Chapter 35
Chapter 35
The Good Side and Bad Side
"Patay na si Ellrah," pangbungad sa 'kin ni Lolo G pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Van. Kasalukuyan siyang nagpapahinga ngayon. Sinisisi niya ang sarili niya, masyado raw siyang mahina dahil nakuhanan siya ng dugo ni Victoria na baka maging mitsa ng susunod na Great War. Hindi man nila alam ang tunay na plano nito, nakakasigurado naman silang hindi ito maganda. Kasalukuyan ding nagpapahinga ang mga representatives dahil masyado nilang nagamit ang mga kapangyarihan nila. Medyo matagal na raw silang hindi nakikipaglaban ng ganoong katagal at noon lang din ulit sila nagkaroon ng malalakas na kalaban.
Para naman akong nanghina sa sinabi ni Lolo G. Hindi man ako malapit kay Ellrah ay nalulungkot at nasasaktan pa rin ako para kay Van. Alam kong mahal niya ang Ate niya kaya siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya.
"K-Kailan pa po?"
"Nu'ng matagpuan ko ang katawan niya ay tuyo na ang dugong nakakalat sa sahig. Malamang ay mga tatlong araw na siyang patay," paliwanag ni Lolo G. "Bibisitahin ko sana siya para kamustahin siya at itanong ang tungkol sa propesiya pero pagdating ko roon ay isa na siyang malamig na bangkay," malungkot na usal nya.
"May ideya na po ba kayo kung sino ang gumawa no'n sa kaniya?"
Natahimik si Lolo G. Pakiramdam ko alam na niya, hindi ko lang alam kung bakit nag-aalangan pa siyang sabihin. Siya si Gallian Walker at kilala siya bilang isang alamat ng mga bampira na alam ang lahat, walang nakakalagpas sa kaniyang impormasyon.
"Hindi ko muna puwedeng sabihin. Kailangan ko munang alamin ang tunay na nangyari." Magtatanong pa sana ako pero gumalaw si Van sa kaniyang higaan kasunod noon ang pagbangon niya.
Nagtutubig ang namumula niyang mga mata at nakakuyom ang kamao niyang nakahawak sa bedsheet.
"T-Totoo ba? Patay na si Ate?" 'Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Naramdaman ko naman ang pamamasa ng balikat ko at narinig ang paghikbi niya. Bukod kay Lolo G, si Ellrah na lang ang natitira niyang pamilya kaya alam kong masakit ito para sa kaniya. "Papatayin ko kung sino ang pumatay sa kaniya. Papatayin ko ang hayop na 'yun." Nanginginig ang buong katawan niya, malamang ay sa galit. Hinagod ko ang likudan niya para mapakalma siya.
Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya nahiwalay kami sa isa't-isa.
"May nalaman ako," wika ni Jack. Tumango naman si Lolo G para magpatuloy si Jack. "Wala ng bisa ang mga propesiya dahil sa pagkamatay ng Oracle, lahat ng mga mangyayari sa susunod ay wala nang magdidikta."
Natahimik kami sa sinabi niya. Kung gano'n, maaaring 'yun ang dahilan kung bakit pinatay si Ellrah. Pero sino naman kaya 'yon? Kaya niya ba pinatay si Ellrah ay dahil sa propesiya? Bakit niya naman gagawin 'yun? Ang daming katanungan na kailangan ng kasagutan pero sa sitwasyon ngayon, parang mahihirapan kaming hanapin 'yon.
"Kami na ang bahalang mag-imbestiga sa kasong 'to. Magpahinga ka na lamang muna at paghandaan ang maaaring gawin ni Victoria," dagdag pa ni Jack.
"Pero–"
"Van, magpahinga ka muna. Please?"
Magpoprotesta pa sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit talaga.
He sighed. "Fine." Patalikod siyang humiga sa direksyon ko.
Lumabas na ng kwarto sina Lolo G at Jack kaya naiwan na lang kaming dalawa. Humiga ako sa tabi niy at niyakap siya mula sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at hinalikan ang pisngi niya. He stiffened and I smiled to myself knowing that I have this effect on him.
"Alam kong gusto mong malaman kung sino ang pumatay kay Ellrah pero kailangan mong bumawi ng lakas. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Victoria at ikaw lang ang makakapigil sa kaniya."
Humarap na siya sa 'kin at para siyang bata na nakanguso at nakuhanan ng candy. "Ang totoo n'yan may isa pa akong pinoproblema, at sobrang laki talaga."
