Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Chapter 37


The Difference Between You and I

"Nasaan si Kisha?" tanong ko kay Lolo G pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kaniya kasi sobrang himbing ng tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Hindi rin ako nakatawag at nakapagtext dahil nawala ang cellphone ko. Nagpatak siguro nu'ng na-iimbestiga kami tungkol sa mga Fiend. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan nanggaling ang mga nilalang na 'yun.

"Hindi ba nagtext o kaya tumawag sa 'yo? Ang sabi niya kasi makikipagkita lang daw siya sa kaibigan niya," sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa magazine na binabasa niya.

"Nawala ko kasi ang cellphone ko, eh."

Sino naman kayang kaibigan ang pupuntahan niya? Nag-aalala ako. Hindi siya puwedeng basta na lamang lumabas dahil masyadong delikado. Lalo na ngayong madami nang nakakaalam ng kaugnayan niya sa 'kin. Ayokong mapahamak siya dahil lang sa 'kin.

Umupo muna ako sa couch, baka naman dumating na rin siya mamaya.

Pero nakalipas ang sampung minuto ay tumayo na 'agad ako. Hindi ko na kayang maghintay pa ng ilang minuto o kaya ng oras sa pagdating niya. Sabihin nang overreacting pero masyado talagang delikado para sa kaniya. Lumakad na ako palabas ng pinto at hindi pinansin ang pagtawag sa 'kin ni Lolo G. Kailangan kong hanapin si Kisha.

Pagkalabas ko ng pinto ay hindi pa ako nakakailang hakbang ay nakita ko ang pagparada ng isang kotse na hindi ko pa nakikita noon. Sino naman kaya 'to?

Nilapitan ko ito at nagulat ako nang lumabas si Ivan Crone. Ano'ng ginagawa ng isang Vampire Hunter na katulad niya sa lungga ko? Hindi ba niya alam ang pinapasok niya? Sa ginagawa niyang 'to parang pinapakita niya sa 'kin na kayang-kaya niyang tumungtong sa teritoryo ko ng gano'n na lang kaya 'agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang kwelyo.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Ivan Crone?"

"Hindi ito ang oras para angasan mo ako, Van Walker. Kasama ko si Kisha at baka gusto mong malaman kung anong nangyari sa kaniya." Binitawan ko siya at umikot sa kabilang bahagi ng kotse niya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kisha na nakaupo sa may passenger seat habang walang malay. Binuhat ko siya at dinala sa loob ng mansyon. Nakasunod sa 'kin si Ivan at kahit ayaw ko siyang papasukin sa loob ay wala na akong nagawa dahil mas mahalaga na malaman ko kung anong nangyari kay Kisha.

Dinala ko siya sa kwarto namin at inihiga ko siya sa kama. Hinarap ko naman si Ivan na nakasandal sa may amba ng pintuan.

"Ano'ng nangyari sa kaniya?" kalmadong tanong ko sa kaniya kahit na gusto ko na siyang paalisin sa pamamahay ko.

"Dadalhin ko sana siya kay Cross at doon kami sa may park magkikita pero habang naglalakad siya ay inatake siya ng mga Fiend. Mabuti na lamang at naisipan kong salubungin siya sa daan. Nakita ko na lang na sinusundan siya ng mga Fiend."

Naikuyom ko na lang ang aking kamao at tumingin sa natutulog na si Kisha. May sugat siya sa kaniyang tuhod at may kalmot siya sa kaniyang pisngi. "Bakit siya sinusundan?"

Namayani ang katahimikan at kahit hindi siya magsalita ay alam ko na ang sagot. "Ikaw ang dahilan, Van Walker. Gusto ka nilang patayin at ang mga taong importante sa 'yo, lalong-lalo na si Kisha. Hindi mo ba naisip na masyado ng delikado ang lahat para sa kaniya?"

"Ano'ng gusto mong sabihin?"

Alam kong hindi maganda ang patutunguhan ng pag-uusap na 'to pero parang may gusto pa siyang sabihin. Isang mabigat na bagay na alam kong kahit ako'y hindi matatanggap.

"Hindi mo siya gaanong kilala, Van." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sa katunayan, mas kilala ko pa siya kaysa sa 'yo."

Napatayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama at 'agad siyang nilapitan.

"Nagpapatawa ka ba? Paano mo siyang makikila ng lubusan kaysa sa 'kin kung hindi mo naman siya nakakasama?"

"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo?"

Hinawakan ko ang kwelyo niya at pinigilan ang sarili kong laslasin ang leeg niya. "Anong kailangan kong malaman? Sabihin mo!"

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Hindi rito ang magandang lugar para pag-usapan ang isang importanteng bagay."

UMALIS kami sa mansyon at ang lugar lang na alam ko kung saan tahimik ay ang burol na hindi kalayuan dito. Sa itaas ng burol ay may malaking puno at doon ko napiling pag-usapan ang sinasabi ni Ivan na 'importanteng' bagay.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Nababalot na ng kyuryosidad ang isip ko. Kailangan ko ng malaman.

"Hindi mo pa talaga lubos na kilala si Kisha, hindi lang siya normal na tao lang, Van." Humarap siya sa 'kin na may seryosong ekspresyon sa mukha.

"Hindi normal na tao? Eh, ano siya?" natatawa kong tanong sa kaniya. Baka naman ginu-goodtime lang ako nitong lokong 'to. Paanong hindi normal si Kisha? Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Si Kisha ang apo ng Supreme Commander ng Vampire Hunter Clan na si Nicolas Raven." Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Gusto kong tumawa sa sinabi niya pero pilit kong hinahanap sa utak ko 'yung salitang 'joke' sa sinabi niya pero wala akong nahanap. Dahil sa sinabi niya ay 'agad akong hindi nakapagsalita na siya namang naging hudyat ng pagpapatuloy niya. "Nagmahal ka ng maling tao, Van," naiiling na sabi niya.

"Niloloko mo ba ako? Paanong naging apo si Kisha ng Supreme Commander?! Bakit parang hindi niya alam ang tungkol doon?!"

"Hindi alam ni Kisha na siya ang apo ng Supreme Commander. Pinahanap si Kisha at nalamang nandito lang din pala sa District at nalaman din niyang kasintahan mo pala si Kisha kaya wala na muna siyang ginawa para mabawi siya pero ngayon, gagawin na niya ang lahat mabawi lamang ang kaniyang apo."

Napakuyom na lang ako sa aking kamao. Si Kisha ay may dugong Vampire Hunter? Pilit kong isinisiksik sa utak ko 'yung mga nalaman ko. Ayaw kong maniwala pero 'yung kabilang bahagi ng utak ko na ang nagsasabi na totoo lahat ng ito.

"Pinatay ng mga bampira ang magulang ni Kisha."

Napatingin ako sa kaniya. "Sinong bampira? Anong klase ng mga bampira?"

Tumingin siya sa 'kin ng seryoso. "Ang mga magulang mo, Van. Ang mga magulang mo ang pumatay sa mga magulang ni Kisha."

For the nth time, I'm stunned. I looked at him at him in disbelief. "A-Ang mga magulang ko?"

At sa hindi ko malamang dahilan ay ngumisi siya sa 'kin. "Oo at ang Supreme Commander naman ang pumatay sa nanay-nanayan mo."

Nanlaki ang mga mata ko at pinigilang sugudin siya at pagpira-pirasuhin siya dahil sa sinabi niya. Dahil sa aking narinig ay bumalik ang masakit na alaala noong mamatay si Mama. Ang alaala na pinatay si Mama mismo sa harapan ko na wala man lang akong nagawa para ipagtanggol siya.

"Anong sabi mo?!" Nanginginig ang buo kong katawan sa galit. Paano niya nasasabi ang mga bagay na ito na para bang wala lang sa kaniya? Paano niya basta nasasabi ang katotohanan sa akin ng ganito na lang? "Ulitin mo ang sinabi mo! Sino ang pumatay sa mama ko?!"

Nakangisi pa rin siya na siya lalong nakakadagdag sa inis ko. "Si Nicolas Raven ang taong pumatay sa Mama mo, Van, maniwala ka man o hindi."

Itinulak ko siya na siya namang nakapagpalipad sa kaniya. Napatama ang kanyang likod sa katawan ng malaking puno. Hinila ang kwelyo niya para itayo siya. Marahas ko siyang isinandal sa dingding at nanggagalaiting tumingin sa kaniya.

