Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41

Revelations

"Raven? Ang pinakamataas na angkan sa Vampire Hunter Clan?" tanong ko kay Israel. Hindi pa rin ako makapaniwalang kakampi siya at hindi man lang pumasok sa isip ko na nagsisinungaling siya dahil nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo.

"Teka, bago mo sagutin ang tanong ni Farrah. Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo kanina. Bakit kailangan mong patayin si Kiel? At kailan pa kayo magkakampi ni Jack?" sunod-sunid na tanong ni Jick.

Gusto ko ring malaman kung bakit niya pinatay si Kiel. Kung sana...nandito siya...teka, kung nandito si Kiel at sakaling buhay siya. Paano kaya kami ni Jick?

"Patawarin niyo ako. Hindi ko iyon sinasadyang gawin. Ang tanging hangad ko lamang noon ay ang subukin ang kapangyarihan ni Van at palabasing ako ay kalaban para hindi gaanong ma-threaten ang Vampire Hunter Clan. Kapag nalaman nilang magkasanib-pwersa kami ni Van ay baka mas madaliin nila ang hakbang nila. Sa pagkamatay ni Kiel, ang tirang iyon ay para kay Van sana pero humarang siya, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-atake. Pati si Jiji ay nasaktan ko rin ng hindi sinasadya. Alam kong malaki ang galit ninyo sa akin pero sana mapatawad niyo pa ako." Ngumiti siya pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "At tungkol sa kung kailan sumapi sa 'kin si Jack, ilang linggo pagkatapos ng pagkamatay ni Kiel ay kinausap ko siya. Sinabi ko sa kaniya lahat. Pakiramdam ko kasi ay siya ang lubos kong mapapagkatiwalaan at siya ang naging daan para malaman ko ang bawat galaw ni Van. Kailangan ko ang mga impormasyon para malaman ko kung kailan ako kikilos o hindi."

"Para saan itong organisasyong 'to?" dagdag na tanong ni Jick.

"Binuo ko ito para magsagawa rin ng mga research, makakakuha ng mga impormasyon tungkol sa kalaban, para malaman ko ang bawat kilos nila. Mahirap lumakad ng mag-isa kaya naisipan kong buuin ang secret organization na ito," paliwanag niya. "May isa pa pala kayong dapat malaman na alam kong ikagigimbal ninyo."

Napaayos naman kami ng upo dahil sa sinabi ni Israel at buong atensyon namin siyang tiningnan.

"Ako ang pumatay kay Ellrah."

Napatayo ako at ganoon din si Jick.

"A-Ano?! B-Bakit?"

"Nalaman ko kasing matatapos lamang ang propesiya kapag namatay ang Oracle. Matagal na 'yung alam ni Ellrah pero mas pinili niyang magdusa si Van sa pagdating ng Great Prophecy. Hindi niya inisip ang maaaring pagdaanan ni Van na sarili niyang kapatid. Mas pinili niyang mabuhay kaysa iligtas si Van. Alam naman nating hindi lang basta propesiya ang dadating, nasisigurado kong mahihirapan doon si Van pero mas ginusto niyang mabuhay para sa sarili niya lang kaya pinatay ko na lamang siya."

Hindi kami nakapagsalita. Pero may punto naman si Israel. Kung ako sa katayuan ni Israel ay ganoon din ang gagawin ko. Sa mga nangyayari ngayon, kailangang may isang magsasakripisyo.

"At isa pa, kakampi ko rin si Greg Calyx," nakangiting sabi niya.

" 'Yung totoo, Israel? Aatakihin na kami sa puso dahil sa dami mong revelations! Jusko!" Napaupo ulit ako at ininom ang juice na nakapatong sa table. Hindi ko na napansin na may juice na pala rito. Grabe, nakakauhaw itong mga nalalaman ko!

"Kailan pa?" tanong ni Jick pagkatapos din niyang uminom.

"Mas una ko siyang kumampi sa 'kin kaysa kay Jack. Bago ako bumalik dito ay nagpunta muna akong Europa at sinadya ko pa siya. Kahit na parang napakomplikado at misteryosong tao ni Greg ay isa rin siya sa pinagkakatiwalaan ko."

