Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Chapter 48

Battle Between the Two of Us

Nagtipon-tipon ang lahat ng Vampire Hunter sa kanilang base at nakahanda na para sumugod sa mga nilalang na mortal na nilang kaaway noon pa lamang. Kampante sila sa kanilang sarili na mananalo sila dahil may alas silang nasisisigurado nilang mahirap talunin. At 'yun ay walang iba kung hindi si Kisha.

"Damn it. Hindi pa ba tayo aalis?" iritadong sabi nito habang nakasandal sa kaniyang kotse at ineexamine ang kaniyang pulang kuko. Tiningnan niya nang masama si Ivan na nagbibilin ng kung anong gagawin kapag nagsimula na ang laban. "Hey douche, alam na nila ang gagawin. They don't need your senseless commands."

"For Pete's sake, Kisha, just shut up, okay? Hindi lang ito basta-bastang laro na kapag natalo ka ay puwede mong kalimutan. This can be the Great War, you know?" iritado din naman siyang sinagot ni Ivan na sa tingin niya ay hindi na dapat niya ginawa dahil ibang Kisha na nga pala ang nasa harapan niya ngayon. Kung dati ay matatanggap niya ang mga ganitong pananalita sa kaniya, ngayon ay hindi na.

Gaya ng palagi niyang ginagawa ay wala pang ilang segundo ay nasa harapan na niya ito. Hinawakan ni Kisha ang kwelyo ni Ivan.

"You're the one that needs to shut up you, f*cking *sshole. Don't tell me what to do because I can think and do better than you so if you don't want to lie lifeless on the ground you should think before you speak," she spat in anger.

Patulak niyang binitawan ang kwelyo ni Ivan at malakas na napatama ang likod niya sa kaniyang sasakyan na siya namang naging sanhi ng pag-alarm nito. Lumakad na si Kisha papunta sa kaniyang kotse at bago siya sumakay ay inilibot niya ang tingin sa daan-daang hunter na nakatingin sa kaniya ngayon.

"Tatanga na lang ba kayo riyan? Baka gusto niyong kumilos para masimulan na natin ang laban?" mataray na sabi niya at dali-dali namang nagsisakayan ang mga hunters sa kani-kanilang sasakyan dahil na tin sa takot nila kay Kisha.

Sa salita pa lang niya ay nagagawa na niyang takutin ang nasa paligid niya, kahit hindi siya gumagamit ng kapangyarihan kitang-kita mo pa rin kung gaano siya kalakas. Ang tindig niya'y hindi na katulad dati. Now, she is a woman with so much power that nobody knows who can defeat.

Sumakay na si Kisha sa kaniyang kotse at pinaharurot na ito. At sa kalagitnaan ng pagpapatakbo ng kotse niya ay napakagat siya ng labi.

"So where's the location of the battlefield?" she muttered to herself.

[You're in the wrong way.] Nadinig niya ang nang-uuyam na tawa ni Ivan mula sa kabilang linya. Napahawak na lang si Kisha ng mahigpit sa telepono niya.

"Shut the hell up, Ivan Crone. Sabihin mo na lang sa 'kin kung saan natin sila kakalabanin."

[Sa Council,] sabi nito at hindi na hinayaan pa ni Kisha na makapagsalita itong muli. Ibinaba na niya ang telepono at nagsimula na mag-U-turn. Tinahak na niya ang daan papunta sa Council.

Sa kabilang banda naman ay pasensyadong naghihintay ang mga bampira sa pagdating ng kanilang mga kalaban. Hindi lamang si Van, ang Nobles at Representatives ang nandito kundi pati na rin ang mga bampira galing mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Sa loob lamang ng isang gabi ay natipon nila ang mga ito kahit na hindi sila gaanong kadami dahil mahirap hanapin ang iba pa nilang kalahi. Ngunit bigo pa rin si Van na kumbinsihin ang Woodland Tribe, napatunayan niya ito ngayong wala pa rin sila hanggang ngayon.

