Chapter 47
Chapter 47
Vampire Tribe
"Parang awa niyo na po! Ayoko pang mamatay!"
Hindi siya pinakinggan ng babaeng bampira. Kinagat niya ang lalake sa leeg at inubos ang dugo nito. Matapos ng kaniyang hapunan ay pinunasan niya ang dugong tumulo mula sa labi niya gamit ang likod ng palad niya.
"Worthless humans. They all deserve to be my meal everyday," malamig na sabi nito habang nakatingin sa lalakeng kulu-kulubot na ang balat dahil sa kawalan ng dugo.
Naglakad siya papunta sa ilalim ng puno. Nandito siya sa parke at pinagmasdan niya ang bilog na buwan.
"Nandito ka lang pala, Kisha." Napalingon naman siya at nakita si Ivan na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. "Done on your meal?"
She clicked her tongue. "What do you want? I don't need a dog, Ivan. I can handle myself," mapang-uyam na sabi nito.
Napailing naman si Ivan at lumapit sa kaniya. "I know. Masyado akong gwapo para maging aso mo at isa pa, kaya nga kita ginawang malakas ay para maprotektahan mo ang sarili mo."
"Then why are you here?" Natatamaan ng liwanag ng buwan ang suot na pulang damit ni Kisha pati na rin ang blonde niyang buhok. Mukha siyang Dyosa sa ilalim ng buwan isama pa ang maputi niyang balat at mapupula niyang mga mata.
"I just want to ask if you're prepared for the attack we will do tomorrow." Sumandal si Ivan sa puno at sinindihan ang kaniyang sigarilyo. "You will see him again. What do you feel?" Hinintay ni Ivan ang magiging sagot ni Kisha pero iba ang nakuha niyang sagot dito.
"I missed him."
"What?!" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Ivan. Baka hindi gaanong successful ang experiment. Baka may parte pa rin si Van sa puso ni Kisha. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa magiging sagot sa mga katanungan sa isip niya. Napakaraming gabing hindi natutulog, mga paghihirap at sakripisyo niya para lang maisagawa ang eksperimento at ganito lang ang makukuha niya sa huli?
Pero biglang umihip ang hangin at nasa harapan na niya ang dalaga. "Kidding," nakangising sabi nito. "I don't feel anything except hatred and urge to kill him. In fact, I can't wait to see his reaction when he sees me."
Nakahinga naman nang maluwag si Ivan. Napamura na lang siya sa isipan dahil sa ginawa ng dalaga. Akala niya talaga ay hindi siya nagtagumpay. Napangisi na lang din siya kalaunan.
"Hinahanap ka na nga pala ng Supreme Commander," Bumunot siya ng pangalawa niyang sigarilyo. Gustong kausapin ng Supreme Commander si Kisha tungkol sa pag-inom nito ng dugo ng mga tao. Napapadalas na kasi ang pagpatay ni Kisha sa mga inosenteng tao at lumalaganap na naman ang takot sa mga tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na may mga nilalang na kagaya ng bampira na nabubuhay sa mundo.
"Bakit naman?" Kinuha ni Kisha ang sigarilyo sa kamay ni Ivan at siya ang nagsindi nito. Sumandal muli si Kisha sa puno at ibinuga ang usok mula sa kaniyang bibig.
"Gusto ka niyang makausap tungkol sa isang bagay."
Hindi na nagsalita pa si Kisha at nauna ng lumakad. Nawala naman siya 'agad sa paningin ni Ivan kaya wala nang nagawa si Ivan kung hindi ang sumakay sa kaniyang sasakyan at pumunta na muli sa mansyon ng mga Raven.
IPINIKIT ko ang aking mga mata at hinayaan na tumama sa akin ang liwanag na nanggagaling sa buwan. Napabuntong hininga ako at paulit-ulit sa aking isipan ang aking napanood sa laptop ni Jack. Nahuli na kami, nagbago na siya at hindi na siya ang Kisha na minahal ko. Hindi niya magagawang manakal ng tao at hindi siya ganoong kalakas para makabuhat ng isang lalake. Isa lamang ang ibig sabihin no'n, nagtagumpay sila.
