Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

We Meet Again

Mas masahol pa sa tinanggalan ng kaluluwa ang nangyari sa akin. 'Yung pakiramdam na gumagalaw ang katawan ko pero blanko ang isip ko. Hindi ganoong kadali ang ibigay na lamang si Kisha na parang bagay kay Ivan pero 'yun lang ang alam kong paraan para maprotektahan siya. Bilang isang pinuno ng buong Vampire Clan baka hindi ko siya magawang protektahan dahil sa katayuan ko, hindi lang si Kisha ang pinoprotektahan ko kundi ang mga tao at ang Vampire Clan. Hindi rin lamang si Kisha ang pinoproblema ko kundi pa pati na rin ang mga Fiends.

Wala ako sa sariling naglalakad papasok ng mansyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong wala na si Kisha. Parang kalahati ng buhay ko ang natanggal sa akin. Ano kayang iisipin niya sa ginawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko? Kapag kaya nalaman niyang magulang ko ang pumatay sa mga magulang niya, mamahalin pa rin niya ako? Hindi ko na talaga alam ang iisipin. Parang binibiak ang puso ko na halos hindi ako makahinga. Gusto kong saktan ang sarili ko, sisihin ang sarili ko pero nangyari na ang nangyari.

Kapag tinitingnan ko si Kisha ay tanging naiisip ko lamang ay ang aking ina-inahan na walang awang pinatay ng Lolo niya. Wala siyang puso, sarili niyang anak nagawa niyang patayin. Gusto kong sisihin ang sarili ko, kung sana hindi niya ako inaruga, sana buhay pa rin siya hanggang ngayon.

"O? Nasaan si Kisha?" salubong sa akin ni Lolo G.

Hindi ko siya pinansin at diretso lamang sa paglalakad.

"What happened to him? He looked like a helpless fuck."

Hindi ko na rin pinansin ang pamilyar na boses, parang dinala sa outer space ang utak ko, tanging gusto ko lang ay humiga sa kama ko at magpahinga.

"Apo! May bisita ka!"

Wala na akong pakealam kung sinomang hinayupak na bwisita 'yan. Wala akong oras para harapin sila. Wala akong tulog simula pa kagabi pagkatapos kong dalhin si Kisha sa mansyon ng mga Raven. Doon siya nabibilang at hindi sa isang bampirang katulad ko. Ang tanga ko para umasang ang tao ay para sa mga bampira dahil kahit kailan hindi mangyayari 'yun.

Dire-diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa pagdating ng kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang isang pigurang nakatayo malapit sa may malaking bintana. Dumiretso lang ako sa kama at pasalampak na humiga. Niyakap ko ang unan na ginagamit ni Kisha, nandito pa rin ang amoy niya. Ngayon pa lang namimiss ko na siya.

"Kelan ka pa naging snob, ha? Van-van?"

Napamulat ako dahil sa isang pamilyar na boses at sa nickname na 'Van-van'. Isa lang ang taong tumatawag sa akin ng pangalang 'yun. Napalunok ako pero nanatili lang akong nakatingin sa may kisame. Hindi kaya minumulto ako ni Jullia? Aish! Bakit ngayon pa? 'Di ba pwedeng bukas na lang?

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at niyakap ang unan ni Kisha, baka dala lamang iyon ng pagod. Aamuyin ko na lang 'tong unan hanggang sa makatulog ako.

"Ganyan ka na pala ngayon, Van-van, hindi ka na namamansin."

Itinaklob ko ang unan sa tainga ko. Bakit ba naririnig ko ang boses ni Jullia? Anong meron? 'Di ba matagal na siyang natatahimik?

"Van Rei Isaac Fenier Walker! Wala ka ba talagang balak pansinin ako, ha?!"

Dahil sa sigaw na 'yon, sa pagtawag sa buo kong pangalan na madalas niyang itawag sa 'kin noon kapag galit siya sa 'kin ay tuluyan na akong napabangon. Tumingin ako sa aking paligid hanggang sa magfocus ang mga mata ko sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan na ngayon sa aking kama.

