Chapter 43
Chapter 43
Revenge
"Malapit na pong matapos ang chemical Sir. Crone," sabi ng isang scientist na katulong ko sa paggawa ng chemical na siyang nasisisgurado kong makakatalo sa buong Vampire Clan.
Ang chemical na iyon ay isang gamitan lamang. Ituturok ito sa isang tao at magkakaroon siya ng sobrang lakas higit pa sa isang Legendary Vampire. Kailangan namin ng subject at alam ko na kung sino ang aking gagamitin.
Napangiti na lamang ako habang tinitingnan ang kulay asul na chemical na kumukulo sa loob ng isang beaker. Kapag natapos ito ay puwede na naming isagawa ang plano.
"Maayos na ba ang lahat?" Naalis ang tingin ko sa chemical ng marinig ang boses ng Supreme Commander. 'Agad akong umayos ng tayo at nagbow bilang pagbigay galang. Tinapik niya ang balikat ko bilang tanda na maaari na akong tumunghay.
"Kaunting oras na lamang po ay matatapos na."
"Magaling. Kailan mo ito ituturok sa kaniya?"
"Gagawan po muna namin siya ng iba't-ibang test para malaman kung kakayanin ng katawan niya ang chemical. Masyadong malakas ang chemical na iyon, baka hindi niya kayanin."
Ang ingredients ng chemical na iyon ay ang pinaghalo-halong dugo ng labing-limang Vampire Clan kaya kapag pinag-isa mo ito ay para na ring nakuha mo ang pinakamakapangyarihang bagay sa mundo at oras na matapos itong eksperimentong ito ay wala ng mas papantay pa rito.
"Bakit pa? Alam ko namang malakas siya. Gusto kong madaliin mo na ang lahat, hindi na dapat tayo mag-aksaya pa ng oras. Muling nagtitipon-tipon ang mga bampira sa bawat sulok ng mundo at hindi puwedeng wala tayong maipanlaban sa kanila," wika ng Supreme Commander.
"Huwag po kayong mag-alala, madami pang nakareserbang Fiends sa loob ng isa pa nating laboratoryo at hindi rin naman aabot ng isang Linggo ang mga test na isasagawa namin sa kaniya," paninigurado ko sa kaniya. "Sigurado po ba kayong payag kayo sa aking plano na gamitin siyang sandata para kay Van Walker?" tanong ko dahil nu'ng una kong sinabi sa kaniya ang plano ko ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na pumayag.
Wala talaga siyang puso, ang gusto niya lang ay kapangyarihan at ang pagkapanalo. Sabagay, 'yun din naman ang gusto ko kaya ko ginagawa 'to. Hindi na nararapat ang mga bampira sa mundong 'to dahil ang mundo ay ginawa para lamang sa mga taong katulad namin, hindi para sa mga halimaw na katulad nila.
"Kung ganoon ay ikaw na ang bahala rito. Gawin mo ang gusto mong gawin basta sisiguraduhin mong magtatagumpay ang eksperimento mo. Wala akong pakealam kung mahirapan siya sa mga test na isasagawa mo, ang mahalaga ay sa bandang huli ay gawin mo siyang malakas. Kapag nangyari 'yun ay alam na nating tayo ang mananalo at mabubura sa mundo ang mga bampira."
Tumango ako sa kaniyang sinabi at muling nagbow bago siya umalis.
Muli kong itinuon ang atensyon ko sa chemical at pumunta sa harapan ng malaking screen para tingnan ang update tungkol dito. Napangiti ako nang makitang sampung minuto na lang ay matatapos na, mas mabilis pa ito sa inaakala ko.
Naghintay ako ng sampung minuto hanggang sa matapos na ang eksperimento. Nagsilapitan sa akin ang iba pang scientist na kundi dahil sa kanila ay hindi ko matatapos ang lahat ng ito.
"Congratulations, Mr. Crone, you've done well." Nakipag-kamay sila sa akin isa-isa.
"And so do all of you. Maraming salamat sa pagtulong niyo sa 'kin. Paano ba 'yan? Kulang na lang ay ang subject. Ihanda niyo na ang mga gagamitin para sa test para masimulan na natin ang sunod na hakbang," utos ko sa kanila.
"Masusunod po, Mr. Crone."
Nagsimula na ulit silang kumilos at napangisi na lamang ako.
Ano kayang pakiramdam na maging mortal na kaaway mo ang taong pinakamamahal mo, Van Rei Isaac Fenier Walker?
