Chapter 36
Chapter 36
Missing Piece
Nanggagalaiti sa galit si Ivan Crone nang malamang malamig na bangkay na lamang ang kaniyang ama, ang nag-iisang pamilya na natira sa kaniya. Nakakulong lamang siya sa kaniyang kwarto at nakatingin sa kawalan. Hindi siya sumama sa libing dahil hindi niya pa rin matanggap na patay na ito. Ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal, ang nagturo sa kanya ng lahat ng bagay ay pinatay ng kinamumuhian niyang nilalang sa buong mundo at ang dahilan kung bakit mag-isa na lamang siya ngayon.
Malakas ang hampas ng ulan sa bintana ng kaniyang kwarto at patay sindi rin ang ilaw dahil sa masamang panahon. Malakas din ang kulog at pabadya-badyang pagliwanag galing sa labas dahil sa kidlat.
Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. Wala na siyang pakealam sa mga oras na ito. Parang tinangay ang kaniyang kaluluwa at wala na siyang maramdaman pa.
"Hindi ka man lang ba magbibigay galang, Ivan Crone?"
Napatunghay siya at napatayo nang malamang ang Supreme Commander pala ang pumasok sa loob ng kwarto niya. Nag-bow siya at iniwasan ang mga titig nito sa kaniya. Sa pustura pa lang ng Supreme Commander ay talagang makikita mo na siya ay makapangyarihan.
"Ipagpaumanhin niyo po, Supreme Commander." Muli siyang tumungo upong humingi ng tawad.
"Alam kong nagdadalamhati ka sa pagkamatay ng iyong ama pero hahayaan mo na lang ba na mamatay siya ng gano'n na lang?"
Syempre ay hindi. Hindi makakapayag si Ivan na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang ama. Naikuyom niya ang kaniyang palad at binigyan ng determinadong tingin ang Supreme Commander.
"Ipaghihiganti ko si Dad. Siguradong may kinalaman ang Van Walker na 'yun sa pagkamatay ni Dad."
Malamang ay may kinalaman si Cross.
"Tama, at simulan mo na ang paghihiganti mo sa pamamagitan ng pagbawi sa apo ko." Napatingin naman si Ivan sa Supreme Commander. Hindi na siya nito hinintay na magtanong at tuloy lamang sa pagsasalita. "Bawiin mo ang apo ko kay Van Rei Isaac Fenier Walker, ito na ang panahon para malaman niya kung saan talaga siya nabibilang."
"Hindi po ba kay Cross ang misyong iyon?"
Biglang sumama ang aura ng Supreme Commander at walang nagawa si Ivan para itikom ang kaniyang bibig. Nasa harapan niya ang pinakamataas sa kabuuan ng Vampire Hunter Clan at nararapat lamang na mag-isip muna siya bago magbitiw ng mga salita dahil masamang magalit ang isang Nicolas Raven.
"Napakatagal na misyon na iyon ni Cross pero hangang ngayon ay hindi pa rin niya nagagawa. Nauubusan na ako ng pasensya, kailangan ko na ang apo ko. Masyado na siyang napapalapit sa bampirang 'yun."
Tumango naman si Ivan bilang sagot. Isang mabigat na misyon ito pero malaki ang tiwala niya sa kaniyang sarili na kaya niya itong gawin.
"Mauuna na ako sa 'yo, Ivan Crone. Sisiguraduhin mong maibabalik mo sa 'kin ang apo ko ng buong-buo"
Muling nag-bow si Ivan at tiningnan lamang na umalis ang Supreme Commander bago siya sumalampak sa pagkakaupo sa kaniyang higaan.
"Ipaparamdam ko sa 'yo kung paano mawalan ng minamahal, Van Walker."
PAGKAGISING ko kaninang umaga ay wala na si Van sa tabi ko at ni hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta. Noon naman nagpapaalam siya palagi. Nasanay kasi ako na sa tuwing aalis siya ay sinasabi niya kung saan siya pupunta. Palapit na ang hapon pero hindi pa rin siya nagtetext o tumatawag para sabihin kung nasaan siya. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto, naabutan ko naman si Jick na lalabas na rin sa kaniyang kwarto.
"Jick? Bakit ganyan ang itsura mo?" nangingiting tanong ko. Ang laki ng eyebags niya. Parang hindi siya nakatulog ng ilang araw, ang itim pa nito kaya halatang-halata. Mukhang ngayon lang siya lalabas ng kwarto niya kasi kanina nu'ng kumakain kami ng breakfast ay hindi namin siya kasabay.
