Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46

Stupendous Power

"What am I going to do with your sh*t?! It's so gross!" She stared at me and started giggling nonstop. Whatever I do, she's always laughing, smiling, or giggling. She's so innocent. If only you knew what happened to your mother. I shook my head. I must be thinking of how will I clean her poop.

I looked at her and I can't help but to smile. She's so beautiful like her mother. If only Kisha knew that she has a beautiful daughter like her, I bet she will be happy. But I know by now, she's changed. Changed to another person that I never knew before.

"Batang ama ang peg mo, dude?!"

Savannah suddenly cried when she heard an unfamiliar voice.

'Agad ko namang naibato kay Patrick 'yung diaper ni Savannah at tumama ito sa t-shirt niya. This guy is so loud! I don't know why kung bakit dito ako napunta, eh. Dapat pala sa ibang lugar na lang kami dumiretso, hindi rito sa kupal na 'to. Damn it.

Patrick Falcon is my cousin. He's a hunter too. I'm wondering why the hell he became my cousin, he's so irritating and he talks and talks and talks–nonstop!

"Ang baho! Tungunu to the highest level!" sigaw niya.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Savannah.

"Shut up, Patrick!"

Binuhat ko si Savannah na umiiyak na ngayon dahil nagulat sa boses ni Patrick. Tuwang-tuwa pa ako kasi hindi siya naiyak pero dumating naman 'tong si Patrick. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya patatahanin!

"Cross!" sigaw pa rin nang sigaw si Patrick.

"Will you please shut the hell up?! Can't you see she's crying?!"

Hinele ko si Savannah pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Mali yata ako ng pinagdalahang lugar kay Savannah. Hindi ko pala dapat siya dinala rito.

"Bakit kasi ibinato mo sa 'kin, eh?!"

Ibinaba ko muna si Savannah sa higaan at nilapitan si Patrick. Hinawakan ko ang kwelyo niya para mapatigil siya. Tiningnan ko siya ng masama sa mga mata.

"If you don't shut your mouth, I'll cut your throat." That shut him up. He nodded his head and sat down in the couch. Nilapitan ko naman si Savannah na umiiyak pa rin hanggang ngayon. "Paano ba kita patatahanin?"

Binuhat ko ulit siya at hinele pero iyak pa rin siya nang iyak. Humarap naman ako kay Patrick na nakaupo ng straight at nakapatong pa 'yung kamay niya sa tuhod niya habang nakatingin sa akin.

"Alam mo ba kung paano magpatahan ng baby?"

Hindi siya sumagot.

"Patrick! Do you know how?"

Hindi pa rin niya ako sinagot.

This guy! He's getting on my nerves! "Wala ka bang balak na sagutin ako?!"

Nakatingin lang siya sa akin na walang reaksyon sa mukha. Hindi ko alam kung anong problema niya kung bakit siya ganito, siguro nu'ng pinanganak siya, naipatak siya sa sahig, nauna ang ulo kaya ganyan ang nangyari sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya habang dala ang bote ng gatas ni Savannah at pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya at hinampas ko sa ulo niya 'yung bote.

"Aray naman! Bakit mo ko hinampas?!" reklamo niya habang hawak ang ulo niya.

"Kanina pa kita tinatanong pero hindi mo ko sinasagot!"

"Hindi ba sabi mo kapag hindi ko tumahimik, gigilitan mo ang leeg ko?! Ang gulo mo namang kausap, eh! Mahal ko pa ang buhay ko kaya mas mabuti na lang na manahimik ako!"

Seriously?! Parang imbis na isa lang ang aalagaan ko, dumagdag pa ang isang 'to. Napailing na lang ako dahil sa kaniya at itinuon ang atensyon kay Savannah na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Madaling patawanin ang mga baby, mag-make face ka lang tatawa na 'agad 'yan. Tingnan mo 'ko." Inihiga ko si Savannah at nilapitan naman siya ni Patrick.

"Hello, Savannah!" Ngumiti ng sobrang lapad si Patrick. Itinakip niya ang dalawa niyang kamay sa mukha niya. "Bulaga! Yie! Tatawa na 'yan!" Kung ano-ano pang expression ang ginawa niya.

