Chapter 49
Chapter 49
Kill Me
"Gusto mo akong patayin, hindi ba? Gawin mo na," nakangiting sabi ni Van. Kita niyang nanginginig ang kamay ni Kisha habang hawak ang espada. Rinig din niya ang mabilis nitong paghinga, indikasyon na kinakabahan din siya.
"Gusto mo na talagang mamatay, ano? Sabagay, 'yun naman dapat talaga ang mangyari sa 'yo at sa buong angkan mo. Hindi na dapat kayo nabubuhay sa mundong 'to. Wala kayong lugar dito dahil para lamang sa mga tao ang mundong ito," puno ng galit na sabi sa kaniya ni Kisha.
Napailing naman si Van sa naririnig niya sa dalaga. "Hindi ka ganyan manalita noon, Kisha. Para sa 'yo lahat ng bagay sa mundo ay pantay-pantay. Hindi mahalaga sa 'yo kung bampira pa o tao ang nasa paligid mo. Hindi ikaw 'yung klase ng tao na papatay dahil sa galit. Nagkaroon ka lang ng malakas na kapangyarihan nagbago ka na? Hanggang saan ka ba makakarating dahil sa kapangyarihang hindi naman talaga dapat sa 'yo?"
"Kahit ano pang sabihin mo, papatayin pa din kita."
Hinawakan ni Van ang espada ni Kisha at humarap dito. Itinutok niya ito sa sarili niyang leeg at tumingin sa mga mata ni Kisha.
"Patayin mo na ako. Binibigyan kita ng permiso na patayin ako."
Hindi makapagsalita si Kisha. Nagtatalo ang isip at puso niya. Hindi niya alam na may puso pa pala siyang kokontra sa gagawin niya. Wala na siyang nararamdaman para kay Van kundi galit lamang pero kumokontra pa rin ang puso niya kahit na isip niya lang naman ang gusto niyang paganahin.
"Kisha, patayin mo na ako, kung 'yun ang ikakapanatag ng loob mo."
Pero binitawan ni Kisha ang espada at hinayaang mahulog ito sa lupa. Itinaas niya ang kaniyang kamay at isang malakas na sampal ang inilapat niya sa pisngi ni Van. Nanginginig pa rin ang kaniyang kamay at 'agad na tumalikod sa binata. Napamura na lamang siya sa kaniyang isipan. Pagkakataon na niyang patayin ang binatang kinamumuhian niya pero hindi niya pa rin nagawa. Huminga siya nang malalim at lumakad na palayo pero napatigil siya nang may kalimutan pa siyang sabihin.
"Hindi muna kita papatayin sa ngayon pero sa susunod na magkita ulit tayo, hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka."
Pinagpatuloy ni Kisha ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa kaniyang kotse at sumakay dito. Hindi na niya pinansin ang mga walang buhay niyang kasamahan at si Ivan na sunog na ang kanang bahagi ng pisngi dahil sa asido ni Wade. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Nang makalayo na siya ay itinigil muna niya ang kaniyang kotse sa isang tabi at iniuntog niya ang kaniyang noo sa manibela ng sasakyan habang mahigpit na nakakapit dito. Paulit-ulit niyang iniuntog ang kaniyang ulo sa manibela habang minumura ang sarili niya dahil sa katangahang ginawa niya. Dapat pinatay niya na si Van, ano nga bang kahibangan ang ginawa niya at hinayaan pa niya itong mabuhay?
"You're so stupid! Damn it, Kisha! You should have killed him! What are you doing?!"
Para siyang baliw na kinakausap ang sarili niya. Sumagi rin sa isip niya ang mga bampirang kumausap sa kaniya kanina. Bakit kung makapagsalita sila parang kilalang-kilala siya ng mga ito? Kahit anong pilit niyang halungkatin ang kaniyang isipan ay wala siyang maalala na kahit ano. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang patayin si Van, kumbaga para siyang robot na nakaprogram lamang sa kaniyang isipan ay kitilin ang buhay ng mga bampira at wala ng iba pa.
Huminga nang malalim si Kisha at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Sa susunod na magkita ulit sila, hindi na siya magpapakatanga at papatayin na talaga niya si Van kahit pa gusto na niyang alisin ang puso niya dahil nagiging hadlang ito sa mga gusto niyang gawin.