Napakunot ang noo ko at awtomatikong itinaas ang kamay at nanginginig siyang itinuro. "J-Jullia?"

"Ako nga!" taas-noong sabi niya habang nakapamewang.

"A-Anong...p-paanong...b-buhay ka o multo ka lang?" Hindi ko magawang makabuo ng isang buong sentence dahil sa pagkagulat. Kung multo man siya mukha siyang totoo at buhay pero kung buhay nga siya, paanong nangyari 'yun?

Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama. Ngumiti siya at bumuntong hininga. "Mahabang kwento, Van, pero nandito na rin lang ako, eh, sasabihin ko na sa 'yo lahat." Pero bago siya magkwento ay hinawakan ko ang pisngi niya para makumpirmang totoo nga siya. Kinurot ko ang pisngi niya at hinila ito. "Aray! You idiot!" Hinampas niya ang kamay ko.

Binitawan ko na siya at sapat na 'yung hampas niya para mapatunayang buhay nga siya. Hampas niya pa lang parang suntok na, hindi pa rin siya nagbabago. "Sino'ng nagbuhay sa 'yo? Si Victoria ba?"

Wala na naman akong ibang maisip na magbubuhay sa kaniya dahil si Victoria lang ang may kakayahan no'n.

"Oo, binuhay niya ako. Kasama niya si Israel Walker na magbuhay sa 'kin pero wala na ako ngayon sa puder ni Victoria. Napunta ako kay Israel at ngayon ay kasama ko na si Kuya."

Nagpantig ang tainga ko sa aking narinig. Iniharap ko siya sa akin at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. "Israel? Israel Walker?"

Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko. "Oo."

"Sinaktan ka ba niya?! Anong ginagawa niya sa 'yo?! Pinahirapan ka ba niya?!" Nanggagalaiti ako sa galit. Ano ba talagang pakay ni Israel? Una si Kiel, sunod si Jack ngayon naman ay si Jullia. Ano ba talagang kailangan niya?

"Hindi niya ako sinaktan, Van. Hindi nga niya ako pinagbuhatan ng kamay. Inalagaan niya ako, Van, mabuti siya sa 'kin." Napabitaw ako sa kanya at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Anong sinasabi niya? "Hindi ganoong kasama si Israel, Van. Maniwala ka."

"Nagpapatawa ka ba?! Pinatay niya ang kaibigan ko! Simula nu'ng dumating siya mas lalong gumulo!"

Umiwas siya ng tingin sa 'kin. "Pero, Van, mahal ko si Israel."

Pakiramdam ko'y mas dumoble ang pagod ko dahil sa mga naririnig ko kay Jullia. Tama bang sabay-sabay na mangyari 'to? Gusto ko siyang sigawan na kung bakit magmamahal na nga lang ulit siya sa kalaban pa? Pero hindi ko magagawa 'yun kay Jullia, mahalaga pa rin siya para sakin. At ayokong nakikita siyang nasasaktan.

"Kailan pa, Jullia?"

"Simula nu'ng siya na ang palagi kong nakakasama. Habang nakakakulong ako sa mansyon ni Victoria ay siya palagi ang nagbabantay sa akin. Wala siyang pinakita kundi puro kabaitan lang, Van. Hindi nga niya ako minamanyak knowing na Walker din siya," nangingiting sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako at naisabunot ang kamay ko sa aking buhok. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Masyado kasing madaming nangyari, eh," Humarap siya sa 'kin at ngumiti ng malapad. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. "Masaya akong nakita kitang muli, Van. At isa pang dahilan kung bakit nagpunta dito ay hindi lamang para makita ka kundi para makita rin si Kisha. Nasaan ba siya? Nalibot ko na ang buong mansyon kanina pero ni anino niya ay wala."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at naghintay ng isasagot ko.