Nagkatinginan kami ni Patrick at nagthumbs up siya sa kin nang tumigil na sa pag-iyak si Savannah. Tinuloy niya lang ang pakikipaglaro kay Savannah at inayos ko naman 'yung mga nagkalat na gamit niya. Kanina kasi hindi ako magkaintindihan kung paano ko aalisin yung poop niya. Kadiri talaga.

Naramdaman ko namang magvibrate ang telepono ko. Lumabas muna ako at iniwan si Savannah kay Patrick. Kahit naman paloko-loko 'yun ay alam ko namang mapapagkatiwalaan pa rin.

Tiningnan ko kung sinong caller pero number lang ang nakalagay sa screen. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko o hindi pero napag-isipan kong sagutin. Pero parang napako ako sa aking kinatatayuan ko nang marinig kung kaninong boses ang nasa kabilang linya.

[Alam ko ang itinatago mong sikreto, Cross Falcon.] Napalunok ako at napatingin sa aking paligid. Nasundan niya ba kami?

"Sikreto? Wala akong itinatagong sikreto, Caster Hermes. Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang District 2 na nasa kalagitnaan ng crisis ngayon?" Napahigpit ako sa paghawak sa aking telepono. Hindi pwedeng nasundan niya kami rito. "Hindi lang pala pangungurakot ang alam mo, pati pala pakikialam sa mga ginagawa ko."

[ 'Wag mong iniiba ang usapan, Cross Falcon, alam kong buhay ang anak ng bampirang 'yun kaya ihanda mo na ang sarili mo.]

Sasagot pa sana ako pero ibinaba na niya ang telepono. 'Agad akong tumakbo papunta sa loob at naabutan ko naman si Savannah na tulog na tulog habang nasa tabi si Patrick na hawak 'yung tsupon ni Savannah. At nakasubo sa bibig niya.

"What the f*ck are you doing?!"

"Uhhh, tinitikman kung anong lasa?"

Napabuntong hininga na lang ako at dali-daling inayos ang mga gamit ni Savannah. Siguradong nasundan kami rito. Sana hindi sila gaanong madami at sana hindi pa ito nakakaabot sa Supreme Commander dahil kapag nakaabot ito sa kaniya, gagawa siya ng paraan para mapatay ang bata at hindi ko iyon hahayaang mangyari.

"Bakit ka ba nag-eempake? Saan ka pupunta?" tanong ni Patrick habang pinapanood akong i-empake ulit lahat ng mga gamit. Kailangan na naming makaalis dito.

"Nasundan nila kami rito. I need to get her out of here before they do something bad to her."

"Ano?! Hindi pwede! Baluktot talaga ang utak niyang Nicolas Raven na 'yan, eh! Teka, sasama ako sa inyo."

Nagmadali na ring kumilos si Patrick at nagsimula naman akong maglagay ng mga gamit sa kotse at nang tapos ko nang ilagay lahat ay binalikan ko si Savannah na tulog na tulog na ngayon. Binuhat ko siya at kasunod ko naman si Patrick na lumabas ng bahay pero bago pa kami makapasok sa loob ng kotse ay bigla akong napailag at nabasag ang salamin ng aking kotse.

Napatingin ako roon sa tumama sa salamin at nakita ang isang malaking bato at tiningnan ko kung saan nanggaling iyon. Sa hindi kalayuan ay nakatayo si Caster Hermes, ang Lieutenant ng District 2.

"Totoo pala ang hinala namin sa 'yo, Cross Falcon. Isa kang traydor!" sigaw niya sa akin.

"Isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin basta hindi ko ibibigay ang bata sa inyo."

"Acting like a hero, huh? Ano bang magagawa mo sa halimaw na 'yan?! Hindi mo ba alam na magdadala lang 'yan ng kaguluhan?! Ayaw mong maghari ang buong Vampire Hunter Clan sa buong mundo?! Kaya na nating patayin ang buong angkan ng bampira!"

"Wala akong pakealam sa kung anoman ang gusto niyong gawin basta hindi ko pa rin ibibigay sa inyo ang inosenteng batang ito. Wala siyang kinalaman sa lahat ng ito, wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo kaya hayaan niyo na lamang siya."