"Lagi mong tatandaan, Van, na lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan." Napabangon naman ako bigla at nakita si Lolo G na nakasandal sa amba ng pintuan. Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa gilid ng aking kama. "Huwag mong masyadong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Lahat tayo ay nagkakamali at meron pang paraan para itama ang lahat. Magtiwala ka lang sa iyong sarili at sa iyong kakayahan."
"Pero kasalanan ko naman talaga. Kung sana hindi ako naging tanga hindi mangyayari kay Kisha ang lahat ng ito. Kundi dahil sa maling desisyon ko hindi aabot sa punto na nagbago siya."
Siguradong pinagsisisihan na ni Kisha na nakilala niya ako. Kung hindi naman kasi ako dumating sa buhay niya ay hindi mangyayari ito sa kaniya. Tahimik sana ang buhay niya kung hindi niya ako nakilala. Wala na yata akong mabuting maiidulot sa mga taong nagmamahal sa akin.
"Walang magagawa ang pagsisi mo sa sarili mo apo. Ang tanging maipapayo ko lamang sa 'yo ay tatagan mo ang iyong loob at ibalik mo si Kisha kung saan siya nararapat at alam mo kung saan iyon. Sundin mo ang puso mo pero gamitin mo ang isip mo sa mga desisyong gagawin mo." Tumayo na si Lolo G at ginulo-gulo ang buhok ko. "Sigurado akong ipinagmamalaki ka ng iyong ama at ina dahil lumaki ka ng ganyan Van. Lagi mong tandaan na maraming nagmamahal sa 'yo. Nandito lang kami para tulungan ka at huwag mong sarilinin ang problema."
"Ang cheesy mo Lolo. Nakakadiri," pabiro kong sabi sa kaniya.
"Puwede na bang pangtelenovela? Try ko kayang mag-audition sa CNA?"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Sige na. Magpahinga ka na dahil madami pa tayong gagawin bukas."
Lumabas na siya ng aking kwarto at naiwan na naman akong mag-isa. Napatingin ako sa kabilang bahagi ng kama kung saan nakahiga noon si Kisha. 'Yung mga panahon na sobrang saya pa naming dalawa kasi wala kaming inaalalang problema. Miss na miss ko na siya, lalo na 'yung mga ngiti niya at 'yung tawa niya. Lahat ng bagay tungkol sa kaniya namimiss ko na. Gusto ko na siyang bumalik sa 'kin.
Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumakatok.
"Pasok," sabi ko na lang at 'agad namang bumukas ang pinto. Pumasok sina Jack at Jick kasunod sina Israel, Jullia, Wade, Victoria at Farrah. Bakit parang dinadalaw nila ako? Mukha ba akong pasyente? "Bakit kayo naparito?"
"Kailangan na nating kumilos, Van. Totoo na ito, may nakalap kaming impormasyon na balak nang sumugod ng mga Vampire Hunter."
Naalerto ang buong sistema ko dahil sa sinabi ni Israel. Kung balak nilang sumugod, ibig sabihin ba no'n kasama na nila si Kisha?
"Siguradong madami sila. Hindi naman sila susugod ng kakaunti ang mga bitbit nilang hunters. Kailangan nating humingi ng tulong sa mga iba't-ibang clan. Hindi natin kakayanin kung tayo-tayo lamang ang makikipaglaban," sabi ni Victoria.
Tumayo ako at pumunta sa aking closet. Kumuha ako ng leather jacket at inayos ang aking sarili bago humarap sa kanila.
"Kung ganoon ay kumilos na tayo para bago sumikat ang araw ay maipon na natin ang bawat bampira sa sulok ng mundo," sabi ko sa kanila.
"Pero hindi kakayanin ng isang gabi ang paghahanap ng mga kakampi." Binalot ng pag-aalala ang mukha ni Farrah.
"Kasama naman nating ang mga representatives, hindi ba? Magtiwala lang kayo sa 'kin, bukas na bukas din ay handa na tayong lumaban." Tumingin ako sa bilog na buwan mula sa malaking bintana. "Kayo na ang bahala sa ibang lahi ng bampira at ako naman ang bahalang makipagkasundo sa mga Vampire Tribe."