" 'Wag mong masyadong isipin ang tungkol sa Woodland Tribe dahil hindi naman din basta-basta ang bilang natin ngayon. Buti na lamang at nagawang makabalik ng ibang mga representatives mula sa Europe, at isa pa, nandito na rin si Zick," pagpapagaan naman ni Jack sa loob ni Van.

"Hindi lamang naman 'yan ang iniisip ko, Jack. Maya-maya lamang ay makikita ko na muli si Kisha at hindi ko alam kung handa ba ako sa magiging resulta ng lahat. Handa ba akong makaharap siya ngayong ibang-iba na siya sa Kisha na nakilala natin noon?"

Natahimik si Jack at napaisip din sa sinabi ng kaibigan. Napakalaking parte ni Kisha sa buhay nila kaya masakit para sa kanila ang nangyayari ngayon. Kung noon ay ayaw nila kay Kisha dahil isa siyang tao, habang natagal na nakakasama nila ang dalaga ay mas lalong lumalaki ang puwang nito sa puso nila na halos kaya rin nilang itaya ang buhay nila para sa dalaga. Ganoon na kahalaga ngayon para sa kanila si Kisha at ang makitang nangyayari ito ngayon sa kaniya ay malaking dagok sa kanila.

Lahat ay nakahanda na. Galing pa sa Europe, Japan, Korea, America at Russia ang mga bampirang nandito ngayon at buong puso nilang tinanggap ang alok ng kanilang mga kalahi. Handa silang tumulong sa labanang mangyayari.

"Dala ko ang tatlo kong espada, Brett, ilang dagger ang dala mo?" sabi ni Noi habang hawak ang tatlong katana niya. Kasama sa labanan halos kalahati ng clan ng mga Hidari at gano'n din ang clan ng mga Han.

"May dala akong sampuang dagger pero hindi ko naman balak gamitin lahat, maliban na lang kung talagang kailangan," sagot niya. Kung titingnan ay para bang naglalaro lamang sila pero ang totoo, kasama rin silang makikipaglaban.

"Sana bumalik na sa dati si Ate Kisha," malungkot na sabi ni Noi.

"Kaya nga tayo makikipaglaban para mabawi si Ate Kisha, 'di ba? Talunin natin sila at ibalik si Ate Kisha sa atin dahil alam kong kahit may lahi siyang Hunter ay sa atin pa rin siya nababagay," nakangiting sabi ni Brett.

Naalarma sila nang maramdaman nila na may paparating.

"Humanda na kayo! Paparating na sila!" sabi ni Van at pumwesto na siya sa gitna. Luminya na sila at humanda na sa pagdating ng kalaban. Dito na magsisimula.

Wala pang ilang minuto ay dumating na nga ang mga hunter dala ang kani-kanilang mga sasakyan. Pumarada sila hindi kalayuan sa mga bampira at isa-isa silang bumaba. Lahat ay alerto sa kani-kanilang kilos at tinitingnan ang bawat paggalaw ng isa't-isa. Nakalabas na ang lahat ng mga hunter pero may isa pa silang hindi nakikita na inaasahan nilang dadating ngayon. Lahat sila ay naghihintay sa pagdating ni Kisha ngunit hindi yata siya kasama rito.

"Mukhang hindi yata nila isinama si Kisha," sambit ni Israel.

"Mas mabuti kung ganoon." Napabuntong hininga naman si Van. Dahil kung sakaling nandito si Kisha mahihirapan siyang magfocus at kinakabahan siya sa magiging pakikitungo nito sa kaniya kung sakali.

"Akalain mo nga namang handa pala kayo sa pagsugod namin?" nakangising sabi ni Ivan. "At nagsama pa pala kayo ng iba pa."

