Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40

Unfinished Business

"Itinayo niya ang Blood Organization para maayos ang gulong hindi niya nagawang maayos noon."

Nagkatinginan kami ni Jick. Ni isa sa amin ay walang balak magsalita, parang may kung anong nakabara sa aming lalamunan. Hindi ko alam kung paano ko isisiksik sa aking utak ang sinabi niya. Anong gulo? Kung hindi si Israel ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng mga Fiends, sino ang lumikha sa mga nilalang na iyon? Sino ba talaga si Israel Walker? Napakadaming katanungan sa aking isip na para bang sasabog na ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano ko iisa-isahin lahat.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jick.

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung natapos ko ang aking tungkulin noon."

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses sa aming likod at nakatayo si Israel Walker habang nasa likudan niya si Jack na diretso lamang na nakatingin sa amin.

"Sino ka ba talaga?! Bakit ginagawa mo ang lahat ng 'to?! Si Kiel? S-Si...Jack...ano ba talagang kailangan mo?!" galit na sabi ni Jick.

Hinawakan ko ang kaniyang braso upang mapakalma siya. Tumingin siya kay Jack at kita sa mga mata ni Jack ang sakit. Alam kong hindi madali sa kaniya ang iwan si Jick lalo na't napakalaki ng pinagsamahan nila hindi lamang bilang magkapatid kundi bilang kasangga at kaibigan.

Nagpakawala ng malalim na hinga si Israel. Hindi ko alam pero mukhang nahihirapan din siya.

"Tutal ay nandito na rin lamang kayo, sumunod kayo sa 'kin."

Muli kaming nagkatinginan ni Jick at tumango sa isa't-isa. Hinawakan niya ang aking kamay at sumunod kay Israel. Ang lamig ng kamay ni Jick. Pareho lamang kaming kinakabahan, hindi ko alam kung handa na ba akong malaman ang lahat. Mukha kasing hindi lamang basta-basta ang dahilan ni Israel, nararamdaman kong isang malaking impormasyon ang aming makukuha.

Sumakay kami sa elevator at ramdam na ramdam ko ang tensyon. Pinindot ni Israel ang button na may nakalagay na -5 at bumaba ang elevator. Dumagdag pa sa kaba ko ang mabilis na pagdating namin sa palapag na dapat naming puntahan. Pagbukas ng elevator ay bumungad naman samin ang buong floor na mistulang opisina. Kakaunti ang tao rito at habang naglalakad kami ay tumatayo ang mga empleyado at nagbobow kay Israel. Mga bampira rin sila, sila ang mga normal na bampira lamang na nabibilang sa mga clan pero hindi na-acquire ang mga kapangyarihan nito. Kumbaga may mga dugo sila ng mga matataas na uri ng bampira pero wala silang kapangyarihan.

Pumasok kami sa isang glass door at dumiretso naman si Israel sa swivel chair at umupo. Nakatayo naman sa tabi niya si Jack. Umupo kami ni Jick sa couch na kaharap ang table ni Israel.

"Hindi ko na ito pahahabain pa, napakadami kong gustong ipaliwanag. Wala na kaming dahilan para itago pa sa inyo ito dahil nandito na rin lamang kayo para mag-imbestiga. At isa pa, hindi na kaya ni Jack na maglihim sa nag-iisa niyang kapatid." Tumingin si Israel kay Jack at ngumiti.

Tumikhim naman si Jick para makuhang muli ang atensyon ni Israel. "Sabihin mo sa amin ang lahat. Bakit bigla ka na lang bumalik at ang masaklap pa nito, pinatay mo si Kiel? Bakit kailangan mong manggulo?"

"Wala akong masamang intension," maikling sabi ni Israel.

"Kung ganoon ay bakit mo pinalabas na masama ka kung sakaling wala ka ngang masamang intensyon? Ano ba 'yung gulong hindi mo naayos? Ang dami kong tanong sa 'yo, Israel. At isa pa, kailan mo pa nakakasama si Jack?"

Ipinatong ni Israel ang kaniyang siko sa lamesa at ipinatong naman niya ang kaniyang baba sa kaniyang kamay.