"Paano mo nga pala pinatay si Ellrah?"

"Sa katunayan, si Greg naman ang gumawa ng hakbang. Hindi ba ang ability ni Greg ay ang manghypnotize? Ginamit niya iyon kay Ellrah. Sinabihan niyang saksakin ni Ellrah ang kaniyang sarili at ginawa nga niya ito at pagkatapos noon ay iniwan na namin si Ellrah na naliligo sa sarili niyang dugo." Pinaikot-ikot niya ang hawak niyang ballpen sa kanyang daliri. "Meron din akong isa pang hinahanap na kakampi."

"Sino naman?"

Ay, grabe! Hindi pa pala tapos?!

"Si Wade Lockhart."

"Sino naman 'yun?" tanong ko.

"Siya ang katulong ko noon sa mga gawain ko bilang Legendary Vampire at nu'ng natapos na ang termino ko ay hindi ko siya kasamang umalis. Nagtago ako ng madaming taon pero ang tanging naging balita ko lamang sa kaniya ay nahuli siya ng mga Vampire Hunter. Hindi ko alam kung buhay pa siya o hindi pero umaasa pa akong buhay pa siya. Malakas si Wade Lockhart, isa rin siya sa mga maalamat na bampira. Siya lang ang may kapangyarihang gumawa ng asido. Abilidad niya ang gumawa ng asido at noong mga panahong 'yon ay nag-iisa na lamang siyang may kakayahang gumawa noon."

Napatahimik naman kami sa isa na namang rebelasyon ang naganap. Parang hindi na kakayanin ng utak ko.

Tumikhim naman si Jack at nagsimulang magsalita. "Sorry, Jick at Farrah, dahil naglihim ako sa inyo. Sana mapatawad niyo pa ako," nakayukong sabi ni Jack.

Tumayo naman si Jick at nilapitan sila at nagulat ako nang bigla niyang batukan ang kaniyang kapatid.

"Gago ka talaga kahit kailan, Jack. Wala ka bang tiwala sa amin at mas pinili mong magalit kami sa 'yo? Hindi mo ba naisip na hinihintay lang namin ang paliwanag mo?" Hawak ni Jick ngayon ang kwelyo ni Jack na nakaupo na sa sahig.

Tahimik lang na nanonood si Israel at wala akong ginawa para pigilan silang dalawa. Para saan pa? Magbabati rin naman ang dalawang 'yan. Sasayangin ko lang ang energy ko para pigilan sila.

"Sorry na nga, 'di ba?!"

Tumayo si Jack at binatukan din si Jick. Sumandal ako sa couch at pinanood silang magsuntukan hanggang sa pareho na silang nakahiga sa sahig. May pasa si Jick sa kaliwang pisngi at si Jack naman ay sa may bandang bibig. Tumayo ako at lumapit sa lamesa ni Israel.

"Hanggang kailan mo palalabasin na masama ka? Bakit hindi mo na lang sabihin kay Van ang totoo?"

"Pinag-iisipan ko din 'yan. Pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon."

"Ang gwapo kong mukha!" umiiyak na sigaw ni Jack.

Sinundan naman ito ni Jick. "Ang laki ng pasa mo, kambal!"

Napatingin kami sa dalawang bugok habang nakatingin sa mukha ng isa't-isa. Tapos nagyakapan silang dalawa habang magkalapat ang mga pisngi nila at umiiyak. Napairap naman ako at nilapitan sila. Ako naman ang bumatok sa kanilang dalawa.

"Tumigil nga kayo sa kaartehan niyo, wala tayong oras para magpetiks-petiks–" Hindi ko na naituloy ang panenermon sa dalawang bugok na 'to dahil biglang nagbukas ang pinto.

"Buti nahanap kita, Israel. Napagod ako sa paglibot dito!"

Nalaglag ang panga naming tatlo at sinundan ng tingin ang dumating. Umupo siya sa upuan na kaharap ng table ni Israel. Sakto namang tumingin din siya sa amin. Doon naming nakumpirma ang hinala namin.

"Jullia?!" sigaw naming ni Jick.