Napaiwas ako ng tingin at napakamot sa aking batok. Paano ko ba sisimulan? "Wala siya rito," sagot ko sa mahinang boses pero sa tingin ko ay nagawa pa rin niyang marinig.

"Ha?! Bakit? Nasaan siya?"

Tumingin ako sa kaniya ng seryoso. Wala na akong iba pang paglalabasan ng problema kundi si Jullia, tutal nandito na rin lang din naman siya.

"Jullia, isa siya sa inyo. Si Kisha ang nawawalang apo ni Nicolas Raven, ang pumatay sa nanay-nanayan ko at sa mga magulang ko. At ang mga magulang ko naman ang pumatay sa mga magulang niya. Lumapit sa 'kin si Ivan para bawiin si Kisha at–"

Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla siyang sumigaw na para bang alam na ang mga susunod kong sasabihin kahit pa hindi ko ituloy. "Bakit mo siya ibinalik?! Nahihibang ka na ba?!"

Napatayo si Jullia at hinawakan ko ang kamay niya para mapakalma siya pero inalis niya ang pagkakahawak ko rito.

"Oo, alam kong si Kisha ay may dugong Vampire Hunter at matagal na ring alam ni Kuya Cross 'yon pero wala siyang ginawa para bawiin si Kisha! Bakit? Kasi alam niyang kapag ginawa niya 'yon ay hindi na kailan pa magiging masaya si Kisha!" dagdag pa niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Simula nang magtransfer si Kuya Cross sa school na pinapasukan niyo, isa lang ang misyon niya at ito ay ang ibalik si Kisha sa Vampire Hunter Clan. Pero hindi niya ginawa. Napatunayan niya kasing masyado kang mahal ni Kisha at hindi kaya ni Kuya na basta na lamang alisin dito ang kasiyahan niya. Naiintindihan mo ba ako, Van? Ang laki mong duwag!"

Naikuyom ko na lang ang aking kamao. " 'Yun lang ang alam kong paraan para hindi siya mapahamak! Oo, natatakot ako na baka mapahamak siya dahil sa kagagawan ko. Madami akong pinoprotektahan, Jullia, at natatakot ako na baka hindi ko siya maprotektahan. Ayokong maulit ang nangyari sa 'yo noon sa katauhan niya, hindi ko na kakayanin kung pati siya mawala pa sa 'kin."

"Sa ginawa mo, nawala na siya sa 'yo, Van."

Umiling ako. "Hanggat buhay siya kahit wala siya sa piling ko, hindi siya nawala. Nasa puder nga siya ng mga Vampire Hunter pero at least alam kong buhay siya at protektado. Mahirap para sa 'kin ang gumawa ng ganoong kalaking desisyon pero 'yun lang ang tanging paraan para mailayo siya sa gulong nangyayari."

Muli siyang umupo sa aking tabi at hinawakan ang kamay ko. "Mahal mo talaga si Kisha, ano?"

"Mahal na mahal. Higit pa sa buhay ko."

Ngumiti siya. "Sana tama ang ginawa mong desisyon."

"Sana nga."

Naramdaman ko na lang na inihilig ni Jullia ang ulo niya sa balikat ko at sakto namang narinig namin ang pagbukas ng pinto.

"Van–"

Napatingin ako sa pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita roon si Kisha na humahangos. Nanlalaki rin ang mga mata niyang nakatingin sa aming dalawa ni Jullia. Iniangat ni Jullia ang kaniyang ulo sa aking balikat at tumingin sa may pinto. 'Agad siyang napatayo at sumunod naman ako.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Kisha sa aming dalawa ni Jullia.

"I told you not to come in," sabi ng isang malamig na boses na nalaman kong si Cross pala.

"S-Siya ba? S-Siya ba ang dahilan kung bakit...b-bakit...nagawa mo akong ipamigay ng gano'n na lang? H-Hindi mo na ako kailangan kasi nandyan na si Jullia?" lumuluhang tanong niya.

