Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Chapter 50

Attacked

"Mommy..."

"Ikaw ang Mommy ko..."

"I love you Mommy. Bumalik ka na sa amin..."

Napabangon si Kisha at hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Punong-puno siya ng pawis at kita sa kaniyang mukha ang pagtataka at takot dahil sa kaniyang napanaginipan. Boses ng isang batang babae ang tangi niyang narinig pero wala siyang nakita at tanging boses lamang ang nasa kaniyang panaginip.

Bumangon siya at lumabas ng mansyon upang lumanghap ng sariwang hangin. Mula nang mangyari ang laban sa pagitan nilang dalawa ni Van ay wala na siyang ginawa kundi ang mag-training. Pinag-aralan niya kung paano gagamitin at kokontrolin ang kapangyarihan niya. Desidido na siya ngayong talunin at patayin si Van at ipinangako niya na sa kaniyang sarili na hindi na niya bibigyan ng pagkakataon pang mabuhay na muli si Van.

Ginamit niya ang kaniyang bilis para makarating sa parke hindi kalayuan sa kanilang mansyon. Umupo siya sa may swing at pinagmasdan ang bilog na buwan.

"Bakit kahit anong gawin ko ay wala akong maalala?" tanong niya sa kaniyang sarili.

Para bang nang magkaroon siya ng kapangyarihan ay nagsimula na naman siyang muli sa umpisa, walang kakilala, walang alam, walang maintindihan kundi ang patayin si Van. Tanging 'yun lamang ang nasa isip niya.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Kisha sa swing nang maramdaman niyang may nagmamasid sa kaniya. Awtomatikong pumula ang kaniyang mga mata. Pasimple siyang dumukot ng dagger sa kaniyang bulsa at mabilis na ibinato ito sa kaniyang likudan. Nakita niya ang mabilis na pag-iwas ng isang pigura at tumusok ang kaniyang dagger sa puno.

Tumayo siya para habulin ang kung sino mang nagmamasid sa kaniya pero bago pa niya magawa iyon ay nasa harapan na niya ito at sa isang kurap ay nakalapat na ang labi nito sa kaniyang labi. Nanlaki ang mga mata ni Kisha sa gulat at hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nang mapagmasdan niya ang pangahas na humahalik sa kaniya ngayon ay nalaman niyang si Van pala ito.

Gusto niya itong itulak pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay ang paghalik sa kaniya ni Van ay nangyari na dati pero hindi niya maalala. Mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso at bago pa mas tumagal ang pangyayari ay nakakuha siya ng lakas para maitulak si Van pero niyakap siya nito ng mahigpit.

"Let go of me! What are you doing?!"

Pilit siyang kumakalas sa yakap nito pero hindi na kaya ng lakas niya. Buong araw din siyang nag-training kaya pagod na pagod pa ang katawan niya. Nagtataka na si Kisha kung bakit ginagawa ito sa kaniya ni Van. Ito ba ang paraan niya para mapatay siya?

"Come back to me, Kisha." Van hugged her tightly and tears escaped from his eyes.

"W-What the..."

Naramdaman ni Kisha ang pamamasa ng kaniyang balikat at rinig niya ang pigil na paghikbi ng binata. Napakunot ang kaniyang noo. Wala na talaga siyang maintindihan sa nangyayari.

Bakit siya umiiyak? Bakit...ako babalik sa kaniya?

"I didn't know that the Legendary Vampire is a crybaby. How fascinating." May halong pang-aasar ang kanyang sinabi pero wala man lang reaksyon si Van, nakayakap pa rin ito ng mahigpit sa kaniya.

"I'm sorry," bulong ni Van sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya gumagawa ng paraan para itulak ito. Hindi niya alam kung bakit habang natagal ay sumisikip ang dibdib niya sa hindi rin malamang dahilan. Nagsisisi na siya ngayong lumabas pa siya, sana ay natulog na lamang siyang muli matapos ng kaniyang bangungot.

