Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Chapter 45

No Mercy

Kasalukuyang walang malay si Kisha habang nakahiga sa metal na higaan. Tinurukan siya ng pampatulog para hindi niya maramdaman ang bawat tusok ng karayom sa kaniya para sa isinasagawang test. Ilang linggo pa lamang niyang ipinagbubuntis ang bata pero mapapansing lumalaki na 'agad ang kaniyang tiyan dahil sa kadahilanang mabilis ang development ng bata sa loob ng sinapupunan niya.

"What about the baby in her tummy? If we continue this, the baby will die," nag-aalalang tanong ni Thalia kay Ivan.

Si Thalia Robinsons ay isa sa tatlong scientist na nandito ngayon sa laboratory kasama nina Finnick Wayland at Roger Bruce. Ngayon ang unang beses na itataya nila ang buhay ng isang inosenteng bata na hindi pa isinisilang. Isa ring ina si Thalia kaya alam niya ang magiging pakiramdam ni Kisha kapag nawala sa kaniya ang anak niya.

"Do I look like I care to the baby inside her? Let it die. Gano'n din naman ang mangyayari kapag nabuhay ang bata, eh. Sigurado akong ipapapatay lamang ng Supreme Commander ang bata kapag nabuhay ito kaya ngayon pa lang, hayaan na natin itong mamatay," sabi ni Ivan na hindi man lang kumukurap o pinag-isipan ang mga sinabi niya.

Ang mahalaga lang sa kaniya ngayon ay ang matapos ang test at maiturok na kay Kisha ang Elixir Blood. Ito ang itinawag ni Ivan sa pinaghalo-halong dugo ng mga representatives ng Vampire Clan.

Hindi nakapagsalita ang tatlo. Wala na rin naman silang magagawa kundi ang sundin ang gusto ni Ivan, mahal pa nila ang buhay nila kaya gagawin lang nila ang trabaho nila.

"Bumibilis ang heartbeat niya!" sabi ni Finnick habang nakatingin sa monitor na katabi lang ng hinihigaan ni Kisha. Nagsilapitan naman silang lahat sa may monitor at pabilis nang pabilis ang heartbeat ni Kisha.

"Oh my God. This is impossible. Look at here!" sabi naman ni Thalia habang nakatingin sa isa pang monitor kung saan makikita ang update tungkol sa tiyan ni Kisha. Dapat ay fetus pa lamang ang nasa tiyan niya pero nasa kalagitnaan na 'agad ng stage ang bata.

"Natural lang na mangyari ito dahil sa buong history ng mga bampira ay ngayon lamang mangyayari na magkakaroon ng anak ang isang legendary vampire. Ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo."

Kaunti na lamang naman ay matatapos na rin sila sa ginagawa nila, kailangan lang nilang malaman kung kakayanin ba ni Kisha ang Elixir Blood at kung kakayanin ng katawan niya na hawakan ang makapangyarihang dugo na ito.

Kinuha nila ang dugo ni Kisha at pinag-aralan. Tinitingnan din nila kung may ibang sakit si Kisha o kung maayos naman ang kalusugan niya. Lahat ng ginagawa nilang hakbang ay minamadali na nila dahil kakaunti na lang oras nila.

Sa kalagitnaan ng test ay biglang bumukas ang pinto ng laboratory at pumasok ang isang duguang hunter.

"T-Tulong...s-si..." Hindi na natapos pa ng hunter ang kaniyang sasabihin nang may sumaksak sa kaniyang likudan at bumagsak siya sa sahig. At pagkabagsak niya ay lumitaw si Cross na puno ng dugo ang kamay at madilaw ang kaniyang mga mata.

"Paano kang–" Hindi na naituloy ni Ivan ang kaniyang sasabihin nang sumugod sa kaniya si Cross habang hawak ang dagger. 'Agad namang nakailag si Ivan sa pag-atake ni Cross, pinindot niya ang red button sa may dingding at tumunog ang alarm.

Nadaplisan ng dagger si Ivan sa kaniyang pisngi at nagkaroon ng isang pulgadang hiwa sa pisngi. Patuloy lamang sa pag-atake si Cross at walang magawa si Ivan kundi ang umilag. Nagsidatingan naman ang ibang hunter at 'agad na nagpunta papalapit kay Cross. Tinurukan nila ito ng pampatulog, sinubukan ni Cross na pigilan ang kaniyang antok pero hindi niya kaya.