NAKASAKAY ako sa aking kotse at papunta ako sa lugar kung saan nakatira ang isa pang angkan ng mga bampira. Hindi sila kabilang sa listahan ng labing-anim na clan dahil noon pa lamang ay ayaw na nilang sumali sa gulo. Gusto lang nilang mamuhay ng tahimik sa kabundukan. Wala pang nangangahas na makipag-usap sa kanila o makipag-ugnayan sa kanila dahil hindi sila ang mga klase ng bampira na handang makipagtulungan sa mga katulad nilang bampira.
Sila ang Vampire Tribe.
Malaki ang populasyon nila at hindi rin basta ang kapangyarihan nila. May abilidad silang kontrolin ang kalikasan. Kaya nilang magpagalaw ng mga dahon, kaya nilang pakilusin ang mga ugat, kaya rin nilang pasunudin ang mga hayop. At kung magiging katulong namin sila ay malaki rin ang magiging advantage namin sa kalaban. Pero hindi gaanong kadaling kuhanin ang loob nila.
Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating na rin ako sa paanan ng bundok kung saan silang lahat nakatira. Ang kabuuan ng bundok na ito ay sa kanila at ang tanging ang Vampire Tribe lamang ang nakatira rito. Mas pinili kong mag-isang pumunta rito dahil madali nilang namimisinterpret ang mga bagay. Baka akalain nilang kaya ako nagpunta rito ay maghamon ng laban kapag nagsama ako ng madami kaya mas mabuti kung ako na lamang. At isa pa kilala na rin naman nila ako bilang Legendary Vampire.
Nagsimula na akong maglakad, pinapakiramdaman ko rin ang aking paligid. Alam kong alam na nilang nandito ako, nasa paligid lamang sila at tahimik na nagmamasid sa akin. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad nang makaramdam ako ng paparating mula sa aking likod. 'Agad naman akong umiwas at nakita ang isang pana na nakatusok sa puno.
Inilibot ko ang aking tingin sa aking paligid upang hanapin ang pumana sa akin pero wala akong mahanap. Nandito nga pala ako sa teritoryo nila kaya mas madali para sa kanila ang kumilos. Tumuloy lamang ako sa paglakad nang maramdamang mas madami ang paparating sa akin. Mabilis akong umiwas at tumalon ako paakyat sa may sanga ng puno. Mas naging alerto ako ngayon at mas malinaw ko nang nakikita ang kagubatan.
Muli kong inilibot ang tingin sa paligid at nakita ko ang isa na nakatago sa likudan ng malaking puno pero pinigilan ko ang aking sarili na puntahan siya. Hindi dapat ako magpadalos-dalos sa aking galaw, kailangan kong ipakita na maganda ang intensyon ko sa kanila kaya bumaba ako sa puno at nagsimula na ulit lumakad. Iniilagan ko na lamang ang panang dumadating sa direksyon ko pati na rin ang mga patibong.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag-akyat sa bundok nang makarinig ako ng mga pagsipol na parang ibon at wala pang ilang segundo ay nakapalibot na silang lahat sa akin. May mga hawak na pana 'yung iba, ang iba naman ay may hawak na sibat at palakol. Mapupula ang kanilang mga mata at walang ekspresyon silang nakatingin sa akin. Dahil isa silang tribo, tanging ang suot lamang ng mga lalake ay bahag at puno ng tattoo ang kanilang mga katawan at ang mga babae naman ay nakasuot na pang-amazona.
"Ano ang ipinunta mo rito, Legendary Vampire? Ang lakas naman ng loob mo na pumasok sa aming teritoryo ng walang pahintulot," sabi ng isang miyembro ng tribo na may malaking katawan. Sa mga nakapalibot sa akin, siya ang pinakamalaki at may pinakamadaming tattoo. Maaari kayang siya ang pinuno ng tribo?
"Ipagpaumanhin mo ang pagpasok ko rito na hindi man lang nagpapaalam. Gusto ko lamang makipag-usap sayo. Ikaw ang pinuno rito, hindi ba?"