"Oh, my God!" bulalas niya nang makita kami.

"Buhay ka!"

Literal na nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Bakit siya nandito? Kailan pa sil magkakilala ni Israel?

Napakamot si Jullia sa kaniyang batok. "Oo, matagal na."

Tumayo si Israel at nagtungo sa likod ng inuupuan ni Jullia. Humawak siya sa balikat nito.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo, girlfriend ko nga pala si Jullia."

"What the fuck?!"

"I'll train you to be a Vampire Hunter."

Kadadating ko pa lang dito training na 'agad? Pumayag na ba ako? Hindi ko pa nga kilala ang mga magulang ko, ni pangalan nila hindi ko alam. Ni hindi ko alam ang itsura nila. Pati si Lolo hindi ko pa nakakausap. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin., hindi pa ako handa. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na nabibilang ako sa angkan na ito. Gusto ko ring malaman ang dahilan kung bakit kailangan pa nila akong ipaalaga kay Yaya na wala naman talagang pagmamahal para sa 'kin at iiwan lang din naman pala ako sa huli. Pero siguro ito na talaga ang tadhana ko, ang maging isang Vampire Hunter.

"Kailangan ko munang malaman lahat ng tungkol sa akin. Kaya mo naman sigurong maibigay sa akin iyon, hindi ba?" Pakiramdam ko matagal na akong kilala ni Cross kaya siguro siya ang makakatulong sa 'kin para malaman ang lahat.

"Come with me and I'll tell you everything."

Walang imik naman akong sumunod sa kaniya. Kapag nalaman kong ang tunay kong pagkatao, payag na akong magtraining. Kung wala na si Van para mahalin–geez, para protektahan ako, ako na lang ang gagawa ng paraan para protektahan ang sarili ko. Masakit man sa 'kin, kung ayaw na niya, eh, 'di fine! Dito ko na lang ibubuhos ang oras ko at baka paraan din ito para mabawasan man lang kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ko.

Sa kalalakad ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa garden. Umupo siya sa bench kaya umupo ako sa tabi niya. Tumingin ako sa paligid at ang lungkot tingnan ng garden na ito hindi katulad ng garden sa mansyon nila Van. Tanging bulaklak lamang dito ay rosas na nagmimistulang kulay dugo dahil sa sobrang pula. Pwede ko kayang taniman ng ibang klaseng bulaklak ang garden na 'to? Kawawa naman, eh, iisa lang ang kulay na nakikita ko.

"I'll tell you who you really are."

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin naman siya sa malayo. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. Ang guwapo talaga ni Cross, lalo na ngayon at nakasuot siya ng reading glass. "Oo, simulan mo na."

Ang totoo, kinakabahan ako. Malalaman ko na talaga kung sino ako matapos ang ilang taon na pagtatanong sa isip ko na kung sino ba talaga ang mga magulang ko at saan ba talaga ako galing ay masasagot na.

"Your surname is not Madrigal, obviously, you're a Raven. Your mother is Kristen Mae Raven and your father is Louise Raven. Namatay sila during the Great War at ang nakapatay sa kanila ay ang mga magulang ni Van. Noong mamatay ang iyong mga magulang ay 3 years old ka pa lamang. Kinuha ka ni Kelly Raven, ang bunsong anak ng Supreme Commander dahil ayaw niyang maranasan mo ang pagiging isang Vampire Hunter. Ayaw kasi ni Kelly na pumatay ng mga bampira, may puso rin naman daw ang mga ito at nasasaktan. Ibinigay ka niya sa kakilala niya, si Tessa, isang dating kasambahay dito sa Raven Mansion at siya naman ang nag-alaga kay Van. Pinapadalahan niya ng pera si Tessa para maipangtustos sa 'yo at pagkarating mo sa tamang edad ay iniwan ka niya kagaya ng usapan nila."

"T-Teka, usapan nilang iiwan ako ni Yaya kapag nasa tamang edad na ako?"

