Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Chapter 44

Allies

"Kisha! What is happening to you?! You're making me worry!" Sunod-sunod ang pagkatok ni Cross sa pintuan ng banyo kung saan naroon si Kisha na panay ang suka. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito. 'Wag naman sanang mangyari ang iniisip niya. Tiyak na magkakagulo kung tama siya. Nitong mga nakaraang araw pa niyang napapansin ang unti-unting pagbabago kay Kisha at kailangan niyang tiyakin kung tama o mali ang iniisip niya.

"O-Okay lang ako!" rinig niyang sabi nito sa mula sa loob. Maya-maya ay narinig na niya ang pag-flush sa loob at bumukas ang pinto.

"What do you think is happening to you?" nag-aalangang tanong ni Cross sa kaniya. Ngumiti lamang ng bahagya si Kisha pero maya-maya ay may tumulong luha sa mga mata nito.

"I think I'm pregnant." Tuluyan na siyang napahagulhol.

Wala nang nagawa si Cross kundi ang yakapin si Kisha. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang ikinulong sa kaniyang mga bisig ang babaeng mahal niya.

Patuloy lamang sa pag-iyak si Kisha. Masakit para sa kaniya ang nangyayari ngayon dahil ayaw niyang lumaki ang kaniyang magiging anak na hindi buo ang pamilya. Pero masaya siyang may isang buhay sa kaniyang sinapupunan. Kahit pa wala si Van para alalayan siya, papakatatagan niya ang kaniyang loob para sa magiging anak niya. Iniisip niya kung paano kaya kung nalaman ni Van na buntis siya, maaari kayang bumalik muli ito sa kaniya?

"Please don't cry," bulong ni Cross habang pinapakalma siya.

Kung may nasasaktan man sa sitwasyong ito, isa na rin dito si Cross. Ang tanging babaeng minahal niya noon pa man, nasasaktan dahil sa taong mahal niya. Noon pa lang gusto na niyang mapunta sa puso ni Kisha pero ngayon mas lalo siyang nawalan ng pag-asa. Pero hindi pa rin 'yun hadlang para sumuko siya. Hindi man masuklian ni Kisha ang pagmamahal niya tito, hindi pa rin siya titigil. Hindi niya pa rin iiwan si Kisha kahit anong mangyari.

"Anong gagawin ko? Ayokong lumaki siya ng walang kinikilalang ama." Basang-basa ang pisngi niya dahil sa luha at mahigpit pa rin siyang nakayakap kay Cross.

"We'll find a way, Kisha. Trust me."

"Pero paano kapag nalaman ni Lolo? Anong gagawin niya sa baby ko? Tatanggapin niya kaya ang nasa sinapupunan ko?"

Walang kasiguraduhan si Cross sa isasagot niya kay Kisha. Siguradong kapag nalaman ng Supreme Commander na buntis si Kisha at ang ama ay si Van, ipapapatay ng Supreme Commander ang bata sa tiyan ni Kisha o kung mas madali, ipapalaglag ito sa ayaw man o sa gusto ni Kisha at ayaw niyang mangyari 'yun. Kahit pa anak ito ng bampira, hindi papayag si Cross na kumitil sila ng inosente at alam niyang kapag nangyari iyon ay masasaktan si Kisha.

Bago pa masagot ni Cross ang mga katanungan ni Kisha ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ivan Crone kasama ang limang hunter na nakasuot ng itim at may dalang malalaking armas.

"What do you want?" Hinawakan niya ang braso ni Kisha at itinago ito sa kaniyang likudan.

Itinaas naman ng limang lalake ang kanilang mga baril at itinutok kay Cross. Ngumisi naman si Ivan at lumapit sa kanila. "Hihiramin ko lang saglit si Kisha, masama ba?"

"Anong kailangan mo sa kaniya?"

Hindi sumagot si Ivan at bagkus ay pumalakpak ng isang beses na siyang hudyat para sa limang hunter na ilayo si Cross kay Kisha.

"What the hell?! Let me go! What will you do to her?!"

Hindi makapalag si Cross dahil sa limang lalakeng may hawak sa kaniya. Hindi lang naman kasi normal na hunter lamang itong kasama ni Ivan, ilan lang sila sa mga malalakas sa kanilang clan. Matalino talaga si Ivan, talagang nagsama siya ng malalakas dahil alam niyang hindi niya kakayaning mag-isa na harapin si Cross.