"Nagkakamali ka, hindi ako ang pinuno ng tribong ito. Ako ang kaniyang kanang kamay," sabi niya na hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. "Bakit gusto mo siyang makausap?"
"Maaari mo ba akong dalhin sa kaniya? Napakaimportante lamang ng aking sasabihin. Kailangan ko ng kaniyang tulong." Hinintay ko ang magiging sagot niya. Masyadong pormal ang kaniyang pagsasalita kaya pati pagsasalita ko nagiging pormal na rin.
"Sumunod ka sa akin."
Nagulat ako nang pumayag siya kaagad pero 'agad naman din akong sumunod. Sabi kasi ng karamihan ay mahirap kuhanin ang tiwala nila. Sila ang Woodland Tribe, ang kaisa-isang lahi ng mga tribong bampira. Hindi nila basta-basta hinahayaan ang mga bampira sa ibang clan na pumasok sa teritoryo nila.
Nakarating na kami sa kung saan nakatayo ang mga kabahayan nila. Ang daming nakatayong kubo at tama nga ang sabi nila, madami ang populasyon nila rito. Kung tutuusin ay mukhang mga simple lamang silang tribo pero mahahalata mo sa mapuputla nilang balat at mapupula nilang mga mata na mga bampira sila.
Sa kalagitnaan ay nakatayo ang pinakamalaking kubo sa lahat, marahil ay ito ang tirahan ng pinuno nila.
"Iyon ang tirahan ng aming pinuno." Itinuro niya ang malaking kubo.
Lumakad siya papunta roon kaya sumunod ako sa kaniya. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong ako ng amoy ng nilulutong karne at sa pinakadulo ng kubo ay may isang malaking upuan at sa magkabilang tabi nito ay may dalawang babae na nagpapaypay gamit ang malaking dahon. Nakaupo naman sa malaking upuan ay isang babae na may mahaba at blonde na buhok na nagkukulay puti. Nakasuot siya ng puting dress at nababalot ng gold na alahas ang mga braso niya.
"Siya ba ang pinuno niyo?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya sa akin.
Lumakad siya papalapit sa trono ng kanilang pinuno at habang palapit ako ay mas nakikita ko ang mukha niya.
"Mahal na pinuno, ipagpaumanhin niyo ang aking pag-istorbo pero nandito po ang Legendary Vampire para makausap kayo. Patawarin niyo po ako at dinala ko siya rito pero sa tingin ko naman po ay gusto niyo siyang makausap." Nakaluhod ang isa niyang tuhod at nakatungo. Nakatingin naman sa kaniya ang babae na walang ekspresyon sa mukha, hindi ba uso sa kanila ang facial expression?
"Maaari ka ng tumayo, Reese. Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin. Maaari mo na kaming iwan." Tumayo si Reese at umalis na.
Napatingin naman ako sa babae na nakatingin na rin pala sa akin ngayon. Nagbow lamang ako sa kaniya.
"Ako nga pala si Van Rei Isaac Fenier Walker, ang Legendary Vampire. Nandito ako para humingi ng tulong. Nagkakagulo na sa pagitan ng Vampire Clan at Vampire Hunter Clan na baka magbunga ng isang Great War. Kailangan namin ng inyong pwersa para madepensahan ang ating lahi mula sa kabilang panig."
Napataas ang isa niyang kilay at tumawa na para bang nang-aasar. Nakaramdam ako ng inis sa kung paano siya tumawa. Parang pinapalabas niya na nagbibiro ako.
"Ang lakas naman ng loob mo para humingi ng tulong mula sa aking tribo. Alam kong alam mo na hindi kami sumasali sa mga ganyang gulo. Eh, ano kung magkaroon ng Great War? Wala na kaming pakealam pa riyan dahil noon pa lamang, ang Woodland Tribe ay walang pakealam sa mga digmaang nagaganap sa pagitan ng dalawang panig."
"Pero kailangan namin ng tulong niyo. Malaki ang maitutulong niyo sa amin dahil hindi pa sapat ang bilang namin para harapin ang mga kalaban. Kahit ngayon lang, humihingi ako ng tulong mula sa inyo. Hindi man sa ngayon pero sa susunod na may mangyayaring labanan. Hindi ko inaasahan ang tulong niyo sa ngayon pero sana magbago ang isip mo at tulungan mo kami."