NAKAHANDA na kaming lahat para sa pag-atake nila pero magiging disadvantage para sa amin ang laban dahil hindi buo ang mga representatives at wala rin dito ang mga Nobles. Pero kailangan naming talunin ang daan-daang Fiends na palapit na nang palapit sa amin.
Ibinuka ko ang aking pakpak at lumipad. Kailangan kong palabasin ang mga kapangyarihang nadedevelop sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ako ng mga kapangyarihan ng tulad sa mga representatives. Hindi na ako magpapatalo pa sa kanila. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagconcentrate. Inisip ko isa-isa ang mga kapangyarihan ng mga representatives. Pakiramdam ko ay hindi lamang basta normal ang nangyayari sa 'kin, maaaring nakuha ko ang mga kapangyarihan nila. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Ang mahalaga ay makuha ko itong lahat para maging angat kami sa laban.
Una kong inisip ang apoy at habang natagal ay umiinit ang buo kong katawan. Noon naman umiinit lang ang katawan ko kapag iniisip si Kisha pero iba ngayon. Nararamdaman ko ang kakaibang kapangyarihan na umaapaw sa akin. Sunod kong inisip ang yelo, pinagsama ko ito sa aking isip at naramdaman ko na lang na ang kalahati ng katawan ko ay mainit, ang kalahati naman ay malamig. Napangisi ako. Hindi ko aakalaing may ganito pa pala akong kapangyarihan. Bakit hindi sinasabi sa 'kin ni Lolo?
"Van! Ano'ng nangyayari sa 'yo?!" Narinig ko ang boses ni Jenessa mula sa ibaba at iminulat ko ang aking mga mata.
Napatingin ako sa aking mga kamay. Ang kanang kamay ko ay may pulang aura, sa kabila naman ay asul na aura.
"Hindi kaya..." Hinintay namin ang sasabihin ni Yatriv. "Van, ikaw ang huling Legendary Vampire at ayon noon sa ating mga ninuno, ang siyang huli ang magkakamit ng sobrang kapangyarihan. Hindi kaya nakuha mo ang lahat ng kapangyarihan ng bawat clan?"
"Maaari nga. Pero ang mas importante ay matalo natin silang lahat." Hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Yatriv. Kung nasa akin man lahat ng kapangyarihan, eh, 'di mas maganda. Mas madali ko silang matatalo.
Nauna na akong sumugod at ginamit ko ang apoy at yelo para matalo sila. Sumunod na rin ang mga representatives na sumugod. Naisip ko bigla na kahit pira-pirasuhin mo sila ay mabubuo silang muli. Ano kayang puwedeng gawin para matalo sila?
Bigla namang sumagi sa isip ko ang pinuno ng mga Fiends na si Zneid. Sa lahat ng mga Fiends ay siya ang pinakamalakas. Kung patayin ko kaya siya, mawawala ang lahat ng Fiends? May posibiladad na mangyari 'yun. Lahat naman ng nilalang ay may kahinaan kaya susubukan kong gawin 'yun. At in the first place naman, balak ko talagang patayin si Zneid bilang ganti sa huli naming paglalaban. Hindi ko na hahayaan pang matalo ulit ako.
Lumipad ako nang mas mataas para hanapin si Zneid at 'agad ko siyang nakita habang nakalutang at pinapanood lamang ang labanan sa pagitan ng mga representatives at mga Fiends. Inisip ko ang kapangyarihan ni Yatriv na malakas sa pagsipa, ang kuryenteng abilidad ni Cole at ang tubig na abilidad naman ni Jett at wala pang ilang minuto ay nagbago na naman ang kulay ng aura sa paligid ko.
Mabilis akong sumugod sa kaniya at nagpakawala ng isang malakas na sipa patungo sa mukha niya pero sinalag niya ang paa ko gamit ang isang kamay niya lamang. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking paa pero bago pa siya makagawa ng sunod na hakbang ay naglabas ako ng kuryente sa aking kamay at itinira sa kaniya na siya namang naging dahilan ng pagbitaw niya.
Kung abilidad ko na rin ngayon ang abilidad ng bawat clan, ibig sabihin gagaling din ako sa paghawak ng espada, ng baril, at ng mga bomba? Pati na rin ng intrumento kagaya ni Marius?
Naisip ko naman si Noi. 'Agad akong lumingon sa kanya na abala sa pakikipaglaban kasama si Brett.
"Noi! Pahiramin mo ako ng espada!"