Marahang itinulak ni Kisha si Van. "Alam mo pasalamat ka dahil wala sa kundisyon ang katawan kong labanan ka pero kung taktika mo 'yan para mapatay ako hindi kita aatrasan," matalim na sabi niya. Ginawa niya ang lahat para tapangan ang boses niya dahil pinigilan niya ang sarili niyang mautal nang makita niya ang namumuktong mata ng binata.

"I'm not here to fight nor kill you, I'm just here to..." Umiwas ng tingin ang binata at kinagat ang ibabang labi niya para pigilan ang luhang nagbabadya na namang pumatak. "...say sorry for all I've done to you. I love you so much that it hurts to see you like that."

"I don't understand you. You know what? Just go home. You're wasting my time,"

Tinalikuran na niya ang binata. Marahas niyang pinunasan ang kaniyang bibig dahil kahit ayaw niya, ramdam pa rin niya ang mainit na halik sa kanya nito.

"You said you don't remember a thing." Napatigil sa paglalakad si Kisha pero hindi niya hinarap si Van. Kung ganoon ay simula pa lamang na nandito siya at nakamasid na sa kaniya ang binata. "Then let me help you remember."

His offer is appealing but Kisha can't trust him. Para kay Kisha, kalaban si Van. Kalaban na dapat patayin. Hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan. Para sa kaniya, ginagawa lamang ito ni Van para lokohin siya at kapag nangyari 'yun, gagawin ni Van na advantage iyon para patayin siya.

"No thanks. I don't need your help."

PINANOOD lamang ni Van si Kisha na lumakad palayo sa kaniya. Napabuntong hininga siya at naisabunot na lamang ang kaniyang kamay sa kanyang buhok. Sa katunayan ay kanina pa siya nakatigil sa parke para makapag-isip. Nagulat na lang din siya na makita si Kisha na nakaupo sa swing kaya pinagmasdan na lamang niya ito. Sobrang lapit pero parang ang layo-layo pa rin sa kaniya ni Kisha.

Umupo na lamang siya sa swing na inupuan ni Kisha at pinagmasdan din ang buwan gaya ng ginagawa ng dalaga kanina.

"Kanina pa kita hinahanap."

Napatingin sa Van sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Israel na papalapit sa kaniya. Umupo ito sa may bench kalapit ng swing na inuupuan niya. "Bakit?" tanong niya rito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buwan.

"Siguradong naghahanda na ulit ang mga Vampire Hunter sa muli nilang pagsugod kaya kailangan na rin nating magplano. Hindi ibig sabihin na nanalo tayo no'ng una ay kaya na nating manalo muli sa sunod. Hindi dapat tayo maging kampante." Sinindihan niya ang kaniyang sigarilyo at pinanood ang usok na lumabas mula sa kaniyang bibig.

Hindi nagsalita si Van at may isang taong pumasok sa kanyang isipan nang marinig niya ang "Vampire Hunter".

"Ano nga palang balita sa paghahanap kay Cross Falcon? Alalang-alala na si Jullia sa kaniya," sabi ni Van.

Hanggang ngayon ay wala silang alam kung saan nagpunta si Cross. Ayaw nilang isipin na patay na ito at umaasa silang nagtatago lamang ito. Pero para saan? Kung balak din naman ni Cross na kalabanin ang sarili niyang clan, bakit hindi na lamang siya sumama kina Van at tumulong na bawiin si Kisha?

"Wala pa rin kaming alam kung nasaan siya. Nagpadala na ako ng mga tauhan para hanapin siya pero palagi na lang silang bumabalik na walang dalang magandang balita. Nag-aalala na rin ako para kay Jullia, halos hindi na siya makatulog sa gabi dahil sa pag-aalala niya sa kapatid niya."

"Saan naman kasi sumuot ang gagong 'yun?" Kahit hindi sila magkasundo ni Cross, mas maganda sana kung nandito siya at tumutulong sa kanila. Tumayo na si Van at humarap kay Israel. "I talked to her," pag-iiba niya ng usapan.

"To whom?"

"To Kisha." Huminga siya ng malalim at dahil sa malamig na klima ay naglabas ng usok ang kaniyang bibig. "I apologized to her. I even cried in front of her. Pero parang wala siyang pakealam, puro galit na lang talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Its funny how a single mistake can change everything."