Lumapit naman si Ivan kay Kisha na napako na sa kinatatayuan niya. Basa ng luha ang kaniyang pisngi at puno naman ng takot ang kaniyang puso. May iba kay Ivan ngayon, kung dati ay makikita mo sa mga mata niya ang sinseridad at kabutihan ng kaniyang puso, ngayon sobrang lamig ng tingin niya tito at parang may masamang binabalak.

"Hihiramin muna kita saglit, Kisha." Hinawakan ni Ivan ang kaniyang pisngi at pinahid ang luha sa pisngi niya gamit ang hinalalaki nito. "Magtiwala ka sa '[kin. Wala akong gagawin sa 'yong masama," pabulong na sabi niya at ngumiti rito.

Napalunok naman si Kisha at wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Gusto man niyang manlaban ay hindi niya rin magagawa dahil limang baril ang nakatutok sa ulo ni Cross ngayon.

Hindi na siya pumalag pa at sumama na lamang siya kay Ivan. Hanggang sa makalabas siya ng pinto ay naririnig niya pa rin ang pagsigaw ni Cross. Napapikit siya nang mariin at sumunod na lamang kay Ivan. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, kung ano man ang balak ni Ivan, hindi niya alam, pero ang tanging alam niya lang ngayong oras na 'to ay hindi maganda ang mga susunod na mangyayari.

Namalayan na lang niya na nandito na sila sa Main Laboratory. Ngayon lamang siya nakapunta rito at kagaya lamang ito ng mga typical na laboratory na madalas niyang nakikita sa school pero mas malaki at malawak ito, madami din itong kagamitan, lahat ay hightech. Madami ring pauli-uling mga scientist na nakasuot ng lab gown.

Napatigil naman siya sa paglalakad nang biglang may humawak sa dalawa niyang kamay at inilagay ito sa kanyang likudan.

"Teka, anong gagawin niyo sa 'kin?!" naguguluhan niyang tanong kay Ivan.

Naramdaman niyang itinali ang kaniyang mga kamay sa likudan at ngumisi lamang si Ivan sa kaniya.

"You'll see. Dalhin niyo na 'yan sa Testing Room."

Isinuot ni Ivan ang kaniyang lab gown at mask. Nagsuot din siya ng gloves at sumunod sa mga lalakeng may hawak kay Kisha. Takot na takot si Kisha, hindi para sa sarili niya, kundi para sa nabubuong buhay sa sinapupunan niya. Kung may isa mang bagay na magpapaalala sa kaniyang nagmahal siya ng isang bampirang kagaya ni Van, na hindi niya pinagsisisihan, 'yun ay ang anak nilang dalawa. Iniwan man siya ni Van, at least, may isang isisilang na magpapaalala sa kaniyang bunga ito ng kanilang pagmamahalan.

Ipinasok siya sa isang puting kwarto na may isang higaang gawa sa bakal sa gitna nito. May isang malaking screen sa gilid at kung ano-ano pang gamit na hindi niya alam kung para saan. Meron din isang malaking glass tube sa dulo ng kwarto, kasya rito ang isa o dalawang tao.

"Ano ba talagang gagawin niyo sa 'kin?" Tuluyan ng tumulo ang kaniyang luha habang inihihiga siya sa malamig na higaan at itinali ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang gilid pati na rin ang kaniyang mga paa.

Napansin niyang may tatlong scientist ang nandito, isang babae at dalawang lalake.

"Simple lang naman ang gagawin namin sa 'yo, Kisha, kahit na aabutin tayo ng ilang oras para matapos ito." Ngumising muli si Ivan at ibinaba ang mask niya. "Gusto mo bang lumakas? Maiibigay ko 'yun sa 'yo. Kapag malakas ka na, hindi mo na kailangan ang ibang tao para ipagtanggol ka, hindi ka na magiging pabigat sa kanila. Tutal 'yun din naman ang tingin sa 'yo ni Van, hindi ba? Hindi man niya sinabi sa 'yo ng harapan parang gano'n na rin ang ibig sabihin. Hahayaan mo na lang bang may magsakripisyo sa 'yo palagi para lang maprotektahan ka? Hahayaan mo na lang ang sarili mong umasa sa kanila? Kailan ka tatayo sa sarili mong paa?"