"H-Huh?! S-Sige!" Iniikot niya ang espada bago ibato papunta sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa. Tama ba namang ibato ang espada? Buti na lamang at nasalo ko pero nagulat ako nang mapunta na ito sa kamay ko. Sobrang bigat nitong espada pero naibato ni Noi ng gano'n lang? Sabagay, magtataka pa ba ako? Pero ngayon lang ako nakahawak ng espada na gawa mismo ng mga Hidari at sobrang bigat nito. Kung normal na tao ka baka mahirapan ka sa pagbubuhat.
Iniikot-ikot ko ito hanggang sa masanay na ako. Humarap na ulit ako kay Zneid at muling sumugod. Sunod-sunod kong iwinasiwas ang espada sa kaniya hanggang sa magkaroon siya ng mga hiwa sa katawan pero 'agad itong naghihilom.
Mas binilisan ko pa ang aking galaw hanggang sa hindi na niya madepensahan ang sarili niya. Ginawa ko naman iyong daan para mahiwa ang kanang braso niya.
Malakas ang kaniyang sigaw na umalingawngaw sa buong paligid. Hindi naman masakit sa tainga ang sigaw niya pero lahat ng Fiends ay nagtakip ng tainga. Napangisi ako, ngayon alam ko na. Tama nga ang iniisip ko.
Muli akong sumugod pero lumipad siya ng mataas habang hawak ang putol niyang braso pero unit-unti ulit itong nabubuo. Hindi ko dapat hayaan na mabuo ulit siya.
Pero napatigil ako nang may naisip na naman ako. Kung tanging pag-iisip lamang ang paraan para macontrol ko ang kapangyarihan ng bawat clans ay puwede kong isipin iyon ng sabay-sabay at sa ganoong paraan ay puwede ko iyong gamitin din ng sabay-sabay na hindi ko kailangang magconcentrate ng paulit-ulit.
Muli akong tumingin sa paligid at kahit anong gawin ng mga representatives ay paulit-ulit lamang na nabubuo ang mga Fiends at mas lalo lamang silang lumalakas. Kapag nagpatuloy ito ay hindi na nila kakayanin. May mga limitasyon din naman sila at kita kong napapagod na sila kaya kailangan kong tapusin ito.
Nagconcentrate ako at inulit ang mga natutunan ko noong nagtetraining pa ako para maging isang tunay na Legendary Vampire. Lahat naman ay umiikot lamang sa concentration at focus. Kapag ginamit mo ang isip at puso mo ay makukuha mo ang gusto mo. Huminga ako nang malalim at itinatak sa isip ko ang mga kapangyarihan ng bawat representatives hanggang sa maramdaman ko na ang sobrang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko. Hindi ako makapaniwala, mas malakas pa ito kumpara noong una kong maramdaman ang kapangyarihan ng isang Legendary Vampire. Parang doble-doble ang lakas na nararamdaman ko ngayon.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tiningnan ko ang aking katawan.
Nababalutan ako ng kulay violet na aura na hinahaluan ng kaunting itim at puting aura. Ang kulay itim kong pakpak ay mas lalong lumapad at nag-uugat ang aking mga kamay at malakas ang pagpintig ng aking puso. Pakiramdam ko muli akong nabuhay at biniyayaan ng sobrang lakas na walang papantay.
Tumingin ako kay Zneid na kitang-kita sa ekspresyon ng kaniyang mukha na nalilito siya sa nangyayari sakin. Tama lang 'yan. Mas magandang wala kang ideya sa gagawin ko sa 'yo.
Sumugod ako sa kaniya at nagulat ako sa sarili kong bilis. Ilang segundo lamang ay nasa harapan na niya ako at 'agad akong nagpakawala ng isang suntok habang nababalutan ng yelo ang aking kamay. Tumalsik siya ng ilang metro at lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang leeg at itinaas siya. Ano kayang dapat kong gawin para hindi na siya mabuhay ulit?
Itinaas ko ang isa kong kamay at ngayon ko lang namalayan na mahaba pala ang aking mga kuko at matatalas ito.
Napatingin ako sa kaniyang dibdib.
Walang ano-ano'y dinukot ko ang kaniyang dibdib pero wala akong nakuha kahit ano roon. Kung ganoon ay wala siyang puso. Umagos ang itim na dugo sa aking kamay at sumuka siya ng marami pang dugo pero hindi pa rin siya patay. Itinaas niya ang kaniyang kamay at hinawakan ng mahigpit ang aking buhok, kinuha ko ang espada na nakasabit sa aking likuran at ginamit iyon para putulin ang isa pa niyang kamay. Muli siyang nagpakawala ng isang malakas na sigaw at gaya kanina ay napatigil na ulit ang ibang Fiends, ang iba naman ay hindi na natuloy sa pagbuo.