"Shit!" Napamura na lang siya bago bumagsak sa sahig. Binuhat naman siya ng mga hunter at inilagay sa malaking glass tube at inihiga sa loob noon.

Humahangos namang tumayo si Ivan at pinunasan ang dugo sa kanyang pisngi. "Akala ko hindi natin matatapos ang test," naiiling na sabi niya at muling lumapit sa hinihigaan ni Kisha. "Ituloy na natin."

Itinuloy nila ang test na para bang walang nangyari.

Matapos ang ilan pang test.

"Finally, we're done. We can inject the Elixir Blood to her since her body can take it," nakangising sabi ni Ivan habang nakatingin sa wala pa ring malay na si Kisha.

"Wade Lockhart," pabulong na sabi ni Israel sa tabi ko habang nakatingin sa lalakeng kasama ni Victoria.

Hinarangan ng mga representatives at Nobles sina Victoria at Wade at handa ng umatake.

"Woah, wait, we're not here to fight," sabi ni Wade.

"Why are you here Victoria?" tanong ko sa kaniya.

Ngumisi naman si Victoria sa akin. "Well, Ivan Crone betrayed me and I'm here to be an ally."

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanyia. Ally? Nagpapatawa ba siya? Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Pero kung magiging kakampi namin si Victoria ay malaki rin ang maiibahagi niya sa amin. Mas lalo na ngayong kasama niya rin si Wade Lockhart, ang Acid Maker. Kapag naging kakampi namin silang dalawa ay mabubuo na ang labing-anim na representatives ng Vampire Clan.

"It's nice to see you again, Wade Lockhart," sabi naman ni Israel at nakipagkamay kay Wade.

Ngumiti naman sa kaniya si Wade at yumakap dito. "Sinong mag-aakalang magkikita pa pala tayo matapos ang ilang daang taon? Wala ka pa ring pinagbago."

Hinayaan na lang muna naming mag-usap sina Wade at Israel at ibinaling ko naman ang tingin ko kay Victoria. Medyo nag-iba ang itsura niya dahil 'yung dati niyang mahaba at brown at kulot na buhok ay ngayon ay hanggang balikat na lang niya at blonde na.

"This isn't my thing but I want to apologize for all the inconvinience I brought to you. I aimed for so much power and I realized I shouldn't do that. I'm here to help you to bring back Kisha," nakangiting sabi niya kaya napangiti na lamang din ako sa kaniya. Ngayon na ang panahon para ayusin ang gusot sa aming clan, wala na dapat pang mag-away dahil kami na lang din naman ang magkakakampi. Dapat kaming magsanib-pwersa para matalo ang Vampire Hunter Clan. Sila ang tunay na kalaban dito at ang tanging option lang namin ay ang lumaban.

"I just want to ask, how's Kisha?"

"She's being experimented."

Nanlaki naman ang mga mata ko at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa balikat niya at tiningnan siya nang matiim sa mata. "Anong ibig mong sabihin?!"

"Nagsagawa si Ivan ng experiment kung saan pinaghalo-halo niya ang dugo ng mga representatives ng vampire clan at balak niya yata itong iturok kay Kisha. I'm not sure pero malakas ang kutob ko na gano'n ang gagawin niya."

Binitawan ko na siya at inikuyom ang aking kamao. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi kami basta-basta puwedeng sumugod doon dahil siguradong nakahanda na rin sila.

"Kung balak niyong sumugod, huwag muna ngayon dahil meron silang armas. At ang armas na 'yun ay puwede kayong gawing tao. Kapag natamaan kayo ng bala ng baril na 'yun ay wala pang ilang minuto ay kaya kayong gawing tao. Mawawala ang pagiging imortal niyo."

"Ano ang gagawin natin?" tanong ni Farrah na may halong pag-aalala.

"Hindi natin pwedeng hayaan na maiturok kay Kisha ang dugo na 'yun. Baka mapahamak siya," sabi naman ni Jick.

Bumuntong-hininga si Jack. "Walang puso ang Supreme Commander ng Vampire Hunter Clan, sarili niyang apo handa niyang gamitin maubos lang ang lahi natin."