"Bakit niya ginawa 'yon?! Anong kailangan niya sa mama ko?! Bakit niya pinatay ang mama ko?!"

Kahit may kaunting dugo na lumalabas mula sa kaniyang bibig ay nagawa pa rin niyang ngumisi.

"Dahil si Kelly Raven, o mas kilala mong Kelly Rowellson na ina-inahan mo ay ang bunsong anak ni Nicolas Raven."

Unti-unti kong pinakawalan ang pagkakahawak ko sa kaniyang kwelyo at hinayaan siyang mapaupo sa lupa. Isinuklay ko ang aking kamay sa aking buhok at napatingin na lang ako sa kawalan. Paanong...paano siya naging...

"Noong mamatay ang mga magulang ni Kisha ay kinuha ni Kelly Raven si Kisha at inilayo sa pamilya. Noon pa lamang ay ayaw na niyang maging Vampire Hunter dahil para sa kaniya ang mga bampira ay para lamang ding tao, nasasaktan din daw sila. Kahit na madaming importanteng tao sa kaniya ang pinatay ng isang bampira ay naniniwala pa rin siyang mababait na nilalang ang isang katulad mo." Masama siyang tumingin sa akin. Parang may mga kasamang kutsilyo ang kanyang salita. Para bang ang salitang 'bampira' ay lason sa bibig niya dahil sa tono ng pananalita niya. "Nalaman na lamang noon ng Supreme Commander na pinuntahan ka niya at inalagaan ka niya."

"B-Bakit niya...ginawa 'yun?"

"Saksi siya sa pagkamatay ng iyong ama at ina sa mga kamay ng Supreme Commander at bago mamatay ang iyong ina ay pangalan mo lamang ang kaniyang binabanggit." Tumayo siya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. "Ngayon alam mo na ang kaibahan niyong dalawa. Pinatay ng Lolo ni Kisha ang mga magulang mo at ina-inahan mo at ang mga magulang mo naman ang pumatay sa mga magulang ni Kisha."

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Pero isa lang ang tumatak sa isipan ko na si Kisha at ako ay may napakalaking agwat sa isa't-isa.

"Gising ka na pala."

Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan si Van na nakaupo sa gilid ng aking kama. Hindi siya nakatingin sa akin, bagkus ay diretso lamang ang tingin sa labas ng bintana. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kama.

"Hindi ka nagpaalam sa 'kin kanina kung saan ka pupunta."

Pero imbis na sumagot ay tumingin siya sa akin. Mapula ang kaniyang mga mata at nakalabas ang kaniyang pangil. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay at dahan-dahang umatras hanggang sa mapasandal ako sa headboard ng kama.

"V-Van...a-anong problema?"

Hindi siya nagsalita pero hinila niya ang kamay ko at pilit akong inihiga. Pumaibabaw siya sa 'kin at gano'n pa rin ang mga mata niya at ang pangil niya. Hindi dapat ako natatakot sa mga ganitong ginagawa ni Van pero napupuno na ng takot ang puso ko. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang ibaba niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"V-Van...b-bakit...a-anong gagawin mo?!" Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naluha na lamang ako.

" 'Wag kang mag-alala," bulong niya pero nakakatakot ang boses niya. "Para lang 'tong kagat ng langgam."

"V-Van, ano ba?! 'W-Wag...a-anong balak mo?! P-Please..."

"Papatayin kita."

Naramdaman ko na lang ang matulis niyang pangil na nakakagat sa aking leeg. Nagsimula na naman akong magpumiglas pero gaya kanina ay wala akong magawa.

"I-Itigil mo na 'to, Van! Itigil mo na 'to!"

Napabangon ako bigla. Tumingin ako sa paligid at ako lamang ang nandito sa kwarto. Hinahabol ko ang aking hininga at may malamig na pawis. Anong klaseng panaginip 'yun? Napahawak ako sa aking leeg. Parang totoo. Kahit anong oras naman ay payag akong maging bampira para hindi na ako naiiba sa lahi ni Van pero 'yung sa panaginip ko kasi ang sabi niya'y papatayin niya ako. Bigla naman akong kinilabutan. Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na gano'n. Imposibleng gawin sa 'kin 'yun ni Van.