"Don't lose hope, Van. Love conquers all. Use it to make her come back to us. Ang galit niya sa 'yo ay suklian mo na lamang ng pagmamahal. Nabubulag lang siya sa galit kaya parang wala siyang pakealam sa nangyayari sa paligid niya. Nabalot ng galit ang isip at puso niya kaya 'yung mga mahalagang bagay para sa kaniya ay nagawa niyang kalimutan." Tumayo na rin siya at humarap kay Van...

"Nagiging corny ka na. Dahil ba 'yan kay Jullia?" nakangising sabi ni Van na sinuklian lamang ni Israel ng ngiti.

"Maybe." He shrugged his shoulders. "Let's go. We have so much thing to do."

IT'S like calm before the storm. Nang makauwi sina Van at Israel ay sakto namang nakatanggap ng tawag si Van mula sa isang unknown number. Nang sagutin niya ito'y hindi niya mabosesan kung sino ang nasa kabilang linya pero nanlamig ang buo niyang katawan nang madinig ang sinabi nito.

"Nalaman nila ang lungga ng Vampire Tribe at sila ang sunod na target ng mga Vampire Hunter."

"Kailangan nating pumunta sa Woodland Tribe at balaan natin sila sa maaaring mangyari!" sabi ni Van sa mga kasamahan niya.

Lahat sila ay naalerto sa ibinalita ng kanilang pinuno. Tahimik na namumuhay ang Woodland Tribe sa kabundukan at tanging mga clans lamang ang nakakaalam ng kanilang existence kaya nagtataka sila kung paano nalaman ng mga Vampire Hunter na may nabubuhay pa palang isa pang angkan ng mga bampira.

"Paano nila nalamang may Woodland Tribe?" tanong ni Cole. Mabuti na lamang at hindi pa umaalis ang mga bampira na katulong nila noon sa labanang nangyari sa pagitan nila at sa mga Vampire Hunter kaya may advantage pa rin sila kung sakaling may labanan na namang muli na mangyayari.

"Malamang sa malamang ay nabasa nila iyon sa Tale of the Unwanter Creature. Masyadong makapangyarihan ang nilalamang mga impormasyon ng librong iyon. Nilathala iyon ni Dad bago pa siya mamatay. Lahat ng mga impormasyon tungkol sa lahat ng angkan ng bampira simula pa noong umpisa ay nilathala niya roon matapos ang ilang taon niyang pag-aaral tungkol sa mga bampira. Napunta iyon sa mga maling kamay at maari itong pagmulan ng giyera," paliwanag naman ni Jullia.

"Ano pang hinihintay natin dito? Pumunta na tayo roon para mapigilan sila," sabi naman ni Carl. Sumangayon sila sa sinabi ni Carl at lumabas na sila patungo sa sari-sarili nilang sasakyan upang pumunta sa Woodland Tribe.

Hindi nila alam kung kailan susugod ang mga Vampire Hunter pero mas magaling na ang handa. Kailangan nilang bigyan ng babala ang mga Woodlands.

Mabilis na pinatakbo ni Van ang kaniyang sasakyan patungo sa kabundukan. Hindi niya alam kung sino ang tumawag na iyon. Boses ito ng babae at sa palagay niya ay tao iyon. Kung sinoman ang tumawag na iyon para bigyan siya ng paalala ay nagpapasalamat siya. Muli niyang tiningnan ang number at sinubukang tawagan muli at nagulat siya nang sagutin ito.

"Hello? Ikaw 'yung nagsabi na susugudin ang Woodland Tribe, hindi ba? Pwede bang malaman kung sino ka?"

[Hindi mo na kailangan pang malaman. Ang mahalaga ay nakatulong ako. Bumabawi lamang ako sa isang taong hindi naman dapat namin binago.]

"T-Teka...hindi kita maintindihan."

[Ikaw na ang bahala, Legendary Vampire.]

Bago pa siya muling makapagsalita ay ibinaba na nito ang telepono. Napamura na lamang si Van sa kaniyang isipan at mas minabuti na lamang na bilisan pa ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan para makarating sa Woodland Tribe sa tamang oras. Kapag may nangyaring masama sa tribong iyon ay hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. Hindi dapat sila nadadamay sa ganito dahil wala silang masamang ginagawa at tahimik silang namumuhay sa kabundukan.