"Paano kita tutulungan kung ang sarili mong kakayahan ay hindi mo pa alam? Ikaw ang huling Legendary Vampire at ayon sa ating mga ninuno, ang huling Legendary Vampire ay magdadala ng sobrang kapangyarihan at ito ang pinaghalo-halong kapangyarihan ng lahat ng angkan ng bampira. Alam mo naman siguro ang tungkol doon pero hindi mo pa alam kung paano mo gagamitin." Tumayo siya at inabot ang baso na may lamang dugo. "Paano ko ipagkakatiwala ang aking buong tribo at ang aking tulong sa 'yo kung ikaw mismo ay hindi pa ganoong kalakas para madepensahan kami?"
"Bigyan niyo ako ng panahon pero sana matulungan mo ako. Alam kong hindi pa sapat ang aking pagsasanay sa aking kapangyarihan. Alam ko ring hindi pa ako ganoong kalakas para lumaban pero kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang angkan ng mga bampira dahil 'yun ang aking tungkulin."
"Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita matutulungan. Ilang libong taon kaming nakatigil lamang dito sa kabundukan at mananatili kaming ganito habangbuhay. Ayaw namin sa magugulong pangyayari at ayaw naming may mapapahamak sa amin."
"Pero sa tingin mo ba hahayaan din kayong mabuhay nga mga Vampire Hunter kapag natalo nila kami? Oras na malaman nilang meron pa palang tribong natitira sa kabundukang ito hindi sila titigil hanggang sa hindi kayo nauubos." Tumalikod na ako sa kaniya pero bago pa ako lumakad palabas ay may sinabi pa ako. "Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, mahal na pinuno. Pero bago ako umalis, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Teresse Woodland."
"Kinagagalak kitang makilala at makausap, Queen Teresse"
'Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ako ng kubo. Sinalubong naman ako ni Reese. Biglang napakunot ang noo ko nang marealize kong magkatunog ang pangalan ni Teresse at Reese.
Hindi tulad kanina wala siyang ekspresyon, may pagtatanong sa mga mata niya.
"Kapatid ka ba ni Teresse?" tanong ko sa kaniya.
"Oo. Nalaman mo siguro sa pamamagitan ng aming pangalan."
"Tama ka. Salamat nga pala sa pagdadala mo sa akin dito pero kailangan ko nang umalis. Hindi pumayag ang pinuno na tulungan kami pero sana magbago pa ang isip niya." Ngumiti ako sa kaniya at tumango lamang siya sa akin.
Babalik na ulit ako sa District. Hindi ko alam kung may napala ang pagpunta ko rito o wala pero sana nga magbago pa ang isip niya. Meron pa akong kaunting oras para magsanay ng aking kapangyarihan. Ngayong alam ko na kung ano ang mga kapangyarihang nakapaloob sa akin, hindi na naman siguro ako mahihirapan sa pagsasanay.
Hintayin mo lang ako, Kisha, ibabalik kita sa dati at magiging akin ka ulit kahit ano pa ang mangyari.
"Ang bilis yatang lumaki ni baby Savannah?" sabi ni Patrick habang pinagmamasdang matulog si Savannah.
Lumipat na ulit kami ng matitirahan. Buti na lang at madaming bahay itong si Patrick. Mas malayo na kami ngayon sa mga taong gustong kumuha kay Savannah. Mukhang hindi pa naireport ni Hermes ang tungkol kay Savannah. Ngayon ay mas lalong hindi na niya 'yon magagawa dahil patay na siya. Parang may force field na bumalot kay Savannah at kung anong lakas ng atake mo rito ay ganuo' din kalakas ang babalik sa 'yo o mas doble pa.
"Ganoon talaga. Mabilis ang development ng mga bampira."
Ilang linggo pa lang ang nakakalipas pero ang bilis lumaki ni Savannah. Siguradong sa isang linggo ay kasing-laki ng isang 1-year old na bata. Natatakot ako sa paglaki niya, wala siyang kikilalaning ina, wala rin siyang kikilalaning tunay na ama.
