Chapter 38
Chapter 38
Changes
"Can you explain what I just saw earlier?"
Natigilan ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Napalunok ako ng ilang beses at sobrang bilis ng puso ko dahil sa kaba. Nakatayo si Kuya sa may pintuan habang nakakrus ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa kung ano mang pinapahiwatig ng tingin niya.
"K-Kuya."
"Get in. You have a lot of explaining to do."
Kinakabahan akong sumunod sa kaniya sa loob ng bahay. Anong gagawin ko? Kahit hindi niya ipakita ay alam kong galit siya. Dapat ko na bang sabihin ang totoo? Pero wala na akong lusot kung magsisinungaling pa ako at saka baka kapag hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo ay mas lalo lamang siyang magalit sa 'kin.
Dumiretso siya sa living room kaya sumunod lang ako at umupo kaming dalawa sa couch.
"Why–fuck it!" Ginulo-gulo niya ang buhok niya at napaiwas na lang ako ng tingin. "Why are you with Israel Walker?" kalmado pero punong-puno ng patalim ang tanong na binitawan niya.
"K-Kuya."
Inihampas niya ang kamay niya sa lamesa at napapitlag na lang ako sa gulat.
"Answer me! Damn it!"
"M-Mahal ko siya, Kuya!"
"When?! How?! Damn it, Jullia! You're making me crazy!" frustrated na sabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang mapatungo at mapaiyak na lang. Ngayon lang niya ako sinigawan nang ganito at sobrang nakakatakot siya. Iba kasing magalit si Kuya, eh.
"S-Si Israel ang madalas na nagbabantay sa 'kin noong nakakulong ako sa mansyon ni Victoria."
"Then what?! You freaking fell in love with a vampire?! Again?!"
"Y-Yes, Kuya."
I heard him cuss many times and all I can do is to sob. He's so scary and I can feel that he's so angry right now. Nung tumahimik na siya ay dahan-dahan kong iniaangat ang aking ulo para matingnan siya. Sunod-sunod ang paghugot niya ng hininga para siguro pakalmahin ang sarili niya. He bit his lower lip and turned his gaze to me. Nakatingin lamang siya sa 'kin at hindi nagsasalita. Para namang tinatambol ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok, nagtataasan din ang mga balahibo ko at pinagpapawisan ako ng malagkit.
He sighed and run his hands through his hair. "Do you really love him? Is he good to you? He didn't hurt you? Does he care about you? Did he take care of you?" sunod-sunod na tanong niya at tanging pag-aalala na lang ngayon ang mababasa sa kaniyang mga mata.
"Yes, Kuya, I really love him. I don't know how, I don't know when I just felt it. I can't explain what I really feel about him at first but I compared my feelings to Van and what I felt about him and then I realized, it's much stronger. He didn't hurt me; he didn't lay a hand on me. All he did was take care of me. In fact, siya pa ang nagpauwi sa akin. I know he loves me too, Kuya, I can feel it. Trust me."
Tuluyan na muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Mahal ko si Israel at kung sakali mang hindi pumayag si Kuya sa kung anomang meron kami ni Israel ay gagawa ako ng paraan para makasama lang siya. Nasisigurado kong ibang-iba 'tong nararamdaman ko kumpara sa naramdaman ko noon kay Van, itong nararamdaman ko para kay Israel ay hindi maikukumpara sa pagmamahal ko kay Van noon.
Muling natahimik si Kuya pero maya-maya ay nagsalita na siya at nagbitaw ng mga salitang hindi ko inaasahan na makukuha ko mula sa kaniya.
"If he's your happiness then all I can do is to support you. I don't want you to hate me just because I don't want him for you." Ngumiti siya sa akin at napaluha ako lalo dahil doon. "But please be careful this time, I lost you once and I can't bear if it will happen again."
Tumayo ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya. Napakaswerte ko at binigyan ako ng isang kapatid na katulad niya. Cold man siya minsan, madalas tahimik, pero napakamapagmahal niya. "Thank you, Kuya. You're the best Kuya in the world."
He ruffled my hair and gave me his most sincere smile. "But promise me, don't fall too much. Hindi natin alam ang magiging outcome n'yan."