Nang makarating siya sa bundok ay halos kasabay lang rin niya ang mga kasamahang bampira. Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at pumalibot sila sa isa't-isa.

"Hayaan niyong ako muna ang umakyat dito sa bundok at pumunta sa kanilang tribo para kausapin sila. Alam niyo naman na kapag may napapagawi sa teritoryo nila ay akala nila ay kalaban kaya mas mabuti kung hihintayin niyo na lamang ako rito."

"Sige. Ako na ang bahala rito, Van. Pumunta ka na roon at baka maubusan tayo ng oras. Hindi natin alam kung kailan talaga susugod ang mga Vampire Hunter." Tumango si Van sa sinabi ni Israel at tumakbo ng mabilis paakyat ng bundok.

Hindi katulad noong una siyang nagpunta rito ay pinalibutan siya ng mga miyembro ng tribo pero madali siyang nakarating sa kanilang lokasyon at sinalubong siya ni Reese. Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya at para bang pinapakiramdaman ang kaniyang susunod na hakbang. Matalas ang pakiramdam ng mga Woodland, madalas nilang ginagamit ang kanilang pakiramdam upang malaman ang susunod na kilos ng isang tao o anumang nilalang.

"Ano ang iyong muling ipinunta rito, Legendary Vampire? Balak mo na naman bang kausapin ang Mahal na Reyna?" tanong ni Reese habang wala pa ring ekspresyon ang mukha kagaya ng mga bampirang nasa paligid niya.

Bago pa masagot ni Van ang tinatanong ni Reese ay may lumapit na isang katribo kay Reese, punong-puno rin ito ng tattoo pero hindi kasing dami noong kay Reese. May kung ano siyang ibinulong dito at saglit na napakunot ang noo nito pero nagbalik na ulit sa walang ekspresyon niyang mukha. Mukhang natural na sa kanila ang hindi magpakita ng kahit anumang emosyon, kung magpapakita man sila ay para lamang itong hanging dumaan at mamaya ay wala na ulit.

"Mayroon ka palang mga kasama." Hindi kagaya kanina, may diin na ang bawat salita na binitawan ni Reese. "Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit nagsama ka ng ganoong kadaming bampira mula sa iba't-ibang panig ng mundo, at hindi lamang iyon, kasama mo rin ang mga representatives?"

"Hindi kami nagpunta rito para manggulo, nandito kami para protektahan kayo." Muling napakunot ang noo ni Reese pero nanatili na iyon at para bang hindi niya gusto ang sinabi ni Van. " 'Wag niyo sanang isipin sa maling paraan ang sinabi ko. May masama akong balita para sa inyo at kailangang ang reyna muna ang makaalam nito kaya kung maaari, gusto ko siyang makausap dahil wala na tayong oras."

Mukha pang nagdadalawang-isip si Reese kung paniniwalaan ang sinabi ni Van pero sa huli ay lumakad na siya papunta sa kung saan naroon ang reyna. Sumunod sa kaniya si Van at naabutan nila si Queen Teresse na nakaharap sa bintana habang may hawak na gintong kupita.

Humarap ito sa kanila at sabay silang nag-bow ni Reese.

"Ano na namang ipinunta mo rito, Van Walker?" malamig na tanong nito. Lumakad ito palapit sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Kung nandito ka para tanungin kung nagbago ba ako ng isip, ang sagot ko ay hindi."

Umiling naman si Van bago nagsalita. "Meron akong importanteng sasabihin." Nakita niyang lalakad na paalis si Reese pero pinigilan niya ito. "Reese, mabuti nang malaman mo rin itong ibabalita ko dahil seryosong bagay ito."

Muling bumalik si Reese at tumabi sa reyna. Ngayong magkalapit sila ay napagtanto ni Van na magkapatid nga sila, may mga features silang nagkakatulad.

"Ano naman iyon at mukhang nagsama ka pa ng marami. Nararamdaman ko ang presensya nila hanggang dito." Pumula ang mga mata ni Teresse at tumitig sa kaniyang mukha.