Napaisip si Kisha sa sinabi ni Ivan.

Bakit ba kasi ang hina ko?

Bakit ba kasi tao lang ako?

Bakit ba kasi pinanganak akong ganito? Na walang alam tungkol sa tunay na lahi ko?

"Magtiwala ka lang sa 'kin, Kisha. Sa amin ka dapat magtiwala hindi kay Van Rei Isaac Fenier Walker. Wala na siyang pakealam sa 'yo, mas pinili niya ang responsibilidad niya bilang isang bampira kaysa sa 'yo na walang ginawa kundi ang mahalin siya. Kami ang dapat mong pagkatiwalaan dahil kami ang iyong mga kalahi at hindi ang isang halimaw na katulad niya. Hindi ka dapat nagmamahal sa isang katulad niya, hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo. Ang mga Vampire Hunter na katulad natin ay ipinanganak para kamuhian ang lahi nila, nabuhay tayo para ubusin sila at higit sa lahat, nabuhay tayo para maghari sa mundo."

Wala na siyang pakealam sa 'kin. Ibig sabihin hindi na niya ako mahal. Dapat ko siyang...kamuhian? Nararapat nga lang siguro siyang kamuhian dahil nagawa niya akong iwan na para bang hindi niya ako minahal.

Minahal nga ba niya ako?

Napakadaming tanong ni Kisha sa kaniyang isipan. Ni hindi niya na alam kung ano ang una niyang iisipin. Lahat ng sabihin ni Ivan, kahit mali, nagagawa niya itong gawing tama sa pandinig ng iba o mas madaling sabihin na magaling siya sa pag-brainwash ng tao.

"Ano ang desisyon mo, Kisha?"

"Payag na ako."

Muling napangisi si Ivan at tumango sa tatlong scientist.

"Kung ganoon ay simulan na natin."

"Where will you take me?! Damn it!"

Nagpupumiglas si Cross sa hawak ng limang lalake pero hindi siya makawala. Hindi naman niya mailabas ang lakas niya bilang isang bampira dahil siguradong mas lalong gugulo ang lahat. Galit na galit siya ngayon kay Ivan. Hindi nga nagkakamali ang duda niya, traydor na kaibigan si Ivan. Buong akala niya sa kaniya ito kampi pero sa huli, sa Supreme Commander pala siya nagsisilbi. Tinuring niyang parang kapatid si Ivan pero hindi niya inaakalang gagawin ito ni Ivan sa kaniya.

Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit ng malamang sa kulungan siya dadalhin. Wala na siyang nagawa kundi ang magmura na lamang nang magmura dahil hindi naman siya makakawala. Hindi pa niya puwedeng ipakita sa Supreme Commander ang pagrerebelde niya. Hindi pa ito ang oras.

Ipinasok siya sa isang selda na may isang kama sa dulong bahagi nito at napatingin siya sa katapat na selda ng kaniya.

"Whoa, Cross Falcon. Long time no see," nakangising sabi ni Victoria habang underwear lamang ang suot. Nasa tabi niya si Wade na wala ring suot na pang-itaas at pantalon lamang ang suot. Hindi na kailangan pang itanong sa dalawa kung ano'ng ginawa nila dahil obvious naman sa itsura nila.

Sinubukang kuhanin ni Wade ang kumot kahit na nahihirapan siya dahil sa posas niya pero nagawa pa rin niya itong kuhanin para itakip sa dibdib ni Victoria. Napatawa naman ng malakas si Victoria sa ginawa ni Wade.

"What are you doing? Trying to be gentleman, huh?"

"Don't show that to anyone else but me, Victoria Cray." Hinawakan ni Wade ang baba ni Victoria at hinalikan siya nito sa labi ng mariin.

Napairap naman sa kawalan si Cross Falcon. Sa dose-dosenang selda na puwedeng paglagyan niya. Dito pa talaga siya napatapat.

"So tell me, why are you here?"

Umupo si Cross sa kama at humarap sa dalawa.