"Promise, Kuya. I can handle myself. And besides, I learned from the past."
"Speaking of the past, kelan mo balak magpakita kay Van?"
Oo nga, 'no? Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? Siguro naman may karapatan siyang makita ako, 'di ba? Like, may pinagsamahan naman kami at tunulungan ko pa siya nu'ng nagtetraining siya. Sa tingin ko kailangan ko na ngang magpakita sa kaniya at gusto ko ring mameet si Kisha.
"Hmm, sa tingin ko kailangan ko na nga siyang makita."
"When do you plan to see him?"
"Maybe tomorrow? Why? You're coming with me?" Naks! Napapalaban ako ng Englishan kay Kuya Cross! Grabe. Feeling ko anytime dudugo na ang ilong ko rito. Hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang mag-English. Siguro nasanay na rin siya nu'ng nagpunta siyang ibang bansa dati kaya hanggang ngayon napapa-English na lang siya kapag nagsasalita.
"Yes. I want to see Kisha too." He looked away. Napangisi naman ako sa inasal ni Kuya. Hanga rin ako kay Kuya, eh. Noon pa lang mahal na niya si Louise at hindi pa rin iyon nagbabago ngayon.
"Okay! Excited na ko!"
Ngumiti lamang siya sa 'kin at ginulo-gulo ang buhok ko. Ano kayang mangyayari bukas?
"Nasaan po si Van?"
"Umalis siya, eh. Hindi naman sinabi kung saan siya pupunta."
Napasalampak na lang ako sa couch. Hindi na naman siya nagpaalam. Ilang araw na siyang umaalis na hindi man lang nagpapaalam sa 'kin. Nitong mga nakaraang araw ang cold niya sa 'kin. Uuwi siya na hindi man lang nakikipag-usap, kakausapin lang niya ako kapag ako ang nag-iinitiate ng usapan. Minsan diretso tulog na lang siya na hindi man lang pinapansin ang presensya ko. Pakiramdam ko tuloy ibang Van ang nakakasama ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakagano'n, wala naman akong natatandaang ginagawang masama o nasabing hindi maganda. Mababaliw na ako kakaisip kung ano ba talagang problema. Gusto ko siyang tanungin kaso wala akong pagkakataon madalas siyang hindi umuuwi, minsan naman pagdating niya diretso tulog na siya.
"Lolo, ano po bang nangyayari kay Van? Bakit parang umiiwas siya sa 'kin?"
Ibinaba ni Lolo G ang magazine na hawak niya na nakatakip sa mukha niya kanina at napafacepalm na lang ako nang makita ang itsura niya. "Pardon?"
"Lo, ba't may mustache kayo?"
"This is what you call swag. Yeah!" Nagpogi sign pa siya.
Napabuntong hininga na lamang ako. That's Lolo G for you. Kailan ba siya magseseryoso?
"Seryoso ako, Lolo G. Alam mo ba kung bakit gano'n si Van?"
"Hindi ko alam, Kisha. Mas magandang siya na lamang ang tanungin mo at kung alam ko man, wala akong karapatan na sabihin sa 'yo dahil ayokong manghimasok sa inyong dalawa. Kung ano man ang pinapakita niya sa 'yo, gumawa ka ng paraan para malaman kung bakit siya nagkakaganyan."
Hindi na ako nagsalita pa. Gusto ko na lang maiyak. Bakit kasi gano'n si Van? Nagsimula 'yon noong gabi na wala akong naramdaman na pagmamahal nu'ng ginawa namin 'yun. Pagkatapos no'n ay nasundan pa ng ilang gabi na ginagawa namin 'yun pero wala pa ring feelings. Ayaw na ba niya sa 'kin? Hindi na ba niya ako mahal?
Ano ba naman 'tong mga naiisip ko. Baka nga pagod lang siya at maraming inaasikaso. Tama. Hindi ko dapat masyadong idina-down ang sarili ko. Kaya mo 'to, Kisha. Fighting!
Tumayo ako para sana pumunta ng kusina at kumain pero nagbukas ang front door at pumasok si Van. Tumingin ako sa wall clock at tanghali pa lang naman. Himala, lagi kasi siyang umuuwi ng gabing-gabi na o madaling araw. Lumapit ako sa kaniya. Kailangan ko na siyang kausapin tungkol sa inaasal niya. Hindi ko na kaya pang palampasin ang isang araw na hindi nalalaman kung bakit.