Inilibot ni Ivan ang tingin sa mga bago nilang kasama. 'Agad na pumula ang kanilang mga mata at humaba ang kanilang mga pangil na para bang handa na lumaban. Kahit kailan ay hindi talaga sila komportable kapag nakakita ng mga hunter, mortal nga talagang magkaaway ang magkabilang panig.

"Ano namang naisip niyo at gusto niyo kaming lusubin?" tanong ni Van habang pinapatunog ang mga buto niya sa kamao.

"Naisip namin na kaya na namin kayong talunin kaya lumusob kami rito," pagmamayabang ni Ivan.

Napangisi naman si Van sa pagiging kampante ni Ivan. Gusto niyang suntukin ang pagmumukha nito para maalis ang ngisi sa labi nito. Sinong mag-aakala na ang matalik na kaibigan pa ni Cross ang babaliktad sa kaniya?

" 'Wag kang masyadong nagtitiwala sa kakayahan niyo baka mamaya kayo pala ang uuwing talo."

Napairap naman sa kawalan si Ivan at itinaas ang kaniyang kamay na siya namang ikinakunot ng noo ni Van. "Pagbilang ko ng sampu, simulan na natin ang laban para magkaalaman na kung sino ba talaga dalawang clan ang pinakamalakas."

Nagsimulang magbilang si Ivan sa kaniyang mga daliri ngunit hindi na niya naituloy ito nang biglang may dumating na humaharurot na pulang sasakyan at pumarada sa pagitan ng dalawang grupo. Lahat sila ay natigilan at hinintay ang paglabas ng kung sinoman ang nasa loob ng sasakyan na iyon. Bampira ba o isang Hunter? 'Yun ang gusto nilang malaman.

Nakatingin silang lahat sa pinto ng sasakyan at nang magbukas ito ay lumabas ang isang dalaga na nakasuot ng salamin, itim na fitted leather black jeans, plain white shirt at black stiletto. Natatamaan ng araw ang blonde niyang buhok na mas lalong nagpatingkad ng kulay nito, kitang-kita rin ang pula niyang mga kuko nang tanggalin niya ang salamin sa kaniyang mata.

"Ah, sorry, I'm late. Magsisimula na ba?" nakangiting sabi nito at pabalik-balik ang tingin sa dalawang grupo.

Nagtama naman ang mata nila ni Van. Napasinghap si Van nang masilayang muli ang babaeng pinakamamahal niya pero 'yung tingin sa kaniya nito ay ibang-iba na hindi tulad ng dati na sa tuwing titingin sa kaniya ang dalaga ay puno ito ng pagmamahal.

"Isang bilang na lang sana magsisimula na. Saan ka ba nanggaling at nahuli ka?" mahinahong tanong ni Ivan kahit iritang-irita na siya kay Kisha dahil sa huling pagdating nito. Hindi naman niya ito mapagtaasan ng boses dahil baka kapag gawin niya ulit 'yun ay maputulan na siya ng ulo.

"Nagkamali ako ng dinaanan. My bad." Marahan siyang tumawa at lumakad papunta sa tabi ni Ivan. Inihagis niya ang susi ng kaniyang kotse sa isang hunter na nakita niya. "Ialis mo 'yung kotse ko riyan sa gitna at 'wag na 'wag mo 'yang gagasgasan dahil oras na magkaroon ng gasgas 'yan dahil sa 'yo, magagasgas din sa 'kin 'yang pagmumukha mol."

Napalunok naman ang hunter at kinakabahang tumango na lamang kay Kisha. Nagmamadali siyang nagtungo sa kotse ni Kisha at inalis ito sa gitna.

Hindi pa rin maialis ni Van ang tingin kay Kisha. Sobrang ganda pa rin niya hanggang ngayon at mas lalo siyang gumaganda pero sa pinakitang asal nito, hindi na siya ang Kisha na minahal niya. Hindi na siya ang Kisha noon na palaging nakangiti, inosente at mahal na mahal siya.

