Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

✍Eighteenth Note✍

[A/N: Nais niyo bang makilala ang real portrayer ng kambal? Break muna tayo sa artworks Sarah Shane Lopez on Multimedia above :)]


SARAH


After a couple of hours traveling from Manila to Cebu nakarating narin ako sa mactan int. airport.

Dahil kasama ko si yaya siya na nagbuhat ng mga gamit ko at nagtaxi nalang kami papunta sa rest house. Ang tagal ko na ring hindi nakabisita sa lugar na ito andami nang pinagbago.

Since maraming beaches dito sa Mactan Island dito naisipan nila Mom na magtayo ng rest house. Mabuti na rin 'to makakalanghap narin ako sa wakas ng sariwang hangin.

We immediately rode a cab dahil mahirap na't baka may makakita sa'kin at mabalita pa ang pagpunta ko rito sa Cebu.

----------

"Ma'am paubos na po ang food supplies natin." Ani ni yaya sa'kin habang inaayos ko ang bulaklak sa vase.

Oo nga pala last two weeks pa pala nung huli kaming nakapagrocery. Almost one month narin pala akong nandito sa Cebu.

"Ganun ba? Sige ako nalang ang pupunta sa grocery mamaya may kailangan rin kasi akong bilhin." Sagot ko sa kanya at natapos ko na rin ang ginagawa ko.

"Sure po kayo ma'am? Samahan ko nalang po kayo." Suggestion niya but I declined.

"Wag na yaya kaya ko naman, asikasuhin mo nalang ang mga paglalagyan ng bibilhin ko." Sagot ko.

"Sige po ma'am. Ingat kayo."

I just smiled at her at dumeritso na sa kwarto ko para magbihis.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng bahay.

------------

Kanina pa ako paikot-ikot rito hindi ko mahanap ang margarine. Nakakainis, bakit kasi puro number lang ang nakasabit sa shelve section.

I was busy scanning sa listahan nang may bumunggo sa'kin.

"I'm sorry/I'm sorry" sabay naming saad.

Nahulog naman ang bitbit niya kaya agad ko siyang tinulungan.

"Pasensya ka na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko" saad ko sabay abot ng bottle water sa kanya.

"It's fine, tagalog ka pala, ako nga rin 'di tumitingin. Are you alright?" tanong niya sa'kin.

"Okay lang ako. Bakit wala kang basket? Pinahirapan mo pa sarili mo sa pagbitbit niyan" saad ko sabay tawa.

"Eh kasi akala ko tatlong items lang bibilhin ko napadami tuloy kuha ko" saad niya sabay tayo. Tumayo na rin ako.

"Kumpleto na ba yang dala mo?" Tanong ko.

"Oo salamat." Ani niya sabay ngiti sabay labas ng dalawang dimples niya. I smiled back and we parted pero muntik ko nang makalimutan yung margarine!

"Ah sandali!" tawag ko sa kanya napatigil naman siya't nilingon ako.

I approached him at tinanong kung saan niya nakuha ang margarine na dala niya.

Tumawa muna siya at sinabing, "akala ko hihingin mo number ko." Wait what? "four shelves from here diyan ko nakuha 'to." He continued.

"Oh, thanks" saad ko at nagpaalam na sa kanya.

Gaya ng tinuro niya nakita ko na rin sa wakas ang hinahanap ko I get five pieces paborito ko kasi ito, saka pumunta na sa counter.

I double check my items habang naghihintay matapos ang unang nakapila sa counter nang may nagsalita...

"Hi Miss margarine." Saad niya sabay ngisi.

"Oh? Akala ko kanina ka pa tapos?" tanong ko sa kanya.

"Wow andami mong kinuhang margarine ah." Saad niya ignoring my question.

"May paggagamitan kasi ako nito." Sabi ko nalang.

"Sir five hundered sixty two and seventy five centavos tanan(all)." Sabat nung cashier. Oo nga pala bisaya pala language nila rito.

"Dara Miss oh(Heto na Miss)." Ani niya sa cashier sabay abot ng pera.