Huminga ng malalim si Van. Sana paniwalaan ang kaniyang sasabihin, hindi pa naman basta-basta nagtitiwala ang mga Woodland sa mga bampirang hindi kabilang sa kanilang clan. Nasanay silang mamuhay na sila-sila lang ang magkakasama kaya mas gusto nilang gawin ang mga bagay sa sarili nila at sa tulong ng mga katribo nila. "Nagbabalak sumugod ang mga Vampire Hunter dito sa inyong tribo, nalaman nilang meron pa palang Woodland Tribe at balak nila kayong ubusin."

Inaasahan ni Van ang pagkagulat sa mukha ng magkapatid pero tanging alingawngaw ng malakas na pagtawa ni Teresse ang narinig niya sa buong silid. Tumingin siya kay Reese upang tingnan ang reaksyon nito pero kahit walang reaksyon na makikita sa kaniyang mukha ay nakita ni Van na hindi ito naniwala sa kaniyang sinabi.

"Hindi ko aakalaing magaling ka palang magpatawa, Legendary Vampire. Imposibleng malaman nilang nandito kami. Ang kabundukang ito ay sobrang layo sa kung nasaan ang base ng mga Vampire Hunter. Paano nilang malalaman na nandito kami? Sabihin mo nga, ginagawa mo lang ba ito para mapasapi kami sa inyo at tulungan kayo sa laban niyo sa kanila? Ganyan ka na ba kadesperado?" Humalukipkip si Teresse at binigyan ng mapang-asar na ngiti si Van.

Pinigilan ni Van na magalit at mainis kay Teresse. Alam niyang mali na magalit siya dahil nasa lugar siya ng mismong reyna. Kailangan pa rin niyang rumespeto. Hindi na lamang niya pinansin ang mapang-asar na pagtawa ng reyna. Gagawin niya ang lahat maniwala lamang ito sa kaniya dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay siguradong mapapahamak sila.

"Maniwala kayo sa 'kin, anumang oras ay susugod na sila rito at maaari kayong mapahamak!"

Hindi na napigilan pa ni Van na magtaas ng kanyang boses. Nauubusan na sila ng oras, kailangan na nilang kumilos kung ayaw nilang may magbuwis pa ng buhay. Napatigil naman sa pagtawa si Teresse at biglang sumeryoso ang mukha niya. Umaasa si Van na maniniwala na ito ngayon sa kaniya pero mali na naman siya.

"Sino bang may sabi na kailangan namin ng tulong niyo? Sugudin man nila kami ay kaya na namin iyon at hindi na namin kailangan pa ng inyong tulong. Ang lakas naman ng loob mong magbalik pa rito para sabihin ang mga bagay na iyan. Parang sinasabi mo na rin na hindi namin kayang tumayo sa sarili naming mga paa at lumaban gamit ang sarili naming kakayahan. Tandaan mo 'to, Van Walker, hindi namin kailangan ng tulong sa kahit sinong tagalabas na katulad niyo, nakaya naming mamuhay ng ilang libong taon ng walang hinihinging tulong sa kahit kanino at umabot kami hanggang ngayon na kami-kami lamang ang nagtutulungan kaya wala ka sa lugar para sabihin na mapapahamak kami." Parang kutsilyo ang binitawang salita ni Teresse, matalim at puno ng diin.

"Hindi 'yan ang gusto kong isipin mo, ang sa akin lamang ay hindi basta-basta ang mga Vampire Hunter. Oo nga at mga tao lamang sila, wala silang kapangyarihan kagaya sa atin pero may mga gamit sila para matalo ang lahi natin. Alam niyo naman sigurong nagsasagawa sila ng mga eksperimento na maaaring makatulong sa pagtalo nila sa ating lahi at balak nila iyong gamitin sa inyo. Nandito kami para tumulong at hindi ibig sabihin ng pagtulong namin sa inyo ay tinitingnan namin kayo bilang mahina. Huwag sanang ganoon ang isipin niyo, nasa iisang lahi tayo kaya ano pa ba ang pwede nating gawin kundi ang magtulungan".