Gusto ko siyang lapitan at pahidan ang luhang pumapatak sa pisngi niya pero hindi ko magawang lumakad papalapit sa kaniya. Nanatili akong nakatayo sa aking kinatatayuan at nakatingin lamang sa kaniya. Pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha.

"H-Hindi gano'n ang–"

Bago pa matapos ni Jullia ang kaniyang sasabihin ay hinawakan ko ang kamay niya at mas inilapit siya sa akin. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Jullia. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin nang makita ko ang nasasaktang expression ni Kisha.

"Oo, tama ka nga. Hindi ko lang masabi sa 'yo ng harapan pero nandito ka rin lang sasabihin ko na sa 'yo ang totoo."

"Van, ano ba'ng sinasabi mo–"

Hindi ko pinansin ang papoprotesta ni Jullia at nagtuloy sa pagsasalita. "Ngayong buhay na si Jullia, hindi na kita kailangan pa. Hindi ka rin nababagay sa isang katulad ko. Kailan ba naging para sa isa't-isa ang bampira at tao? Kung ikukumpara mo ako sa 'yo, isa ka lang mababang uri ng tao. May lahi ka ngang Vampire Hunter but that didn't make any difference between us. You and I are never meant for each other."

"P-Pero...tao rin si Jullia katulad ko..." humihikbing sabi niya.

Tahimik lamang na nanonood si Cross sa kaniyang likudan at napapailing na lamang. Tiningnan ko naman si Jullia para humingi ng tulong, tumingin din siya sa akin at napabuntong-hininga.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at pumikit pero sa pagmulat ng mga mata niya'y pula na ang kulay ng mga ito. "Nagkakamali ka, Kisha, bampira na rin ako katulad niya."

Narinig ko ang paghugot ng hininga ni Kisha at pilit ko namang itinago ang gulat sa aking mukha. Paanong nangyaring bampira na rin siya? Ano pa ba ang ginawa sa kaniya nina Victoria at Israel?

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jullia at gano'n din siya sa akin na para bang pinaparating na nandito na, wala na kaming magagawa para bawiin ang lahat.

"I'm sorry, Kisha. Bumalik ka na sa kanila."

Magsasalita pa sana ako pero pumasok si Cross sa loob at binigyan kami ng isang bored na tingin.

"Enough of this." Tumingin siya kay Kisha at ipinamulsa ang dalawa niyang kamay sa harap ng pantalon niya. "You should go back. I bet they are looking for you and if I were you, you should follow the Supreme Commander's rules. He's not the grandfather that every grandchild wished for."

"No, hindi ako papayag na ganito na lang matatapos ang lahat! V-Van, hindi mo na ba talaga ako mahal? Please sabihin mong mahal mo pa ako. Hindi ko kasi kayang mawala ka pa sa 'kin, eh. Wala na akong pakealam kahit pa itakwil ako ng sarili kong Lolo, lahat ng rules kaya kong hindi sundin para lang sa 'yo. Please bumalik ka na sa 'kin."

Napaupo siya sa sahig at napahagulhol habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. Napaiwas ako ng tingin at binitawan ang kamay ni Jullia. Pinipigilan ko ang sarili kong luha na tumulo dahil sa nakikita ko. Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya at sabihing hindi totoo lahat ng sinabi ko dahil ang totoo'y mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko.

Pero kaya ko ginagawa 'to ay dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang mapahamak dahil sa akin.

Lumakad na ako pero hindi para puntahan siya kundi para lumabas na ng kwarto. Hindi ko na kaya pang makita siyang ganyan. Mas maganda pang sabihin ko kay Ivan na nandito si Kisha para maibalik na siya toon. At nang nasa tapat ko na siya ay bigla siyang tumunghay. Namumukto ang kaniyang mga mata at may pagsusumamo rito. Tumayo siya at 'agad na humarang sa dinadaanan ko.