"Anak ng! Natulog lang ako ng magdamag paggising ko naglalakad at nagsasalita ka na?!"
Pakiramdam ko'y mahihimatay ako dahil sa batang 'to. Umalis lang si Cross para bumili ng diaper at gatas ni Savannah tapos pinatulog ko muna siya, syempre nakatulog din ako, sobra kasing ganda ng boses ko habang hinehele ko si Savannah kaya pati ako nakatulog, so anyways, 'yon nga paggising ko kinapa-kapa ko 'yung kama at pagkakita ko ay naglalakad na siya.
Nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ay muntik na akong mahimatay nang magsalita siya.
"May bisita ka po."
Oh, mahabaging langit! Mababaliw na yata ako! Sobrang bilis talaga ng development niya. Ngayon kasing laki na siya ng isang 3 years old na bata at naglalakad at nagsasalita na siya. Bumangon na ako at nag-ayos ng aking sarili. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at sinundot ang kaniyang pisngi.
"Siguraduhin mong bampira ka at hindi tiyanak. Naku! Kapag nalaman kong tiyanak ka itatapon talaga kita!"
"T-Tiyanak? What is that?"
"Kabayong bundat e-este...nakakapag-english ka rin?! Hoy, Savannah banana mukhang kutsara at lahat na nagtatapos sa 'a'! 'Wag mo kong kakausapin sa english. My nose will bleeding and I hurt that."
"Just open the door. Someone's waiting for you."
Bumaba muna ako para pagbuksan ang kung sinomang pumipindot sa doorbell.
Narinig ko namang tunog ng tunog ang doorbell. Sino ba kasi 'tong istorbong 'to? At habang pababa ako ng hagdan ay napatigil ako sa gitna. Hindi kaya kalaban ang nasa pintuan? Kabilin-bilinan ni Cross ay huwag akong magpapapasok ng kung sino rito sa bahay dahil hindi namin alam baka isa na pala 'yun sa gustong kumuha kay Savannah. Bago ako pumunta sa pintuan ay kinuha ko 'yung baseball bat at dahan-dahang lumakad palapit. Huminga ako ng malalim at pinihit ko ang doorknob para mabuksan ko na ang pinto.
Nang mabuksan ko na ay 'agad akong umatake.
"Hoy, Patrick! Ano ba?! Masakit! Aray!"
Napatigil naman ako sa paghampas ng baseball bat nang makita ang isang pamilyar na lalake sa aking harapan. Eh? Nasaan 'yung kalaban? Bakit si Venz ang nandito?
"Uy, Venz! Long time no see! Nakita mo ba 'yung kalaban? May nagtangkang pumasok dito, eh! Kanina pa doorbell ng doorbell–ARAY!" Bigla niya akong binatukan. Hindi pa ako tapos magsalita, eh! Bastusan lang?
"Gago ka ba?! Anong kalaban?! Kanina pa ako doorbell ng doorbell na halos mamaga na 'yung daliri ko sa kakapindot tapos pagbukas mo ng pinto hahampasin mo lang ako ng baseball bat?! I so hate you, bro!" sabay suntok sa sikmura ko.
Si Venz Hungria ay kaibigan naming ni Cross. Hunter din siya katulad name.
"Bakit ka ba kasi nagpunta rito?" Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa may living room.
"Tinawagan ko kasi si Cross kanina para mangamusta, ang sabi niya dito raw siya ngayon tumutuloy kaya naisipan kong dumalaw. Nalaman kong wala pala siya rito at alam ko rin na nandito ang anak ng Legendary Vampire. Bilang isang mapagmahal, matulungin, maka-Diyos, maka-tao, maka-bansa, mabait, matiwasay, mapagmalasakit–" Bago pa niya masabi lahat ng salita nagsisimula sa 'ma', pinasakan ko na ng hopia 'yung bibig niya. Ang daldal din nitong kupal na 'to, eh.
"Oo na, oo na, ang dami mo pang sinasabi, eh. Teka nga pala, ano namang trip mo at ganyan ang suot mo?" Nakatuck in 'yung damit niya at nakasuspenders pa siya. Medyo baduy lang?
