Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51

First Encounter

Pasulyap-sulyap si Cross sa nakangiting si Savannah na nakaupo sa tabi niya. Nagmamaneho siya ngayon dahil sasamahan niya sa mall si Savannah. Hindi naman niya maiwasang matuwa dahil sa reaksyon nito. Tuwang-tuwa ito nang payagan niya na pumunta sa mall. Naisip ni Cross na hindi naman siguro masamang ilabas si Savannah paminsan-minsan. Mabilis ang paglaki nito at nagkakaroon na ng isip.

"Baka mabangga tayo, Cross! Why do you keep on looking at me? May dumi ba ako sa mukha?"

"Nah, you're smiling like an idiot." He smirked and she punched him on his shoulder.

"I'm just happy and excited!" She yelped and smiled again.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa mall. Medyo may kalayuan ang mall sa mismong tinutuluyan nila dahil tagong parte pa ng lugar kung saan sila nakatira. Nag-iingat lamang si Cross, ayaw niyang may makaalam na buhay ang anak ng Legendary Vampire. Hindi niya pwedeng pabayaan si Savannah, sobrang halaga nito sa kaniya.

Nang maiparada na ni Cross ang sasakyan ay bumaba si Savannah pero nanatiling nakaupo sa loob si Cross. Sumilip si Savannah sa bintana at humalumbaba dito.

"Bakit hindi ka pa bumababa? Let's go! I don't want to waste our time here." She beamed at him. Sa isang araw, napakadaming ngiti ang pinapakita ni Savannah. Isang ngiti niya lang para tanggal lahat ng pagod at problema.

Umiling naman si Cross. "I'll just wait for you here. Go ahead and buy all the things you want. Just call me if you need help in bringing shopping bags." He grabbed his wallet and gave her a credit card. "Use that. Remember, buy all the things you want. Have fun."

"You know what, Cross? I really want to hug you right now," she said while getting the credit card from his hands.

"Save it for later." He smiled.

Pinanood lamang niya si Savannah na maglakad papunta sa entrance ng mall. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang kaniyang mga mata. Dati pinag-iisipan niya kung anong pwedeng itawag sa kaniya ni Savannah pero naisip din niyang mas magiging komportable siya kung tawagin na lamang siya nito sa sarili niyang pangalan.

Hindi naman sila magkaano-ano kaya mas mabuti kung 'Cross' na lang ang itawag sa kaniya nito. Pero alam niya sa sarili niya, may iba pang dahilan kung bakit hindi niya tinuruan si Savannah na tawagin siyang 'Tito', 'Kuya', o kung anomang pwedeng itawag sa kaniya, pero kung anumang dahilan 'yun, hindi niya alam.

Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sarili niyang makatulog.

"Saan ka pupunta, Kisha?" tanong ni Ivan nang makasalubong si Kisha na mukhang may pupuntahan. Pinapaikot-ikot nito ang susi ng kaniyang kotse sa daliri at pinalobo ang chewing gum na nginunguya niya. Binigyan lamang siya ni Kisha ng tingin na para bang hindi siya interesado.

"Sa lugar na malayo sa 'yo." She smirked and started to walk away.

Hindi na napigilan pa ni Ivan ang dalaga. Wala na rin naman siyang magagawa kundi ang hayaan si Kisha. Kung gusto pa niyang mabuhay ng matagal, mas magandang desisyon ang hindi ito pigilan sa lahat ng gugustuhin niyang gawin.

Habang naglalakad si Kisha sa hallway ng kanilang base ay lahat ng makakasalubong niya ay napapatigil at tumatabi sa kaniyang dinadaanan. Ang iba ay tumutungo bilang pagbigay galang, ang iba naman ay umiiwas dahil sa takot sa kaniya.

Walang nangangahas na bumati sa kaniya dahil nga sa takot at dahil na rin sa malamig niyang pakikitungo sa lahat. Ni hindi man lang nila makita itong ngumiti ng buong puso, ngingiti ito pero ngiting mapang-asar o kaya kapag ngumiti siya, matakot ka na dahil may ibang ibig sabihin ang mga ngiti niya. Parang ngiti ng demonyo na may binabalak laging masama.

Nakarating si Kisha sa parking lot at pinaharurot ang kotse papunta sa lugar na gustong-gusto niyang puntahan dahil kailangan niya ng mga bagong damit at sapatos.

Mabilis ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse. Hindi na niya sinusunod ang traffic rules, kahit pula na ang ilaw ay hindi pa rin siya natitinag at dire-diretso ang pagpapatakbo ng sasakyan na siya namang naging gulo sa daan dahil ang ilang sasakyan ay nagkakabungguan at ang iba naman ay naiistorbo. Malayo ang lugar na pupuntahan ni Kisha, madami man siyang alam na mas malapit na mall, hindi niya alam kung bakit trip niyang magshopping sa mas malayong mall na alam niya.