"Van, pwede ba tayong mag–"
"Ah, Kisha! Tara, date tayo?" Ngumiti siya na sobrang lapad sabay yakap sa 'kin ng mahigpit.
"H-Huh?"
"Tara na!" Basta na lang niya ako hinila na hindi man lang nakakapalag. Ni hindi pa ako nakakapagbihis. Simpleng short at t-shirt lang ang suot ko at take note, nakatsinelas lang ako.
"Hindi pa ako nakakapagbihis! Bakit ba nagmamadali ka?"
He just smiled at me and my heart flutters. Sa isang ngiti niya lang nawala na ['yung pangamba ko, nawala na lahat ng parang bula. Mahal na mahal ko talaga siya. Pero kailangan ko pa ring malaman kung bakit ang cold niya nitong mga nakaraang araw.
Sumakay kami sa kotse niya at hindi na ako nag-abala pang itanong kung saan kami pupunta. Kahit naman saang lugar basta kasama ko siya okay lang. Tae. Nagiging cheesy na naman ako. Sumandal na lang ako sa upuan at hinayaan ang sarili kong dalawin ng antok. Tiningnan ko si Van ng isang beses at nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti. Ngumiti lang din ako sa kanya at tuluyan na akong nakatulog.
" 'Wag kang mag-alala...b-buo na ang desisyon ko. Ibigay mo lang sa 'kin ang araw na 'to...please..." Nagising ako dahil sa boses ni Van na parang may kausap. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko siyang hawak ang cellphone niya. Bumuntong hininga siya at mariing ipinikit ang mga mata niya. "I will do this because...I want to...not because I need to..." then he bit his lower lip. Napakunot naman ang noo ko. He seems so bothered. Hindi ko pa siya nakikitang ganito ang reaksyon, parang may iba.
"Sino 'yan, Van?"
'Agad niyang inalis ang cellphone sa tainga niya at ngumiti sa 'kin. "Wala 'yun. Tara na?"
"Nandito na tayo?"
Tumango siya at naunang lumabas ng kotse. Pinagbukas niya ako ng pinto at pagkababa ko ng kotse ay tumama sa 'kin ang sariwang hangin. Inilibot ko naman ang tingin ko at nandito kami sa may ibaba ng burol. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa itaas. Madami pang burol dito, parang sa Bohol pero hindi kasing dami roon. Pero sa lahat ng burol ay ito ang pinakamaganda. Napansin ko naman ang dalawang litrato na nakatayo sa dalawang nitso.
"Mga...magulang mo ba sila Van?" Lumuhod ako sa harapan ng dalawang nitso at binasa ang nakalagay doon.
Vivian Isaiah Petrovic-Walker at Fenier Harrison Walker.
"Yup." Umupo siya sa tabi ko at inalis ang mga dahong nasa ibabaw ng nitso. "Mom, Dad, this is Kisha Louise Ra–" Napatingin ako sa kaniya. Napakuyom ang kaniyang kamao pero 'agad siyang ngumiti. "Kisha Louise Madrigal, mahal na mahal ko po siya. Higit pa sa buhay ko." Tumingin siya sa 'kin at nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata niya, gusto ko siyang tanungin pero ang bilis magbago ng expression niya. "Say hi to them."
"Umm, hello po! Alam niyo po ba, mahal na mahal ko rin po itong anak niyo at hindi ko kayang mawala siya sa 'kin. Nito ngang mga nakaraang araw parang ang cold niya sa 'kin, eh." Nakanguso akong tumingin kay Van. Umiwas lang siya ng tingin at kinamot ang batok niya."Pero nu'ng kausapin niya ako kanina at sinabing magdate kami tapos nginitian pa niya ako, 'yung mga doubts ko naalis na lang bigla. 'Yung tampo ko dapat biglang umurong. Lakas talaga ng tama ko sa anak niyo at kapag sinaktan niya ako, siya ang tatamaan sa 'kin." Napangiti na lang ako sa mga sinasabi ko at muling tumingin kay Van na seryosong nakatingin sa 'kin. Pakiramdam ko talaga ay may problema. "Van, may problema ba tayo?"
