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.
"Nakahanda na ba silang lahat?" tanong ni Victoria sa binatang nakaupo sa swivel chair sa loob ng isang laboratoryo. May isang libong capsule na kasing laki ng tao na nakapaloob sa laboratoryo na kinalalagyan ng kanilang eksperimento.
"Handang-handa na. May isa lamang akong idadagdag. Hindi ko muna sila ilalabas lahat, mga limang daan muna ang isasama ko sa 'yo."
"Bakit hindi mo na lang lahatin?! Hindi mo ba alam kung gaano kalakas ang mga representatives ng bawat clan?" asik ng dalaga. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tiwala sa lalakeng kaharap niya. Mahirap para sa kaniya ang pagkatiwalaan ang isang katulad niya pero wala na siyang ibang magagawa, ito na lamang ang tanging paraan para makuha niya ang kapangyarihang gusto niya.
"Huwag mong maliitin ang kakayahan ng nilikha ko, Victoria Cray. Kaya nilang lagpasan ang kapangyarihang meron ka," matalim na sabi ng binata. "Baka nakakalimutan mong hindi ka gano'ng kalakas."
"Kaya nga ako nandito para maging malakas, hindi ba? Matagal pa ba 'yan? Sabi ng look out natin papunta na raw ang mga representatives sa council at since may kalayuan ang council sa bahay ni Van ay makakakuha pa tayo ng kaunting minute. Kailangan natin silang maharang bago sila makarating sa council."
Isinuot ng binata ang kaniyang salamin, humarap sa monitor at walang imik na nag-type ng kung ano rito. Mabilis ang galaw ng kaniyang mga daliri at sa bawat pagpindot niya sa keyboard ay naglilikha ng tunog. Sa bawat galaw ng kaniyang mga kamay at daliri ay dito mo mapapansing bihasa siya sa mga ganitong bagay. May kung ano-anong code na lumabas sa right side ng monitor at sa left side naman ay litrato ng cell ang makikita.
Humalukipkip na lamang si Victoria habang pasensyadong naghihintay sa kalalabasan ng ginagawa ng binata at pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ang binata sa kaniyang ginawa. Pinindot nito ang isang pulang button at isa-isang nagbukas ang mga capsule.
Naglabas ng usok ang mga ito at dahan-dahang nagbukas.
"A-Anong..."
Natulala si Victoria at hindi nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
"A-Ano...'yang mga 'yan?" Nanginginig ang kaniyang mga kamay at hindi maialis ang kaniyang paningin sa limang daang nilalang na nakatayo na ngayon sa kanilang harapan.
"Meet my creation, the Fiends," nakangising sabi ng binata.
Hindi makapaniwala si Victoria sa kaniyang nakikita. Ang mga Fiends na sinasabi ng binata ay mas malala pa sa itsura ng mga Insanes. May mga pakpak ito at itim ang kulay ng kanilang katawan, may mahahaba silang kuko at pula ang mga mata.
"Sigurado akong malalakas sila at hindi sila basta-basta mapapabagsak ng mga representatives kaya kunin mo na itong pagkakataon para makakuha ng dugo kay Van Walker."
GABI na pero nandito pa ako sa park malapit sa bahay namin. Ang totoo niyan, tumakas lang ako kay Kuya Cross. Ayaw niya kasi akong palabasin ng bahay dahil masyado raw delikado. Hindi naman ako mapakali na nasa bahay lang, masyadong boring, at isa pa, gusto ko naman makalanghap ng fresh air.
Si Israel kaya? Kumusta na kaya siya? Teka, bakit ko ba siya iniisip? Hindi ba wala naman talaga siyang pakealam sa 'kin? Bakit sa tuwing sumasagi 'yun sa isip ko nasasaktan ako? Posible bang sa konting panahon na kasama ko siya ay may nabuo na akong nararamdaman para sa kaniya?
Pero hindi puwede. Ayoko nang maulit pa na nagmahal muli ako sa isang bampira. Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang pagmamahal ko kay Van, ayoko lang na mangyari ulit ang mga nangyari dati. Gusto kong mamuhay ng normal, na malayo sa gulo pero parang imposible ng mangyari 'yun dahil isa na rin akong bampira.
Nakaupo ako sa swing at mahinang iniuugoy ang aking sarili habang nakatingin sa langit. Ang daming bituin. Kung sana puwede akong humiling sa lahat ng bituin na 'yan at kinabukasan matutupad na, eh, 'di sana matagal ko nang ginawa. Kaso hindi, eh, ito ang realidad. Hindi puwedeng iasa sa lahat ng hiling dahil dapat may kailangan ding gawin.
Bigla akong napatayo dahil sa naisip ko. Walang mangyayari kung ikukulong ko na lang ang sarili ko sa bahay. Dapat may ginagawa ako o kaya may dapat akong gawin. Pero ano? Ang kausapin si Israel? Tungkol saan?
Anong itanong sa kaniya kung ano ba talaga ako para sa kaniya?
Huminga ako nang malalim. Kahit pa sabihin kong ayoko nang mangyari ang mga nangyari noon, wala na din naman akong magagawa para iwasan ang lahat ng 'to dahil kahit ano'ng gawin ko, sangkot ako sa kung ano man ang nangyayari.
Kailangan ko siyang makausap–
"Akalain mo nga naman na buhay ka pa, Jullia Marie Falcon."
Nanlaki ang aking mga mata at napalingon sa isang pamilyar na tinig. "I-Ishtar...Crone?"
"The one and only," nakangising sabi nito. "Hindi ba mas maganda kung malaman ng Supreme Commander na nabuhay ka na? Malay mo, bigyan ka niya ng isang Welcome Party! Hindi mo ba 'yun gusto?"
Sinimulan na akong kabahan. Kahit kailan hindi ako nagtiwala sa mga Crone. Hindi ko alam kung bakit naging matalik na kaibigan ni Kuya si Ivan na anak naman nitong si Ishtar. Sa tuwing malapit sila sa 'kin, lagi akong kinakabahan.
Napaatras naman ako at sige lang siya sa paglakad palapit sa 'kin.
"Ano'ng gusto mo?" At paano niya nalaman na nandito ako? Minamatyagan ba nila si Kuya?
"Gusto ko? Hmm..." Tumigil siya at waring nag-iisip. "Ikaw." Bago pa ako makatakbo palayo ay nakahawakan na niya ako sa braso.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Itinulak ko siya ng malakas at napalayo siya sa 'kin.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib at disgusto ang tanging makikita sa kaniyang mukha. "Isa ka ng bampira?" Tumawa siya. "Napaka-interesante naman ng nangyari sa 'yo! At mas lalong nakakapanabik ay kapag nalaman ng nasa itaas ang nangyari sa 'yo."
Muli siyang lumapit sa akin pero ngayon ay hawak na siyang dagger. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso at nagpumiglas ako. Inilapat niya sa balat ko ang dagger at nakaramdam ako ng panghihina kahit hindi naman niya hiniwa ang balat ko.
"A-Anong...ginagawa mo...."
"Sumama ka na lang sa 'kin, Jullia Falcon, siguradong matutuwa ang Supreme Commander kapag nakita ka niya."
"H-Hindi...puwede..."
Hindi ko na kayang pumalag pa, unti-unti ng nanghihina ang aking katawan. Gusto kong lumaban pero parang naubos lahat ng aking enerhiya. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya pero wala pang ilang hakbang ng tumigil sa paggalaw si Ishtar. Nilingon ko siya at tangi ko na lamang nakita ay ang pagkabutas ng kaniyang tiyan at wala na akong nakita pang iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com