"Ilang daang taon na ang nakalipas simula noong malaman kong isa akong Legendary Vampire. Kagaya ni Van noong una ay hindi ko pa alam kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan. Si Gallian Walker ang nagturo sa akin kung paano ito kontrolin, inabot ng isa o dalawang taon bago ko makuha ang huling form ng isang Legendary Vampire. Matapos noon ay ginampanan ko na ang tungkulin ko sa Vampire Clan. Madaming umaasa sa 'kin, madaming nagagalit, madaming expectations, kaunting maling galaw mo ay mapapansin nila pero hindi nila mapansin 'yung mga hirap na nararanasan ko maprotektahan lamang sila." Kinuyom ni Israel ang kaniyang kamao at tumingin sa kawalan na para bang inaalala ang mga nangyari noon. "Nagbabadyang magkaroon noon ng Great War at kailangan ko iyong pigilan para maiwasan ang pagdanak ng dugo. Nagsimula 'yun nang malaman kong may chemical na finoformulate ang Vampire Hunter Clan na labag sa batas. Nakasaad sa batas na bawal gumawa o magformulate ng kung ano ang parehong Vampire at Vampire Hunter Clan pero hindi sila sumunod. Nagfoformulate sila ng mga chemical upang gawing panlaban sa mga bampira at panghanda sa Great War."

"Teka posible kayang ang mga Vampire Hunter din ang may kagagawan ng pagkalat ng chemical sa mga water systems na siyang naging dahilan kung bakit naging Insane ang mga tao?" tanong ko sa kaniya.

"Maaaring sila nga. Nangyari na rin iyon noon, kumalat ang chemical sa mga water systems at nalason ang mga tao. Para silang mga asong ulol, naglalaway, nawawala sa sarili at kalaunan ay namamatay. Napigilan lamang ito nang i-quarantine ang buong distrito at nilinis ang mga water systems. Noong ako ay nagbalik, ginusto ko pang burahin lahat ng tao sa distrito."

Nanlaki ang aming mga mata sa sinabi niya. "B-Bakit naman?"

"Hindi natin alam, baka may mga taong naaapektuhan pa pala ng chemical pero nagawa nila iyong kontrolin pero matapos ang ilang araw, linggo at buwan ng pagreresearch ay nalaman kong maayos naman ang kalagayan ng buong distrito."

"So, ano 'yung gulong hindi mo naayos noon?"

"Hindi ko nagawang ubusin ang lahi ng mga Raven."

"Nasaan na ang mga dugo, Victoria?" tanong ni Ivan Crone kay Victoria. Nasa loob sila ng laboratory ng Vampire Hunter Clan kung saan magsasagawa na naman si Ivan ng isang eksperimento.

Inilapag naman ni Victoria ang suitcase sa may lamesa at binuksan ito. Magkakasunod na nakalatag ang mga tubes na may lamang dugo ng mga representatives ng Vampire Clan. "Mag-ingat ka sa paghawak sa dugo ni Frost at Phoenix, mainit at nagyeyelo ito at hindi ko alam kung anong meron sa dugo ni Van. Nu'ng hawakan ko ang tube ng dugo niya ay halo-halong elemento ang naramdaman ko, nakuryente ako, napaso, at nagyelo pa ang daliri ko nang hawakan ito. Nakakabaliw," pahayag ni Victoria habang kumukha ng gloves at isa-isang inilabas ang mga tube at inilagay sa test tube rack.

"Pinapakita lang nito na napakamakapangyarihan nila," nangingiting sabi ni Ivan habang pinagmamasdan ang mga dugo ng mga bampira. Hindi na siya makapaghintay, gusto na niyang simulan ang kaniyang eksperimento. Nakahanda na rin ang kaniyang plano kung paano sisimulan ang eksperimento. Sinisigurado niyang magiging matagumpay ang kaniyang gagawin.

" 'Yung pangako mo sa akin na palalakasin mo ako higit pa kay Van, 'wag mong kalilimutan."

Ngumisi si Ivan na ipinagtaka naman ni Victoria dahil bigla siyang kinabahan. Minsan lang kabahan ang isang Victoria Cray. Mukhang may hindi magandang mangyayari.

"Sinong may sabing palalakasin kita?"

"A-Anong sinasabi mo!?" akmang susugod si Victoria pero limang baril na 'agad ang tumutok sa kaniyang ulo. Hindi lamang ito basta baril lamang kundi baril na kapag tinamaan ka ay mawawala ang pagiging bampira mo at magiging normal na tao ka na lamang. Isa ito sa mga inimbento ni Ivan pero isang beses pa lang nagagamit at sa isang Insane pa.

"Unang-una, nagpapasalamat ako dahil hindi man lang ako nahirapang kolektahin ang mga dugong ito." Itinaas ni Ivan ang isang tube na may lamang dugo. "Pangalawa, una pa lang naman wala na akong balak na palakasin ka. Ginamit lang kita para makuha ng walang kahirap-hirap itong mga 'to at pangatlo, huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin, dadalhin lang kita sa lugar kung saan ka nababagay." Muling ngumisi si Ivan at hinawakan ang pisngi ni Victoria. Binigyan niya si Victoria ng isang halik sa pisngi. "Salamat."

Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi nito na mas lalong ikinagalit ni Victoria.

"Walanghiya ka! Sinabi mo sa aking ako ang gagawin mong pinakamalakas na bampira! Traydor ka, Ivan Crone!"

Nanggagalaiti si Victoria sa galit pero wala siyang magawa kundi ang tumigil sa kinatatayuan niya. Hindi siya makagalaw dahil sa mga baril na nakatutok sa kaniya. Gusto niyang laslasin ang leeg ni Ivan, alisin ang nakakalokong ngiti sa labi nito at pagpira-pirasuhin ang katawan nito pero isang maling galaw niya lang ay siguradong patay siya.

"Dalhin niyo na 'yan sa kulungan."

Hinawakan ng isang lalake ang kamay ni Victoria at ipinosas. Sinubukan niyang magpumiglas pero 'agad siyang tinutukan ng baril kaya tahimik na lamang siyang sumunod sa mga ito. Muli siyang lumingon kay Ivan Crone na may ngiting tagumpay habang nakatingin sa mga blood tubes.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo saking 'to, Ivan Crone, pagbabayaran mo ang lahat ng 'to."

"How many times will you cry your eyes out?" tanong ni Cross habang nakaupo sa gilid ng kama ni Kisha rito sa bago niyang kwarto. Nandito sila sa mansyon ng mga Raven at tanging si Cross lamang ang hinayaan ni Kisha na makapasok sa kaniyang kwarto. Ni ang kanyang Lolo ay ayaw niyang makausap o makita man lang.

Nakatalikod sa kaniya si Kisha pero patuloy ang paghikbi nito.

"Damn it. Did you call me just to see you crying like an idiot?" frustrated na sabi ni Cross. Sa gitna ng kaniyang madaming trabaho ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Kisha. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang nakarating sa mansyon ng mga Raven para daluhan ang dalaga.

Humarap sa kanyia si Kisha na namumukto ang mga mata. Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon ay matatawa na siya sa itsura nito. "Wala na akong iba pang makakausap," umiiyak pa rin na sabi nito.

Napabuntong hininga naman si Cross at inayos ang buhok ni Kisha na nakahara sa kaniyang mukha. "You look so horrible. It's as if you're not Kisha anymore. Why don't you wash your face first? Did you even brush your teeth? Did you even bathe?"

"Paano naman ako makakapaghilamos? Makakapagtoothbrush? O kaya makakaligo? A-Ang sakit Cross...sobrang sakit..." Nagsimula na naman siyang umiyak. Kailangan niya ba talagang kumausap ng broken na tao? Isip ni Cross, imbis na tapos na ang trabaho niya ay natigil pa ito dahil kay Kisha.

"You're gross. You stink, take a bath first before I talk to you!"

Napamental facepalm na lamang si Cross. Kundi niya lang mahal ang babaeng 'to baka kung ano-ano pang harsh na salita ang nasabi niya. Pagdating kay Kisha, pinipili niya ang kaniyang mga sasabihin para hindi masaktan ang damdamin nito hindi tulad sa ibang tao na kung anong gusto niyang sabihin ay sasabihin niya ito ng walang pag-iisip, wala na siyang pakealam kung masaktan 'to o hindi.

Para namang zombie na tumayo si Kisha at nagpunta sa banyo. Pagkapasok ni Kisha ay humiga naman si Cross sa may kama at tumitig sa kisame. Naiinis siya kay Van, ipinaubaya niya si Kisha sa kaniya para alagaan at mahalin, hindi para saktan. Pero hindi naman niya ito masisisi, si Ivan ang bumawi kay Kisha. Magaling si Ivan sa pagpepersuade ng tao gamit ang mga matalinhaga niyang salita, kahit na hindi maganda ang mga lumalabas sa kaniyang bibig ay magmumukha itong maayos sa iyong pandinig. At kahit naman hindi ibinigay ni Van si Kisha, gagawa at gagawa pa rin ang Supreme Commander na mabawi ang kaniyang apo.

Ayaw niyang nakikita si Kisha na nasasaktan nang ganito. Mabigat din ang loob ni Jullia dahil naging instrumento pa siya para saktan si Kisha. Masyadong magulo ang nangyayari. Hindi na niya alam ang iisipin, pero isa lang ang malinaw sa kaniya, ngayong wala si Van para protektahan siya Kisha, siya muna ang papalit sa katayuan nito kahit na alam niyang hindi pa rin siya sapat.