Binigyan naman niya ako ng pilit na ngiti na siya namang nakapagpawala ng ngiti ko. Sa tagal ko nang nakatira sa mansyong ito ay ngayon ko lamang nakita si Jick na nagbigay ng pilit na ngiti. Palaging abot hanggang langit ang ngiti niya pero ngayon ay ibang-iba siya.
"Hindi kasi ako nakatulog kagabi, eh."
'Agad ko naman siyang nilapitan. "May problema ba?"
Nag-aalala ako sa kaniya. Dapat nagsisisigaw na siya ngayon, eh, o kaya naman kung ano-anong jokes ang sinasabi niya na kahit hindi nakakatawa ay mapapatawa ka na lang dahil sa sobrang waley nito.
"W-Wala. Hindi lang talaga ako nakatulog kagabi." Ngumiti na naman siya pero pilit na naman. Parang pilit niyang pinapakita 'yung pagiging cheerful niya pero nag-e-end up lang sa isang pilit na ngiti.
" 'Wag ka nang ngumiti kung hindi mo kaya." Doon na bumagsak ang gilid ng labi niya at iniiwas ang tingin sa 'kin. "May problema ba kayo ni Jack?"
'Yon ang unang lumabas sa isip ko, eh. Malabo namang kay Farrah kasi siya 'yung tipong hindi kayang magalit nang matagal sa babaeng mahal niya. Hinintay ko ang sagot niya pero hindi siya nagsalita. Napabuntong hininga na lang ako.
"Kung may problema kayo ni Jack kailangan niyong ayusin 'yun. 'Wag mong hahayaang masira ang pagsasamahan niyo dahil sa isang problema lang. Handa rin akong makinig kung gusto mo ng kausap."
"Sorry, Kisha, hindi ko talaga puwedeng sabihin," mahinang usal niya.
Ngumiti lang ako at hinawakan ang kaniyang balikat. "Okay lang pero kapag ready ka nang sabihin sa 'min ang problema lapitan mo lang kami ni Van. Mga kaibigan mo kami kaya lapitan mo kami at makikinig kami sa 'yo."
Tumango lang siya at sabay na kaming lumakad sa hallway para pumunta sa living room. Napansin kong hindi na nga masyadong nauwi rito si Jack. Ano kayang nangyayari sa kanilang dalawa ni Jick? Ayoko naman siyang pilitin na sabihin ang totoo dahil baka masyadong personal iyon. Hihintayin ko na lamang na siya na mismo ang magkusa.
Naabutan naman namin sina Lolo G at si Jiji sa couch. Lalapit na sana ako nang tumunog naman ang cellphone ko. 'Agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa, baka si Van na 'to. Pero ng tingnan ko kung sino ang caller ay unknown number ito.
"Hello?"
[Hello Kisha? Si Ivan 'to,] masiglang bati ng nasa kabilang linya.
"Ivan? Ba't napatawag ka?"
Ano naman kayang kailangan niya?
[Puwede bang yayain kang lumabas?]
"Huh? Bakit naman?"
[Inutusan kasi ako ni Cross na dalhin ka sa kaniya kasi gusto ka raw niyang makita. Hindi ba matagal na kayong hindi nagkikita? May gusto rin siyang ipakita sa 'yo.]
Oo nga, 'no? Medyo matagal ko nang hindi nakikita ang sungit na 'yun. Wah! Gusto ko tuloy siyang makita at saka nacurious ako roon sa ipapakita niya. Ano kaya 'yun? Pupunta kaya ako? Baka magalit sa 'kin si Van kasi hindi ako magpapaalam! Teka, hindi rin naman siya nagpaalam sa 'kin, eh! Kaya quits lang!
"Sige. Saan ba tayo magkikita?"
[Dito na lang sa may park malapit sa District Office.]
"Sige, hintayin mo ako. Magbibihis lang ako."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, binaba ko na ang telepono at bumalik sa kwarto para magbihis. Gusto ko na rin namang makita si Cross. Masyado na kasi siyang busy kasi Lieutenant na siya! Bongga na talaga si Cross ngayon.
Papalabas na ako ng kwarto nang dumaan si Lolo G.
"O? Kisha? Saan ka pupunta?"
Napatingin naman ako sa hawak niya. "Men's Magazine na naman, Lolo G? Hindi ba kayo nagsasawa sa mga hubad na babae?"
