Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Chapter 34

Ambush

"Siya si Zneid." Ngumisi ang binata na nagbigay ng kilabot kay Victoria. Ito ang unang beses na nakaramdam siya nang ganito sa isang tao. Mas higit pa siya sa demonyo. "Siya ang inatasan kong mamahala sa mga kapwa niya Fiend. Siya ang magiging katulong mo sa isasagawa niyong plano," paliwanag ng binata habang nakahawak sa balikat ng Fiend.

Tiningnan naman ni Victoria ang Fiend mula ulo hanggang paa na may kasamang disgusto sa mukha. Nakakabagabag ang itsura nito at gusto mang magprotesta ni Victoria ay wala na siyang magagawa dahil ito ang daan para makuha ang gusto niya.

"Kailangan na nating umalis, may kaunting minuto na lamang tayo para makarating sa destinasyon ni Van," sabi niya rito. Mas pumula ang mga mata ni Zneid at tumango bilang sagot.

"Madali lang naman pala siyang kausap," ani Victoria habang hindi inaalis ang tingin sa fiend na si Zneid.

"Humayo na kayo. Siguraduhin niyong makukuhanan niyo ng dugo si Van para masimulan na nating ang isa pang plano."

Hindi na sumagot pa si Victoria. Umalis na lang siya bigla at 'agad namang sumunod ang limang daang Fiends na hindi lang basta-basta ang kapangyarihan.

KASALUKUYANG nagmamaneho ang mga representatives at si Van ng kani-kanilang kotse upang pumunta sa Council. Kumikidlat at parang bubuhos ang malakas na ulan pero may ibang pakiramdam si Van at gano'n din ang ibang representatives.

"Parang may kakaiba," sabi ni Jenessa habang nakatingin sa maitim na ulap sa kalangitan.

Kasama niya sa kotse ang dalawang bata na nakaupo sa backseat at si Yatriv naman sa passenger's seat. Kanina'y maingay sila habang naglalaro ngunit ngayo'y pareho na silang naitigilan.

"Weird." Humigpit ang hawak ni Brett sa kaniyang dagger. "I feel weird."

Itinuloy na lamang ni Noi ang paglilinis ng espada niya kahit na masama rin ang pakiramdam niya sa mangyayari.

"Fuck! Ano ang mga yan?!" bulalas ni Yatriv nang makita ang mga pigurang lumilipad sa kalangitan. Napasinghap naman si Jenessa at kumapit nang mahigpit sa manibela.

Kinuha ni Yatriv ang kaniyang cellphone at tinagawan ang lahat ng representatives.

[Hindi maganda 'to,] sabi ni Cole sa kabilang linya.

[Itigil niyo ang mga sasakyan niyo,] utos ni Van na 'agad naman nilang sinunod.

Sa hindi kalayuan, nakita nila ang mga nilalang na lumilipad sa kalangitan, hindi nila malaman kung ano ang mga 'yun hanggang sa palapit na ito nang palapit sa kanila.

"Ano ang mga nilalang na 'yan?" tanong ni Carl nang makababa siya sa kaniyang sasakyan.

Nagtiim ang panga ni Jett habang hindi inaalis ang tingin sa mga nilalang sa kalangitan. "Ngayon lamang ako nakakita ng mga 'yan."

Nang tuluyang makalapit ang mga nilalang ay 'agad iyong sumugod sa kanila. Wala na silang nagawa kundi ang lumaban. Sa sobrang dami ng mga Fiend ay hindi na nila alam ang uunahin.

Sina Jenessa Frost at Dave Phoenix ay magkasamang nakikipaglaban. Mukhang nakalimutan na nila ang pagbabangayan at nakafocus sila sa pagkikipaglaban. Dahil ang katawan ng Fiend ay may tubig at dugo kagaya ng sa tao, kaya rin niyang gawing yelo ang lamang loob nito at gumawa ng matulis na yelo para ipansaksak naman dito. Si Dave naman ay ginagawang abo ang mga Fiend, kaya niyang higitan ang init na inilalabas ng araw.

"Brett!" sigaw ni Noi nang makita niyang susugod sa likod ni Brett. 'Agad siyang tumakbo at sinaksak ang Fiend sa dibdib bago pa nito masaktan si Brett.