"B-Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?" Basag ang kaniyang boses at kasabay naman no'n ang pagkabasag ng puso ko.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan? Hindi ka nababagay dito, Kisha. Pinatay ng Lolo mo ang mga magulang ko pati na tin ang kaisa-isang tao na nagparamdam sakin ng pag-aaruga ng isang ina. Wala na akong ibang nakikita sa 'yo kundi ang ginawa ng Lolo mo. Hindi ko na alam kung paano pa kita pakikitunguhan dahil doon."

"Ang unfair mo! Pinatay din naman ng mga magulang mo ang mga magulang ko. Nagalit ba ako sa 'yo? Sinumbatan ba kita tungkol doon? Nagreklamo ba ako? Nagsabi ba ako ng hinanakit sa 'yo tungkol doon? Hindi naman, 'di ba?! Minahal lang kita, Van, may mali ba doon?"

"Lahat ng meron sa atin, Kisha, ay isang malaking pagkakamali."

'Yun na ang huli kong sinabi bago tuluyang lumabas ng silid at kasabay noon ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi ka ba nabubusog?! Kanina ka pa kumakain, eh! Baka hinahanap na tayo ni Van!" reklamo ko kay Jick.

Nandito kami sa isang fast food chain. Gusto raw niyang kumain para mabawasan man lang daw kahit kaunti ang stress niya pero kanina pa siya kumakain! Order siya nang order na halos mapuno na 'yung table namin. Patong-patong na bowl at plato na ang nasa lamesa pero hindi pa rin siya magpaawat.

"Hayaan mo na kashi ako, Farrah. Stresh na stresh ako dahil sa kakambal ko kaya ibalato mo na shakin 'to," sabi niya habang puno pa rin ang bibig.

Napahalumbaba naman ako at napatingin sa labas ng bintana. Simula nang umalis si Jack ay hindi na siya bumalik pa. Ano bang naisipan niya at kumampi siya kay Israel? Mga bata pa lamang kami ay kami na ang kasama ni Van. Hindi ko aakalaing dadating sa punto na kakampi siya sa kalaban. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ano bang tumatakbo sa isip niya? Hindi ba niya naisip na sa ginawa niya sira na ang tiwala naming lahat sa kaniya? Ang tiwala pa naman, kapag nasira, mahirap ng buuin ulit.

"Sa tingin mo, bakit kaya ginawa 'yun ni Jack?" tanong ko sa kaniya.

"Eh, ikaw, sa tingin mo, kailan mo kaya ako sasagutin?" paglilihis niya ng bubuksan ko sanang topic. Napaiwas naman ako ng tingin. Kainis. 'Yun pa rin ba ang iisipin niya ngayong ang gulo-gulo na?

"Sagutin mo mukha mo."

"Farrah naman, hanggang kailan ba ako maghihintay?"

"Maghintay ka hanggang 100th birthday ko!"

"Maawa ka naman sa 'kin!" Tumayo siya at hinampas ang lamesa ng kaniyang kamay habang nakapout. Nagtinginan tuloy 'yung mga tao sa paligid at ako naman, hiyang-hiya sa kaengotan niya.

"Uunahin pa ba natin 'yan?! Madaming problema si Van tapos mas uunahin pa natin 'tong ligawan thingy na 'to? Nag-iisip ka ba?"

"Hindi ba mas masaya kung sasagutin mo na ako para wala ng iba pang problema! 'Pag sinagot mo ako promise hindi ka magsisisi."

"Nu'ng pinayagan pa nga lang kitang manligaw nagsisisi na ako, eh"

Sino bang gago ang hindi papaya, halos minu-minuto, oras-oras, kinulit niya ako kaya para magtigil siya ay pinayagan ko na siyang manligaw kahit labag naman talaga sa loob ko!

"Seryoso ka talagang ayaw mo pa akong sagutin?"