"Alam ko na kung paano mabubura ang isang katulad mo," wika ko sa kaniya at dinukot ko naman ang kaniyang ulo habang hawak ko pa rin siya sa leeg. Kahit papaano naman ay may nakuha ako, itim na utak at naramdaman kong unti-unti na siyang nanghihina hanggang sa bawian na siya ng buhay. Binitawan ko siya at nalaglag siya sa lupa at naging abo na na tinangay na ng hangin.
At gaya ng aking naisip, ganoon din ang nangyari sa mga iba pang Fiends, bigla na lamang silang naging abo. 'Yung iba ay aatake pa sana pero naging abo na lamang sila bigla.
Inikuyom ko na ang aking pakpak at unti-unti na ring humihina ang aura sa paligid ng aking katawan.
"Ang astig mo, Kuya Van!" salubong sa akin ni Noi habang may talsik pa ng itim na dugo sa kaniyang pisngi at hawak ang espada niyang puno rin ng dugo.
"Napakalakas ng iyong kapangyarihan, Van. Binabati kita," sabi naman ni Jenessa.
"Grabe! Astig no'n, pre! Akala ko wala ng katapusan 'yung labanang yun, eh! Nakakapagod!" reklamo naman ni Dave.
"Heh! Ang dami mong reklamo! Umayos ka nga! Ni hindi ka man lang nakapatay ng hanggang sampung Fiends!" pakikipagtalo ni Jenessa.
" 'Wag ka ngang mayabang! Mas madami naman ang napatay ko sa 'yo, 'no! Lagpas dalawampu 'yung napatay ko!"
"Lagpas hanggang tatlumpu ang napatay ko!"
Napailing na lang ako dahil sa pagtatalo nilang dalawa. Nagpalit na ako sa normal kong form at mas lumapit pa sa kanila. Hindi talaga magkasundo ang mga Frost at Phoenix, simula yata nu'ng magkaroon ng bampira sa mundo ay mortal ng magkaaway ang dalawang clan na 'yan pero hindi naman umaabot sa punto na nagpapatayan sila. Hanggang bangayan lamang sila at palitan ng masasakit na salita gaya ng ginagawa nina Dave at Jenessa.
"Tinawagan niyo na ba ang mag-iimbestiga ng mga bangkay?" tanong ko sa kanila.
"Paparating na raw sila kaya antayin na lamang natin," sagot naman ni Brett na hawak ang kaniyang cellphone. Mas matatanda ang kasama niya pero siya na ang nagkusang alamin kung nasaan ang mga mag-iimbestiga. Nararapat lang talagang mapili siya bilang representative kahit na sa mura niyang edad, kagaya ni Noi.
"Pumunta na tayo sa loob ng council at doon na natin sila hintayin."
"Ang tagal naman ni Van!" nasabi ko na lang habang nakatingin sa labas ng malaking bintana. Kanina ko pa siya tinawagan pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Siguro ay busy siya pero sabi ko naman importante 'to, eh, which is importante naman talaga. Kasama rin namin si Israel at pati na rin si Jullia. Handa na niyang sabihin ang totoo kay Van dahil pointless na nga naman ngayon kung itatatago pa niya.
"BABABA~ BABABANANA~"
Tumingin ako nang masama kay Jick. Punong-puno na talaga ako sa hinayupak na 'to. Lanina pa siya kanta nang kanta ng ganyan simula nu'ng magbati sila ni Jack at ang gagong si Jack sinasakyan ang trip ng kakambal niya. Bwiset!
"Ow! Nandito na pala kayow!" Napafacepalm naman ako nang marinig ang boses ni Lolo G. Isa na namang makulit. Oh, God. "Ow! May bisita pala tayow! Israel yow! Bakit ka naparitow! Break it down. Yeah!"
Napoker face naman si Israel nang makita si Lolo G at si Jullia naman ay nagpipigil ng tawa. Hindi man lang ba magugulat si Lolo G kung bakit nandito si Israel? Minsan ang weird talaga ni Lolo, parang may mga alam siyang hindi namin alam. Sabagay, isa siyang maalamat na bampira at kilala siya bilang isang bampira na alam lahat. Sabi-sabi pa noon na siya ang unang nakakaalam ng lahat pero tinatago lamang niya iyon sa kaniyang sarili at hindi sinasabi sa iba. Siguro ay nalaman niya na ring mangyayari ito kaya hindi man lang siya nagulat.