Tumayo siya at humarap sa 'kin.
"Problema? Wala." Ngumiti siya at inilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman ito at itinayo niya ako. Pagkatayo niya sa 'kin ay lumapat naman ang labi ko sa labi niya dahil hinila niya ako palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang at napahawak naman ako sa dibdib niya. "I love you so much. Always remember that," he said between our kisses.
I pulled away but our lips almost touching. "I love you too."
"Whatever happens..." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "...I still love you and it will never change."
But why do I feel like there's something different? Something has already changed.
I just nodded my head and he planted a soft kiss on my forehead that made my stomach do somersaults. He held my hand again and gently squeezed it. "Let's go?"
"Where?"
"Basta."
Nagpahila na lang ako sa kaniya at sumakay na kaming muli sa kotse. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, napahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Iniiling ko na lang ang ulo ko, hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. Date namin 'to ni Van kaya dapat mag-enjoy ako.
Matapos ang ilang minuto ng biyahe ay itinigil na niya ang sasakyan at nandito kami sa isang maliit na amusement park.
"Amusement Park?"
"Yup! Never pa akong nakakapunta rito, eh. Dahil nga bampira ako at hindi masyadong nakikihalubilo noon, gustuhin ko mang pumunta wala naman akong makakasama."
Tumingin ako sa Amusement Park sa harapan namin. Ang daming ilaw at ang dami ring tao na pumapasok sa loob. Dito pa lang ay rinig na ang mga sigawan ng mga tao dahil sa sinasakyan nilang mga rides. Hindi pa rin ako nakakapunta rito, eh. Kahit na inalagaan ako ni Yaya, hindi niya ako dinadala sa mga ganito, hindi niya rin ako ipinapasyal.
"Don't worry. Hindi pa rin naman ako nakakapunta sa ganito, eh."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya papunta sa may entrance. Hindi ko na pinansin ang gulat na expression niya at bumili na kami ng ticket. Excited na ako.
"Alin ang gusto mong sakyan?" tanong niya sa 'kin at unang nahagip ng mga mata ko ay 'yung roller coaster na sobrang daming loop at sa lahat ng rides ay dito pinakamaraming sigawan.
"Gusto ko roon sa roller coaster."
"Okay."
Payag 'agad? Hindi man lang siya natatakot? Sabagay, siya nga pala si Van Rei Isaac Fenier Walker, may kinatatakutan pa ba siya?
Pumila na kami at habang palapit kami nang palapit sa aming turn ay unti-unti na akong natatakot.
"Scared?" bulong niya sa 'kin.
Itinulak ko naman siya at saka sumimangot. "Hindi 'no! Easy lang 'yan!"
"Weh? Baka mamaya mahalit ang lalamunan mo kakasigaw?" then he smirked.
"Di 'no!" mayabang na sagot ko sa kaniya.
Pero pagkalipas ng ilang minute at nang tuluyan na kaming nasa roller coaster, ako ang may pinakamalakas na sigaw sa aming lahat. Halos hindi na makasigaw nang maayos ang mga kasama namin dahil nakafocus sila sa sigaw kong parang kinakatay na baboy.
"Kisha! It's over!" Nadinig ko ang malakas na pagtawa ni Van.
Napamulat naman ako at tumingin sa paligid. Tama nga siya. Wala ng tao sa mga upuan dito sa roller coaster, kaming dalawa na lang ni Van ang natira tapos nakatingin pa 'yung mga taong nakapila na para bang pinipigil ang tawa nila. Nakakahiya!
Itinakip ko ang aking mga kamay sa 'king mukha nang makababa na kami sa roller coaster.
Inayos niya ang buhok ko habang tumatawa at hinalikan ang noo ko. "It's okay. I still love you."
Dahil sa sinabi niya ay naghiyawan ang mga taong nakapila pati 'yung nag-ooperate nakikisigaw na rin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Inalalayan niya ako pababa sa platform at lumayo na kami sa lugar na 'yun.