Dahil sa mabilis siyang magpatakbo ay 'agad siyang nakarating sa mall. Ipinarada niya ang kotse at pumasok sa loob ng mall. Pagpasok niya ay pinagtinginan siya ng mga tao, lalo na ng mga kalalakihan. Ang iba namang babae ay may tingin na namamangha sa kaniyang ganda, ang iba naman ay napapataas ang kilay at napapairap dahil siguro sa inggit sa kagandahan niya.

Hindi na lamang pinansin ni Kisha ang mga matang nakatingin sa kaniya sa bawat paglakad niya. Gusto niyang pagsabihan ang mga ito na tigilan ang pagtingin sa kaniya pero pinigilan na lamang niya ang sarili niya. Nagpunta siya rito para magshopping at hindi para maghanap ng gulo.

Pumasok siya sa isang shop at nagsimulang magtingin ng mga damit. Una niyang pinuntahang section ay mga damit na magiging komportable para sa mga laban na maaaring mangyari.

Nilapitan siya ng saleslady. "Maganda po 'yan, Ma'am, bagong labas po 'yan at siguradong bagay sa inyo."

Hindi na lamang niya ito pinansin at nagtingin sa ibang section. Nagsisimula naman siyang mairita sa saleslady dahil panay ang sunod nito sa kaniya at panay ang tanong at comment sa mga damit na hinawakan niya. Ipinikit niya nang mariin ang kaniyang mga mata at sinubukang pakalmahin ang sarili niya pero hindi na niya kaya. Humarap siya sa saleslady pero bago pa niya matarayan ito ay may sumingit na batang babae sa gitna nilang dalawa at nagtingin sa rack ng mga damit.

Humarap ang batang babae sa saleslady at pinagkrus ang kaniyang mga braso.

"Can you please leave her alone and let her choose what she wants? Paano siya makakapili ng maayos kung bawat damit na hawakan niya ay panay ang daldal mo? She knows what clothes will fit her and she doesn't want your opinion."

Hindi na nakapagsalita ang saleslady at kalaunan ay nagsorry lamang at saka umalis. Namangha si Kisha sa pinakita ng batang babae. She sounded polite but every word that came out from her mouth stung like a bee. She reminds her of herself.

Humarap sa kaniya ang batang babae at ngumiti. "Now, pwede ka na pong mamili ng mga damit ng walang madaldal na nasunod sa 'yo." She laughed/ "I hate it when a saleslady follows me around. Magbibigay siya ng mga opinions, kung ano-anong irerecommend sa 'yo, what if hindi naman pala ako bibili at nagwiwindow shopping lang? Eh, 'di nagpakapagod lang siya? Ayoko ng masyadong madaming sinasabi. I came here on my own so it means I'll shop on my own and it also means ako ang magdedesisyon sa sarili ko."

Nakatitig lamang si Kisha habang nagsasalita ang batang babae. Napahawak siya sa kaniyang puso at hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok nito, para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. Parang matagal na niyang kilala ang batang babae pero wala siyang matandaan.

"You know what? You're so beautiful. You really look like my mother."

Finally, she found her voice. "Really? Where is she?"

The girl frowned but smiled afterward. "I don't know. And I don't want to know. Masaya na ako ngayon at hindi ko na gusto pang alamin kung nasaan sila though curious pa rin ako kung anong pakiramdam ng may magulang. Maybe you know, how does it feel to have parents?"

Kisha shrugged her shoulders and turned her attention to the rack of clothes. "I don't know either. I never met my parents. I don't remember a thing about them."

"Then we're the same." She smiled and Kisha can't help but smile. This is the first time she smiled so sincerely and she doesn't know why. She wants to hug the child but there's something that's stopping her. "I'm Savannah." She held her hand and Kisha stared at it then looked at the girl's big brown eyes. Instead of shaking hands with her, she pulled the girl into a tight hug.

The shock is written all over Savannah's face but she put her small hands at the back of the woman and felt her touch that sent shivers to her spine. The feeling is so familiar though it's the first time that they saw each other.

"I'm..." Hindi na naituloy ni Kisha ang pagsasabi ng pangalan niya nang biglang tumunog ang telepono ni Savannah.

"Oh, wait, I'll just pick this up." Humiwalay sa pagkakayakap niya ang bata at sinagot ang telepono. "Yeah...wala pa akong nabibili...you're hungry?...then eat. Follow me here and I'll introduce you to someone....No...shut up...it's not! She's a girl, okay? Faster...be here in 5 minutes...nah, I know you can...Bye..." Humarap na siya kay Kisha at muling ngumiti. Nawala na sa isip niya ang tanungin ang pangalan nito. "I want you to meet the person who took care of me in the absence of my parents. He's kind and cool."