Napakunot ang noo ko. "Ano naman 'yun?"
"Gusto niyong magpahinga ako pero ang gusto ko ngayong oras na 'to ay mapagod." Ngumisi siya, giving me a knowing look. Tinulak ko naman ang noo niya gamit ang forefinger ko.
"Magseryoso ka nga! Ang gulo-gulo na ng nangyayari ang manyak mo pa drn!"
Tumawa naman siya at niyakap ako nang mahigpit.
"Kisha, I can't imagine living without you. You know, you're my strength, you're my everything. You won't leave me right?"
"Oo naman, kahit ano pa'ng gawin mo, kahit saan ka pa magpunta, hindi kita iiwan. Umabot na tayo hanggang dito, ngayon pa ba kita iiwan?" Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. He leaned in to my touch, grabbed my hand and kissed it.
"I love you, Kisha. Whatever happens, just believe in me. Okay?"
"Anong–" Hindi ko na natapos ang dapat kong itanong nang siilin na niya ako ng halik.
"Just don't trust anyone but me. Always have trust on me. Always remember that my love for you will never change."
Tumango lang ako at niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko man maintindihan ang ibig sabihin niya sa mga binitawan niyang salita ay susundin ko na lamang siya. Malaki ang tiwala ko sa kaniya at kung ano man ang dapat kong paniwalaan ngayon, 'yun ay ang mahal ko siya.
NAPAANGAT ang tingin ko mula sa aking laptop nang magbukas ang pinto. I thought it was Jullia but I saw Ivan instead. 'Agad kong itinigil ang ginagawa ko at sinarado ang aking laptop. I heaved out a sigh, I'm fucking worried to Jullia right now. She's not here since last night. I hope she's okay. Hindi naman ako makagawa ng hakbang para hanapin siya dahil nalaman ko sa aking assistant na pinapamanmanan ako ng Supreme Commander dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa ang iniuutos niya.
"Busy?" nakangiting tanong niya. I just nodded. These past few days I felt like I can't trust Ivan anymore. Alam kong hindi ko dapat siya pinag-iisipan nang masama pero siya lang ang puwedeng kumuha ng Tales of the Unwanted Creatures.
"I should be the one saying that to you," I said to him. "You seemed busy that you can't even show your face just once in a week."
"Madami lang talagang iniuutos sa 'kin." Umupo siya sa gilid ng aking kama. "I just want to ask if you saw Dad? Kagabi pa kasi siya hindi umuuwi, eh. Sabi niya may aasikasuhin daw siyang importanteng bagay."
I snapped my head to his direction. I hide the shock on my face. Kagabi pa nawawala si Ishtar? Hindi kaya –teka, paano namang may kinalaman din siya sa pagkawala ni Jullia? Baka naman nagkataon lang.
"No. I didn't see him. Hindi pa ako umaalis ng bahay simula kagabi."
Tumango-tango naman siya at saka tumayo. "Kung ganoon ay kailangan ko nang umalis, madami pa akong dapat na gawin."
Sumaludo pa siya sa 'kin bago lumabas ng pintuan. Pagkasara ng pinto ay 'agad akong humarap sa aking laptop para ituloy ang aking ginagawa. Sinuot ko ang aking salamin at sinubukan muling i-hack ang system ng clan. May hinala kasi akong may nangyayari sa aming clan na hindi alam ng iba. Kagaya na lamang noong chemical na kumalat sa water system ng buong district.
Na-hack ko na ang isang system ng laboratory namin at nalaman kong nagsagawa sila ng isang experiment at nalaman ko ring doon nanggaling ang chemical. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gumagawa sila ng chemical na nagsasanhi na maging Insane ang isang tao.
Ngayon naman ay susubukan kong i-hack ang isa pang system, ang system ng Main Laboratory na ginagamit ni Ivan. Nabalitaan ko kasing sa laboratory ngayon siya nagtatrabaho.
Hindi madali ang pagsabayin ang pagiging isang Lieutenant at paghahack ng system. Pagkatapos ko rito ay pupunta naman ako sa opisina ko sa district para malaman kung ano ang update tungkol sa mga nangyayari sa district. Buti na lamang at ang mga tao ko toon ay mababait at responsable kaya hindi gaanong mabigat ang gawain ko pagdating sa opisina.
Biglang tumunog ang telepono kaya tumayo ako para sagutin ito.