Ang masama lang habang naglalakad kami, lahat ng kababaihang makakasalubong namin ay parang maghahyperventilate dahil kay Van. Halos magkanda-bali na ang leeg nila sa kasusunod ng tingin sa kaniya. Kainis! Kung makatingin sila parang hinuhubadan na nila si Van sa isip nila! Dapat ako lang ang makakapaghubad sa kaniya! Ah! Ano ba naman 'tong mga sinasabi ko!?
"Don't worry, you're the only one who can undress me."
Napatingin naman ako kay Van na nakangisi. Sinapak ko naman siya sa kaniyang braso. "Binasa mon a naman ang isip ko?! Kainis ka!"
"Ang cute mo kasi kapag may iniisip. Halatang-halata na may iniisip ka." Umakbay naman siya sa 'kin at hinila ako palapit sa kaniya. 'Yung mga babaeng nakatingin sa kaniya at mga bagong nakakasalubong ay biglang nagbago ang timpla ng mukha.
He's mine! Kaya wala kayong pag-asa!
"Kahit ilan pang babae ang makasalubong ko o tumingin man at magpacute sa 'kin, ikaw at ikaw lang ang papansinin ko."
"Sabi mo 'yan, ah." Pinipigilan kong mangiti pero hindi ko kaya. Lechugas. Ba't ba ang extra sweet ni Van ngayon? Nasaan na 'yung kamanyakan niya?
Sunod naman naming pinuntahan ay ang mga stalls ng pagkain. Sa dami ng stalls dito, isang shop ang nakapukaw ng atensyon ko. Isang shop na chocolates lang ang tinda. Kulang na lang ay magkantahan ang mga anghel at lumiwanag ang buong paligid dahil sa nakikita ko.
"Saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng shop. Heaven dito! Pwede bang dito na lang ako tumira? "Bakit dito? 'Wag mong sabihing puro chocolate ang kakainin mo?"
"Tumpak! Tara na!" Hinawakan ko ang kamay niya at naghanap na kami ng table. Ibinigay naman 'agad ng waitress 'yung menu at ang sarap niyang tusukin ng tinidor sa mata kasi kung makatingin kay Van ang lagkit! Nagiging selosa na ako! Kasi naman, eh!
Napatigil ako sa pag-iisip ng 'Ways How To Kill Your Boyfriend's Fangirls' ay tumayo si Van at lumipat sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table at mas idinikit ang katawan niya sa akin.
"Wifey, anong gusto mo? Dalian mong pumili baka nagugutom na si baby." Humawak siya sa tiyan ko.
Wifey?! Baby?!
Napatikhim naman 'yung waitress at kagaya nu'ng mga babae kanina, nagbago ang expression niya. 'Yun bang parang nabrokenhearted? Buti nga sa 'yo! "Can I get your order Ma'am and Sir?" May diin ang pagkakatanong niya na para bang pinagmamadali kami. Bitter ka ghourl?
"Itong chocolate cake at saka chocalate ice cream," sagot ko.
"Gano'n na lang din ang sa akin," sabi naman ni Van.
Sinulat na ng waitress ang mga order namin at isang huling tingin kay Van ay umalis siya ng may kasama pang pagdadabog. Tumingin naman ako kay Van na sobrang lawak ng ngiti. Siniko ko naman siya sa tagiliran. " 'Yung pisngi mo mapupunit na sa sobrang lapad ng ngiti mo."
"Ang hirap talagang maging gwapo," sabi niya sabay hawak sa mukha niya. "Akalain mong kaya ko palang painlove-in lahat ng babae rito?"
"Hangin!" sabi ko habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang tinatangay ng hangin. Tumawa naman siya at kinurot ang pisngi ko sabay halik ng mabilis sa labi. Ang sweet niya talaga ngayon promise.
Maya-maya pa ay dumating na ang order namin at kumain lang kami ng tahimik. Ang sarap talaga ng chocolate. Kung pwede lang ito na lang kainin ko araw-araw pwede na.
Nang matapos kaming kumain ay naglibot-libot naman kami sa Amusement Park. Maraming booths na may mga laro. Gusto kong i-try pero bago ko pa sabihin kay Van at hinatak na niya ako palapit sa isang booth. May mga nakahelerang pana. Papanain yata 'yung mga balloons sa dingding.
"Alin ang gusto mong prize?"