"Bakit ka nagkaganyan, Kisha?" Hindi na mapigilang itanong ni Farrah. Nangingilid ang kaniyang luha at nakakuyom ang kaniyang kamao. Inaamin niyang hindi niya gusto si Kisha noon pero ngayon, tinuring niya na rin itong parang kapatid. Hindi niya gusto ang mga pinapakita nito

Tumingin sa kaniya si Kisha at umasa na may katiting na emosyon siyang makukuha pero walang ekspresyon ang dalaga. Tinaasan siya nito ng kilay at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "And who are you? I don't remember meeting someone like you," malamig na sabi nito.

Nakagat na lamang ni Farrah ang kaniyang labi kahit na gustong-gusto niyang sampalin ng paulit-ulit si Kisha dahil sa ipinapakita nito.

"Kami, Kisha? Hindi mo ba kami naalala? Halos patayin mo kami roon sa smoke bomb tapos sasabihin mo wala kang naaalala?!" sabi naman ni Trey.

"Kahit na halos mamatay kami roon sa smoke bomb na amoy utot na natuwa pa kami sa 'yo dahil ikaw lang ang gumawa samin ng gano'n!" nakangiting sabi ni Tres habang inaalala ang mga nangyari.

"Kung hindi ka lang talaga girlfriend ni Van liligawan na kita, eh!" sabi naman ni Tred at 'agad naman siyang binatukan ng dalawa niyang kapatid.

"Hindi mo na ba kami naaalala, Kisha? Mga kaibigan mo kami!" sabi naman ni Jick habang nakangiti ng malawak. Baka sakaling maalala siya ni Kisha.

"What the hell? Kaibigan? Kayo? I don't remember having vampires as a friend. I hate your kind so how come you're my friend?" natatawang sabi ni Kisha. "Hindi pa ba nating sisimulan? It's getting hot in here." Nauubusan na siya ng pasensya at gusto na niyang makipaglaban. Gusto na niyang kalabanin si Van Walker.

Lahat na sila ay nagsipaghanda sa sinabi ni Kisha. Nabuo na naman ang tensyon sa magkabilang panig at pareho na silang handang lumaban. Muling nagtama ang mga mata nila Van at Kisha. Ang mga tingin ni Van ay puno ng pagmamahal at ang mga tingin naman ni Kisha ay puno ng galit.

Ngumisi si Kisha kay Van na siya namang ikinagulat nito. Hindi alam ni Van kung anong mararamdaman niya pero napangisi na rin siya. Binasa niya ang isip ni Kisha at hindi na siya nagulat sa mababasa niya rito. Gusto siyang patayin ni Kisha dahil sa galit nito sa kaniya, galit dahil iniwan at sinaktan niya ito.

"You're dead," she mouthed and when Ivan shouted the signal they all attacked.

Sa sobrang bilis gumalaw ni Kisha ay nasa harapan na 'agad siya ni Van at mabilis na din namang nakapagpalit sa Legendary Mode si Van. Nagpakawala ng suntok si Kisha pero nasalag ito ni Van.

"Not so fast, lady." Kumindat si Van at mabilis na hinalikan sa pisngi si Kisha. "One point," nakangising sabi nito.

Nakita naman niya ang galit sa mga mata ni Kisha at ang kaninang brown nitong mata ay naging pula. Nabalutan din ng pinaghalong pula at itim na aura ang kaniyang katawan. Naramdaman naman ni Van na umaapoy na ang palad niyag nakahawak sa kamao ni Kisha. Nang tingnan niya ito ay 'yung kamao pala ni Kisha ng umaapoy. Napabitaw siya rito at humakbang siya paatras.