Umalis na ako sa kama at nag-ayos ng aking sarili pero bago ako lumabas sa kwarto ay naisip ko na kasama ko nga pala kanina si Ivan at inatake ako ng mga kakaibang nilalang. Nawalan ako ng malay at paano ako napunta rito? Pumunta ako sa harap ng salamin at may tapal sa kanan kong pisngi. Sa pagkakaalam ko ay nakalmot ako kanina at nagawi naman ang tingin ko sa aking tuhod na may benda naman, dahil sa pagkakadapa ko kanina.

Bumukas ang pinto at pumasok si Van. 'Agad ko naman siyang sinalubong. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil may iba sa ngiti niya. Parang malungkot. Hinawakan ko ang pisngi niya at nagulat ako ng bahagya niyang inilayo ang kaniyang mukha.

"May problema ba?"

Hinawakan niya ang kamay ko at muling dinala sa kaniyang pisngi. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at bumuntong hininga. "I'm just...tired." Imunulat niya ang kaniyang mga mata at hinila ang aking kamay. Kinulong niya ako sa mahigpit niyang yakap. "How are you? Ivan brought you here and told me you were attacked. I'm sorry if I wasn't able to protect you," he said in an exasperated voice.

"It's okay. I'm okay. Kaunting sugat lang naman ang natamo ko, eh." Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya para makita ko ang mukha niya. He looks so tired. Really tired. "Ano ba ang mga nilalang na 'yun? Bakit gusto ka nilang patayin?"

"They call themselves Fiend. Hindi ko alam kung bakit gusto nila akong patayin. Inaalam pa namin kung saan sila nanggaling at sino ang lumikha sa kanila."

I just nodded my head as an answer.

"I miss you," I said.

He half-smiled and gave me a peck on my lips but...I don't know why I felt...different. There's something wrong with the way he kissed me. Parang...wala 'yung feelings niya roon pero mas pinili ko na lamang na huwag na lamang pansinin. Baka napapraning lang ako.

"Ilang oras lang tayong hindi nagkita namiss mo na kaagad ako?" then he raised an eyebrow.

"Syempre. Gano'n kita kamahal, 'no." I smiled at him.

We stared at each other for a while and I decided to make the first move. I leaned on him and kissed him fully on the lips. He circled his arms around my waist and I walked backward 'til we reached the bed. He slowly laid me down while kissing me. I tried to find the emotion...the love...the need...but why do I feel like...this is just forced?

We used time in touching, kissing, and making love that doesn't feel like making love at all. He laid down beside me and I watched him sleep. He didn't even say 'I love you' after what we did. Lagi niya 'yung sinasabi sa 'kin pagkapatos. Kapag ginagawa namin 'yun iba sa pakiramdam. We make love but it's soulless. It seems like he didn't put so much effort into making me feel that he loves me the way he did before.

I shook my head to remove these crazy thoughts. Baka pagod lang siya kaya ganito. Hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ang noo niya.

"I love you," I muttered before I drifted off to sleep.

"I love you," ang huling sinabi ni Kisha bago siya makatulog. Iminulat naman ni Van ang kaniyang mga mata at tiningnan ang babaeng mahal niya habang mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi niya na alam kung paano niya ngayon patutunguhan si Kisha. Nu'ng malaman niya ang lahat hindi niya na alam ang dapat niyang gawin. Galit si Van. Galit siya kay Nicolas Raven dahil sa pagpatay nito sa magulang niya at pagpatay sa ina-inahan niya. Pinahirapan ni Nicolas Raven ang mga magulang niya at walang awang pinatay si Kelly Rowellson o nalaman niyang si Kelly Raven pala. Walang puso ang Supreme Commander dahil sarili niyang anak ay nagawa niyang patayin ng dahil lamang sa pag-aalaga nito sa isang bampira.

Bumangon si Van at isinuot ang kaniyang damit. Muli niyang tiningnan si Kisha at naalala ang mga sinabi ni Ivan Crone sa kaniya.