[Lieutenant Cross, Juvee speaking. Kailangan po kayo rito sa opisina ngayon din,] sabi ng aking sekretarya.
"Okay. I'll be there in a minute."
Kinuha ko ang susi ng aking kotse at aking cellphone, baka sakaling tumawag si Jullia sa akin at sabihin kung nasaan siya. Isa pa 'yung kapatid kong 'yun, she's always making me worry. I just hope that she's alright at walang nakakakita sa kaniyang mga ka-clan namin kundi pareho kaming mananagot.
Tiningnan ko ang aking cellphone kung may text o tawag pero wala, ang tanging nakita ko lang ay litrato ni Kisha sa na nakangiti sa wallpaper ko.
Matagal ko na siyang hindi nakikita but I know she's happy with Van. I just can't take her away from her happiness. Saka na lang ako lalapit sa kaniya kapag kailangan niya ako at hindi ngayon ang panahon na iyon. Madami pa rin akong mas importanteng bagay na dapat asikasuhin.
Pagkadating ko sa opisina ay sinalubong 'agad ako ni Juvee.
"Sa laboratory po tayo."
Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lamang sa kaniya. Pumasok kami sa isa pang maliit na kwarto sa laboratory at nandoon ang dalawang scientists. Napakunot ang noo ko ng may punit ng itim na balat na nakalagay sa may lamesa.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kanila.
"Natagpuan namin ito malapit sa boundary sa pagitan ng District natin at ng District 2. Nalaman naming may paglalaban na naganap sa pagitan ni Van Walker kasama ang mga representatives at sa mga nilalang na hindi namin alam kung ano."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Panoodin niyo po ito. Kuha ito sa pinakamalapit na CCTV camera sa lugar na iyon." Kinuha niya ang remote at binuksan ang malaking screen. May siyam na tiles ang lumabas at may iba't-ibang kuha ito ng mga nangyayari.
He clicked the first tile at nakikipaglaban dito ay sina Jenessa Frost at Dave Phoenix. They are very powerful indeed but the creature they are fighting with caught my attention. Ngayon lang ako nakakakita ng ganyan at kahit sa libro ni Dad ay wala akong nabasa na may nabuhay na nilalang kagaya nila.
'Yung mga sumunod na clip ay mga representatives na nakikipaglaban sa mga nilalang. Pero nu'ng malapit nang maubos ay muling nabubuo ang mga ito. Mas lumapit pa ako para makita nang maayos ang nangyayari, kahit putol-putol at lasog-lasog na ang kanilang katawan ay nabubuo ulit sila. Sumunod naman na clip ay si Van na nakikipaglaban sa isa pang nilalang pero may iba rito, mas malaki ang katawan nito kumpara sa mga kalaban ng mga representatives at kita sa mukha ni Van na nahihirapan siyang kalabanin ito.
Ayaw ko mang aminin ay namangha ako sa kapangyarihan ni Van lalo na noong nagkaroon ng kuryente ang kaniyang kamao pero nagawa pa rin siyang mahuli ng nilalang gamit ng pagpulupot ng dila nito sa leeg ni Van. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang may yumakap na babae mula sa likudan ni Van at nalaman kong si Victoria pala ito. Naramdaman ko ang galit na kumakawala sa puso ko. Gustong-gusto kong pugutin ang ulo ng Victoria at tapak-tapakan dahil sa ginawa niya sa 'kin.
Itinaas nito ang kaniyang kamay na may hawak na syringe. Itinusok niya ito sa braso ni Van at pinuno iyon ng dugo.
"Alam niyo ba kung bakit kinuhanan niya ng dugo si Van?"
Lumapit sa akin si Juvee. "Nalaman ko pong lahat ng representatives ay nakuhanan na niya ng dugo nitong mga nakaraang linggo at kay Van Walker na lamang ang kulang. Kaya napunta ang representatives dito ay para pag-usapan ang mga pagkuha ng dugo sa bawat clan ng mga bampira pero mukhang nahuli na sila at nakumpleto na ni Victoria ang lahat ng dugo na kailangan niya."
"Ano namang gagawin niya sa dugo na 'yun?"
Dugo ng lahat ng Vampire Clan...laboratory...experiment...chemical...
Nagsama-sama iyon sa aking utak at may bigla akong naalala mula sa isang pahina na nasaba ko sa libro.