"Hayaan? Nagpapatawa ka ba? Isang karangalan ang makitil ang buhay ng halimaw na 'yan!" Sumugod siya at hindi ko alam kung paano ako lalaban kung hawak ko si Savannah pero 'agad na kinuha ni Patrick si Savannah sa aking kamay kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na masalag ang bawat pag-atake ni Caster. May hawak siyang matalas na dagger na pinasadya pa niya.

Tuloy-tuloy lamang siya sa pag-atake at wala akong magawa kundi ang umiwas dahil sobrang bilis niyang kumilos. Aatake na sana ako pero ngumisi siya sa 'kin at lumihis ng direksyon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung saan siya pupunta at tumakbo siya papunta kung saan nakatayo si Patrick habang buhat si Savannah.

"Shit!"

Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil hindi pa gaanong bumabalik ang lakas ko simula nu'ng inilagay nila ako sa glass tube roon sa may laboratory. Sana umabot ako.

Habang papalapit siya nng papalapit kina Patrick ay siya namang kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi niya pwedeng hawakan kahit dulo man lang ng daliri ni Savannah dahil kapag ginawa niya 'yun, papatayin ko siya ng paulit-ulit. Pero nahuli na ako, nakalapit na siya kina Savannah at Patrick. Tatakbo pa sana si Patrick pero itinaas na ni Caster ang hawak niyang dagger at dinala pababa papunta kay Savannah.

"Savannah!"

Nanginginig ang buo kong katawan at hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi ko alam ang nangyari dahil biglang tumalsik si Caster at humandusay sa lupa na walang malay. Tumalsik sa malayo ang hawak niyang dagger.

Napatingin naman ako kay Savannah na kasalukuyang gising na ngayon at nakangiti lamang. Si Patrick naman ay nakatingin kay Savannah na para bang hindi makapaniwala. 'Agad naman akong lumapit sa kanila at kinuha si Savannah kay Patrick.

"What happened? Bakit tumalsik si Caster?"

"Hindi ko rin alam. Nu'ng sasaksakin na siya ni Caster, bigla siyang nagising at bago lumapat sa kaniya 'yung dagger parang may barrier na pumalibot sa kaniya at dahil doon ay tumalsik si Caster."

Napatingin ako kay Savannah. "No, this can't be happening."

"Is she awake?" I heard a familiar voice and I shut my eyes open. I don't know why I feel different. I felt like I'm born again. What happened?

I slowly sit up and roamed my eyes in the surrounding. All I can see is white walls and apparatuses. And three unfamiliar people wearing a lab gown except for one person, Ivan Crone. I remembered him. But I don't know why I'm here. I don't remember a thing except for the fact that Van left me. That Van doesn't love me anymore. That Van hurt me. That I want to kill him with my own two hands. Besides that, I don't remember anything else. All I can remember is the pain that he brought to me. The pain that I want him to feel.

"It's nice seeing you like that. You look so powerful and you should thank me because I made you like that." He smirked at me and I raised an eyebrow. I got out of this cold metal bed and in just a nanosecond, I'm in front of him. I'm surprised with my own speed and so does he. I grabbed his neck with just one hand and rose him up in the air.

"The word 'thanks' is not in my vocabulary," I smirked at him and put him down before I choked him to death. He glared at me and hold his bruised neck. "Get me out of this f*cking place. I'm hungry." I walked to the door and I felt them followed behind me.

"You know where to bring her," I heard Ivan said.

I looked at my reflection in the elevator. I'm wearing a hospital gown but I'm surrounded by the red aura and I don't know why I feel so powerful. It feels like I bear the most powerful thing in the world. I never felt so alive. When we reached our destination, a scientist named Thalia lead me to my room.

"Kaya niyo na po ba ang sarili niyo, Madam?"

"Kaya ko na. Maaari ka ng umalis."

Lumakad ako papunta sa banyo. 'Agad kong binuksan ang shower at inalis ang suot kong damit. Hinayaan kong tumulo sa buong katawan ko ang malamig na tubig. Napahawak ako sa tiyan ko. Why do I feel like there's something missing? Something big is missing? I shook my head and started to fill my body with soap.

I closed my eyes and let the water cascade down starting from my face down to my feet. I hate that vampire. I hate Van Rei Isaac Fenier Walker. I want to kill him. I'll kill him.