"Habang tumatagal ay mas lalong nagiging delikado ang buhay ni Kisha sa pangangalaga mo, Van. Kahit na ibigay mo sa kaniya ang oras mo ay hindi mo pa rin siya mapoprotektahan dahil ikaw ang pinuno ng lahat ng bampira. Sa mga gulong nangyayari ngayon, sa mga nilalang na nagsisilabasan, kaya mo pa bang ipagtanggol si Kisha kasabay ng pagtatanggol mo sa buong Vampire Clan?" nakangising sabi ni Ivan Crone. Ginagamit niya ang kaniyang matalinhagang pagsasalita para makumbinsi si Van. Hindi alam ni Van na ginagawa ni Ivan ang kanyang misyon - ang mabawing muli si Kisha.

"Kaya ko siyang protektahan. Hindi ko siya hahayaang masaktan."

Kaya nga ba niya? Bilang isang pinuno ay malaking pasanin para sa kaniya. Gusto niyang protektahan si Kisha pero paano nga ba niya ito maiipagtanggol kung bukod kay Kisha, kailangan din niyang ipagtanggol ang buong Vampire Clan?

"Sinasabi ko na sa 'yom, Van Walker, hindi mo na kaya pang i-prioritize si Kisha at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan kong iuwi si Kisha sa tunay niyang kinabibilangan. Hindi siya nabibilang sa isang bampirang katulad mo."

Gusto niyang basagin ang pagmumukha ni Ivan pero sa pandinig niya, parang lahat ng sinasabi nito ay totoo. Tao si Kisha, bampira naman siya. Napakalayo nila sa isa't-isa. 'Yung mga insecurities ni Van noon sa mga tao na kinalimutan niya na simula nu'ng makilala niya si Kisha ay muling nagbalik sa kaniya.

"Nabibilang si Kisha sa Vampire Hunter Clan. Baka nakakalimutan mo, ang District ay nahahati sa tatlong klase ng mga tao, ang una ay ang mga simpleng tao, pangalawa ang Vampire Clan at patatlo ang Vampire Hunter Clan. Noon pa lamang ay may boundary na sa pagitan ng tatlong 'to na hindi pa nabubuwag dahil kung sakali ay magkakagulo. Hindi puwedeng lumagpas ang bawat isa sa mga boundary. Katulad ni Kisha, lumagpas siya sa boundary at naging parte ng Vampire Clan ng dahil sa 'yo at ikaw, lumagpas ka rin sa boundary ng mga Vampire Hunter Clan sa pamamagitan ni Kisha."

"Anong gusto mong gawin ko?" matalim niyang tiningnan si Ivan.

"Gusto kong ibalik mo na sa amin si Kisha. Hindi siya nababagay sa isang katulad mo. Maaari siyang mapahamak sa 'yo at sa amin, kayang-kaya namin siyang protektahan."

"Gusto mong iwanan ko siya? Hindi ako tanga para ibigay na lamang siya sa inyo na parang isang laruan!" galit na sigaw ni Van. Nararamdaman niya ang sobrang kapangyarihang umaapaw sa katawan niya at mas lalong nakakadagdag dito ang galit niya.

"Ilang beses na siyang napapahamak dahil sa 'yo! Gusto mo bang maulit ang nangyari kay Jullia noon sa kaniya?! Gusto mo bang mabuhay ka ulit na puno ng pagsisisi at hinanakit dahil sa hindi mo nagawang ipagtanggol ang babaeng mahal mo? Mag-isip ka, Van. Kung napalampas ko ang ginawa mo sa kapatid ng kaibigan ko pwes hindi ko na mapapalampas ang kay Kisha."

Natahimik si Van sa sinabi ni Ivan. Napangiti na lamang si Ivan sa kaniyang sarili, mukhang tumatalab na ang mga salitang sinasabi niya kay Van. Kaunti na lamang at mapapapayag na niya itong iwanan si Kisha.

"Hindi ko alam kung paano ko siya iiwan. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin," halos pabulong na lamang na sabi nito habang nakakuyom ang kaniyang kamao. Lumalabas ang itim na aura sa katawan ni Van at palaki ito nang palaki dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya.

"Ano'ng mas pipiliin mo, ang mawala siya sa 'yo pero nasa pangangalaga namin siya at ligtas o ang mawala siya sa 'yo dahil binawian siya ng buhay? Ikaw ang magdesisyon, Van. Pero kahit ano'ng mangyari babawiin namin si Kisha sayo dahil sa amin siya at kahit kailan ay hindi siya magiging sa 'yo."