"Oh, but I need to go sweetie." Ayaw ni Kisha na makakilala ng ibang tao kaya kailangan na niyang umalis kahit gusto pa niyang makausap ng matagal ang bata. It's weird for her. Simula nu'ng magbago siya, ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa isang tao, at sa isang bata pa.

Nalungkot naman si Savannah dahil sa sinabi ni Kisha. Kagaya ni Kisha, gusto pa rin niya itong makakwentuhan. Kamukhang-kamukha kasi ni Kisha ang larawang pinakita sa kaniya noon si Cross pero ayaw niyang paniwalain ang sarili niyang ito ang kanyang ina dahil sabi ni Cross sa kaniya ay nasa malayo itong lugar. Ayaw niyang paasahin ang sarili niya na babalik ito para sa kaniya. Baka nga hindi nito alam na nabubuhay siya.

"Too bad. I really want to talk a lot of things with you," sabi ni Savannah. Lumapit siya kay Kisha at yumakap muli rito. "Sana magkita tayo ulit."

Naramdaman niyang yumakap din sa kaniya si Kisha.

"I'm sorry but yeah, sana magkita tayo ulit. It's very nice meeting you, Savannah. You're really a cute and witty girl. I really like you." She kissed Savannah's forehead and bid her goodbye.

Tiningnan lamang niya si Kisha na mawala sa gitna ng maraming tao. Sakto namang dumating si Cross na suot ang kanyang salamin at sinusundan siya ng mga kababaihan.

Tinaasan niya ito ng kilay. "She's gone now. You're too slow," nakangusong sabi nito sa kaniya.

Lumapit naman sa kaniya si Cross at tinanggal ang salamin sa kaniyang mata na siya namang naging dahilan ng pagtilian ng mga babae na sumunod sa kaniya. Nilevel niya ang kaniyang mukha sa mukha ni Savannah at ginulo-gulo ang buhok nito.

"Sorry. Saka mo na lang siya ipakilala sa 'kin kapag nagkita ulit kayo." Tumayo na nang maayos si Cross at ngumiti. "Let's go?" Inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap naman ito ni Savannah. Sabay silang lumabas ng shop at mukha namang mga nalugi 'yung mga babae.

"Ay? May anak na siya?"

"Sayang naman! Ang bata pa niya para magkaroon ng anak!"

"Ang gwapo pa naman niya at ang hot! May anak na pala!"

Binelatan ni Savannah 'yung mga babae na nasa labas ng shop at pinigilang matawa sa mga reaksyon ng mga ito. Naglibot lamang sila sa mall at tinulungan na rin siya ni Cross na mamili ng mga gusto niya.

"Sino ba 'yung ipapakilala mo sa 'kin? Inirereto mo ba ako sa kanya at gusto mo siyang ipakilala?" Nasa isang cake shop sila ngayon. Masayang kumakain si Savannah ng strawberry cake at si Cross naman ay umiinom lamang ng kape.

"No, hindi kita irereto. Gusto ko lang na makita mo siya kasi kamukhang-kamukha siya ni Mommy."

Buti na lamang at nailapag 'agad ni Cross ang tasa niya dahil baka kung sakali ay nabitawan niya ito dahil sa sinabi ni Savannah.

"What do you mean?" He kept his voice steady. His heart is beating so fast because of nervousness. He doesn't want to think that it's really Kisha that Savannah met earlier. Masyado pang maaga kung magkikita sila, masyado pang magulo sa pagitan ng mga bampira at mga hunter. Delikado pa para magkita sila at malaman nila kung ano ang koneksyon nila sa isa't-isa.

"Well, kamukha niya 'yung mga picture na ipinapakita mo sa 'kin. Ayokong isipin na siya ang Mommy ko dahil ayokong umasa. You know, assuming can lead to disappointment." Hindi na niya naubos ang cake niya at nilaro-laro na lamang ito gamit ang kanyang tinidor. Biglang nawalan siya ng gana sa pagkain.

"Naitanong mo ba kung anong pangalan niya?" Muli siyang humigop ng kape pero parang hindi na niya ito malasahan. Mas lalo pa itong nakadagdag sa kaniyang kaba.

Naitampal naman ni Savannah ang kaniyang palad sa kaniyang noo.

"Shoot. Hindi ko naitanong. So stupid of me," naiiling na sabi niya.

Hindi pa rin nabawasan ang kaba sa dibdib ni Cross. Paano kung si Kisha nga ang nakita ni Savannah kanina? Ano kayang mangyayari kung sakaling naabutan niya si Kisha roon sa shop kung nasaan si Savannah? Maaalala kaya siya nito? Pero nagpapasalamat siya at hindi niya ito naabutan, nagpapasalamat siya dahil kinuyog siya ng mga kababaihan kalagitnaan ng mall kaya hindi siya nakarating.