"Kinuha nila si Kisha, hindi ko alam ang gagawin nila sa kaniya. Bago ko pa sila mapigilan ay dinala nila ako rito."

"I can sense something bad will happen," sabi ni Victoria habang sinsindihan ang sigarilyo niya. "There's no point of not telling you this, Ivan betrayed me so I should tell you this very important thing." Hindi umimik si Cross kaya nagpatuloy lamang si Victoria. "He gave me an offer. An offer that if I get the blood of the representatives of the Vampire Clan he will give me so much power that will surpass Van's. But when I got them all, he imprisoned me here saying that he will never help me to get stronger."

Nadurog sa kaniyang daliri ang sigarilyong hawak niya nang bumalik sa kaniya ang ginawa sa ni Ivan.

Napatayo si Cross at ini-analyze ang sinabi ni Victoria.

Si Ivan Crone ay parte na ngayon ng Research and Experiment Team at sa kaniya ibinigay ng Supreme Commader ang paglelead sa Main Laboratory. Bigla niyang naalala ang Tale of the Unwanted Creatures, ang libro na ginawa at nilimbag ng kaniyang ama, na ninakaw sa kaniya.

"Tell me, did Ivan have the Tale of the Unwanted Creatures?"

"Yes. And he used it to make experiments."

Naikuyom ni Cross ang kaniyang kamao. Kung tutuusin ay dapat sinira na niya ang librong 'yun noon pa dahil alam niyang makakapagdala lamang ito ng kaguluhan sa lahat dahil nandoon lahat ng puwede mong malaman tungkol sa dalawang clan. Kapag napunta ito sa isa man sa clan ay siguradong magkakaroon ng Great War. Ngayong nasa kamay ito ni Ivan, na siyang ginamit na niya, ay kailangan niya iyong pigilan.

Nagawa ni Cross na tapusin ang nilalaman ng libro at wala siyang pinalampas na kahit maliit na detalye. Kung hindi siya nagkakamali ay may nabasa siyang isang topic tungkol sa isang pinakamalakas na sandata sa lahat, ang pinaghalo-halong dugo ng mga representatives at ituturok ito sa isang tao para maging malakas siya higit pa sa anumang klase ng bampira.

"No, they can't do it to her! They can't!" Hinawakan ni Cross ang bakal at nanginginig ang kaniyang mga kamay sa galit.

"I guess we have the same thoughts. They will inject it to her and the fucking twist in all of this? The love birds will be enemies. How romantic," puno ng sarcasm na sabi ni Victoria.

"We need to get out of here," sabi naman ni Wade.

"Wow! Nice idea you have there, Wade. Ilang daan ka ng taon na nakakulong dito ngayon mo lang naisip 'yan?" Inirapan naman siya ni Victoria at napangisi na lang si Wade. This is why he likes her.

"Well, wala naman talaga akong balak lumabas na rito, not until I met you." He winked at her.

Napaiwas naman ng tingin si Victoria para itago ang namumula niyang mukha. Gustong matawa ni Cross sa nakikita niya. Si Victoria Cray? Naapektuhan ng ganito dahil sa isang lalake?

"Wait, before we go to the plan of getting out of here. Who are you?" patungkol ni Cross kay Wade.

Ngumiti naman si Wade kay Cross at sinabi sa kaniya lahat ng tungkol sa sarili niya. Sa una ay nagulat pa si Cross pero hindi na rin siya nagtaka, nabasa nga rin pala niya sa libro ang tungkol kay Wade Lockhart. Muling ibinaling ni Cross ang tingin niya kay Victoria, napag-isipan niyang tutal pareho lang din naman silang tinraydor, bakit hindi na lang sila magtulungan?

"You want me to be your ally?" pagbasa ni Victoria sa isip ni Cross.

"Why not? It's not a bad idea tho."

"It's funny how you loathe me this past few months because I bit you and now you want me to be your ally."

"If you don't want to, it's okay. I can use my ability to break this fucking jail."