Bumalik kami sa loob ng bulwagan para pag-usapan ang gagawin naming hakbang. Ngayon lang ako kinabahaban ng ganito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Kisha. Hindi ko na dapat siya ibinigay pang muli sa clan niya. Buong akala ko ay magiging ligtas siya roon pero nagkamali ako. Hindi ko dapat pinairal ang ang pagiging duwag ko.

"Pagplanuhan muna natin ang pagsugod natin doon, gaya ng sabi ni Victoria, may mga armas silang kayang alisin ang pagiging imortal natin kaya kailangan nating mag-ingat." Humalumbaba si Israel sa lamesa.

"Pero paano si Ate Kisha? Baka mahuli na tayo kung hindi 'agad tayo gagawa ng hakbang," naluluhang sabi ni Noi.

Tama si Noi. Kapag hindi kami magmadali ay baka 'pag dumating kami roon ay huli na ang lahat. Si Kisha na lang ang nag-iisang dahilan para mabuhay ako kaya hindi ko kakayanin kung siya ay mawala pa sa 'kin. Kung sana maibabalik ko lang ang oras, itatama ko lahat ng katangahang ginawa ko.

"We'll do this step by step. Hindi natin kailangang madaliin ang lahat. Kapag ginawa natin 'yun maaaring may mapahamak sa atin."

"Well, may maaaring mapahamak sa atin." Napatingin kaming lahat kay Wade. "Nagpaiwan si Cross para puntahan si...who's the girl again?"

"Kisha," sagot namin sa kaniya.

"Oh, yes, Kisha. Nagpaiwan doon si Cross and I'm worried na baka nahuli na naman siya. Ayaw niyang pumayag na hindi babalikan si Kisha kaya wala na kaming nagawa kundi ang umalis at sundin ang sinasabi niyang pumunta kami rito," paliwanag ni Wade.

Lumapit naman si kaniya si Victoria at umupo sa kandungan nito. Kailan pa naging ganito ka-intimate ang dalawang 'to? Hindi ko aakalaing ganito si Victoria, iba kasi ang tingin niya kay Wade. Wala pang nagugustuhang lalake si Victoria, lahat ng lalakeng nakakasama niya o nakakasex niya ay sa huli ay nagiging biktima niya.

"Bakit hinayaan niyo si Kuya na maiwan do'n?!" naiiyak na sabi ni Jullia. 'Agad naman siyang nilapitan ni Israel at niyakap.

Ako na lang ba ang walang kapartner dito?

"So let's start to plan what we will do. We have no time," sabi ni Jenessa.

"Where will we start?" Brett said while twirling the dagger on his hand.

Tumango ako sa kanila. "We will start on how we will enter their base."

"Mommy? Naririnig mo ba ako Mommy?"

Naalimpungatan ako sa boses ng isang batang babae. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata pero puro liwanag ang tumama sa mga mata ko. Nang mai-adjust ko na ang paningin ko ay nakita ko ang isang batang babae na nakatingin sa akin habang nakahiga ako rito sa damuhan na puro bulaklak. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa sobrang liwanag pero kita ko ang mahaba niyang buhok.

"Mommy? Wake up!"

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila-hila ito kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon. Hinawakan ko ang aking tiyan at pakiramdam ko ay may kulang pero hindi ko matandaan kung ano.

"Sino ka? Bakit hindi ko makita ang mukha mo?" tanong ko sa batang babae sa harapan ko. Nakaluhod siya sa tabi ko at may suot siyang puting dress. Siguro kung hindi gaanong maliwanag, baka nakikita ko ang mukha niya pero kahit anong gawin kong pagtitig sa mukha niya ay nasisilaw lamang ako.

"Ako 'to, Mommy, hindi mo ba ako nakikilala?" sabi niya gamit ang malaanghel niyang boses. Napapikit ako dahil sa lamig ng boses niya at ang lakas ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko kilala ko siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita o ano.

Tanging nasa isip ko lang ay isang bagay. Na wala ng pakealam sa akin ang lalakeng pinakamamahal ko.

"Hindi kita kilala. Sino ka ba? Anong ginagawa ko rito?"

Litong-lito na ako. Hindi ko alam kung nasaan ko. Nang ilibot ko ang aking tingin sa paligid ay tanging mga puno at iba't-ibang klase ng bulaklak ang nasa aking paligid. Para akong nasa langit at sobrang liwanag. Gusto ko rito. Ayoko nang umalis.