"Salamat!"

"Basta ba ililibre mo ako ng ice cream at chocolate cake mamaya, eh!" Tumango lamang si Brett at naglabas ng limang dagger at inihagis sa direksyon ng limang Fiend na lumilipad mga ilang metro ang layo sa kanila at sabay-sabay itong bumagsak na may nakatarak na dagger sa dibdib.

"Alam mo na ang gagawin mo," sabi naman ni Jett Heather kay Cole Swift. Tumango lamang ito at naglabas ng tubig si Jett. Gumawa siya ng napakalaking bola ng tubig at ikinulong doon ang mahigit dalawampung Fiend. "Ngayon na, Cole!"

"Yeah, I know!" Naglabas naman si Cole ng mataas na boltahe ng kuryente at pinunterya ang bola ng tubig kung saan nakakulong ang mga Fiend. Ginamit din niya ang kidlat sa kalangitan para makadagdag sa boltahe. Dahil dito ay nakuryente ang mga Fiend, nasunog at nalaglag sa lupa.

"Fuck!" bulalas naman ni Carl Archer dahil sa lahat ng makakasama niya sa pakikipaglaban ay si Greg Calyx pa. May magkaiba kasi sila ng pananaw. Ang abilidad ni Carl ay magbura at magpalit ng alaala, si Greg naman ay manghypnotize.

"Makipaglaban ka na lang at 'wag ka nang magreklamo," malamig na sabi nito. Ginamit nila ang kapangyarihan nila para guluhin ang utak ng mga Fiend na kaharap nila. Kaya rin nilang putulin ang ugat sa utak ng mga ito na siyang kumikitil sa buhay ng mga ito.

"AB163 EXPLODE!" sabi ni Victor O'Neil at isa-isang sumabog ang katawan ng mga Fiend. Ginamit ni Damien Draphney ang mga smoke bombs para maidikit ni Victor ang mga bomba sa katawan ng mga ito.

Nag-strum naman ng kaniyang gitara si Marius Saffron at napatigil sa pagsugod papunta sa kaniya ang mga Fiend. Muli siyang nag-strum ng kaniyang gitara at dumugo ang tainga ng mga ito. Bumagsak sila sa lupa habang hawak ang kanilang mga tainga. Pilit lumilipad ang ibang Fiend pero hindi sila nakatakas sa kapangyraihan ni Marius.

Sa isang sipa naman ni Yatriv ay tumalsik ang Fiend, ilang metro ang layo sa kaniya. Katulong niya si Zydrich Nerman na walang sawang pinapaulanan ng bala ang mga Fiend na lumilipad sa kalangitan.

Halos dalawampung Fiend na lamang ang natira. Sa banda naman ni Van, kaharap niya ang pinuno ng mga Fiend na si Zneid. Nakalegendary form na si Van at hindi biro ang lakas ni Zneid. Halos napapantayan nito ang atakeng ibinibigay niya rito. Napansin niya namang kakaunti na ang mga Fiend kumpara kanina pero laking gulat niya, at ng mga representatives ng unti-unting nabuo ang mga Fiend na natalo na nila kanina pa. Mas pinili na lamang ni Van na ituon ang atensyon kay Zneid at mamaya na lamang tutulungan ang mga kasamahan niya. Pero pagharap niya kay Zneid ay lumapat sa pisngi niya ang mahahaba at matutulis nitong kuko na siyang naging dahilan para magkaroon ng sugat ang mukha niya.

Hinawakan ni Van ang pisngi niya at tiningnan ang bahid ng dugo sa kaniyang daliri.

Tiningnan niya nang masama si Zneid, ang kaninang dark aura nito ay naging pula at mas lumaki pa ito kumpara sa size ng aura niya kanina.

"Sugatan mo na lahat, 'wag lang ang gwapong mukha ko!"

HINDI ko na hinintay pang lumipas ang pagkakataon at sumugod na ako sa walang kwentang nilalang na 'to. Sa aking palagay ay siya ang pinakapinuno dahil sa lakas na ipinapakita niya. Sinuntok ko siya sa kanuyang kanang pisngi na siya namang nakapagpatalsik sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kamay ko, kailan kaya mangyayari ulit nu'ng magkaroon ng yelo at apoy sa kamay ko?