"Kamusta ka aking apo?" Sinalubong ako ni Lolo sa hapagkainan ng isang mahigpit na yakap.

Tiningnan ko lamang siya ng walang expression sa aking mukha. Hindi ko alam pero hindi ko magawang ngumiti, parang namanhid ang buong katawan ko pero nasa loob ko pa rin ang malakas na kapangyarihan at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ito.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain. Tahimik lamang akong kumakain at gano'n din naman siya.

"What happened to me?" tanong ko sa kaniya. Wala talaga akong maalala kahit ano. Ni hindi ko matandaan kung bakit nandoon ako sa laboratory. Parang isang bagay lang ang gustong ipaaalala sa 'kin at 'yun ay ang sakit na dinala sa akin ng bampira na iyon.

"Ivan gave you so much power, Kisha. The power that you can use against Van Walker."

Napatigil naman ako sa pagkain at itinuon ang atensyon kay Lolo. "With the power you're telling me, I can kill Van with that?" Hindi ko mapigilang mapangisi. I want to use the power na kanina pa sinasabi ni Ivan. Wala akong interes na tanungin sa kaniya kasi naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Yes. You can beat him into a pulp. You can annihilate the whole Vampire Clan with your power," nakangiting sabi niya sa akin. "But let me tell you, you are now a Vampire, Kisha."

Nabitawan ko naman ang hawak kong utensil at matalim na tumingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Ayoko mang magalit pero unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng dugo ko. Naramdaman kong parang humahaba ang ngipin ko na halos tumama na sa aking labi at nagkaroon ng kaunting hiwa dahil sa pangil.

"What?! The power you are saying is that I'm a vampire now?! Like those monsters who ruined my life?!"

"Calm down, Kisha," nakangising sabi niya. "Being a vampire is the only way you can beat someone like him. Don't worry, we assure you that you are more powerful than him."

Wala na akong nagawa kundi ang makinig sa kaniya at tanggapin ang sinabi niya. I knew it, that's why I felt weird but it's not a bad thing, right? I can surpass Van's power and I can beat him. That's the only thing I want to do. To make him feel the pain I've suffered.

"You don't remember anything do you?"

"Wala akong maalala kahit ano. Why? Do I need to remember something important?"

Uminom siya ng hawak niyang wine. "Nothing. We will make our first move"

"Kasama na ba ako riyan?"

Gusto kong harapin ang mga bampirang 'yon. Ano kayang magiging reaksyon ni Van kapag nakita ako? Iniisip ko pa lang napupuno na ako ng excitement.

"Oo naman kaya maghanda ka na."

"Nice." I licked my lips and smirked. "Wait for me, Van Walker, I'll give you the true meaning of hell."

BIGLA akong kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Nandito pa rin kami sa bulwagan at pinagpaplanuhan kung paano mababawi si Kisha sa mga Vampire Hunter. Nauubusan na kami ng oras, paano kapag naiturok na pala sa kaniya 'yung mga dugo? Paano kapag tuluyan na siyang naging kakampi ng kalaban? Hindi ko yata kakayaning makita na nakatayo siya sa katabi ng mga tunay na kabalan kaysa nakatayo sa tabi ko. Ano ba kasing katangahan ang ginawa ko?

"Madaming pasikot-sikot ang base ng mga Vampire Hunter. Sa first floor ay wala kang makikita kundi mga kainan lamang na para bang normal na building lamang iyon sa District 1 pero pagdating mo sa 2nd floor ay doon mo makikita ang mga opisina ng mga hunter, pagdating mo naman sa 3rd floor ay nandoon naman ang mga communication team kung saan sila ang kumukuha ng bawat updates sa lahat ng bagay at sa 4th floor naman ang opisina ng Supreme Commander. Underground naman ang laboratoryo nila at may isang daanan lamang para makapunta roon," paliwanag ni Israel.

Siya ang may alam ng lahat ng ito dahil matagal na niyang pinag-aaralan ang mga Vampire Hunter. Ang laki ng naitutulong niya sa amin lalo na ngayon na siya lang ang may alam kung paano kami makakapasok at makakalabas sa base ng mga Vampire Hunter.