"Okay lang kahit hindi mo ako makilala, basta hindi kita iiwan." She giggled and it's like a music to my ears. She's like an angel...or maybe she is. Am I in heaven? How? Am I dead? Why?

"Bakit ba ako nandito?" Pero bago pa niya masagot ang katanungan ko ay biglang dumilim ang kalangitan at may malakas na hangin ang dumating. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko at para bang takot na takot siya. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap. Sobrang pamilyar ng pakiramdam, para bang kilala ko na ang batang ito noon pa pero hindi ko talaga maalala kahit anong gawin ko.

"Iturok niyo na sa kaniya ang Elixir Blood."

"Sigurado ka na ba talaga rito? Maaaring mamatay ang sanggol sa sinapupunan niya!"

"Tama si Thalia, ilang oras pa lang ang lumilipas pero ang laki na 'agad ng tiyan niya."

"Wala akong pakealam kung mabuhay man o mamatay ang bata basta iturok niyo na sa kaniya 'yan para matapos na! Gusto niyo pa bang mabuhay?! Kung oo, sundin niyo ang gusto ko!"

Nakakarinig ako ng mga pamilyar na boses. Tumingin ako sa madilim na kalangitan pero wala akong makita. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid pero hindi ko makita ang pinanggagalingan ng boses.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa batang babae na mahigpit na nakayakap sa akin.

"Kukunin ka nila sa 'kin. Hindi pwede. Ayokong magbago ka." Narinig ko ang paghikbi niya at naramdaman kong nababasa ang damit ko marahil siguro sa luha niya.

"Huh? Hindi kita maintindihan. Sino ang kukuha sa akin?"

"Madami sila. Kukunin ka nila. Babaguhin ka nila. Ayokong mangyari 'yun."

Hindi ko na talaga maintindihan. Ano ba talaga ang nangyayari? Sino 'yung mga nagsasalita? Ang dami kong katanungan at litong-lito na ako. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko.

"What are you waiting for?! Are you injecting it to her or not?!"

"P-Pero..."

"Fine! I'll do it! Give it to me!"

'Yun na ang huling boses na narinig ko at nakaramdam ako ng sobra-sobrang sakit. Napabitaw ang batang babae sa pagkakayakap sa akin at hindi ko na alam pa ang nangyari sa kaniya. Ang tanging narinig ko na lamang sa kaniya ay ang salitang "I love you, Mommy".

Napahawak ako sa aking ulo at napaluhod. Anong nangyayari sa 'kin?! Bakit ang sakit ng buo kong katawan?! Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano patitigilin ang sobra-sobrang sakit sa katawan ko. Parang binibiak ang buo kong katawan, ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa aking mga ugat at hindi ko magawang imulat ang aking mga mata sa sobrang sakit. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang aking luha kasabay ng lalong paglakas ng hangin.

"What's happening?!"

"Her heart is beating so fast again! This is bad! She will die!"

"No! It can't be! Gawin niyo ang lahat ng pwede niyong gawin! Hindi siya pwedeng mamatay!"

"Itinurok mo sa kaniya ang lahat ng Elixir Blood, Ivan! Natural lang na ganyan ang maging reaksyon ng katawan niya!"

"Bullshit! She can't die! I know she can do it!"

Halos hindi ko na maintindihan ang mga boses sa paligid ko. Pakiramdam ko'y sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay bibigay na ang katawan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko–galit, saya, lungkot, pighati at isa lang ang taong naiisip ko na kayang magparamdam sa 'kin ng ganoon.

Si Van Walker.

Si Van Walker na iniwan ako at hinayaan akong mag-isa.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Tama, siya ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong tumayo kahit na muntik na akong matumba. Kakayanin kong tumayo sa sarili kong paa, hindi ko kailangan ng tulong niya. Poprotektahan ko ang sarili ko at hindi ko siya kailangan.

Nanginginig ang buo kong katawan at kahit na nakakaramdam ako ng panghihina ay pinilit ko pa ring tumayo. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili kong maging mahina, hindi ko dapat kailanganin ang ibang tao para maprotektahan ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Simula ngayon, hindi na ako aasa pa sa kanila dahil kakayanin kong bumangon ng ako lang at walang tumutulong sa 'kin.