NAISABUNOT na lamang ni Van ang kaniyang kamay sa kaniyang buhok. Nilapitan niya ang natutulog na si Kisha at hinalikan nang mabilis ang labi nito. Mahal na mahal niya si Kisha at hindi niya ito kayang iwan pero buo na ang kaniyang desisyon.

"I'm sorry Kisha. I have to let you go."

"Saan ka pupunta, Jick?" masiglang bati ni Jack sa kakambal niya na palabas ng pinto ng kwarto nila. Ilang araw na hindi nauwi ng mansyon si Jack dahil sa isang importanteng bagay na inaasikaso niya at simula noong umuwi siya ay hindi sila gaanong nakakapag-usap ng kakambal niya.

Binigyan siya nito nang malamig na tingin na siya namang ikinagulat niya. Kahit kailan ay hindi siya tiningnan nang ganito ni Jick. "D'yan lang."

"May problema ba?"

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"

Hindi na hinintay pa ni Jick na makapagsalita si Jack at lumabas na ito ng kwarto. Naiwan naman si Jack na tulala at iniisip kung bakit nagkakagano'n ang kakambal niya. Napasandal na lamang siya sa upuan at napabuntong hininga.

Baka nagtampo lamang si Jick dahil sa hindi ko pag-uwi nitong nakaraang araw, sabi niya sa kanyang isip.

Naabutan naman ni Farrah si Jick na kalalabas lamang sa pintuan ng kwarto niya kaya 'agad niya itong sinalubong. Malungkot ang expression ng mukha ni Jick at hindi siya sanay na makita siyang ganito. Ang aga-aga pa ay nakasimangot na ito hindi tulad noon na ang aga-aga ay nag-iingay na siya at umaalingawngaw sa buong mansyon ang tawa nito.

"Itinanong mo ba sa kaniya kung bakit nakikipagkita siya kay Israel?"

"Bakit pa?"

"Anong bakit pa?! Para malinaw natin ang lahat at kung ano ang dahilan kung bakit kailangan niyang makipagkita kay Israel!"

"Hindi na kailangan. Traydor siya at 'yun na 'yun, wala ng makakapagpabago pa noon."

"Sinong traydor?" Parehong natigilan sina Farrah at Jick ng marinig ang boses ni Van sa kanilang likudan. Dahan-dahan silang humarap dito at kita ang pagtatanong sa mukha nito. Pareho na lamang silang napatungo. "Sabihin niyo...sino ang traydor na sinasabi niyo?" pasensyadong tanong ni Van kahit na gustong-gusto na niyang malaman ang tinutukoy ng dalawang Nobles sa harapan niya. Ayaw ni Van na pinaghihintay siya lalo na kapag tungkol sa isang bagay na hindi sinasabi sa kaniya. Ang gusto niya ay malaman niya lahat kung puwede

Hinawakan ni Farrah ang braso ni Jick ng tumunghay ito na may determinasyon sa mukha nito. Kinabahan siya sa maaaring gawin ni Jick.

"Ang traydor ay si Jack."

Hindi makapaniwalang tumingin si Farrah kay Jick. "Jick! Ano ba'ng sinasabi mo–"

"Nakita namin si Jack na nakikipag-usap kay Israel noong isang araw, sapat na ebidensya 'yun para masabing nagtatraydor siya sa atin."

"Totoo ba lahat ng sinasabi ni Jick, Farrah?!" galit na sigaw ni Van at napapitlag na lamang siya sa lakas ng boses nito.

"O-Oo, Young Master," sagot niya na mistulang nalimutang tawagin siyang Van dahil sa takot.

"Nasaan si Jack?!"

Hindi na hinintay pa ni Van na makasagot ang dalawa at 'agad na pumunta sa kwarto nila Jick at binuksan ang pinto pero tumambad sa kanila ang bukas na bintana at hinahangin na kurtina. Nilapitan nila ang bintana at sa tabi nito ay isang mesa na may nakapatong na nakatuping papel.

Kinuha ni Van ang maliit na papel na may nakasulat na isang salita at 'yon ay ang salitang patawad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com