Hinawakan muli ni Cross ang bakal pero mas mahigpit pa lalo ngayon. Naging kulay dilaw ang kaniyang mga mata at dahan-dahang pinaglayo ang dalawang bakal. Kaya naman niyang makawala rito ng ilang segundo lang pero hindi niya muna gagawin dahil kailangan niya munang kumbinsihin si Victoria. Pumayag man o hindi, basta ilalabas niya ang dalawang ito dahil malakas sila at kapag pinakawalan niya ang dalawa, magkakaroon ito ng utang na loob sa kaniya kaya may posibilidad na maging kakampi niya pa ito.

"Ang galing mo, bata. Kakaiba ka sa mga bampirang nakita ko, sinong kumagat sa 'yo?" tanong ni Wade habang tinutulungan siya ni Victoria na isuot ang kaniyang damit.

"Me," bored na sabi ni Victoria.

"Ah, I see. Payag akong kumampi sa 'yo, pakawalan mo lang ako sa kulungang 'to," nakangising sabi niya. "How about you, Victoria?"

"Fine. As if I have a choice. Free us and we will be your allies," nakaismid na sabi ni Victoria.

Napangiti naman si Cross at wala pang ilang segundo ay nakalabas na siya sa kulungan gamit ang paghihiwalay ng bakal. Sunod niyang pinakawalan sina Wade at Victoria. Binasag din niya ang glass handcuffs ni Wade.

"Ah, finally!" bulalas nito at naggawa ng bola ng asido sa kaniyang kamay. Kulay light green ito, ang ganda nitong tingnan pero umuusok ito at bumubula. Oras na lumapat ito sa balat mo, matutunaw ka. "After hundred years of hiding my power, I will be able to use it!" Mas nilakihan niya pa ang bola ng asido sa kaniyang kamay at ibinato sa isang selda at ilang segundo lamang ay natunaw lahat ng bakal.

"Cool," nakangising sabi ni Victoria.

"Let's go. Hindi dapat nila malaman na nakawala tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Kay Van Walker."

"Paparating na ba sila?" tanong ni Noi patungkol sa mga Nobles.

"Oo, katatawag ko lang sa kanila."

Nandito pa rin kami sa Council at tapos ng imbestigahan ang mga bangkay ng mga miyembro nito. Nalaman naming Fiends nga ang pumatay sa kanila at nasisigurado kong si Uranus ang traydor dito. Kung hindi siya ang traydor, bakit wala siya rito? Imposible talagang basta na lamang makapasok ang mga Fiends at hindi man lang nagawang makalaban ng Council. Kahit tagatupad ng batas at tagahatol lamang sila, magaling din silang makipaglaban.

Nailabas na lahat ng bangkay ng mga miyembro at dadalhin sa morgue. Nararapat lamang silang bigyan ng magandang libing dahil kahit naman halos hindi ko sinusunod lahat ng batas na ipinapataw nila, malaki pa rin ang itinutulong nila sa akin

Nalinis na rin ang buong bulwagan. Wala ng bahid ng dugo at parang walang nangyari. Umupo ako sa isang upuan na nakapalibot sa malaking lamesa at sakto namang dumating sina Farrah at Jick.

'Agad akong napatayo at inaasahan ang isang tao na gusto ko ring makita at makausap.

"Kung si Jack ang hinahanap mo, wala siya rito. Nandoon siya sa mansyon kasama ni Lolo G," pagsagot ni Farrah sa katanungan sa aking isipan.

"Babalik na ba siya sa atin?" tanong ko sa kanila. Kahit naman ano pang dahilan niya, basta sabihin niya lang sa 'kin ang totoo, tatanggapin ko pa rin siya. Hindi man maganda ang turing ko sa kanila noon, parang kapatid na ang turing ko sa kanila ngayon. Lumaki ako ng walang magulang at sila ang tumayong pamilya ko kaya hindi ko na hahayaan pang magkawatak-watak kami.

"Oo, Van," nakangiting sabi ni Jick. "Madami kaming gustong sabihin sa 'yo. Madami rin siyang gustong ipaliwanag pero sa ngayon ay mukhang importante rin ito. Totoo bang namatay ang mga miyembro ng Council maliban kay Uranus?"

"Oo, pinatay sila ng mga Fiends at si Uranus ay isang traydor. Malamang ay kakampi na siya ng mga taong lumikha ng Fiends."

Nagkatinginan naman sina Farrah at Jick.

"Meron ba kayong gustong sabihin sa 'kin?"