"Oo dahil ayaw ka niyang mapalapit kay Tessa, mas minabuti na niyang hindi na masyado pang lumapit ang loob mo sa kaniya para hindi ka na mahirapan kapag umalis siya. At nu'ng namatay naman si Kelly Raven ay patuloy pa rin ang Supreme Commander sa pagpapahanap sa 'yo at nu'ng malaman niya kung nasaan ka na pinadala niya ako para bawiin ka."

"Ikaw? Pero matagal na naman tayong magkakilala pero wala kang ginawa para bawiin ako?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Dahil alam kong mahal na mahal mo si Van at hindi ko kayang magalit ka sa 'kin kapag pinaglayo ko kayong dalawa."

Natahimik ako sa sinabi niya. "Noong namatay si Kelly o Tita Kelly, sino na ang nagpapadala sa 'kin noon ng pera?"

Siya naman ang natahimik at tumingin sa malayo. Inintay ko siyang sumagot at tanging pagbuntong hininga lamang niya ang naririnig ko.

"Ano na?"

"Ako ang nagpapadala sa 'yo ng pera."

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hinawakan ko siya sa balikat at iniharap ko siya sa akin.

"E-Eh?! P-Paano? A-Alam mo ng..."

"Matagal ko ng alam kung nasaan ka bago pa ako bigyan ng Supreme Commander ng misyon na hanapin ka."

"P-Pero bakit...hindi mo 'agad sinabi na...alam mo na?"

"Kasi alam kong hindi ka pa handang maging isang Vampire Hunter. Noong una nagsisisi pa ako na hindi kaagad kita naiuwi dahil napunta ka kay Van pero sa huli ay tinanggap ko na lamang. Inalagaan ka naman ni Van ng mabuti noon kaya hindi na ako gumawa pa ng hakbang at hinayaan ka na lamang sa kaniya. Matagal na kitang hinahanap Kisha pero hindi alam ng Supreme Commander."

"B-Bakit mo ako hinahanap? A-Ano ba kita?"

"Anim na taong gulang ka nu'ng kinuha ka ni Kelly Raven at 7 years old naman ako. Kahit papaano ay may isip na ako noon. Palagi kitang kalaro, palagi kitang kasama, kumbaga magkababata tayo, magkakalaro tayo ni Jullia palagi at nu'ng kinuha ka ni Kelly ay nahiwalay ka na sa amin at wala na kaming naging balita pa sa 'yo. Nangako ako noon sa sarili ko na magtetrain ako bilang isang magaling na Vampire Hunter at hahanapin kita." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Gano'n ba ako kahalaga sa 'yo para magtraining ka at hanapin ako ng ikaw lang?"

"Oo naman. Gawin ko pa ba 'yun kung hindi ka mahalaga sa 'kin?"

Napangiti naman ako. Iba talaga sa feeling kapag nagtatagalog si Cross at ngayon ko lang nakita ang side niya na ganito, hindi nagmumura, ang gentle niya magsalita kahit ang lalim ng boses niya. At saka ngumiti siya, samantalang dati kung masungitan ako akala mo lagi may menstruation! Lumelevel up na si Cross!

"May tanong ka pa ba?"

"Wala na." Tumayo na ako at humarap sa kaniya. "Simulan na natin ang training?"

Tiningnan niya ako na may pagkagulat sa mukha niya. "Payag ka?"

"Why not? Siguro ito na ang tadhana ko at saka kahit pa gusto kong takasan ang pagiging Vampire Hunter ko ay palagay ko'y hindi ko kaya. Kapag tumakas ako wala na rin naman akong matatakbuhan."

"Hey yow! Apow! How are yow?! Why are you naglalasing yow?"

Napaangat naman ang tingin ko kay Lolo G na kung ano-anong kaweirdohan na naman ang ginagawa. Ayan na naman siya sa puro 'yow yow' niya na parang shunga. Para siyang rapper na ewan. May kung ano-ano pang suot na bling-bling. Sakit sa mata. Kundi ko lang talaga Lolo 'to baka naitapon ko na sa labas, eh.

"Pwede ba, Lolo, hayaan niyo muna akong mag-isa?"