"Ayoko pa. 'Wag mo akong madaliin baka magbago ang isip ko, balak pa naman sana kitang sagutin kapag natapos lahat ng problema," napapangiting sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Eh?! Tara na nga, Farrah. Umuwi na tayo para matulungan natin si Van sa problema niya para sa gano'n madali na 'tong matapos at masagot mo na ako!"

Napailing na lang ako at nagpahila na lamang sa kaniya palabas ng fast food chain. Pumunta na kami sa parking lot at pasakay na sana ako ng kotse nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang pigura na naglalakad hindi kalayuan.

"Teka, Jick," pigil ko sa kaniya ng papasakay na sana siya sa kotse.

"Bakit?"

"Sina Jack at Israel 'yon di ba?" sabi ko habang tinuturo ang papalayong dalawang pamilyar na lalake.

Isinarado ni Jick ang pinto at tumakbo sa direksyon ng dalawa kaya sumunod na ako. Pinanatili namin ang distansya sa amin para hindi nila mahalatang sinusundan namin sila. Sana nga hindi nila mahalata, malakas pa naman ang pakiramdam naming mga bampira. At paniguradong lalo na si Israel dahil dati siyang Legendary Vampire. Kailangan naming mag-ingat sa mga hakbang namin.

Tumigil kami ni Jick at nagtago sa likod ng puno. Pinanood namin sina Jick at Israel na pumasok sa isang malaking glass building na kulay itim. Sumunod kami sa loob at nakita namin silang papasakay sa may elevator. Tumingin kami sa paligid at mukha namang normal na kompanya lamang ito. May mga empleyadong palakad-lakad, 'yung iba ay abala sa kani-kanilang trabaho. Napatigil na lang ako sa pagmamasid nang hilahin ako ni Jick at dinala sa katabing elevator na sinakyan nila Jack at Israel.

Nang makasakay kami ay pinagmasdan ni Jick ang mga buttons. Magtatanong pa sana ako pero may kung ano siyang pinindot at nagbukas ang isang rectangle na may mga buttons din kagaya nu'ng original na buttons pero ang kaiba lang ay may nakalagay na negative sign sa mga numbers.

"Ano ang mga 'yan?"

Hindi nagsalita si Jick at pinindot ang button na may nakalagay na -1.

Napahawak ako sa braso ni Jick ng biglang umandar pababa ang elevator.

"T-Teka...b-bakit..."

"Malalaman na natin ang ginagawa nila," matalim na sabi ni Jick.

Muli kong tiningnan ang mga buttons at saka nagsink in sa akin lahat. Ang mga buttons na ito, kaya may negative sign ay kapag pinindot mo ay pababa ang andar nito. Napuno ng pagdududa ang isipi ko, ang dami kong tanong na humihingi ng kasagutan. Para saan ang ilalim ng kompanyang ito? Kung titingnan mo ay parang normal lang ang lahat sa itaas pero ano kayang nangyayari sa ibaba?

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na kami sa -1. Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang isang mahabang hall na tanging ilaw lamang sa ding-ding ang nagbibigay liwanag. Nilakad namin ang hall hanggang sa makarating kami sa parang pinaka-lobby nito. May babaeng nakatayo sa likod ng counter. Sa katabing dingding ay may nakalagay na 'BLOOD ORGANIZATION'.

Tumingin sa amin ang babae at tinitigan kami nang matagal pero maya-maya ay ibinalik na niyang muli ang atensyon sa kaniyang ginagawa. Kumpara sa itaas ay wala namang halos katao-tao rito. Sobrang tahimik ng paligid.

Lumapit si Jick sa babae at itinuon ang kaniyang siko sa counter.

"Pwede mo ba kaming bigyan ng mapa rito?"

Napataas naman ang kilay ko nang magblush ang babae. "Ito po, Sir," malanding sabi nito at iniabot kay Jick ang mapa pero bago pa maabot ni Jick ay hinablot ko ito sa kamay nu'ng babae. Napatingin naman siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay.