Napabangon naman siya nang biglang magbukas ang pinto at napatayo nang makitang ang Supreme Commander pala ang pumasok. '[Agad na nagbow si Cross bilang pagbigay-galang dito.

"Nasaan ang aking apo?"

"Nasa loob po ng banyo, naliligo."

Tumango naman ang Supreme Commander at umupo sa may pinakamalapit na couch.

"Ikaw pa lamang ang nakakausap niya simula nu'ng dumating siya sa mansyong ito, ni ako ay ayaw niyang kausapin. Sabihin mo, kumusta ang aking apo?" malamig na tanongsabi nito.

Hindi alam ni Cross kung anong sasabihin, hindi niya kasi alam kung bakit kailangan pang bawiin ni Nicolas Raven ang kaniyang apo. Ang alam ni Cross ay wala namang talagang pagpapahalaga si Nicolas Raven sa kaniyang mga kadugo, ang mahalaga lamang sa kaniya ay mataas na kapangyarihan.

"Iniiyakan pa rin niya ang pagkakahiwalay niya kay Van Walker pero alam ko pong makakaya niyang kalimutan ang bampirang 'yun," tugon ni Cross kahit alam niyang magiging mahirap para kay Kisha ang kalimutan si Van.

Tumango naman ang Supreme Commander. "Hindi mo nagawa ang misyon mo na ibalik dito si Kisha, si Ivan pa ang nakagawa nito pero bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Ikaw ang magbabantay sa apo ko at sasabihin mo sa akin lahat ng ginagawa niya." Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang tungkod. "Kapag sinabi kong lahat dapat ay lahat. Wala kang ililihim, hindi mo siya pagtatakpan, dahil oras na malaman kong may ginagawa siyang hindi ko alam na alam mo, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi si Kisha mismo."

Lumakad papunta sa pinto si Nicolas Raven at bago ito tuluyang makalabas ay may pahabol pa ito.

"Ikaw din ang magtuturo sa kaniya sa paggamit ng baril. Ituro mo sa kaniya ang lahat ng dapat niyang malaman para maihanda siya sa pagiging isang tunay na Vampire Hunter."

Hindi nakapagsalita si Cross hanggang sa makalabas ng kwarto ang Supreme Commander. Pasalampak na umupo si Cross sa kama. Nakatulala siya sa kawalan at pilit isiniksik sa kaniyang utak ang sinabi nito sa kaniya. Hindi lamang siya ang mapapahamak kundi si Kisha. Magagawa niyang saktan ang apo niya? Sabagay, hindi na siya magtataka, nagawa nga nitong patayin ang sariling anak gamit ang sarili niyang mga kamay, ang apo pa kaya?

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas naman doon si Kisha na bagong ligo.

Pumunta siya sa harapan ng salamin at sinuklay ang mahaba at blonde niyang buhok. Nakatingin si Kisha sa repleksyon niya sa salamin, isang babaeng namumugto ang mga mata ang kaniyang nakita. Ilang araw siyang hindi nakatulog at panay lamang ang kanyang iyak sa tuwing naaalala ang mga sinabi sa kaniya ni Van. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat ng nangyari pero kailangan niyang harapin ang katotohanan na tinalikuran na siya ni Van.

"Dalian mo, may gagawin tayo." Hindi niya namalayan na nasa likudan na pala siya ni Cross.

Humarap naman siya rito. "Huh? Ano naman?"

"I'll tell you later. I'll wait for you in the living room."

Lumabas na ng kwarto si Cross at naiwan naman siyang nakatingin na naman sa salamin. Napadako naman ang tingin niya sa isang chocolate bar na nakapatong sa may sidetable. Tumayo siya at kinuha ang chocolate bar. Nitong mga nakaraang araw, kahit chocolate lang ang kainin niya ay okay lang. Hindi naman talaga siya mahilig sa chocolate pero bigla siyang nahilig dito na kapag hindi siya nakakain ay parang hindi niya kakayanin.

Matapos niyang kainin ang chocolate ay sumunod na siya kay Cross sa may living room.

"Ano bang gagawin natin?" sabi niya pagkadating niya sa living room at naabutan naman niya si Cross na nagbabasa ng diyaryo.

Inilapag ni Cross ang diyaryo sa may lamesa at tumayo. May kung anong kinuha ito sa kaniyang bulsa at isinuot ito sa kaniyang mata. Nagsuot ng salamin si Cross at hindi mapapagkailang mas lalo itong kumisig.

"I'll train you to be a Vampire Hunter."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com