Uminom ako sa basong hawak ko na may lamang alak. Wala akong ganang lumabas ng mansyon, wala rin akong ganang pumunta sa Council at tumulong sa mga imbestigasyong ginagawa nila, parang sa nangyari nawalan na ako ng dahilan para kumilos. Pero nandito na, eh, nasaktan ko na siya, iniwan ko na siya, wala na akong magagawa. Mas protektado siya roon.

"Hindi pwede, apow! Painom din akow!" Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang basong hawak ko at ininom ang lahat ng laman niyon.

"Kadiri ka naman, eh! Bakit ba hindi ka kumuha ng sarili mong baso?! At saka ayusin mo nga yang pananalita mo! Puro 'yow' lang ang naiintindihan ko, eh!"

"Sige na nga yow! Este...sige na nga." Nagpout siya at humalumbaba sa lamesa.

Minsan nagtataka ako kung siya ba talaga ang mentor nga mga Legendary Vampires, eh. Ang sakit sa ulo. Pampadagdag pa ng problema. Pero bigla naman siyang sumeryoso kaya humarap ako sa kaniya kasi parang may importante siyang sasabihin.

"Bakit ka ba kasi naglalasing d'yan? Aba! Ginusto mong iwanan si Kisha pero ito ang ginagawa mo! Ipinaubaya mo si Kisha sa tunay niyang angkan na kinabibilangan kasi hindi mo siya maprotektahan at gusto mong magfocus sa pagprotekta sa angkan ng mga bampira, pero anong ginagawa mo? Nagkukulong ka lang dito at naglalasing. Sa ginagawa mong 'yan para na ring sinayang mo ang pagpapaubaya mo kay Kisha."

"Pero–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang ilagay ni Lolo G yung index finger niya sa labi ko.

"Shhh! 'Wag ka nang magsalita. Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo," naiiling na sabi niya.

'Agad ko namang tinabig ang kamay niya. "Pwe! Ba't lasang ewan 'yang daliri niyo?!"

"Huh? Nag-contact kasi ako kanina, eh."

"Contact?"

"Gaya nito." Isinuot niya sa ilong niya 'yung daliri niya.

"What the?!" Napatayo ako at 'agad na pumunta sa may lababo at hinugasan ang bibig ko, nagtoothbrush pa ako kahit na labi ko lang naman ang nahawakan niya. Pero kadiri pa rin!

Narinig ko naman siyang tumawa habang hawak ang tiyan niya at may paghampas pa sa lamesa. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Hinugasan ko ulit ang bibig ko at lumapit kay Lolo. Aish! Kainis talaga 'tong matandang 'to!

"Kadiri talaga kayo kahit kailan! Layas!"

Umupo ulit ako at sa bote na ako uminom. Mas lalo yata akong naiistress dahil kay Lolo. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang mas matanda sa aming dalawa, eh.

Tawa pa rin siya nang tawa habang lumalabas ng kusina. Nandito kasi ako sa kusina at nag-iinom mag-isa. Inaantay ko sina Jick at Farrah pero wala pa tin sila. Nasaan na ba ang dalawang 'yun? Si Zick naman ay wala rin dito sa mansyon dahil sumama siya sa Europa. Pero hindi naman lahat ng representatives ang umuwi. Sina Damien, Victor, Greg, Carl, Marius at Cole lamang ang umuwi dahil kailangan sila ng headquarters doon. Sumama si Zick para magbigay ng impormasyon sa mga nangyayari rito.

Inisip ko rin 'yung sinabi ni Lolo. Kung tatanga na lang ako rito mababalewala ang pagpapaubaya ko kay Kisha. Mababalewala rin ang ginawa namin ni Jullia. Napabuntong hininga na lamang ako.

Nagalit si Jullia dahil sa ginawa ko pero inintindi pa rin niya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mahal daw niya si Israel. Sa lahat naman ng pwede bakit si Israel pa? Hindi ko na siya nagawa pang tanungin tungkol doon dahil nagmamadali na rin siyang umalis dahil may pupuntahan pa raw siya. At saka ko na poproblemahin ang mga katanungan ko kay Jullia, madami pa namang araw na pwede ko 'yung gawin, kailangan ko munang pumunta sa Council para malaman na kung anong nangyayari.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto para maligo at makapag-ayos ng sarili. Hindi naman ako nalasing sa alak na ininom ko, mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya hindi man lang ako naliyo o ano. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa garahe at pinaharurot na ang kotse ko papunta sa may Council.