Tumawa siya. "Syempre naman hindi! Parang energy drink ko itong mga ganitong bagay at hindi ko na rin kailangan ng vitamins kasi makita ko lang ang mga naggagandahang katawan nila ay lumalakas na ako!"
Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Ah, oo nga pala, d'yan lang po ako, makikipagkita lang po ako sa kaibigan ko."
"Mag-iingat ka. Nagpaalam ka na ba kay Van? Baka bugbugin ako no'n pagdating kapag nalamang wala ka."
"N-Nagpaalam po ako syempre!" I laughed nervously. Sana hindi mahalata ni Lolo G. Teka, may naisip ako. "Ano'ng gusto niyong pasalubong, Lolo G? Balita ko may bagong labas na magazine ang FFM, eh."
Nabitawan niya ang magazine na hawak niya at nagliwanag ang kaniyang mga mata. "Talaga?! 'Yun! 'Yun ang gusto kong pasalubong!"
Gotcha! I smiled triumphantly. Ang galing ko talaga. "Sige, Lolo, pagkauwi ko promise may dala ako."
Iniwan ko na si Lolo G at nagpunta na sa park kung saan ko tatagpuin si Ivan. Hindi naman kalayuan iyon sa mansyon ni Van kaya nilakad ko na lang.
Tiningnan ko ang oras sa aking relo at malapit na mag-alas sinko. Kulay orange na ang kalangitan dahil sa palubog na araw. Isa-isa na ring nagbubukas ang ilaw sa mga poste. Ang ilang bahay ay nagsasarado na ng mga bintana at mga gate nila.
Matapos kong maglakad sa unang street ay napatigil ako dahil ang susunod kong dadaanan ay ang Forestry. Sa gitna ng gubat ay may kalsada namang dadaanan pero nakakatakot pa rin. Bakit kasi hindi ko naisip na madadaanan ko nga pala ang lugar na 'to? Pero hindi na ako puwedeng magback out, wala naman sigurong masamang mangyayari sa 'kin. Pero kasi wala ng bahay na nakatayo rito. Pagkatapos nitong Forestry ay sunod na ang District Office at sa harap nito ay ang park. Mahaba-haba ring lakadin itong gagawin ko kung sakaling tutuloy ako.
Lumingon ako sa aking likod at tiningan ang mga bahay. Wala ng tao ang nasa labas at lahat sila ay nasa mga sari-sarili na nilang bahay.
Huminga ako nang malalim at napagdesisyonang tumuloy na. Wala naman akong nababalitaang masamang nangyayari rito sa may Forestry pero madami pa ring kumakalat na kwento tungkol sa mga ligaw na kaluluwa, mga mababangis na hayop, mga engkanto, at lahat ng 'yun ay hindi ko gugustuhing makita! Mas okay na sa 'kin ang makakita ng bampira kung mga katulad lang din naman ni Van.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang umihip ang malakas na hangin. Hindi lang basta hangin kundi sobrang lakas talaga! Napatingin ako sa kalangitan at biglang binalot ng takot ang puso ko nang may makita akong tatlong nilalang na lumilipad. Kulay itim sila at may mahahabang pakpak. Hindi sila manananggal dahil buo naman ang katawan nila, pero mapula ang mga mata nila at mahaba ang kanilang pangil.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya dahil na rin siguro sa adrenaline ay tumakbo ako. Hindi na ito kagaya nu'ng una kong nakita si Van, ibang nilalang na ito. Hindi lang sila basta bampira lang. Ang tanong, bampira ba talaga sila? Tumingin ako sa likod ko sa may bandang itaas at sinusundan nila ako.
I hear them hissed na nagdala naman ng kilabot sa buo kong katawan. Ano ba'ng kailangan nila sa 'kin? Muli akong tumingin sa aking likod at sa ginawa kong iyon ay hindi ko namalayan na may nakahara palang bato at nadapa pa ako. Pilit akong tumayo pero na-sprain yata ang paa ko dahil sobrang sakit na hindi ko maigalaw.
Malapit na sila sa 'kin at tumulo na ang aking luha. Nasaan ba kasi si Van? Bakit ngayon pa kasi?
Wala na akong nagawa kundi ang panoodin ang mga nakakatakot na nilalang na papalapit sa akin na para bang handa akong pagpiyestahan. Pero naharangan ang view ko sa kanila nang biglang may humara na likod ng lalake. Akala ko ay si Van pero nalaman kong hindi nang lumingon siya sa 'kin.
"I-Ivan?"
"Sorry, Kisha, nakalimutan kong dadaan ka nga pala rito sa Forestry, dapat pala sinundo na lang kita."