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagconcentrate. Wala naman akong maramdamang kakaiba. Inisip ko ulit ang nangyari noong huli kong makalaban si Cross, sa isang kamay ko ay nagyeyelo, ang isa naman ay nag-aapoy. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili pero wala pa ring nangyayari.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumulaga sa 'kin ang isang malakas na suntok galing naman sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi ako natumba sa lakas ng suntok niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga nilalang na ito, sa aking pag-aaral, wala namang nabanggit na katulad nilang nilalang na nabubuhay noon.

"Hoy, ano ba kayo? Saan kayo nanggaling?" tanong ko sa kaniya. Hindi yata siya nakakaintindi ng salita. Susugudin ko na sana siya pero nagulat ako nang ibuka niya ang kanyang bibig.

"Kami ay ang Fiend." Malaki ang boses nito at miski nagsalita lang siya ay naglalabas pa ring malakas na pwersa.

"Fiend? Nilikha ba kayo? Sino ang nagpadala sa inyo rito?"

Imbis na sagutin ang tanong ko ay muli siyang sumugod sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata at nakahanda na ang kaniyang mga kuko na kakalmot sa akin. Pero ang akala ko ay tanging pisikal na pag-atake lamang ang kaya niyang gawin, may lumabas na itim na bola ng aura sa kaniyang kamay at mabilis na sumugod sa akin.

'Agad akong umiwas sa ititira niya sa akin pero mabilis siyang gumalaw.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at itinira niya sa akin ang itim na bola ng aura sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay mabubutas ang aking tiyan dahil sa lakas ng kapangyarihan niya, mabuti na lamang ay nakalayo ako kaagad bago pa niya maibaon ito ng tuluyan.

Muli akong tumingin sa paligid at nakikipaglaban pa rin ang mga representatives. Ano bang klaseng nilalang sila? Bakit kahit lasog-lasog na ang kanilang katawan ay bumabalik lamang sila sa dati?

Ibinalik ko ang aking konsentrasyon at lumusob sa nilalang na 'to. Hindi ako masyadong nakakapagtraining nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko pa alam kung ano ang kapangyarihan ng isang Legendary Vampire, tanging pisikal na lakas lamang ang maipanlalaban ko. Ni hindi ko alam kung paano ko magagawang muli na maglabas ng yelo at apoy.

Nang makalapit ako sa kaniya ay sinakal ko siya at dinala sa himpapawid. Umaambon na at malakas ang kulog at sunod-sunod ang labas ng kidlat. Tinaasan ko pa ang lipad habang nagpupumiglas siya sa aking hawak. Idiniin ko pa ang kuko ko sa leeg niya hanggang sa magdugo ito.

Itinaas ko ang aking kamay para sana suntukin siya pero nagulat ako nang tumama ang kidlat sa aking kamay. Muntik ko pang mabitawan ang Fiend na 'to sa pag-aakalang matutusta ang kamay ko pero laking gulat ko na hindi man lang nasugatan ang kamay ko bagkus ay nagkaroon ng nagdidiklapang kuryente sa aking kamao. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa 'kin. Una ay yelo at apoy, kuryente naman ngayon pero nilubos ko na ang pagkakataong may kapangyarihan akong ganito.

Isinuntok ko sa kaniya ang kamao kong nababalutan ng kuryente at binitawan ko na siya para mahulog siya sa lupa. Pabulusok naman akong bumaba sa pinagbagsakan niya at nagkaraoon ng malaking creater ang lupa na sa gitna nito ay nakahiga ang Fiend na walang malay.

Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang kakaiba niyang mukha. Kulay itim ang buo niyang katawan, kalbo siya, mahaba ang tainga na parang sa dwende at may pakpak din siya.

Tatalikod na sana ako para tulungan ang mga tepresentatives pero nakita kong bumukas ang kaniyang mata at bibig, at kasabay no'n ang paglabas ng kaniyang dila. Humaba ito at pumulupot sa aking leeg. Napaubo ako dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng dila niya sa leeg ko. Nagpumiglas ako pero parang nauubos ang lakas ko, parang hinihigop niya ang kapangyarihan ko.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa 'kin mula sa likod at naamoy ang isang pamilyar na pabango.