"Bakit? Ang cute ko kaya!" Pinalobo niya ang pisngi niya at inilagay ang hintuturo niya sa nakalobo niyang pisngi. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Hinampas ko ng throw pillow ang mukha niya para magtigil na siya. "Aray ha! Hoy gago 'to ah! Tss. Nasaan nga pala si baby Savannah? Gusto ko siyang makita."
Kumikislap pa ang mga mata niya. Mahilig kasi siya sa mga bata, malamang kaya napasugod 'yan dito ay dahil nalaman niyang may bata rito.
"Nando'n siya sa taas baka–" Paglingon ko sa hagdan ay kulang na lang mahulog ang panga ko dahil pababa na siya ng hagdan mag-isa.
"Why is he looking for me?" tanong niya at tuluyan nang nakababa sa hagdan. Tumakbo siya papalapit sa amin at umupo sa mahabang couch.
"Siya na ba si Savannah?" Lumapit naman si Venz kay Savannah at ngumiti rito. "Wow. Ang cute mo naman."
She giggled and flipped her hair. "I know."
Hindi man lang siya nagpakipot. Alam ko na kung kanino siya nagmana.
"Mag-ingat ka riyan, pare, tiyanak 'yan. Akalain mong kahapon hindi pa siya nakakalad at nakakapagsalita pero no'ng magising ako kanina, mas magaling pang mag-ingles sa akin at maalam na maglakad!"
"Gago ka ba? Anong tiyanak? Malamang mabilis ang development n'yan kasi bampira siya! Bobo talaga nito."
Napatingin kami kay Savannah nang magsalita siyang muli. "I'm just wondering, who are you guys? Who's my Mom? And who's my Dad?"
Kunwari namang mangiyak-ngiyak na hinawakan ni Venz ang kamay ni Savannah. "I'm your Mom, Savannah" at nagbeautiful eyes pa. Napangisi naman ako at naisipang sakyan ang trip niya.
"And I'm your Dad. We are a happy family–"
Pareho kaming napaaray ni Venz dahil may malakas na kumonyat sa ulo namin. Sabay din kaming napalingon at nasalubong namin ang nagbabagang tingin ni Cross. Matatakot na sana ako kaso 'yung dala niyang diaper at gatas panira ng moment. Oops, hindi dapat ako tumatawa. Dapat serious mode muna, baka mabaril ako ni Cross. Scary kaya!
"Kung ano-anong itinuturo niyo sa bata mga gago kayo." Tumingin naman si Cross kay Venz at napabuntong hininga. "I shouldn't have let you go here. I knew this would happen. And great, two idiots in my house. How f*cking great." Punong-puno ng sarcasm ang boses ni Cross.
"Hey, are you my Dad?" Napatingin naman si Cross kay Savannah. Inilapag niya ang diaper at gatas sa lamesa at lumuhod sa harapan ni Savannah.
"No, I'm not your Dad. I'm your friend. I'm here to take care of you."
"Friend? So where's my Dad and Mom? I wanna see them! I wanna see them!"
Tumayo si Savannah sa couch at tumalon nang tumalon. Napahawak naman si Cross sa kaniyang noo at napailing. Ayaw nga pala ni Cross sa mga bata at siguradong mas mahihirapan siya ngayong nagiging malikot na si Savannah.
"They're not here. They're busy." Tumayo si Cross at hinawakan ang balikat ni Savannah para matigil ito sa pagtalon. "Would you please stop jumping up and down? You're making me dizzy."
Nagpout naman si Savannah. "Fine. But lemme see what my Mom and my Dad look like."
"Savannah, gusto mo bang i-drawing ko para sa 'yo ang itsura ng Dad mo?" tanong ko sa kaniya.
"At ako naman sa Mom mo!" sabi naman ni Venz.
Nagkatinginan kaming dalawa at nag-apir. Wala nang nagawa si Cross at iniwan na muna kami kasama si Savannah. Malamang iaakyat niya muna 'yung mga pinamili niyang gamit.
"You know how to draw? Cool!" amaze na amaze na sabi ni Savannah kaya 'agad kaming kumuha ng papel at lapis.
"Just wait, okay?"
Tumango lamang siya sa amin at nagsimula na kaming magdrawing. Kahit naman hindi ko pa nakikita sa personal si Van Walker alam ko pa naman ang itsura niya dahil may photo album kami ng mga bampira. Magaling kaya akong magdrawing. Ito yata ang personal talent ko. Best in drawing kaya ako nu'ng kindergarten ako.