Muling sumugod si Kisha na may apoy sa kamao at mabilis namang iniilagan ni Van ang bawat pag-atake ng dalaga. Nagpalabas naman ng bola ng tubig si Van sa kaniyang palad at ibinato sa nag-aapoy na kamao ni Kisha. Nawala ang apoy pero napalitan naman ito ng kuryente. Bago pa maialis ni Van ang tubig sa kaniyang kamay ay nagbato ng kuryente si Kisha at nakuryente ang buong katawan ni Van.

Hindi niya ininda ang sakit at tinanggap ang kuryenteng dumadaloy sa katawan niya at ginawa niya 'yung paraan para makapaglabas ng malaking boltahe ng kuryente na siya namang ibinato niya sa mga hunters na nakikipaglaban na rin. Naging advantage naman 'yun sa kanila dahil madami-dami ang nabuwis ang buhay dahil sa atake na 'yun.

"Shit!" sambit ni Kisha at muling sumugod sa kaniya na may patusok naman ng yelo sa kamay.

Muli siyang umiwas sa mga pag-atake nito at nang magkaroon siya ng pagkakataon ay gumawa siya ng apoy at tinunaw ang yelo sa kamay ng dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Kisha at hinila papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ito sa noo at ngumisi.

"Two points." Muli siyang kumindat dito at mas lalo namang nagdagdagan ang galit ng dalaga.

"Go to hell, Van Rei Isaac Fenier Walker!"

Sa pagsigaw niya ay biglang humangin ng malakas at mas lalong lumaki ang aura na bumabalot sa kaniyang katawan. Nag-uugat din ang kaniyang mga kamay at tinubuan ito ng mahahabang kuko. Imbis na lens lamang ng mata ang kulay pula ay buong mata ni Kisha ay naging pula na tin. Ito ang unang beses na mangyari ito.

"Will you take me to Heaven instead?" pang-aasar pa ni Van na mas lalo pa ring nakadagdag sa galit niya.

Sumugod si Kisha at nagulat si Van sa bilis nito. Nagpapakawala si Kisha ng mga atake na halos hindi na niya maiwasan. Tunay ngang napakalakas na ni Kisha at may posibilidad na mataasan niya pa ang kapangyarihan ni Van ngunit bigla na lamang may lumabas na kulay berdeng likido sa kamay ni Van at ng lumapat ito sa kamay ni Kisha.

Sumigaw sa sakit ang dalaga at lumayo kay Van. Napahawak siya sa kaniyang kamay at naglalabas ito ng likido na katulad ng lumalabas kay Wade.

"Acid?" Bigla niyang naisip ang mga kapangyarihan ng mga representatives.

Mabilis na lumapit si Van kay Kisha na hindi na nababalutan ng aura ngayon at bumalik na ulit sa normal nitong anyo.

"Ayos ka lang ba?"

Tumingin naman sa kaniya si Kisha. Nanlambot siya dahil 'yung tingin ni Kisha ngayon ay kagaya ng tingin nito sa kaniya noon.

"Masakit, Van." Nangingilid na ang kaniyang luha at doon na tuluyang sumuko si Van. Hinawakan niya ang kamay ni Kisha na napaso ng acid na nanggaling sa kaniya.

"Sorry, Kisha, hindi ko naman gustong saktan ka–" Hindi na naituloy pa ni Van ang gusto niyang sabihin nang biglang mawala ang dalaga sa kaniyang harapan at sa isang segundo ay nasa likudan na niya ito at may hawak na espada na nakalagay sa kaniyang leeg.

"Subukan mong kumilos kundi gigilitan ko ang leeg mo, Van Walker," malamig na sabi nito at tumawa ng marahan. "Tapos ka na ngayon, Legendary Vampire."

ABALA sa pakikipaglaban sa isa't-isa ang magkabilang panig. Unti-unting nauubos ang mga hunter dahil kahit na may dala silang armas na kayang gawing mortal ang isang bampira ay hindi naman nila ito magamit dahil sa malalakas ang mga bampira. Sa tuwing mag-aattempt silang gamitin iyon ay hindi na binibigyan pa ng mga bampira ng pagkakataon ang mga hunter na may masaktan sa kalahi nila.