"Hanggang kailan mo siya aalagaan? Iniwan mo ang tungkulin mo sa District at hindi ka man lang nagsabi ng palusot o ano. Mas lalo ka nilang hahanapin niyan."
Pinaglaruan niya ang pacifier ni Savannah at akmang isusubo na naman kaya 'agad kong tinampal ang kamay niya. Ang hilig niya talagang magtesting ng mga bagay-bagay na halos nagmumukha na siyang tanga.
"Hanggat hindi maayos ang lahat hindi ko siya ibabalik sa lugar na iyon. Let's pray for the better. Alam kong madami pang mangyayaring hindi maganda kaya mas mabuti kung nandito siya sa malayong lugar at hindi ko siya iiwan. Ako na lang ang maaaring mag-alaga sa kaniya at para ito kay Kisha."
"Lakas talaga ng tama mo kay Louise, ano? Mga bata pa lang tayo mahal na mahal mo na 'yun, eh, tapos anyare? Sa bampira nagkagusto! Sakit no'n, pre, 'no?" Taas-baba ang kanyang kilay na para bang nang-aasar pa.
Binatukan ko siya. "Gago."
"Aray naman! Kailangan ba laging may batok?!"
Gusto ko siyang gilitan dahil sa lakas ng boses niya. Nagising na naman si Savannah, ang hirap-hirap na ngang patulugin dahil sobrang hyper tapos nagising dahil sa kaingayan ng gagong 'to. Nilapitan ko si Savannah at tumabi sa kaniya. Nilaro ko ang maliit niyang kamay.
"Da....da..."
Nagkatinginan kami ni Patrick at parehong nanlalaki ang mga mata naming dalawa.
"Tiyanak ba 'yan at nakakapagsalita na?! Cross! Nag-alaga ka ng tiyanak–" Hindi na niya naituloy ang pag-iingay niya nang sapakan ko ng tsupon ang bibig niya. Sisigaw na naman siya nang sisigaw, kaya umiiyak si Savannah, eh.
"Ulitin mo nga, baby. What did you say? You say Dada?" nangingiting sabi ko. Alam kong weird ito dahil wala pang ilang buwan nakakapagsalita na at ang bilis nga niyang lumaki. Hindi na kataka-takang may lahi nga siyang bampira.
"Da....da...Ma...ma..." Itinaas niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking mukha. She giggled and stared at me with her brown eyes. Habang natagal nagiging kamukha na siya ni Kisha. Ngayon mas malinaw na kung ano ang mga nakuha niya sa kanyang ina. 'Yung mga mata niya ay nakuha niya kay Kisha pati na tin ang ilong niya, ang labi naman niya, sa kasamaang palad ay nakuha niya kay Van.
"Ang galing naman ni baby!" sabi ni Patrick at nagmake face na naman na siya namang ikinatuwa ni Savannah.
Tumayo ako at kinuha ang tsupon ni Savannah para ipagtimpla ng gatas, mamaya gutom na 'yan dahil sa katatawa.
Sinimulan ko ng timplahan ang bote ng gatas niya.
"Savannah, ano 'yan?!"
Handa na sana akong batuhin si Patrick ng lata ng gatas dahil sa pagsigaw niya pero pagharap ko ay nakita ko si Savannah na nakataas ang kamay at sa kaniyang palad ay may kulay itim na bilog na napapalibutan ng pulang aura. Mukha pa siyang manghang-mangha sa nakikita niya sa kamay niya dahil nakangiti pa siya. Lumayo si Patrick at tumakbo palapit sa 'kin.
"Bakit may ganyan si Savannah? Ano bang nangyayari?"
Nilapitan ko si Savannah at hinawakan ang braso niya. Sinubukan kong hawakan ang bilog sa palad niya gamit ang aking hintuturo at may dumaloy na kuryente sa daliri ko nang hawakan ko iyon kaya 'agad kong inilayo ang aking daliri.
Si Savannah nga yata ang binabanggit sa huling kabanata ng libro ni Dad.
Mukhang mas may malaking problema pang dadating.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com