"Ang daanan na yun ay makikita sa pinakadulong bahagi ng 1st floor kung saan may isang pinto roon na kapag binuksan mo ay may maliit na kwarto sa loob. Meron doong malaking carpet sa sahig at kapag inalis mo iyon ay may pinto na bubuksan papunta sa ibaba."

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?" tanong ni Farrah.

"Matagal na akong nag-iimbestiga sa kanila, hindi ba? Marami na rin ako mga naging kakamping Vampire Hunter at sila ang tagabigay ko ng impormasyon at nu'ng hindi ko na sila kailangan ay kinitil ko na ang buhay nila. Labag man sa loob ko pero kailangan ko iyong gawin dahil baka mabuko ako sa aking ginagawa." Tumango na lamang kami sa kaniyang sinabi at hinayaan siyang magpatuloy. "Sa ilalim noon ay may iba't-ibang laboratory at ang pinakamalaking laboratory roon ay tinatawag nilang Main Laboratory kung saan doon isinasagawa ang lahat ng mabibigat na eksperimento nila."

"Pero paano natin mapapasok 'yun na hindi tayo nakikita?" tanong naman ni Yatriv.

"Simple lang. Anong silbi ng pagdidisguise, hindi ba? Kailangan nating magpanggap na mga empleyado tayo sa lugar na 'yun at isa-isa tayong papasok sa loob ng laboratory at kapag nagawa natin 'yun ay sabay-sabay na nating pupuntahan si Kisha."

"Hindi ba para namang ang hirap no'n? Bakit hindi na lamang natin 'agad sila sugudin?" sabi naman ni Dave.

"Gago ka ba? Base nila 'yung susugudin natin kaya sobrang dami nila! At saka hindi ka ba nakikinig?! May mga armas silang pwede kang gawing mortal!" Binatukan ni Jenessa si Dave.

"Magtatalo na naman kayong dalawa. Tumigil na nga kayo," suway ko kina Dave at Jenessa. Ang dalawang 'to talaga hindi na tumigil sa pag-aaway. "Pero tama ang sinabi ni Dave, hindi ba para namang ang hirap nu'ng kung isa-isa pa tayong papasok?"

"Hindi tayo pwedeng sabay-sabay na pumasok doon dahil mahuhuli nila tayo at saka wala na rin tayong ibang paraan kundi ang gawin ang sinasabi ko. Tutal naman, hindi man sa pagyayabang, ay may malalakas tayong kakampi lalo na't kakampi na natin sina Wade at Victoria."

Napatango naman ako sa sinabi niya. Isang malaking dagdag sa amin si Wade at Victoria. Bukod sa kumpleto na ang buong Vampire Clan, hindi basta-basta ang kapangyarihan ni Wade na acid.

"Ano na ngayon ang gagawin natin? Nag-aalala na talaga ako kay Kisha," sabi ni Jullia.

Inakbayan siya ni Israel. "Kailangan na taing umaksyon ngayon na."

"Pakiramdam ko ay huli na tayo."

Napatingin naman kaming lahat kay Jack na hawak ang laptop niya at may kung anong tinitingnan.

Lumapit naman kaming lahat sa kaniya at tiningnan kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

"Noong pinapaimbestigahan sa akin ni Israel ang laboratory ng mga Vampire Hunter, ang Main Laboratory ay nag-iwan ako ng isang CCTV device at kinonekta ko ito sa laptop ko at ito ang nakuha ko."

Inilapag niya sa lamesa ang laptop niya at kitang-kita rito ang isang babae na dahan-dahang tumayo at naikuyom ko ang aking palad.

"Kisha," nasambit ko na lamang.

Kausap niya sa video si Ivan at sa kisap ng mata ay nasa harapan na 'agad siya ni Ivan. Nagulat kaming lahat sa sunod naming napanood. Itinaas ni Kisha si Ivan gamit ang isang kamay lamang at pagkatapos noon ay hindi na siya nahagip ng camera.

Napaupo na lamang ako na para bang tinangay lahat ng enerhiya ko sa katawan.

Naisabunot ko na lang ang aking kamay sa aking buhok at hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mata.

"Anong ginawa nila sa 'yo, Kisha?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com