"H-Hindi. Okay lang."
Pinanood ko lang ang kaniyang gagawin. Binunot niya ang baril sa magkabilang gilid niya at itinutok sa mga nilalang na lumilipad. "Anong kailangan niyo sa kaniya?"
Biglang namayani ang katahimikan at tanging pagaspas lamang ng kanilang pakpak ang naririnig.
"Anong kailangan niyo sa kaniya?" pag-ulit ni Ivan sa tanong na mas malakas ngayon kaysa kanina.
"Kailangan namin si Van Walker. Kailangan namin siyang patayin. Kailangan naming patayin ang mga taong importante sa kaniya."
Kinilabutan ako sa boses nito. Ang laki ng boses nila at hindi ko maipaliwanag. Parang nanghihina ako dahil sa boses nila.
Hindi nagsalita si Ivan, bagkus ay pinaputok niya ang kaniyang baril ng madaming beses. Tinakpan ko ang aking tainga hanggang sa tumigil na ang pagputok. Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay sa aking tenga at iminulat ko ang aking mata. Nakita ko ang mga nilalang na nakahandusay na sa gitna ng kalsada at si Ivan naman ay nakaluhod na sa aking harapan at ineexamine ang aking paa.
"Mukhang na-sprain ka."
Napangiwi na lang ako nang hawakan niya ang paa ko. Sobrang sakit talaga at parang hindi ko kayang lumakad.
"Sorry talaga, Kisha, dapat talaga sinundo na lang kita, eh."
"Ano ka ba, okay lang 'no. At least nailigtas mo ako." Umasa pa naman akong ililigtas ako ni Van. "Alam mo ba kung ano ang mga 'yan?"
"Hindi, eh. Siguro alam ni Van, siya ang hinahanap ng mga ito at nanganganib din ang buhay mo kaya mag-iingat ka, hindi lamang si Van ang target ng mga ito, pati ikaw."
Saan ba nanggaling ang mga nilalang na 'yan? Wala namang nababanggit sa akin si Van. Teka, sa pagkakaalam ko may nakalaban ang mga representatives at si Van na malakas. Baka itong mga nilalang na ito ang nakalaban nila?
"Halika at bubuhatin na kita."
Hindi na ako umalma, iniabot ko sa kaniya ang kamay ko pero bago pa ito lumapat sa kaniyang kamay ay napasigaw na lamang ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang biglang sumugod 'yung nilalang kanina at hinawakan niya ang balikat ko kaya napahiga ako sa kalsada at napauntog ng malakas ang ulo ko rito. Unti-unting nanlabo ang aking mga mata at bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita kong umalis sa ibabaw ko ang nilalang at sa isang putok ng baril ay bumagsak din siya sa kalsada.
"Bakit ba pinauuwi mo na 'agad ako?"
"Hinahanap ka na ng Kuya mo."
"Hindi naman, eh!"
"How do you know?"
Kainis naman 'tong si Israel, eh! Matapos 'yung spiel niya ay pinauuwi na niya ako. Ayaw ko pa talagang umuwi, eh. Ang boring kaya sa bahay ni Kuya, pero nakakakonsensya dahil siguradong alalang-alala na siya sa 'kin ngayon. Eh, kung tawagan ko kaya? Tama! Tawagan ko na lang!
"Israel, pahiram cellphone?"
"Why?"
"Tatawagan ko si Kuya."
"No."
"Bakit naman hinde?"
"You should go home, Jullia, I have many things to do. Maiiwan ka lang din dito."
I huffed. "Fine. Uuwi na ako."
Tumayo na ako at naglakad papunta roon sa hagdan paakyat. Underground din ang bahay ni Israel. Kaya para makalabas ka kailangan mong gumamit ng hagdan at bago magbukas ang lagusan ay kailangan mo munang ilagay 'yung password. Dahil ngayong alam ko na ang password ng bahay ni Israel ay puwede na akong lumabas.
Ipipindot ko na sana 'yung password nang biglang may humawak sa braso ko. Iniikot niya ako paharap at isinandal niya ako sa dingding. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin at '[yung braso niya ay nasa itaas ng ulo ko at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa may baywang ko.
"You forgot something," sabi niya habang nakatingin sa labi ko.
"A-Ano naman 'yun?" I swallowed the lump on my throat and I unconsciously licked my lips because of nervousness.