Halos sabay kaming natapos ni Venz sa pagdadrawing. Ang alam ko best in drawing din siya kaya lang nu'ng elementary. Mas magaling pa rin ako sa kaniya kasi mas nauna akong nakakuha ng title na 'Best in Drawing'.
Sabay naming ipinakita kay Savannah ang aming masterpiece na puwedeng i-display sa National Museum sa sobrang ganda na tinalo pa ang Mona Lisa. Nu'ng una ay sobrang lawak ng ngiti ni Savannah pero nagtaka kami ng unti-unting kumunot ang noo niya at humaba ang nguso niya.
"Is that...even something? That doesn't make sense! You just drew sticks!" reklamo niya.
Ano raw?! Walang sense? Aba! Premature 'tong batang 'to! May sakit yata sa mata at hindi makita ang tunay na value ng art! Ang ganda kaya! Taong gawa sa linya ang katawan, kamay at paa tapos bilog 'yung ulo na may spikey na buhok, bilog ang mata tapos nakasmiley face at take note, nilagyan ko pa ng pangil! Ganito kaya ang type ng drawing na ginawa ko nu'ng kinder ako kaya naging best in drawing ako! Napatingin naman ako sa drawing ni Venz at halos gano'n din ang ginawa niya, ang pinagkaiba lang ay buhok pambabae 'yung kaniya.
"Ang ganda kaya!" sabi namin sa kaniya.
Nagcross arms naman siya at inirapan kami. "That's trash and that's not my Mom and Dad."
Bumaba siya sa couch at tumakbo paakyat. Trash daw?! Pang-best in drawing kaya ang ginawa namin!
NAPABANGON ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto at nakasimangot na pumasok si Savannah. Hinila niya 'yung maliit na upuan papunta sa tabi ng kama at tumungtong siya rito para makaakyat. Tumabi siya sa akin at nakasimangot pa ring tumingin sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa inakto niya, para talaga siyang si Kisha.
"Ano namang problema mo at para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" Siguro dahil 'to do'n sa dalawang bugok.
"Sabi nila kaya nilang i-draw sina Mom at Dad pero hindi naman pala nila kaya! Ang pangit ng drawing nila! I have a feeling that I can draw better than them!"
Kinuha ko ang aking cellphone at pumunta sa gallery para hanapin ang picture ni Kisha.
"You really wanna know what your mother looks like?"
Bigla namang nagliwanag ang mga mata niya at pumunta sa aking kandungan. "Yeah! I wanna see!" Nagsisimula na naman siyang maglikot kaya binigyan ko siya ng warning look at buti na lang ay tumigil na siya.
Nang makita ko ang picture ni Kisha ay pinakita ko na kaagad ito sa kaniya. Simple lang si Kisha sa litratong ito. Her smile is so pure and innocent, she's like an angel.
"Wow. She's so beautiful," manghang-mangha na sabi ni Savannah at aksidente naman niyang na-slide ang screen at lumabas naman sa screen ang litrato ni Van.
Naglagay ako ng madaming litrato nila sa cellphone ko para kapag dumating ang araw na nagtanong si Savannah ay ito na lamang ang ipapakita ko, at hindi naman ako nagsisi na nilagay ko ang mga ito sa cellphone ko kahit na kating-kati na akong burahin ang litrato ni Van dito. Baka magkaroon ng virus ang cellphone ko dahil sa mga picture niya
"And my Dad, he's so handsome! Pwede ka bang magkwento tungkol sa kanila? Please?" She gives me these puppy look eyes, but instead, she looks like a lost kitty.
"Your mom is Kisha Louise Madrigal. Mabait siya, cheerful at sobrang kulit. Palagi siyang nakangiti at siya 'yung tipo ng babae na hindi basta-basta susuko kahit na napaka-iyakin niya. I have nothing to say anymore, she's...perfect. That's all." Sumandal ako sa may headboard ng kama at humiga naman siya sa tabi ko habang nakapikit ang mga mata. "Hey, tutulog ka ba?"
"Just keep talking." She's bossy eh? Namana sigurado kay Van.