"Kamusta ka na, Van? Namiss mo ba ako?" Pilit kong iminulat ang aking mga mata at lumingon mula sa aking balikat kung saan nakapatong ang baba ng isang babae.

"V-Victoria?"

"Ako nga." Ipinakita niya ang isang panturok. 'Wag mong sabihing... "Tama ka ng iniisip, Van. Pero 'wag kang mag-alala, para lang 'tong kagat ng langgam."

"S-Shit!" Muli akong nagpumiglas pero nauubos na talaga ang lakas ko. Naramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa aking braso. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa 'kin mula sa likod at pumunta sa aking harapan.

"Salamat, Van. 'Wag kang mag-alala, hindi ko aaksayahin para sa wala ang dugo mo." ngumiti siya sa akin ng mapanloko at hinawakan ang aking pisngi. "Hindi mangyayari 'to kung ako ang pinili mo."

Ngumisi ako sa kaniya. "Bitter ka pa rin ba dahil hindi ka gano'ng kaganda sa paningin ko para piliin ka?"

Napalitan ng galit ang kaniyang mga mata. "At dahil hindi ako ang pinili mo, pagdudusahin ko kayo sa buong buhay niyo. Hindi ko kayo patatahimikin."

Unti-unti ng nanlalabo ang mata ko at bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa si Victoria at ang Fiend na lisanin ang lugar.

NANGINIG ako sa takot dahil sa nangyari. Unti-unting bumagsak sa lupa si Ishtar, umubo siya ng dugo at butas na butas ang kaniyang tiyan. Tumingin naman ako sa kaniya at seryoso ang kaniyang mukhang nakatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang itsura. May halong galit, pag-aalala...at sakit. Hindi ko maintindihan. Dinilaan niya ang kanyiang kamay na puno ng dugo at dahan-dahang lumapit sa akin.

Parang hindi siya 'yung Israel na nakilala ko. Pula ang kaniyang mga mata at ang tingin niya ay parang lagpasan hanggang sa aking kaluluwa. Gusto kong umatras pero parang napako ang aking mga paa sa lupa. Pinagpapawisan na ako ng malamig at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nahugot ko ang aking hininga ng ilang pagitan na lamang ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi na pula ang kaniyang mga mata pero wala pa rin iyong emosyon. Pilit ko mang binabasa kung ano ang nais iparating ng mga mata niya pero wala akong makita. Gusto kong umiwas ng tingin pero mas gusto kong titigan siya.

"Nasaktan ka ba?" halos pabulong na tanong niya. Sa boses pa lang niya ay ramdam na ramdam ko ang pagod niya.

"Hindi." Lumunok ako at umiwas ng tingin pero hinawakan niya ang baba at muling ipinaling ang mukha ko paharap sa kaniya.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Sa ginawa niyang 'yun ay halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang sakit ng dibdib ko pero sa hindi masamang paraan.

"Sorry," paghingi ko ng tawad.

"Please don't make me worry again, will you? I..." He trailed off. Napapikit siya at lumunok ng ilang beses. "I care for you so much."

Hindi ko alam kung bakit ako nadisappoint sa sinabi niya. Umasa ba akong sasabihin niyang mahal niya ako? Ako ang tumakas. Ako ang umalis. Hindi dapat ako umaasa ng kahit ano mula sa kaniya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para mabawasan ang kaba ko pero mas lalo lamang iyong nadagdagan ng mas lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

"Jullia," bulong niya. Tumama sa aking mukha ang amoy mint niyang hininga. Napatingin ako sa mapupula niyang labi at sa pangil niyang bahagyang lumalapat dito.

"B-Bakit?"

"Please come back to me."

Bago pa ako makapagsalita ay lumapat na ang labi niya sa labi ko. Awtomatiko namang napahawak ako sa kaniyang braso dahil pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa 'yun ay matumtumba ako. Nanlalambot ang tuhod ko sa halik niya at parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko.