Mas lalo kong tinaasan ang kilay ko. "Problema mo?" mataray na tanong ko sa kaniya at saka inirapan bago ako tumalikod. Baka mapaaway pa ako, mahirap na. Wala pa naman ako sa mood manglaslas ng leeg ng maaarte ngayon.

"Uy, possessive!" pang-aasar niya sa 'kin habang nakasunod sa likudan ko. Ibinilog ko 'yung mapa at humarap sa kaniya."Yieee! Gusto na rin niya ako. 'Wag kang mag-alala, sa 'yo lang ako."

Nang maibilog ko ang mapa ay hinampas ko ito sa kaniyang ulo.

"Aray! Ba't mo ako hinampas?!"

"Tigilan mo ako sa kalandian mo. Nakakalimutan mo yatang mas importante 'tong ginagawa natin dito ngayon."

Hindi ko na pinansin ang pag-iinarte niya at nag-focus na lamang ako sa mapa. Nasa -1 kami at meron pang limang floors. Dito sa -1 ay puro entertainment rooms lang, cafe at kung ano pang kainan. Tiningnan ko naman kung ano-ano ang nasa -2 at puro laboratories naman dito. Kailangan naming pumunta sa -2.

"Sa -2 tayo."

Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang button na may -2. Bumaba naman ito at wala pang ilang minuto ay nasa -2 na kami.

Pagkabukas pa lamang ng elevator ay ang daming taong nakasuot ng puting laboratory gown na pauli-uli sa hall, labas pasok sa pintuan, 'yung iba ay may dala pang mga papel at mga test tubes. Nakamask silang lahat at nakagloves. Kumpara sa -1, mas madaming tao rito. Mukha namang hindi nila pansin ang presensya namin kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ang buong floor pala na -2 ay laboratory. Abala silang lahat sa kanilang ginagawa. At nakaagaw ng aking pansin ay ang malaking screen na may kung ano-anong sulat na nakalagay at sa gilid nito ay isang gumagalaw na picture ng cell.

"Sa tingin mo ano 'yung inoobserbahan nila?" tanong ko kay Jick na nasa tabi– "Jick?"

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Jick. Bigla na lang siyang nawala sa tabi ko at nakita ko naman siya na nakalapit na pala roon sa may malaking screen habang katabi ang isang scientist. Nilapitan ko naman siya at napansing nakikipag-usap na pala siya roon sa scientist.

"Para saan itong inoobserbahan ninyo?"

"Inoobserbahan namin ang mga Fiend."

"Huh? 'Di ba kayo naman ang naglikha no'n?"

Mas lalo pa akong lumapit para maintindihan ang pinag-uusapan nila. Bakit kailangan pa nilang obserbahan ang mga Fiend? Sa pagkakaalam namin ay sila naman ang lumikha sa mga nilalang na iyon.

Tumayo siya ng tuwid dahil kanina ay nakasilip siya sa microscope habang kinakausap si Jick. Inalis niya ang kaniyang mask. Siguro nasa mga 30's pa lang ang edad niya. "Hindi kami ang naglikha ng mga Fiend. Kaya nga namin sila inoobserbahan dahil gusto namin malaman kung saan sila nagmula. Mga bago lamang ba kayong kasamahan ni Master Israel?" Nagkatinginan kami ni Jick. "Mukha nga," tumatangong sabi niya at saka nagpatuloy. "Pinaoobserbahan ni Master Israel ang mga Fiend para malaman namin kung saan ito tunay na nagmula at para matigil na ang pagdami nito."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nabibiro ba siya? Bakit gugustuhin ni Israel na matigil ang pagdami ng mga Fiends? Hindi ba dapat matuwa pa siya dahil may bagong kalaban si Van bukod sa kaniya? Hindi ko maintindihan.

"Bakit?"

Binigyan naman kami ng scientist ng isang nagtatakang tingin "Hindi niyo ba alam? Itinayo niya ang Blood Organization para maayos ang gulong hindi niya nagawang maayos noon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com