Inilibot ko naman ang tingin ko at nakita ko yung asong stuff toy. "Ayun!" turo ko sa kanya.
"Okay then."
Nagbayad siya at kinuha niya na 'yung pampana. Bigla namang dumami ang tao rito sa paligid ng booths. Puro babae ang nagsilapitan. Nagsimula nang tumira si Van at napatamaan niya 'yung isang lobo. Pero kailangan niyang maputok 'yung iba pang mga lobo bago maubos ang oras. Nagsimula namang magtilian ang mga babae ng mabilis na napapana ni Van 'yung mga lobo. Ang galing niya. Sa bawat pagtaas ng braso niya nagfeflex 'yung mga muscles niya. Nakakapagkasala ang tumingin kay Van dahil kung ano-ano ang mga naiisip ko.
Wala pa sa kalahati ang nacoconsume niyang oras pero tapos na niyang panain lahat ng lobo. Kinuha na niya 'yung prize at ibinigay sa akin. 'Agad ko naman siyang niyaka at biglang nag-alisan 'yung mga babae sa ginawa ko.
Naglibot-libot kami sa buong Amusement Park, sinakyan na namin halos lahat ng rides at bawat stalls na makita namin ay kinakainan namin. Sa sobrang saya hindi ko namalayan na gabi na pala. Magkahawak ang kamay namin habang nakaupo rito sa bench. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya, nakakapagod pero masaya. Masakit na ang paa ko kaya naisipan naming umupo muna tito tutal halos nalibot na namin ito kaya pahinga muna.
"Kisha, we need to go."
"H-Huh? Uwi na tayo?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay ngumiti lamang sa 'kin pero 'yun na naman 'yung ngiti niya na na hindi katulad nung mga ngiti niya sa 'kin kanina. Siguro antok lang 'to na sinamahan ng sobrang pagod. Tumango lang ako sa kaniya at pumunta na kami sa parking lot. Tahimik lang niyang pinaandar ang kotse at nagsimulang magmaneho.
Hindi ko naman 'agad napansin na 'yung dinadaanan namin ay hindi papunta sa mansyon. Tumingin naman ako kay Van. "May iba pa ba tayong pupuntahan?"
"Yes."
Napakunot ang noo ko. "Where?"
"Just...don't ask anything...just..." Bumuntong hininga siya. "Everything will be okay."
Gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko na ginawa. Pakiramdam ko kasi kahit magtanong ako ay hindi niya ako sasagutin. At saka may tiwala naman ako sa kaniya kaya kahit saan niya ako dadalhin, nasisigurado ko namang safe doon basta kasama ko siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ang sasakyan at hindi na ako naghintay pang ipagbukas niya ako ng pinto. Bumaba na ako at napatingin ako sa lugar kung nasaan kami. Isang malaking mansyon. Kaninong bahay 'to? Bumukas ang malaking gate at napakunot ang noo ko nang lumabas mula roon si Ivan.
"Van? Bakit tayo nandito?"
"You didn't belong to us, Kisha," sabi niya ng wala man lang emosyon sa mukha.
Natigilan ako sa sinabi niya. "A-Anong sinasabi mo?" Tumingin ako kay Ivan na nakatingin lamang sa amin. "B-Bakit..."
"I'll repeat; you didn't belong to us. This is where you belong." Humakbang siya ng isang hakbang palayo sa akin. "You're not just a normal person, Kisha. I can't be with you because...."
Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil sumingit si Ivan. "Kisha, sa amin ka nabibilang."
"Ano bang sinasabi niyo?! Hindi nakakatuwa itong mga ginagawa niyo!"
Ano bang sinasabi nila? Anong sinasabi niyang hindi ako nabibilang sa kanya? Saan ako nabibilang? Hindi ko sila maintindihan!
Lumapit sa akin si Ivan. "Nananalaytay sa dugo mo ang dugo ng isang Vampire Hunter, Kisha Louise Raven at paumanhin sa aking gagawin pero kailangan ka na naming bawiin."
Bago pa ako makareact sa sinabi niya ay may itinusok siya sa aking leeg at wala pang ilang segundo ay unti-unti na akong nawalan ng malay hanggang sa naging itim na lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com