Wala pang ilang minuto ay nakarating ako roon. Ipinarada ko ang aking kotse at pagkababa ko pa lamang ay naamoy ko na 'agad ang dugo sa bawat sulok ng paligid. Tumakbo ako patungo sa pinto ng Council. Shit! Iba ang pakiramdam ko tito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa bulwagan at patindi nang patindi ang amoy ng dugo na halos pumilipit ang aking tiyan at sumakit ang aking ulo. Sana hindi tama ang iniisip ko.

Binuksan ko ang pinto ng bulwagan at tumambad sa 'kin ang duguang katawan ng lahat ng miyembro ng Council, lahat sila ay naliligo sa sarili nilang dugo at mga wala ng malay. Tumakbo ako sa kinauupuan ng isang miyembro ng Council na si Jane.

"Jane? Gumising ka!" Nabuhayan naman ako ng loob ng dahan-dahan niyang inimulat ang mga mata niya pero nanghihina na siya. Shit! "Sino ang gumawa nito sa inyo?!"

"S-Si..."

"Sino?!"

"F-F-Fiends...H-Hu...." Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at tuluyan na siyang inagawan ng buhay. Nilapitan ko ang ibang miyembro ng Council pero lahat sila ay hindi na humihinga. Napasuntok na lamang ako sa pader.

Paulit-ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa magdugo ang kamay ko. Isang araw lang akong nawala ganito na 'agad ang nangyari?! Kasalanan ko naman 'to! Naisabunot ko naman ang kamay ko sa buhok ko. Gusto ko talagang saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Kinuha ko ang aking telepono at sinubukang tawagan ang mga representatives, isang conference call.

[Hello?] sabay-sabay na sabi nila sa kabilang linya.

"Pumunta na kayo rito sa Council ngayon din! Wala ng magtatanong basta pumunta na kayo rito!"

Hindi ko na sila hinayaan pang makapagsalita at binabaan ko na sila ng telepono. Nilapitan kong muli ang miyembro ng Council at hinawakan ang dugong nasa lamesa. Basa pa ang mga dugo kaya bago pa lang nangyari ang pagpatay. Sabi ni Jane ay mga Fiends ang may gawa nito. Bakit hindi man lang sila nakalaban? Inilibot ko ang tingin ko sa buong bulwagan. Binilang ko isa-isa ang mga bangkay ng mga miyembro.

Nang matapos akong magbilang ay napansin kong kulang sila ng isa.

"May nagtraydor mula sa Council."

"Pakawalan niyo ako rito! This is bullshit! Hindi nababagay ang isang Cray sa bulok na kulungan niyo! Mga hayop!"

Kanina pa ako nagwawala tito pero ayaw nila akong pansinin. Kapag nakalabas ako tito papatayin ko talaga 'yang si Ivan Crone! Gugutay-gutayin ko ang katawan niya at susunigin ang mga buto niya! Wala akong ititira sa kaniya!

"Puwede ba 'wag kang maingay? Natutulog 'yung tao, eh."

"Bakit ba nangengealam ka?! 'Wag mo nga akong pakealaman!" bulyaw ko sa lalakeng nakaupo sa sahig habang may kakaibang posas siya sa kamay. 'Yung posas niya ay gawa sa glass pero kulay berde ito. Yung kamay naman niya ay nakabalot sa puting gloves. Wala akong posas pero bakit siya ay meron? "Hoy, sino ka ba? Bakit ka nandito?"

"Hindi mo ako kilala?" nakangising tanong niya. Kulay gray ang kaniyang mfga mata at yung buhok niya parang naggegrey na nagbublue.

Inirapan ko naman siya. "Duh! Itatanong ko pa ba kung sino ka kung kilala kita?"

Tumawa siya at muling tumingin sa akin.

"I'm Wade Lockhart, nice to meet you, sexy." He winked at me.

What the?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com