"Naiintidahan mo?" tanong niya sakin pero umiling lang ko at tumawa na naman siya.

Matapos ibalot ng bagger ang pinamili niya ako na ang susunod.

"Una na ako sa'yo Miss Margarine." Saad niya sakin.

Tumango lang ako at sinabing, "Sarah ang pangalan ko hindi margarine."

"Okay margarine!" aba't! Inulit pa talaga niya bago umalis sa harapan ko.

Pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko dumeritso na agad ako sa pharmacy at bumili ng mga kakailanganing gamot for emergency.

Pagkatapos sumakay na ako ng cab.

"Para asa ta maam?(Saan po tayo ma'am?)" tanong nung driver sakin.

"I'm sorry?" Tanong ko sa kanya 'di ko kasi maintindihan.

"Ay Americana man diay ni. (Ay Americana pala ito.)" Sagot niya.

"Manong taga manila po ako. Sorry kung 'di ko kayo maintindihan." Sabi ko sa kanya.

"Ay! Sorry ma'am akala ko kasi Americana ka. Blonde kasi buhok mo't kulay green mata mo." Saad niya sabay kamot ng ulo.

"Okay lang po yun manong sa may Maribago Karancho Beach po tayo." Saad ko sa kanya at pumasok na sa loob ng taxi.

Makalipas ang ilang minuto nakarating narin kami at iniabot ko na kay manong driver yung pamasahe ko saka bumaba.

Nabitawan ko ang mga dala kong groceries dahil sa lalaking nakatayo ngayon saking harapan.

"Sarah..." He uttered.

"Floyd..." Saad ko nang makabawi ako.

I was dumbfounded when he suddenly hugs me.

"God I miss you so much." Pabulong niyang saad.

Pero agad ko siyang tinulak papalayo sa'kin at sinabing, "papano mo ko nahanap? Hindi ka na dapat pumunta pa rito."

"I know everything Sarah at hindi ako galit sayo kahit pa nagsinungaling ka sa'kin." He said.

"Stop calling my name. You can't change the fact na niloko kita. Kaya please layuan mo na ako at bumalik kana sa Manila." Saad ko at akmang tatalikuran na sana siya ng bigla na naman niya akong yakapin mula sa likuran ko.

"Please don't do this. Wag mo kong ipagtulakan Sarah." He begged. I feel he's sincere.

Marahas akong kumalas sa yakap niya at humakbang nang bigla niya akong hilahin paharap at hinalikan sa labi.

Nanlaban ako sa kanya pero sadyang malakas siya. I don't know what's happening to me but I responded to his kisses. Oo, inaamin ko namiss ko na rin ang mokong 'to walang araw at oras na hindi ko hiniling na makakita't makasama siya. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-iyak.

"Shh... It's fine I'm here. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtulakan hindi ako papayag na malayo sa'yo." He said and hug me.

"I miss you and I love you." Saad niya na nagpatigil sa tibok ng puso ko at kumalas ako sa kanya.

"Anong sabi mo?" I asked him. Nabibingi na yata ako.

"I said I love you, gusto mo ba halikan kita ulit para maniwala ka?" Saad niya sabay smirk.

"Gago." I said smiling.

"Tsk, tsk. Nahawa ka na sa kapatid mong pala mura." He chuckled.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang sabihin niya yun. Kamusta na kaya ang kapatid ko?

"I'm sorry. I guess hindi pa kayo nagkakaayos." He said tas hinawakan ang mga kamay ko. Kanina pa nananantsing ang isang 'to!

"It's fine. Pumasok muna tayo sa loob I bet you just arrived from airport may dala ka pang bagahe." I said sabay tawa.

Napakamot naman siya nang ulo at sinabing, "di ba halatang miss na miss kita?" then he smiled sheepishly. "Akin na yang pinamili mo? Ano ba mga ito?" tanong niya saka kinuha ang mga dala ko at sabay na kaming pumasok ng resort.

~Thanks for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com