"Ah!" Napalayo ako sa kaniya nang makagat niya ang labi ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa aking bibig at naramdaman ko ang pag-ikot ng aking tiyan. Napahawak ako sa aking tiyan at nakaramdam din ako ng pagkahilo.

"Are you okay?" tanong niya sa 'kin.

"Okay lang ako. Sumakit lang ang ulo ko," pagdadahilan ko. Mas lalong lumala ang pag-ikot ng aking sikmura. Napalunok ako nang may maamoy akong hindi ko alam kung ano at napadako ang tingin ko sa duguang katawan ni Ishtar. Nagugutom ako pero hindi pagkain ng tao ang gusto kong kainin. Iniiling ko ang aking ulo. Hindi pwede. Hinding-hindi ako titikim ng dugo ng tao.

"Hindi ka okay. Ano'ng nararamdaman mo?"

"I-Israel...a-ayoko nito." Kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko. Patindi nang patindi ang pagkagutom na nararamdaman ko. Bakit ngayon pa?

"What's happening?"

"I-Ilayo mo ako...a-ayokong tumikim ng dugo...please." Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Ayoko ng dugo. Kahit pa magutom ako o mamatay pa ako sa gutom, ayokong uminom ng dugo.

Tumango lamang siya at binuhat ako. Buti na lamang at 'yun ang kaniyang ginawa dahil hindi ko na kayang lumakad pa. Mabilis siyang tumakbo na halos hindi ko na makita pa ang daan kaya kumapit na lamang ako nang mahigpit at ipinikit ko ang aking mga mata.

Siguradong mag-aalala sa 'kin si Kuya pero si Israel lang ang makakatulong sa 'kin ngayon. Madami ng iniintinding problemsa si Kuya at ayoko nang dumagdag pa.

Naramdaman ko na lang na ibinaba niya ako at nang tumingin ako sa paligid ay nandito pala kami sa bahay niya. Umupo ako sa couch at tumabi siya sa 'kin. Hinawi niya ang hibla ng buhok ng humahara sa mukha ko at isinabit sa tainga ko.

"Nagugutom ka dahil sa dugo?"

Umiling ako. "Ayoko, Israel. Kahit pa magutom ako, hindi ako iinom ng dugo."

"Pero kailangan mo. Kapag pinigil mo nang pinigil 'yan mawawala ka sa iyong sarili at mas makakapanakit ka pa ng tao," paliwanag niya.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Uminom ng dugo ng tao? Eh, 'di pinatay ko na rin sila!"

Ngumiti siya sa 'kin na siya namang nakapagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Hindi naman 'pag sinabing dugo ay dugo na 'agad ng tao, hindi ba? Pwede namang dugo ng hayop ang inumin mo. Pwede ring blood capsule." May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inilabas ang isang bote ng gamot. Binuksan niya ito at kumuha ng isang tablet. "Ihahalo mo lang 'to sa tubig mo at maglalasang dugo na 'yun. Maiibsan na nito ang pagkagutom mo."

" 'Yan ba ang ginagamit mo?"

"Oo, pero kapag minsan ay dugo ng hayop ang aking iniinom."

Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang baso ng tubig at iniabot niya ito sa 'kin. Inilagay niya ang tablet at naging kulay pula na ang tubig.

"Inumin mo na."

Gaya nang sinabi niya ininom ko na ang laman ng baso at nawala na ang pag-ikot ng aking tiyan. Hindi na rin masakit ang ulo ko.

"Dalhin mo na 'to." Iniabot naman niya sa 'kin ang lalagyan ng mga tabletas.

"H-Huh?"

"Hahapin ka ng Kuya mo."

Pero sabi mo bumalik na ako sa 'yo? Gusto kong sabihin sa kaniya pero napagdesisyunan kong huwag na lang.

"I want you to come back to me but I don't want to be selfish. I know that you want to be with your brother. And besides, I can visit you any time I want. In fact, I'm always watching you."

Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"B-Binabantayan mo ako?"

"Yes," maikling sagot niya.

Napangiti ako sa sarili ko. Okay lang na hindi niya sinabing gusto niya ako o mahal niya ako basta ang mahalaga ay nag-aalala siya para sa 'kin.

Hinawakan niya ang pisngi ko at humalik sa aking noo.

"Please remember that I'll always be here for you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com