Kung kanina ay sobrang sakit ng buo kong katawan na halos nanghihina na ako ay naramdaman ko naman ang unti-unting lakas na dumadaloy sa katawan ko. Tiningnan ko ang aking kamay at may pulang aura na lumalabas dito. Habang tumatagal na nakatayo ako ay palakas nang palakas ang kapangyarihan na umaapaw sa akin na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Tumigil na rin ang malakas na hangin at naaalis na ang maiitim na ulap sa kalangitan at muling tumama sa 'kin ang maliwanag na sinag ng araw na halos masilaw na ang aking mga mata.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Ang weird dahil kahit ang maliliit na insekto na nakadikit sa damo ay nakikita ko, naririnig ko rin ang bawat patak ng tubig galing sa dahon ng puno.

Anong nangyari sa 'kin?

Pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa aking ulo at napapapikit. Ano na naman 'to? Bago ko pa mai-steady ang sarili ko ay bigla na lamang akong bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

"No! What did you do to her?! Please! I'm begging you! Don't hurt the baby!"

I slammed this f*cking glass and I can't break it. They injected the blood to Kisha. Alam kong weird ito pero 'yung baby sa tiyan ni Kisha ay fully developed na. Aabutin lamang ng isang linggo o mahigit ang development ng isang baby kapag bampira ang ama o ina nito at sa kalagayan ni Kisha, ang ama ng ipinagbubuntis niya ay walang iba kundi si Van.

"Icecesarian natin siya, hindi ba?" tanong nu'ng lalakeng scientist na sa pagkakaalam ko ay Finnick ang pangalan.

"Obviously, Finnick, hindi kakayanin ng normal na labor. I'll do this," sabi naman noong babaeng scientist.

Napalunok ako nang inihanda na nila ang mga kagamitan para hatiin ang tiyan ni Kisha para ilabas ang baby. Masama akong tumingin kay Ivan na para bang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari. I want to wring his neck and kill him nonstop even he's not breathing anymore. Wala siyang awa, hindi niya inisip ang pwedeng mangyari sa bata sa tiyan ni Kisha.

Pinanood ko lamang siya habang ginagawa ang operasyon kay Kisha. Napakadami ng sakit ang dinadanas niya, hindi man niya ito maramdaman ngayon dahil wala siyang malay, mararamdaman niya naman ito pagkagising niya. Sana lang maayos ang kalagayan ng bata.

"Did her body absorbed the Elixir Blood?" tanong ni Ivan.

"Yes. It's clear, we don't have to worry about anything. The Elixir Blood is all over her body now," sagot ni Roger.

"This is really exciting," nakangising sabi ni Ivan. "Maiwan ko muna kayo. Kayo na ang bahalang magtapon sa bata na nasa tiyan niya. Sigurado naman akong hindi ito mabubuhay."

Naikuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang sarili kong magsalita kahit gusto ko siyang murahin ng walang sawa. Tiningnan ko na lamang kung paano gawin ng scientist na si Thalia ang operasyon.

"Please, Thalia, save the baby. Please, I'm begging you," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Kung mawawala man sa 'kin si Kisha ngayon, hindi ko pwedeng hayaang mawala ang bata. Kung magising man si Kisha bilang ibang tao na, baka ang bata ang maging way para maibalik siya. Isa lamang siyang inosente at hindi siya dapat nadadamay sa lahat ng ito.

"I promise, Cross Falcon. I'll do everything to save the baby." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"But promise us, if the baby survived, you'll take her away in this place. Go far away where they will never know that this baby exists because once they knew the baby is alive, they will do everything to kill it," sabi naman ni Finnick.

"You don't have to tell me that because that's what I'm about to do."

Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa sinabi niya at naghintay na lamang sa kung ano man ang susunod na mangyayari.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng iyak ng sanggol. Napatayo ako at napangiti nang makita si Thalia na buhat ang isang baby.

"Oh God, it's a girl!"

I don't know why but the tears slowly roll down from my eyes when I saw the little angel in Thalia's arms. A girl, and I know when she grew up, she will look like Kisha a lot. Nilinisan niya ang bata at pinutulan ng umbilical cord at pagkatapos ay binalot niya ito sa puting tela.