"And your dad, Van Rei Isaac Fenier Walker. He's a jerk but I know he loves your mother so much. Kaya niyang gawin lahat 'wag lang masaktan si Kisha. He can sacrifice his own life just to save your mother's life. He may be a jerk, a happy-go-lucky guy, impatient, but for your mother, kaya niyang magbago."
Tumingin ako sa kaniya at napangiti na lamang ako ng malamang nakatulog na pala siya.
I will do everything to protect you, Savannah, I won't let them get you even if it will cost my life.
Hinawi ko ang buhok na napunta sa kaniyang mukha at pinagmasdan ito. She really looks like Kisha now pero hinaluan na ng kaunting features ni Van. Hinalikan ko ang kaniyang noo at kinumutan siya.
Sweet dreams, Savannah. Nasisigurado kong bukas, may bago na namang development sa 'yo.
NAPAHAWAK si Kisha sa kaniyang pisngi at dinilaan ang gilid ng kaniyang labi na nabahidan ng kaunting dugo dahil sa malakas na pagsampal sa kaniya ng Supreme Commander. Nanatili pa ring walang emosyon ang kaniyang mukha kahit na nagbabaga na sa galit ang kaniyang Lolo. Sasampalin pa sana siyang muli ng matanda pero pinigilan niya ang kamay nito.
"Hindi porket Lolo kita ay hahayaan kong pagbuhatan mo ulit ako ng kamay. Ito ang una at ito na rin ang huli, oras na maulit pa, hindi kita sasantuhin."
Parang patalim ang bawat salitang binitawan ni Kisha sa Supreme Commander. Siya lang ang unang beses na nakasagot dito ng ganito at hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot.
"Lapastangan ka! Anong karapatan mo para pagsalitaan mo ako ng ganyan?! Baka nakakalimutan mo ang katangahang ginawa mo! Pagkakataon mo ng patayin ang Van Walker na 'yun pero hindi mo ginawa! 'Wag mong sabihing mahal mo pa ang lalakeng 'yon?!" Umalingawngaw sa buong opisina ang sigaw ng Supreme Commander. Ni isa sa mga hunter sa loob ay walang umiibo dahil na rin sa tensyon na nabubuo.
" 'Wag ka ngang magpatawa. Hindi ko mahal ang bampirang 'yun. Bakit ba masyado kang apektado, eh, may susunod pa namang pagkakataon?"
Tinalikuran ni Kisha ang Supreme Commander. Bawat araw ay nawawalan na siya ng respeto sa matanda. Para sa kaniya, para saan pa ang respeto? Hindi niya kailangan 'yun. Gagawin niya ang gusto niya at walang makakapigil sa kaniya.
"Huwag mo akong talikuran! Wala ka na talagang respeto!"
Humarap si Kisha at ngumisi rito. "Oh! Ipagpaumanhin niyo po, Supreme Commander. Hindi ko naman po sinasadyang sagutin po kayo. Mapatawad niyo po sana ako," sabi niya habang ineemphasize ang salitang 'po'. Muli siyang tumalikod at iniwan ang Supreme Commander. Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa kaniya at dumiretso lamang siya sa pag-alis.
Sa paglalakad naman niya ay nakasalubong niya si Ivan na may benda ang kanang pisngi.
"May maganda akong balita sa 'yo," salubong sa kaniya nito.
"Bukod sa pagkasira ng mukha mo, ano pa ang maganda mong balita?"
Nagtimpi naman si Ivan at mas minaigi na lamang na hindi pansinin ang sinabi ni Kisha. "Ikaw na ang gagawing bagong Lieutenant ng District 1."
"Huh? Nasaan naman ang dating Lieutenant?"
"Umalis si Cross Falcon na hindi nagpapaalam kaya tinanggal na siya sa pwesto."
Cross Falcon. Parang may sumagi sa kaniyang isipan pero wala pa rin siyang maalala. Pamilyar ang pangalang iyon pero ni katiting na memorya tungkol sa kaniya ay wala siyang maalala.
"Ayoko. Maghanap na lang kayo ng iba," walang ganang sabi niya at iniwan na si Ivan. Napailing na lamang si Ivan sa inasta ng dalaga. Inaasahan na niyang hindi ito papayag. Siya naman ang lumakad papasok sa opisina ng Supreme Commander para makipag-usap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com