" 'Wag mo nang masyadong isipin 'yun. Ubusin mo na 'yang cake mo. Uuwi na tayo." Inubos na niya ang kanyang kape at hinintay si Savannah. Inilayo nito sa kaniya ang plato ng cake niya.

"Ayoko na. Nawalan na ako ng gana, eh."

UNTI-UNTI nang nauubos ang mga miyembro ng Woodland Tribe dahil madaming hunter ang umaatake sa kanila. Para bang hindi sila nauubos dahil patuloy lamang sila sa pagdating. Isama pa ang mga Fiends na kasama rin sa pag-atake. Hindi sapat ang pwersa nila para matalo ang mga Vampire Hunter.

"Queen Teresse, kailangan na nating humingi ng tulong sa mga tagalabas!" sigaw ni Reese habang ginagamit ang kapangyarihan niyang magpagalaw ng mga ugat ng halaman at puno. Ginagamit niya ito para ipulupot sa mga hunter hanggang sa hindi na ito makahinga.

"Hindi puwede! Kaya nating silang talunin! Kahit kailan hindi ako magkakautang na loob sa kanila!" pagmamatigas ng reyna at patuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Inilibot niya ang tingin sa kaniyang buong tribo. Ginagawa ng kaniyang sinasakupan ang lahat upang protektahan ang kanilang lugar pero ang ibang kabahayan ay nasusunog na, ang iba ay tuluyan ng nasira. May mga sanggol at bata rito at hindi sila puwedeng mapahamak.

"Ipagpatawad mo, Queen Teresse, pero natatalo na tayo! Kung gusto mong isalba ang ating tribo, humingi na tayo ng tulong sa kanila!" p

Hindi pa rin pumayag ang reyna. Masyadong mataas ang pride niya at ayaw niya pa ring magpatulong. Pero nang ilibot niyang muli ang kaniyang tingin sa buong tribo ay unti-unti na itong nasisira, kaunti na lamang ay mauubos na ang mga naipundar nilang kabahayan at mga importanteng kagamitan. Madami na rin ang namamatay. Tumingin siya sa gawi nila Van at ng mga kasama nito na nanonood lamang sa kanila, si Van na ngumunguya at nagpapalobo lamang ng chewing gum habang nakaupo sa damuhan na para bang nanonood lamang ng isang pelikula.

Inikuyom niya ang kaniyang kamao at ipinikit ang kaniyang mga mata. Matagal niyang pinapangalagaan ang buong tribo at hindi ito puwedeng mawala at masira sa isang kisapmata lamang. Kailangan niyang lamunin ang kaniyang pride dahil kung hindi niya gagawin iyon, mauubos silang sila.

Muli siyang huminga ng malalim at humarap sa kinaroroonan nila at sumigaw. "Van Rei Isaac Fenier Walker! Kailangan ko ng tulong mo!"

Ngumisi naman si Van nang marinig ang hinihintay niya. Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon niyang nalagyan ng mga damo dahil sa pagkakaupo niya.

"All right. Let's kick their asses and beat the crap out of them."

Nagsimulang kumilos ang mga kasamahan ni Van at tumulong sa mga Woodland. Tumango naman si Van nang mapadaan sa tabi ni Teresse at sumugod na sa mga Vampire Hunter. Unang pinuntahan ni Van ang main entrance ng tribo. 'Agad siyang nagpalit sa Legendary Mode at walang habas na inaatake ang mga Vampire Hunter gamit ang iba't-ibang klase niya ng kapangyarihan.

NAUUBOS na ang mga Vampire Hunter, pati ang mga Fiends na kasama nila. Hindi na alam ni Ivan ang kaniyang gagawin. Kung nandito lang sana si Kisha ay hindi sila matatalo ng ganito. Naikuyom ni Ivan ang kaniyang kamao. Kailangan na nilang umalis bago pa sila maubos.

'Agad siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at pinaharurot ito paalis. Wala siyang pakealam sa kaniyang mga kasamahan, basta makaalis siya ng buhay ay ayos na. Ganoon siya kaduwag.

"I don't f*cking care if they all die; I can make a new one though."

May kung anong bumagsak sa bubong ng kotse niya pero itinuloy pa rin niya ang pagmamaneho. Pinagewang-gewang niya ang kaniyang sasakyan para maalis ang kung ano man o sinoman ang nasa bubong ng sasakyan niya.

"Damn you! Go away!" sigaw niya at muling pinagewang-gewang ang sasakyan. Narinig naman niyang may nag-click at pagtingin niya ay nasa tabi na niya si Van habang nakangisi sa kaniya.

"Trying to run away, coward?" Inilabas ni Van ang kaniyang pangil at sa palad naman niya ay isang bola ng pinagsama-sama niyang kapangyarihan. "You're dead."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com