Page 261
Ang dugo ng bawat bampira sa iba't-ibang clan ay makapangyarihan. Kapag nahalo ang dugo nila sa isang normal na tao ay maaaring makuha nito ang kapangyarihan na meron ang isang bampira. Halimbawa, nakagat ng isang Frost ang isang tao, maaaring maging bampira siya at magkaroon ng kapangyarihan na gumawa ng yelo o puwede rin namang hindi niya kayanin ang venom at mamatay na lamang siya. Pero bihira lamang mangyari ang ganitong kaso, kadalasan ay kapag nakagat ng isang bampira ang tao ay 'agad itong nababawian ng buhay.
Note: Kapag pinagsama-sama ang dugo ng lahat ng angkan ng bampira sa isang tao o bampira ay maaari niyang mahigitan ang kapangyarihan ng isang Legendary Vampire. Sa pagkamit ng kapangyarihan ng lahat ng angkan ay maaari siyang maging angat sa lahat, lalo na sa aspeto ng kapangyarihan.
"Lieutenant Cross, may kailangan po kayong malaman," sabi ni Juvee.
Naputol ang aking pag-iisip nang magsalita si Juvee. "Ano iyon?"
"Alam ko pong hindi niyo magugustuhan ang ginawa ko pero nagpaimbestiga po ako sa Main Laboratory at sabi ng aking napaguutusan ay may limang daang kakaibang nilalang ang lumabas sa Laboratory at nagtungo kung saan."
Naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Tama nga ang hinala ko, lahat ng mga kaguluhang nangyayari sa lugar na ito ay hindi dahil sa mga bampira kundi sa mga Vampire Hunter na mismo. At ang mas delikado pa ay nararamdaman kong nasa kamay na nila ang Tale of the Unwanted Creature kaya marami na silang alam at ginagamit nila ito para kalabanin ang mga bampira. Ngayon alam ko na kung bakit pinamamanmaman ako ng Supreme Commander.
Kung sino man ang tutol sa mga pinagagawa niya, nag-iisa na ako roon. Siguradong alam niyang magiging threat ako sa ginagawa nila.
Mali itong ginagawa nila, sinisisi nila ang mga bampira dahil nagdadala raw ang mga ito ng gulo pero sa ginagawa nila, hindi lang gulo ang makukuha nila baka sakaling magkaroon na talaga ng Great War.
"Nalaman ko rin pong kasunod ng mga nilalang na iyon ay si Victoria Cray."
That's it. Alam ko na ngayon, magkasabwat sina Victoria at Ivan. Hindi lang pala sila kundi ang buong Vampire Hunter Clan.
"Kakampi ko naman kayong lahat dito, 'di ba?"
Ngumiti sa 'kin si Juvee pati na rin sina Tyler at Elmer na scientists dito sa laboratory.
"Sa lahat po ng Lieutenant na nakasama namin, kayo na po ang may pinakamagandang puso. Kung alam niyo lang noon, karamihan sa mga naging Lieutenant ng District 1 ay nagpabulag sa kapangyarihan at sa katayuan nila. Mga sarili lang nila ang iniisip nila noon. Patrabaho sila ng patrabaho sa amin pero nakaupo lamang sila sa opisina nila kaya sana po ay 'wag kayong magbabago," wika ni Tyler.
I smirked. "Trust me with this one. I won't disappoint all of you".
"Bakit ba kasi susundan natin ang kakambal mo?" tanong ni Farrah sa 'kin.
Tama, kasalukuyan naming sinusunadan si Jack ngayon kasi nitong mga nakaraang araw nahahalata ko na siya. Parang may itinatago siya sa 'kin at hindi ko 'yun mapapalampas. Nangako kami sa isa't-isa noon na hindi dapat kami nagkakaroon ng sikreto sa isa't-isa. Noon ko pa talaga napapansin na minsan parang ang weird ng mga kilos niya, laging may iniisip, pero hindi ko na lang siya pinansin kasi baka trip niya lang magpaka-emo pero ngayon gano'n na ulit siya at palagi pa siyang umaalis at may kausap sa telepono.
"Kasi may hindi tama kay kambal, eh." maikling pahayag ko sa kaniya.
"Ano namang hindi tama? Nagtaka ka pa ba? Pareho kayong abnormal kaya palagi kayong may tama! Tama sa utak!" bulyaw niya sa 'kin.
Minsan talaga sarap pasakan ng kung ano ang bibig ni Farrah dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Kung 'di ko lang talaga mahal ang babaeng 'to kanina ko pa pinasakan ng panyo ang bibig niya ng magtigil siya. O puwedeng bibig ko na lang ang gagamitin kong pampatigil sa bibig niya.