"Lolo G! I miss you!" Tumakbo naman si Jack papunta kay Lolo G at niyakap ito.
"Tangina mo, yow! Hindi ako makahinga, yow! Papatayin mo ba akow?"
Hay, Lolo G, isa ka ba talagang Walker? Bukod sa pagiging manyak mo, bakit ka naging Walker?
"Seriously, tanda? Ano bang nangyayari sa 'yo? Mukha kang tanga."
"Aray kow pow! Ngayon na lang ulit tayow nagkita ganyan ka pa sa 'kin yow!" Lumapit si Lolo G kay Israel at umupo sa gitna nila ni Jullia kaya wala nang nagawa si Jullia kundi ang umipod.
"Puwede ba ayusin mo ang pagsasalita mo?" sabi ni Israel na may pagkairita na sa boses.
"Sige na nga. Bakit nga pala kayo naparito?"
" 'Wag mo ng tanungin kasi alam mo na naman."
"Ang galing mo talaga kahit kailan, Israel!" Kinurot ni Lolo G ang pisngi ni Israel.
What the hell? Ewan ko pero natatawa ako sa sa scene na 'yun at si Israel naman ay nakapoker face lang. Kung talagang masama si Israel baka kanina pa patay si Lolo G pero hindi, eh, alam naman naming mabait naman talaga siya. Dumating naman si Jiji at 'agad na sumampa sa hita ni Israel.
Si Jiji nga pala ang mga naging kasama noon ng mga Legendary Vampire habang nagtetraining kagaya ni Van kaya natural ay naging malapit din sa kanya si Israel.
Hinagod ni Israel ang likod ni Jiji.
"Maligayang pagbabalik, Israel" mutawi ni Jiji.
"Nagsasalitang pusa?!" Napatayo si Jullia at amaze na amaze na nakatingin kay Jiji. Parehong-pareho sila ni Kisha, pati ang mga reaksyon nila sa mga bagay-bagay. At isa pa nilang pagkakapareho, parehong Walker ang nagustuhan nila.
Lumapit naman si Jiji kay Jullia at sumampa sa hita nito at naging abala na si Jullia. Nag-uusap na silang dalawa ni Jiji at sila lang ang nagkakaintindihan.
"Where's Van? What's taking him so long? I have a lot of things to do," sabi ni Israel.
"Maraming inaasikaso si Van ngayon," sambit naman ni Lolo G.
"Like?"
"Tungkol sa mga bagong nilalang na lumalabas, kung sino ang lumikha ng mga 'yun at abala rin siya sa council." Ngumiti si Lolo G. "May kailangan kayong malaman," seryosong sabi niya.
Napatingin kaming lahat kay Lolo G...
"Dahil siya ang ang Last Legendary Vampire, siya ang huling bampira na maalamat"
"Malamang! Kaya nga last, eh!" sigaw ko kasama ang kambal.
Napailing na lang si Israel at masamang tumingin kay Lolo G. Akala namin kung anong importante ang sasabihin. Kalokohan lang pala.
Humagalpak ng tawa si Lolo. "Pero seryoso, nararamdaman kong malakas na lalo ngayon ang aking apo. Kailangan niyong malaman na kakabit ng pagiging isang huling Legendary Vampire ang isang malakas na kapangyarihan. Hindi ito sabi-sabi kagaya ng pagkakaalam ng marami pero ang huling Legendary Vampire ay magkakamit ng sobrang lakas at makukuha niya rin lahat ng abilidad ng bawat clan. At alam kong nakamit na niya iyon ngayon."
Sa sinabi ni Lolo G ay gumaan ang aming loob. Kung mas lalo ng malakas ngayon si Van, at ngayong kakampi na tin namin si Israel, maaring matapos na ang lahat ng problema. Hindi na kailangan pang magkaroon ng Great War pero bago 'yun, kailangan muna naming sabihin kay Van na ang tunay na kalaban ay ang mga Vampire Hunter.
Bigla kong naisip si Kisha at nalungkot ako dahil nalaman kong may dugo pala siyang Vampire Hunter pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi ko na siya tinuturing bilang kaibigan. Mahalaga sa amin si Kisha at nasaktan din kami nu'ng malaman naming hinayaan ni Van na maibalik si Kisha sa mga Hunter pero naiintindihan ko tin naman si Van. Kung anong maging desisyon niya ay susuportahan na lamang namin. Alam ko namang gagawa siya ng paraan para mabawi ulit si Kisha.
"Nagtext si Van," sabi ni Jick.
"Anong sabi?"
"Kailangan daw tayo sa Council, ngayon din."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com