I heard him groan and before I knew it his lips met mine. I wrapped my hands in his neck and leaned to make our body closer. After several minutes of touching and kissing, we pulled away gasping for air. Napasandal na lang ulit ako sa dingding habang hinahabol ang aking hininga at ganoon din siya. Hinawi niya ang buhok kong humahara sa aking mukha at hinalikan ang aking noo.
"Go home, Jullia. I don't want to have a problem between me and your brother. I know that if he finds out about what's happening between us, he'll get mad. He'll take you away from me."
Tumango lamang ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Hindi magiging maganda kung malalaman ito ni Kuya. Sukdulan ang galit niya sa mga bampira lalo na sa mga Walker at natatakot din ako sa maaari niyang gawin kapag nalaman niya.
"Israel, I just wanna ask..." Bumilis ang tibok ng puso ko. "What...do you really feel about me?"
Curious lang talaga ako. Nasabi niya ng nag-aalala siya sa 'kin, na gusto niya ako, pero parang meron pa, eh. Hindi naman sa pagiging assuming pero gusto ko lang malaman at sabihin niya sa 'kin ng harapan para hindi na ako gaanong umasa pa
Napalunok ako ng seryoso siyang tumingin sa 'kin. I can sense rejection but he leaned on me and gave a peck on my lips.
"I told you that I'll always be by your side."
"So what's that mean? You like me?"
"Why are you so dense?"
I pouted. "I just want to know."
"I love you."
Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig na lang ako sa seryoso niyang mukha. 'Yung bilis ng tibok ng puso ko kanina nu'ng nagtatanong ako ay mas dumoble pa. Yung 'care', tapos 'like', 'love' na ngayon? Ang ganda ko naman yata!
"What? Aren't you going to say anything?"
"Puwede pakiulit?"
"Repeat what? That I love you?"
Napangiti ako. "Totoo ba 'yan? Hindi ka nagjojoke?"
"Why would I joke about that? I'm dead serious." Naka-poker face na naman siya habang sinasabi ito. Para na tuloy siyang si Kuya Cross na palaging walang emosyon ang mukha. Bagay sana silang magkasama kundi lang ayaw ni Kuya sa mga Walker. Sayang naman. "Just go home will you?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Ikaw? Do you love me?"
"Oo naman!"
"Then say it."
"I..." Uminit ang aking pisngi. "I love you."
He smiled and gently pushed my forehead using his finger. "Go home already. I have many things to do and you will just be a burden."
"Aray ha!"
Kunwari pa akong nasaktan sa sinabi niya with matching hawak pa sa dibdib at pikit ng mata pero hindi niya ako pinansin. Siya na ang nagbukas ng lagusan at lumabas na kami sa bahay niya. Sumalubong naman sa 'kin ang sariwang hangin. Humarap naman ako kay Israel na nakapikit at parang dinadama ang hangin na humahampas sa 'min. Ang gwapo talaga niya.
Inimulat niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa 'kin. Nagulat naman ako nang lumuhod siya ng patalikod sa harapan ko.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Sumakay ka sa likod ko at ihahatid kita. I can't use my car, pinapaayos ko pa."
"Ihahatid mo ako?"
"Obvious?"
Napangiti na lang ako at sumampa sa likudan niya at bigla na lamang siyang tumakbo na sa sobrang bilis ay hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Itinago ko na lang ang aking mukha sa likudan niya at kumapit nang maigi sa kaniya dahil siguradong kapag hindi ko ginawa 'yun ay mahuhulog ako. Maya-maya ay naramdaman ko na lamang na tumigil siya sa pagtakbo. Ibinaba na niya ako at may isinuot sa aking sumbrero.
"Para saan 'to?" sabi ko habang nakahawak sa sumbrerong isinuot niya sa akin.
"Kapag nakita ka na naman ng ibang miyembro ng clan ng Vampire Hunter manganganib na naman ang buhay mo, ilang hakbang na lang naman makakapasok ka na sa bahay niyo."
Napatingin naman ako sa kinaroroonan namin. Halos malapit na nga kami sa pinto ng bahay naming, eh. Medyo olags din 'tong si Israel. Pinagsuot pa ako ng sumbrero eh abot-kamay ko na yung pinto ng bahay.
"Hindi na ako magtatagal, baka nand'yan ang Kuya mo." Hinalikan niya ang noo ko at sa isang iglap ay wala na siya.
Lumakad na ako papasok ng bahay pero pag-angat ko ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kuya Cross na nakasandal sa amba ng pinto habang nakahalukipkip. Hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya, hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya on hindi.
"K-Kuya."
"Can you explain what I just saw?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com