"Basta! Samahan mo na lang akong sundan siya." Ibang kotse ang gamit namin para hindi niya mahalata. Hiniram ko lang 'to doon sa lalakeng kanina na tumigil lang para umihi. Hindi naman ako shunga para gamitin 'yung kotse ko talaga, eh, 'di nabisto 'agad kami?
"Ayun! Lumiko na! Ano ba'ng iniisip mo?"
"Ikaw." Ngumiti ako sa kaniya. Namula ang mukha niya o! Sabi na nga ba gusto rin ako nitong si Farrah masyado lang pakipot. Kundi lang talaga mahal 'to ni Kiel nu'ng nabubuhay pa siya, noon pa ako dumamoves kaso mas mahalaga ang pagkakaibigan para sa 'kin kaya pinaubaya ko na sa kaniya si Farrah at saka alam ko rin naman noong gusto rin siya ni Farrah masyado lang nabulag si Farrah noon sa charms ni Van. Bakit kaya karamihan sa mga babae ngayon ang trip sa lalake ay 'yung mga masusungit? Bakit hindi na lang cute at guwapong katulad ko? 'Di ba?
Patuloy lang kami sa pagsunod kay Jack hanggang sa maging unfamiliar na 'yung daang tinatahak namin. Naks. Unfamiliar! Nakakaproud! Akalain mong kaya kong mag-taglish!
Itinigil ko muna ang sasakyan dahil nakita kong tumigil ang sinasakyan niya. Malayo ang pagitan ng sasakyan namin para hindi niya kami makita. Bumaba siya sa sasakyan at pumasok sa may kagubatan. 'Agad akong bumaba sa kotse at pinagbuksan si Farrah. Syempre, dagdag pogi points din 'to.
"Ano namang gagawin niya sa lugar na ganito?"
"Who knows?"
"What the–kailan ka natutong mag-English?" gulat na tanong niya.
"Kapag kasama kasi kita, 'yung mga bagay na alam kong hindi ko kayang gawin ay nagagawa ko."
Sige, Jick, banat pa baka sagutin ka na.
"Itigil mo 'yang kababanat mo at baka ikaw ang mabanatan ko!" banta niya sa 'kin.
Sabi ko nga titigil na, nakalimutan kong iba nga pala si Farrah. Hindi siya katulad ng ibang babae na simpleng banat lang ay parang uod na nilagyan ng asin sa kilig.
Sinundan na namin si Jack sa may gubat. Madali para sa 'kin na hanapin siya kahit na nauna na siya sa 'min at may kalayuan na ang pagitan namin. Dahil nga kambal kami, konektado kami. Iniingatan lang namin ni Farrah na 'wag gumawa ng kahit anong ingay dahil malakas ang pakiramdam naming mga bampira at pagkatapos ng ilang minutong lakadin ay nakikita ko na ang isang open field. Nagtago kami ni Farrah sa may puno at pinanood lamang si Jack.
Lumakad siya papunta sa gitna ng open field. Napakunot ang noo ko nang magkaroon ng butas ang lupa. Hindi ko masyadong makita dahil sa tayo namin pero nakita kong may lumalabas mula rito, isang tao.
Pero nagulat ako ng mamukhaan ko kung sino.
"S-Si Israel?"
Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit niya pinuntahan si Israel? Bakit niya kausap 'to? Naikuyom ko ang kamao ko. Paano niya nagawang maglihim sa 'kin? Masakit para sa 'kin ang nakikita ko, pakiramdam ko natraydor ako, at kakambal ko pa na kahit pa papiliin ako sa pagitan ni Farrah at sa kaniya, siya pa rin ang pipiliin ko kasi kadugo ko siya.
"B-Bakit?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Farrah.
"Tara na, Farrah," malamig na sabi ko sa kanya.
Gusto ko ng paliwanag mula kay Jack pero mababago pa ba niya na niloloko niya kaming lahat? Ano 'yun, kilala niya si Israel noong una pa lang pero hinayaan niyang mamatay si Kiel? May koneksyon siya kay Israel? Niloko niya si Van? Hindi ako makapaniwala.
"Pero–"
"Umalis na tayo rito, Farrah. Hindi ko na kayang makita pa ang sarili kong kapatid na tinatraydor tayo nang ganito na lang."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com