"Van, alam na namin kung sino ang lumikha ng mga Fiends," seryosong sabi nila sakin. Hindi 'agad ako nakapagsalita. Alam nila? Paano? Sino?

"Sino ang lumikha sa kanila?"

"Mas maganda siguro kung ako na lang ang magsasabi sa 'yo ng lahat, Van."

Napalingon naman ako sa isang pamilyar na boses at sa likod nina Farrah at Jick ay nakatayo si Israel Walker kasama si Jullia, Jack, Lolo G at Jiji. Biglang namuo ang galit sa dibdib ko, galit dahil pinatay niya si Kiel at dahil simula nu'ng dumating siya ay mas gumulo ang lahat. 'Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kwelyo niya.

"Anong ginagawa mo ritong hayop ka?!"

Nagsidatingan naman ang mga representatives at nakita ko si Lolo G na pinigilan sila para umatake kay Israel. Akala ko ay bibigyan niya ako ng mapang-uyam na ngiti pero seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mga mata.

"Nandito ako para sabihin sa 'yo lahat ng nalalaman ko. Hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Hiling ko lang sana ay pakinggan niyo ang lahat ng sasabihin ko."

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Napatingin ako kina Farrah, Jick, Jack, Lolo G at Jiji. Tumango lamang sila sa 'kin at nag-aalangan naman akong tumingin kay Israel. Sasabihin niya sa 'kin lahat? Bakit? Ano pa bang dapat kong malaman na alam niya?

Pumayag naman lahat na makinig sa kaniya kaya naupo kami palibot sa malaking lamesa. Nasa pinakadulo nakaupo si Israel at dito naman ako sa kabilang dulo.

"Alam kong galit kayong lahat sa 'kin dahil sa ginawa ko pero lahat ng ginawa ko ay may dahilan. Nasa sa inyo naman kung maniniwala kayo o hindi pero gusto kong sabihin sa inyo na hindi ako kalaban. Nagbalik ako para tapusin ang misyong hindi ko nagawa noon." Nagpatuloy siya sa pagkekwento na halos hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko. Mabuti kaming nakikinig sa kaniya, walang nag-iinterrupt sa sinasabi niya. Hinayaan lang namin siyang magpatuloy. "At ang mga gumawa sa Fiends ay ang mga Vampire Hunter."

Ang ilan ay nahugot ang kanilang hininga at ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Bakit gagawin ng mga Vampire Hunter 'yun? Nasa batas na bawal mag-undergo ang bawat clan sa isang experiment na siyang baka pagsimulan ng Great War.

Nagsimula na naman siyang sabihin lahat, pati kung paano nagsimula ang away sa pagitan ng mga bampira at hunter. Sinabi rin niya ang tungkol sa pagsapi ni Jack sa kaniya at pagpatay niya sa kapatid kong si Ellrah. Gusto ko siyang saktan pero naisip kong para sa clan at para sa akin lamang din ang ginawa niya. Nalaman kong kakampi rin niya noon pa si Greg Calyx. Unti-unting nawawala ang galit ko sa kaniya lalo na nu'ng sinabi niyang hindi niya sinasadyang patayin si Kiel.

Nakikita ko rin na pinagkakatiwalaan siya ng mga Nobles kaya pagkakatiwalaan ko na rin siya.

Tumayo si Israel at lumapit sa akin. "Alam kong hindi naging maganda ang simula natin, Van, pero sana mabago pa ang lahat." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin at hindi naman ako nagdalawang-isip para abutin iyon.

"Oo naman. So paano ba 'yan? Magiging magkakampi na ba tayo simula ngayon?" nakangising sabi ko sa kaniya.

"Kung 'yan ang gusto mo." Ngumisi din siya sa 'kin at parang gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabunot ang isang malaking tinik sa dibdib ko. Mahirap mang paniwalaan na hindi naman pala siya kalaban, ngayon alam ko na kung sino talaga ang kalaban.

Bigla ko namang naisip si Kisha. Kumusta na kaya siya?

"Van! Tingnan niyo kung sino ang paparating!" dinig kong sigaw ni Yatriv mula sa labas ng pinto kaya 'agad kaming nagsipuntahan doon.

"Is this sort of a reunion?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com