"We will free you but promise us, don't you ever touch Kisha, just bring the baby and take her away from here," utos ni Roger

"Damn it! Yes, I promise! Just get me out this f*cking glass tube and let me have the baby before Ivan see the baby alive!"

I'm starting to get impatient. I want to take the baby away from this place.

Lumapit si Roger at binuksan itong glass tube na kinalalagyan ko at pinakawalan ako. Sunod namang lumapit sa akin si Thalia habang buhat ang bata. Dahan-dahan ko itong kinuha sa kaniya at tinitigang mabuti ang mukha niya. Hindi ko pa masabi kung anong part ng mukha niya ang nakuha niya kay Kisha pero baka sa susunod ay masabi ko na.

"Take care of the baby! Go! Baka pabalik na si Ivan dito!"

Tumango ako sa kanila at bago ako lumabas sa may pinto.

"Maraming salamat sa inyo. Hindi ko malilimutan ang araw na tinulungan niyo ako." I will definitely remember this day, the day when this baby was born.

Lakad-takbo ang ginagawa ko para hindi gaanong maalog si baby. Mahirap ito dahil medyo sensitive pa si baby dahil bagong panganak pa lamang pero kakayanin ko maialis lamang siya sa lugar na 'to.

Pumunta ako sa isang parte nitong headquarters kung saan ako lamang ang nakakaalam. Isa itong secret passage na madalas kong ginagamit kapag tumatakas ako sa training o kaya naman kapag ayaw kong dumaan sa main door. Pumunta ako sa may stock room kung saan may nakasabit na malaking portrait. Inalis ko ito gamit ang isa kong kamay habang ang isa kong kamay ay nakahawak kay baby. Sa likod ng portrait ay may daan palabas. Pumasok ako sa loob noon at ibinalik muli ang portrait.

Nilakad ko na lamang ito para mas maging safe si baby.

"What will be your name?"

I'm going crazy. Malamang hindi sasagot ito.

"Can I name you?" but she just yawned and closed her eyes.

Papangalanan ko muna siya ngayon pero pwede pa naman nilang paltan kung ayaw nila sa ipapangalan ko sa batang 'to.

"How about Kyle?" Napasimangot ako. "Too lame."

Habang naglalakad ay nag-iisip ako ng ipapangalan sa kaniya.

"How about Louisa? Uggh. That sounds old."

"Kristine? Lorraine? KL?"

It's so hard to think of names that will suit her!

But then something crossed my mind.

"Savannah Kier Walker." Bigla na lamang lumabas ito sa aking bibig na para bang natural na natural lamang. Savannah, that sounds good and it suits her though it sounds like it came from his father's name.

Sakto namang nakarating kami sa may labasan nitong secret passage at nandito na kami sa mismong bahay ko. Hindi naman kalayuan ang headquarters sa bahay ko. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ako sa sarili kong kwarto. Inilapag ko muna si Savannah sa aking kama at nag-empake nga mga gamit. Ilalayo ko siya sa lugar na ito dahil hindi siya ligtas dito.

Pagkatapos kong mag-empake ay pumunta naman ako sa may bodega kung saan nakalagay ang mga gamit namin ni Jullia noong mga bata pa kami. Kumuha ako ng ilang laruan namin noong mga baby kami, 'yung crib, 'yung stroller at iba pang mga gamit na pwede kong gamitin para kay Savannah.

I'm not ready to take care of a baby because I have no experience, but this is for Kisha so I'll do my best. I'd be her father if I have to.

Inilagay ko muna sa kotse ko ang lahat ng gamit bago ko binalikan si baby na tulog na tulog pa rin. Ni hindi na siya muling umiyak, huli siyang umiyak ay noong lumabas na siya galing sa tiyan ni Kisha.

Sumakay na ako sa kotse at inilagay ko si Savannah sa passenger seat. Dumaan na rin ako sa grocery store para bumili ng damit, diaper, tsupon, gatas at kung ano-ano pa. At pagkatapos kong bilhin ng mga dapat kong bilhin ay bumyahe na ako papunta sa malayong lugar kung saan alam kong hindi nila kami 'agad mahahanap.

"Don't worry, Savannah, I'll do anything to protect you."

I kissed her forehead and continued driving.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com