Sa mga bampira, ayaw nilang may magbubuwis ng buhay na kalahi nila. Sa mga hunter naman, basta manalo sila, wala silang pakealam kung may mabuhay man o may mamatay. Gano'n kalaki ang pagkakaiba nila.

"Kerio tsuke-yoze," sambit ni Noi at ginawa ang final move niya. Habang kagat-kagat ang isa niyang katana at dalawa naman niyang kamay ang may hawak na katana, ginawa niya ang technique niyang kilalang-kilala sa Japan. Sa isang mabilis na galaw ay napatay niya ang sampung hunter na wala pang ilang segundo.

Sunod namang sumugod si Brett Han, tumalon siya at sabay-sabay inihagis ang sampung dagger sa kaniyang kamay na siya namang tumusok sa noo ng sampu ring hunters.

"Ano kayang magandang gawin sa mga 'to?" sabi ni Trey habang nakatingin sa limang hunters na magkakatabi at nakatali sa isa't-isa.

"Itapon kaya natin sa ilog hanggang sa malunod sila?" sagot ni Tred.

"Masyado namang brutal 'yun! Eh, kung patayin na lang natin sila ngayon?"

Binatukan naman nina Trey at Tred si Tres. "Gago! Brutal din 'yun! Patayin na lang natin!"

Nauubos na ang bilang ng mga hunters at nagsimula namang magpanic si Ivan. Pupuntahan na sana siya ni Kisha nang bigla siyang harangan ni Wade Lockhart.

"Where are you going?" Nakangising si Wade habang nilalaro-laro sa kaniyang palad ang bola ng asido. Paatras naman nang paatras si Ivan pero may nabunggo siya sa kaniyang likudan at may humawak sa kaniya rito. Nang tingnan niya ay si Victoria Cray pala na tinraydor niya.

"It's nice to see you agaian, traitor," bulong nito sa kaniyang tainga mula sa kaniyang likod. Mahigpit siya nitong hinawakan at kahit pumalag siya ay hindi siya makaalis. Nagsimula na siyang kabahan. Ito na ba ang katapusan niya? "Payback time."

Inilapit ni Wade ang kamay niyang puno ng asido sa mukha ni Ivan. Nanginginig ang buong katawan ni Ivan at natatakot siya sa puwedeng gawin ni Wade sa kaniya. Baka susunugin ang katawan niya gamit ang asido, hindi niya alam. Ang alam niya lang ngayon ay nanganganib ang buhay niya.

" 'Wag kang mag-alala. Mabilis lang 'to. Masasaktan ka talaga sa una pero hindi mo na rin halos mararamdaman dahil sa sobrang sakit, mamamanhid ka na lang," nakangising sabi ni Ivan at inilapat niya ang kaniyang kamay sa kanang pisngi ni Ivan.

"No! Stop it! I'm begging you!" Nagwawala si Ivan sa sobrang sakit pero hindi pa rin siya binibitawan ni Victoria. Natunaw ang kanang bahagi ng pisngi ni Ivan at natagtag ang kaniyang balat dito. Lumabas ang laman at tumulo ang dugo mula sa sira niyang pisngi. Uulitin sanang muli ni Wade ito sa kabilang pisngi naman ni Ivan pero tinawag siya ni Israel.

"Halos ubos na sila at tumakas na 'yung iba, si Van na lang muna ang problemahin natin."

Binitawan ni Victoria si Ivan at napaluhod ito sa lupa habang nanginginig ang buong katawan. Gusto niyang hawakan ang kaniyang pisngi pero sobrang hapdi nito na para bang pinapatay na siya sa sakit.

Tumingin sila kay Van na may nakalagay na espada sa kaniyang leeg at ang may hawak noon ay si Kisha.

"Sigurado ba siyang kaya niyang patayin si Van?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com