Hindi nagsalita si Teresse at tahimik namang nakikinig lamang si Reese sa kaniyang tabi. Sa pagkakataong ito, humihiling si Van na sana maniwala na sa kanila ang mga ito. Hindi niya ito ginagawa para magkaroon ng utang na loob sa kanila ang mga Woodland at maging kakampi ang mga ito, ginagawa niya ito dahil responsibilidad niya ang lahat ng kalahi niya at dahil ito ang tamang gawin.

Bumukas naman ang pinto. Napalingon sila roon at nakita si Israel na pumasok dito.

"Ayoko mang putulin ang pag-uusap niyo pero andito na sila."

Nagmadaling lumabas si Van at sumunod sa kaniya sina Reese at Teresse. Sinalubong sila ng mga kasamahan ni Van at ng mga myembro ng tribo. Lumapit ang isa kay Teresse at ang iba naman ay may mga hawak ng armas at handa na sa laban.

"Paakyat na sila rito pero nababawasan na sila habang paakyat dito dahil sa mga patibong at ang iba nating katribo ay hinaharang na sila," sabi ng isa na lumapit kay Teresse.

Napakuyom ng kamao ang reyna dahil totoo ngang susugudin sila ng mga Vampire Hunter. Pero sadyang matigas ang ulo niya, ayaw niya pa ring humingi ng kahit na anong tulong sa mga bampirang tagalabas. "Bantayan niyo ang lahat ng pwede nilang pasukan at maghanda na kayong lahat sa laban!"

Nagsigawan naman ang mga katribo niya dahil na rin siguro sa sabik na nararamdaman nila dahil pagkatapos ng ilang libong taon ay mararanasan na rin nilang makipaglabang muli dahil huli nilang naranasan iyon ay noong pinakaunang Great War pa kung saan nagsimula ang boundary sa lahat ng nilalang sa mundo.

Humarap si Teresse kay Van. "Huwag kayong mangengealam sa laban namin."

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Teresse Woodland? Reyna ka lang, hindi Legendary Vampire, hindi Diyosa, hindi kahit anong makapangyarihan sa mundong 'to. Anong dahilan mo at ayaw mo kaming tulungan ka? Bakit? Ayaw mong maging mukhang mahina? Nakakatawa ka," nakangising sabi ni Victoria dito.

Pinigilan naman ni Teresse na sugudin si Victoria, hindi ito ang tamang oras na gumawa siya ng gulo sa pagitan nilang dalawa. "Kung anong gusto ko, 'yun ang susundin niyo dahil nasa teritoryo ko kayo. Kaya na namin ito at hindi ko kailangan ng tulong niyo."

Magsasalita pa sana si Israel para itama ang baluktot na paniniwala ni Teresse pero pinigilan siya ni Van. Umupo si Van sa damuhan at kumuha ng chewing gum sa kaniyang bulsa. Sinumulan niyang nguyain ito at pinalobo pa niya ito. Nagtataka namang tumingin sa kaniya ang lahat dahil sa ginawa niya.

"Go ahead. Do what you want. Basta papanoorin ko lang kayo pero oras na kailanganin niyo ng tulong tatayo ako rito at tutulungan ko kayo." Humalumbaba si Van at ngumiti kay Teresse. Inirapan naman siya ng reyna at umalis na para kumuha ng kaniyang mga kagamitan na pwedeng gamitin para sa laban.

Lumapit naman si Marius kay Van.

"Sigurado ka ba rito, Van? Hihintayin pa nating maubos sila kung sakali bago natin sila tulungan?"

"Well, if that's what they want hindi natin sila pwedeng pigilan. Basta maghanda lang kayo." 'Yun lang ang sinabi niya at pinanood ang buong Woodland Tribe na abala sa pagbabantay sa pwedeng pasukan ng mga Vampire Hunter. Iniisip ni Van kung kasama kayang muli si Kisha sa mga susugod? Sana ay hindi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya handa. Hindi niya kayang labanan at saktan ito.

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog at malakas na sigawan. Nanatiling nakaupo si Van at pinakiramdaman ang kaniyang paligid.

Sumipol siya at ngumisi. "Mukhang tuluyan na silang nakapasok."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com